Araling Panlipunan Q1 G2 AP ADM 1_p39 PDF

Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...

Summary

This document is a learning module on communities for Grade 2 students in the Philippines. It contains questions for the students to answer about community concepts.

Full Transcript

Araling Panlipunan 2 Unang Markahan- Modyul 1- 8 Manunulat: Myra E. Pedrozo - Ilaya Elementary School Felly S. Madeloso - Almanza Elementary School Mercy A. Barcelon -Almanza Elementary School Myra V. Lapuz - Pamplona Elementary School Central Rosal...

Araling Panlipunan 2 Unang Markahan- Modyul 1- 8 Manunulat: Myra E. Pedrozo - Ilaya Elementary School Felly S. Madeloso - Almanza Elementary School Mercy A. Barcelon -Almanza Elementary School Myra V. Lapuz - Pamplona Elementary School Central Rosalyn D. Dejuras - Pamplona Elementary School Central Eden Y. Pastor - CAA Elementary School Suzette D. Almero - CAA Elementary School Analyn J. Aniñon - PES Camella Annex Annabelle L. Reyes – PES Camella Annex Fe P.Yabut - Daniel Fajardo Elementary School Ruby A. Bernarte –Daniel Fajardo Elementary School Lenita E. Omamalin - Dona Manuela Elementary School Leonida S. Castro - Dona Manuela Elementary School Mary Ann D. Pervera - Manuyo Elemrntary School Susan A. Boyo - Manuyo Elementary School Balideytor sa Nilalaman: Gregoria I. Garcia- Pamplona Elementary School Central Christopher B. Cardines- Pamplona Elementary School Central Balideytor sa Wika: Juanita G. Pantolla, Ilaya Elementary School Balideytor sa Pagkakaangkop: Bea Khristine E. Mediante- Las Pinas Elementary School Central Konsolideytor: Zenaida Z. Celerio - Golden Acres Elementary School 2 Paano gamitin ang Modyul Bago simulan ang modyul, kailangan isantabi muna ang lahat ng iyong mga pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang Self Learning Module (SLeM) na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito. 1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul. 2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matandaan ang mga araling nalinang. 3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul. 4. Hayaang ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan. 5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusan ng pagsusulit upang malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain. 6. Nawa’y maging masaya ka sa pag-aaral gamit ang modyul. 3 Aralin Ang Aking Komunidad 1 Layunin: Naakapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa katuturan ng komunidad. Paksa: Aralin 1 Ang Aking Komunidad Tungkol saan ang aralin na ito? Sa araling ito, ating aalamin ang pagkakahulugan sa katuturan ng komunidad. Ano kaya ang kahulugan ng komunidad? Tuklasin Tukuyin ang kasapi ng pamilya na inilalarawan ng bawat pangungusap. Isulat ang kasagutan sa loob ng kahon. 1. Siya ang tinuturing na haligi ng tahanan. 2. Tinuturing na ilaw ng ating tahanan. 3. Panganay na anak na lalaki. 4. Panganay na anak na babae. 5. Pinakabatang kasapi ng pamilya. Pamprosesong Tanong: Ano kaya ang pkahulugan ng salitang komunidad? 4 I. Isa-isip Basahin at tandaan natin. Ito ay isang halimbawa ng isang komunidad. 5 Maari itong matagpuan sa: Ang komunidad ay binubuo ng paaralan, pamilihan, sambahan, pook libangan, sentrong pangkalusugan at mga panahanan na tulad ng nasa larawan. Mayroon din namang mga komunidad na hindi lahat makikita ang mga ito. Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang pook na magkatulad na kapaligiran at pisikal na kalagayan. https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-2-learning-material-in-araling-panlipunan 6 II. Mga Gawain A. Gawain 1: Color Me! Mula sa mga bumubuo ng komunidad, alin sa mga ito ang makikita sa iyong komunidad ngayon? Kulayan ang mga ito. Gawain 2: Find Me! Bilugan ang mga larawan kung saan maaaring matagpuan ang isang komunidad. https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-2-learning-material-in-araling-panlipunan 7 III. Tayahin Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang kasagutan. 1. Ito ay binubuo ng pangkat ng mga tao. A. bundok B. dagat C. komunidad. 2. Isa sa mga bumubuo ng komunidad ay_____. A. komunidad B. pamilya C. trabaho. 3. Ang mga tao ay naninirahan sa isang pook na magkatulad ang ______. A. kapaligiran B. sitwasyon C. trabaho 4. Isa sa mga lugar kung saan maaaring matagpuan ang isang komunidad. A. lungsod B. palengke C. simbahan 5. Ang mga tao na naninirahan sa isang pook na magkatulad ang kapaligiran at pisikal na _______. A. gawain B. kalagayan C. kinakain IV.Karagdagang Gawain 1. Iguhit sa isang malinis na papel ang inyong komunidad. 2. 2. Ilagay lamang ang bumubuo sa inyong komunidad na nakikita sa inyong komunidad. 8 Aralin Mga Batayang Impormasyon Tungkol 2 sa Kinabibilangang Komunidad Layunin: Nailalarawan ang sariling komunidad batay sa pangalan nito,lokasyon, mga namumuno, popolasyon, wika, kaugalian, paniniwala at iba pa. Paksa: Aralin 2: Mga Batayang Impormasyon Tungkol sa Kinabibilangang Komunidad Tungkol saan ang aralin na ito? Sa araling ito iyong malalaman ang mga batayang impormasyon tungkol sa iyong kinabibilangang komunidad. I.Tuklasin Basahin ang kuwento. Suriin at tuklasin ang mga batayang impormasyon tungkol sa komunidad. Komunidad Ko Naninirahan ako sa Barangay Almanza Uno. Batay sa census noong taong 2015, may kabuuang populasyon na 30,405 indibidwal ang naninirahan sa aming komunidad. Kahit maraming pamilya ang nakatira rito, malinis at tahimik parin ang kapaligiran. Lahat ng mga tao ay tulong-tulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bawat isa. Si Kapitan Bonifacio M. Ramos ang pinuno dito. May iba-ibang grupong etniko sa aking komunidad. Ang mga ito ay ang Tagalog, Bisaya, Ilokano, Bicolano Kapampangan, Pangasinense at iba pa. Karamihan sa kanila ay dito naghahanapbuhay. Filipino ang pangunahing wika na aming ginagamit. Iba-iba rin ang relihiyon sa aming komunidad. Ilan sa mga ito ang Iglesia ni Cristo, Katoliko, Dating Daan, Born Again Christian at iba pa. Magkakaiba man ang relihiyon at paniniwala ay pinagbubuklod-buklod naman kami ng pananampalataya sa iisang Diyos. 9 Pamprosesong Tanong: 1. Ano-anong batayang impormasyon tungkol sa komunidad ang isinaad sa kuwento? 2. Bakit mahalagang malaman mo ang mga batayang impormasyon tungkol sa komunidad na iyong kinabibilangan? II. Isa-isip Tandaan ang mga sumusunod na mahalagang konsepto ng aralin at sumangguni sa Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 2 Kagamitan ng Mag-aaral; Aralin 2.1: Komunidad Ko, Kilalanin, pahina 40-44, upang mapalalim pa ang iyong kaalaman. May mga batayang impormasyon ang bawat komunidad na dapat malaman at tandaan tulad ng: Pangalan ng komunidad Hal. Barangay Almanza Uno, Brangay Talon Dos, Lungsod ng Las Piñas, Barangay Manuyo Populasyon- bilang ng tao o indibidwal na naninirahan sa isang komunidad Hal. 350 pamilya, 30,405 indibidwal Pinuno- isang tao na namumuno sa isang komunidad Hal. Kapitan, Alkalde o Punong Lungsod Wika Hal. Filipino Mga Grupong Etniko Hal. Tagalog, Ilokano, Kapampangan, Bicolano Relihiyon Hal. Iglesia ni Cristo, Katoliko, Dating Daan, Born Again Christian III. Mga Gawain 10 A. Gawain 1 Isulat ang mga batayang impormasyon tungkol sa komunidad ng Barangay Almanza Uno. 1. Pangalan ng Lugar: ___________________________ 2. Pinuno: ____________________________ 3. Wikang Sinasalita: __________________________ 4. Grupong Etniko: ______________________________ 5. Populasyon Batay sa Census taong 2015: _________ B. Gawain 2 Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa papel. Hanay A Hanay B ____1. Grupong etniko A. Filipino ____2. Populasyon B. Katoliko ____3. Pinuno C. Kapitan ____4. Relihiyon D.450 pamilya ____5. Wika E. Ilokano C. Gawain 3 Punan ang concept map na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa papel. Ano – ano ang mga batayang impormasyon sa komunidad? 11 III. Tayahin Basahin ang bawat aytem at bilugan ang letra ng impormasyong tinutukoy ng mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. 1. Filipino ang wika na ginagamit namin. A. Pangalan ng lugar B. Relihiyon C.Wikang sinasalita 2. Malinis at maunlad ang komunidad ng Barangay Almanza. A. Dami ng tao B. Pangalan ng lugar C. Pinuno 3. Si Minda ay isang Tagalog. A. Dami ng tao B. Grupong etniko C. Wikang sinasalita 4. Ang aming Kapitan ay si Ginoong Bonifacio M. Ramos. A. Pinuno B. Relihiyon C.Wikang sinasalita 5. Ang komunidad ng Barangay Almanza Uno ay may kabuuang populasyon na 30,405 indibidwal batay sa census noong taong 2015. A. Dami ng tao B. Pinuno C. Relihiyon IV. Karagdagang Gawain Sumulat ng limang pangungusap tungkol sa iyong komunidad. Gawin ito sa malinis na papel. 12 Aralin 3 Kahalagahan ng Komunidad Layunin: Natutukoy ang mahalagang ginagampanan ng sariling komunidad sa larangan ng kaligtasan , edukasyon , pamilihan at iba pa. Paksa: Aralin 3: Kahalagahan ng Komunidad Tungkol saan ang aralin na ito? Sa araling ito iyong mauunawaan ang mahalagang ginagampanan ng sariling komunidad sa larangan ng kaligtasan , edukasyon , pamilihan at iba pa. I. Tuklasin Ang komunidad ay isang lugar na pinaninirahan ng mga tao. Ang batang tulad mo ay kabilang sa pangkat ng mga tao. Ang kinabibilangan mong pangkat ay binubuo ng pamilya , paaralan , simbahan , pamilihan , sentrong pangkalusugan , barangay at pook 13 libangan. Mabuting mapabilang ka sa komunidad upang makatulong sa iyong kaayusan at kaligtasan , at para maproteksiyunan ka at maibigay ang iyong pangangailangan. Pamprosesong tanong: 1. Bakit mahalagang mapabilang ka sa isang komunidad ? II. Isa-isip Tandaan ang mga sumusunod na mahalagang konsepto ng aralin upang mapalalim pa ang iyong kaalaman. Ang pamilya ay nakatira sa isang tahanan. Sa pamilya nakadarama ng pagmamahal ang batang tulad mo. Sa tahanan natututo ang bata ng maraming bagay. Ang paaralan ang itinuturing na ikalawang tahanan ng mga mag -aaral. Ang mga mag – aaral na kasapi rito ay higit na hinuhubog ang isip , puso at kakayahan sa tulong ng mga guro at iba pang tao sa paaralan. Ang simbahan o sambahan ay isang lugar kung saan makapagdarasal at makakapagpasalamat ang mga tao sa Panginoon. Dito rin ginagawa ang seremonya ng relihiyong inyong kinabibilangan. Sa mga barangay health center o ospital dinadala ang mga may sakit upang masuri ng doktor at mabigyan ng tamang gamot para sa kanilang sakit. Sa mga pook – libangan ginaganap ang mga pagtitipon, pagdiriwang at programa ng komunidad. Sa mga pamilihan tulad ng palengke , grocery o mall nagpupunta ang mga tao para mamili ng kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain , damit at marami pang iba. 14 III. Mga Gawain A. Gawain1: “ Think – Pair ” Hanapin sa hanay B ang mahalagang ginagampanang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa papel. Hanay A Hanay B _____1. Pamilya A. Dito dinadala ang mga may sakit para _____ 2. Paaralan masuri sila ng doktor at mabigyan ng tamang gamot para sa kanilang sakit. _____3. Sentrong Pangkalusugan B. Isang lugar kung saan makakapagdarasal _____ 4. Simbahan o at makakapagpasalamat ang mga tao sa Panginoon. Sambahan _____ 5. Pamilihan C. Dito nagpupunta ang mga tao para mamili ng kanilang mga pangangailangan. D. Dito ka tinuruang bumasa, sumulat at magbilang ng iyong guro. E. Dito mo unang naranasan ang alagaan, turuan at mahalin. 15 B.Gawain 2: “ Concept Mapping ” Sundin ang isinasaad ng panutong nakasulat sa bawat bilang. 1. Pumili ng isa sa pinakagusto mo sa mga bumubuo ng komunidad at isulat sa loob ng tatsulok. 2. Sumulat ng pangungusap tungkol sa mahalagang ginagampanan nito sa loob ng parihaba. V. Tayahin Basahin ang pangungusap sa bawat bilang at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Dito sama – samang nagpapasalamat at nagdarasal sa Diyos ang mga tao. A. Ospital C. Pamilihan B. Paaralan D. Simbahan 2. Dito hinuhubog ang kaisipan ng isang bata tungo sa pag – unlad. A. Paaralan C. Pamilya B. Pamilihan D. Simbahan 3. Dito bumubili ang mga mamamayan ng mga kailangan sa sarili at bahay. A. Ospital C. Pamilihan B. Paaralan D. Pook - libangan 4. Dito pumupunta ang mga tao upang magpakonsulta ng kanilang nararamdaman. A. Ospital C. Pamilihan B. Paaralan D. Simbahan 16 5. Dito nagsisimula ang pagtuturo ng mabubuting bagay na dapat matutuhan ng isang bata. A. Bahay - pamahalaan B. Pamilya C. Pook – libangan D. Simbahan Karagdagang Gawain Gumuhit ng simpleng larawan ng health center o ospital, paarlan , simbahan , pook libangan at pamilihan gaya ng nasa inyong komunidad. Maaaring mamili lamang ng isa dito. Kulayan ito. Sa ilalim ng larawan , itala o isulat ang mahalagang ginagampanan nito sa isang komunidad. 17 Aralin 4 Ang Bumubuo ng Komunidad Layunin: Natutukoy ang mga bumubuo sa komunidad : a. mga taong naninirahan b. mga institusyon c. at iba pang istrukturang panlipunan Paksa: Aralin 4: Ang Bumubuo ng Komunidad Tungkol saan ang aralin na ito? Sa araling ito iyong tutukuyin ang mga bumubuo ng inyong komunidad bilang bahagi ng iyong buhay bilang bata. I. Tuklasin Awitin ng may damdamin ang bawat talata ng kantang “Ako, Ikaw, Tayo’y Isang Komunidad”. Ako, Ikaw, Tayo’y Isang Komunidad Himig: Roll Over the Ocean Ako, ako, ako’y isang komunidad (3x) Ako’y isang komunidad. La la la Sumayaw-sayaw at umindak-indak Sumayaw-sayaw katulad ng dagat Sumayaw-sayaw at umindak-indak Sumayaw-sayaw katulad ng dagat (Ulitin ang awit. Palitan ang ako ng ikaw…. at tayo) Pamprosesong Tanong: Sinu-sino ang bumubuo ng komunidad? 18 II. Isa-isip Tandaan ang mga sumusunod na mahalagang konsepto ng aralin at sumangguni sa Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 2 Ang Aking Komunidad; Aralin 1: Ang Komunidad,pahina 6-8, upang mapalalim pa ang iyong kaalaman. Ang komunidad ay binubuo ng pamilya, paaralan, simbahan, sentrong pangkalusugan, pamilihan, at iba pang istrukturang panlipunan Ang pamilya ay tinaguriang pinakamaliit na pangkat o yunit ng lipunan. Ito ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Ang paaralan ang itinuturing na ikalawang tahanan ng mga mag-aaral. Kasama rito ang mga kamag-aral, guro, punongguro at iba pang nagtatrabaho rito. Dito hinuhubog ang kaisipan tungo sa pag-unlad. Ang simbahan o sambahan ay isang lugar kung saan sama- samang nagtitipon ang mga tao upang magbigay papuri sa Diyos. Ang barangay health center, clinic, mga pagamutan o ospital ay ang nangangalaga sa kalusugan ng mamamayan. Sa pook-libangan ay ginaganap ang mga pagtitipon at programa ng komunidad. Ang Barangay ay ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan. Kapitan o punong barangay ang tawag sa pinuno ng barangay. 19 III. Mga Gawain A. Gawain1: Palaisipan Sagutin ang palaisipan. May mga titik na makatutulong sa iyong gagawin. Pahalang 1. Pagamutan ng maysakit. 4. Ikalawang tahanan ng mga mag-aaral. 5. Pinakamaliit na pangkat lipunan. Pababa 2. Lugar kung saan nangangaral ng salita ng Diyos. 3. Pinakamaliit na yunit ng pamahalaan. 1O 2S T 3B 5P M Y 4P N A Y B. Gawain 2: Draw -It Iguhit sa kahon ang bumubuo ng komunidad na makikita sa iyong sariling komunidad. Kulayan ito pagkatapos. 20 IV. Tayahin Basahin ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa sumusunod ang bahagi ng komunidad na siyang humuhubog sa kaalaman ng mga mamamayan tungo sa pag-unlad? A. Barangay B. Paaralan C. Pamilya 2. Ano ang nagtataguyod ng serbisyon pangkalusugan? A. Health center B. Pamilihan C. Pook-libangan 3. Anong bahagi ng komunidad ang nagtataguyod ng pangangailangan ng mga anak? A. Barangay B. Pamilya C. Restawran 4. Ang mga sumusunod ay bumubuo ng komunidad maliban sa isa___________. A. banko, barangay at paaralan B. pamilihan , pamilya at pook-libangan C. sapa, talampas, talon 5. Ang ____________ ay bahagi ng komunidad na nangangaral ng mga salita ng Diyos. A. Pamilya B. Paaralan C. Simbahan V.Karagdagang Gawain Gumawa ng collage ng bumubuo ng komunidad. Idikit ito sa kahon sa ibaba. 21 Aralin Ang Tungkulin at Gawain ng mga 5 Bumubuo ng Komunidad sa Sarili at Sariling Pamilya Layunin: Naiuugnay ang tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad. Paksa: Aralin 5- Ang Tungkulin at Gawain ng mga Bumubuo ng Komunidad sa Sarili at Sariling Pamilya Tungkol saan ang aralin na ito? Sa araling ito, ang mag-aaral ay mabubuo ang kanilang kasanayan at pang-unawa sa iba’t ibang mga institusyon sa kanilang sariling pamayanan. Sa pamamagitan ng araling ito, matututuhan ng mga mag- aaral at bigyan ng halaga ang iba’t ibang mga institusyon at kung paano ito gumagana upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga tao sa komunidad. I. Tuklasin Kumanta Tayo! Masaya Kung Sama-sama Masaya kung sama-sama ang magkakaibigan, Masaya kung sama-sama at may tawanan. Kay inam ng buhay kung nag-aawitan. Masaya kung sama-sama at may tawanan Pamprosesong Tanong: Ano ang mga nagagawa mo upang magpasaya ng iba sa inyong komunidad? 22 II. Isa-isip Ating alamin ang iba’t-ibang institusyon sa isang komunidad at ang mga taong nasa mga institusyon, pati na rin ang ating kinabibilangan sa isang komunidad. Mula sa ating mga tahanan, paaralan, at sa iba’t-iba pang lugar na ating madalas nakikita o ating mga napupuntahan kasama ang ating pamilya. ▪ Tahanan - Sa isang tahanan nakatira ang bawat pamilya sa isang komunidad. Ang bawat isa sa atin ay may kani-kanyang pamilya at tahanan na inuuwian. ▪ Paaralan - Ang paaralan ang naghuhubog sa kaisipan ng mga mag-aaral. Ito ay pinamumunuan ng isang principal at may mga magagaling na mga guro na nagtuturo upang matutunan ang maraming bagay sa mundo. Ang mga guro din ang tumatayong pangalawang magulang sa paaralan. ▪ Simbahan - Sa isang simbahan nananalangin ang mga tao. May iba’t-ibang relihiyon na may kanya-kanyang simbahan upang ipagdiwang ang mga paniniwala at pananampalataya. Iba-iba din ang tawag sa namamahala nito. Ang iba ay may pari, ministro, pastor, at iba pa. ▪ Health Center - Dito pumupunta ang mga mamamayan na gustong magpakonsulta sa doktor kung sila ay may karamdaman o di naman kaya ay para siguraduhing sila ay may malusog na pangangatawan. Kaagapay ng isang doktor ang mga nars upang pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan. ▪ Munisipyo– Ito ang sentro ng uganayan ng mga mamamayan at gobyerno sa isang lungsod. Ito ay pinamumunuan ng isang mayor at ng mga kagawad. Sila ang nakikipag-ugnayan sa bawat barangay patungo sa mga mamamayan para sa katahimikan, kapayapaan, at kaayusan ng isang komunidad. 23 ▪ Bahay Pamilihan o Palengke - Ang bahay pamilihan o palengke ay punong-puno ng mga kalakal o paninda. Dito nagpupunta ang mga mamamayan upang bumili ng kanilang mga pangunahing mga pangangailangan III. Mga Gawain A. Gawain1: Tukuyin ang Larawan Piliin sa kahon ang tamang kasagutan para tukuyin ang larawan. Isulat ang letra ng tamang sagot. A. panaderya D. paaralan B. pamilihan E. ospital C. himpilan ng pulis 1. ________ 4. _______ 2. ________ 5. _______ 3. ________ B. Gawain1: Aming Kinabibilangan sa Komunidad Punan ng mga impormasyon ang tsart. Kausapin ang limang miyembro ng iyong pamilya tulad ng iyong mga magulang, kapatid, at malapit na kamag-anak upang malaman ang kanilang gawain sa bawat institusyon na kanilang kinabibilangan. Sa unang bahagi ay isulat ang iyong pangalan at paaralan na pinapasukan. 24 Miyembro ng Pamilya Pangalan ng Institusyon Gawain sa Institusyon ______________ ____________ Mag-aaral (pangalan) (paaralan) 1. 2. 3. 4. 5. IV. Tayahin Iugnay ang larawan na nasa Hanay A na mga tumutulong sa ating komunidad at pamilya na tumutukoy sa Hanay B. Hanay A Hanay B 25 V.Karagdagang Gawain Tukuyin ang inilalarawan ng pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong mga kasagutan. 1. Ang isang______________________ ay binubuo ng pamilya, paaralan, pamahalaan, simbahan, sentrong pangkalusugan, pamilihan, at iba pa. 2. Sa __________________ nakatira ang aking pamilya. 3. Ako ay isang mag-aaral sa isang _______________ na humuhubog ng aking kaisipan tungo sa pag- unlad sa tulong ng mga magagaling na mga guro at ng principal. 4. Tuwing Linggo, ang aming buong mag-anak at mga kasama sa komunidad ay nagpupunta sa ________________________ upang ipagdiwang ang relihiyon at paniniwala. 5. Ang aming mga pangunahing pangangailangan ay binibili namin sa _______________________ sa aming komunidad. 26 Aralin Payak na Mapa ng Aking 6 Komunidad Layunin: Naiguguhit ang payak na mapa ng iyong komunidad mula sa iyong tahanan o paaralan na nagpapakita ng mga mahahalagang lugar at estruktura, anyong lupa at anyong tubig na makikita dito. Paksa: Aralin 6: Payak na Mapa ng Aking Komunidad Tungkol saan ang aralin na ito? Sa araling ito maiguguhit mo ang payak na mapa ng iyong komunidad. I. Tuklasin at basahin Larawan ng Aking Komunidad Komunidad ko ay nasa siyudad Malapit ito sa tabing dagat Ang anyong lupa ay kapatagan Marami dito ang naninirahan. Ang aming tahanan, malapit sa paaralan. Nilalakad lamang ng mga mag-aaral Sa gawing Timog ay matatagpuan Ang kilalalang sagisag na Bamboo Organ. Sa gawing Kanluran mayroong ospital Libre ang serbisyo sa mga mamamayan Ang himpilan ng pulis, malapit sa simbahan Tahimik at malinis sa aming pamayanan. Iba’t ibang estruktura ang matatagpuan Makabagong gusali at mga pamilihan. Maayos na tulay, kalsada at kainan. Sa aming pamayanan iyong masisilayan. 27 Pamprosesong Tanong: Anu-ano ang bumubuo sa komunidad? II. Isa-isip Tandaan ang mga sumusunod na mahalagang konsepto ng aralin at sumangguni sa Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 2 Aralin 3.1: Payak na Mapa ng Aking Komunidad 69-75, upang mapalalim pa ang iyong kaalaman. Ang mapa ay lapad o patag na paglalarawan ng isang lugar Makikita sa mapa ang iba’t ibang sagisag at estruktura. Ang apat na pangunahing direksiyon ay Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran Ang apat na pangalawang direksiyon ay Hilagang Silangan, Hilagang Kanluran, Timog Silangan, at Timog Kanluran Ginagamit ang sagisag sa paggawa ng mapa III. Mga Gawain A. Gawain1: Iguhit ang mga sagisag na makikita sa paligid ng iyong paaralan. B. Gawain 2: Paggawa ng dayorama Gumawa ng dayorama ng mapa ng inyong komunidad. Maaaring gamitin ang lumang larawan at patapong bagay sa inyong tahanan. 28 IV. Tayahin Alamin ang mga guhit sa larawan upang higit na maging malinaw ito at sagutan ang mga tanong sa ibaba. Payak na Mapa ng Aking komunidad Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Anong anyong tubig ang makikita sa iyong komunidad? A. dagat B. ilog C. talon 2. Ano ang nasa Timog ng paaralan? A. ospital B. simbahan C. palaruan 3. Ano ang makikita sa Silangan ng paaralan? A. simbahan B. paaralan C. tahanan 4. Ano ang nasa Kanluran ng paaralan? A. palaruan B. dagat C. simbahan 5. Ano ang nasa Hilaga ng paaralan? A. kapatagan B. bundok C. dagat V.Karagdagang Gawain 1. Gumawa ng mapang pisikal ng iyong komunidad. 2. Gamitin ang pananda sa anyong-tubig at anyong –lupa, mga sagisag tulad ng paaralan, simbahan, ospital, pamahalaan, tahanan at pamilihan. 3. Iguhit sa malinis na papel. 29 Aralin Uri ng Panahon at Kalamidad 7 sa Komunidad. Layunin:Nailalarawan ang Panahon at Kalamidad na nararanasan sa sariling komunidad. Paksa: Aralin 7: Uri ng Panahon at Kalamidad sa Komunidad. Tungkol saan ang aralin na ito? Sa araling ito, bilang mag-aaral layunin mong matutukoy ang iba’t ibang uri ng panahong nararanasan sa sariling komunidad at ang mga kalamidad nito. I. Tuklasin Ituro ang awit: sa himig ng “Five Little Ducks” Tingnan natin at pakiramdaman ang panahon, kaibigan. Maaraw ba o maulan Ang pagpasok sa eskuwelahan? Maaraw, maaraw ang panahon Maaraw ang panahon. (Palitan ang salitang may salungguhit ng naaayon sa panahon). Basahin ang mga sumusunod na salita PANAHON TAG ULAN TAG-INIT O TAG-ARAW Pamprosesong Tanong: Anu-anong uri ng panahon ang nabanggit sa awitin? 30 II. Isa-isip Tandaan ang mga sumusunod na mahalagang konsepto ng aralin at sumangguni sa Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 2,Kagamitan ng Mag-aaral;Aralin 3.3:Kapaligiran at Uri ng Panahon sa Aking Komunidad,pahina 87-93, upang mapalalim pa ang iyong kaalaman. Ang ating bansa ay nakararanas ng dalawang uri ng panahon. Ito ay ang tag-ulan at ang tag-init. Mula Nobyembre hanggang buwan ng Abril ay mararanasan ang tag-init samantalang magsisimula sa buwan ng Mayo hanggang Oktubre naman ang tag- ulan. Naiuugnay at iniangkop ang mga kasuotan at gawain basi sa uri ng panahon.Tuwing tag-init kadalasan ang mga tao ay nagsusuot ng maninipis na kasuotan tulad ng sando at shorts. Ang mga kasuotang ito ay nagbibigay ginhawa sa pakiramdam kapag mainit ang panahon samantala, sa panahon ng tag–ulan naman ay mas mainam na magsuot ng makakapal na damit o dyaket upang magsilbing pananggalang sa lamig ng panahon.Ang pagsusuot ng tamang kasuotan ay mahalaga upang pangalagaan ang ating kalusugan sa anumang pagbabago ng panahon sa ating komunidad. Tag-init 2 Uri ng panahon sa ating komunidad Tag-ulan Ang pagbabago ng panahon ay nagdudulot ng mga kalamidad o sakunang nagaganap sa ating bansa tulad ng lindol, baha, sunog, bagyo, pagsabog ng bulkan at aksidente. 31 Mga Kalamidad na nararanasan sa panahon ng : Tag -init Tag-ulan it sunog baha Lindol bagyo Pagsabog ng bulkan aksidente III. Mga Gawain A. Gawain1: Sulatbilog Panuto: Punan ang mga bilog ng iba’t ibang kalamidad na nararanasan sa ating sariling komunidad. 32 B.Gawain 2: Guhit/kalamidad Panuto: Iguhit ang mga kalamidad o sakuna na nararanasan sa inyong komunidad. Kulayan ang mga ito sa nais mong kulay. Gamitin ang rubriks upang maging pamantayan ng gawain at siya ring pagbabatayan ng iyong marka. IV. Tayahin Basahin ang bawat aytem at bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Ilang uri ng panahon ang ating nararanasan sa ating komunidad? A. 2 B. 4 C.3 2. Anong kalamidad ang maaaring mangyayari kapag ang mga puno ay pinuputol. A. lindol B. sunog C. Baha 3.Anong buwan nagsisimula ang panahon ng tag-init? A. Mayo hanggang Oktubre B. Nobyembre hanggang Abril C. Hunyo hanggang Agosto 4. Ibinabagay ng mga tao ang kanilang kasuotan kapag tag-ulan. Alin ang dapat nilang isuot? A. kapote B. makakapal na damit C. maninipis na damit 5. Nagsusuot ng makakapal na damit si Tam. Anong angkop na uri ng panahon kaya ito? A. tag-init B. tag- baha C. tag-ulan V.Karagdagang Gawain Upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol dito gumawa ng interview o panayam sa mga nakatatanda kung ano ang dapat gawin kapag may mga kalamidad na mangyayari. 33 Aralin Kapaligiran at Uri ng Panahon 8 sa Aking Komunidad Layunin: Naisasagawa ang mga wastong gawain/ pagkilos sa tahanan at paaralan sa panahon ng kalamidad Paksa: Aralin 8: Kapaligiran at Uri ng Panahon sa Aking Komunidad Tungkol saan ang aralin na ito? Sa araling ito iyong matututunan ang wastong gawain o pagkilos sa tahanan at paaralan sa panahon ng kalamidad. I. Tuklasin Tingnan ang mga larawan. Ayusin ang mga sumusunod na letra para mabuo ang salita. Ang mga ito ay mga uri ng kalamidad na ating nararanasan. Isulat ang inyong sagot sa patlang. 1. U G O N S ___________________ 2. ABAH ___________________ 3. LDOINL ___________________ 4. Y A G B O ___________________ 5. K P A U P G O T GN L B A U K N _____________________________________ 34 Pamprosesong Tanong: Ano ang mga dapat ninyong gawin kapag dumating ang kalamidad? II. Isa-isip Tandaan ang mga sumusunod na mahalagang konsepto ng aralin at sumangguni sa Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 2,Aralin 3: Kapaligiran at Uri ng Panahon sa Aking Komunidad,pahina 87-93, upang mapalalim pa ang iyong kaalaman. Mayroong dalawang uri ng panahon sa mga komunidad ng ating bansa. Ito ay ang tag-ulan at tag-init May mga natural na kalamidad o sakunang nagaganap tulad ng lindol, baha, sunog, bagyo, pagsabog ng bulkan at aksidente. Ito ay nagdudulot ng iba’t ibang epekto sa anyong lupa, tubig at sa tao. Ang kalamidad ay di inaasahang pangyayari na maaaring magmula sa natural na kondisyon ng panahon at kalikasan; nagdudulot ng pagkasira at panganib sa kapaligiran, ari-arian, tao at iba pa. Kapag tayo ay nasa paarala at naririnig mo ang alarm o tunog ng “bell”. Ang ibig sabihin ay may lindol. Ang dapat gawin ay Drop-Cover-Hold. Kapag tayo ay nasa tahanan at lumilindol, sumilong o kumubli sa matitibay na bagay (sa ilalim ng mesa, kama o sofa). Sundin ang Drop-Cover-Hold at maging mahinahon. Kung tayo ay nasa silid-aralan at may sunog, alamin ang mga ligtas na daan palabas ng silid o paaralan. Iwasan ang lugar na may usok. Kung may usok, gumapang palabas ng silid upang maiwasang malanghap ang usok. Kung tayo ay nasa bahay at may sunog, huwag mag-panic at patayin ang main switch ng kuryente. Kung nasusunog na ang bahay, lumabas agad at huwag ng magsalba pa ng gamit. 35 III. Mga Gawain A. Gawain1: Pagyamanin (Fact or Bluff:) Iguhit ang masayang mukha kung ang sinasabi ng pangungusap ay tama at malungkot na mukha kung mali. _______ 1. Kapag may bagyo, huwag nang lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan. ________2. Lumusong sa baha upang maglaro. ________3. Lumabas agad kung nasusunog na ang bahay. ________4. Kung may sunog, takpan ang bibig at ilong upang hindi makalanghap ng usok. ________5. Kung tayo ay nasa bahay at may sunog, mag-panic at huwag patayin ang main switch ng kuryente. B.Gawain 2: ISAGAWA (Portfolio) Gumupit ng mga larawan ng iba’t ibang uri ng kalamidad. Idikit sa bond paper. Isulat sa baba nito kung anong uri ng kalamidad ito at kung ano ang mga dapat ninyong gawin kapag may ganitong kalamidad na dumating sa inyong komunidad. Pagkatapos ilagay ito sa malinis na folder. IV.Tayahin Basahin ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot: 1. Ito ay di inaasahang pangyayari na maaaring magmula sa natural na kondisyon ng panahon at kalikasan. A. bagyo B. kalamidad C. lindol 2.Ang pagpuputol ng mga puno at pagmimina sa kagubatan ay sanhi ng pagkakaroon ng ____. A. baha B. lindol C. ulan 3.Hindi makapasok sa paaralan ang batang si Lita. Baha sa kanilang lugar. Maraming gumuhong lupa sa kanilang daraanan. Anong uri ng panahon ang kanilang nararanasan? A. tag-araw B. tag-init C. tag-ulan 4. Ang drop, cover and hold ay ginagawa kapag may ______. A. baha B. lindol C. sunog 36 5. Kung ikaw ay nasa paaralan, ano ang nagbibigay ng senyales o signal kung mayroong lindol o sunog? A. bell B. tambol C. torotot V.Karagdagang Gawain Punan ang organizer. Isulat sa bilog ang mga ibat-ibang kalamidad o sakuna. Sa loob ng kahon isulat kung ano ang dapat mong gawin. 37 MGA SANGGUNIAN WEEK 1 https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-2-learning-material-in-araling-panlipunan Araling Panlipunan 2 – Ikalawang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2013 ISBN: 978-971-9601-32-6 WEEK 2 Kagawaran ng Edukasyon K-12 Araling Panlipunan 2 Kagamitan ng Mag-aaral https://tinyurl.com/y7a2lupy https://tinyurl.com/y7bhogba https://tinyurl.com/yd9fqfku https://www.philatlas.com/luzon/ncr/las-pinas/almanza-uno.html https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/0/0a/Ph_fil_las_piñas.png WEEK 3 Modyul AP-Grade-6-Q1-W1-Aralin-1_-Apollo_DeGuzman Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag – aaral ( Soft Copy ) pahina 13 -27 , 37 – 38 Olivarez , Ranchez , Reyes Lesson Plan sa Araling Panlipunan 2 pahina 32 Emily V. Marasigan (Awtor) Alma M. Dayag (Koordineytor ) Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino pahina 5 , 17 – 58 WEEK 4 Arrobang Leo, Capunitan Charity, Cruz Gloria, et al. 2013. Araling Panlipunan 2: Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: Vibal Publishing House, Inc. Battad Teresita, Nueva Mary Grace, Viloria Evelina 2013. Isang bangsa Isang Lahi. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc. Marasigan Emily. 2016. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 2. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc. https://www.slideshare.net/vinezm1/pamilya-66390504 Accessed May 7, 2020 https://www.slideshare.net/barangaysuki7/ang-komunidad Accessed May 13, 2020 WEEK 5 Kagawaran ng Edukasyon. Araling Panlipunan 2. Pasig City: DepEd-IMCS. Accessed May 5, 2020. Kagawaran ng Edukasyon (2016). K to 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10. Pasig City: DepEd. Accessed May 5, 2020. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf Accessed May 4, 2020. https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-2-learning-material-in-araling-panlipunan Accessed May 5, 2020. 38 WEEK 6 dagat-clipart-black-and-white-509022.html https://www.google.com/search?q=paaralan+dra wing&sxsrf=ALeKk03JlR-3cWr5EbLSz- _1G_n3_xsGHA:1593267607807&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjAk66umKLqAhUSPXA KHVwh https://www.google.com/search?q=bahay+drawing+easy&sxsrf=ALeKk0241lbgvVAi44MMVuM_EFZ Fc1kWxg:1593268354233&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjRuqSSm6LqAhU google.com/search?q=palaruan+drawing&tbm=isch&ved=2ahUKEwjDhavkp6PqAhWdxIsBHbB9D m8Q2 cCegQIABAA&oq=palaruan&gs_lcp= CgNpbWcQARgAMgQIIxAn MgIIADIC google.com/search?q=mga+sagisag+na+nakapaligid+sa+paaralan&sxsrf=ALeKk01p3cZSARBVX3P AQwvjtZodNf7PnA:1593306852134&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahU https://www.google.com/search?q=mga+simbolo+ng+ibat+ibang+anyo+ng+tubig+drawing&sxsrf =ALeKk01te6lw8u0n68hzDTj2Ft3RQCpeSw:1590566509758&source=lnms&tbm=isch&sa WEEK 7 https://id.pinterest.com/pin/853150723135737023/ https://clipartstation.com/tag-ulan-clipart/ https://pinoyjourn.wordpress.com/2011/09/01/ minas-mixed-signals/ bagyo 1 https://fil.globalvoices.org/2012/08/pilipinas-kalakhang maynila-at-karatig-lalawigan-lubog-sa-baha/ WEEK 8 Araling Panlipunan 2 – Ikalawang Baitang,Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog, Unang Edisyon, Quevedo, Julita E., De Mesa, Pilar B. 2007. Pilipinong Makabayan 2 BatayangAklat sa Sibika at Kultura : BOOKMAN, INC. youtube (knowledge channe www.google.com 39

Use Quizgecko on...
Browser
Browser