Pagdadalumat ng mga Salita at Idioms (PDF)
Document Details
Tags
Summary
This presentation discusses the analysis of Tagalog words and idioms, exploring their meanings and usage. It analyzes the evolution of words and phrases, especially in the context of millennials and modern society.
Full Transcript
ODD WEEK 1 AUGUST 19 – AUGUST 24 EVEN WEEK 2 AUGUST 26 – AUGUST 31 ODD WEEK 9 OCTOBER 14 – OCTOBER 19 MIDTERM EXAMINATION EVEN WEEK 10 OCTOBER 21 – OCTOBER 26 ODD WEEK 17 DECEMBER 9 – DECEMBER 14 EVEN Week 18 DECEMBER 16 – DECEMBER 21 IN...
ODD WEEK 1 AUGUST 19 – AUGUST 24 EVEN WEEK 2 AUGUST 26 – AUGUST 31 ODD WEEK 9 OCTOBER 14 – OCTOBER 19 MIDTERM EXAMINATION EVEN WEEK 10 OCTOBER 21 – OCTOBER 26 ODD WEEK 17 DECEMBER 9 – DECEMBER 14 EVEN Week 18 DECEMBER 16 – DECEMBER 21 INTRODUKSYON SA PAGDADALUMAT NG/SA FILIPINO DALUMAT o Kasingkahulugan ng “paglilirip” at “paghihiraya” PAGLILIRIP - maingat na pag-iisip at may pagsusuring sangkot sa gawaing pag-iisip. PAGHIHIRAYA – Ilusyon, imahninasyon o bisyon. Kakayahan ng isip na maging malikhain o maparaan. PAGDADALUMAT o Tumutukoy sa pagteteorya at pagbubuo ng mga konsepto o kaisipan na mailalapat sa pagsusuri ng mga bagay bagay samlipunan. DALUMAT-SALITA o Paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya batay sa masusi, masinop, kritikal, at analitikal na paggamit ng mga salitang kumakatawan ng mga ideya at kaalamang nagiging konsepto sa malalimang pag-uuri’t paggamit nito. o Nagsisimula sa ugat na dahilan o kahulugan ng isang salita at madalas na nag-uugat o nagbubunga ng iba't ibang sangay na kahulugan ng salita. PAG-IMBENTO, PAGKATHA NG MGA BAGONG SALITA o Ang pagdadalumat na ito ay bunga ng modernisasyon. o Ang pag-iimbento at pagkatha ay nagsisimula sa isang maliit na pangkat, kapag ito ay tinanggap ng mga mamamayan sa lipunang kanilang ginagawalan, nadaragdagan ang gumagamit nito hanggang sa ito ay ginagamit ma ay yayakapin na ng nakararami. ILANG PARAAN NG PAGDADALUMAT-SALITA Pag-imbento/pagkatha ng mga bagong salita/konsepto Pagsasalin at pagdagdag ng kahulugan Pag-aangkop/rekontekstuwalisasyon MAKABAGONG SALITA o Sa patuloy na pagbabago ng panahon, patuloy din na nagbabago ang ating kapaligiran, at ang gawi ng pamumuhay at pakikisalamuha ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo. o Kung ikaw ay nabubuhay na ng ilang dekada, marahil ay mabilis mong mapupuna ang mga pagbabagong naganap sa gawi ng mga tao at kung ikaw naman ay isa sa mga sinasabing ”millennial”, malamang at ginagawa mo rin ang sa mga bagay na ito. o Kagaya na lamang ng paggamit ng mga makabagong salita o pagbibigay ng bago kahulugan sa mga salitang dati pa man ay nagagamit na. Ilan sa mga salitang ginagamit ng mga millennial at ang kahulugan ng mga ito. 1. TRIGGERED - Ito ay ginagamit ng mga millennial para ipahayag ang kanilang masamang damdamin sa tuwing mayroon silang di kaaya-aya na nakikita o naririnig. 2. SHOOK - Ito ay isang salitang ginagamit ng mga millennial upang ipahayag ang kanilang pagkagulat o pagkabigla. 3. RECEIPTS - Ito ay nagsisilbing ebidensiya tungkol sa isang drama na nangyari sa internet, ang halimbawa nito ay ang screenshots. 4. TEA - Ito ay ang salitang ginagamit ng mga mga millennials na tumutukoy sa mga tsismis na kanilang nakikita sa social media. Ito ay tinatawag na “tea” dahil sa unang letra ng tsismis na “t”. 5. EXTRA - Ito ay ginagamit upang ilarawan ang isang taong kumikilos sa dramatikong paraan kahit na hindi naman kinakailangan ang ganoon ka-grabeng pagkilos Ilan sa mga salitang ginagamit ng mga millennial at ang kahulugan ng mga ito. 6. WOKE - Tawag sa isang indibidwal na alam ang mga nangyayari sa lipunan. Ang mga taong “woke” ay karaniwang nagbibigay alam tungkol sa racism, feminism, sexism, homophobia, atbp. ; sila rin ay ang mga taong tumututol sa mga ito. 7. BLESSED – Ito ay ginagamit upang maipahayag na maraming magaganda at positibong bagay ang dumadating sa buhay ng isang tao. 8. LIT – Ito ay ang isang salitang ginagamit upang sabihin na ang isang bagay o pangyayari ay astig. ANO NGA BA ANG MILLENNIALS? o Ang mga millennials ay ang mga taong nabibilang sa generation Y o Net Generation na kung saan kinalakihan na ang paggamit ng kompyuter at internet sa kanilang pang araw araw na buhay. o Sa henerasyon ngayon ay halos lahat ng kabataan ay marunong ng gumagamit ng internet at halos taon taon ay mabilis na nagbabago ang mga teknolohiyang ginagamit natin. ANG TANONG! Isa kaba sa mga millennials na napag-iwanan na pagdating sa mga nauusong salita ngayon? 1. BAE – Ayon sa isang urban dictionary, acronym daw ito ng pariralang “Before Anyone Else.” Pero ito ay nanggaling sa pet name ng mga magkasintahan na baby o babe at nagging popular ito dahil ito ang nagingtawag kay Pambansang Bae Alden Richards. 2. PABEBE- Ang ibig sabihin nito ay umarteng parang baby o magpa-cute. Tulad din ng salitang Bae, naging popular ang pabebe dahil sa pabebe wave ng nauusong tambalan ngayon ang Aldub. Ang pabebe wave naman ay ang pa-cute o mahinhing pagkaway. May ibang kahulugan din ito para sa iba, kumbaga ay maarte o nag-iinarte. 3. GALAWANG BREEZY o Hokage- Ito na nga raw ang bagong termino para sa mga kalalakihan na pasimpleng dumidiskarte sa napupusuang babae. Maaaring nakuha ito sa salitang 'breezy' na ang ibig sabihin ay mahangin, at ngayo’y nabigyan ng kakaibang kahulugan bilang pagpapalipad-hangin. 4. TARA G! - Kapag tinatanong ka ng iyong kaklase ng "Ano Tara?" kadalasan ang isasagot mo ay Tara,G! pero aminin ang alam mong ibig sabihin nito ay " Tara,let's Go!" Pwes, ang tunay na ibig sabihin nun ay "Tara, GAME!“ 5. BEAST MODE - Ang salitang ito ay ginagamit ng mga millennials ngayon upang ipahiwatig na sila ay galit na o naiinis. 6. NINJA MOVES – Nagmula ito sa mga “ninja” o mga warrior na mayroong kakaibang galing, bilis kumilos, at diskarte na maisakatuparan ang kanilang misyon nang hindi masyadong napapansin. 7. WALWALAN - Kadalasan nababanggit ang salitang ito sa mga inuman. Nagmula ito sa mga salitang “walang pakialam,” “walang pangarap” at “walang kinabukasan” 8. EME – EME – Ito ay salitang beki na pamalit sa mga terms na hindi masabi o maalala. Noong dekad ‘80, ibig sabihin nito ay “any-any” o kung ano-ano lang. At nung dekada ‘90 naman, nagging “anik-anik” at ngayon eme-eme na. 9. EDI WOW! – Ekspresyon na parang sinasabi ng taong kausap niyo ay “edi ikaw na!” 10. YOLO – You only Live Once “LOOB” NI JESS SANTIAGO Pagsinin ang pagdadalumat sa ng mga awiting may kamalayang panlipunan, ay isang magandang halimbawa ng matalinong pagdalumat. LOOB BY: JESS SANTIAGO Wikay nati’y simpleng-simple. Pero ubod ng lalim Para sa hindi Pinoy/Napakahirap sisirin Ang looban ay sulok ng pook/ Ang magnanakaw ay nanloloob Ang alinlangan ay dalawang-loob/ Ang hinanakit ay sama ng loob Bituka at atay ay lamanloob/ Mandurugas ay masasamang-loob Ang katapangan ay lakas ng loob/ Ang natatakot ay mahina ang loob Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy Marami tayo katagang iba’t ibang kahulugan Na para sa hindi Pinoy/ Mahirap maintindihan Ang pagpasok ay pagpaloob/ Pagsisisi’y pagbabalik-loob Ang kabakada’y kapalagayang-loob/ Ang kaibiga’y katapatang-loob Ang taong matatag ay buo ang loob/ Ang nagtitimpi kulo’y nasa loob Ang isip at damdamin ay niloloob/ Hindi nababayaran ang utang na loob Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy (2x) Kaya ang wika’y dapat pag-aralan/ Kung nais nating magtuloy Hanggang sa kaloob-looban/ ng puso’t utak ng Pinoy Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso’t utak ng Pinoy Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Hanggang sa kaloob—looban Ng puso’t utak ng Pinoy. Wikay nati’y simpleng-simple. Pero ubod ng lalim Para sa hindi Pinoy/Napakahirap sisirin Ang looban ay sulok ng pook/ Ang magnanakaw ay nanloloob Ang alinlangan ay dalawang-loob/ Ang hinanakit ay sama ng loob Bituka at atay ay lamanloob/ Mandurugas ay masasamang-loob Ang katapangan ay lakas ng loob/ Ang natatakot ay mahina ang loob Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy Marami tayo katagang iba’t ibang kahulugan Na para sa hindi Pinoy/ Mahirap maintindihan Ang pagpasok ay pagpaloob/ Pagsisisi’y pagbabalik-loob Ang kabakada’y kapalagayang-loob/ Ang kaibiga’y katapatang-loob Ang taong matatag ay buo ang loob/ Ang nagtitimpi kulo’y nasa loob Ang isip at damdamin ay niloloob/ Hindi nababayaran ang utang na loob Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy (2x) Kaya ang wika’y dapat pag-aralan/ Kung nais nating magtuloy Hanggang sa kaloob-looban/ ng puso’t utak ng Pinoy Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso’t utak ng Pinoy Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Hanggang sa kaloob—looban Ng puso’t utak ng Pinoy. SAWIKAIN O IDYOMA ANO NGA BA ANG SAWIKAIN? SAWIKAIN o Ang SAWIKAIN o Idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari. o Malalalim na salita ang ginagamit sa sawikain at pinapalitan ang pangkaraniwang tawag kung kaya ito ay nagiging matatalinghagang pahayag. o Sa mga panitikang ito naipapahayag ang mga saloobin ng mga mamamayan ng mas malaya at hindi nila kailangang magpaliwanag sa kahit sino. ANO NAMAN ANG IDYOMA? IDYOMA o Ang idyoma ay isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa lingguwaheng Filipino. Ito ay may kahulugan na hindi maaaring makuha o maunawaan sa literal na kahulugan nito. o May naiiba itong kahulugan sa literal o tahasang pahayag. Kadalasa’y taglay nito ang maraming pangkulturang bagay: malarawan, mapagbiro at mapagpatawa. Nagtataglay din ito ng pansosyal at panliteral na pagpapahiwatig ng kahulugan o Bunga nito, mahalagang malaman mo na kinakailangang maisaulo ang mga salitang bumubuo ng idyoma gayundin ang ayos nito. IDYOMA o PANGKASALUKUYAN – kilos na nagaganap sa kasalukuyan. Halimbawa: umaalon ang dibdib – kinakabahan Umaalon ang dibdib ni Pedro sa tuwing makikita niya ang kanyang kaaway. o PANAGDAAN – kilos na naganap o nangyari na Umalon ang dibdib ni Pedro nang makita ang kanyang kaaway. o PANGHINAHARAP – kilos na isasagawa pa lamang Tiyak na aalon ang dibdib ni Pedro kapag nakita niya ang kanyang kaaway. IDYOMA KAHULUGAN NG IDYOMA 1. balitang kutsero balitang salat sa katotohanan 2. naglalaro ng apoy nakikisama o nakikipagmabutihan sa di niya asawa; pagtataksil sa kabiyak 3. naghalo ang balat sa tinalupan nagkagulo 4. parang natuka ng ahas nabigla, natigilan 5. bulang-gugo maluwag sa pera; galante 6. itaga mo sa bato tandaan; tutuparing walang sala 7. mahilig maglubid ng buhangin sinungaling 8. makati ang dila daldalero/daldalera MGA HALIMBAWA NG SAWIKAIN: 1. ABOT-TANAW Kahulugan: Naaabot ng tingin Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon. 2. AGAW-DILIM Kahulugan: Malapit nang gumabi Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay. 3. AMOY-TSIKO Kahulugan: Lango sa alak, lasing Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay. MGA HALIMBAWA NG SAWIKAIN: 1. ABOT-TANAW Kahulugan: Naaabot ng tingin Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon. 2. AGAW-DILIM Kahulugan: Malapit nang gumabi Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay. 3. AMOY-TSIKO Kahulugan: Lango sa alak, lasing Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay. PANGKATANG GAWAIN Saliksikin sa Youtube ang sumusunod na mga awitin. Komprehensibong talakayin sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon upang mailahad ang mga konseptong nais iparating ng awitin. UNANG PANGKAT PANG-APAT NA PANGKAT o “Tuldok”ng Asin “Pitong Gatang” ni Fred Panopio o “Batingaw” “Karaniwang Tao” o “Langing Ikaw” “Pinggan” ni Pol Galang PANGALAWANG PANGKAT o “Pananagutan” ni Eduardo Hontiveros o “Tayo’y mga Pinoy” o “Holdap” ni Granada PANGATLONG PANGKAT o “Mamamayan ang Mamamayani” o “Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon o “Kayod Kabayo, Kayod Barya” ni. Noel Cabangon Saliksikin sa Youtube ang sumusunod na mga awitin. Komprehensibong talakayin sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon upang mailahad ang mga konseptong nais iparating ng awitin. 1. “TULDOK” ng asin – tumutukoy sa pilosopikal sa puno’t dulo ng buhay at pag-iral o existence, gamit ang konsepto tuldok. 2. “BATINGAW” – pagdadalumat sa konsepto ng karapatang pantao sa kontekstong Pilipino. 3. “LAGING IKAW” - pagdadalumat sa mga salita/konseptong Pilipino na magkakaugnay, magkakapares, at magkasalungat. 4. “PANANAGUTAN” – pagdadalumat sa konseptong ng panlipunang pananagutan o responsibilidad ng tao sa kanyang kapwa at bansa. 5. “Tayo’y mga Pinoy” – pagdadalumat sa kolonyal na mentalidad ng mga Pilipino. 6. “HOLDAP” - pagdadalumat sa konsepto ng krimen-malalaki at dambuhalang krimen. 7. “MAMAMAYAN ANG MAMAMAYANI” – pagdadalumat sa konsepto ng pagtutulungan, bayanihan ng mamamayan para sa pag-unlad ng pamayanan. Saliksikin sa Youtube ang sumusunod na mga awitin. Komprehensibong talakayin sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon upang mailahad ang mga konseptong nais iparating ng awitin. 8. “MABUTING PILIPINO” - pagdadalumat sa mas malalim na kahulugan ng nasyonalismo lagpas sa nasyonalismo barong Tagalog o nasyonalismo pang-Buwan ng Wika lamang. 9. “KAYOD KABAYO, KAYOD BARYA” - pagdadalumat sa pang-araw-araw ng buhay ng isang ordinaryong Pilipino. 10. “PITONG GATANG” – pagdalumat sa kultura ng umpukan at tsismis sa Pilipinas. 11. “KARANIWANG TAO” – pagdalumat sa ugnayan ng mga suliraning ekonomiko ng mga ordinaryong tao, at pagkawasak ng kalikasan. 12. “PINGGAN” – pagdalumat sa konsepto ng pagkakaibigan o relasyon ng mga bansa, at soberanya. SALITA NG TAON SALITA NG TAON o Ang salita ng taon ay ang mga salitang napapanahon o makabagong salita na ginagamit ng karamihan. MAAARING KILALANING SALITA NG TAON o Bagong imbento; o Bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika; o Luma ngunit may bagong kahulugan, at; o Patay na salitang muling binuhay. PANGUNAHING BATAYAN SA PAGPILI NG SALITA NG TAON o Kabuluhan ng salita sa buhay ng mga Filipino at/o pagsalamin nito ng katotohanan o bagong pangyayari sa lipunan; o Lawak at lalim ng saliksik sa salita, gayundin ang retorika o ganda ng paliwanag, at paraan ng pagkumbinsi sa mga tagapakinig; at o Paraan ng presentasyon. MGA SALITA NG TAON: 2004 - 2018 Mula nang magsimula ang timpalak-pangwika na SNT, umabot sa mahigit 100 salita na ang nalikom ng FIT. Narito ang buod ng mga nagsipagwagi at nakilahok sa timpalak: 1. SAWIKAAN 2004 (CANVASS) o May kinalaman sa nagdaang eleksyon (Pambansang halalan) Mainit na isyu ang dayaan: “Flying voter” o botanteng nakarehistro sa magkakaibang presinto kaya ilang ulit na nakaboboto; o “Ghost voter” o botanteng patáy na ngunit nagagamit ng iba ang pangalan sa pagboto; “ o Vote-buying” o pagbili ng boto; at “Dagdag-bawas,” may kinalaman sa pagbibilang ng boto na ang kandidatong lamáng sa boto ay babawasan at ang kalabang nandadaya ay daragdagan. MGA SALITA NG TAON: 2004 - 2018 2. SAWIKAAN 2005 (HUWETENG) o Pagpasok sa larang ng buhay ng mga Filipino: Nagagamit sa pagpundar at pagpapalago ng iba’t ibang negosyo, legal man o hindi. o Sa larang naman ng kultura, ang huweteng ang nagbibigay ng pag-asa sa karaniwang mamamayan samantalang sinisira ang mga halagahan ng mga sangkot sa sugal, pati na ang mga institusyong panlipunan. 3. SAWIKAAN 2006 (LOBAT) o Mula sa orihinal na “low battery” o pagkaubos ng enerhiya ng baterya at napipintong kamatayan ng cell phone, isang penomenon ang inilatag ni Jelson Capilos o isang tao na dulot umano ng salimuot ng modernong pamumuhay sa sarili at nagagawa niyang ihambing ang sarili sa isang mákináng gaya ng cell phone MGA SALITA NG TAON: 2004 - 2018 4. SAWIKAAN 2007 (MISKOL) o Isang makabagong paraan ng pagpaparamdam na umaangkop sa mabilis na pag-imbulog ng modernong panahon. o Tumutukoy din ito sa pagbabagong nagaganap sa ating sarili, sa pakikitungo natin sa iba, at sa ating pagnanasa na patuloy tayong magparamdam sa panahon ng tunggalian at mas pinipili na lamang ng karamihan sa atin ang magparamdam sa pamamagitan ng pinakamadali ngunit pinakamagastos na paraan: ang cell phone.” 5. SAWIKAAN 2010 (JEJEMON) o Bagong likhang salita upang kumatawan sa isang umuusbong na uri ng kulturang nabuo dahil sa epekto ng teknolohiya ng cell phone. MGA SALITA NG TAON: 2004 - 2018 6. SAWIKAAN 2012 (WANGWANG) o Ginamit ni P-Noy bilang sagisag ng tiwali, abusado, at korap na pinunò ng pamahalaan gayundin sa kanilang gawi ng pagmamalabis sa paggamit ng awtoridad at pribilehiyo bilang opisyal. o Ayon kay San Juan, isang “bagong batingaw, pag-iingay o panawagan para sa tunay na pagbabago, paggising sa mga opisyal ng gobyerno at maging sa mamamayan na nakalimot sa tungkulin sa bayan.” 7. SAWIKAAN 2014 (SELFIE) o Nangangahulugang pagkuha ng sariling larawan gamit ang smart phone o webcam at agarang pagpapaskil sa social media. Itinanghal ding Word of the Year noong 2013 ng Oxford Dictionaries. MGA SALITA NG TAON: 2004 - 2018 8. SAWIKAAN 2016 (FOTOBAM) o Sirain ang eksena sa pamamagitan ng pagsingit sa kuwadro ng kamera habang may kinukunan ng retrato. Naging matunog ang salitang "photobomb" matapos bansagan ang Torre de Manila bilang "pambansang photobomb” o Dahil diumano'y sinisira nito ang hitsura ng monumento ni Rizal, isa sa mga sikat na atraksyon sa Luneta Park. 9. SAWIKAAN 2018 (TOKHANG) o Halaw sa pinagtiyap na mga salitang Binisaya na toktok (“katok”) at hangyo (“pakiusap”), Tokhang ang mukha ng giyera kontra-droga ng rehimeng Duterte. o Ang Oplan Tokhang ay isa sa dalawang kampanyang inilunsad ni Ronald “Bato” dela Rosa habang nagsisilbi bilang pinuno ng Davao City Police Office mula Enero 2012 hanggang Hunyo 2016.