Outline (Abstrak, Sinopsis, Bionote) PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

College of San Benildo – Rizal Foundation, Inc.

Tags

filipino academic writing abstracts summaries

Summary

This document outlines the Filipino academic writing techniques, including creating an abstract, synopsis, and bionote. Covers important aspects of Filipino academic summaries for school students.

Full Transcript

COLLEGE OF SAN BENILDO – RIZAL FOUNDATION, INC. SENIORHIGHSCHOOL DEPARTMENT Sumulong Highway, Antipolo City School Year 2024-2025 Unang Markahan...

COLLEGE OF SAN BENILDO – RIZAL FOUNDATION, INC. SENIORHIGHSCHOOL DEPARTMENT Sumulong Highway, Antipolo City School Year 2024-2025 Unang Markahan Filipino sa Piling Larang (Akademik) Panuto: Basahin ang mga impormasyon sa ibaba. 1.ABSTRAK Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel. Madalas itong makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat at kadalasang bahagi rin ng isang tesis o disertasyon. Naglalaman ito ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat. Ayon kay Koopman (1997) sa kanyang aklat na "How to Write an Abstract", bagama’t ang abstrak ay maiklli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksiyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at kongklusyon. Naiiba ito sa kongklusyon sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat. Katangian ng Abstrak Binubuo ng 200-250 na salita. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel Nauunawan ng target na mambabasa. Pangungusap na simple, nakatayo bilang isang yunit ng impormasyon at madalingintindihin. Kumpleto ang mga bahagi. Bahagi ng Abstrak Panimula Metodolohiya Resulta Konklusyon. Uri ng Abstrak 1. Deskriptibong Abstrak Ito ay maiksi lamang na uri ng sulatin. Binubuo lamang ito ng isang daan o kulang isang daan na mga salita. kinapapalooban ito ng kaligiran, layunin, at tuon ng papel. 2. Impormatibong Abstrak Marami sa mga abstrak na sulatin ay impormatibo ang uri. Halos lahat ng elemento ng abstrak na sulatin ay napaloob sa impormatibong uri. Detalyado at malinaw ang mga inpormasyon na makikita sa babasahing ito. ito ay mahaba kumpara sa deskriptibong abstrak. binubuo ng halos 200 o 250 pang salita. Ang bahagi nito ay... kaligiran, layunin, tuon, metodolohiya, resulta, at konklusyon. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Abstrak Lahat ng mga detalyeng ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel. Iwasan ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan upang humaba ito. Gumamit ng simple, malinaw, at direktang pangungusap. Iwasang maging maligoy sa pagsulat nito. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito. Gawing maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa. Mga hakbang sa pagsulat ng Abstrak 1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel na gagawan ng abstrak. 2. Isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at konklusyon. 3. Buoin gamit ang talata, ang mga kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel. 4. Iwasang magsalaysay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan. 5. Basahin muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipan na dapat isama rito. 6. Isulat ang pinal na sipi nito. Panuto: Basahin ang mga impormasyon sa ibaba. 2. SINOPSIS/BUOD isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, parabola, nobela, at iba pang anyo ng panitikan. Ang buod ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ilang pangungusap lamang at maibuod ito gamit ang sariling salita. Layunin nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda at makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng isang sulatin kaya nararapat lamang na payak ang mga salitang gagamitin. sa pagkuha ng detalye ay mahalagang matukoy ang mga sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? at Paano? Magiging madali ang pagsulat ng buod gamit nito. Iwasan din ang magbigay ng sariling pananaw at maging obhetibo sa pagsulat ng isang sinopsis o buod. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Sinopsis/Buod 1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito. 2. Isulat batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa akda ay masaya, dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin. 3. kailangan mailahad dito ang pangunahing tauhan maging ang kanilang gampanin at suliraning kinaharap. 4. Gumamit ng angkop na pang-ugnay sa paghabi sa mga pangyayari sa kwento. 5. Tikaying wasto ang gramatika,pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat. 6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda. Mga hakbang sa pagsulat ng Sinopsis/Buod 1. Basahin ang buong akda at unawaing mabuti upang makuha ang buong kaisipan nito. 2. Suriin at nahapin ang pangunahin at hindi pangunahing kaisipan. 3. Habang nagbabasa, magtala at magbalangkas. 4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon ang isinusulat. 5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal. 6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod. Panuto: Basahin ang mga impormasyon sa ibaba. 3. BIONOTE Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa personal profile ng isang tao. Kumpara sa pagsulat ng isang talambuhay o kathambuhay ay higit na mas maikli ang bionote. Ginagamit ito sa paggawa ng bio-data o resume na kung saan ipinapakilala ang sarili para sa propesyonal na layunin maging sa mga social network o digital communication sites tulad na blog, sa bahaging “ Tungkol sa Iyong sarili”. Ayon kina Duenas at Sanz (2012), sa aklat nilang Academic Writing for Health Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, web sites, at iba pa. layunin ng bionote na maipakilala ang sarilii sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng Bionote 1. Sikaping maisulat lamang ito ng maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume kailangan na maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin sa networking site , isulat ng 5 hanggang 6 na pangungusap. 2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa iyong buhay. Detalye tungkol sa iyong interes. Isulat din ang mga tagumpay na nakamit, kung ito ay marami piliin lamang ang 2 o 3 pinakamahalaga. 3. Isulat ito gamit ang ikalong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito. 4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng payak na salita upang madali itong maunawaan at makamit ang tunay na layunin nito na maipakilala ang iyong sarili. Tandaan ito ay paglalarawan kung sino at ano ka. 5. Basahin muli at muling isulat ang pinal na sipi. Maaring ipabasa muna sa iba upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito. Sanggunian: Baisa-Julian, A., & Lontoc, N. (2017). Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang (Akademik).Phoenix Publishing House,Inc. Coleta, P. G. (n.d.). Filipino 11 Akademikong Pagsulat (Abstrak). www.academia.edu. https://www.academia.edu/38181638/Filipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak_ Kahulugan Ng Abstrak. (n.d.). Scribd. https://www.scribd.com/document/434530811/Kahulugan-Ng-Abstrak A&Nblogs. (2018, October 14). Abstrak (Impormatibo at Deskriptibo). A&Nblogs. https://akademikongpagsulatcom.wordpress.com/2018/10/14/abstrak-impormatibo-at-deskriptibo/

Use Quizgecko on...
Browser
Browser