Q2-Aralin-1-Kahulugan-ng-Tula-at-Elemento-2.pptx

Document Details

FashionableOrangutan3362

Uploaded by FashionableOrangutan3362

New Prodon Academy of Valenzuela

G. JOHN RENDELL P. MARIANO

Tags

Tagalog poetry Philippine literature poetry elements Filipino language

Summary

This presentation provides information on the meaning and elements of Tagalog poetry. It explores concepts like the importance of imagery, rhythm, and structure in creating effective poetry. Example poems and exercises on decoding are also incorporated.

Full Transcript

MAGANDANG ARAW! Inihanda ni: G. JOHN RENDELL P. MARIANO MGA NILALAMAN 01 KAHULUGAN NG TULA 02 ELEMENTO NG TULA 03 URI NG TALUDTURAN 04 URI NG TULA AYON SA KAYARIAN TULA Isa...

MAGANDANG ARAW! Inihanda ni: G. JOHN RENDELL P. MARIANO MGA NILALAMAN 01 KAHULUGAN NG TULA 02 ELEMENTO NG TULA 03 URI NG TALUDTURAN 04 URI NG TULA AYON SA KAYARIAN TULA Isang lupon ng mga salita kung saan kapag pinagsama-sama ay makakabuo ng isang makahulugang pahayag. Gayundin, sa tulong ng tula, naihahatid sa mga mambabasa ang mga mahahalagang kaisipan, karanasan sa buhay at kalagayang panlipunan. Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, “Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan. Ang tatlong bagay na magkakatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.” TULA Para naman kay Inigo Ed. Regalado, “Ang tula ay isang kagandahan, diwa, katas, larawa, at kabuuan ng tanang nakikita sa silong ng alinmang langit.” Ipinahayag naman ni Fernando Monleon, “Ang tula ay panggagagad tulad ng paggagagad ng isang pintor, ng isang manlililok at ng isang artista sa tanghalan.” Sinabi naman ni Alejandro G. Abadilla, “Ang tula ay kamalayang nagpapasigasig.” I - D E KO W D M O ! 1 A I 9 R 15 Z 2 C K S 16 Y 3 B J 10 Q 4 E M 11 U 5 D N V 6 G L 12 T 7 H O 13 X 8 F P 14 W PANUTO: Tumbasan ang mga hinihinging bilang at/o 1 simbolo ng letra upang mabuo ang diwa ng salita. 2 Tingnan maigi ang nasa pisara upang matiyak na wasto/ tama ang pagtutumbas. Kung nakatapos na sa pagtutumbas, ang mag- 3 aaral ay pabilisang magtataas ng kamay upang sagutin ang hinihinging tumbas/kasagutan ELEMENTO NG TULA Upang matawag na tula ang isang tula, may mga elemento o sangkap itong dapat taglayin. Sa tradisyunal na tula mayroon itong apat na elemento. 1 11 1 12 01 Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula. Sa mga tradisyunal na tula, karaniwang gamitin ang walo, labindalawa, labing- anim at labingwalong pantig. Taglay din ng SUKAT tradisyunal na tula ang “SESURA” o bahagyang pagtigil sa pagbabasa sa bawat taludtod. “SESURA” HALIMBAWA A. Wawaluhing Pantig Hindi niya nalimutang Tumawag sa Birheng mahal Lumuluhang nanambitang Tangkilikin kung namatay. - Ibong Adarna HALIMBAWA B. Lalabindalawahing Pantig Katakataka nga itong ating bayan, Lumalatay wari itong kahihiyan, Ang dilang pilipit sana’y sa dayuhan, Ang sarili wika’y kinagagarilan. - Tuturan ng Tagalog ang mga Taglog Ni Jose Corazon de Jesus HALIMBAWA C. Lalabing-anim na Pantig Ako’y itak, itak akong walang kinatatakutan, Ang talim kong nangingindat tila kidlat kung manindak, Sa larangan ng pakikihamok, ako ang hinawakan, Ng bayaning unang tumutol sa tanikalang kaalipinan. - Ang Aking Itak Ni Felipe De Leon HALIMBAWA D. Lalabing-waluhing pantig Walang kamatayan iyang mga martir sa libingan nila, At sa kaluluwa’y muling nadurugtong napugtong hininga, Kung ibong mabait ang nakakatulad nang buhay pa sila, Ngayong sila ay patay, ang nakahimbing ay isang agila. - Sa kapayapaan Ni: Fernando Ma. Guerrero 2 12 11 6 1 02 Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng taludtod. May dalawang uri ng tugma ito ang tugmang ganap TUGMA at di ganap. “Parehong Tunog” A. TUGMANG GANAP Ang huling pantig ng dulong salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog at magkakatulad ng diin at tuldik. Halimbawa: Sumikat na Ina sa sinisilangan Ang araw ng poot ng katagalugan Tatlong daang taong aming iningatan Sa dagat ng dusa ng karalitaan B. TUGMANG DI-GANAP Ang huling pantig ng dulong salita ng bawat taludtod ay magkakasingtunog ngunit magkakaiba ng titik. Halimbawa: Banal ay nagwika, tanggulan ng palad Panday, gawin akong tabak na makislap Kung ako’y tabak na’t dumating ang oras Itaas na ako’t ihawi ng kidlat 2. A : TUGMAANG MALALAKAS Mga dulong letra na nagtatapos sa b, k, d, g, p, s, t. Halimbawa: Ibig kong kung ikaw ay may iniisip Sa ulo mo’y ako ang buong masilid Ibig kong kung iyang mata’y tumititig Sa balintataw mo ako’y mapadikit 2. B : TUGMAANG MAHIHINA Mga dulong pantig ay nagtatapos sa l, m, n, ng, r, w, y. Halimbawa: Ngunit tingnan ninyo ang aking narating Natuyo, namatay, sa sariling aliw Naging kurus ako ng pagsuyong laing At bantay sa hukay sa gitna ng dilim 3 1 9 1 14 1 6 5 14 1 03 MAKABULUHAN Ang elementong ito ay tumutukoy sa pangkalahatang diwa o kaisipan ng tula na nais ipararating sa mga mambabasa. G DIWA “DIWA” 4 1 9 12 1 04 KARIKTA Ayon kay Inigo Ed. Regalado, “Ang tula ay isang kagandahan, diwa, katas, larawa, at kabuuan ng tanang nakikita sa silong ng alinmang langit.” Sa pamamagitan ng mga piling-piling salita, tunog, talinhaga, larawang-diwa at simbolismo ay lalong lumilitaw at tumitingkad ang isang kagandahan ng N isang tula. “KAGANDAHAN ” 5 1 12 1 A. SALITA Sa pamamagitan ng pagpili ng mga salita at paglalaro ng mga salita ay nakalilikha ang mga makata ng kakaibang aliw sa mambabasa. 2 BAHAGI NG SALITA 1 1 5 2 BAHAGI NG SALITA A. ANADIPLOSIS Mula sa Griyego na “pagdodoble”. Isang retorika term para sa pag-uulit sa huling salita o parirala ng isang linya o sugnay upang simulan ang susunod. HALIMBAWA Sumiklabo pa rin sa kaniya ang galit Galit na matagal din niyang sinikil, Sinikil niya ang damdamin upang hindi makasakit Makasakit sa mahal niya at buong pusong iniibig 1 1 9 1 2 BAHAGI NG SALITA B. ANAPORA Ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap. HALIMBAWA Si Gracia Burnham ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Palawan dahil paborito niya itong lugar o pasyalan. 6 3 B. SIMBOLO Tumutukoy ito sa paggamit ng sagisag o simbolo na kumakatawan sa isang isipan. HALIMBAWA Liwanag – Pag-asa Juan – Pilipino Puti- kalinisan Ahas - kataksilan 7 1 9 1 14 1 6 5 14 1 C. LARAWANG DIWA Ito’y katumbas ng “imagery” sa ingles. Ito ang mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mga mambabasa. HALIMBAWA Sa loob at labas ng bayan kong sawi Kaliluha’y siyang nangyayaring hari Kagalinga’t bait ay nalulugami Ininis sa hukay ng dusa’t pighati 8 12 11 6 D. TUNOG Ginagamit ito ng mga makata upang lalong mapaganda ang paglalarawan. Naklilikha ng mga maindayog na tunog ang mga makata sa pamamagitan ng pag-uulit ng mga tunog sa unahan, gitna at hulihan ng taludtod. 2 BAHAGI NG TUNOG 1 12 4 9 1 16 2 BAHAGI NG TUNOG A. ALITERASYON Tumutukoy ito sa pag-uulit ng tunog ng katinig na ginagamit sa magkakalapit na salita. HALIMBAWA Mababakas sa mukha ng Isang mabuting mamamayan Ang marubdob niyang Pagtatangi sa mahal niyang bayan 1 1 12 4 16 1 2 BAHAGI NG TUNOG B. ONAMATOPEYA Tumutukoy ito sa pagkakahawig ng tunog ng salita ang diwa dito. HALIMBAWA Kumakaluskos ang dahon Sumalpok ang alon Lumalagaslas ang alon Kulog ang dumadagundong Lumalagablab ang apoy 9 12 1 7 1 6 1 E. TALINHAGA Ito ang sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang mag-udyok sa mga mambabasa na mag-isip at tuklasin ang mensaheng ipinahihiwatig nito. Kabilang dito ang paggamit ng sagisag at tayutay. Mga Bahagi ng Talinhaga 4 Mga Bahagi ng Talinhaga A. PAGTUTULAD O SIMILE Ito’y paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa na magkaiba ang uri at ginagamitan ng mga salita o pariralang parang, tila, gaya, wangis, katulad, animo’y, anaki’y at iba pa. HALIMBAWA Nagising nga akong tila nanganngarap na isang anino sa maputing tabing ng aming kahapong nilikha ng tao. 4 12 1 9 1 Mga Bahagi ng Talinhaga B. PAGWAWANGIS O METAPORA Ito’y paghahambing din tulad ng simile o pagtutulad ngunit hindi gumagamit ng mga salita o pariralang tulad ng ginagamit ng pagtutulad. Ang katangian ng isang bagay ay inilalapit sa bagay na inihahambing HALIMBAWA Ang buhay ay guryon, marupok at malikot, O’ paliparin mo’t ihalik sa Diyos Bago pa tuluyang sa lupat sumaubsob. 4 9 1 16 Mga Bahagi ng Talinhaga C. PAGBIBIGAY KATAUHAN O PERSONIPIKASYON Sa talinhagang sa ilalapat ang mga katangian ng tao sa mga bagay na walang buhay. HALIMBAWA Dahong kumakaway sa saya Tampok mga pusong kumakanta Mga sangang humaharang Sa mag-irog bakas na andukha 1 12 9 4 Mga Bahagi ng Talinhaga D. PAGTAWAG O APOSTROPE Ito naman ay ang tila pakikipag-usap sa isang tao inaaring tao na malayo o wala naman. HALIMBAWA Paalam na Bayang giliw lupang kasuyo ng araw Sa dagat silanga’y mutya aming langi’t na pumanaw At lalo mang maluningning bulaklak at malabay Ihahandog ko ring lubos, lumigaya ka man lamang 9 16 1 Mga Bahagi ng Talinhaga E. PAG-UYAM O IRONYA Ito ay isang panlilibak o pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang kapuri-puri ngunit kabligtaran naman ang kahulugan. HALIMBAWA Buhok na kay lambot, likas Tirahan ng sanlibong bigas Bawat hibla’y kumukupas Sa kulo’t salot na alyas 4 4 5 12 4 Mga Bahagi ng Talinhaga E. PAGPAPALIT-SAKLAW O SENEKDOKE Ito ang tayutay na pinagpapalit ang dalawang bagay sapagkat mayroon silang pagkakaugnayan tulad ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan lalagyan at inilalagay dito at iba pa. HALIMBAWA Ipapakita kong hahalimbawain Na ang kabataa’y kaygandang malasin Sapagka’t sa iyong kamay na butihin Dapat isalalay itong buhay namin 1 6 1 1 1 3 Mga Bahagi ng Talinhaga F. PAGMAMALABIS Ito’y tumutukoy naman sa pagpapahalaga ng lampas o kulang sa katotohanan o sa normal na kalagayan sa layuning mapaigting ang diwang nais ipahayag. HALIMBAWA Sambundok na ginto ang aking dinungkal Kahi’t na kaputol di binahaginan Ang aking inani’y sambukiring palay Ngunit wala akong isaing man lamang! Ang buhay ng iba’y binibigyang-buhay Habang nasa bingit ako ng libingan. URI NG TALUDTURAN Isa sa malaking kaibahan ng tula sa tuluyan ay ang pagkakaroon nito ng taludtod. Sa pagpapangkat-pangkat ng mga taludtod ay nabubuo ang taludturan. Mayroon itong iba’t ibang tawag depende sa bilang ng taludtod. 9 1 01 Ito ang tawag sa taludturan na binubuo ng dalawang taludtod. HALIMBAWA KOPLA May banta ang araw sa kanyang paglubog Kaya nagliliyab ang gilid ng gulod “DALAWA” 10 12 9 4 12 02 Ito ang tawag sa taludturan na binubuo ng tatlong taludtod. HALIMBAWA TRIPLET Mahal kong islaw Palitaw Bago ang lahat pakiusap ko lang Huwag itong basahin sa tanglaw ng buwan “TATLO” 10 10 11 1 12 9 1 03 QUATRAI Ito ang tawag sa taludturan na binubuo ng apat na taludtod. N “APAT” 11 10 11 12 4 12 04 Ito ang tawag sa taludturan na binubuo ng limang taludtod. Pero hindi ito karaniwan sa QUINTET panulaang Pilipino. “LIMA” 12 4 13 12 4 12 05 Ito ang tawag sa taludturan na binubuo ng anim na taludtod. SEXTET “ANIM” 13 4 12 06 Uri ng tula kung saan binubuo ito ng labing- apat na taludtod. SONETO “LABING-APAT” SONE TO Halimba wa 1 “LABING-APAT” 4 URI NG TULA AYON SA KAYARIAN Ang tula ay isa sa may malaking amabag sa panitikan. Dito nakikita ang pagiging makata ng mga Pilipino sa pagsulat ng tula. Subalit hindi magiging pulido at malinis ang tula ng bawat isa kung wala itong kayarian na sinusunod. 12 9 1 5 16 11 1 1. MAY SUKAT, TUGMA O TRADISYUNAL NA TULA Ito ang katutubo sa panulaang Pilipino. Binubuo ito ng mga taludtod na may sukat at tugma. Ang tugmaan sa hulihan ng taludtod. BAHAGI NG TUGMAAN 1 9 4 7 1 BAHAGI NG TUGMAAN A. A-A-A-A (PAREHAS) Magkakatugma ang huling pantig sa apat na taludtod ng isang saknong. 1 12 1 BAHAGI NG TUGMAAN B. A-B-A-B (SALITAN) Magkatugma ang una at ikatlong taludtod, at magkatugma naman ang ikalawa at ikaapat na taludtod. 12 1 BAHAGI NG TUGMAAN C. A-B-B-A (INIPITAN) Magkatugma ang una at ikaapat na taludtod, at magkatugma naman ang ikalawa at ikatlong taludtod. 11 11 9 1 BAHAGI NG TUGMAAN D. A-A-B-B (SUNURAN) Magkatugma ang unang dalawang taludtod, at magkatugma naman ang ikatlo’t ikaapat na taludtod. 2. MALAYANG TUGMAAN Makabagong kayarian ito ng tula. Katumbas nito ang free verse sa ingles. Ito ang mga tulang walang sukat at tugma. Wala man itong sukat at tugma taglay pa rin nito ang elemento o sangkap ng isang tula katulad ng kagandahan, talinhaga kaya’t itinuturing pa ding tula.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser