Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung Baitang - Ikalawang Markahan - Modyul 5: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos PDF
Document Details
Uploaded by AuthenticSarod
Tags
Related
- EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 (Quarter 1) Notes PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung Baitang - Ikalawang Markahan - Modyul 5
- Good Manners and Right Conduct (Edukasyon sa Pagpapakatao) PDF
- EsP 10 Q2 Modyul 2: Mapanagutan sa Sariling Kilos (PDF)
- EsP G10 Ikalawang Markahan PDF
- Modyul 4: Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral - ESP 9
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa Ikasampung Baitang. Tinalakay dito ang mga konsepto ng Makataong Kilos at ang dalawang uri nito. Ipinaliwanag din kung paano nakakaapekto ang mga hangarin sa mga gawa.
Full Transcript
# Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung Baitang ## Ikalawang Markahan - Modyul 5: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos (Voluntariness of Human Act) ### Ang Makataong Kilos Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay...
# Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung Baitang ## Ikalawang Markahan - Modyul 5: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos (Voluntariness of Human Act) ### Ang Makataong Kilos Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang buhay. Dahil sa isip at kilos-loob ng tao, kasabay ang iba pang pakultad na kaniyang taglay tulad ng kalayaan, siya ay may kapangyarihang kumilos ayon sa kaniyang nais at ayon sa katuwiran. Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili. ### Dalawang Uri ng Kilos ng Tao | Uri ng Kilos | Kahulugan | Halimbawa | |---|---|---| | Kilos ng Tao (Acts of Man) | Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama, kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito. | paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, at iba pa | | Makataong Kilos (Human Act) | Ang makataong kilos (human act) ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya't may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito. | pagsunod sa utos, pag-aaral ng mabuti, pagtulong sa kapwa at marami pang iba. | Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kaniyang piniling kilos. Kung mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap. At kung masama ang kilos, ito naman ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan. Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing ang kilos ay pagkukusang kilos (voluntary act). Ang bigat (degree) ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa. Ang mga ito (degree of willfulness o voluntariness) ay nasa lalim ng kaalaman at kalayaan na tinatamasa. Sa madaling salita, kung mas malawak ang kaalaman o kalayaan, mas mataas o mababang digri ang pagkukusa o pagkagusto. Kung mas mataas o mababang digri ang pagkukusa, mas mabigat o mababaw ang pananagutan. Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung moral o etikal. Ito ay dahil ang kilos na ito ay ginagawa nang may pang-unawa at pagpipili dahil may kapanagutan (accountability). Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan: kusang-loob, di kusang- loob, at walang kusang-loob. ### Tatlong Uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability) | Uri ng Kilos | Kahulugan | Pagsusuri | |---|---|---| | Kusang-loob | Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito. | Ang halimbawang ibinigay ay nagpakita ng isang tunay o lubos na kaalaman tungkol sa isang gawain at kung paano ito dapat isagawa sa pamamagitan ng pagganap kung paano ito isakatuparan at maging matagumpay ito | | Di kusang-loob | Ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan. | Ang isinagawang kilos na mag "dagdag-bawas” ay naisakatuparan bagaman labag sa taong gumanap nito. Ito ay dahil may takot siya na matanggal sa kaniyang posisyon bilang miyembro ng COMELEC kung siya ay tatanggi. Ang kilos ay may pagkukusa (voluntary). Malaya siyang nagpasiya sa piniling kilos na tumulong na gawin ang maling gawain. | | Walang kusang-loob | Dito ang tao ay walang kaalaman kaya't walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya't walang pagkukusa. | Bagaman may kaalaman si Dean sa kaniyang manerismo, sa kaniyang pagkilos, makikita na wala siyang kaalaman na sadyang bastusin o magpakita ng interes sa dalaga. Kung kaya, ang kilos ay walang pagkukusa dahil walang gawin ang kaniyang naisip dahil iyon ay kanyang manerismo. | ###### Layunin: Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos: Makikita sa layunin ng isang makataong kilos kung ito ay masama o mabuti. Dito mapatutunayan kung bakit ginawa o nilayon ang isang bagay. Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti. Ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa intensiyon kung bakit ginawa ito. Halimbawa, sa pagtulong sa kapwa, hindi agad masasabing mabuti at masama ang ipinakita maliban sa layunin ng gagawa nito. Magiging mabuti ito kung gagawin para sa isang tao na nangangailangan ng tulong at may kagustuhan siyang tumulong. ###### Makataong Kilos at Obligasyon Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari. Dapat piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan - ang kabutihan ng sarili at ng iba, patungo sa pinakamataas na layunin. Halimbawa, ang pag-akay sa isang matanda na tatawid sa kalye. Kung hindi mo tutulungan ay maaaring mahagip ng mga sasakyan. ###### Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos Ayon kay Aristoteles, may eksepsiyon sa kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung may kulang sa proseso ng pagkilos. May apat na elemento sa prosesong ito: paglalayon, pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin, pagpili ng pinakamalapit na paraan, at pagsasakilos ng paraan. 1. **Paglalayon.** Kasama ba sa nilalayon ang kinalabasan ng isang makataong kilos? Kung sa kabuuan ng paglalayon ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos nasa kaniya ang kapanagutan ng kilos. Halimbawa, kung ang hindi mo pagbigay ng tulong sa isang kaklase na mahirap umunawa ng aralin ay nagbigay sa kaniya ng mababang marka, maaaring isisi sa iyo ang pagbaba ng kaniyang marka. 2. **Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin.** Ang pamaraan ba ay tugma sa pag-abot ng layunin at hindi lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? Dito ay ginagamit ang tamang kaisipan at katuwiran. Halimbawa, ang pagbibigay ng regalo sa kaklase o kaya ay pagiging mabait sa kaniya upang makapangopya sa panahon ng pagsusulit. 3. **Pagpili ng pinakamalapit na paraan.** Sa puntong ito, itatanong mo: Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsiyon na pagpipilian o pinili lamang ang mas nakabubuti sa iyo na walang pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito? Iniwasan mo ba ang pagpipilian/opsiyon na mas humihingi ng masusing pag-iisip? Ang lahat ba ay bumabalik lamang sa pansariling kabutihan na hindi nagtataguyod ng kabutihan ng iba? 4. **Pagsasakilos ng paraan.** Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos upang maging tunay na mapanagutan. Ang pagkilos sa pamaraan ay ang paglapat ng pagkukusa na tunay na magbibigay ng kapanagutan sa kumikilos. Halimbawa, ang planong pagtulong sa isang komunidad. Ang paglikom at paghanap ng sponsors at benefactors ang siyang unang naging punto ng plano at kasunod ay ang mga beneficiaries. Lahat ay nabigyan ng kaukulang pansin dahil lahat ng komite ay nagbahagi ng kanilang makakaya. Ang bawat pangyayari sa buhay ay bunga ng ating pagpapasiya. Nararapat lamang na ito'y nagdudulot ng tagumpay at nagpapakita ng makataong kilos.