RIZAL2.0 PDF
Document Details
Uploaded by UsableKnowledge7798
Tags
Summary
This document discusses the Rizal Law, a Philippine law mandating the inclusion of Jose Rizal's life and works in the curriculum of all public and private institutions. It also provides context on the historical and political context in the Philippines during the time of Rizal.
Full Transcript
RIZAL Rizal bill was as controversial as JR himself. The mandatory Rizal subject in the Phils. was the upshot of this bill which later became a law in 1956 SEN. JOSE P. LAUREL (Former Philippine President -1943-1945) Republic Act No.1425 Also known as Rizal Law approved in June 1...
RIZAL Rizal bill was as controversial as JR himself. The mandatory Rizal subject in the Phils. was the upshot of this bill which later became a law in 1956 SEN. JOSE P. LAUREL (Former Philippine President -1943-1945) Republic Act No.1425 Also known as Rizal Law approved in June 12,1956 is an act of mandating all public and private institutions including state colleges and universities to include Life and Works of Rizal as a course across programs Proponents of the Rizal Law 1425 It was written by Sen. Jose P. Laurel with a comprised (binubuo) version of House Bill no. 5561 which came out on April 19, 1956 in the House of Representatives and Senate bill no. 438 on April 3, 1956 by then Committee on Education, led by Cong. Jacobo Gonzales and Sen. Claro Recto Known as Noli- Fili Bill. The Rizal Law was Opposed by Senator Francisco Rodrigo, Senator Mariano J. Cuenco and Senator Decoroso Rosales. Senator Rodrigo was a former Catholic Action president while Senator Cuenco was the brother of an Archbishop. From the lower house, it was also opposed by Congressmen Ramon Durano, Jose Nuguid, Marciano Lim, Manuel Zosa, Lucas Paredes, Godofredo Ramos, Miguel Cuenco, Congresswomen Carnen Consing and Tecia San Andres Ziga. the Catholic Church Opposition suggested revise the version of Rizal’s novels but Recto explained: “ The people who would eliminate the books of Rizal from the schools would blot out from our minds the memory of the national hero. This is not a fight against Recto but a fight against Rizal” ( Ocampo, 2012, p.23). The Rizal Law aims to: 1. Rededicate the lives of youth to the ideals of freedom and nationalism, for which our heroes lived and died. 2. Pay tribute to our national hero for devoting his life and works in shaping the Filipino character; and 3. Gain an inspiring source of patriotism through the study of Rizal’s life, works, and writings. Why do we have to study his life? 1. It provides various essential life lessons. 2. The subject provides insight into how we deal with current problems. 3. It helps us understand better ourselves as Filipinos. 4. It teaches nationalism and patriotism. 5. It helps developing logical and critical thinking. 6. Rizal can serve as a worthwhile model and inspiration to every Filipino. 7. The subject is a rich source of entertaining narratives. ANG ESPANYA AT PILIPINAS SA PANAHON NI RIZAL KALAGAYAN NG ESPANYA NOONG IKA-19 SIGLO Ang panahon ng ika-19 na siglo ay panahon ng industriyalisasyon, pag-unlad ng siyentipikong kaalaman, radikal na pagbabago, pagdating ng iba't ibang karunungan at pagpapalaganap ng iba't ibang pulitikal na hangarin sa buong mundo. PAMAMAYAGPAG NG MGA BANSA SA EUROPA Sa kabila ng pamamayagpag ng mga bansa sa Europa na nagpapalawak ng kanilang emperyo gaya ng Britanya, Pransiya, Alemanya Amerika at iba pa, ang Espanya ay nanghihina at kabi-kabila ang nagaganap na pag-aalsa sa mga nasasakupang kolonya. Sa kabila ng sunod- sunod na pagkatalo at pagkalugi ng Espanya bunga ng mga digmaan ay nagpatuloy pa rin ang kanilang pananakop sa mga natira nilang kolonya kabilang na dito ang Pilipinas. Sa panahon ng pamumuno ni haring Ferdinand VII, namayani pa rin ang kaguluhan at ang kaliwa't kanang mga protesta, demonstrasyon at digmaan laban sa Pransya.Ang mga Spanish Guerillas na sinuportahan ng British army ay natalo sa madugong komprontasyon laban sa Pransya. Namatay si haring Ferdinand VII noong 1833, humalili sa kanyang trono si Isabela II, ang anak niyang babae.Tumangging kilalanin ng tiyuhin si Don Carlos si Isabela II, kaya nagkaroon ng Civil War mula 1833-1839. CIVIL WAR AT CARLITAS WAR Sa pamumuno ni Don Carlos ay nagpatuloy ang labanan sa pagitan ng Liberal Party (CARLITAS WAR ) na nais palitan ang sistemang pulitikal ng bansa bilang konstitusyunal laban sa Conservative party na nais panatilihin ang monarkiya. Sa Carlitas war namatay si Don Carlos. Ang mga kaguluhan at political struggle sa pagitan ng Republican at Liberal Party ay nauuwi sa tinatawag na Carlitas War. Naibalik ang monarkiya sa Espanya at pumalit bilang hari si Allfonso XII, anak ni Isabel II, ay pinatatag nang husto ang monarkiya at pinatalsik ang samahang Carlitas. Niyakap ng monarkiya ang ilang demokratikong prinsipyo kabilang na ang pagbabago ng konstitusyon at pagkakaroon ng eleksiyon. Gayundin ang resulta nang magkakaroon ng eleksiyon ay ang pananaltiling pabor ng mga mamamayan sa monarkiya.. Taong 1885 nang mamatay si King Alfonso XII na ang tanging naiwang tagapagmana ay isang sanggol. Sinamantala ng ministrong si Canovas del Castillo ang sitwasyon. Naghari harian siya at iniluklok ang sarili sa kapangyarihan. Pinayagan itong mangyari ang Liberal Party sa kasunduang magkakaroon ng dalawang administrasyon o ang tinatawag na Rotativism. Ang pagpapalitan ng kapangyarihan ay naganap sa paniniwalang ito lamang ang makapagligtas sa kaguluhan at pag-aagawan ng pulitikal na kapangyarihan ng dalawang kampo. ANG PAMAMAHALA NG ESPANYA SA PILIPINAS Ang Pilipinas ang higit na naapektuhan sa panahon ng kaguluhang kinasasangkutan ng Espanya sa buong mundo. Ang pagbagsak ng ekonomiyang Espanya ay nagdulot ng matinding kahirapan sa Pilipinas at mas malawakang paniniil at kalupitan sa mga Pilipino. Ang pagpapadala ng pinuno sa Pilipinas ay hindi dumaan sa tamang seleksiyon bagkus ay kung sino na lamang na tiwaling opisyal ang dumarating para pamunuan ang bansa. Hindi nagkaroon ng establisadong pamumuno sa Pilipinas dahil sa pagpapalit ng gobernador heneral sa loob lamang ng 1 hanggang 2 tao May pagkakataong hindi pa nakakarating sa Pilipinas ang bagong Heneral ay napalitan na ito ng iba. Dumagsa sa Pilipinas ang mga tiwaling opisyal na waring pinulot lang kung saan saan kaya tumindi ang pag aabuso at korapsyon sa pamahalaan. Nagpatuloy ang pagkakait ng pamahalaang Espanya na magkaroon ng representasyon sa Cortes ang mga Pilipino kaya nagpatuloy ang kawalan ng karapatang pantao sa mga Pilipino at hindi pagkakapantay pantay sa batas. Ang sapilitang paggawa ng mga Pilipino na tinatawag na POLO ay ipinatutupad parin at ang diskriminasyon ay umiiral pabor sa mga mayayaman at sa mga Kastila sapagkat nakapagbabayad sila ng FALLA upang makaiwas sa sapilitag paggawa. Nagpatuloy ang pagkakait ng pamahalaang Espanya na magkaroon ng representasyon sa Cortes ang mga Pilipino kaya nagpatuloy ang kawalan ng karapatang pantao sa mga Pilipino at hindi pagkakapantay pantay sa batas. Nanatili ang mga prayle sa kanilang paghari-harian, pagpapayaman at pagpapalawak ng mga lupain sa Pilipinas gaya ng Hasyenda. Dahil sa kawalan ng sapat na pagsasanay at kawalan ng disiplina ang mga tinyente at guwardiya sibil ay naging abusado art mapaniil. Pinairal ang ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagmamaltrato sa taong bayan, pagnanakaw ng mga ari arian at panggagahasa sa mga kababaihan. EDUKASYON SA PILIPINAS SA PANAHON NG ESPANYA Ang edukasyon sa Pilipinas ay patuloy na pinamunuan ng mga prayle. Nagpatuloy ang kanilang pananakot at paghari-harian sa pamamagitan ng paggamit ng salitang pananampalataya. Ipinagkaloob nila sa mga anak ng mga kastila na nasa Pilipinas ang magandang edukasyon at pagtrato. Kabaligtaran ito sa pagtrato nila sa mga Filipinona tinatawag nilang indio sapagkat pinanatili nila na may mababang katayuan at limitadong karunungan ang mga ito. Pinaniwala nila amg mga mag-aaral na Pilipino na wala silang kakayahan sa pamumuno bagkus ay nararapat lamang manatili sa manwal na paggawa. Kabilang sa diskriminasyong pinairal ng mga prayle ang hindi pagtuturo sa mga Pilipino ng wikang kastila at wikang latin upang hindi maunawaan ang mga librong nasusulat sa mga wikang ito. ANG PAGKAMULAT NG KAMALAYANG PILIPINO Ang industrialisasyon ay nagbunga ng pag-unalad ng tao sa pamamagitan ng paggamit ng makina, railroad o iba pang uri ng transportasyon at komunikasyon, mga aklat sa Pilosopiya, kasaysayan, sining, siyensya at iba't ibang siyentipikong kaalaman. Taong 1834, nabuksan ang Maynila sa pakikipagkalakalan sa buong mundo na sinundan ng Cebu, Legaspi, Zamboanga, Iloilo at iba pa. Nagresulta ito ng pag-unlad ng mercado, kalakalan at maging ang agrikultura. May Pilipino na umunlad ang kabuhayan ang iba ay nakapag-asawa ng Kastila o ng mga mestizo at mestiza at nagkaroon ng tinatawag na middle class sa Pilipinas. Nang buksan ang Suez Canal noong 1869, umikli ang rutang dinadaanan sa pagitan ng Europa at Pilipinas kaya't nagpuntahan sa Pilipinas ang mga Kastila at iba pang nasyonalidad na may kaisipang liberal. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan at pakikisalamuha sa iba' ibang uri ng mga tao, iba't ibang kaisipan at Political will na mababasa sa mga akalat pangkasaysayan ng Pransiya at Amerika, umusbong ang kalamayan ng mga Pilipino. Kabilang si Jose Rizal sa mga Pilipino na nagkaroon ng ganitong klase ng impluwesiya, oportunidad at karunungan. Simula pa sa kanyang kapanganakan ay may mga nagaganap ng tunggalian sa loob at labas ng Pilipinas. Sa kanyang paglaki ay nakita niya at namulat siya sa pananakop at paniniil ng pamahalaang Espanya sa mga Pilipino. Nakipagtunggali si Rizal sa pamamagitan ng karunungan at damdaming Makabayan upang makamtan ang Kalayaan. Doktor, manunulat, at repormista - ito ang ilan sa pagkakakilala natin sa Pambansang Bayaning si Jose Rizal. Sa kabila ng pagsulong niya ng mapayapang reporma noong panahon ng Kastila, naging inspirasyon siya at mga akda niya ng rebolusyon para sa kalayaan ng Pilipinas. Pinakamahalaga dito ang "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo," mga nobelang naglantad ng mapang-abusong pamamalakad ng mga dayuhan. Isa rin siya sa mga lider ng Kilusang Propaganda at tagapagtatag ng La Liga Filipina. Nang sumiklab ang himagsikan noong 1896, idiniin siya na nakibahagi dito at saka hinatulan ng kamatayan. Sa gabi bago siya barilin sa Bagumbayan, isinulat niya ang kanyang huling akda, ang tulang "Mi Ultimo Adios" o "Ang Huling Paalam." ANG PILIPINAS NOONG PANAHON NI RIZAL Noong panahon ni Rizal ang panunupil ng Espanya ay laganap na laganap. Naghihirap ang mga Pilipino. Naging biktima sila ng kawalang katarungan. Ilan sa kasamaan ng Espanya ay ang mga sumusunod: 1. Di matatag na administrasyong kolonyal 2. Mga tiwaling opisyal 3. Kawalan ng representasyon ng Pilipinas sa Cortes ng Espanya 4. Pagkakait ng mga karapatang pantao sa mga Pilipino 5. Kawalan ng pagkakapantay-pantay sa mata ng batas 6. Tiwaling pagpapatupad ng Sistema sa hustisya 7. Diskriminasyon ng mga lahi 8. Paghahari ng mga prayle 9. Sapilitang paggawa (Polo) 10. Pag-aari ng mga prayle sa mga asyenda SINO NGA BA SI JOSE RIZAL? Doctor, makata, mandudula, mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor, edukador, lingwista, musiko, naturalista, ethnolohista, agremensor, inhisyero, magsasakang negosyante, ekonomista, heograpo, kartograpo, pilolohista, foklorista, pilosopo, tagapagsalin, imbentor, mahijero, humorista, satirisita, polemesista, manlalaro, manlalakbay, propeta, bayani at politikong martir na naglaan ng kanyang buhay para sa katubusan ng inaaping kababayan. Si JOSE PROTASIO RIZAL MERCADO y ALONSO REALONDA o mas kilala bilang Dr. Jose Rizal ang itinuturing na Pambansang Bayani ng Pilipinas. Isa siya sa mga magigiting na Pilipinong nakipaglaban para sa Kalayaan ng Pilipinas hind isa paraang dahas kundi sa pamamagitan ng mga salita. Nakilala siya sa kanyang mga akda na Noli Me Tangere (Touch Me Not) at El Filibusterismo (The Reign of Greed) kung saan niya isiniwalat ang karahasan, korupsyon at masasamang gawain ng mga prayle at opisyal na Espanyol. PAGSILANG NI RIZAL Hunyo 19, 1861 Calamba, Laguna Miyerkules Muntik mamatay ang kanyang ina dahil sa sobrang laki ng ulo niya. AMA NI RIZAL FRANCISCO MERCADO RIZAL (1818 – 1898) Ama ni Rizal Isinilang sa Binan, Laguna Nag aral ng Latin/Pilosopiya Namatay sa edad na 80 Tinawag ni Rizal na “Huwaran ng mga Ama” INA NI RIZAL DONYA TEODORA ALONSO REALONDA (1826 – 1911) Ina ni Rizal Namatay sa edad na 85 Inilarawan ni Rizal ang kanyang ina na “katangi-tangi”; maalam sa panitikan at mahusay na mag Espanyol. SATURNINA (1850 – 1913) Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid. Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw na Neneng. Tinulungan niya kasama ang kanyang ina makaaral si Rizal at siya ang tumayong pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang kanilang ina na si Teodora. Napangasawa niya si Manuel Timoteo Hidalgo ng Batangas. Sila ay may limang anak na si Alfredo, Adela, Abelardo, Amelia at Augusto. PACIANO (1851 – 1930) Si Paciano ay ang nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ipinanganak siya noong Marso 9, 1851 sa Calamba, Laguna. Siya ang pangalawa sa labing-isang magkakapatid. Inalagaan niya si Jose Rizal at tinulungan niya siyang makarating sa Europa. Habang nasa Europa si Jose, pinadalhan niya ng pensiyon at sinulatan niya para mabalitaan si Jose tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas at sa kanilang pamilya. NARCISA (1952 – 1939) Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong taong 1852 at may palayaw na “Sisa”. Siya ang ikatlong anak sa pamilya Rizal. Tulad ni Saturnina, tumulong si Sisa sa pag-aaral ni Rizal sa Europa, isinangla niya ang kanyang mga alahas at ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang matustusan and pag-aaral ni Jose Rizal. Lahat halos ng mga tula at isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo. OLYMPIA (1855 – 1887) Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa pamilya Rizal. Siya ay ipinanganak noong taong 1855. Napangasawa niya si Silvestre Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila at sila ay biniyayaan ng tatlong anak ngunit ito rin ang dahilan ng kanyang kamatayan noong taong 1887. LUCIA (1857 – 1919) Si Lucia Rizal ay ipinanganak noong 1857 at panglima sa pamilya Rizal. Siya ay kasal kay Mariano Herbosa ng Calamba, Laguna. Siya ay pinagbintangan na nagsulsol sa kanyang mga kababayan na huwag magbayad ng upa sa kanilang mga lupa na nagdulot ng kaguluhan at silang mag-asawa ay minsan nang nagatulan na itapon sa ibang bansa kasama ang ibang miyembro ng pamilya Rizal. Maria (1859 – 1945) Siya ay ipinanganak noong 1859 at ang pang-anim at nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ang asawa niya ay si Daniel Faustino Cruz na galing sa Binan, Laguna. Sinabi na si Maria daw ang kinausap ni Jose noong panahon na gusto ni Jose na pakalasan si Josephine Bracken. Namatay siya noong 1945. CONCEPCION (1862 – 1865) Siya ang binansagang “Concha” ng kanyang mga kapatid at kaanak, si Concepcion Rizal ay ipinanganak noong 1862 at namatay sa edad lamang na tatlong taon, noong 1865. Siya ang pangwalo sa sampung magkakapatid. Sinasabing sa lahat ng kapatid na babae, si Concha ang pinakapaborito ni Jose o “Pepe” Rizal na mas bata nang isang taon sa kanya. Magkalaro sila at lagging kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang kapatid at sa kanya naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng pagmamahal ng isang kapatid na babae. JOSEFA (1865 – 1945) Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa pamilya at siya ipinanganak noong taong 1865. Si Josefa ay kilala rin bilang si “Panggoy”. Noong si Rizal ay nasa Europa, siya ay nagsusulat ng mga mensahe. Siya ay nagsulat para kay Josefa na ang laman ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid dahil sa kanyang kaalaman sa Ingles. Si Rizal ay nagsulat din ng mensahe tungkol sa bente pesos ngunit ang 10 doon ay para dapat sa lotto. TRINIDAD (1868 – 1951) Si Trinidad Rizal ay ika-10 sa magkakapatid na Rizal. Siya ay ipinanganak noong 1868 at namatay noong 1951. Ang palayaw niya ay Trining at siyang tagapagtago at tagapamahala na pinakahuli at pinakatanyag na tula ni Jose Rizal. Noong Marso 1886 ay sumulat si Jose Rizal kay Trining at isinasalaysay niya na ang mga babae sa Alemanya ay masisipag mag-aral. Pinayuhan niya si Trining na habang bata pa ito ay dapat magbasa nang magbasa ng buong puso. Pinangaralan niya ito na huwag hayaang ang katamaran ang mamayani dahil napuna ni Jose Rizal na wala sa loob nito ang pag-aaral. JOSE (1861 – 1896) Ang pinakadakilang bayani at henyo. “PEPE” ang kanyang palayaw. Nagkaroon ng anak na lalaki kay Josephine Bracken at ipinangalan ito sa kanyang ama “Francisco” ngunit ilang oras lamang ito nabuhay. SOLEDAD (1870 – 1929) Si Soledad Rizal ay ang bunso sa pamilya Rizal at ipinanganak sa taong 1870. Siya ay kilala rin bilang Choleng. Si Rizal ay saludo sa kanya dahil siya ay isang guro at siya ang pinakaedukado sa kanilang magkakapatid. Siya ay sinabihan ni Rizal na dapat siya ay isang maging magandang huwaran para sa mga tao, ito ay nakasulat sa mensahe noong 1890. ANG MGA NINUNO NI RIZAL Ang lahi ni Rizal ay may iba – ibang pinagmulan, sila ay may dugong Malay, Kastila, Instik at Hapon. Ang ninuno ni Rizal sa ama ay may lahing Intsik. Dumating sa Maynila noong 1690 si Domingo Lam-Co mula Fookien. Napangasawa niya si Ines Dela Rosa at naging negosyante sa Binondo. Sa kautusang umiral na ang lahat ng Indio at Chinos ay dapat gumamit ng apelyidong Kastila, ginamit niya ang apelyidong Mercado dahil siya ay negosyante at ibinuntot ang apelyidong Rizal dahil siya ay nagbebenta ng bigas. SA AKING KABABATA Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Sa langit salitang kaloob ng langit, Sanlang Kalayaan nasa ring masapi Katulad ng ibong nasa himpapawid Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian At ang isang tao’y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong Kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda. Kaya ang marapat pagyamanin kusa Na tulad sa isang tunay na nagpala Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel, Sapagkat ang poong maalam tumingin Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin. Ang salita nati’y tulad din sa iba. Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una. GOMBURZA Mariano Gómes, José Burgos, and Jacinto Zamora SINO NGA BA SI RIZAL? MGA ALA-ALA NG KAMUSMUSAN Panonood ng mga ibon. Ang kanyang ina ang kanyang unang guro. Araw-araw na pagdadasal sa oras ng angelus. Ang una niyang kalungkutan ay ang pagkamatay ng kaniyang nakababatang kapatid na si Concha. Ang hindi niya malimutan ay ang kuwento ng kaniyang ina ukol sa gamo-gamo. MGA TALENTO SA PANAHON NG KAMUSMUSAN Inayos niya at binigyan ng bagong guhit ang bandera ng simbahan. Paggagawa ng imahen mula sa putik (clay). Sa edad na 8 ay sinulat niya ang isang drama na nakaukol sa kapistahan ng Calamba at ang nasabing gawa ni Rizal ay binili sa kaniya ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna. Sa edad na 8 ay kaniyang isinulat ang tulang Sa Aking mga Kabata na nagbibigay ng pagpapahalaga sa MGA INPLUWENSIYA KAY RIZAL Namana 1. Mula sa mga ninunong Malayo ay namana niya ang pagmamahal sa kalayaan, paghahangad sa paglalakbay, at katapangan. 2. Mula sa kaniyang mga ninunong Tsino ay namana niya ang pagiging seryoso, katipiran, katiyagaan, at pagmamahal sa mga bata. 3. Mula sa kaniyang mga ninunong Espanyol ay namana niya kapinuhan sa pagkilos at kanipisan sa insulto. 4. Mula sa kaniyang ama ay namana niya ang pagtitiyaga sa trabaho, paggalang sa sarili, at malayang pag-iisip. 5. Mula sa kaniyang ina ay namana niya pagpapakasakit sa sarili at pagnanais sa sining at panitikan. Kapaligiran 1. Ang kapaligiran ng Calamba ay nagsilbing kaniyang pang-enganyo sa pagmamahal sa sining at literatura. 2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay nagturo sa kaniyang kaisipan ukol sa pagmamahal sa kalayaan at katarungan. 3. Mula sa kaniyang mga kapatid na babae ay natutunan niya ang paggalang sa mga kababaihan. 4. Mula sa kaniyang tatlong mga tiyuhin ay nainpluwensiyahan siya ng mga sumusunod: Jose Alberto Alonzo ay natutunan niya ang pagmamahal sa sining. Manuel Alonzo ay natutunan niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng katawan. Gregorio Alonzo ay natutunan niya ang ang malabis na pagkahilig sa pagbabasa. 5. Padre Leoncio Lopez ay natutunan niya ang pagmamahal sa makaiskolar at pilsopikal na pag-iisip. PAGSILANG NG ISANG BAYANI - -bininyagan noong Hunyo 22 ni PadreRufino Collantes -Padre Pedro Casanas (ninong) -Leoncio Lopez (pumirma) -Gobernador-Heneral ng Pilipinas ay si Tenyente-Heneral Jose Lemery ANG MGA NINUNO NI RIZAL. Sa kanyang mga ugat ay nananalaytay ang dugo ng Silangan at Kanluran―Negrito, Indones, Malay, Tsino, Hapon, at Espanyol. Sa partido ng kanyang ama, ng kanunu- nunuan niya ay si Domingo Laméo, isang Tsinong imigrante mula sa Changcho, lungsod ng Fukien, na dumating sa Maynila noong mga taong 1690. Naging Kristiyano siya, nakapangasawa si Ines de la Rosa, mayamang Tsinong Kristyano sa Maynila. Ginawa niyang Mercado ang kanyang apelyido na akmang- akma naman sa kanya dahil siya ay isang mangangalakal. Nagkaanak sina Domingo Mercado at Ines de la Rosa, si Francisco Mercado. Si Francisco Mercado ay nanirahan sa Bińan, nakapangasawa ng isang mestisang Tsinong-Pilipino, si Cirila Bernacha at nahalal ng Gobernadorcillo (alkalde ng bayan). Isa sa mga Anak nila, si Juan Mercado (lolo ni rizal) ang napangasawa ni Cirila Alejandro, isang mestizang Tsinong Pilipino. Nagkaroon ng Labintatlong anak sina Kapitan Juan at Kapitana Cirila, ang bunso ay si Francisco Mercado, ang ama ni Rizal. Namatay ang ama ni Francisco Mercado nang siya ay walong taong gulang , at lumaki siya sa pag-aaruga ng kanyang nanay. Nagaral siya sa Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Habang nag- aaral a y nakilala niya’t umibig siya kay Teodora Alonso Realonda, Isang estudyante sa Kolehiyo ng Santa Rosa. Ikinisl sila noong Hunyo 28, 1848 at pagkaraa’y nanirahan sa Calamba. Sinasabing ang pamilya ni Donya Teodora ay nagmula kay Lakandula, ang huling katutubong hari ng tondo. Ang kanyang kanunu-nunuan (lolo sa tuhod ni Rizal) ay si Eugenio Ursua (may lahing Hapon) ay nakapangasawa ng isang Pilipino, si Benigna (wlang nakakaalam ng apelyido). ANG APELYIDONG RIZAL. Ang tunay na apelyido ng mag-anak na Rizal ay Mercado, na ginamit noong 1731 ni Domingo Lamco (kanunu-nunuan ni Rizal sa partido ng kanyang ama) na isng tsino. Ginamit ng mag-anak ng “Rizal”- na ibinigay ng isang espanyol na alcalde mayor (Gobernador ng lalawigan) ng Laguna na kaibigan ng Pamilya. ANG TAHANAN NG MGA RIZAL. Ang tahanan ng mga Rizal, kung saan isinilang ang bayani, ay isang katangi-tanging bahay na bato sa Calamba noong Panahon ng Espanyol. May dalawa itong palapag, parihaba ang hugis, gawa sa batong adobe at matigas na kahoy, at may bubong na pulang tisa. Isa itong masayang tahanan kung saan naghahari ang pagmamahal ng mga magulang at tawanan ng bata. Sa gabi, maririnig naman ang malumanay na himig ng isang pamilyang nagdarasal. Ito ang masyang tahanan ng mga Rizal.Ito ang masayang tahanan na kinalakhan ni Rizal. MABUTING PAMILYA NA NAKAKALUWAG SA BUHAY O NAKARIRIWASA. Ang mag-anak na Rizal ay kabilang sa mga Pricipalia, mayayaman ng isang bayan noong unang Panahon ng Espanyol. Sila ay isa sa mga kilalang pamilya sa Calamba. Namumuhay sila ng may katapatan, kasipagan, at pagiging masinop sa buhay. Nag-upa sila ng lupa na sa mga Ordeng Dominiko, nakakapag-ani sila ng palay,mais, at tubo. Nag-aalaga sila ng baboy, manok, at pabo sa kanilang likod ng bahay. Bukod sa pagsasaka at paghahayupan, si Donya Teodora ay may maliit na tindahan, maliit na gilingan ng arina ay gawaan ng hamon. ANG BUHAY NG MGA RIZAL. Payak ngunit masaya ang buhay pamilya ng mga Rizal. Bagaman mahal na mahal nina Don Francisco at Donya Teodora ang mga anak nila, hindi naman nila pinalaki ang mga ito sa layaw. Istrikto silang magulang at tinuruan nila ang mga anak na magmahal ng Diyos, kumilos ng ayon sa kagandahang asal, maging masunurin, at maging magalang sa lahat, lalo na sa nakatatanda sa kanila. Noong bata pa, kapag may ginawang kalokohan, pinapalo nila ang mga anak, kasama na si Jose Rizal. May kasabihan “Kundi papaluin ang bata, lalaki ito sa Layaw”. Araw-araw ay nakikinig sila sa misa sa simbahan ng kanilang bayan lalo ng pag linggo at pista opisyal. Sama-sama silang nag-oorasyon at pagrorosaryo bago matulog sa gabi at pagmamano pagkatapos magdasal. “PAG-AARAL SA CALAMBA AT BIÑAN” → Ang unang guro ng bayani: Doña Teodora - Ina ni Rizal na kanyang naging unang guro. “Ang Aking Ina, ang nagturo sa akin ng pagbasa at magdasal.” Mga naging guro ni Rizal: 1.Maestro Celestino 2.Maestro Lukas Padua 3.Leon Monroy- Nagturo kay Rizal ng lingguwaheng Espanyol at Latin NAGTUNGO SI RIZAL SA BIÑAN 1869 – nagtungo sa Binan Paciano - Pangalawang ama ni Rizal Maestro Justiniano Aquino Cruz - ang naging guro ni Rizal sa Biñan Pedro - Anak ng kanilang guro Andres Salandanan - Silang dalawa ang naging kaaway ni Rizal sa paaralan ng Biñan PAG-AARAL NG PAGPIPINTA SA BIÑAN Juancho - Pintor na nagturo kay Rizal sa pagpipinta; biyenan ng kanilang guro Jose Guevarra - kaklase ni Rizal na mahilig ding magpinta - Silang dalawa ang naging paboritong pintor ni Juancho dahil sa kanilang artistikong talino ARAW-ARAW NA BUHAY SA BIÑAN ♥ nakininig ng misa tuwing alas kwatro ng umaga. ♥ pagka-uwi ng bahay,pupunta ng hardin at maghahanap ng mabolong makakain. ♥ kadalasan ay nag-uumagahan ng kanin at dalawang tuyo. ♥ papasok ng paaralan at ang uuwi ng alas diyes. ♥ uuwi ulit kasama si Leandro upang magtanghalian. ♥ babalik ng paaralan ng alas dos at uuwing muli ng alas singko. ♥ magdarasal muli bago umuwi kasama ang ilang mga pinsan. ♥ mag-aaral ng mga takdang aralin. ♥ guguhit ng kaunti at pagkatapos ay maghahapunan. ♥ magdarasal muli kasama ang buong pamilya. PINAKAMAHUSAY NA MAG-AARAL SA PAARALAN ♥ Sa mga araling pang-akademiko tinalo ni Jose ang lahat ng mga kaklaseng taga Biñan. ♥ naunahan niya ang lahat sa Espanyol, Latin at iba pang asignatura. “Kahit mabait na bata ang reputasyon ko, bibihira ang araw na hindi Ako nabigyan ng lima o anim na palo.” Disyembre 17, 1870 (1870)tapos ng mag-aral si Rizal; → Umalis siya ng Biñan Barkong Talim → Ang barkong sinakyan nila paalis ng Biñan Arturo Camps → Kaibigan ng ama ni Rizal na siyang nag-alaga kanya. ANG PAGKAMARTIR NG GOM-BUR-ZA Enero 20,1872 → 200 sundalong Pilipino at manggagwa ng arsenal ng Cavite ang nag-alsa dahil sa abolisasyon sa kanilang pribelehiyo. Francisco Lamdrid → Isang sarhentong Pilipino Polo -“sapilitang paggawa” Gob. Rafael de Izquierdo Padre Mariano Gomez “mga lider ng kilusang sekularisasyon ng mga paroko” Jose Burgos Jacinto Zamora Pebrero 17, 1872 → Ipinabitay ang Gom-Bur-Za 1891 → Inihandog ni Rizal ang kanyang pangalawang nobela El Filibusterismo Kawalang Katarungan Sa Ina ng Bayan 1872 → Isang trahedya ang dumagok sa mag-anak ng Rizal Doña Teodora at si Jose Alberto → ay nagtangkang lasunin ang asawa. Jose Alberto→ isang mayamang taga Biñan na galing ng Europa. Antonio Vivencio del Rosario→ isang sunud-sunuran ng mga prayle. Si Doña Teodora ay pinaglakad mula sa Calamba hanggang Sta Cruz ( 50 kilometro) at siya ay nakulong sa loob ng dalawa’t kalahating taon. Napawalang-sala sa tulong ng “Manila Royal Audencia” (Korte Suprema) “Walang katarungang kinuha sa amin ang aming ina. Kinuha nino? Ng mga lalaking itinuring naming kaibigan at pinakiharapang bilang mga panauhing pandangal. Nalaman naming nagkasakit ang matandang ina habang malayo siya sa amin. Ang aming ina ay ipinagtanggol nina Fransisco de Marcaida at Manuel Marzan, pinakabantog na abogado sa Maynila. Sa wakas, napawalang-sala siya sa harap ng mga huwes, nagbibintang sa kanya, at mga kaaway. Ngunit gaano ito katagal? Pagkaraan ng dalawa’t kalahating taon”. – RIZAL MGA GANTIMPALANG NATAMO SA ATENEO DE MANILA (1872-1877) Pumasok si Rizal sa Ateneo - Hunyo 10, 1872, si Jose, sinamahan si Paciano, ay nagpunta sa Maynila. - Kumuha siya ng eksamen sa doktrinang Kristiyano, aritmitika, at pagbasa para makapasok sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. - Noong una, ayaw niyang tanggapin si Rizal si Padre Magin Ferrando, na tagapagtala sa kolehiyo, dahil - 1.Huli na si Rizal sa pagpapatala (Manuel Burgos) - 2.Masakitin siya at maliit para sa kanyang edad. - Nag-aral si Rizal sa Ateneo, ang kolehiyo ay nasa Intramuros, sa loob ng mga pader ng Maynila. - -kalye Caraballo- Titay Ang Sistemang Pang-edukasyon ng mga Heswita - Ang sistema ng edukasyon ng mga Heswita sa Ateneo ay mas makabago kaysa ibang kolehiyo noong panahong iyon. - Sinasanay nila ang mga estudyante sa pamamagitan ng disiplina at instraksiyong panrelihiyon. - Itinataguyod nito ang kulturang pisikal, humanidades, at siyentipikong pag-aaral. Ang mga estudyante ay nahahati sa dalawang pangkat: - “IMPERYONG ROMANO,” na binunuo ng mga INTERNOS (sa loob ng kolehiyo nangangasera)- Bandilla - Red - “IMPERYO CARTHAGENA,” na binubuo ng mga EXTERNOS (sa labas ng kolehiyo nangangasera)- Bandilla - Blue - -Emperador/tribuna/dekuryon/senturyon/taga pagpadala ng bandila Unang taon ni Rizal sa Ateneo (1872-73) - -Noong unang araw ng klase sa Ateneo, noong Hunyo, 1872, nakinig ng misa si Rizal sa kapilya ng kolehiyo at taimtim na nagdasal at humingi ng patnubay sa Diyos - Unang propesor ni Rizal sa Ateneo ay si Padre Jose Bech, na sa paglalarawan niya ay matangkad at payat na lalaki, medyo nakukuba, matulin maglakad, mukhang asetiko, seryoso at inspirado, maliliit at malalalim ang kanyang mga mata, matangos ang ilong na parang sa Griyego, at manipis ang labing hugis arkong pababa ng baba. Bakasyon sa Tag-araw (1873) - Pagkasara ng eskwela noong Marso 1873, umuwi si Rizal sa Calamba para magbakasyon. - Hindi siya gaanong nagsaya sa bakasyon niya dahil nakapiit pa rin ang kanyang ina. Pangalawang Taon sa Ateneo (1873-74) - Walang matingkad na nangyari sa pangalawang taon ni Rizal sa Ateneo - Binawi niya ang pangunguna sa klase, at puspusang nag-aral. Muli’y naging “emperador”siya. Paghula sa Pagpapalaya sa Ina - Hindi nag-aksaya ng panahon si Rizal ng panahon at dinalaw niya kaagad ang kanyang ina sa kulungan. - Inaliw niya si Dona Teodora sa mga kuwento tungkol sa kanyang pagtatagumpay sa pag-aaral sa Ateneo at katawa-tawang mga pangyayari tungkol sa kanyang mga guro at kmag-aral. Hilig sa Pagbabasa - Noong bakasyon ng 1874, nahilig si rizal sa pagbabas a ng mga nobelang romantiko. - Gaya ng ibang tinedyer, interesado siyang magbasa ng mga kuwento ng pag-ibig at romansa. The Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas - Malaki ang naging impluwensiya sa kanya ng nobelang ito. Universal History - Isinulat ni Cesar Cantu, ang Universal History ayon kay Rizal, ang aklat na ito ay makatutulong nang malaki sa kanyang pag-aaral. Travels in the Philippines ni Dr. Feodor Jagor - Isang Alemang siyentipiko-manlalakbay na bumisita sa Pilipinas noong 1859-1860. - Hinangaan niya ang (1) matalas na obserbasyon ni Jagor sa mga pagkukulang ng kolonisasyon ng Espanya, at (2) ang hula nitong balang araw ay mawawla sa Espanya ang Pilipinas at ang pagpapalit na kolonisador ay ang Amerika. Pangatlong Taon sa Ateneo (1874-75) - Noong Hunyo 1874, bumalik si Rizal sa Ateneo para sa kanyang ikatlong taon. - Kabubukas pa lamang ng klase ay dumating ang kanyang ina at masayang ibinalita sa anak na naklaya na siya, gaya ng hula nito. Ika-apat na Taon sa Ateneo (1875-76) - Pagkaraan ng masayang bakasyon, nagbalik si Rizal sa Maynila para sa kanyang ikaapat n taon. - Noong Hunyo 16, 1875, naging interno siya ng Ateneo. Padre Francisco de Paula Sanchez - Isang propesor ni Rizal. - Isa ding mahusay na edukado at iskolar. Huling Taon sa Ateneo (1876-77) - Pagkaraan ng bakasyon, bumalik si Rizal sa Maynila noong Hunyo 1876 para sa huli niyang taon sa Ateneo. - Naging mabuti ang kanyang pag-aaral. - Pagtatapos nang may Pinakamataas na Karangalan - Nagtapos si Rizal nang nangunguna sa klase. Iba pang Gawain sa Ateneo - Sa kabila ng mga tagumpay sa akademya, hindi naman subsob sa libro si Rizal. - Isang “emperador” sa loob ng silid-aralan; lider pa rin sa labas ng silid-aralan Mga Istatawang Ginawa sa Ateneo - Napahanga ni Rizal ang mga Heswitang propesor sa Ateneo dahil sa kanyang talino sa sining. Mga Tulang Isinulat sa Ateneo - Si Dona Teodora ang unang nakatuklas sa talino ng anak sa pagsusulat ng tula. - Ngunit si Padre Sanchez ang nagbigay ng inspirasyon kay Rizal; para gamitin niya nang lubos ang biyayang ito ng Diyos. “Mi Primera Inspiracion” (Aking Unang Inspirasyon) - Inihandog niya sa kanyang ina noong kaarawan nito. - Sinasabing isinulat niya ito bago siya naglabing-apat na taong gulang, ibig sabihi’y noong taong 1874. Noong 1875, dahil na rin sa inspirasyon bigay ni Padre Sanchez, sumulat si Rizal ng marami pang tula, gaya ng mga sumusunod: Felicitacion (Pagbati) El emarque: Himno a la Flota de Magallanes (Ang Paglisan: Himno para bsa Plota ni Magellan) Y Es Espanyol : Elcano, el Primero en dar la Vuelta al Mundo (At siya ay Espanyol: Elcano, ang Unang Nakaikot sa Mundo) El Combate: Urbiztondo, Terror de Jolo ( Ang Labanan: Urbiuztondo, Kilabot ng Jolo) Noong 1876, sumulat ng tula si Rizal tungkol sa iba’t ibang paksa-relihiyon, edukasyon, alaala ng kanyang kabataan, at digmaan. Ito ang mga tula: 1. Un Recuerdo a Mi Pueblo ( Sa Alaala ng aking Bayan).Tulang nagbibigay-dangal sa Calamba, ang bayang sinilangan ng bayani. 2. Alianza Intima Entre la Religion y la Buena Educacion (Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at Mabuting Edukasyon) 3. Por la Educacion Recibe Lustre la Patria (Sa Edukasyon ay Magtatamo ng Liwanag ang Bansa) 4. El Cautiverio y el Truinfo: Batalla de Lucena y Prision de Boabdil (Ang Pagkakabilanggo at ang Tagumpay: Ang Labanan ng Lucena at ang Pagkakulong ng Boabdil). Ang tulang ito ay naglalarawan sa pagkakadakip ng Boabdil, huling Morong sultan ng Granada. 5. La Entrada Triunfal de los Reyes Catolies en Granada (Ang Matagumpay na Pagpasok ng Katolikong Monorkiya sa Granada). Ang tulang ito ay nagsasalaysay sa matagumpay na pagpasok nina Haring Fernardo at Reyna Isabela sa Granada, ang huling Morong kuta sa Espanya. Pagkaraan ng isang taon noong 1877, sumulat siya ng marami pang tula. Ito ang huli niyang tula sa Ateneo. Kabilang sa mga tulang naisulat niya ng taong iyon ay: 1. El Heroismo de Colon (Ang Kabayanihan ni Columbus )Ang tulang ito ay pumupuri kay Columbus, ang tagapagtuklas ng Amerika. 2. Colon y Juan II (Columbus and Juan II). Ang tulang ito ay nagsasalaysay kung paano nawala ang katanyagan at yaman ni Haring Juan II ng Portugal dahil hindi nya napinansiyahan ang mga panukalang ekspedisyon ni Columbus sa Bagong Daigdig. 3. Gran Consuelo en la Mayor Desdicha (Ang Dakilang Konsuelo sa Dakilang Kamalasan) Ito ay isang alamat na patula tungkol sa trahedya ng buhay ni COLUMBUS. 4. Un Dialogo Aluviso a la Despedida de los Colegiales (Isang Dialogo ng Pamamaalam ng mga Mag-aaral) Ito ang huling tulang isinulat ni Rizal sa Ateneo; ito ay makabagbag-damdaming tula ng pamamaalam sa kanyang mga kaklase. Aking Unang Inspirasyon - Ito ang karapat dapat na maging unang tulang isinulat ni Rizal bilang isang atenista dahil tungkol ito sa kanyang ina. Mga Tula ni Rizal Tungo sa Edukasyon - Tinedyer pa lamang si Rizal, mataas na ang pagpapahalaga niya para sa edukasyon. - Naniniwala siya sa mahalagang papel nito sa kaunlaran at kalagayan ng isang bansa. “Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at Mabuting Edukasyon” - Ipinakita ni Rizal ang kahalagahan ng relihiyon sa edukasyon. - Ang edukasyong hindi kumikilala sa Diyos ay hindi tunay na edukasyon. Mga Relihiyosong Tula ni Rizal - Noong estudyante pa, ipinahayag ni Rizal ang kanyang debosyon sa pananampalatayang Katoliko sa kayang tula. - Isa sa mga relihiyoso niyang tula ay ang maikling oda pinamagatang “Al Nino Jesus” (Sa Sanggol na si Hesus). “A La Virgen Maria” (Para sa Birheng Maria) - Isang Relihiyosong tula. - Walang petsa kung kailan isinulat ang tula. - Maaring isinulat ito ni Rizal pagkaraan ng kanyang oda para sa Sanggol na si Hesus. Mga Gawaing Panteatro ni Rizal sa Ateneo - Habang estudyante sa Ateneo, nahilingan si Rizal ng kanyang paboritong guro, si Padre Sanchez, na sumulat ng isang dula batay sa tulang pasalaysay ni San Eustacio, Martir. Unang Pag-ibig ni Rizal - Pagkaraan ng kanyang pagtatapos sa Ateneo, si Rizal, na noo’y 16 taong gulang, ay unang umibig “masakit na karanasang sumapit sa buhay ng lahat ng tinedyer.” - Ang babae ay si Segunda Katigbak, maganda Batanguena na 14 na taong gulang - Ang dalagita ay taga-Lipa ay inilarawan ng ganito ni Rizal:”May kaliitan siya, mga mata niya’y parang nagungusap at kung minsa’y nagpapakita ng marubdob na damdamin at minsa’y parang nananamlay; mapupula ang mga pisngi niya; may kahali-halingang ngiti, at magagandang ngipin, at para siyang ada; ang buong katauhan niya’y may di-maipaliwanag na bighani.” - Binibisita niya tuwing Linggo kunwari’y binibisita ang kanyang kapatid na si Olympia dahil magkaibigan silang dalawa. Pero hindi lubos akalain ni Rizal na si Segunda ay ipinagkasundo na kay Manuel Luz. (Unang kalungkutan ni Rizal) - Sumunod kay Segunda ay si Binibining L ngunit panandalian lamang dahil hindi mawala sa kaniyang isipan si Segunda. PAG-AARAL NG MEDISINA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (1877-82) - Sa pagtatapos ni Rizal sa Ateneo ay naghanda siya para sa pag-aaral sa unibersidad. - Ang planong pagpasok ni Rizal sa unibersidad ay tinutulan ng kaniyang ina. - Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina si Rizal ay isinama ni Paciano sa Maynila para mag-aral. - Noong Abril 1877 nagpatala para mag-aral si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas Ang una niyang kursong kinuha ay Pilosopia Y Letra bunga ng mga sumsusunod na dahilan: 1. Ito ang gusto ng kaniyang ama. 2. Wala pa siyang tiyak na kursong gusto. Padre Pablo Ramon – ang hiningan ni Rizal ng payo ukol sa kaniyang dapat na maging kurso sa UST. - Sa unang semestre ng taong 1877-78 si Rizal din ay nag-aral sa kursong perito agrimensor sa Ateneo. Sa ikalawang Semestre ng nasabing taon ay natanggap ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Ramon na nagpapayo sa kaniya na kumuha ng Medisina. Kinuha ni Rizal ang kurso dahilan sa kaniyang pagnanais na magamot ang kaniyang ina. Nagkaroon si Rizal ng relasyon sa mga sumusunod na babae: 1. Binibining L. – isang babae na taga Calamba na laging dinadalaw ni Rizal sa gabi sa panahon ng bakasyon na umuwi siya mula Maynila na bigo kay Segunda Katigbak. 2. Leonora Valenzuela – kapitbahay ng inuupahang bahay ni Rizal. Kaniya itong pinadadalhan ng sulat sa pamamagitan ng hindi nakikitang tinta. 3. Leonor Rivera – pinsan ni Rizal at anak ng kaniyang inuupahang bahay. Sa kanilang pagsusulatan ay ginagamit ni Leonor ang pangalang Taimis. Noong 1878 si Rizal ay naging biktima ng isang opisyal na Espanyol.Siya ay pinalo ng sable sa likod ng nasabing opisyal. Noong 1879, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario. Sa nasabing paligsahan ay nanalo ng unang gantimpala ang kaniyang tulang sinulat na may pamagat na A La Juventud Filipina. Noong 1880, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario ukol bilang pag-paparangal sa ika-400 taon ng kamatayan ni Miguel de Cervantes. Sa nasabing paligsahan ang kaniyang ginawang akda na may pamagat na El Consejo de los Dioses ay nanalo ng unang gantimpla. Ang paligsahan ay bukas sa mga Pilipino at Espanyol. Kampeon ng mga Estudyante - Nagtayo sina Rizal ng isang samahan na tinawag na Compañerismo sa layunin na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga pang-iinsulto ng kanilang mga kamag- aral na Espanyol. - Indio Tsunggo ang tawag ng mga Espanyol kina Rizal. Hindi naging masaya si Rizal sa UST bunga ng mga sumusunod na kadahilanan; 1. Galit sa kaniya ang mga guro ng UST 2. Minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga Espanyol 3. Makaluma ang sistema ng pagtuturo sa UST.