PERSONAL DEVELOPMENT Tagalog Notes PDF
Document Details
Uploaded by EverlastingElegy7082
Tags
Related
- Chapter 4: Strengths and Weaknesses of the Filipino Character PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan, Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa - PDF
- Rizal's Family, Childhood, and Early Influences PDF
- Self-Awareness and Values Development PDF
- Filipino Values and Traits PDF
- Self-Awareness (Lesson # 3) PDF
Summary
These are Tagalog notes on public speaking and essay writing, covering different types of speeches and essay structures. The notes outline key elements for successful communication and expression.
Full Transcript
# FILIPINO ## Ang Pagtatalumpati Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Maipapakita rito ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw at pangangatwiran sa isang partikular na paksang pinag-uusapan. Ang talumpati ay kadalasang pi...
# FILIPINO ## Ang Pagtatalumpati Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Maipapakita rito ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw at pangangatwiran sa isang partikular na paksang pinag-uusapan. Ang talumpati ay kadalasang pinaghahandaan bago bigkasin sa harapan ng tao kahit pa man ito'y biglaan. ## Mga Uri ng Talumpati: 1. **Biglaang Talumpati** - Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. 2. **Maluwag na Talumpati** - Isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda. Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan. 3. **Manuskrito** - Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbesyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. 4. **Isinaulong Talumpati** - Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. ## Huwaran sa Pagbuo ng Talumpati 1. **Kronolohikal na Huwaran** - ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon. 2. **Topikal na Huwaran** - ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa panguanhing paksa. 3. **Huwarang Problema-Solusyon** - kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpat gamit ang huwarang ito. ## Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati Ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na mahusay, komprehensibo at organisado ang bibigkasing talumpati. 1. **Introduksyon** - Ito ang pinakapanimula. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. Ang mga sumusunod na katangian sa isang mahusay na panimula: * mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig. * maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa. * maipaliwanag ang paksa 2. **Diskusyon o Katawan** - Dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalgang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati. ## Mga Katangiang Taglayin ng Katawan sa Talumpati * **Kawastuhan** - Tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat na totoo at maliwanag nang mabisa ang lahat ng detalye. * **Kalinawan** - Kailangan maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig. * **Kaakit-akit** - Gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa. * **Katapusan o Kongklusyon** - Dito nakasaad ang pinaka kongklusyon ng talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati. * **Haba ng Talumpati** - Nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas. ## Sanaysay Sanaysay - ay isang anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin at kuro-kuro ng isang tao tungkol sa isang paksa. Maaari itong maging pormal o di-pormal depende sa tono at istilo ng manunulat. ## Repleksyon Repleksyon - Ang repleksyon ay isang proseso ng pagmumuni-muni o pagsusuri sa mga karanasan, damdamin, at iniisip ng isang tao. ## Replektibong Sanaysay Replektibong sanaysay - Ang replektibong sanaysay, o reflective essay sa ingles, ay isang uri ng sanaysay na patungkol sa mga isyu, opinion, karanasan, o pangyayaring naisusulat ng may-akda nang komprehensibo kahit na hindi masyadong pinag-aralan ang isang paksa o isyu. Nagbibigay din ito ng sariling opinion. ## Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay * **Panimula o Introduksyon** - ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain. Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa. * **Katawan** - Katulad ng maikling kuwento sa bahaging ito ay binibigyang-halaga ang maigting na damdamin sa pangyayari. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon at natutuhan. * **Wakas o Konklusyon** - Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay dapat mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito. Ang layunin ng repleksyong papel ay ipakita ang personal na pagsusuri at pagninilay ukol sa isang karanasan o paksa, at kung paano ito nakakaapekto sa mga pananaw at natutunan ng may-akda. Ginagamit ang repleksyong papel sa: * Akademikong Gawain * Karanasan sa Praktikum * Proyekto * Personal na Journal * Pagsasanay ## Tips sa Pagsulat ng Replektibong Papel (910) * **Mga Iniisip at Reaksyon (Maging Tapat)** I-replek ang iyong mga iniisip at damdamin tungkol sa karanasan o paksa. * **Buod (Ibigay ang Mahahalagang Punto)** Tiyaking na ilahad ang konteksto ng karanasan o aralin, nang hindi nagsasama ng hindi mahalagang detalye. * **Organisasyonv (Malinaw na Estruktura).** Siguraduhing may introduksyon, katawan, at konklusyon. Magkaroon ng lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideya at gamitin ang mga transition para sa maayos na daloy ng mga pahayag. ## B. Ang Pagsulat ng Replektibong Sanaysay 1. **Mga Iniisip at Reaksyon.** Kapag nagsusulat ng repleksyong papel hinggil sa literatura o karanasan, kailangang maitala ang iyong mga iniisip at reaksyon sa binasa o karanasan. Maaari mong ilahad at ipaliwanag ang iyong mga damdamin hinggil sa binasa o karanasan. 2. **Buod.** Hindi simpleng pagbubuod ng binasa o karanasan ang repleksyong papel. Ito ay isang malayang daloy ng mga ideya at iniisip. Ang ideya ng repleksyong papel ay makasulat ng isang sanaysay na naglalarawan ng mga reaksyon at pagsusuri ng isang binasa o iba pang karanasan, ngunit higit na pormal ito kaysa dyornal entri, kaya hindi angkop ang impormal na wika at anyo. 3. **Organisasyon.** Ang repleksyong papel ay kailangang maisaayos katulad ng iba pang uri ng pormal na sanaysay. Maglaan ng introduksyon, katulad halimbawa ng paglalarawan ng iyong mga inaasahan bago magbasa o gawin ang isang bagay. Ang katawan naman ng papel ay maaaring magpaliwanag sa mga kongklusyong nabuo mo at kung bakit at paano, batay sa mga konkretong detalye mula sa pagbabasa o karanasan. ## Mga Konsiderasyon sa Pagsusulat ng Replektibong Sanaysay * Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na kailangang gamitin. * Pagandahin ang panimulang bahagi. * Pagandahin ang panimulang bahagi. * Kinakailangan na malinaw na nailahad ng manunulat ang kaniyang punto upang lubusang mauunawaan ng mambabasa. * Suriin ng ilang ulit ang naisulat na repleksiyon. ## Hakbang sa Pagsusulat ng Replektibong Sanaysay * Pumili ng paksang nais mo. * Ilista ang lahat ng iyong naiisip o ideya tungkol sa paksa. Gamitin ang iyong mga inilista upang ika'y matulungang matalakay ito. * Magsagawa ng pagbabasa, pagsasaliksik o mag-isip pa ng mahahalagang bagay upang mapalawak ang kaalaman sa paksang napili. * Sumulat ng paunang burador. - magdagdag o magbura ng mga detalye kung kinakailangan. Sumulat ng paunang burador. Pumili ng paksang nais mo. Isulat ang unang rebisyon ng iyong sulatin. - Bigyangpansin ang panimula at pagwawakas ng talata. Suriin ang nirebisang sulatin upang matiyak ang baybay, bantas at ilan pang pagkakamali sa naturang sulatin. Isulat ang pinal na dokumento. ## Ang Pictorial Essay Ang pictorial essay ay tinatawag din ng iba bilang pictorial essay o photo essay. Ito ay isang kamangha-manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maiikling kapsyon kada larawan. Tandaan ding ang pictorioł essay ay kaiba sa picture story. ## B. Mga Katangian ng Mahusay na Pictorial Essay 1. **Malinaw na Paksa.** Kailangang pumili ng paksang mahalaga sa iyo at alam na alam mo. Hindi kailangang napakaengrande ng paksa. Maraming maliliit na bagay ang maaaring paksain ng isang mahusay na pictorial essay. 2. **Pokus.** Huwag na huwag lumihis sa paksa. Ang iyong malalim na pag- unawa, pagpapahalaga at matamang obserbasyon sa paksa ay mahahalagang sangkap turgo sa matagumpay na pictorial essay. 3. **Orihinalidad.** Higit na mainam kung ikaw mismo ang kukuha ng mga larawan. Maaari ring gumamit ng mga software ng kompyuter tulad ng Photoshop. 4. **Lohikal na Estruktura.** Isaaayos ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod. 5. **Kawilihan.** Ipahayag ang iyong kawilihan at interes sa iyong paksa. Gumamit ng mga pahayag na nagpapahiwatig na kinawiwilihan mo ang iyong paksa, nang kawilihan din iyon ng iyong mambabasa. 6. **Komposisyon.** Piliin ang mga larawang may kalidad ang komposisyon.lyong mga artistik na kuha, 'ika nga. Ikonsider ang kulay, ilaw at balanse ng komposisyon. 7. **Mahusay na Paggamit ng Wika.** lorganisa nang maayos teksto. Tiyaking ang teksto ay tumatalakay sa larawan. Sikapin din ang kawastuhang gramatikal sa pagsulat. ## C. Ang Paggawa ng Pictorial Essay 1. **Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda ng inyong guro.** Maaaring may parating na kaganapan sa inyong pamilya o sa inyong komunidad. 2. **Isaalang-alang ang iyong audience.** Sino ba ang titingin sa iyong mga larawan at magbabasa ng iyong sanaysay? Maaaring ang buong klase, okaya'y ang guro n'yo lang. 3. **Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa pagkakamit ng iyong layunin.** Maaaring ang layunin mo ay upang suportahan ang isang adbokasiya o kaya ay hikayatin ang mga mambabasang. 4. **Kumuha ng maraming larawan.** Maaari namang rebyuhin ang mga kuha.. sa digital camera o sa iyong cellphone. 5. **Piliin at ayusin ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod.** Katulad nga ng nabanggit na, kailangang may kawili-wiling simula, maayos na paglalahad ng katawan at kawili-wiling wakas. 6. **Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan.** Ang teksto ay kailangang nagpapalawig sa kahulugan ng larawan. Tandaang kailangang ma-enlighten ang mambabasa hinggil sa bawat larawan. ## Pagsulat ng Adyenda Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong. ## Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong 1. Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon: a.mga paksang tatalakayin b.mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa c.oras na itinakda para sa bawat paksa 2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag- uusapan ang mga ito. 3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan. 4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan. 5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong. ## Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda: 1. **Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at lugar.** 2. **Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.** Ipaliwanag din sa memo nasa mga dadalo, mangayaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan ito. 3. **Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala na o nalikom na.** Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong magpaliwanag at oras kung gaano katagal pag- uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay may kaugnayan sa layunin ng pulong. 4. **Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong.** Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin. 5. **Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.** ## Tuklasin ## Pagsulat ng Katitikan ng Pulong Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang mga napag-usapan o napagkasunduan. Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado, sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan,kompanya, o organisasyon na maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na pagpaplano at pagkilos. ## Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong 1. **Heading** - Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon,o kagawaran. Makikita ang petsa,lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong. 2. **Mga Kalahok o dumalo** - Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa tagapagdaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito. 3. **Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong** - Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito. 4. **Action items o usaping napagkasunduan** - Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay . Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong manguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito. 5. **Pabalita o patalastas** - Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito. 6. **Iskedyul ng susunod na pulong** - Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong. 7. **Pagtatapos** - Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong. 8. **Lagda** - Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite. ## Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang kumuha ng Katitikan ng Pulong Ayon kay Bargo (2014) dapat tandaan ng sinumang kumuha ng katitikan ng pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang - interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong. Sa halip, ang kanyang tanging gawain ay itala at iulat lamang ito. Napakahalaga na siya ay maging obhetibo at organisado sa pagsasagawa nito. Ayon kay Sudaprasert sa kanyang aklat ng English for the Workplace 3 (2014), ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang : 1. Hangga't maaari ay hindi participant sa nasabing pulong 2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong 3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong 4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong 5. Nakapokus o natuon lamang sa nakatalang adyenda ng pangkat 6. Tiyaking ang katitikang ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading 7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan 8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos 9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan 10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan ng pulong pagkatapos ng pulong ## Tatlong Uri/ Estilo ng Pagsulat ng Katitikan ng Pulong 1. **Ulat ng katitikan** – ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa. 2. **Salaysay ng katitikan** – isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng pulong.Ang ganitong uri ay maituturing na isang legal na dokumento. 3. **Resolusyon ng katitikan** -Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan.Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga sumang-ayon dito.Kadalasan mababasa ang mga katagang " Napagkasunduan na ... Napagtibay na.. ## Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong Ayon kay Dawn Rosenberg McKay, isang editor at may-akda ng "The Everything Practice Interview Book at The Everything Get-a-job Book, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago ang pulong, habang isinagawa ang pulong at pagkatapos ng pulong. ## Bago ang Pulong * Tiyaking handa ang lahat ng mga kagamitan bago magsimula ang pagpupulong tulad notbuk, papel,bolpen, lapatop,recorder * Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong. Maglaan ng sapat na espasyo para sa bawat paksa. ## Habang Isinagawa ang Pulong * Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa * Kilalanin ang bawat isa upang madaling matukoy kung sino ang magsasalita sa pulong. * Itala kung anong oras nagsimula ang pulong. * Itala ang mahalagang ideya o puntos. * Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang mga sumang-ayon,at ang naging resulta ng botohan. * Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan at pagdedesisyunan pa sa susunod na pulong. * Itala kung anong oras natapos ang pulong. ## Pagkatapos ng Pulong * Gawin kaagad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga tinalakay. * Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng kometi, uri ng pulong (buwanan, lingguhan), at maging ang layunin nito. * Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos. * Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong. Lagyan ng "Isinumite ni" kasunod ng iyong pangalan. * Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan pasa sa huling pagwawasto nito, * Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito. ==End of OCR for page 6==