Kakayahang Lingguwistika at Gramatikal PDF
Document Details
Tags
Summary
This document discusses Filipino language, grammar, and linguistics concepts. It includes questions related to these topics.
Full Transcript
Kakayahang Linggwistiko Istruktural Gramatikal Ano ang iyong sasabihin sa ganitong sitwasyon? 1.Ikaw at ang matalik mong kaibigan ay sabay na kumuha ng pagsusulit para makapasok sa pangarap na paaralan, Ikaw ay pumasa ngunit ang iyong kaibigan ay hindi. 2.May hindi kaaya-ayang amoy an...
Kakayahang Linggwistiko Istruktural Gramatikal Ano ang iyong sasabihin sa ganitong sitwasyon? 1.Ikaw at ang matalik mong kaibigan ay sabay na kumuha ng pagsusulit para makapasok sa pangarap na paaralan, Ikaw ay pumasa ngunit ang iyong kaibigan ay hindi. 2.May hindi kaaya-ayang amoy ang iyong katabi na nagiging sanhi ng iyong sakit ng ulo. 3.May paghanga ka sa isang tao at gusto mong sabihin ang iyong nararamdaman. Akto ng ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasulat, pakilos o pasalita na paraan. Kakayahang Komunikatibo Angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksyong sosyal. Ayon kay Dell Hathway Hymes Isang mahusay, kilala, at maimpluwensyang lingguwista at anthropolist na maituturing na “higante” sa dalawang nabanggit na larangan. May mga iba’t ibang aspeto o bagay na dapat matutunan sa paggamit ng wika upang mahubog ang kakayahanag komunikatibo: 1.Tamang ayos ng sasabihin 2.Dapat sabihin 3.Dapat pag-usapan 4.Kanino lamang pwedeng sabihin 5.Saan sasabihin 6.Paano sasabihin Kakayahang Lingguwistiko-Noam Chomsky Kailangang malaman kung paano ang tamang paggamit at pagkabuo ng mga wika/salita na ginagamit. Naniniwalang isinilang ang tao na may Laguage Acquisition Device (LAD) na responsible sa natural na paggamit ng wika. Kakayahang Lingguwistiko-Noam Chomsky Abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa nang maayos at makabuluhang pangungusap. Ito ay natural na kaalaman ng tao sa Sistema ng kaniyang wika, dahilan kaya nagagamit niya ito nang tama at mabisa. Kakayang Lingguwistiko sa Wikang Filipino A. Mga salitang Pangnilalaman: 1. Mga Nominal a. Pangngalan: nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari at iba pa. b. Panghalip- pamalit o panghalili sa pangngalan. 2. Pandiwa- nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita. 3. Mga Panuring a. Pang-uri- nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip. b. Pang-abay- nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapuwa pang-abay. B. Mga Salitang Pangkayarian: 1.Mga Pang-ugnay a. Pangatnig- nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay (halimbawa: at, pati, ni, subalit, ngunit) b. Pang-angkop- katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (Halimbawa: na, -ng) c. Pang-ukol- nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita (Halimbawa: sa, ng) B. Mga Salitang Pangkayarian: 2. Mga Pananda a. Panukoy- salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip (Halimbawa: si, ang, ang mga) b. Pangawing o Pangawil- salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri (Halimbawa: ay) Ortograpiya ng Wikang Filipino A. Pasalitang Pagbaybay _Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog-Ingles ng mga titik, maliban sa Ñ na tunog Espanyol. _Ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga titik na bumubuo sa isang, pantig, daglat, inisyal, akronim, simbolong pang- agham, at iba pa. kakayahang sosyolingwistik: 1.Sosyolingwistik 2.Kakayahang Sosyolingwistik 3.Mga oangunahing dahilan ng di pagkakaunawa 4.Mahalagang salik ng Linggwistikong Interaksyon. 5.Layunin ng Sosyolingwistika at Soosyolohiya ng wika Ano ang Sosyolingwistik Ang sosyolinggwistika ay pag-aaral sa ideya ng paggamit ng heterogenous ng wika dahil sa magkakaibang mga indibidwal at grupo na may magkaibang lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag- aralan at iba pa. _Ayon kay Constantino (2000) sa aklat ni Santos, et al (2010) Kakayahang SOSYOLINGWISTIK _Ayon naman sa pagtalakay sa dyornal na inilathala ng Shieffield Academy United Kingdom (2013) ang sosyolingwistik ay ang pinagsamang pag-aaral ng sosyolohikal at linggwistika na kung saan panag-ugnay ang wika at ang Lipunan. Ayon dito, Malaki ang tulong ng sosyolinggwistika para mas lalong maunawaan kung bakit may iba-ibang wikang ginagamit ang isang Lipunan. Ang sosyolinggwistik ay ang pag-aaral ng maka-sosyal na gamit ng wika at ang mga prodatibong pag-aaral sa apat na dekada ng sosyolinggwistikang pananaliksik ay nanggaling sa sosyal na ebalwasyon ng linggwistikong baryant. Kakayahang Sosyolingguwistik _Ito ay kakayahang gamitin ang wika ng may naaangkop na panlipunan pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkumunikasyon. _Isang kakayahag gumamit ng wika na nangangailangan ng pag-unawa sa konteksto ng Lipunan kung saan niya ito ginagamit _ Savignon, 2007) Mga Pangunahing Dahilan ng Di Pagkakaunawaan ( Dua, 1990) 1. Hindi lubos na nauunawaan ng nagsasalita ang kaniyang intension. 2. Hindi maipahayag ng maayos ng nagsasalita ang kanyang intension. 3. Pinili ng nagsasalitang huwag na lang sabihin ang kanyang intension dahil sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng hiya, nerbyos atbp. Mga Pangunahing Dahilan g Di Pagkakaunawaan ( Dua, 1990) 4. Hindi narinig at hindi naunawaan ang nagsasalita. 5. Hindi gaanong narinig at hindi gaanong nauunawaan ng tagapakinig. 6. Mali ang pagkakarinig at mali ang pagkakaunawa. Narinig ngunit hindi maunawaan. Kakayahang Sosyolingwistik Paano mo maayos ang hindi pagkakaunawaan? Mahalagang Salik ng Linggwistikong Interksyon _Modelong SPEAKING ni Dell Hymes. S- Setting/Scene (Pook ng pag-uusap o ugnayan at kung kailan ito nangyari) P- Participants ( Mga kalahok ng pag-uusap o mga “Audience) E- Ends (Pakay, Layunin at inaasahang bunga ng pag- uusap) A- Act Sequence (Takbo o daloy ng pag-uusap) Mahalagang Salik ng Linggwistikong Interksyon _Modelong SPEAKING ni Dell Hymes. K- Key (Tono ng pag-uusap kung seryoso o pabiro ba ito) I- Instrumentalities (anyo at estilo ng pananalita) N- Norms (Umiiral na panuntunan ng pag-uusap at kung ano ang reaksiyon ng mga kalahok) G- Genre (Uri ng impormasyon o sangkap na ginamit. Hal. Lihan at Interbyu) Tandaan “Ang sosyolinggwistika at sosyolohiya ng wika ay parehong nangangailangan ng sistematikong pag-aaral ng wika at ng Lipunan: “Mahalagang magkaroon ng kakayahang sosyolinggwistika upang maiwasan ang hindi pagkakaunawa. Kakayahang Diskorsal Diskurso _Pag-uusap o palitan ng kuro. ( UP Diksyunaryong Pilipino 2010) _Ayon naman sa webster’s New World Dictionary (1995), ang diskurso ay isang pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita. _ Ang diskurso ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa. 2 uri ng Diskorsal 1. PASALITA _ Karaniwang magkaharap ang mga participant kung kaya’t bukod sa kahalagahan ng mga salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan ng pagbigkas, tono, diin, kilos, kumpas ng kamay, tinig, tindig at iba pang salik ng pakikipagtalastasan na maaring makapagpabago sa kahulugan ng mensahe. 2 uri ng Diskorsal 2. PASULAT _ Higit na pag-iingat ang isinasagawa ng isang manunulat. Sa sandaling ang mensahe nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating sa tatanggap at ito’y kanyang nabasa, hindi na maaring baguhin ng manunulat ang kaniyang sinulat. Kakayahang Diskursal Ayon kay Savignon (2007) ang kakayahang diskursal ay tumtuon hindi sa interpretasyon ng mga indibiduwal na pangungusap kundi sa kneksyn ng magkasunod na mga pangungusap tungo sa isang makabuluhang kanuuan. _Tumutuon ang kakayahang ito Manunawaan at Makalikha ng mga anyo ng wika na mas malawig kaysa sa pangungusap. Kailangang Pagtuunan ng pansin ang KOHISYON at KOHIRENS 1. Kohisyon _ Ayon kay Halliday at Hassan (1976), ay tumutukoy sa ugnayan ng kahulugan sa loob ng teksto. _Maituturing na may kohisyon ang mga pahayag kung ang interpretasyon ng isang pahayag ay nakadepende sa isa pang pahayag. Halimbawa: Maraming pagbabago ang pakikisama ni Sarah. Naging madalas kanyang pagdalo sa mga gawain sa komunidad. Napapadalas na rin ng pagboboluntaryo niya upang manguna sa mga gawain. (Masabing may Kohisyon ang mga ito sapagkat may mga elementong nag-uugnay sa bawat pahayag. Tinatawag itong cohesive links.) Kailangang Pagtuunan ng pansin ang KOHISYON at KOHIRENS 2. Kohirens _ Tumutukoy naman ang kohirens sa kaisahan ng lahat ng pahayag sa isang sentral na ideya. _Dapat malaman ng isang nagdidiskurso na may mga pahayag na may leksikal at semantikong kohisyon ngunit walang kaisahan. Hal: Si Sarah ay may asawa.