2nd Quarter Reviewer Filipino PDF
Document Details
Uploaded by SweetheartRuthenium
Tags
Related
- English for Academic and Professional Purposes Grade 11 Quarter 1 Module 1 PDF
- Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa ng Teksto PDF
- Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa ng Teksto PDF
- SLG Fil2 2.4 Kabanata 1-3 PDF
- 2nd Quarter Reviewer (English) PDF
- Filipino 2nd Quarter Notes PDF
Summary
This document contains a set of Filipino language practice questions and answers, suitable for a second-quarter review. The questions cover various topics, including multiple-choice questions, and reading comprehension excerpts.
Full Transcript
**REVIEWER** **[FILIPINO]** Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. \_\_\_\_\_\_1. Sira ang \_\_\_\_\_ kaya walang tubig na lumalabas dito. Anong salitang may klaster ang angkop na ilagay sa patlang? A. gripo B. grasa \_\_\_\_\_\_2. Pa...
**REVIEWER** **[FILIPINO]** Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. \_\_\_\_\_\_1. Sira ang \_\_\_\_\_ kaya walang tubig na lumalabas dito. Anong salitang may klaster ang angkop na ilagay sa patlang? A. gripo B. grasa \_\_\_\_\_\_2. Patuloy ang pagtatapon ng mga tao ng basura kung saan-saan. Ano ang susunod na mangyayari? A. Magiging malinis ang paligid. B. Marami ang magkakasakit. \_\_\_\_\_\_3. Araw ng Lunes, maagang gumising si Lea. Inihanda niya ang kaniyang bag na naglalaman ng lapis, notebook, at mga aklat. Ano kaya ang gagawin niya? A. Pupunta siya sa palengke. B. Papasok siya sa paaralan. \_\_\_\_\_\_4. Nag-aral nang mabuti si Clara. Mataas ang nakuha niyang marka. Ano kaya ang maaaring susunod na mangyayari? A. Matutuwa ang kaniyang nanay. B. Malulungkot siya. \_\_\_\_\_\_5. Ano ang tawag sa unang letra ng salitang **aso**? A. patinig B. katinig \_\_\_\_\_\_6. Ano ang ibig sabihin ng kulay pula sa ilaw-trapiko? A. Maghanda sa paghinto ang sasakyan. B. Bawal tumawid. \_\_\_\_\_\_7. Dito makikita ang petsa kung kailan isinulat ang liham at tirahan ng sumulat ng liham. A. Pamuhatan B. Lagda \_\_\_\_\_\_8. Kumain ng maraming kendi si Lucas. Ano ang maaaring mangyari? A. Baka sasakit ang kaniyang ngipin. B. Baka magiging matibay ang kaniyang ngipin. Basahin ang tula: **Kumain ng Gulay** *ni Arceli Velasquez- Balmeo* Pagkain ng gulay ay hindi ko hilig. Tulad ng ampalayang pagkapait-pait. "Bakit ba Inay ako'y pinipilit?" Kapag tinikman ko ako'y namimilipit. Dapat anak, gulay ay iyong tikman, Upang paglaki mo ay iyong malaman. Gulay na ayaw mo sa hapag-kainan. Masustansiya pala, pero hindi mo alam." "Sige po Inay ko, gulay ay kakanin. Dapat lang na payo mo'y laging susundin. Gulay na masustansiya'y aking kakainin. Upang mapabuti kalusugan namin. \_\_\_\_\_\_9. Ano ang ideya ng tula? A. Ang pagkain ng gulay. B. Ang hindi pagkain ng gulay. \_\_\_\_\_\_10.Ano ang tamang reaksiyon sa tula tungkol sa pagkain ng gulay? A. Masustansiya ang pagkain ng gulay. B. Hindi dapat kumain ng gulay. \_\_\_\_\_\_11. Ano ang magiging dulot ng palaging pagkain ng gulay? A.Magiging malusog ang katawan. B.Manghihina ang katawan. \_\_\_\_\_\_12. Saan nagtatapos ang salitang **maasim**? A. patinig B. katinig Basahin ang kuwento: **Ang Batang Matulungin** *ni Arceli V. Balmeo* Matulunging bata si Mary Ann. Pagkagaling sa paaralan ay agad siyang nagpapalit ng uniporme. Inilalagay naman niya ito sa basket ng maruruming damit nila. Mayamaya ay tutulungan na niyang magluto ang kaniyang nanay. Tumutulong din siyang magwalis at maghugas ng pinggan. Sa umaga bago siya pumasok ay dinidiligan pa niya ang kanilang mga halaman. Sumunod na hapon, sa kaniyang pag-uwi ay may nakasabay siyang matandang babae na nakatungkod. Tila tatawid ito sa kabilang kanto. Pakiwari niya ay hirap na hirap ito sa paglakad. Kaya naman agad niya itong nilapitan at tinulungan. "Lola saan ka po pupunta?" tanong ni Mary Ann. "Sa kabilang kanto lang ineng," sagot ng matanda. "Sige po at isasabay ko na kayo. Doon din po ang daan ko". Inalalayan niya ito hanggang sa pareho na silang makatawid. "Maraming salamat sa iyo, nawa'y marami pang bata ang maging katulad mo," nakangiting wika ng matanda. \_\_\_\_\_\_13. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? A. ang matanda B. si Mary Ann \_\_\_\_\_\_14. Saan naganap ang kuwento tungkol kay Mary Ann? A. sa daan B. sa bahay \_\_\_\_\_\_15. Kailan naganap ang kuwento tungkol kay Mary Ann? A. Hapon B. Tanghali \_\_\_\_\_\_16. Ano ang naramdaman ng matanda nang tulungan siya ni Mary Ann? A. Masaya B. Malungkot \_\_\_\_\_\_17. Alin sa pangungusap ang salitang may diptonggo? A. paborito B. sisiw \_\_\_\_\_\_18. Kung isusulat ang salitang dahon sa paraang kabit-kabit, alin ang tama? A. B. dahoon \_\_\_\_\_\_19. Abala sa paglalaro si Miko. Hindi niya naalala ang pinababantayang ulam ng kaniyang nanay. Kinain ito ng pusa. Ano ang maaaring mangyari? A. Pagagalitan si Miko ng kaniyang nanay. B. Matutuwa ang kaniyang nanay. \_\_\_\_\_\_20. Saan makikita ang karatulang "Bawal pumitas ng bulaklak"? A. Sa parke B. Sa silid-aralan \_\_\_\_\_\_21. Masayang itinanim at inalagaan ng magkaibigan ang puno ng saging. Ano ang susunod na mangyayari? A. Lalaki at magkakaroon ng bunga ang halaman. B. Mamamatay ang halaman. \_\_\_\_\_\_22. Alin ang tamang pagsusulat sa paraang kabit-kabit ng salitang bata? A. bataa ![](media/image2.png)B. \_\_\_\_\_\_23.Ayon sa larawan sa itaas, ano ang unang dapat gawin sa pagtatanim ng halaman ? \_\_\_\_\_\_24. Pagkatapos gumawa ng maliit na hukay, ano ang susunod na gagawin? \_\_\_\_\_\_25. Ano ang dapat gawin upang lumaki ang halaman? \_\_\_\_\_\_26. Ano ang tamang gawin kung nais maging malusog? A. Kumain ng gulay. B. Kumain ng kendi. ![](media/image4.png) \_\_\_\_\_\_27. Ano ang ibig sabihin ng babalang ito? A. Bawal magkalat. B. Bawal pumitas. \_\_\_\_\_\_28. Ano ang tamang tuntunin sa pagsusulat ng kabit-kabit? A. Pagdikit-dikitin ang mga letra. B. Magsulat nang may tamang pagitan. \_\_\_\_\_\_29. Ano ang maaaring mangyari kung patuloy ang pagtatapon ng basura? A. Magiging malinis ang paligid. B. Marami ang magkakasakit. \_\_\_\_\_\_30. Ano ang panapos na pagbati ng taong sumulat ng liham at nagtatapos sa kuwit? A. Bating Pangwakas B. Katawan ng Liham