Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipino PDF
Document Details
University of the Philippines Diliman
Mary Jane B. Rodriguez-Tatel
Tags
Summary
This paper analyzes the radical transformation of the Philippine Studies program at the University of the Philippines, from its neo-colonial origins to a nationalistic project. It examines the shift towards Filipino language as a primary tool for knowledge production and its implications for the development of a Filipino academic discourse.
Full Transcript
Philippine HUMANITIESStudies/Araling DILIMAN (JULY-DPilipino ECEMBER 2015) 12:2, 110-179 Phil ippine Stud ies/Aral ing Pil ipino/ Pilipinolohiya sa Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pil ipino (Philippine Stud ies/Araling Pilipin...
Philippine HUMANITIESStudies/Araling DILIMAN (JULY-DPilipino ECEMBER 2015) 12:2, 110-179 Phil ippine Stud ies/Aral ing Pil ipino/ Pilipinolohiya sa Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pil ipino (Philippine Stud ies/Araling Pilipino/ Pilipinolohiya in Filipino: Redefining Context and Concept within the Filipino Scholarly Trad ition) Mary Jane B. Rodriguez-Tatel Univesity of the Philippines Diliman ABSTRACT Since its inception as an area studies program instituted by the United States after World War II, Philippine Studies in the University of the Philippines has undergone a radical transformation. From being a neo-colonial program designed to create a venue for the Americans to perpetuate their hegemony in Philippine scholarship, it has become a springboard from which some progressive Filipino intellectuals particularly in the 1970’s formally launched the indigenization (read: Filipinization) movement in the Philippine academic community. Recontextualized and reconceptualized as part of the nationalist project, the program, since then, would become a site of engagement of Filipino scholars in the development of our own scholarly tradition. It would take on signif icant epistemological and methodological shifts emphasizing the vital role of Filipino language as primary tool of knowledge production. To map out the extent of this paradigm shift, knowledge production in Filipino both at the undergraduate and graduate levels of the Philippine Studies program is analyzed. Two general directions based on Virgilio Enriquez’s SP construct are discernible along this line: (a) “indigenization from within” or the development of our own analytical tool and conceptual framework using our indigenous language and culture as source; and (b) “indigenization from without” or appropriation/adaptation of foreign formulations to local realities. Such production is viewed in the larger context of the development of a “Philippine studies” envisioned by Rizal in the 19th century and carried on by Filipino scholars over the last f ive decades in their efforts to construct a 110 1655-1532 Print / ISSN 2012-0788 Online ISSN M. J. B. Rodriguez-Tatel more meaningful framework for understanding Filipino psyche, culture and society. It is hoped that a fully-developed Filipino academic discourse shall be our signif icant contribution to a truly universal scientif ic tradition. Keywords: Philippine studies, indigenization, Filipinization, language and knowledge production If I could only be a professor in my country, I would stimulate these Philippine studies which are like nosce te ipsum (know thyself ) that gives the true concept of one’s self and drives nations to do great things. [Kung magiging propesor lamang ako sa aking bayan, pag-iibayuhin ko ang mga pag-aaral tungkol sa Pilipinas na maihahalintulad sa nosce te ipsum (kilalanin ang sarili) na nagbibigay ng totoong konsepto ng sarili at nag-uudyok sa lahat ng bayan na gumawa ng kadakilaan.] (Akin ang salin.) –Rizal kay Blumentritt, 1887 (sipi kay Jose 53) It is necessary that you study the questions that concern your country. Knowledge is power. We are the only ones who can acquire a perfect knowledge of our country, because we know both languages and besides we are informed of the secrets of the people among whom we had been raised… [Kailangang pag-aralan ang mga katanungang may kinalaman sa inyong bayan. Ang kaalaman ay kapangyarihan. Ta yo lamang ang tanging makagagagap ng kaalaman ukol sa ating bayan, sapagkat nauunawaan natin kapwa ang mga wika, maging ang mga lihim ng taumbayang kasa-kasama natin sa paglaki….] (Akin ang salin.) –Rizal sa mga kapwa Propagandista, 1889 (sipi kay Jose 54) PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON Pinagsisimula kay Rizal ang kamalayang Pilipinista, at kaakibat nito’y ang artikulasyon ng pag-aaral at pagkilala ng/sa sarili bilang integral at pundamental na bahagi ng kabansaan (Jose 55-57; Salazar sipi sa Bautista at Pe-Pua 6; Salazar, “Philippine Studies” 302-308). Taong 1887 pa lamang (isang dekada at dalawang taon bago pasinayaan ang Republika ng Pilipinas sa Malolos), ay naipahayag na ni Rizal kung ano ang dapat na maging tunguhin ng mga pag-aaral tungkol sa Pilipinas: pag-aaral nating mga Pilipino tungkol sa atin at para sa atin. Lalong lilinaw ang tunguhing ito nang mabigo ang proyekto niyang maitatag ang isang internasyonal na samahan ng 111 Philippine Studies/Araling Pilipino mga Pilipinista, ang Association Internationale des Philippinistes (AIP) sa Europa noong 1889. Napagtanto niyang wala nang ibang tunay na maaaring magmalasakit sa bayan kundi ang sarili ring mga kababayan. Aniya, ang pag-aaral sa Pilipinas ay dapat maging “isang pag-aaral…ng kaniyang mga anak sa konteksto ng kaniyang kaisahan at identidad” (“a study of Filipinas by her sons in view of her unity and identity”) (Rizal sa Salazar 306). Kahibla ng pagsasabansa hindi lamang ang paglaya sa anumang opresyon kundi lalo’t higit ang pag-unawa sa sarili (self-understanding) at sariling pagtatakda (self-definition) (305). Ang “sariling” ito ang tinutukoy na “loob” ng lipunan at kalinangang Pilipino. Sinimulang tunghayan ni Rizal ang “loob” na ito sa dalawa niyang pangunahing hakbang matapos mabigo ang planong AIP. Una, kinomentaryuhan niya ang Sucesos de las Islas ni Antonio de Morga (1609) bilang pagkilala sa mahalagang papel ng pag-aaral ng kasaysayan upang lubos na maunawaan ang sarili. Ikalawa, sumapi siya sa La Solidaridad—samahan at pahayagan ng mga Propagandistang nagsusulong ng repormang sosyo-politikal para sa Pilipinas. Sa huli, kinilala niya ang halaga ng “pakikipag-usap” at pakikiisa sa mga kababayan bilang integral na bahagi ng “Sarili.” Kung gayon, mababanaag sa mga sinabi ni Rizal sa itaas ang birtud ng katutubong kawikaang “Sa atin manggagáling ang ating ikagagalíng; sa atin din magmumula ang ating ikasasamâ.” Taong 1989, isang siglo matapos ang naglahong pangarap para sa AIP, nasaksihan ang realisasyon ng adhikain ni Rizal para sa mga pag-aaral tungkol sa Pilipinas. Itinatag ang “Pilipinolohiya” sa UP Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (DAPP o CSSP) bilang isang eskuwela ng kaisipan at programang doktoradong nagpunyaging bumalikwas mula sa masyadong tuon sa kanluraning modelo, paradigma, kaisipan, at metodolohiya ng noo’y “maka-Amerikanong Philippine Studies” (Covar, “Pagtatataya”). Pinuna ang umiiral na “Philippine Studies” bilang isang “araling pang-erya” (area studies) na tumitingin sa Pilipinas bilang isang larang lamang ng “unibersal” (basahin: Kanluranin) na paksain sa panahon ng Cold War. Kung kaya’t ipinakahulugan ito bilang “pagsusuri sa mga Pilipino at bagay-Pilipino mula sa labas” at hindi kataka- takang “para sa mga espesipikong interes at problema ng mga taga-labas” (Salazar sa Bautista at Pe-pua 5; Salazar, “ ‘Philippine Studies’ and ‘Pilipinolohiya’ “ 314; akin ang diin). Kakabit umano ito ng adyendang kontrolin ang produksiyon ng kaalaman, lalo na ng mga Amerikano at Europeo tungkol sa atin upang mapanatili ang kanilang gahum. Subalit hindi nanatiling pasibo ang mga Pilipinong iskolar sa nasabing interes. Kung tutuusin, mas maaga pa, naipahayag na ng noo’y presidente ng UP, Carlos P. Romulo, sa kaniyang talumpati sa pulong ng University Council noong 18 Agosto 1966, ang pangangailangan para sa nasyonalisasyon ng kaalaman. Aniya: By 1970, the University must be prepared to offer a full-scale program of graduate and post-graduate studies, and the program itself conducted 112 M. J. B. Rodriguez-Tatel by Filipino teachers and experts. This calls for nothing less than the nationalization, as it were, of knowledge. Expertise and competence need not be exclusively based, for us, in American universities, but should be made available here, promoted by Filipino scholarship, Filipino discipline, Filipino passion for truth. (427; akin ang diin.) Nakaangkla sa isinusulong na nasyonalismo ng Unibersidad ang tinagurian niyang “cultural leadership” (428) na siyang itinakdang gampanin para sa nasabing Akademikong Taon bilang “Year of the University and the Nation” (432). Isa sa mga kongkretong hakbang tungo rito ay ang institusyonalisasyon ng ekstensibong programa ng mga kurso sa Philippine Studies sa layong paunlarin ang kurikulum alinsunod sa pangangailangang patingkarin ang karakter ng UP bilang isang “Filipino institution of higher learning...” (422). Sa proseso ng “pagpapaka-Pilipino” ng Pamantasan, saksi ang huling hati ng dekada 60 hanggang 70 sa tumataas na kamalayang makabayan. Isang “intellectual ferment” wika nga, kasabay ng aktibismo sa lansangan, ang maghahawan ng landas sa tahasang pagkikritika sa mga disiplina, lalo na ng agham panlipunan at humanidades. Nagsilbing palabinhian ang dalawang larang na ito ng mga kaisipan at pagkilos para sa muling pagpopook (recontextualization) at muling pagdadalumat (reconceptualization) ng Philippine Studies patungong “Araling Pilipino” at “Pilipinolohiya” nang malaunan. Integral ang “paradigm shift” na ito sa tinataguriang “kilusang indihenisasyon”/ “pagsasakatutubo” (S. L. Mendoza; Alatas; Guillermo, “Awtonomong Komunidad”) o “pagsasa-Pilipino” (V. Bautista 25) ng akademya na umarangkada noong kalagitnaan ng 1970 hanggang 1990. “Pilipinisasyon” ang minarapat itawag dito ni Salazar, dahil aniya, problematiko ang terminong “indigenous” o “katutubo.” Nagkakaroon lamang, diumano, ng saysay ang “katutubo” sa harap ng “Iba.” Reaksiyonaryo ang tuligsa niya sa labis at tahasang pakikipagtugaygayan sa “Iba” o sa “labas ng Sarili.” Sapagkat hindi lamang sa pakikipagtunggali at pagpapalaya mula sa dominasyon ng “Iba” natatapos ang paninindigan. Kasarinlan, isang matatag na tindig sa kakanyahan ang namamayaning tunguhin, umano, ng Pilipinisasyon. Nakatuon ito sa Pilipino bilang paksa, Filipino bilang wika ng pananaliksik at talastasang akademiko, at higit sa lahat, may saysay o kabuluhan para sa mga Pilipino (Rodriguez-Tatel 141). Paano magiging makabuluhan? Ito ang pangunahing katanungang nag-udyok sa mga Pilipinong iskolar/propesor upang paglimian ang kaangkupan ng mga teorya at metodolohiyang mula sa labas. Pag-uugat sa sariling realidad–kasaysayan, lipunan at kalinangan–ang itinugon. At dahil sa wika nasasalalay ang artikulasyon ng realidad na ito, nanawagan sila para sa paggamit ng sariling wika sa pamantasan. Kung kaya sa esensiya, wika ni Salazar, ang indihenisasyon/Pilipinisasyon ay kilusan sa 113 Philippine Studies/Araling Pilipino “pagsasawikang-P/Filipino ng edukasyon, lalo na sa mga unibersidad sa pangunguna ng UP” (“Panayam” 29). Sang-ayon kay Covar, pinabilis ang “indigenization” ng araling maka-Amerikano sa UP nang magsibalikan noong dekada 70 ang mga ipinadalang iskolar sa ibang bansa para sa kanilang doktorado (“Pagtataya” 1). Sa bakuran ng noo’y College of Arts and Sciences (CAS), partikular na sa mga larang ng agham panlipunan at humanidades dumaluyong ang iba’t iba subalit magkakaugnay na artikulasyon tungo sa paglikha ng isang makabayang diskurso. Sa agham panlipunan, tatlong nasyonalistang iskolar ang naglagak ng pundasyon ng “Pilipinisasyon”: sina Virgilio G. Enriquez ng UP Departamento ng Sikolohiya, Prospero R. Covar ng UP Departamento ng Antropolohiya, at Zeus A. Salazar ng UP Departamento ng Kasaysayan. 1 Bilang bahagi ng pagkikritika sa kani-kanilang disiplina, itinatag nila ang tatlong programatikong naratibong magsisilbing gulugod ng malauna’y tatawaging “Agham Panlipunang Pilipino” o isang “nagsasariling talastasang Pilipino”/”talastasang bayan” sa pamantasan. Itinambuli nila ang magkatuwang na diskurso ng paglaya at pagpapalaya mula sa kolonyal na diskurso at “pagtahak ng sariling landas tungo sa kabansaan” (Navarro, Rodriguez at Villan; Aquino; S. L. Mendoza; Navarro at Lagbao- Bolante). Samantala, mula naman sa humanidades, gumanap ng pangunahing papel sa gayon ding aspirasyon ang mga Pambansang Alagad ng Sining na sina Virgilio S. Almario at Bienvenido Lumbera ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Bagaman walang institusyonal na batayan ng pagkakabuklod-buklod, makikita ang hugpungan ng kanilang mga kaisipan at pagkilos sa paggamit ng wikang Filipino bilang pangunahing instrumento ng pagbubuo ng diskursong P/Filipino. Isa si Virgilio Enriquez sa mga nanguna sa paggamit ng sariling wika bilang midyum ng pagtuturo sa pamantasan noong 1965. Matapos ang doktorado sa Social Psychology sa Northwestern University, Illinois sa Amerika, napagtanto niya ang pangangailangang magsagawa ng sikolohiyang nakaugat sa lipunan, kultura, at wika ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga sarili nating konseptong “diwa,” “kalooban,” “kamalayan,” “ulirat,” “isip,” at “kaluluwa,” napalalalim at napalalawak, aniya, ang pagpapakahulugan sa sikolohiya lampas pa sa karaniwang depinisyon nito bilang “agham ng pagkilos ng mga organismo” (“Perspektibo” 4-5). Mula sa realisasyong ito sumilang ang Sikolohiyang Pilipino (SP) bilang “sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino” (6) at “sikolohiyang malaya”/ ”mapagpalaya” (Liberation Psychology). Kapwa isang kilusan at proyektong teoretikal (S. L. Mendoza 66-67), pinabulaanan nito ang malaon nang alegasyon ng mga dayuhang iskolar na wala diumanong sikolohiya ang mga Pilipino, na imperyor ang mga sikolohista sa Pilipinas sa kanilang mga katapat sa ibang bansa. Bagaman nilinaw 114 M. J. B. Rodriguez-Tatel niyang hindi dapat kumiling sa pagkapartikular o sa pagkaunibersal ang pag-unlad ng SP, kinikilala pa rin niyang may mga paksang nag-uugat sa pagkapartikular gaya ng mga nasa larang ng sikolohiyang panlipunan, sikolohiyang kognitibo, kultura at pagkatao (“Perspektibo” 10-12). At wika ang siyang susi sa pag-unawa rito. Gayundin naman, mahalagang lunsaran ang sikolohiya sa paglinang ng wikang pambansa–giit niya sa “Pilipino in Psychology (Development of Scientif ic Terminology as Part of the Elaboration and Intellectualization of Pilipino)”. Kung kaya, hindi lamang mabisang kasangkapan ng komunikasyon ang wika, higit lalo na, isa itong mayamang bukal ng mahahalagang aspekto ng pag-iisip ng tao. Bagaman tinitingnang hindi partikular lamang sa Pilipinas ang mga katutubong konsepto, naniniwala pa rin si Enriquez na may mga tangi itong kahulugang mas malapit sa karanasang Pilipino (“Perspektibo”13). Matutunghayan ito sa paglilinang niya ng konseptong “kapuwa” bilang “pinakaubod (core) ng mga halagahang Pilipino.” Ibang-iba aniya, ito sa “others” sa Ingles dahil higit itong nakatuon sa idea ng pagkakaisa ng sarili at ibang tao– isang “ibinahaging sarili” (shared self/identity) na higit na mauunawaan sa iba’t ibang antas at moda ng pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isa’t isa gaya ng pakikitungo, pakikisalamuha, pakikilahok, pakikibagay, pakikisama, pakikipagpalagayang-loob, pakikisangakot, at pakikiisa (“Kapwa” 23-53). Pakikipagkapwa rin ang prinsipyong ipinambalangkas sa paglilinang ng mga katutubo/maka-Pilipinong pamamaraan ng pananaliksik na labis na nagsasaalang-alang o sensitibo sa kultura at sensibilidad ng mga sinasaliksik, e.g., pakikiramdam, pagtatanung-tanong, paali-aligid, pakikisalamuha, pagdalaw-dalaw, pakapa-kapa, pakikiramdam at pagpapahiwatig; pakikiugaling pagmamasid, pakikipanuluyan, pakikipagkuwentuhan (de Vera; Aquino), pagpapakuwento at ginabayang talakayan (Enriquez, “Developing” 48-51; C. Santiago; Nicdao-Henson; Nery; L. Gonzales; A. Torres; Gepigon at Francisco; Aquino; Aguiling- Dalisay). Nilinang ang mga ito mula sa pamaya’t mayang pakikipag-usap ng mananaliksik sa mga tao sa komunidad. Sa kabuuang proseso ng pananaliksik mula sa pagpipino ng problematiko hanggang sa pangangalap, interpretasyon at balidasyon ng mga datos, matutunghayan ang isang transaksiyonal na ugnayan sa pagitan ng mananaliksik at ng kaniyang paksa hindi bilang pasibong obheto lamang kundi “isang kapwa”–aktibong kalahok at kabahagi–sa pagbuo ng kaalaman. Subalit hindi lamang sa usaping metodolohiko madarama ang bisa ng paggamit ng katutubong wika. Kinasangkapan din ito ng SP sa pagdevelop ng sariling teoretisasyon. Ipinakilala ni Enriquez ang dalawang tunguhin ng pagdadalumat: (1) “indihenisasyon mula sa loob,” i.e., paggamit ng sariling kultura bilang bukal ng kaalaman at mga konseptong katutubo na matapat na naglalarawan ng pananaw-sa-daigdig ng mga Pilipino; at (2) “indihenisasyon mula sa labas,” i.e., pag-aangkin ng mga konseptong mula sa banyaga sa pamamagitan ng pagsasalin, pag-aandukha at kultural na asimilasyon ng mga ito sa karanasan ng mga Pilipino (“Perspektibo” 15-18; “Developing” 46-47). Anupa’t 115 Philippine Studies/Araling Pilipino sa mga pagdadalumat na ito ukol sa Sikolohiyang Pilipino, lalo na yaong may kinalaman sa diwang Pilipino, maiuugat ang mga simulain tungo sa pagsasa-Pilipino at pagpapaka-Pilipino ng Philippine Studies. “Nasa panloob na pakakaugnay-ugnay at pag-uugnay-ugnay ng mga katangian, halagahan, karunungan… ng isang kabuuang pangkalinangan… sa loob ng isang nagsasariling talastasan”–ganito maibubuod ang Pantayong Pananaw (PtP), ang pangunahing ambag ni Zeus Salazar sa larang ng Pilipinong pagdadalumat. Sentral dito ang sariling wika bilang pangunahing tagapagpahayag ng nasabing kabuuang pangkalinangan (Navarro, Rodriguez at Villan 1997, 1). Sa agos ng kasaysayan at kalinangang Pilipino, ipinakita niya ang pagkakaugat at pagsulong ng PtP vis-a-vis mga diskursong mula sa labas o nakatuon sa labas, i.e. , “pansilá” at “pangkayóng pananaw” ng mga kolonyalistang banyaga, gayundin ang “pangkamíng pananaw” ng mga akulturadong Pilipinong napasabanyagang kaisipan (Hispanisado at Amerikanisado). Iniluwal ng mga nasabing pananaw ang tinagurian niyang “dambuhalang pagkakahating pangkalinangan (DPP)” na siyang “pinakaproblema” aniya, sa pagbubuo ng bansang Pilipino (Navarro, Rodriguez at Villan 98-122). Batay sa DPP, binalangkas ni Salazar ang konseptuwal na duwalismong kakikitahang muli ng sentralidad ng papel ng katutubong wika sa diskursong akademiko: “kasaysayan” laban sa “historía”/”history”/”historya,” “bayan”/”Inang Bayan” laban sa “nación”/ ”nation”/”nasyon,” “himagsikan” laban sa “revolución”/”revolution,” “kabihasnan” laban sa “civilización”/ “civilization,” “kalinangang bayan” laban sa “kulturang nasyonal,” at “bayani” laban sa “héroe” (Salazar 1997, 1-54; Salazar 1999, 7-67; Navarro 11; Rodriguez-Tatel 59-64). Bagaman bukas siya sa pagsasalin at pag-aangkin ng mga kategoryang banyaga, pagtatangka rin ito ng PtP na itampok ang mga partikular na kahulugan (nuances) ng sariling katutubong dalumat bilang batayan ng nililinang na “talastasang bayan” sa akademya. Higit na matimbang para kay Salazar ang pagbuo ng mga teoryang nag-uugat sa wika at karanasang Pilipino kaysa pag-aangkop ng teoryang Kanluranin, lalo na yaong mga hindi pa napapatunayan ang silbi at bisa sa sarili nating lipunan-at-kalinangan. Gayumpaman, sa kabila ng pagpapatampok sa pagkakaiba at pagsasalungatan, pinagpupunyagian pa rin ang pag-uugnay ng mga nasabing konsepto sa pagdadalumat niya ng “bansa” at “pambansang kabihasnan.” Ito, aniya, ang pinakalunggati ng Bagong Historiograpiyang Pilipino o Bagong Kasaysayan bilang disiplina at ng Bahay Saliksikan sa Kasaysayan (BAKAS) bilang aralang grupo at eskuwela ng kaisipang binabalangkas ng PtP (Salazar sa Ocampo, “Paunang Salita”). Produkto ito ng matagal niyang pakikibagbuno sa mga kaisipang Europeo nang magdoktorado siya sa Pransiya (Salazar, Dunia Melayu xxiii). Umuwi siya sa Pilipinas noong 1968 at mula sa paglabas, sinimulan niya ang pagpasok sa kaibuturan, sa pinaka-”loob” ng tinatawag niyang “Kapilipinuhan.” Nangahulugan ang “pagpasok” ng 116 M. J. B. Rodriguez-Tatel paglalatag ng mga bagong kaalaman, pananaw, at kaparaanan kung paano uunawain ang sariling kasaysayan noong una, at sa huli’y ang nalikha nitong lipunan at kalinangan. Isinalin at inangkin mula sa Pranses na nouvelle histoire, itinatampok sa Bagong Kasaysayan ang pagsasakasaysayang “mula sa loob tungo sa loob”–nakaangkla sa idea ng “salaysay na may saysay sa taong pinagsasalaysayan.” Mga kaisipan itong paalingawngawin din ni Salazar sa Pilipinolohiya. Bagaman sa disiplina ng kasaysayan ipinunla ang mga binhing kaisipan ng PtP, pinapagsanga ito ni Salazar sa konseptuwalisasyon nila ni Covar ng Pilipinolohiya bilang Programang Doktorado sa UP DAPP sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang dekano. Ginawa nilang proyekto ang pagpapalaganap at pagpapalalim ng Pilipinolohiya bilang “pinakahaliging adhikain” hindi lamang ng kaniyang panunungkulan kundi ng pagbubuo ng Kabihasnang Pilipino.” Sa apat na sanaysay (“Paunang Salita” 5-9; “‘Philippine Studies’ and ‘Pilipinolohiya’ 311-321; “Pilipinolohiya” 328-330; “Panayam” 29) iginiit ni Salazar ang nagtatalabang papel ng Pilipinolohiya at Pantayong Pananaw. Aniya, “Pantayo ang batayang pananaw ng Pilipinolohiya” bilang “panloob o mula sa loob na pag-aaral ng kasaysayan, kabihasnan at kakanyahang pambansa ng Kapilipinuhan” kaiba at kasalungat ng “Philippine Studies.” Gayundin naman, Pilipinolohiya ang tinitingnang “disiplinang bubuo ng isang ‘pantayong pananaw’ o pambansang diskursong pangkabihasnan para sa mga Pilipino” (Salazar, “Paunang Salita” 7; Covar, “Pilipinolohiya” 44). Mula sa pambansang diskursong ito huhugot, umano, ng lakas ang Pilipinong iskolar sa kaniyang pakikipag- ugnayan, pag-aaral, at pagsusuri ng mga bagay sa labas o araling pang-erya (area studies) gaya ng “Timog Silangang Asya,” “Asya-Pasipiko,” at iba pa. Hangga’t nasa wikang F/Pilipino, palalawigin, umano, ng mga araling ito tungkol sa ibang mga bansa ang kaalaman ng sambayanang Pilipino, na di maglalao’y magiging bahagi ng Kabihasnang Pilipino para sa kapakibangan ng bansang Pilipino (“Paunang Salita” 7). Paniniwala ni Salazar, wika ang pangunahing instrumento ng pagsasalin ng kaalaman mula sa “Iba”/ “labas” patungo sa “Sarili”/”loob” at vice versa. Sa pamamagitan ng pagsasalin, mapagyayaman ang anumang disiplina o agham sa diwang Pilipino kasabay ng pagpapalalim ng pag-unawa ng Pilipinong iskolar sa sariling pagkatao at kakanyahan (Salazar, “Pilipinolohiya” 336). Pundamental, samakatwid, ang Pilipinolohiya sa pagpapalawig ng kapantasang Pilipino. Bilang disiplina ng pag-aaral, naghuhugpungan dito ang mga usapin ng wika, pananaw, at pambansang kabihasnan. Ito ang matutunghayan sa karagdagan niyang pahayag (“Paunang Salita” 7): Sentro at pinagmulan, at babalikan din, ng mga pag-aaral na iyan (araling pang-erya) …ang Kabihasnang Pilipino, na patuloy na makikilala, mauunawaan, mapapalalim, mapapalawak at pag-iibayuhin ng Pilipinolohiya. 117 Philippine Studies/Araling Pilipino Mababanaag dito, kung gayon, ang katotohanang hindi talaga “sarado” ang “mula sa loob tungo sa loob” na pag-aaral ng Kapilipinuhan. Para kay Salazar, marapat lang munang unahin ang pagpapatatag ng “Sarili.” Kung tutuusin, isa itong pragmatikong pagtatakda ng priyoridad sa hanay ng mga kailanganin upang matamo ang “kabuuang tunay na batayan ng pag-unlad at dignidad ng Pilipino at ng kaniyang kultura.” Samakatwid, higit pa sa isang disiplina, ang Pilipinolohiya ay isang “pagpupunyaging pangkalinangan at pang-edukasyon” (8). Sa adhikaing buuin ang diskursong pangkabihasnan ng bansa, gayundin sa aspektong metodolohikal nito, nagbabahaginan ang Pilipinolohiya at Bagong Historiograpiyang Pilipino/Bagong Kasaysayan. Kapuwa kinakasangkapan ng mga ito ang isang pangkalinangang pagsusuri. Batay sa idea ng “kabuuang kasaysayan” (na inangkin din mula sa Pranses na histoire totalé), isinusulong ng Bagong Kasaysayan ang paggamit ng inter/multi/trans/kros-disiplinaryong pamamaraan, lihis sa positibistang tradisyong nakapako lamang sa empirisismo ng mga nakasulat na dokumento. Gaya ng Pilipinolohiya, kinakailangan ani Salazar, na umugnay, “makipagkaibigan” ng kasaysayan sa iba pang disiplina upang gagapin ang kabuuang kultura bilang batis- pangkasaysayan at pook na hindi lamang isang lugar na kinatatayuan kundi isang punto de bista at paninindigan. Kung si Salazar ang naglinaw ng batayang historikal, perspektiba, at tunguhin ng Pilipinolohiya, si Prospero Covar naman ang unang nagtakda ng kahulugan at saklaw nito. Sa pagkahirang sa kaniya bilang Tagapag-ugnay ng Programang Doktorado sa Pilipinolohiya ng DAPP noong 1989, siya ang nagpanukalang palitan ang pangalang “Araling Pilipino” patungong “Pilipinolohiya.” Hinango ito sa dalawang pinagdugtong na salita: “Pilipino” at “lohiya” na sa kabuuan ay nangangahulugang “sistematikong pag-aaral” sa tatlong larangan ng Kapilipinuhan: (1) kaisipan; (2) kultura (kasama na ang wika, iba’t ibang larang ng sining, pilosopiya at relihiyon); at (3) lipunang Pilipino. Layon nito, aniyang bumuo ng isang agham na magpapalitaw ng pagka-Pilipino ng bawatlarangan (Covar, “Pilipinolohiya” 37). Gaya ng dalawang nauna, pagkatapos ng doktorado sa Antropolohiya sa University of Arizona, sinimulan niyang umugit ng bagong tadhana para sa kapantasang Pilipino. Bagaman ginabayan ng structural functionalism sa sosyolohiya at kadalubhasaan sa antropolohiya mula sa Amerika, higit na tinuunan ni Covar ang mayaman, malawak at malapit na pag-uugnayan ng mga tao sa pagsisiyasat ng estrukturang panlipunan sa kontekstong Pilipino (Aquino 207; akin ang diin). Mula rito, nilinang niya ang dalumat ng “pagkataong Pilipino” kaugnay ng “pakikipagkapuwa” (Larangan 24). Tinukoy niya ang iba’t ibang dimensiyon nito: ang “labas,” “loob” at “lalim” alinsunod sa metapora ng banga tampok ang kaluluwa at budhi bilang mga elementong nasa kaibuturan ng pagkatao (Covar, “Kaalamang 118 M. J. B. Rodriguez-Tatel Bayang Dalumat”). Nagsanga ang pagdadalumat sa iba pa, e.g. , “sambahayan” bilang pundamental na pundasyon ng ating lipunan, “kapatiran” at “paniniwala” (mula sa konseptong “messianic social movement”) na, para sa sosyologong si Clemen Aquino, ay magagamit sa panlipunang pagbabanghay sa mga araling sosyolohiko at antropolohiko sa kontekstong Pilipino (206; akin ang diin). Sa ganang ito masusukat ang pangunahing ambag ni Covar. Wika rin ang itinampok niyang pangunahing batayan sa pagsusuri ng mga nabanggit na dalumat (Larangan). Sa katunayan, nakikiisa siya kay Salazar sa pagsusulong ng Pantayong Pananaw bilang perspektiba ng Pilipinolohiya. Ideolohiko din ito para sa kaniya. Aniya,...ang pananaw [na “Pantayo”] na nakasanib sa Pilipinolohiya ang siyang magbibigay ng kaganapan sa kabihasnang Pilipino. Ito ang magpapalaya sa ating mga Pilipino. (“Pilipinolohiya” 45) Kahibla ng mga simulain sa agham panlipunan ang mga punyagi sa humanidades bilang integral na bahagi rin ng Philippine Studies (University of the Philippines Catalogue 1974-1975, 58). Partikular sa larangan ng kritisismong pampanitikan, dalawang susing pigura sa Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) ang maghahawan ng landas sa pagsasa-Pilipino at pagpapaka-Pilipino ng nasabing larang. Ipinakilala at nilinang ni Virgilio S. Almario ang “Bagong Pormalismong Filipino” bilang isang “malikhain at makabansang paraan ng pag-aaral sa panitikan” (Kung Sino, blurb). Ehemplo rin ito ng pag-aangkin ng pormalistang kritisismo sa kontekstong Pilipino. Itinuturing na bagong estratehiya sa kritisismo, maibubuod sa tatlo ang mga isinusulong nito: una, umugat at magbigay-daan sa mga “partikular na problema sa panitikang pambansa;” ikalawa, magkaroon ng “matalas na pag-unawa sa kasaysayan ng panitikan at lipunang Pilipino;” at ikatlo, “lumihis sa mga lumang bitag at kanal ng pag-iisip na dulot ng banyagang edukasyon at metodolohiya.” Gaya ng iba pang kabahagi ng kilusan sa Pilipinisasyon, sumasalok din ito sa kaisipang inilahad ni Rizal, sa partikular, hinggil sa “higit na masinop na pag-aaral sa mga bagay (na Pilipino)” na “hindi kailanman mauunawaan (ng mga banyaga)” (Rizal sipi sa Almario, xv). Bagaman sinasang-ayunan niya ang “panghihiram” ng mga konsepto’t metodolohiyang mula sa Kanluran binalaan niya ang mga kritikong Pilipino laban sa “labis na pagkahumaling sa teksto ng gayong pormalismo.” Kapanabay, aniya, ng “pagtitig sa tekstong pampanitikan” ang pagsipat sa “nakatimong bisa ng konteksto” (xiv-xv), na wala’t dili iba kundi ang sarili nating danas at halagahang pangkalinangan. Mauulinigan ito sa kaniyang panawagang “ibalik ang panitikan sa bayan” sapagkat narito ang tunay na lakas at kapangyarihan. Sa pakikipagbanggaan sa banyaga at kolonyal, naniniwala siyang paráting nananaig ang katutubo at sa proseso’y lumilikha ng kaakuhan 119 Philippine Studies/Araling Pilipino (“Pasakalye”). Nagmumula ito sa malikhain nitong kakayahang, manghiram at mag- angkin pa nga ng mula sa iba. Ibinigay niyang halimbawa ang “panulaang Filipino” bilang kayariang patuloy na hinuhubog ng dalawang nagtutunggaling tradisyon. Tinagurian niyang “Balagtasismo” ang una, na aniya’y isang ganap na naisa-Pilipinong poetika na matagumpay na naghugpong sa mga katutubong elementong kultural at Espanyol. Samantala, “Modernismo” naman ang ikalawa na isa ring malikhaing tugon ng katutubo sa harap ng Amerikanisasyon noong kolonyalismong Amerikano. Kung ano’t anuman, pawang mga positibong enerhiya ang idinudulot ng nasabing girian. Kapuwa, aniya, nagsusulong ang mga ito ng makabayang adhikain–ang pagpapaunlad ng pambansang wika. Kaugnay nito, ginaganyak niya ang mga manunulat at kritikong Pilipino na baguhin ang perspektibo. Hindi dominasyon ng dayuhang kultura ang dapat itanghal, bagkus, ay ang dinamikong punyagi ng mga Pilipino na maandukha o maangkin ang mga bagay na mula sa labas sa ngalan pa rin ng paghahanap ng “kabuluhan sa panloob na realidad at pangangailangan ng Filipinas” (Balagtasismo). “Bakit Hindi Paksaing Pilipino?”–pamagat ito ng talumpating binigkas ni Bienvenido Lumbera sa pagtanggap ng Ramon Magsaysay Award noong 1993. Kumpisal ito ng “pagbaligtad” ni Lumbera (ani Torres-Yu) mula sa nasa-Ingles at kolonyal na diskursong pampanitikan upang harapin ang tunay na hamon kung paano magiging makabuluhan sa sariling bayan. Inihudyat ng paksang panulaang Tagalog sa kaniyang disertasyon sa Indiana University ang nasabing pagbaligtad. Para mismo kay Lumbera, hudyat din ito ng kaniyang “re-edukasyon.” Nang bumalik sa Pilipinas, sinimulan niyang pagnilayan ang usapin ng wika at nasyonalismo habang aktibong nakikisangkot sa kilusan ng “Filipinisasyon” sa Pamantasang Ateneo de Manila noong dekada 60. Sa harap ng pamamayagpag ng Ingles, magugunitang isinulong ni Lumbera ang pagsusulat sa wikang Filipino sa Philippine Studies Journal nang maging tagapangulo siya ng Department of Philippine Studies sa Ateneo (1968-1970) (Torres-Yu xv). Mula noon hanggang ngayon, tinindigan niya ang kahalagahan ng wika at panitikan sa paghulagpos sa Amerikanisadong edukasyon, gayundin ang napakalaking ambag ng mga kilusang panlipunan (“masa”), higit pa, umano sa mga institusyon ng gobyerno at akademya sa pagpapaunlad ng wikang pambansa (xvii-xviii). Gaya nina Enriquez, Covar, at Salazar, ibinangon niya ang dangal ng tradisyon ng bayan: ang katutubong panitikan/panitikang bernakular/lokal/rehiyonal bilang panulukang bato sa pagbuo ng panitikang pambansa. Resulta ito ng pagmumuni-muni kung para kanino nga ba ang panitikan. At hahantong siya sa paglilinang ng dalumat ng “bayan at lipunan” na nagsilbing saligan ng tinaguriang “kritisismong Lumbera.” Isa ito sa maituturing na manipestasyon ng malikhaing pag-aangkin sa Marxismo sa pamamagitan ng punyaging iugat ito sa sariling kontekstong panlipunan at pangkalinangan. Subalit hindi rito natuldukan ang kaniyang pagsusumikap na maglinang ng Pilipinong dalumat. Noong 120 M. J. B. Rodriguez-Tatel 1997, sa kasagsagan ng paghamon ng globalisasyon sa nasyonalismo ng mga bansa, ipinakilala at nililinang niya ang dalumat ng “datíng” bilang panimulang muni sa estetika ng Panitikang Filipino (Lumbera 92-106). Bahagi ito ng patuloy na punyaging itanghal ang sining at kultura ng Pilipinas “ayon sa mga pamantayang ibinatay sa pag-alam at pagpapahalagang katutubo sa atin at kakawing ng ating kasaysayan bilang bansa” (93). Ganap na dekolonisasyon (o paglaya ng kamalayan) ang prosesong sinasakyan nito. Para kay Lumbera ito ang pangunahing rekisitong magpapahintulot sa bayan na makapagpasya batay sa pansarili nitong interes sa konteksto ng pakikipag- ugnayan sa ibang bansa. Muli niyang iginiit ang papel ng kamalayan bilang lunsaran ng pakikipagtunggali, sapagkat ang usapin, aniya, “ng estetika ng panitikang Filipino ay usapin ng kamalayang tunay na Filipino” (93). Mahalaga ang “datíng” sapagkat nakabatay ito sa bisa ng isang likhang-sining sa ating kultura at kasaysayan. Kung gayon, ito ang salita nating makapagbubukas ng talakayan sa mga sangkap ng sarili nating estetika (94). Sa diwa ng “dating” isinesentro ni Lumbera ang perspektiba ng audience sa pagsusuri ng likhang-sining sapagkat ang perspektibang ito higit sa ano pa man, ang nagpapatampok sa lipunan, kultura, at kasaysayang kinapapalooban ng likha. Pinatunayan niyang hindi kailanman personal lamang o nakahiwalay sa lipunan ang tugon o interpretasyon ng audience; bagkus hinuhubog ito ng mga kongkretong kondisyon ng kaniyang lipunan. At dahil may partikularidad ang bawat lipunan, iginigiit din ni Lumbera na espesipiko ang karanasan at pananaw ng mga Pilipino sa kabila ng unibersal na batas ng paglikha (100). Lumaganap at yumabong ang mga binhing kaisipan nina Enriquez, Covar, Salazar, Almario, at Lumbera sa kani-kanilang itinatag at sinalihang samahan/aralang-grupo, kinasangkutang kilusan, iniakdang artikulo at libro, lampas pa sa kahingian ng akademya. Sa masigasig na pakikipagtalaban, sa anyo man ito ng pakikipagdebate at/ o pakikiisang-diwa, di-matatawaran ang bisa nila sa mga kaguro at mag-aaral–sapat na upang masabing nailagak nila ang muhon ng Pilipinisasyon sa UP–isang mabunying pamana sa kapantasang Pilipino. KAPANTASANG PILIPINO: TALABAN NG WIKA AT KAALAMAN SA PROGRAMA NG PHILIPPINE STUDIES/ARALING PILIPINO/ PILIPINOLOHIYA Sa pag-aaral na ito, sisipatin ang bisa ng mga naglagak ng “muhon” ng Pilipinisasyon ng kaalaman sa partikular na larang ng Philippine Studies. Ang mga produksiyon ng tesis at disertasyon ang magsisilbing batayang materyal ng pagsipat. Anupa’t sa mga nasabing produksiyon matutunghayan ang dalawang uri ng pagbabanyuhay ng 121 Philippine Studies/Araling Pilipino nasabing larang: una, ang pagbabago ng kapookan o rekontekstuwalisasyon nito mula “araling pang-erya” (sa internasyonal na akademikong komunidad) tungong “Araling Pilipino”/”Pilipinolohiya”–pag-aaral ng mga Pilipino tungkol sa mga Pilipino para sa lipunan-at-kalinangang Pilipino; at ikalawa, ang paglinang at paggamit ng mga kaisipan (konsepto/teorya) at pamamaraan (metodolohiya at praktika) na tuwirang hinango sa loob ng lipunan at kulturang Pilipino o di kaya nama’y hinalaw mula sa labas, subalit matagumpay na naangkin ng mga Pilipino. Ito ang proseso ng rekonseptuwalisasyon o pagdadalumat sa loob ng Kapilipinuhan, yaong iniuugat, inilalapat, at pinapanday sa atin mismong kapookan. Kung ano’t anuman, nagtatalaban, ano pa nga’t integral sa isa’t isa ang pagpopook at ang pagdadalumat. Pangunahing pinagbibigkis ang mga ito ng wika bilang pinakakasangkapan ng anumang akademikong talastasan. Sang-ayon nga kay Salazar (1996, 28) taglay ng wika “...ang kaalaman ng isang panahon...” At ito ang nais ding patunayan sa papel na ito. Bagaman hindi maaaring katawanin ng iisang sektor lamang, sa pagkakataong ito, ng mga akademiko, ang kabuuan ng kultura o isang lipunan, hindi pa rin matatawaran ang papel ng mga iskolar sa paghulma ng kaisipan o diskurso ng lipunan. Kung kaya, marapat lamang isaalang-alang ang grupong ito bilang pundamental na bahagi ng kabuuan. Sa puntong ito, mahalagang itanong: paano kinakasangkapan ang wika sa pag-unlad ng kapantasang Pilipino, at sa proseso’y kinakasangkapan din ng wikang Filipino ang kapantasang ito upang mag-ibayo? Samakatwid, itatampok sa pag-aaral ang talaban ng wika at kaalaman sa ipinapalagay na rekontekstuwalisasyon at rekonseptuwalisasyon ng Philippine Studies bilang lunan ng Pilipinisasyon sa akademya. Kakasangkapanin ang mga produksiyon ng tesis sa tatlong antas (di-gradwado, masterado, at doktorado) sa wikang Filipino sa nabanggit na programa ng UP. Sa lahat ng ito, tutukuyin ang dalawang direksiyon ng pagdadalumat. Una, ang malikhaing pagbuo at paglilinang ng mga katutubong konseptong hinango mismo sa sarili nating wika. Maiaangkla ito sa konsepto ni Enriquez ng “indihenisasyon mula sa loob” o ang paggamit sa katutubong wika at kultura bilang mga batis o pagkukunan ng teorya, metodo, at praxis (Enriquez, “Developing” 46). At pangalawa, ang paghalaw at pag-aangkop/ adaptasyon, at/o pagsasalin ng mga konseptong mula sa labas upang mailapat sa pag-aaral ng karanasang Pilipino. Maiaangkla pa rin ito sa “indihenisasyon mula sa labas” (ni Enriquez). Sa pamamagitan ng ikalawa, nagaganap ang malikhaing proseso ng pag-aangkin. Sapagkat hindi umiiral sa vacuum ang mga intelektuwal. Sa yugto ng kanilang buhay-akademiko, napaghasikan rin sila ng mga banyagang konsepto at kaisipan, gaya ng matutunghayan sa mga kaso nina Salazar at ng nouvelle histoire, Covar at structural functionalism, Lumbera at Marxismo, Almario at pormalismo. Subalit ang pinakamahalaga’y napananaig ang pagkamalikhain at kakayahan mula sa mga ito. Bakit at paano? Mauulinigan ang esensiya ng pag-aangkin sa paglilinaw ni 122 M. J. B. Rodriguez-Tatel Salazar sa “pagsasa-Pilipino at pagpapasa-Pilipino” ng anumang disiplina. Aniya, isa itong buong prosesong “nasasalalay sa diwa ng adaptasyon at orihinalidad ng mga Pilipino bilang indibidwal at bayan” (Salazar, “Pilipinolohiya” 332). Dapat, aniyang matantong hindi lamang ito mula sa labas kundi mula rin sa loob ng kulturang Pilipino. Ibig sabihin, kailangan munang kilalanin at maunawaan ang sarili: ang sariling kalinangan, kalagayan at pangangailangan na siyang magtatakda ng pamantayan ng kaangkupan ng mga idea at bagay na aangkinin. Hindi aniya kailanman mailalapat nang buong-buo ang alinmang teorya o metodolohiyang mula sa labas sa ating realidad sapagkat bawatkultura, gawa-at-gawing kultural ay isang sistema ng pakahulugan. Tanging sa paggamit lamang ng sariling wika bilang “prisma ng interpretasyon ng isang kultura” maiaangkop at maaangkin ang mga kategoryang hiram. Sa gawaing ito napakahalaga, umano, ng pagsasalin (332, 335-336). Upang higit na mauunawaan ang akademikong konteksto ng nasabing produksiyon ng kaalaman, itatagni sa talakayan ang kaligirang historikal ng pag-unlad ng programang “Philippine Studies” sa UP sa iba’t ibang antas–di-gradwado at gradwado. Partikular sa programang gradwado (master at doktorado), na nagbibigay-diin sa kakayahan ng mag-aaral sa pagtangan ng metodolohiya at pag-aambag sa larang ng pagteteorya, mahalagang mabigyan ng maikling anotasyon ang mga pag-aaral sa layuning masipat kung paano naisagawa ang pagpopook at pagdadalumat sa karanasang Pilipino. Masasabing isang bahagi pa lamang ang pag-aaral na ito ng napakalawak na proyekto ng pagmamapa ng direksiyon ng programa mula noon hanggang ngayon. Bilang preliminaryo, ililimita muna ang mga gagamiting datos sa unang apat na dekada (mula 1967 2 hanggang 2007) ng pag-iral ng programang di-gradwado sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP). Mahalagang iugnay ang pagsulong ng kabuuang programa ng Philippine Studies sa UP sa nasabing departamento sapagkat dito unang naisagawa ang pihit pangwika (linguistic turn) sa produksiyon ng mga tesis mula Ingles. Taong 1967 nang magkaroon ng unang gradweyt ang B.A. Philippine Studies sa noo’y Department of Pilipino and Philippine Literature (ang DFPP ngayon) (Teodoro, Appendix A). 3 Bumibilang naman sa 120 taon noong 2007 ang artikulasyon ni Rizal (mula 1887) sa minarapat niyang pag- aanyo ng kolonyal na “Philippine Studies.” Bahagi rin ng delimitasyon ang pagkakaroon o kawalan ng kopya ng mga tesis at disertasyon. Sa panahong ito (1967- 2007), yaong may kopya lamang sa aklatan o iba pang repositoryo ng UP ang natugaygayan. Para sa antas di-gradwado, may petsang 1991 ang pinakamaagang kopyang natagpuan at 1974 naman para sa gradwado (kapuwa master at doktorado), kung kaya, ang mga tesis sa mga taong ito lamang ang tuwirang nasaklaw ng pagsisiyasat. 123 Philippine Studies/Araling Pilipino PRODUKSIYON SA ANTAS DI-GRADWADO: ANG KARANASAN NG B. A. ARALING PILIPINO Pormal na itinatag ang Bachelor of Arts in Philippine Studies sa noo’y Institute of Asian Studies (IAS) ng College of Liberal Arts (CLA) noong 1955 sa UP. Bilang isang interdisiplinaryong programang idinisenyo upang makalikha ng lugar para sa mga Pilipino at di-Pilipinong estudyante na mapag-aralan ang mga institusyon at kulturang Pilipino, nilayon nitong tugunan ang pangangailangan ng isang “pinag- ugnay-ugnay na pag-aaral” (“integrated study”) ukol sa Pilipinas batay sa humanidades at mga agham panlipunan (University of the Philippines Catalogue 1964-1965, 795). Subalit hindi lamang pangangailangan sa akademya ang tinugunan nito, lalo’t higit ang pangangailangan ng bayan. Naging lugar ito ng aktibong pakikisangkot ng mga Pilipinong iskolar sa mga araling pampamayanan (village community studies), gamit ang oryentasyong inter/multidisiplinal, na idinisenyo noong dekada 50 upang tulungan ang mga punyagi para sa muling pagbangon ng mga komunidad na nasalanta ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (Conaco 24; S. L. Mendoza 53). Noong 1960, itinatag ang College of Arts and Sciences (CAS) o Kolehiyo ng Sining at Agham (KSA), mula sa dating CLA upang saklawin ang lahat ng di-gradwadong antas sa humanidades, agham panlipunan, agham, matematika at mga wika, upang bigyang-daan ang mga digring Bachelor of Arts at Bachelor of Science. Sa loob nito, nakipagsabayan ang Philippine Studies (PS, mula ngayon) sa American Studies bilang area studies kasabay ng mga kursong disiplinal na maaaring kuhanin ng mga estudyante sa kanilang batsilyerato. Nang maitatag ang Department of Pilipino and Philippine Literature (DPPL) bilang bahagi ng CAS noong 1966, nailipat din dito ang programa sa di-gradwadong antas (Yabes 2). Nasaksihan sa pangyayaring ito ang simula ng pag-aanyo ng programa mula simpleng area studies tungong isang Pilipinong diskurso sa bisa ng paggamit ng wikang pambansa. Sumulong ang programang di-gradwado kakawing ng mga pangunahing adhikain at paninindigan ng DPPL. Bukod sa pagbibigay ng abanseng instruksiyon sa wika at panitikang Pilipino, nilayon ng departamento na maisagawa rin ito sa “mas malawak na larang ng Philippine Studies.” 4 Muling pinangalanan ang departamento noong 1976 bilang Department of Filipino and Philippine Literature (DFPL). Sa kaniyang panunungkulan bilang tagapangulo ng departamento sa taong ito, nawika ni Petronilo Bn. Daroy na: “ang Departamento ang nag-iisang yunit sa Kolehiyo na ganap na nakatuon sa kabuuan ng larang na Pilipino” (Daroy 2; akin ang salin). Maaari, diumanong bigyang-diin ng ibang mga departamento ang Philippine Studies bilang isang programa ng “special studies,” pero nananatiling disiplinal ang tuon sa pangkalahatan 124 M. J. B. Rodriguez-Tatel (e.g. , history, political science, sociology, atbp.). Samantala, may espesipikong papel ang DFPL, ang iukol ang pananaliksik at instruksiyon nito sa pinakatiyak na larang ng kulturang Pilipino, gamit ang isang interdisiplinaryong lapit na nag-uugnay sa mga humanidades at agham panlipunan (Daroy sipi kay Teodoro 17). Kung tutuusin aniya, “ang buong departamento ay Philippine Studies” (akin ang salin), sapagkat isa sa mga espesipiko nitong gawain ang tumuon sa mga pananaliksik at pagtuturo sa napakatiyak na larang ng Kapilipinuhan–ang wika, panitikan, at kultura. Noong 1991, isina-Filipino ang pangalan ng programa, (i.e. , B.A. Araling Pilipino) batay sa panukala ng noo’y tagapangulong Patricia Melendrez-Cruz. Masasalamin sa hakbanging ito ang tahasang paninindigan para sa pagbubuo ng tunay na diskursong Pilipino. Sa tatlong kolehiyong nagtataguyod ng programang PS, ang KAL sa pamamagitan ng DFPP ang siyang tanging kumupkop sa antas di-gradwado sa agos ng panahon. Pinagsumikapan din ng departamentong palaganapin ang “kamalayang Araling Pilipino” lalo na sa mas malawak na bilang ng mga di-gradwadong mag-aaral sa pamamagitan ng kursong General Education (GE) nito na Araling Pilipino 12: Suroy-suroy sa Wika, Panitikan at Kultura sa mga Isla ng Luzon, Visayas at Mindanao (Fabros). Sa bahaging ito mahalagang tingnan ang naging kalakaran ng produksiyon ng tesis di-gradwado bilang isang mayamang lunan ng Pilipinisasyon ng PS. Bagama’t nagsimula ang programa noon pang 1966 sa Departamento, taong 1991 lamang ang petsa ng pinakamaagang tesis na nakalagak ngayon sa Aklatang KAL. At mula 1991 hanggang 2007, nakapagtala ng 132 tesis na naakses para sa pag-aaral na ito. Diumano, noon lamang huling dekada ng siglo 20 naging praktis sa Kolehiyo ang pagbibigay ng kopya ng di-gradwadong tesis sa aklatan.5 Mula sa nasabing kabuuang bilang, 44 o 33.33 % ang kinakitahan ng tuwirang paggamit ng mga pananaw, konsepto at metodong binigyang-daan ng mga nabanggit na pangunahing tagapagsulong ng Pilipinisasyon. Sa lahat ng ito, kapansin-pansin ang napakalaganap na paggamit ng SP na makikita sa sumusunod na pag-aaral: (1) kalimutang libangan (leisure activity) ng mga pamilyang may pre-schooler, batay sa dalumat ng “sikolohiya ng libangan” (Manila); (2) karahasang seksuwal sa mga lugar ng trabaho (Caranay); (3) batang kalye at ang papel ng Center for Migrant Youth (Cortez); (4) kaugalian at katangiang Pilipino sa komiks ni Jess Abrera na ‘Pinoy Nga’ (Tarun); (5) kultura ng mga kabataan sa mga videoke bars (Vasquez); at (6) edukasyonal na gamit ng piling kuwentong lamanlupa para sa bata (Pasanas). Samantala, dalumat ng “bayan” ni Salazar ang ipinambalangkas sa mga pag-aaral tungkol sa politikal na pakikisangkot ng simbahan sa gobyerno sa karanasan ng Makati (Binay); gayundin sa bayan sa pelikulang Pilipino (Caleon), patalastas para sa public service ni Pang. 125 Philippine Studies/Araling Pilipino Arroyo (Barba), at representasyon ng panday sa panitikan, pelikula, at lipunang Pilipino kung saan iniugat sina FPJ, Bong Revilla at Jinggoy Estrada sa kalinangang bayan sa bisa ng pelikulang bakbakan (Cheng). Madalas ding pinagkakawing-kawing ang mga dalumat nina Enriquez, Covar, at Salazar gaya ng matutunghayan sa sumusunod: (1) seksuwal na mensahe sa mga awit ng mga bata sa mga maralita ng lungsod batay sa dalumat ng “diwa,” “kamalayan,” “ulirat,” “isip,” “kalooban,” at “kaluluwa” (V.K. Flores); (2) pag-unawa sa dinamika ng ugnayang bida-kontrabida sa mga pelikulang pinarangalan ng URIAN mula 1980-1985 gamit ang “bayan” at kaalamang-bayang dalumat ng pagkataong Pilipino (Caleon); (3) litigasyon sa Brgy. Duyan-duyan, Lungsod Quezon na binalangkas ng “kapuwa,” “hiya,” “katarungan” at “pagkakapantay-pantay” (Tayag); (4) ugaling Pinoy sa mga kuwento ni Maximo Ramos alinsunod sa Pagkataong Pilipino ni Covar at SP ni Enriquez (Coronel); (5) debosyon sa Birhen ng Piat sa kultura ng mga Ytawes ayon sa “katutubong Kristiyanismo” ni Covar at metodolohiyang SP (Cabrido); (6) pagpapatawa bilang pahiwatig ng mga halagahan, kaakuhan, at pananaw-pandaigdig ng Pilipino sa mga akda ni Bob Ong, tampok ang mga kaisipan ni Covar tungkol sa pagkataong Pilipino, kaugnay ng dalumat ng pakikipagkapuwa ni Enriquez (Petras); at (7) pagsipat sa kamalayang nakapaloob sa patalastas o mga public service advertisement sa mga proyekto at programa ni Pangulong Arroyo sa hulma ng Pantayong Pananaw at mga metodong SP (Barba). Mga kaisipan naman ni Almario hinggil sa Balagtasismo at iba pang usaping pampanitikan ang bumalangkas sa antolohiya ng mga tulang nagwagi sa Gawad Palanca mula 1986-1996 (Demafeliz), gayundin sa pagsusuri sa mga tula sa “The Work” ng Tarlac State University mula 1993-1999 (Macabulos). Iniugnay rin ang kritisismo ni Almario sa mga kaisipan nina Salazar at Covar sa pagsusuri ng imahen ni Noli de Castro bilang “Kabayan” sa kaniyang politikal na karera (Cayabyab). Samantala, prinoblematisa ang kalidad ng pelikulang Pilipino sa kasalukuyan alinsunod sa dalumat ni Lumbera (S. De la Cruz). Sa ganang metodolohiya, hinahango rin mula sa SP ang “maka-Pilipinong” metodong gaya ng pakikiramdam, pakikipagkapuwa, pagtatanong-tanong, pakikipagkuwentuhan, pakapa-kapa, pakikisalamuha, at pakikiugaling-pagmamasid na ginamit sa ilang pag- aaral (cf. Barba, Brosas, Cabrido, Caranay, Cortez, Jumento, V. Flores, Manila, Robles, Tarun, Tayag, at Vasquez). Samantala, matutunghayan ang higit na bilang ng mga nag-angkop ng mga teorya/ konsepto at metodolohiyang Kanluranin–siyamnapu’t dalawa (92) o 69.7% ng kabuuan. Pangunahin na rito ang teoryang Marxismo at/o lapit Marxista sa mga 126 M. J. B. Rodriguez-Tatel sumusunod na pag-aaral: aktibismo ng dekada 60 sa maikling kuwento ni Virtusio (Rodriguez); representasyon/imahen ng Pilipinas sa Asiaweek (J. de la Cruz); politika ng pelikulang Pilipino (Rubio); politika at relihiyon sa pamahalaang lokal ng San Fabian (Victorio); imahen ng paghihimagsik sa mga “Rosales Quintet” ni F. Sionil Jose (M. Santos); Kristiyanong sosyalismo sa “Pasion ding Talapagobra” (Viray); komodipikasyon ng taglines sa mga patalastas (Maristela); theology of liberation sa Pilipinas (Villanueva); underground economy ng mga manininda sa UP (Paulino); programang pantelebisyon para sa mga may kapansanan (Dela Cruz); papel ni Adrian Cristobal sa pagsulong ng panitikang Pilipino (Sombillo); awit bilang propaganda (C. Gonzales); mga tula ng magsasaka bilang lunsaran ng pag-unawa sa kalagayang pampolitika at pang-ekonomiya (Robles); ideolohiya at panitikang pambata (Añorico); [mis]representasyon ng New People’s Army sa pelikula (Borlongan); at “pagpapanibagong-hubog” ng mga aktibistang kabataan-estudyante (L. Garcia). Nagsasanga rin ang Marxistang pagbasa sa usaping pangkasarian at iba pang anyo ng kulturang popular. Makikita ito sa paglalapat ng Marxistang peminismo sa komodipikasyon ng kababaihan sa mga sexy stars sa programang komedi (Siman), kababaihan sa mga piling tula ni Lilia Quindoza Santiago (Ricamata), at mga tulang pangkababaihang nasa batayang sektor (Esguerra-Melencio). Samantala, may bakas ng pag-aangkin sa paggamit ng “teorya ng pag-alpas” upang mailapat ang ideological state apparatus ni Louis Althusser sa pag-aaral tungkol sa kababaihan at programang “Women’s Desk” (Padilla). Ginamit din ang nasabing pormulasyon ni Althusser sa mga paksa ng kulturang popular gaya ng subkulturang skinheads (Pangilinan) at anime series (Espiritu); gayundin ang political economy ng media sa “infotainment” bilang komodipikasyon ng balita (Juanson) at ang “ideology” ni James Kavanagh sa pagsusuri ng mga liham kay Tiya Dely (Lapuz). Kinasangkapan naman ang critical discourse analysis ni N. Fairclough sa dalawang pag-aaral tungkol sa midya ng pangmadlang komunikasyon: ang radyo at diyaryo bilang mga teksto ng diskurso. Sa una, sinuri ang programang tambalang “Balahura at Balasubas” ng Love Radio 90.7 (Ilan) at sa ikalawa, krinitika ang diskurso ng objectivity sa politika ng pamamahayag kaugnay ng Trahedya ng Wowowee (Lagmay). Matutunghayan ang iba pang iniangkop na kaisipan at metodolohiya sa mga sumusunod: (1) social network theory sa mga Pilipinong domestic helper sa Singapore (Natilda); (2) cumulative causation theory ni K. G. Myrdal sa wika at kalagayang pang- ekonomiya sa Pilipinas (Seludo); (3) teorya ng kulturang popular sa soap operang “ Va l i e n te” ( G i m e n ez M a ced a ) ; ( 4 ) p o l i t i ca l c u l t u r e a p p r o a c h a t p o l i t i ca l communication nina D. Paletz at A. Schmid sa terorismo sa pahayagan (A. Reyes); (5) semiotics sa: papel ng pantasya sa paghubog sa mga bata (J. Fabre), signipikasyon 127 Philippine Studies/Araling Pilipino ng mga estruktura bilang isang alternatibong paraan ng paglalahad ng kasaysayan ng Iglesia Filipina Independiente (Yraola), representasyon ng kababaihan sa mga nobelang popular (Cabuday) at magasin (A. Bautista), pagsasapelikula ng nobela (Espiritu), at ilustrasyong pambata (Haz); (6) radical feminism sa kababaihan sa dula ni Luna Sicat-Cleto (Alfonso); at iba pang pormulasyon ng peminismo sa karahasang pantahanan sa kababaihang may-asawa (D. Martinez) at imahen ng peministang Pilipina sa nobela (Austria); (7) deconstruction ayon kay J. Derrida sa pagdadalumat ng lipunan at politika sa comic strip na ‘A.Lipin’ ni Jess Abrera tungkol sa eleksiyon ng 1998 (Medina); (8) phenomenology sa komunidad ng mga Amerasian sa Olongapo bilang isang kontemporaryong pamilyang Pilipino (Macagba); (9) pragmatics ni J. Mey sa ugnayan ng wika, identidad, at nasyonalismo (Galac); (10) problem/process correspondences in language planning ni J.V. Neustupny sa pagsasabatas ng mga palising pangwika (1987-1997); (11) orientalism ni E. Said sa kababaihan sa pelikula (M. Bautista); (12) pinag-ugnay-ugnay na aggressive cues ni L. Berkowitz at observational learning theory nina Bandura at Walters sa programang pambata sa telebisyon (Collado); (13) ethnomusicology ni P. Bohlman sa mga awiting-bayang Cuyunon (N.F. de Guzman); (14) postmodernistang konsepto ng “signification” ni J. Baudrillard at traditional aesthetic criticism ni Thompson sa kababalaghan sa programang pantelebisyon (J. Cruz); (15) intermediary model of communication sa pagtuturo ng kuwentong pambata (Lacsamana); (16) cultural criticism ni A. A. Berger sa mga kuwento tungkol sa EDSA 2 (Ibarra); (17) social realism sa representasyon ng pagtataksil sa pakikidigmang bayan sa mga dramang alegoriko (Palmes) at pagsusuri sa kamalayan ng mga tagalungsod sa panitikan (Abaquita); (18) estrukturalistang pagbasa sa pagsusuri sa mga kuwentong pambata ni Rene Villanueva (Narvaez); (19) policy process analysis sa palisi sa wika ng UP mula 1998-2004 (Agdigos); (20) discourse analysis sa diskurso ng IBON Foundation, Inc. (Baylon); (21) reflection hypothesis ni G. Gerbner na iniugnay sa sex role learning theory at gender inequality approach to media organization para sa komodipikasyon ng kababaihan sa tabloid (Bello); (22) cultural consumerism sa pagsusuri kay Dolphy bilang ama sa media (Malate); (23) sociology of food ni H. Klein sa etnograpiya ng kainan sa UP Campus (Florendo); (24) functionalism ni E. Haas sa integrasyon ng Tsinoy sa lipunang Pilipino (D. Flores); (25) structural-functionalism sa tutorial centers sa labas ng pormal na sistema ng Edukasyon (Tumanda); (26) intertexuality ni Umberto Eco sa mga liham ng mga Pilipinang kasambahay sa Hongkong (Tirol); (27) teorya sa advertising na AIDA (Attention, Interest, Desire, Action) sa seksuwalidad at konsumerismo sa FHM magazine (Valenzuela); (28) sex role learning theory sa seks at karahasan sa pahayagang Bulgar (Magcamit); (29) context, input, product, process evaluation approach ni D. Stufflebean sa implementasyon ng Makabayan Kurikulum sa Lagro High School (Caligner); (30) communication model ni D. Berlo sa retorika at 128 M. J. B. Rodriguez-Tatel ideolohiya sa kolum ni de Quiros (Rabino); (31) political communication ni B. McNair sa pamumuno ni Pangulong Arroyo (Suing); at (32) semiotics ni S. Hall at mimetic theory of art ni Plato sa pagsusuri sa pelikulang may temang “seks” sa panahon ng diktadurya (Manucdoc). Kapansin-pansin din ang kalakaran tungo sa sinkretismo o pag-uugnay-ugnay ng higit pa sa dalawang teoretisasyon/konseptuwalisasyong mula sa labas. Maituturing itong pagpapaluwag o pagpapalawak ng hanggahan ng mga kaisipan–na sa katunayan ay isa ring paraan ng muling pagtatakda ng kahulugan ng mga ito batay sa sariling pagtataya ng mananaliksik na Pilipino. Makikita ito sa sumusunod na pag-aaral: (1) buhay-siyudad sa mga fashion magazine sa Pilipinas gamit ang post-modernismo ni J. Baudrillard, semiotika at kulturang popular nina U. Eco, J. Fiske, N. Stevenson, S. Hall at J. Storey, at deconstruction ni Derrida (J.E. Mendoza); (2) tradisyon ng siste at satira batay sa collective memory ni M. Halbwachs, collective consciousness ni K. Jung, at Foucaultian analysis ni M. Foucault sa (V. H. Flores); (3) kuwentong pambata sa pagtuturo ng matematika sa balangkas ng constructivist theory ni J. Bruner, didactic theory at schemata ni R.C. Anderson; (de la Peña); (4) imahen ng kababaihan sa telebisyon batay sa mass communication theory ni D. McQuail, feminism ni G. Pollock, at teorya ukol sa race, class and sexuality ni N. Mandell (J. Garcia). Samantala, higit na madarama ang pagsusumikap na maangkin ang banyagang pormulasyon sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga ito sa pagdadalumat mula sa loob. Isa rin itong uri ng sinkretismo o malikhaing paghuhugpong ng “loob” at “labas.” Matutunghayan ang ganitong kalakaran sa sumusunod na paksa: (1) kababaihan sa mga nobela nina Barrios, Bautista, at Matilag gamit ang content analysis bilang metodolohiya, habang naglalangkap ng ilang konsepto mula sa SP (Campoamor II); (2) pilosopiyang “Ako” ni A. G. Abadilla gamit ang psychoanalysis, SP, at PtP (Yap); (3) wika at kulturang Pilipino sa internet batay sa mga teoryang dynamic social impact ni B. Latane, social identity at social presence nina J. Short, E. Williams, at B. Christie na iniugnay sa mga kaisipan ni Salazar ukol sa wika at kulturang Pilipino (Callueng); (4) pagsusuri sa salin ng kodigo sibil ni Cezar Peralejo na nilangkapan ng mga kaisipan ni Almario tungkol sa tatlong dimensiyon ng salin ayon sa balangkas ng applied translation ni P. Newmark at metodolohiyang comparative analysis ni R. van den Broeck (Abad); (5) penomenong “okrayan” sa telebisyon” (Lobramonte) na dumukal ng konseptuwal na kasangkapan mula sa “multilayered structure” ni Adorno, “hiya” ni Salazar at “kapuwa” ni Enriquez; (6) kasaysayan at kalagayang ekonomiko-politikal ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita batay sa kanilang mga tula na nilapatan ng katutubong konsepto ng “bayanihan” hindi lamang bilang gabay konseptuwal kundi bilang isa ring batayan ng metodo sa pananaliksik (i.e. , pakikipamuhay) kaugnay ng 129 Philippine Studies/Araling Pilipino pagsusuring nakahulma sa political economy ng Marxismo (Robles); (7) imahen ng bata sa nagbabagong pamilyang Pilipino gamit ang panunuring tekstuwal, psychosocial theory ni E. Erikson at Sikolohiyang Pilipino (Comia); (8) kritika ng suliraning ideolohikal ng burges sa panitikang pambata ayon sa mga kaisipang Marxista, Maoista, at panunuring semiotika ni Alice Guillermo (Añorico); (9) isang uri ng lamay sa patay gamit ang teoryang life span at human development ni C. Haynes na iniugnay sa “kapuwa” ng SP (Hesido); (10) impersonasyon kay Pangulong Arroyo at inilangkap dito ang psychoanalysis ni S. Freud at cultural criticism ni M. Bakhtin sa konseptuwalisasyon nina Enriquez (“kapuwa”), Salazar (“hiya”), Covar (“pagkataong Pilipino”) at Nuncio (“pantawang pananaw”) (Soriano); at (11) dula-tulang “Iskolar ng Bayan” na ginamitan ng dalumat ng “datíng” ni Lumbera at “theatricality” ni S. Smiley (Dacanay). Sa partikular, tatlong pag-aaral ang nagkawing ng pormulasyon ni Lumbera ukol sa kulturang popular sa mga teoretisasyon mula sa labas, i.e., discourse theory, semiotic approach in media studies, orientalism ni Said, at cultural theory and popular culture ni J. Storey sa diskurso ng nasyon sa representasyon ng Muslim sa pelikulang Pilipino (Fajilan); political economy ni T. Eagleton at four theories of the press nina F. Siebert, T. Peterson, at W. Scramm sa pagsusuri ng Ilocos Times bilang pahayagang pampamayanan sa panahon ng Batas Militar (Onifa); at content analysis at intertextuality sa kababaihan sa mga nobela ni Barrios (Oliva). Maibibilang din sa naturang sinkretismo ang paggamit ng teoretisasyong mula sa iba pang Pilipinong iskolar na nagpalawig sa mga kaisipang mula sa labas at matagumpay na nailapat sa sarili nating konteksto. Sa paglalarawan ng mga kontrabidang babae sa telenobela itinahi ang reflective-projective theory of broadcasting ni Lee Loevinger sa “kulturang popular” ni Rolando Tolentino (Zorilla). Habang ginagabayan ng dalumat ng nasyonalismo ni Renato Constantino, gumamit naman si R. Rodriguez ng lapit na context, input, process and product evaluation (CIPP) ni D. Stufflebean sa pagsusuri ng RGEP batay sa disenyo at implementasyon nito sa mga GE sabjek ng DFPP. Sa puntong ito, dalawang partikular na akda ang mahalagang banggitin bilang modelo ng mabisang pag-uugnay ng mula-sa-loob at mula-sa-labas na pagdadalumat hinggil sa usapin ng pag-aangkin ng elementong kultural. Una, sa paksang ekspresyon ng espasyong Pilipino sa mga piling pagtatanghal (C. Garcia), pinagyaman ang dalumat ng “loob” ni Albert Alejo habang inihuhugpong ito sa “space as cultural experience” ni H. Lefebvre at “other spaces” ni M. Foucault. Pinatunayan ng akda na sa kabila ng pagpasok ng pormalisadong tradisyong panteatro mula sa Kanluran, nagpatuloy, umangkop at nakikipagsalimbayan sa pag-iral ang ekspresyon ng kaakuhan ng Pilipino. Sa pangalawang halimbawa, sinuri ang salin ng tekstong Koreanovelang “Jumong” at 130 M. J. B. Rodriguez-Tatel ipinakita kung paano ito naisalin at naangkin sa kapookang Pilipino (Corteza). Naipakita ang pagpopook at pag-aangkin sa sumusunod na aspekto: (1) higit na nakakiling ang bersiyon/salin sa wikang Filipino; at (2) inunawa ang kabayanihan ni Jumong sa dalumat ng “bayani” sa kalinangang Pilipino. Sinuportahan ang unang asersiyon ng metodolohiya ng communicative translation ni Newmark. Samantala, dinukal naman ang ikalawa batay sa mga pag-aaral nina Salazar, Isagani Cruz, Ricardo Ma. Nolasco, at Eugene Evasco hinggil sa kabayanihang Pilipino. Sa kabuuan, makikita rito ang pagkakaroon ng bisa sa isa’t isa ng Pantayong Pananaw ni Salazar, konsepto ng “talaban” sa pakahulugan ni Ramon Guillermo at “teritoryalisasyon” nina Jonathan Xavier at Renato Rosaldo upang tindigan ang tesis na “may kapangyarihan ang lokal na makipagnegosasyon sa global” (Corteza v). Samantala, naiiba namang pag-uugnay ng mga kaisipang mula sa loob at labas ang ginawa ng mga pag-aaral nina Lermie Shayne Garcia at Sunshine Martinez). Sa una, hinamon ang batayang palagay ng pagdadalumat sa “loob” bilang “kabuuang walang lamat” sa pamamagitan ng panunuring Marxista. Itinampok ang kasalimuotan ng prosesong pinagdaraanan ng mga kabataan-estudyanteng aktibista mula sa kanilang suhetibong interes (bilang mga peti-burges) patungo sa obhetibong interes ng nakararami o kaisipang proletaryo. T inagurian itong “rebolusyonaryong pagpapanibagong-hubog” na batbat ng mga kontradiksiyon. Samantala, sa ikalawa, siniyasat ang kabayanihan ni Manny Pacquiao bilang lunan ng tunggalian sa pagitan ng mga nagtatanghal (puwersa mula sa itaas/mga kapitalista) at mga tumatanggap (puwersa mula sa ibaba/masa) ng kulturang popular. Sa ganang ito, pinagtapat ang mga pormulasyon nina Salazar at R. Tolentino upang salungguhitan ang mga salungatan sa pagpapakahulugan kay “Pacman” bilang teksto ng kabayanihang Pilipino sa isang banda, at ng kulturang popular sa kabila. Bagaman di-tuwirang nagpahayag ng paggamit ng mga Pilipinong dalumat, mahalaga ring banggitin ang mga akdang nagtatampok sa kaugnayan ng wikang Filipino sa iba pang larangan. Sa pag-aaral ni Seludo, tiningnan kung may relasyon ang pag-unlad ng wikang pambansa sa mga usaping pang-ekonomiya. Nariyan din ang “Pagsusuri sa Kakayahan ng Filipino Bilang Wikang Panturo sa Statistics 101” (Estanislao) at ang “Wika at Pagbubuo ng Kagamitang Panturo: Proseso at Produkto” (Alonzo) bilang halimbawa ng mga punyagi para sa ibayong intelektuwalisasyon ng Filipino bilang wikang panturo sa ibang disiplina at/o kurso sa Unibersidad. Mula naman sa malikhain pa ring pag-uugnay-ugnay ng iba’t ibang metodo sa iba’t ibang disiplina, nabuo ang tinatawag nilang “lapit na Araling Pilipino.” Ginagamit din ito upang tukuyin ang isang konseptuwal na gabay sa pagbalangkas ng pananaliksik 131 Philippine Studies/Araling Pilipino sa kultura at lipunang Pilipino sa kabuuan. Matutunghayan ito, halimbawa, sa komodipikasyon ng caregiving sa pamilyang Pilipino (Toledo). Mahalaga ring kilalanin ang pagsusumikap ng mga mag-aaral na bumalangkas ng sarili nilang batayan ng pagsusuri, gaya ni Aaron Grajo Laylo. Sa kaniyang “Haha!: Mga Patawang Politikal sa Text” nilikha niya ang tinagurian niyang “IPPT” o ang “Indibidwal at ang Patawang Politikal” bilang gabay-konseptuwal. May mga pag-aaral ding walang binabanggit na teorya o konseptuwal na balangkas; subalit nag-aambag sa paglilinang ng pambansang diskurso. Nasaksihan ito sa sumusunod na pag-aakda: “bayan” sa EDSA Dos (M.L. de Guzman), mga alamat ng Angono (E.D. Medina), Opus Dei sa Pilipinas (G. Gaddi), sentro ng rehabilitasyon ng mga bata (Cadid), doktrina ng abuloy at handog ng Iglesia ni Kristo (Mones), salin ng Noli Me Tangere (Villamarin), papel ng public relations sa kampanya sa pagkapangulo (F. Bautista), historikal na paglalarawan sa Iglesia Filipina Independiente (IFI) (R.Santos), patalastas ng DOT sa telebisyon (C. Cruz), at ang lipunan at panitikan sa mga premyadong maikling kuwento (G. Mendoza). Kung ano’t anuman, patunay ang lahat ng ito ng malay na pagpupunyagi ng mga Pilipinong iskolar na isulong ang Philippine Studies sa wikang Filipino. Sa pamamagitan man ito ng tuwirang paggamit ng mga kaisipang nilinang gamit ang mga sariling konsepto o iniangkop at inangkin mula sa labas, pag-aambag sa paglilinang ng lapit na Araling Pilipino o pagtatangkang maglinang ng sarili mismong dalumat na maiaambag dito, naisusulong ang isang pambansang diskurso. ANTAS GRADWADO: ANG KARANASAN NG MASTER (M.A.) AT DOKTORADO (PH.D.) SA ARALING PILIPINO / PILIPINOLOHIYA / PHILIPPINE STUDIES Ganito ang karaniwang makikita sa pamagat na pahina ng mga akdang nabuo sa ilalim ng mga programang gradwado: “Araling Pilipino,” “Araling Filipino,” “Aralin sa Pilipinas,” “Pilipinolohiya”/”Filipinolohiya 6 at “Philippine Studies”—patunay sa kawalan pa ng estandardisadong pangalan ng programa, gayundin ng kasalimuotan ng kasaysayan ng pag-unlad nito. Mababanaag dito ang dinamikong tagisan, tunggalian at pagsasanib, isang mayamang talaban ng mga kolehiyo at/o akademikong institusyong kumupkop sa programa sa agos ng panahon. Wala pang dokumentong nakakalap ang mananaliksik hinggil sa tiyak na petsa ng pagkakatatag ng programang gradwado, sa partikular, ang master sa PS sa UP. Subalit 132 M. J. B. Rodriguez-Tatel may mga dokumentong maaaring pagbatayan ng maagang pag-iral nito. Una, naitala sa pulong ng University Council (Unibersidad ng Pilipinas 1967, 1) ang course description ng kursong Philippine Studies 300 bilang Master’s Thesis. Ikalawa, taong 1974 nang igawad kay Nicanor Tiongson ang digring M.A. in Philippine Studies, ang kauna-unahang gradweyt ng master sa noo’y Department of Pilipino and Philippine Literature ng CAS (Teodoro 9). Sa taon ding ito, may dokumentong nagsasaad ng panukala para sa institusyon ng isang Ph.D. in Philippine Studies sa Unibersidad (Unibersidad ng Pilipinas 1974, 4). Batay naman sa University of the Philippines Catalogue (1977-1978), mayroon nang Institute of Philippine Studies (IPS) bago pa itatag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Philippine Center for Advanced Studies (PCAS) noong 1972. Ang IPS ang nangangasiwa sa tatlong degree program na nakabase noon sa Asian Center (AC): (1) ang Master of Arts in PS (M.A.) na may tesis; (2) Master in PS (M.P.S.) na walang tesis; at (3) Doctor of Philosophy in PS. Mula sa Asian Center, binuo ang PCAS, isang semi-awtonomong unit sa UP System, bilang “think tank” ng rehimen, at ipinailalim ang IPS dito. Tampok sa programang doktorado ng PS ang tatlong pangunahing larangan na maaaring pagkadalubhasaan ng mga estudyante: (1) Philippine bureaucracy, (2) Philippine external relations, at (3) Philippine society and culture (552-553). Anupa’t ayon kay Covar (“Pagtataya”) ang Ph.D. sa PCAS ang naging instrumento ng pagsasanay at paglikha ng mga “kadreng” magsisilbi sa estado bilang lokal na katumbas ng mga “academic mandarin” ng Tsina sa panahon ni Mao Zedong. Anupa’t nagsilbing hamon ang mga udyok ng gobyerno sa panahong ito para makabuo ng mga programang gradwado sa loob mismo ng akademyang Pilipino. 7 Dahil sa paghihigpit ng gobyerno sa mga iskolar para mag-aral sa labas, napilitang kunin ng mga Pilipinong iskolar ang kanilang mga gradwadong pag-aaral sa loob ng bansa. Binigyang-daan nito ang pagteteoryang papaloob (theorizing inwards). Gayundin, ipinag-utos ng rehimen na magsanay ang lahat ng mga opisyal at empleado ng gobyerno sa ilalim ng Philippine Center for Advanced Studies (PCAS). Isa itong semi-autonomous unit sa loob ng Unibersidad na kinomisyon ng Tanggapan ng Pangulo bilang bahagi ng pagpapatupad sa patakarang pananaliksik at mga estratehikong pangangailangan nito. Tinawag na Pre-Daparture Orientation Seminars (PDOS), ang mga pagsasanay na ito ay bahagi lamang ng mas malawak na programa ng “Cultural Liberation Program” ng PCAS. Bitbit ng nasabing programa ang isang katutubo at makabayang perspektiba. Ayon sa kuwento ni Covar na isa sa naging konsultant at miyembro ng kaguruan ng PCAS, ninais ng gobyerno na may mapag-usapan ang mga opisyal sa tuwing lumalabas sila ng bansa kaysa “maglaba lamang ng marurumi nilang damit.” Kaugnay nito, nagbigay din ang PCAS ng mga gradwadong programa sa PS, Asian Studies, at Islamic Studies. Pinatakbo rin nito ang Institute of Strategic Studies, isang Research Analysis Group na may 133 Philippine Studies/Araling Pilipino nangungunang mga Area Studies specialist, isang Off ice of Publications, at isang Division of Advanced Projects. Ito sana ang kauna-unahang pagtatangka o eksperimento sa kolaborasyon ng estado at akademya sa panahong marami pa ring iskolar ang naniniwalang posible pa ang reporma sa ilalim ng liderato ni Marcos. Subalit gaya ng inaasahan, nabigo ang pagtatangka. Masyado nang tumitindi ang tensiyong politikal nang mga panahong iyon at nalalagay na sa kompromiso ang integridad at awtonomiya ng akademya. At noon ngang 1980, tuluyan nang nabuwag ang PCAS at ibinalik ang dáting identidad ng sentro bilang Asian Center (S.L. Mendoza 58-59). Samantala, itinatag ang programang doktorado sa CAS sa ilalim ng administrasyon ni Dekano Domingo Salita noong 1974. Tiningnan ito bilang isang alternatibo ng kaguruan ng kolehiyo para makapagtapos ng kanilang doktorado sa loob ng bansa. Tinugunan nito ang nakaambang “vacuum sa scholarship ng UP” bunga ng pagbabawal ng estado na makapag-aral ang mga Pilipinong iskolar sa labas ng bansa (Covar). Nakilala ito bilang Graduate School (GS) na pinangasiwaan ni Armando Bonifacio ng Deparment of Philosophy. Kung ang tuon ng IPS ng PCAS ay sa burukrasya, ugnayang panlabas, at lipunan at kultura ng Pilipinas, pinagtuunan naman ng GS ng CAS ang mga humanidades at agham panlipunan na multidisiplinaryo ang lapit sapagkat nakabalangkas ang programa sa isang consortium ng iba’t ibang departamento sa Kolehiyo (Unibersidad ng Pilipinas 1974, 4). Maituturing na ikutáng pangyayari sa kasaysayan ng programang gradwado sa PS ang unang hati ng dekada 1980. Una, nakapagprodyus ito ng mga una nitong gradweyt kapuwa sa CAS at PCAS. Ikalawa, nasaksihan din sa pagkakataong ito ang isang krisis sa administrasyong ibinunga ng abolisyon ng PCAS, kasama ang IPS, gayundin ang pagkakahati ng CAS sa tatlong kolehiyo noong 1982. Mula sa CAS isinilang ang College of Arts and Letters (CAL)/Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL), College of Social Sciences and Philosophy (CSSP)/Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (DAPP)/Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP), at ang College of Science (CS)/Kolehiyo ng Agham (KA). Samantala, nilikha naman ng UP ang Philippine Studies Council (PSC) upang magpasiya sa paglipat ng programang M.A. at Ph.D. ng PCAS sa AC. Taong 1983 nang ipasiya ng Board of Regents (BOR) na pag-isahin na lamang ang mga programang Ph.D. ng tatlong kolehiyong AC, CAL, at CSSP na pangangasiwaan ng AC. Gayumpaman, sampung taon ang nakalipas bago malamnan ang “one-program concept” pagkatapos ng napakaraming konsultasyon (University of the Philippines-Diliman Tri-College Ph.D. Philippines Studies Program 1). Taong 1993 nang maaprubahan ng BOR ang “single Ph.D. Philippine Studies Program” na may iisang hanay ng “core courses” (PS 301: Perspectives in 134 M. J. B. Rodriguez-Tatel Philippine Studies, PS 302: Theories in Philippine Studies, at PS: 399 Research Methods in PS) at rekisitong pang-akademiko na pinagkasunduan ng tatlong kolehiyo. Gayumpaman, kaniya-kaniya pa rin sila sa pangangasiwa ng nasabing programa hanggang taong 2000. Noong Mayo 2001, naglabas si Vice-Chancellor Amelia P. Guevarra, sampu ng mga dekano ng CAL, CSSP, at AC, mga tagapangasiwa ng Ph.D. Philippine Studies ng bawat kolehiyo, at University Registrar ng borador na pinamagatang “Proposed Merger of the Ph.D. in Philippine Studies Program.” Sa puntong ito napagkasunduan din ng mga dekano na italaga ang AC bilang secretariat na magsisilbing tagapag-ingat ng lahat ng rekord. Bagaman may mga tumutol sa bagay na ito, naaprubahan din ang mga nabanggit na panukala pagkatapos ng mga serye ng konsultasyon mula 2003 hanggang 2004. Sa kasalukuyan, habang ang programang Ph.D. ay pinangangasiwaan ng Tri-College (bilang Secretariat), at ang master ay magkahiwalay na itinataguyod ng AC at KAL, nananatili namang “autonomous” at “autochthonous” (sa wika ni Daroy) ang di- gradwadong programa sa ilalim ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Sa nabanggit na kaligiran masisipat ang mga naging bakas at bunga ng mga pagpupunyagi para Pilipinisasyon ng akademya sa produksiyon ng antas gradwado ng Philippine Studies mula 1974 hanggang 2007. Sa naitalang bilang na 160 tesis (master) at disertasyon (doktorado) sa panahong nabanggit, 157 ay isinulat ng mga Pilipino mismo habang tatlo naman ang sa mga Hapones. Sa kabuuang 157, limampu’t pito (57) o 36.30% ang nasa wikang Filipino at 63.70% naman ang nasa Ingles. Totoong malaki pa rin ang kalamangan ng nasa Ingles, subalit kung isasaalang-alang natin ang patakarang Ingles ng gradwadong programa ng UP, makabuluhang bilang na rin ang naitalang 36.30% sa Filipino. Mapapansin ang pamamayani ng produksiyon sa Ingles mula dekada 70 hanggang unang hati ng dekada 80. Bagaman may mga nasa Filipino, kakikitahan pa rin ang mga ito ng paggamit ng mga banyagang metodolohiya o teorya. Sa panahong ito, dalawa ang magpapasimula sa programang gradwado na pumihit ng oryentasyon tungo sa pagdadalumat sa loob, bagama’t sumasangguni pa rin sa Kanluraning teorya at metodolohiya. Una, si Consolacion Alaras (Ph.D. , 1987) at ikalawa si Nenita Pambid, (M.A., 1989). Sa taong 1991 naman naitalang unang ginamit ang salin sa Filipinong “Araling Pilipino” sa programang master ng KAL. Matutunghayan ito sa tesis nina Jimmuel Naval at Ma. Crisanta Nelmida. Samantala, ang tesis pangmaster naman ni Leonilo Doloricon noong 1994 ang naitalang kauna-unahang tesis pangmaster sa wikang Filipino ng AC. 135 Philippine Studies/Araling Pilipino Sa bahaging ito, tutukuyin ang mga kalakarang naobserbahan sa programang master at doktorado mula 1974 hanggang 2007 alinsunod sa itinakdang tunguhin ng pagdadalumat: una, paglilinang mula sa loob at ikalawa, pag-aangkin mula sa labas. Matutunghayan ang una sa paggamit ng mga umiiral nang katutubong dalumat ng SP, PtP, Pilipinolohiya, Bagong Pormalismong Filipino at Kritisismong Lumbera. Gayundin naman, may mga nakalikha at naglinang ng sarili nilang gabay konseptuwal/ teoretiko mula sa naging karanasan sa pananaliksik. Samantala, sa ikalawa, matutunghayan ang paggamit ng mga banyagang kaisipan bilang gabay o bukal ng inspirasyon sa paglilinang ng sariling pormulasyon; o di kaya nama’y repormulasyon sa mga ito upang maiugnay sa iba pang teorya at kaisipang mula sa labas o mula man sa loob. Dinamiko ang isinagawang pag-uugnay-ugnay, kakikitahan ng tagpuan sa isang banda, at tagisan sa kabila. Sa huli, makapagtutukoy rin ng ilan pang kalakarang sumusuhay sa tunguhin ng Pilipinisasyon sa aspektong metodolohiko at direktang pagpaksa mismo sa wikang Filipino. Sa ganang unang kalakaran, makapagtutukoy tayo ng ilang halimbawa. Ginabayan ang disertasyon ni Jaime Veneracion at tesis pangmaster ni Bernadette Abrera ng PtP upang mapalawig ang Bagong Kasaysayan/ Bagong Historiograpiyang Pilipino. Lampas pa sa simpleng pagtugaygay sa pagbabago at pag-unlad ng lalawigan ng Bulakan, nilayon ng pag-aaral ni Veneracion na makabuo ng isang pagsasakasaysayang magbubukas ng kamalayan ng ating kababayan at natin mismo sa “tunay na diwa ng ating pagkatao.” Naghahain ang akda ng alternatibong tingin sa lipunan mula sa lente ng lokal na kasaysayan, sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa “pagbabago at pag- unlad” bilang kritisismo sa mga “tipo, modelo, kalakaran, at pamantayang unibersal.” Kaalinsabay nito, binigyang-daan ang pagdadalumat ng “ikutáng pangyayari” o “ugpungan” na isinalin at pinalawig na konsepto “conjuncture” ng Pranses na historyador na si Fernand Braudel ng Eskuwelahang Annales. Ipinantutukoy ito sa ugnayan ng mga pagbabago sa kalikasan, estruktura, tao, at pangyayari. Samantala, mahalaga ang pag-aaral tungkol sa numismatika ng anting-anting ni Abrera bilang “kauna-unahang nagdalumat sa konsepto ng anting-anting sa diwa ng kaluluwa at ginhawa” (Covar, sipi sa Abrera). Taglay ang perspektibang historikal, pinag-iibayo ng akdang ito ang mga nauna nang pag-aaral (cf. Alaras; Pambid) na pumaksa rin sa anting-anting bilang isang pundamental na konseptong Pilipino at batis pangkasaysayan. Alinsunod pa rin sa kaisipang Salazar, nabuo ni Herminio Dagohoy sa kaniyang “Ang Hermeneutika ng Igtingan ng Talinghaga sa Relihiyosong Panulaang Tagalog” ang dalumat ng “igting” bilang “isang dinamikong salalayan ng kultura” na magagamit sa pag-unawa ng mga kapatiran at ng isinasapraktika nilang relihiyong bayan. Isang 136 M. J. B. Rodriguez-Tatel salitang taal na Pilipino na nangangahulugang tensiyonadong kalagayang bunga ng pagpapanatili ng lakas, maihahalintulad ito diumano, sa isang lubid na binubuo ng dalawang piraso subalit may iisang kabuuan. Mahihinuha sa konsepto ng igtingan na nabubuo ang mga kahulugan sa pag-iigtingan ng nakaraan at kasalukuyan, ng konteksto ng teksto at ng bumabasa, ng pangyayari at kahulugan. Sa ganang ito sinasabing naisa-Pilipino niya ang metodong hermeneutikal. Batay sa tambalang lapit ng “loob at labas” at “ibaba at itaas” ni Covar, nilinang ni Elena Mirano sa “Ang mga Tradisyunal na Musikang Pantinig sa Lumang Bauan, Batangas” ang dalumat ng “anyong bayan” bilang mga “cultural forms” na nagmula sa sinaunang tradisyon ng taumbayan. Pinagyaman ang nakagawian nang pamamaraang panlaboratoryo at pananaliksik na pang-artsibo ng pagmamasid at pakikisalamuha sa lipunan, panayam sa mga taong may kinalaman sa sinasaliksik, at pakikipamuhay o pagganap ng mananaliksik sa mga likas na okasyon sa komunidad gaya ng salusalo, sublian, kasalan, at iba pa–bagay na nagpahintulot para masiyasat ang lalim ng katangiang musikal ng komunidad. Mula rito, napalitaw ang karanasan ng pag-aangkin ng mga batayang elementong musikal na Kanluranin sa malikhain at matagumpay na pagkakahabi nito sa buhay-komunidad ng mga Tagalog. Samantala, dinala naman ni Edna May Obien-Landicho ang “Pagkataong Pilipino” sa larang ng panitikan bilang giya sa pag-arok niya sa lalim ng pagkataong Pilipino sa mga kuwentong bayan para sa bata. Gamit ang modelong “Banga ng Pagkataong Pilipino” ni Covar, binigyang- daan ng pag-aaral ang dalumat ng “maka”: “makalumikha,” “makakalikasan,” “makakapuwa,” at “makabayan.” Taglay nito diumano, ang mga halagahang nagsisilbing kaluluwa at budhi–o lalim ng ating pagkatao bilang Pilipino. Sikolohiyang Pilipino naman ang inilapat sa “Mga Pagpapahalagang Amerikano sa Values Education Program ng DECS: Pagsusuri sa mga Teksbuk sa Mababang Paaralang Pampubliko” ni Maria Lina Nepomuceno-Van Heugten. Binaybay ng pag-aaral ang kasaysayan ng mga teksbuk at pandagdag na babasahíng ginamit sa mabababang paaralang pampubliko mula 1901 hanggang 1932 upang patunayang kinasangkapan ang mga ito sa kampanya ng pasipikasyon at pananakop sa mga Pilipino. Ani Enriquez (tagapayo ng may-akda), mahalaga ang akda sa pag-aambag nito sa “sikolohiyang pampolitika tungo sa deskolonisasyon at mapagpalayang diwa.” Kritika ito sa values education program upang itampok ang makalabas at mapanghamak na pananaw ukol sa kung anong halagahan ang dapat taglayin at kilingan ng mga Pilipino. Sa huli, nagmungkahi si Van Heugten ng ilang paninindigan ukol sa nabanggit na usapin: (1) pagtukoy sa mga pagpapahalagang tunay na likas/taal/katutubo at may halaga sa buhay, kultura, at kasaysayan ng mga Pilipino; (2) tuluyang pagwaksi sa pananaw na kailangang ibangon (sa pagkalugmok) o pagalingin (mula sa karamdaman) 137 Philippine Studies/Araling Pilipino ang moralidad ng mga Pilipino; at (3) pagtitiwala sa sariling lakas na nagmumula sa mga paninindigang pakikipagkapuwa, pagpapakatao, karangalan, kalayaan, at katarungang taglay na noon pa nating mga Pilipino. Naniniwala siyang dito magsisimula ang tunay na paglaya ng ating kamalayan. Makikita sa “Teo S. Baylen Bilang Isang Relihiyosong Makata, (1904-1990)” ni Naval ang paglalapat ng panunuring pampanitikan ni Almario sa pagtalakay sa relihiyosong pagtula ng Katagalugan. Samantala, isang eksperimental na pagbasa sa deskriptibo at pormalistikong paraan sa isang tradisyonal na makatang si Balmaseda ang “Ang Panulaan ni Julian Cruz Balmaseda” ni Melecio Fabros III. Gamit ang Bagong Pormalismong Filipino, inaalingawngaw ng may-akda ang panawagan sa isang masigasig na pagbuo ng sistema ng pagpasok at pagsipat sa kasaysayan at katangian ng panitikang Filipino. Kritisismong Lumbera sa panitikan at kulturang popular ang inilapat sa mga paksa nina Flaudette May Datuin at Amante del Mundo. Sa “Ang Diskursong Patriarka sa Ilang Piling Naratibong Nakalimbag na Panitikan ng Kilusang Pambansa Demokratiko, 1970-1991,” iginigiit ni Datuin ang sining, partikular ang literatura, bilang isang “overdetermined conjuncture” ng iba’t ibang ideolohiya, interes, at diskurso ng lipunan alinsunod sa konseptuwal na balangkas ng pag-uugnayan ng “kultura bilang proseso,” “sining bilang construct,” at ang “teksto bilang larangan ng tunggalian.” Samantala, isa namang alternatibong pagbasa sa kulturang popular ang itinatampok sa “Ang Dulang Panradyong Prinsipe Amante (1949-53) ni Clodualdo del Mundo Sr. at ang Produksiyon ng Isang Anyo ng Kulturang Popular” ni del Mundo. Inilarawan at sinuri niya ang mga prosesong pinagdaanan ng produksiyon ng Prinsipe Amante para mapatunayang pinagsumikapan ng may-akda na lumikha ng makabuluhang akda sa kabila ng komersiyalismo ng mga kapitalista at politikal na adyenda ng gobyerno. Gamit ang mga kaisipan at metodo ng SP, PtP, at Pilipinolohiya, nakabuo si Florentino Iniego Jr. ng isang modelo ng pagsasaling nakaugat at nagtatanghal sa buod at niloloob ng buhay, kultura, at wikang Filipino sa kaniyang pag-aaral tungkol sa pagsasaling- kultural batay sa “sarsaritang pangkanayunan” ng manunulat na si Manuel E. Arguilla. Tugon ito sa hamon at mungkahi ni Almario na lumikha ng “bahaghari ng wika” para sa ibayong “nasyonalisasyon ng Filipino.” Pinag-ugnay-ugnay rin ni N. F. Santos ang SP, PtP, at Pilipinolohiya bilang mga epistemolohikol at metodolohikong lunsaran ng kaniyang disertasyong “Tagapamagitan: Ilaw sa Landas ng Pagiging Makadiyos, Makatao at Makabayan ng Pilipino ayon sa Pananampalataya ng Kapatirang ang Litaw na Katalinuhan (K.A.L.K.)”. Sa ganang ito, nabuo niya ang teoretikong balangkas na umiikot sa mga dalumat ng “pamamagitan,” “pagitan,” at “tagapamagitan” bilang “ilaw 138 M. J. B. Rodriguez-Tatel sa landas ng pagiging maka-Diyos, makatao, at makabayan ng Pilipino.” Sumalok din sa tradisyong Enriquez-Covar-Salazar ang tesis pangmaster ni Aurora Tirad upang siyasatin ang pamamansag sa “Ka-angkan Festival” bilang isang aspekto ng kasaysayang kultural ng Marikina alinsunod sa dalumat ng “angkan” at “ka-angkan.” Nagbunga ito ng isang etnograpiya ng mga angkan na maituturing na mahalagang batis ng kasaysayan ng bayan. Iminapa at sinuri ni Lucille Roxas ang semantikong larangan ng salitang “dugo” batay sa mga kaisipang Salazar at Covar sa disertasyong “Pagdalumat sa Dugo Bilang Metapora at Artikulasyon ng Pagkatao at Lipunang Pilipino sa Panitikan.” Idinagdag niya ang dalumat ng “laman” bilang pagpapalawig sa “loob,” “labas,” at “lalim” ng pagkataong Pilipino. Makikita, umano ang nasabing “laman” sa pag-aaral sa “dugo” bilang sentral na dalumat sa ugnayang panlipunan ng mga Pilipino. Ipinakita niya kung gaano kaintegral ang dugo sa mahahalagang gawain ng ating buhay-komunidad (e.g., pagsamba, pakikipagkapuwa, at pagpapagaling ng karamdaman). Sa mga salitang “dugo” na nilapian at tinambalan, talinghagang bukambibig, kawikaan, at pariralang tungkol sa salitang dugo na ginamit sa nobela, maikling kuwento, at tula, naipagunita ang mga katutubong kahulugang inilalaan sa dugo katulad ng buhay, pag-aalay, at pag-aalay ng buhay upang magkaroon ng katarungan, maibangon ang karangalan, at mahugasan ang kasalanan. Napatunayang habang umiigting, diumano, ang paghihirap at pagsasamantala sa mga Pilipino, nagsasanga ng mga bagong kahulugan ang salitang dugo ngunit nakaugat pa rin ang mga ito sa batayang kahulugan nitong buhay, tao, at kapuwa. Tatlong dalumat ang nilinang ni Francis Gealogo–ang “kabayanan,” “kabahayan,” at “kababaihan” sa kaniyang disertasyon tungkol sa kasaysayan at demograpiya ng San Jose de Malaquing Tubig (1765-1903). Sa pamamagitan ng mahusay na pagtangan ng pinagsanib na mga pamamaraang kuwantitatibo-kuwalitatibo, pang-artsibo, kasaysayang pasalita, at fieldwork, nakabuo siya ng isang holistikong kasaysayang demograpikong bayan na sensitibo sa usapin ng kasarian. Mula sa mga nasabing dalumat, pinadaloy at masinsinang pinagtagni-tagni ang kasaysayang pampook, kasaysayang panlipunan, at kasaysayan ng kababaihan upang masuri ang kalagayang demograpiko ng isang bayan. Mapanghawan din ang naging pag-aral ni Corazon Veneracion sa larang naman ng social work. Pinagsumikapan niyang linangin ang mga katutubong tradisyon at konsepto ng “pagmamalasakit” at “pagdamay” sa layuning makapagdalumat ng “bagong social work” bilang bahagi ng diskurso ng pagiging Pilipino (alinsunod, pa rin sa mga simulain ng Pagkataong Pilipino, SP, at PtP). Pangunahin dito ang dalumat ng 139 Philippine Studies/Araling Pilipino pagtulong bilang lunsaran ng orihinal na Pilipinong pag-unawa sa propesyong social work. Pagsasakatutubo ang metodolohiya ng pananaliksik. Pinagtagpo ang katutubo at inangkat na pamamaraan ng produksiyon ng kaalaman. May tatlong pangunahing komponent ang pagtatagpong ito: (1) pagsasakasaysayan; (2) pag-uugat ng mga salitang kaugnay ng pagtulong (bukambibig); at (3) pananaliksik panlarangan, na may magkakasamang pagbabayan-bayan, pakikipanayam, at irongan o ginabayang talakayan sa Bulacan. Samantala, matutunghayan sa “Tradisyon ng Luwa sa Kapistahan ng Taal, Batangas, 1952-2004” ni Gloria Gamo ang isa pa ring halimbawa ng sariling pagdadalumat sa “tradisyon” upang saklawin ang iba pang dalumat na ginamit sa pag-aaral. Sa pamamagitan nito, tinalakay ang mga paksa ukol sa manunulat ng luwa, luwante, pagtatanghal ng luwa sa konteksto ng prusisyon at kapistahan, at sa mas malawak na dalumat ng bayan at bansa. “Alingawngaw ng lupa” naman ang dalumat na dinevelop ni Leocito Gabo sa kaniyang pag-aaral tungkol sa pagbabago ng kalagayan ng kababaihan “mula sa ibaba.” Aniya, ang “alingawngaw” ay mga tuwirang hinaing na di-binibigyang- pansin sa araw-araw mula sa mata ng isang lalaking mananaliksik. Maihahanay rin ito sa mga diskursong mula sa ibaba o mula sa ilalim na isa sa mga itinatanghal ng araling kultural (cultural studies). Sa kakapusan ng pamamaraan ng pagpahahayag pang-akademya sa “pagkapailaim” ng tinig ng kababaihan, pinalitaw ni Gabo ang kanilang pagpapakahulugan sa pamamagitan ng pakikipamuhay (sa loob ng walong taon) kaugnay ng mga culturally sensitive na metodong may tatak-SP (e.g. , pagtatanong-tanong at pakikipanayam, kuwentuhan, pormal na talakayang nakatuon sa mga kababaihan, pagmamasid-masid, pagtukoy ng dalawang mag-inang kababaihan, at mapagnilay na pagbabahaginan ng kanilang mga karanasan). Maibibilang sa nabanggit na pagpupunyagi ang “Palabas, Tawa at Kritisismo: Ang Pantawang Pananaw ng Impersonasyon sa Tauhan at Isyu sa Lipunan” ni Rhoderick Nuncio. Bagaman wala, aniya, itong kaugnayan sa PtP, mababakas sa kaniyang artikulasyon kung saan siya dumudukal ng inspirasyon upang bigyang-kahulugan ang sabi niya’y “saysay,” “salaysay,” at dalumat ng “pantawang pananaw”—wala’t dili iba kundi sa Pantayong Pananaw. Nilikha ang “pantawang pananaw” bilang isang gabay konseptuwal sa pagtatanghal ng karanasan at katuturan ng tawa bilang kritisismo– isang pagtuligsa sa kapangyarihan at kaayusan sa lipunan. Ipinagpatuloy ni Nuncio ang sariling pagdadalumat sa kaniyang disertasyong “Ang Sanghiyang sa Mundo ng Internet: Tungo sa Pagteteorya sa Diskurso at Penomenon ng Internet sa Kontekstong Filipino.” Mula sa kalinangang Caviteño, dinalumat niya ang “sanghiyang” upang balangkasin ang nasabing pag-aaral. Literal itong nangangahulugan ng sayaw sa apoy; nakaugat sa salitang “hiyang” na ang ibig sabihin ay “akma” o “bagay” kung kaya’t 140 M. J. B. Rodriguez-Tatel nakapagdudulot ng positibong resulta o bisa. Inilapat ito sa pagsusuri ng relasyon ng kompyuter at tao; at mula sa deribatibo nitong “kaisanghiyang” siniyasat ang usapin ng pagbubuo ng kaakuhan at panlipunang inter-aksiyon, sa partikular, ang penomenon ng adiksiyon ng kabataang Pilipino sa online game sa modernong panahon. Isa, diumano, itong pagtatangkang teoretiko at praktikal sa layuning sipatin ang penomenon at diskurso ng internet bilang bahagi ng pandaigdigang estruktura at relasyon ng pagdaloy ng impormasyon at komunikasyon sa lipunang Pilipino. Sa kabilang banda, hindi man tuwirang gumamit ng mga nabanggit na tagapagdalumat ng Pilipinong lapit at teorya, may mga pag-aaral na sumasayapak pa rin nila sa ganang punyaging mag-ambag ng sariling pagdadalumat. Isa na rito ang “Turungkuhan ng Lunan: Ang Bayan ng Mauban Bilang Kinukumbating Heograpiya” ni Nelson Turgo. Binalangkas ang pagsusuri sa bayan bilang produkto ng pagtatalaban ng iba’t ibang puwersang panlipunan sa pamamagitan ng dalumat ng “turungko”/ “turungkuhan” at “kumbatihan” mula sa wikang Maubanin, lalawigan ng Quezon. Nasa gayunding punyagi ang “An Buot nin Agta sa Kapalibutan: Hakbang Tungo sa Pilosopiyang Pangkapaligiran” ni San Diego). Inilatag sa tesis na ito ang buot o konsepto ng loob ng mga Agta upang unawain ang pilosopiya nila ng buhay sa dalumat ng kapalibutan (kapaligiran). Mula sa emikong pagpapakahulugan, sinuri ang bawat katangian ng mga bagay-bagay sa kulturang Agta at napalitaw ang holistiko nilang paniniwala sa ugnayang tao-kalikasan. Nag-uugat ito sa pananaw na ang kanilang pakikitungo sa kapalibutan ay kaugnay ng kaisipang sila at ang kapaligiran ay magkasamang nilikha upang mapanatili ang armoniya ng buong sangkalikhaan. At bilang nilikha, sila man ay patuloy na lumilikha ng kanilang kapalibutan para sa pagpapatuloy ng buhay. Sa ganang ito naitampok ang imahen ng mga Agtang naggigiit ng kinagisnang kultura habang umaangkop sa mga pagbabago. Maikakawing din sa pag-aaral na ito ang disertasyon ni Ariel Agcaoili sa dakilang ambag nito sa pagdadalumat sa usapin ng etnisidad. Sa “Bannuar, ang Libing ng Araw: Isang Etnograpik na Pag-aaral sa Pilosopiya ng Buhay ng mga Ilokano, 1971-1991,” siniyasat ni Agcaoili ang kamalayang “ili” (bayan) ng mga Ilokano sa pamamagitan ng paglikha ng nobela (dulambuhay) bilang isang anyo ng pakasaritaan o kasaysayan. Isa itong etnograpiko at historikal na paglalarawan sa at pagsasalaysay ng mga umili (mamamayang Ilokano) sa panahon ng Batas Militar. Itinampok at nilinang dito ang kawing-kawing na batayang dalumat ng “sarili,” “iba” at “mundo at lipunan,” upang unawain at ipaunawa ang kapanunotan bilang pilosopiya ng buhay– kamalayan, kasinuhan, o kalooban ng mga Ilokano sa isang partikular na panahon ng krisis. Mula naman sa tesis pangmaster ni Eduardo Lapiz, ang “Sotu Tutul Tud Bulul” (“Isang Kuwento ni Tud Bulul”)” ibinahagi ang hlolok, isang mataas na antas ng tradisyong 141 Philippine Studies/Araling Pilipino pang-awit ng mga T’boli, bilang integral sa ating pambansang kamalayan at upang magsilbing “bukal ng kaalaman ng mga katutubong konsepto para sa iba’t ibang larangan ng Araling Pilipino” (Ocampo sipi kay Lapiz). Pag-aangkin o pagsasakatutubo ng mga banyagang teorya o batayang konseptuwal at metodolohiya ang ikalawang kalakaran. Una itong natunghayan sa “Ang Dalumat sa Lipunan sa Makalipunang Kuwento ng mga Kinatawang Manunulat sa Pilipino, 1958- 1972” ni Patricia Melendrez-Cruz noong 1980 na nagbigay-daan sa paglilinang niya sa tatlong dalumat ng tao: (1) bilang nakapangyayaring indibidwal; (2) bilang napangyayarihang indibidwal; at (3) bilang bahagi ng kolektibo at ng uri. Isa itong pag-aaral sa manifest consciousness ng mga kalahok. Ideolohiya ang kategoryang analitikal na ginamit sa pag-aaral na hinalaw sa ipinanukala ni Lucien Goldman. Bilang salik ng nilalaman, nadalumat ang ideolohiya ng indibidwalismong liberal at Marxismo sa anyo ng pambansang demokrasya sa mga pagpapahalagang isinadula ng mga kalahok sa mga kuwento. Gamit ang ipinook na pagsusuring moda ng produksiyon sa kontekstong Pilipino, nadalumat ni Michael Andrada ang “tulansangan” sa kaniyang tesis na “Tulansangan: Transgresyon sa Maiigsing Tula at Tugma ng Bata sa Lansangan.” Isa itong pagsusuri sa mga tula sa panahon ng kolonyalismo, neokolonyalismo, monopolyo-kapitalismo, at higit sa lahat sa konteksto ng kilusang mapagpalaya upang itanghal at siyasatin ang produksiyon at reproduksiyon ng nasabing anyo ng panitikan ng mga bata sa lansangan. Ilan pang halimbawa ng pagsasakatutubo mula sa labas ang matutunghayan sa paggamit ng interpretatibong teoryang gaya ng semiotika, hermeneutika, etnometodolohiya, at penomenolohiya na labis na nagsasaalang-alang sa panloob na pagpapakahulugan ng mga pinapaksa ng pag-aaral. Sa ganang interpretibismo, tatlong pag-aaral ang naisagawa patungkol sa diskursong milenaryo: (1) “Millenarian Discourse: Ang Pagbubukas sa Tipan ng Mahal na Ina” ni Consolacion Alaras; (2) “Ang Semiotika ng Anting-Anting” ni Nenita Pambid; at (3) “Ang Buhay ay Isang Dula: Karanasan ng Ciudad Mistica sa Bundok Banahaw” ni Guillermo Pesigan. Sa una, ipinakilala ni Alaras ang dalumat ng “tipan ng Mahal na Ina batay sa talinghaga ng potensya” ng mga kapatiran. Inihugpong ang mga kaisipan ni Covar hinggil sa kapatiran sa mga konsepto nina Michel Foucault (hinggil sa kaibahan at diskurso), Jacques Derrida (deconstruction at semiotics), Jacques Le Goff (history of mentalities); Fredric Jameson (ideology and utopia), at Terry Eagleton (ethnomethodology o hermeneutical phenomenology) sa pagbuo ng isang balangkas teoretikal na nagpahintulot sa kaniya upang papagsalitain ang mga nasabing samahan at iparinig 142 M. J. B. Rodriguez-Tatel ang kanilang tinig sa akademya. Sa ikalawa, hinimay-himay ang iba’t ibang aspekto ng kultura at paniniwalang nakapaloob sa anting-anting: mula sa teknolohiya tungong pag-uuri ng mga ito ayon sa mito ng paglikha ng I