Q2 M2 Filipino 8 PDF
Document Details
Tags
Summary
This document discusses the Sarsuwela, a type of musical play that emerged in Spain in the 17th century. It details the elements of Sarsuwela, including the script, performers, stage and directors. It also touches on the historical context of the play.
Full Transcript
Si Severino Reyes, na mas kilala bilang Lola Basyang, ay tinaguriang Ama ng Sarsuwela at isang mahusay na direktor at manunulat. Naging unang patnugot siya ng Liwayway noong 1923 at naging pangulo ng Aklatang Bayan at kasapi ng Ilaw at Panitik. Nagsimula ang kanyang kwentong \"Lola Basyang\" nang k...
Si Severino Reyes, na mas kilala bilang Lola Basyang, ay tinaguriang Ama ng Sarsuwela at isang mahusay na direktor at manunulat. Naging unang patnugot siya ng Liwayway noong 1923 at naging pangulo ng Aklatang Bayan at kasapi ng Ilaw at Panitik. Nagsimula ang kanyang kwentong \"Lola Basyang\" nang kailangan niyang magsulat ng kuwento para punan ang espasyo sa Liwayway. Naalala niya ang matandang kapitbahay na si Gervacia Guzman de Zamora, na kilala bilang Tandang Basyang, na nagsasalaysay ng mga kwento sa mga kabataan. Ang kanyang mga kwento, na unang nailathala noong 1925, ay nilagdaan sa pangalang Lola Basyang. Nakatapos siya ng 26 na sarsuwela sa kanyang karera. Ang sarsuwela ay isang anyo ng dulang musikal na umusbong sa España noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga kwento na sinasamahan ng sayaw at musika, kadalasang may mga temang mitolohikal at kabayanihan. Ang pangalan nito ay nagmula sa La Zarzuela, isang maharlikang palasyo malapit sa Madrid. Dinala ito sa Pilipinas noong 1880 ni Alejandro Cubero at Elisea Raguer, na nagtatag ng Teatro Fernandez, ang unang grupo ng mga Pilipinong sarsuwelista. Bagamat ipinakilala ito sa panahon ng mga Español, lumago ang sarsuwela sa panahon ng Himagsikan at ng mga Amerikano sa pamumuno ng mga kilalang manunulat tulad nina Severino Reyes, Hermogenes Ilagan, Juan K. Abad, Juan Crisostomo Sotto, at Aurelio Tolentino. Ang sarsuwela ay isang uri ng panitikan na itinatanghal sa entablado, nahahati sa mga yugto na naglalaman ng maraming tagpo. Ang bawat dula ay batay sa nakasulat na iskrip, na itinuturing na kaluluwa ng dula. Mga Elemento ng Sarsuwela Iskrip: Ang batayan ng dula; walang dula kung walang iskrip. Gumaganap (Aktors): Sila ang nagbibigay-buhay sa iskrip sa pamamagitan ng diyalogo at emosyon. Tanghalan: Anumang pook na pinagdarausan ng dula, hindi lamang entablado kundi pati mga silid-aralan. Tagadirehe (Direktor): Ang nag-uugnay at nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip, kabilang ang disenyo ng tagpuan at kostyum. Manonood: Ang nagbibigay halaga sa dula; sila ang humuhusga at sumusuporta sa pagtatanghal. Eksena at Tagpo: Ang eksena ay ang paglabas-masok ng mga tauhan, habang ang tagpo ay ang pagpapalit ng tagpuan. Sa kabuuan, ang sarsuwela ay isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino, na nagsasalamin sa ating kasaysayan at pagkatao. Sarsuwela Ang sarsuwela ay isang anyo ng dulang musical na sinasamahan ng sayaw at tugtugin at ito ay may anim na elemento. Ang sarsuwela na \"walang sugat\" ni Severino Reyes na nasulat sa unang bahagi ng panahon ng amerikano ang itinuturing na kantang obra maestra. Ito ay pumapaksa sa kapangyarihan ng pag ibig sa mga taong tunay na magmamahalan. Tunay na ang panitikan ay sumasalamin sa kultura ng isang bansa. Bagama\'t ang sarsuwelang \"walang sugat\" ay nasulat na noong panahon ng mga amerikano ay makikitang litaw na litaw sa akda ng mga kulturang Pilipino na hanggang sa kasalukuyan ay pinahahalagahan parin ng mga marami sa atin. Pang-uri Ito ay isang mahalagang bahagi ng panalita ang pang-uri. Ito ay isang salita na naglalarawan o nagbibigay kahulugan sa isang pangngalan o panghalip. Halimbawa: Malapit na akong sinalakay ng isang galit na aso. Kaantasan ng Pang-uri Lantay - Ito ay naglalarawan sa isa o isang pangkat ng tao, bagay, o pangyayari. Mga Halimbawa: a\. Nabighani ako sa kagandahan ng lugar na ito. b\. Masagana ang ani ng palay sa taong ito. Pahambing - Nagtutulad ng dalawang tao, bagay, o pangyayari. Maaaring ito ay paghahambing ng magkatulad o paghahambing ng hindi magkatulad. Pahambing na Makatulad - Nagtatagalay ng pagkakatulad na katangian. Ginagamit ito sa mga pandiwang sing, kasing, at manging. Mga Halimbawa: a\. Magsing-talino sina Felix Irving at Andrea. b\. Masagana ang ani ng palay sa taong ito. Pahambing na di- magkatulad (pasahol) Kung hindi magkapantay ang pandiwa tulad ng salitang di-gaano, di-gasino, higit, o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ito ng tulad, gaya o kaya. Mga Halimbawa: a\. Di-gaanong magkapalad naging karanasan ni Alvin sa ibang kabataan. b\. Di-gasinong matamis ang mangga rito na gaya sa Guimaras. Pasukdol Ito ay ginagamit kung ipinapakita ang kahigitan ng isang bagay, tao, o pangyayari sa karamihan. Gumagamit ito ng mga pananda o pariralang kay ganda-ganda, ubod ng, hari ng at mga kataga/salitang napaka, pinaka, totoong, talagang, sadyang, ubod, hari, sukdulan ng, sobra, tunay, labis.