pagbasa reviewer.pdf
Document Details
Tags
Full Transcript
PAGBASA “Why are we shallow?” — Artikulo ni F. Sionil Jose na binigyang dahilan niya na ang mga Pilipino ay mababaw ang sensalidad dahil sa kawalan ng kultura ng pagbabasa sa bansa. We are shallow because we are mayabang, ego driven, and do not have the h...
PAGBASA “Why are we shallow?” — Artikulo ni F. Sionil Jose na binigyang dahilan niya na ang mga Pilipino ay mababaw ang sensalidad dahil sa kawalan ng kultura ng pagbabasa sa bansa. We are shallow because we are mayabang, ego driven, and do not have the humility to understand that we are only human, much too human to mistake knowledge for wisdom. We are shallow because with this arrogance, we accept positions far beyond our competence. We are shallow because we don’t read. We are shallow because we become enslaved by gross materialism, the glitter of gold and its equivalent. “Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang mga pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.” - Gustave Flaubert Isang manunulat na Pranses na siyang nagpaunlad ng realismong pampanitikan sa Pransya at sumikat sa kanyang akda na Madame Bovary (1857). ★ Ang pagbasa ay isang gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan. Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan ng buhay. — Villafuerte et. al (2005) ★ Sa aklat na Becomign a Nation Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na impormasyon. — Anderson et. al (1985) ★ Ang pagbasa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa paghasa ng talino at isipan. Kailangan ang masidhi at malawakang pagbasa na siyang magbubukas ng daan sa lahat ng karunungan at disiplina. — Bernales et. al (2001) ★ Ang pagbasa ay itinuturing bilang isang PSYCHOLINGUISTIC GUESSING GAME.— Kenneth Goodman PROSESO NG PAGBASA William S. Gray - “Ama ng Pagbasa,” ayon sa kaniya ang pagbasa ay may apat na hakbang. 1. Persepsyon - pagkilala at pagtukoy sa mga salita. 2. Komprehensyon - pag-unawa sa mga salita. 3. Reaksyon - pagpapahalaga at pagdama sa teskto. Kinapapalooban ng damdamin o emosyon. 4. Integrasyon - pag-uugnay at paggamit ng dati at bagong kaalaman sa buhay. TEORYA NG PAGBASA Teoryang Itaas-Pababa (Top-Down) - ang teoryang ito ay naniniwala na ang pagunawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa. Ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto. Teoryang Ibaba-Pataas (Bottom-Up) - naniniwalang ang pag-unawa ng isang bagay ay nag- uumpisa sa ibaba at napupunta sa itaas. Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel. Teoryang Interaktibo - nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Paggamit ng mambabasa sa kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating kaalaman at mga pananaw. PAGBASA Teoryang Iskema - ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nakakaimpluwensiya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam nao hindi alam ng mambabasa. Iskemata Ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao. Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad. ANTAS NG PAGBASA Primarya Pinakamababang antas ng pagbasa. Ang kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay kinapapalooban lamang ng mga tiyak na impormasyon. Mapagsiyasat Sa antas na itonauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Analitikal Ginagamit ang mapanuri at kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. Sintopikal nangangahulugang “koleksiyon ng mga paksa”. Kinapapalooban ito ng paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda na kadalasang magkakaugnay. IBA'T IBANG URI NG PAGBASA Iskaning Ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad ng pagbasa ng mga susi na salita, pamagat at subtitles. Nangangailangan hanapin ang isang partikular na impormasyon sa aklat o anumang babasahin. Iskiming Masaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ang gumagamit sa kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksiyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap. Previewing Ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at ang register ng wika ng sumulat. Kaswal Pagbasa ng pansamantala o di palagian. Ginagawa lamang bilang pampalipas oras o may hinihintay. Pagbasa pang-impormasyon May layuning malaman ang impormasyon. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang kaalaman. Muling Pagbasa o Pre-reading Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at ang register ng wika ng sumulat. HindI kaagad sa chapter o sa aklat ang tinitignan. Matiim na pagbasa PAGBASA Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa upang maunawaan ang ganap ng binabasa para matugunan ang pangangailangan. Pagtatala Pagbasang may kasamang pagtatala ng mahahalagang kaisipan o ideya bilang pag- imbak ng impormasyon. Mga Istratehiya sa Interaktib na Pagbasa Pagtatanong (questioning) Paghuhula (predicting) Paglilinaw (clarifying) Pag-uugnay (assimilating) Paghuhusga (evaluating) KATOTOHANAN - Mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon. OPINYON - Mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao. Layunin - tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto. Pananaw - pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto. Unang panauhan - nagpapakita ng personal na perpektiba niya sa paglalahad. Ikatlong panauhan - nagbibigay ng obhetibong pananaw at paglalahad sa paksa. Damdadamin - ipinahihiwatig na pakiramdam o emosyon ng manunulat sa teksto. Tekstong Impormatibo ➔ tinatawag ding Ekspositori ➔ layuning magbigay kaalaman at magpaliwanag sa mga mambabasa nito. Uri ng Tekstong Impormatibo 1. Sanhi at Bunga - Ipinapakita ang relasyon ng dalawang bagay: kung bakit nangyari ang isang bagay at naging resulta. 2. Paghahambing - Nagpapakita ng PAGKAKAIBA at PAGKAKATULAD ng anumang bagay, konsepto o pangyayari. 3. Pagbibigay Depinisyon - Ipinaliliwanag ang kahulugan ng isang salita o termino. Denotatibo - kahulugang galing sa diksyunaryo. Konotatibo - kahulugang galing sa iyong interpretasyon. 4. Paglilista ng Klasipikasyon - paghahati sa isang malaking paksa sa iba’t ibang kategorya. Tekstong Deskriptibo ➔ nagbibigay ng kaukulang detalye sa katangian ng isang tao, lugar, bagay o pangyayari. ➔ maaari ring nakabatay sa nararamdaman, tulad ng bugso ng damdamin o personal na saloobin. Katangian ng Tekstong Deskriptibo 1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nilikha sa mga mambabasa. 2. Maaaring maging obhetibo o subhetibo. PAGBASA Obhetibo - ito ay paglalarawang direktang nagpapakita ng katangiang makatotohanan at hindi mapasusubalian. Subhetibo - maaaring kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsiyono kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan. 3. Ito ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong detalye. Kasangkapan sa malinaw na paglalarawan 1. Wika 2. Maayos na detalye 3. Pananaw ng paglalarawan 4. Isang kabuuan o impresyon Paraan ng Paglalarawan 1. Batay sa PANDAMA 2. Batay sa NARARAMDAMAN 3. Batay sa OBSERBASYON Tekstong Persuweysib ➔ naglalayong makapangumbinsi o makapanghikayat sa tagapakinig, manonood o mambabas. ➔ isang opinyong kailangang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa. Tatlong paaran ng panghihikayat ayon kay Aristotle: Ethos - tumutukoy sa kredibilidad/ ng manunulat. Pathos - ginagamit ang emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa. Logos - tumutukoy sa paggamit ng lohika/opinyon upang makumbinsi ang mambabasa. Propaganda Devices 1. Name Calling - ang pagbibigay ng hindi magagandang puna o taguri sa isang produkto upang hindi tangkilin. 2. Glittering Generalities - pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakasisilaw na pahayag sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa at gumagamit ng mga mabubulaklak na salita o pahayag. 3. Transfer - paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan. 4. Testimonial - kung saan tuwirang ineendorso o pinopromote ng isang tao o produkto na ang mismong nag-eendorso ay napatunayan ang bisa ng isang produkto na kaniyang iniendorso. 5. Plain Folks - kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang ordinaryong tao para makuha ang tiwala ng sambayanan. 6. Bandwagon - hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo. 7. Card Stacking - pagsasabi ng magagandang puna sa isang produkto ngunit hindi nito sinasabi ang hindi magandang epekto ng produkto o serbisyo. PAGBASA Tekstong Argumentatibo ➔ isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensya. Elemento ng Tekstong Argumentatibo Proposiyon - ito ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan. Argumento - ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig. Uri ng mga maling pangangatwiran 1. Argumentum Ad Hominem - argumento laban sa karakter. 2. Argumentum Ad Baculum - paggamit ng pwersa o pananakot. 3. Argumentum Ad Misericordian - paghingi ng awa o simpatya. 4. Argumentum Ad Numeram - batay sa dami ng naniniwala sa argument. 5. Argumentum Ad Igonarantiam - batay sa kawalan ng sapat na ebidensya. 6. Cum Hoc Ergo Propter Hoc - batay sa pagkakaugnay ng dalawang pangyayari. 7. Post Hoc Ergo Propter Hoc - batay sa pagkakasunod ng mga pangyayari. 8. Non Sequitur - ang konklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa naunang pahayag. 9. Paikot-ikot na pangangatwiran - paulit-ulit ang pahayag at walang malinaw na punto. 10. Padalos-dalos na paglalahat - paggawa ng kongklusyon batay lamang sa iilang patunay o katibayang may kinikilingan.