SG_FPL-11_12-Q1-0301_Kahulugan-Layunin-at-Gamit-ng-Abstrak PDF

Summary

This document is a Filipino subject unit on writing abstracts. It contains questions regarding the unit and examples of how to write abstracts. It is for senior high school, but there is no mention of an exact year or board.

Full Transcript

Yunit 3: Pagsulat ng Abstrak Aralin 1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak Nilalaman Pansinin 1 Panimula 1 Mga Layunin 2 Tuklasin 2 Alamin...

Yunit 3: Pagsulat ng Abstrak Aralin 1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak Nilalaman Pansinin 1 Panimula 1 Mga Layunin 2 Tuklasin 2 Alamin 4 Kahulugan ng Abstrak 5 Layunin at Gamit ng Abstrak 7 Palawakin 10 Gawain 1 10 Gawain 2 11 Suriin 12 Paglalahat 15 Bibliyograpiya 16 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak Pansinin Panimula Lar. 1. Bawat larawan ay may iba’t ibang nais ipagpakahulugan. Ang pagsulat ay parehong gawaing kognitibo at saykomotor, ngunit pangunahing nililinang ay ang gawaing kognitibo. Ang isipan ng manunulat o may-akda ang nagluluwal ng iba’t ibang anyo ng kaalaman at iba’t ibang mukha ng danas mula sa mga kaalamang ito. Kasama rito ang kaalamang pangwika na isang nagiging mahalagang pangangailangan din upang maisakatuparan ang nais ng pag-iisip. Kaya naman, ang pagsulat ay maituturing na isang masalimuot na gawain sapagkat humihingi ito ng isang tiyak na lawak at katiyakan upang matagumpay na maihatid ang mga kaalaman sa mambabasa. Maihahalintulad ang pagpinta sa pagsulat dahil hindi lamang ang imahinasyon ang gumagana sa isang pintor kung hindi ang kaniyang malikhaing mga kamay upang magkaroon ng kulay at guhit ang isang canvass. 1 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak Mga Layunin Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang natutukoy ang abstrak bilang akademikong sulatin ayon sa kahulugan, layon, at gamit; nailalapat ang kakayahan sa pagbabalangkas sa pagbuo ng abstrak; at nakasusulat nang mahusay na abstrak mula sa napiling papel-pananaliksik. Kasanayang Pampagkatuto ng DepEd nakikilala ang iba't ibang uri ng akademikong sulatin, gaya ng abstrak ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian, at (d) Anyo (CS_FA11/12PN-0a-c-90) Tuklasin 5 minuto Suriin ang bawat talata na nasa talahanayan. Humanap ng katambal upang maging katuwang sa pagsuri sa dalawang talata. A B Ang Etsa-Puwera ay isang nobelang isinulat ni Ang nobelang Etsa-Puwera na isinulat ni Jun Cruz Reyes na nagkamit ng karangalan Jun Cruz Reyes na inilathala ng University bilang Centennial Literary Prize taong of the Philippines Press taong 2000 ay 1898–1998. Itinuturing itong isang aklat salaysay ng pagbabalik-tanaw ni Ebong sa pangkasaysayan sapagkat itinatampok nito kaniyang pinagmulan. Isiniwalat ng ang maraming tala sa kasaysayan kasama nobela ang kalagayan ng kaniyang ang ilang mga talang masasabing hindi pamilya, mula sa ninuno nito, bilang mga naituturo sa mga payak na klase sa isinasantabi sa lipunan. Ito ang kuwento kasaysayan. Pinamagatan itong Etsa-Puwera dahil sa katangian nito na maipakilala ang ng paghahanap ni Ebong sa kaniyang mga naisantabi sa kasaysayan ng bansa. sarili mula sa kasaysayan hanggang sa kasalukuyan. 2 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak Mga Gabay na Tanong 1. Mula sa mga talata ng nobelang Etsa-Puwera, ano-ano ang kapansin-pansing katangiang tinataglay ng mga ito? Magtala ng dalawa hanggang tatlong katangian. 2. Gamit ang mga katangiang naitala, maituturing bang kabahagi ang mga ito sa mga halimbawa ng akademikong sulatin? Talakayin. 3. Sa pagtataya ng mga katangiang iyong naitala, paanong higit na nakatutulong ang dalawang talata sa pagpapataas ng interes ng mga mambabasa sa nobela ni Reyes? Talakayin. 3 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak 4. Sa paanong paraan malilinang ang kakayahan ng isang indibidwal sa pagsulat ng mga akademikong sulatin gamit ang paglalahad at paglalarawan ng mga kaalamang nakapaloob sa teksto? Ipaliwanag. Alamin Maraming halimbawa ng akademikong sulatin. Ang mga kaalaman at kasanayan kaugnay sa pagbuo ng akademikong sulatin ay makatutulong sa paglikha ng mga sulating angkop sa tiyak nitong gamit (Villanueva at Bandril, 2016). Isa sa mga uri nito ay ang abstrak. Ano ang silbi ng pagsasanay sa pagsulat ng abstrak sa paglinang ng kasanayang kognitibo ng isang manunulat? Kahulugan ng Abstrak Ang abstrak ay maikling lagom ng isang pananaliksik, tesis, rebyu, daloy ng kumperensiya, o anumang may lalim na pagsusuri ng isang paksa o disiplina. Sa madalas na pagkakataon ay tinutulungan nito ang mga mababasa na madaling matukoy ang layunin ng pag-aaral. Ito ay matatagpuan sa unang bahagi ng manuskrito (Villanueva at Bandril, 2016). Ayon sa The American Heritage® Dictionary of the English Language, Ikalimang Edisyon (2020), ang salitang abstrak ay mula sa salitang Latin na “abstrahere” na ang ibig sabihin ay “to draw 4 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak away,” “pull something away,” o “extract from.” Samakatwid, ang pagsulat ng abstrak ay pagsulat ng panibagong sulatin na tumutugon sa isang namamayaning sulatin —matagumpay na saliksik o pag-aaral. Pinatutunayan lamang ng etimolohiya ng abstrak na ito ay isang gawaing pagsulat na nakatuon sa paglalagom ng (mga) pinal na papel o mga sinaliksik at pinalawak na paksang pinag-aralan. Inilalahad ng abstrak ang masalimuot na datos sa pananaliksik at mga pangunahing metodolohiya at resulta sa pamamagitan ng paksang pangungusap o kaya ay isa hanggang tatlong pangungusap sa bawat bahagi (Constantino at Zafra, 2016). Ito ay madalas na nababasa sa unahang bahagi ng pag-aaral. Ayon kay Philip Koopman (1997), bagaman ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksiyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at kongklusyon. Lar. 2. Paglalarawan sa pagsulat ng abstrak, halaw sa mga konseptong tinalakay nina Villanueva at Bandril (2016) 5 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak Ano ang pangunahing ambag ng paglilinang sa pagsulat ng abstrak sa pagpapaunlad ng sarili? Katangian ng Abstrak Ayon kina Villanueva at Bandril (2016), ang sulating abstrak ay nagtataglay ng sumusunod na katangian: Ang haba ng abstrak ay nagbabago ayon sa disiplina at kahingian ng palimbagan. Karaniwan na ang haba ay mula 100 hanggang 500 salita pero bihirang humigit sa isang pahina at may pagkakataong ilan lamang ang pananalita. Gumagamit ito ng wikang nauunawaan ng lahat bilang pagtugon sa lawak ng target na mambabasa. Naglalaman ito ng apat na mahalagang elemento sa natapos na gawain: ○ ang tuon ng pananaliksik; ○ ang metodolohiya ng pananaliksik; ○ ang resulta o kinalabasan ng pananaliksik; at ○ ang pangunahing kongklusyon at mga rekomendasyon. Naglilista ng mahahalagang konsepto o key terms upang magsilbing gabay ng mambabasa sa mabilis na pag-unawa sa nilalaman ng isang pag-aaral. Ang abstrak ay madalas na lohikal ang pagkakaayos at may kaugnayan sa kaligiran, introduksiyon, layunin, metodolohiya, resulta, at kongklusyon. Tinatawag din itong nirestrukturang abstrak. Ang mga abstrak naman na binubuo ng isang talata na hindi gumagamit ng mga kaugnay na paksa ay tinatawag na di-nirestrukturang abstrak. 6 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak Tip Maging maingat sa pagsulat ng abstrak. Maituturing man itong isang paglalagom ngunit ito ay sakop pa rin ng batas sa copyright o ang plagiarism. Kaya naman, mahalaga na wastong masipi ang pinagmulan ng mahahalagang konsepto ng pag-aaral na babanggitin sa abstrak (gaya ng teorya, mga dulog at lapit, at iba pa). Layunin at Gamit ng Abstrak Ang akademikong literatura ay gumagamit ng abstrak sa halip na kabuuan ng komplikadong pananaliksik. Maraming samahan ang gumagamit nito bilang batayan sa pagpili ng pananaliksik na iminumungkahi para sa presentasyon sa paraang poster, pasalitang paglalahad o paglalahad para sa palihan sa mga akademikong kumperensiya (Villanueva at Bandril, 2016). Narito ang naitalang mga layunin at gamit ng pagsulat ng abstrak halaw sa artikulo mula sa University of Melbourne na “Writing an Abstract: Understanding and Developing Abstracts” (2010): Pamimili. Ito ay nagsisilbing gabay ng mambabasa upang mapadali ang kaniyang paghahanap ng kinakailangang datos mula sa isang sinaliksik na papel. Ito rin ay nagiging pamantayan ng pagpapasya ng mambabasa sa kagustuhang mabasa ang kabuuan ng papel. Kakayahang Magsuri. Una, natututo ang mga mananaliksik na maging maingat sa pagkuha ng impormasyon para sa lagom. Iniiwasan ng isang mananaliksik ang maging maligoy sa paglalahad ng kaniyang paksang sinasaliksik. Ikalawa, nagiging mapanuri ang mga mambabasa sa nilalaman ng pinal na papel. 7 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak Indexing. Sa kasalukuyan, karamihan sa akademikong journal ay gumagamit na ng database na nagiging batayan ang nilalaman ng abstrak upang mabilis na mahanap sa archives ang kailangang papel. Nakatutulong din dito ang mga susing salitang inilalagay sa ibaba o sa pagtatapos ng abstrak. Pangangailangang Akademiko. Madalas, ito ay nagiging akademikong pangangailangan sa pagsuri at pagsulat ng mga pamanahong papel, tesis, at disertasyon. Tumutulong ito sa mabilis na paglalahad ng kaluluwa ng pinal na papel. Publikasyon. Ang pagsulat ng abstrak ay nagsisilbing kasangkapan ng mga propesyonal sa iba’t ibang larang upang mapaunlad ang kasanayan at karanasang pampananaliksik. Nagsisilbing pangunahing pangangailangan ang abstrak na natapos na o ang kasalukuyang pag-aaral upang ilahad ito sa mga kumperensiya at/o forum, mailathala sa iba’t ibang research journals, o para sa research grants. Tandaan Hindi maaaring paghiwalayin ang pagsulat at kognisyon. Ang isip ang pinagmumulan ng proseso ng kognisyon. Samakatwid, magkatambal ang pagsulat at pag-iisip. Nakapaloob sa pag-iisip ang kalipunan ng kaalaman buhat sa biyolohikal at kaalamang idinulot ng karanasan. Taglay rin ng lawak ng pag-iisip ang imahinasyon na pangunahing sangkap sa pagpapalawak ng isang uri ng sulatin. Pinabibisa pa ito ng tamang gamit ng salita, kataga, ekspresyon, at kalipunan ng pangungusap na binuo ng kaisipan ng isang tao (Villanueva at Bandril, 2016). 8 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak Halimbawa: Pambansang Wika at Isyu ng Intelektuwalisasyon Halaw sa binuong Abstrak ni Kyle Jharry D. Santos Abstrak Tinatalakay sa artikulong ito ang isyu ng wikang Filipino bilang midyum ng intelektuwalisadong wika. Mula rito ay ibinubukas ang suliranin sa pagtatalaga ng wikang Filipino bilang wika sa iba’t ibang larangan sa dahilang hindi nito kayang lumikha ng mga panumbas sa teknikalidad ng mga disiplinang ito. Dagdag pa ang katangian nitong tumatanggap sa iba’t ibang wikang banyagang hindi rin kayang tumbasan ng wika at sa mga isipang nakasandal sa kolonyalismo. Kung kaya, humantong ang pagtalakay sa pagpapatibay na ang akademya lamang ang nakauunawa sa mga kaalaman ng iba’t ibang larangan at ng wika. Ang pagsangguni sa “Sikolohiyang Pilipino” ang naging tanging daan upang mailapat sa lokalidad ng bansa ang mga kanluraning teorya. Sa huli, binibigyang-diin ang mahalagang gampanin ng akademya at mga palaaral o dalubhasa. Tungkulin ng akademya ang mapalawak at mapalalim ang kaalamn, habang ang mga palaaral at dalubhasa ang naglalapat at naglilinang sa ideolohiya ng lipunan. Mga susing salita: wika, intelektuwalisasyon, intelektuwalisadong wika, Sikolohiyang Pilipino, ideolohiya Tandaan Bawat larangan na pagmumulan ng akademikong sulatin ay mayroong tiyak na terminolohiya o register ng wika. Kaya naman, ang pangangailangan sa pagsulat ng abstrak ay nakasandig sa kahilingan ng isang disiplina o larangan. Ang pagsulat ng abstrak ay kabahagi sa paglilinang ng kasanayan sa pagsulat at pag-iisip. Samakatwid, mahalaga na nakasandig ang magsusulat sa nilalaman ng papel na paglalaanan ng abstrak. 9 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak Palawakin Gawain 1 Pumili ng isang pag-aaral o papel. Basahin at unawain ang nilalaman nito. Gumawa ng balangkas batay sa paksang tinalakay. Pumili lamang ng isang paraan ng pagbabalangkas. Gamitin ang modelong balangkas na nasa loob ng kahon. PAKSA I. ____________________________________________________________________________________ A. _____________________________________________________________________________ 1.1. _________________________________________________________________________ B. _____________________________________________________________________________ 1.1. _________________________________________________________________________ C. _____________________________________________________________________________ 1.1. _________________________________________________________________________ II. ____________________________________________________________________________________ A. _____________________________________________________________________________ 1.1. _________________________________________________________________________ B. _____________________________________________________________________________ 1.1. _________________________________________________________________________ C. _____________________________________________________________________________ 1.1. _________________________________________________________________________ 10 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak Gabay sa Pagsagot Maging mapanuri sa pagtatala ng mahahalagang ideya ng pag-aaral. Bigyang-pansin ang pangunahing kaisipan, suliranin, pamamaraan, resulta, at kongklusyon. Mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa bokabularyo at malawak na kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino. Maging maingat sa mga salitang teknikal, gamitin ang wastong salin o katumbas ng banyagang salita sa wikang Filipino. Kung sakaling walang mahanap na katumbas, panatilihin ang orihinal na estruktura ng salita. Gawain 2 Mula sa binalangkas na teksto, sumulat ng abstrak. Mahalagang mabigyang-tuon ang pangunahing kaisipan, suliranin, pamamaraan, resulta, at kongklusyon. 11 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak Gabay sa Pagsagot Tungo sa mahusay at matagumpay na sulatin, maging matapat sa katangian ng sulating abstrak batay sa paksang tinalakay. Mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa talasalitaan at malawak na kaalaman at kasanayan sa paggamit wikang Filipino. Maging maingat sa mga salitang teknikal, gamitin ang wastong salin o katumbas ng banyagang salita sa wikang Filipino. Kung sakaling walang mahanap na katumbas, panatilihin ang orihinal na estruktura ng salita. Suriin A. Sagutin ang sumusunod, ipaliwanag gamit ang sariling pangungusap. 1. Ano ang pangunahing gamit ng pagsulat ng abstrak sa mambabasa? Ipaliwanag. 2. Ano ang pangunahing gamit ng pagsulat ng abstrak sa manunulat o mananaliksik? Ipaliwanag. 12 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak 3. Bakit ang pagsulat ng abstrak ay isang kognitibo at saykomotor na gawain? Talakayin. 4. Paanong nagagawang makatugon ng isang komprehensibong abstrak upang maunawaan ang kabuuan ng isang papel-pananaliksik? 5. Gaano kahalaga ang pagbabalangkas upang makabuo ng isang komprehensibong balangkas? Talakayin. B. Sagutin ang sumusunod, ipaliwanag sa sariling pangungusap. 1. Ano ang maaaring mga kainaman at di-kainaman sa pagkakaroon ng abstrak ng isang natapos at/o napagtagumpayang papel o pag-aaral? Talakayin ang bawat isa. 13 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak 2. Ano ang pangunahing ambag ng pagsasanay sa pagsulat ng abstrak sa susunod na mga pagsasanay sa iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin? 3. Ano ang maaaring maging mga balakid sa pagsulat ng abstrak para sa isang natapos at/o napagtagumpayang papel o pag-aaral? Talakayin ang bawat isa. 4. Sa paanong paraan napatataas ng pagsasanay sa pagsulat ng abstrak ang antas ng kognisyon ng isang tao? Talakayin. 14 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak 5. Paano nagiging mabisang kasangkapan ang kasanayan sa pagsusulat ng abstrak sa proseso ng pagsasaliksik? Paglalahat ___________________________________________________________________________________________ Ang abstrak ay isang maikling lagom na madalas ginagamit sa halip na basahin kaagad ang kabuuan upang mapadali ang pagtukoy sa layunin ng isang papel. Ito ay madalas na matatagpuan sa unahan ng saliksik. Ito ay may tiyak na haba na nagbabago ayon sa disiplina o larangan at kahingian ng palimbagan. Ang pagsulat ng abstrak ay kabahagi sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat at pag-iisip. Samakatwid, mahalagang nakasandig ang manunulat sa nilalaman ng papel na paglalaanan ng abstrak. ___________________________________________________________________________________________ 15 Yunit 3.1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak Bibliyograpiya Batnag, Aurora E., Pamela C. Constantino, at Galileo S. Zafra. Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Lungsod ng Maynila: Rex Bookstore, 2016. Dela Cruz, Mar Anthony Simon. Ang Etsa-Puwera sa mga Akda ni Jun Cruz Reyes / The Noble and the Mad: The Marginalized in the Work of Jun Cruz Reyes. Lungsod ng Maynila: Malay, 2014. Ki. ”Abstrak – Ang Kahulugan Ng Abstrak At Mga Dapat Gawin Dito.” Philnews.com. January 22,2020 nakuha sa https://philnews.ph/2020/01/22/abstrak-ang-kahulugan-ng-abstrak-at-mga-dapat-ga win-dito/ noong Marso 21, 2020 Reyes, Jun Cruz. Etsa-Puwera. Diliman, Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press, 2000. Villanueva, Voltaire M. at Lolita T. Bandril. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan. Araneta Ave., Lungsod ng Quezon: Vibal Group, Inc., 2016. 16

Use Quizgecko on...
Browser
Browser