Pag-aaral ng Komunikasyon (ARALIN-3) - PDF
Document Details
Uploaded by CalmingDialect
Tags
Related
- Mga Saligang Batas at Kautusan sa Wikang Filipino (KOMUNIKASYON NOTES PDF)
- Bagong-DLP-Filipino-DO KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO (PDF)
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Module 1 PDF
- Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino (Modyul 1) PDF
- COR 003: Filipino Language and Literature Through History PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga aralin sa pakikipag-usap at mga modelo ng komunikasyon. Ang mga aralin ay sumasaklaw sa iba't ibang anyo ng komunikasyon, kabilang na ang mga di-berbal at berbal na mensahe. Ang mga detalye ng komunikasyon sa iba't ibang konteksto kagaya ng mga pag-uusap sa klase ay ibinabahagi rin.
Full Transcript
Maligayang Pagdating! Tuloy ka sa ating onlayn na klase sa Filipino! ? CLASS RULES Magsulat sa Kuwaderno Aktibong Makinig Iwasang magbukas ng iba pang Pindutin ang raise a hand kung browser ma...
Maligayang Pagdating! Tuloy ka sa ating onlayn na klase sa Filipino! ? CLASS RULES Magsulat sa Kuwaderno Aktibong Makinig Iwasang magbukas ng iba pang Pindutin ang raise a hand kung browser may tanong HULA NA! LARAWANG MAKIKITA! PANUTO: Tukuyin ang bagay na nasa larawan sa pamamagitan ng unti-unting pagtanggal ng mga kahong nakaharang. 1 2 3 4 5 6 7 8 9 1 2 3 4 5 6 7 8 9 1 2 3 4 5 6 7 8 9 1 2 3 4 5 6 7 8 9 OPINYON MO, ILAHAD MO! TANONG: SAGOT: 1.Saan ginagamit ang mga gamit na iyong hinulaan? 2. Paano kung walang komunikasyon ang mga tao? Komunikasyon Ayon kay Rubin, kailanman ang tao’y hindi makatatagal na mamuhay nang sa ganang sarili lamang (2001:23). Ang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na “communis” na nangangahulugang “karaniwan” o “panlahat.” Ito ang proseso ng ng pagpapadala at pagtanggap ng impormasyon na maaaring berbal o di berbal. Nakikita at nadarama sa kahit anomang aspekto at larangan ng buhay tulad ng karaniwang usapan, sa pamilya, sa propesyon, sa pamahalaan, at lipunan. PAGPAPAKAHULUGAN NG IBA’T IBANG DALUBHASA… ATIENZA ET AL. 1990 Tahasan itong binubuo ng dalawang panig:isang nagsasalita at isang nakikinig na kapwa nakikinabang nang walang hanggan. S.S. STEVENS Ang komunikasyon ay ang napiling pagtugon ng organismo sa anomang bagay na nangangailangan ng pagkilos o reaksiyon. GREEN AT PETTY (DEVELOPMENT LANGUAGE SKILLS Intensyonal o konsyus na paggamit ng anomang simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin, emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba. WEBSTER DICTIONARY , 1987 Ito ang pagpapahayag; paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan; isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan. KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON 1.KALAHAGANG PANLIPUNAN Sa pamamagitan ng mahusay na pakikipag-usap, ang tao ay nakagagawa ng desisyon tungkol sa anumang bagay: sa kabuhay, relihiyon, edukasyon at politika. 2.KAHALAGAHANG PANGKABUHAYAN Nangangailangan ng mahusay na pakikipagtalastasan sa alinmang negosyo upang magkaunawaan ang nagtitinda at ang mamimili. 3.KAHALAGAHANG PAMPOLITIKA Matalakay ang mga bagay na may kinalaman sa bayan at ang pakikpag-ugnayan sa ibang bansa. Ito rin ay kailangan lalo na sa pagsulat at pagpapatupad ng mga batas. SANGKAP NG KOMUNIKASYON 1.TAGAHATID/ TAGATANGGAP Nagsisimula ang proseso ng komunikasyon. Sumasailalim sa isang malalim na pag-aanalisa ng bawat detalye ng isang partikular na paksa. Ang kahusayang pangkomunikasyon, kaasalan at pagpapahalaga, kaalaman, kalagayang panlipunan at kultura ay mga salik na dapat isaalang- alang. 2.MENSAHE Nilalaman ng mensahe ang kaisipan, damdamin, ideya, pag-uugali, at sentimyento ng gustong maipabatid o maibahagi ng pinagmulan ng impormasyon. Ang mensaheng ito ay naglalaman ng berbal at di berbal na paraan ng paghahatid ng impormasyon. 3.TSANEL/ DALUYAN Ito ay tumutukoy sa midyum na dinadaluyan ng mensahe upang maipaabot sa tagatanggap ang mensahe. DALAWANG URI NG DALUYAN O TSANEL: 1.SENSORI – sangkot ang paggamit ng pandama, paningin, pandinig, pang-amoy , panlasa. 2.INSTITUSYONAL – tuwirang pakikipag-usap , sulat at kagamitang elektroniko tulad ng e-mail, fax, machine at cellphone at iba pa. 4.FIDBAK/ TUGON Ito ay tumutukoy sa naging sagot ng tagatanggap,maaaring berbal o di berbal na pagsagot base sa impormasyon na natanggap mula sa tagapaghatid nito. Ang tugon ang magiging batayan ng susunod na siklo ng komunikasyon. Tanda ng tagapaghatid ng impormasyon kung ang impormasyon ay natanggap at naunawaan. 5.POOK / TAGPUAN Ito ay tumutukoy sa sikolohikal, sosyal, kultural, at pisikal na kalagayan ng pinaggaganapan ng komunikasyon. Maging ang kondisyon ng paligid kung saan URI NG KOMUNIKASYON 1.KOMUNIKASYONG BERBAL Uri ng komunikasyong gumagamit ng wika pasulat man o pasalita. Karaniwang gamitin ang ganitong uri ng pakikipagkomunikasyon. Nasasabi ng tao ang kanyang mga nararanasan. 1.KOMUNIKASYONG DI -BERBAL Hindi gumagamit ng salita. Ang mensahe ay ipinadadala sa pamamagitan ng kilos o galaw, tindig, ekspresyon ng mukh at galaw ng mata. A.WIKANG PASENYAS Kumpas na senyas o simbolo na pamalit sa salita na kumakatawan sa bilang o numero at anumang bantas. A.WIKANG PASENYAS Halimbawa: Paggamit ng hinlalaki na itinataas o ibinababa. Paggamit ng pula, berde at dilaw na simbolo sa batas trapiko. Iba’t ibang bantas na ginagamit sa anumang diskursong panulat tulad ng tandang pananong (?) o tuldok (.) B. WIKANG PAAKSYON Ito ay pagkilos o ekspresyon ng mukh, mayroong kahulugan. Halimbawa: Nakakunot ang noo Kilay na nagsasalubong Masayang mukha Nanlalaking mata Nakairap na mata Nanliliit na mata Nakataas na kilay C. WIKANG GINAGAMITAN NG BAGAY Ito ay paggamit ng mga materyal na bagay upang maglahad ng mensahe sa tao o malaman ang ipinahihiwatig na simbolo ng mga bagay. Halimbawa: Singsing na ibinibigay sa kasintahan Tsapa na pag-aari ng pulis na madalas ipinapakita nito sa tao. Paggamit ng puting bandila sa isang digmaan Kapag nakikita ang larawan o imahe ng isang babaeng nakapiring ang mata at may hawak na timbangan. MGA POTENSYAL NA SAGABAL SA KOMUNIKASYON 1.SEMANTIKONG SAGABAL Tumutukoy sa maaaring pagkakaiba ng interpretasyon sa mensahe na nais ipabatid. 2.PISIKAL NA SAGABAL Maaaring mula sa ayos o anyo ng paligid kung nasaan ang taong nag-uusap, distraksyong biswal , suliraning teknikal, kalagayan ng mga taong nag- uusap. 3.PISYOLOHIKAL NA SAGABAL Matatagpuan sa pangangatawan ng tagapaghatid. Maaaring may kapansanan sa kanyang pagsasalita, makarinig o makakita. 4.SIKOLOHIKAL NA SAGABAL Tumutukoy ito sa kultura na kinalakhan ng tao na maaaring maging sagabal sa interpretasyon ng mensahe. KATEGORYA/ANTAS NG KOMUNIKASYON 1.INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON Nagaganap sa sarili na mapapansin sa kanyang pagmumuni-muni, pag-iisip, meditasyon o pansariling pagdedesisyon. 2.INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON Uri ng komunikasyon na nagaganap sa dalawa o higit pang tao (tagapagsalita at tagapakinig) 3.KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO Nagaganap ang ang ganitong uri ng komunikasyon sa harap ng maraming mamamayan. 4.KOMUNIKASYONG PANGMADLA Uri ng komunikasyon na gumagamit ng iba’t ibang uri ng teknolohiya o mass media , radyo, telebisyon, at pahayagan. 5.KOMUNIKASYONG PANG-ORGANISASYON Komunikasyong nagaganap sa loob ng organisasyon o samahan. 6.KOMUNIKASYONG PANGKULTURA Ginagamit ang ganitong uri ng komunikasyon sa pagtatanghal o pagpapakilala ng kulutra ng pangkat ng mga tao. 7.KOMUNIKASYONG PANG-KAUNLARAN May kinalaman sa aspekto ng buhay ng tao sa industriya, ekonomiya, o anomang pangkabuhayan o pangkaunlaran. MODELO NI ARISTOTLE MODELO NI SCHRAMM MODELO NI BERLO MODELO NI HAROLD LASWELL (1948) MODELO NI DANCE (KOMUNIKASYON HELIKAL)