MIDTERM PDF: Masining na Pamamahagi
Document Details
Tags
Summary
This document is an academic paper discussion about discourse in the Filipino language. It covers different types of discourse; and also elements such as context, cognition, skills, and communications. It discusses aspects of writing and public speaking.
Full Transcript
MASINING NA PAMAMAHAYAG ARALIN 5: PAGKAKAIBA NG PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO Ano ang diskurso? Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na discursus na nangangahulugang “running to and from” na maiiugnay sa pagsalita at pagsulat na komunikasyon at ito rin ay isang interaktibong ga...
MASINING NA PAMAMAHAYAG ARALIN 5: PAGKAKAIBA NG PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO Ano ang diskurso? Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na discursus na nangangahulugang “running to and from” na maiiugnay sa pagsalita at pagsulat na komunikasyon at ito rin ay isang interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon. Ang diskurso (Webster 1974) ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon. Ayon sa Diksyunaryo Ingles-Filipino (1984), ito ay nangangahulugang magsulat at magsalita nang may katagalan o kahabaan. Sa Webster’s New World Dictionary (1995), ito ay isang pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita. Ito rin ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa. DALAWANG PARAAN/ANYO NG PAGPAPAHAYAG NG DISKURSO 1. PASULAT Ayon kay Bernales et. al., 2002, ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalitaan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao. Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang pangwika upang matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang kanyang mensahe dahil maaaring maging iba ang pagkaunawa ng tatanggap nito. 2. PASALITA/PANANALITA Ito ay isang diskursong oral, ang masining na pagpapahayag ng iyong ideya sa paggamit ng berbal na pamamaraan. Mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit minsan ay naaapektohan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang kakayahang komunikatibo. Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging sa taong kausap upang makamit ang layunin. MGA LAYUNIN NG DISKURSO Makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang maging sila ay maranasan din ang naranasan ng manunulat. Pagbibigay ng malinaw ng imahe ng isang tao,bagay,pook,damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan. Makapagbigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang mahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig. KAHALAGAHAN NG DISKURSO Nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig at ng manunulat at mambabasa nakapagpaparating ng mensahe ang isang tao. Sa diskurso, mahalaga na; Maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi sa kulturang nakapaloob dito. Mahusay maghinuha ng mga impormasyon (kilos at salita). Kritikal na pang-unawa sa pag-unawa ng mga mensahe. Isaalang-alang ang apat na dimension 4k (Konteksto, Kognisyon, Kakayahan at Komunikasyon) APAT NA DIMENSION (4K) 1. KONTEKSTO NG DISKURSO Ang isang tao ay nakikipagtalastasan sa iba sa anumang oras, espasyo at konteksto. Ang mga kontekstong iyon ay madalas na ituring bilang mga partikular na kumbinasyon ng mga taong bumubuo sa isang sitwasyong pangkomunikasyon. Ang konteksto ng isang diskurso ay maaaring interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian. Konstekstong Interpersonal – usapan ng magkaibigan Kontekstong Panggrupo – pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaral Kontekstong Pang-organisasyon – memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng empleyado. Kontekstong Pangmasa – pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante Kontekstong Interkultural – pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN Kontekstong Pangkasarian – usapan ng mag-asawa 2. KOGNISYON Tumutukoy sa wasto at angkop na pang-unawa sa mensahe ng mga nag-uusap. Bahagi nito ang oryentasyong kultural ng mga taong nag-uusap. Kailangan ng mataas na level ng pag-unawa tungo sa higit na karunungan. 3. KAKAYAHAN Ang lahat ng tao sa mundo ay may kakayahan sa apat na makrong kasanayan. (Pagsulat, Pagbasa, pagsasalita, at Pakikinig) 4. KOMUNIKASYON Tumutukoy ito sa berbal at di-berbal na komunikasyon sa paghihinuha ng mga impormasyon. Nagbigay ng mungkahi si Dell Hymes kung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika. Ayon kay Dell Hymes, kailangang isaalang-alang ang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. na tinalakay sa mga sumusunod na talata. 1. SETTING. (Saan nag-uusap?) Dapat isaalang-alang ang pook o lugar sa pakikipagkumunikasyon. Ang paraan ng pagpapahayag ng mga salitang ginagamit, ang tono at tunog ng pagsasalita ay nag-iiba ayon sa lokasyon na pinangyarihan ng salitaan. Ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon sapagkat kung hindi ito isasaalang-alang, maaari kang mapagkamalang bastos o walang pinag-aralan. 2. PARTICIPANTS. (Sino ang kausap, nag-uusap?) Dito isinaalang-alang ang tao o mga taong kasangkot sa komunikasyon. Ang pag-uugali, katauhan, damdamin, maging ang estado sa buhay, katungkulan, hanapbuhay, gulang kasarian, paniniwala at pilosopiya sa buhay ay nakakaimpluwensya sa daloy at paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita at ng kanyang kausap. 3. END. (Ano ang layunin ng usapan?) Sa komponent na ito ang interaksyon ay ayon sa layuning nais matamo sa pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o pagbibigay ng impormasyon, pag-uutos, pakikiusap, pagpapahiwatig, pagpapakahulugan, pagmumungkahi, pagbabahagi ng damdamin, pangangarap o paglikha. 4. ACT SEQUENCE (Paano ang takbo ng usapan?) Ito ang tumutukoy sa pagkakaugnay ng usapang nagaganap sa uri ng pangyayari. 5. KEYS (Pormal ba o impormal ang usapan?) Tumutukoy sa paraan ng pakikipag-uusap sa ibang tao. 6. INSTRUMENTALITIES (Ano ang midyum ng usapan, pasalita ba o pasulat?) Kailangang ikonsider din ang gamit o daluyan ng komunikasyon. 7. NORMS (Ano ang paksa ng usapan?) Mahalagang maisaalang-alang din ng isang tao ang paksa ng usapan. 8. GENRE (Ano ang uri ng pagpapahayag? Pasalaysay, Paglalarawan, Paglalahad, Pangagatwiran?) Sa komponent na ito, isinaalang-alang ang layunin ng participants. Kung ang nais niya ay ang magkwento ng isang pangyayari o mga pangyayari, pasalaysay ang pagpapahayag. Kung ang nilalayon naman niya ay magpakitang anyo, katangian, hugis, at kulay ng isang bagay, tao, pook, pangyayari at damdamin, paglalarawan ang paraan. PAGKAKAIBA NG PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO DISKURSO PASALITA PASULAT SIKOLOHIKAL Gawaing Sosyal Gawaing Mag-isa May awdyens at may interaksyong Ginagawa nang nag-iisa; nagaganap; Maraming ginagawang pang-aakma ang May kagyat na pidbak sa anyong berbal at manunulat upang maisaalang-alang ang di- di-berbal; at nakikitang awdyens, o mambabasa; minsan Gumagamit ng mga hudyat o paralinguistic. siya mismo ang gumaganap na tagabasa ng sulat ng ginagawa; at Walang kagyat na pidbak kaya’t hindi agad na babago kung ano ang naisulat. Kailangang panindigan kung ano ang naisulat. LINGGWISTIKA Maaring gumamit ng mga impormal at mga Kailangang mahusay ang paglalahad ng pinaikling kontruksyun ng mga salita. kaisipan upang makatiyak na malinaw ang Maaring ulitin, baguhin at linawin ang dating sa mambabasa. nabitiwang salita ayon sa reaksyon ng taga Mas mahaba ang konstruksyon ng mga pakinig. pangungusap at may tiyak na estrukturang Napagbibigyan ang mga pag-uulit ng mga dapat sundin. pahayag. Nauulit ang anumang sinabi. KOGNITIBO Ang pagsasalita ay madaling natatamo Natutunan sa paaralan at kailangan ang Natutunan sa isang prosesong natural na tila pormal na pagtuturo at pagkatuto walang hiap (ego building) Mahirap ang pagubuo ng isusulat na mga Ang pagsasalin ng “inner speech” (kaisipang ideya kaya pagsasabi nito; at binubuo bago ipahayag sa anyong pasalita) Karamihan sa karanasan ng mga bata sa ay isang madaling proseso. pagsulat ay hindi maganda kaya ang gawaing ito’y ego-destructive. PAGLINANG NG IDEYA Upang mas epektibo ang paglinang ng ideya narito ang mga salik ukol dito: 1. PAKSA Pangunahing diwa, kilala bilang tema, pangunahing ideya, katwiran, tesis o proposisyon. Kung walang epektibong paksa, hindi ka makasusulat ng isang epektibong dekumento o akda. KATANGIAN NG ISANG EPEKTIBONG PAKSA Limitado – may limitasyon lamang ang isusulat, magpukos sa kung ano ang paksang napili. Hindi masyadong makitid o limitado – kung ang paksa ay kinakailangang ipaliwanag sa hindi masyadong limitadong paraan Isinaalang - alang ang interes ng awdyens – alamin ang interes ng iyong taga basa at tagapakinig. 2. LAYUNIN Ang pagbuo ng mga tanong sa sarili gaya ng mga inilahad sa ibaba ay makakatulong nang malaki pagtuklas ng layunin sa pagsulat: Pinagsisikapan ko bang bigyan ng impormasyon ang aking awdyens tungkol sa paksa na hindi pa nila alam ngunit naroon ang pagkagusto nilang malaman ito? Pinagsisikapan ko bang makapagbigay-kasiyahan sa pamamagitan ng pagsulat ng mga nakakatawa o dramatikong pahayag? Pinagsisiskapan ko bang ipabatid s aking awdyens na alam ko ang paksang aking isinulat? 3. PAGSASAWIKA NG IDEYA Pagpili ng estilo sa pagpapahayag ang pagsasawika ng ideya Narito ang ilang maaring gamitin sa pagsasawika ng iyong mga ideya: A. PORMALIDAD Tumutukoy sa pagdedesisyon kung gaano kapormal at impormal ang gagamitin nating wika. Ang pormalidad ay pagkilala sa kung sino ang gusto mong mahikayat o kung kanino humihingi ng suporta. B. KATIYAKAN Ang wika ay maaring maging wasto, tiyak at makatotohanan. Oo maari rin namang maging malabo at magulo. Ang katiyakan ng sa wika ay maaring magpahayag ng maliwanag at kakaibang ideya. C. LITERAL Ang estilo ng maretorikang pagpapahayag ay maaaring magkaiba sa paggamit ng tayutay o metaporikal wika. Ang paggamit ng tayutay ay makapagpapaunawa at makapagpapaliwanag sa mga hindi nahihipong uri ng karanasan. Ang literal na paggamit ng wika ay mas tiyak at wasto pero ito’y hind ka aakit-akit at malinaw. Habang ang metaporikal na wika ay nagpapasigla sa ideya at nahihikayat ng partisipasyon. D. PAG-UULIT Payo sa mga manunulat na dapat ay nilang layunin ang pagtitipid sa wika, iwasan ang labis na paggamit sa wika at pagiging maligoy. Ang dalas sa pangangailangan sa pag-uulit ay nakadepende sa kaguluhan ng paksa at argumento at sa kaalaman ng awdyens. 4. AWDYENS Isa pang tanong na dapat bigyang pansin ay ang “Sino ang magbabasa o makikinig ng iyong pahayag?”. ARALIN 6: KOMPOSISYON Ang komposisyon ang pinakapayak na paraan ng pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay ng interpretasyon sa mga pangyayari o sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood na pagtatanghal. A. BAHAGI NG KOMPOSISYON Ang isang komposisyon ay binubuo ng mga bahaging dapat pagyamanin upang lalong kalugdan ng mambabasa. 1. Panimula Isang pambungad na salaysay Isang makatawag-pansin na pangungusap Isang tanong/tanong panretorika Isang sipi Isang usapan o palitan ng salita Halimbawa ng isang sipi: Kasabihan Awit Tula 2. Katawan Ito ang pinakasentrong bahagi ng paglalahad sa isang sulatin. Lahat ng detalye ay kailangang may kaisahan upang lalong mapatingkad ang ipapaliwanag. 3. Wakas/Katapusan Ito ang huling bahagi ng isang sulatin na kinakailangang gumising sa diwa ng mambabasa. Ang wakas ay maaring: Patanong Pagbuod sa mga mahahalagang bagay na nabanggit Paggamit ng angkop na sipi, bahagi ng awit, bahagi ng tula o kasabihan bilang paglagom sa kabuuan ng komposisyon o sanaysay. MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA PARA SA PAGSULAT NG KOMPOSISYON 1. Sariling karanasan 2. Nakita o napanood 3. Napakinggan o naririnig 4. Nabasa 5. Likhang isipan ARALIN 7: MGA DISKURSONG PERSONAL DISKURSONG PERSONAL Nagpapakita ng sariling karanasan ng sumulat. Naglalaman ng pang-araw-araw na pangyayari sa buhay, mga natutunan, natuklasan tungkol sa sarili, sa pagkatao at paglago bilang tao. A. Talaarawan Talaan ng pang-araw-araw na karanasan o mga personal na pangyayari. Mga pinakatago-tagong lihim o sekreto. Itinituring na matalik na kaibigan, Nagsisilbing tagapag-aalala sa mga kahapon o nakaraang pangyayari sa buhay. Talaan din ng personal na pangyayari, inaasahan man o hindi na sinasagawa ng regular. Halimbawa: Pananaliksik Proyekto Mga imbakan ng ideya (maikling kwento, sanaysay at iba pa) C. Awtobayograpiya Naglalaman ng mga impormasyong hinggil sa isang tao na siya rin ang sumulat. Mababasa rito ang tungkol sa buhay ng sumulat. Ang susulat ng awtobayograpiya ay kailangang nagsasabi ng katotohanan, personal na impormasyon sa iyong sarili. Mga nilalaman ng awtobayograpiya: Sino ka? Ano ang kahulugan ng buhay para sa iyo? Paano mo makikita ang iyong buhay sa hinaharap? Konklusyon D. Repleksyon Tinatalakay sa sulating ito ang kasaysayan ng iyong pag-unlad, pagbabago at paglago. Sa pagsusulat, maaari mong saguin ang mga sumusunod: Ano ang nagdala sa iyo sa kalagayan mo ngayon? Ano-ano ang naging implikasyon nito sa iyo? Bakit ganito ang iyong pag-uugali at paniniwala? Katangian ng Repleksyon Sarili mo ang pangunahing mapagkukunan ng impormasyon – ang iyong kaisipan, buhay, pinagdaanan, paniniwala at iba pa. Nagpapakita ito ng kaugnayan ng teksto sa inyong buhay. Kinakailangan maging bahagi ng sanggunian ang lahat ng pinagkunan ng tekstong gagamitin sa pagsulat ng repleksyon. Gumagamit ng panauhan sa buong pagsulat ng repleksyon. ARALIN 8: PAGLALARAWAN PAGLALARAWAN Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong ipamalas sa nakikinig o bumabasa ang nakikita ng mata, naamoy ng ilong, nararamdaman ng balat, nalalasahan ng dila o naririnig ng tainga. Nagpipinta ng matingkad at detalyadong imahen sa isip at damdamin ng mambabasa. Kinasasangkutan ng pang-uri at pang-abay. Nagpapagalaw at nagpapakislot ng guniguni at imahinasyon. A. MGA URI NG PAGLALARAWAN 1. KARANIWANG PAGLALARAWAN Nagbibigay kaalaman hinggil sa isang bagay ayon sa pangkalahatang pangmalas. Nagpapakita ng pisikial o kongkretong katangian. Binibigyang-diin kung ano ang nakikita at hindi ang nilalaman ng damdamin. HALIMBAWA: Maamo ang kaniyang mukha na lalo pang pinatitingkad ng mamula-mula niyang mga pisngi. Mabango at mahaba ang kaniyang buhok na umaabot hanggang sa baywang. 2. MASINING NA PAGLALARAWAN Ginagamitan ng matatalinhagang salita. Naglalayong pukawin ang guniguni at damdamin ng mambabasa. Binibigyang diin ang makulay na larawang nililikha ng imahinasyon URI NG MASINING NA PAGLALARAWAN 1. Paglalarawan sa Tao – Paglalarawan sa pisikal na kaanyuan ng isang tao. Halimbawa: Ang hubog ng kaniyang katawan ay hubog-gitara. Si Anna ay may mala-niyebeng kutis. 2. Paglalarawan sa Bagay – Paglalarawan sa bagay na naayon sa pisikal na anyo, katangian at tekstura. Halimbawa: Ang higanteng barkong iyon ay naglululan ngmagagarang sasakyan. Ang mga ginintuang mga butil ng palay at nagsisisayawan sa bukid. 3. Paglalarawan sa Damdamin – Paglalarawan sa nararamdaman ng isang indibidwal na maaring makapukaw sa guniguni ng mambabasa. Halimbawa: Ang kaniyang isip ay punong-puno ng nakatatakot na pangitain. Nakabubuhay ng loob ang kasiglahangipinakikita niya 4. Paglalarawan sa Pangyayari - Paglalarawan sa mga karanasan o pagkakataon sabuhay ng tao. Halimbawa: Pinulbos sa abo ng sunog na iyon ang lahat ng aming kagamitan. Mabilis pa sa kidlat ang pagnanakaw ng masasamang loob kanina. B. PAGSULAT NG KOMPOSISYONG NAGLALARAWAN 1. Pasksa 2. Pagbuo Ng Pangunahing Larawan 3. Pagpili Ng Sariling Pananaw 4. Pagpili Ng Sangkap 5. Angkop Na Pananalita