Modyul 5 & 6: Komunikasyon PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Filipino Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- TALAAN-NG-KONSEPTO-Q1W1-W3 PDF Filipino Notes
- ARALIN 1: Mga Konseptong Pangwika PDF
- Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
- NCR_FINAL_FILIPINO11_Q2_M4 (1) PDF - Filipino Grade 11 Quarter 2 Module
Summary
This document discusses the concepts of language, national language, and official language in the Philippines, specifically focusing on the historical context, evolution, and implementation of these concepts. It identifies key figures, laws, and initiatives related to the development of the national language.
Full Transcript
Modyul 5: Konseptong Pangwika: Pambansang Wika at Opisyal na Wika SLIDESMANIA.COM Mga Konseptong Pangwika SLIDESMANIA.COM Pambansang Wika Sang-ayon sa Artikulo XIII, Seksiyon 3 ng Saligan...
Modyul 5: Konseptong Pangwika: Pambansang Wika at Opisyal na Wika SLIDESMANIA.COM Mga Konseptong Pangwika SLIDESMANIA.COM Pambansang Wika Sang-ayon sa Artikulo XIII, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang pambansang wika na ibabatay sa mga umiiral na katutubong wika. Naniniwala si Pang. Manuel L. Quezon na ang pagkakaroon ng isang pangkalahatang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika o diyalekto at ginagamit ng buong sambayanan ay magiging isang “tunay na bigkis ng pambansang pagkakaisa." Upang maisakatuparan ang kaniyang pananaw, itinatag ni Pangulong Quezon sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa na may mandatong pumili ng katutubong wikang SLIDESMANIA.COM gagamiting batayan para sa ebolusyon at adapsiyon ng Pambansang Wika ng Pilipinas na isinasaalang-alang ang mga katotohanang gaya ng: (a) wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekaniks, at literatura; (b) wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino. Noong ika-9 ng Nobyembre 1937, pinagtibay ng Surian ang isang resobusyon na nagrerekomenda sa Tagalog bilang batayan ng pambansang wika dahil “ito ang wikang halos tumutugon sa mga pangangailangan ng Batas Komonwelt 184.” Pinagtibay ito ni Pagulong Quezon sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na ipinatupad noong 1937. Sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959 ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa pamumuno ni Kalihim Jose E. Romero, iniatas na kailanman tutukuyin ang pambansang wika, ang salitang "Pilipino" ang gagamitin. Ang paggamit ng "Pilipino" sa halip na "Tagalog" ay isang hakbang tungo sa pagsasabansa ng wika na dati ay iniuugnay lamang sa isang pangkat ang mga Tagalog Alinsunod sa mga layuning nagbunsod sa pahayag ng pangulo (Carlos P. Garcia) at upang maitatak sa Wikang Pambansa ang di mapapawing katangian ng ating pagkabansa, ang salitang Pilipino ay gagamitin sa pagtukoy sa wikang ito. SLIDESMANIA.COM Ang Saligang Batas ng 1973 ay nagtakda naman sa Batasang Pambansa ng paggawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsiyon ng isang panlahat na pambansang wika na tatawaging "Filipino" Ang "Filipino" ang katawagang napili ng Kumbensiyong Konstitusyonal ng 1987 sa layuning maisakatuparan ang pagkakaroon ng matibay na instrumento ng pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa nagawa na at ginagawa pa ng Bagong Lipunan, ang pamahalaang itinatag ng dating Pangulong Marcos. Pambansang Wika -ang SLIDESMANIA.COM pinakamalawak na gamitin o lingua franca ng mga Opisyal na Wika Ang pambansang wika ang wikang sama-samang itinaguyod ng mamamayan sa isang bansa para magsilbing simbolo ng kanilang pagkakakilanlan. Hindi lamang ito kinikilala ng mamamayan; dinadama rin nila ito kaya ang pambansang wika ang siyang gamit sa mga okasyong nadadama ng mamamayan ang kanilang pagkamamamayan, gaya ng pag-awit ng pambansang awit o panunumpa ng katapatan sa watawat. Mas masaklaw ito, samakatuwid. Ang opisyal SLIDESMANIA.COM na wika naman ang wikang itinalaga ng tiyak na institusyon para maging wika ng opisyal na pakikipagtalastasan o pakikipagtransaksyon dito, halimbawa’y ang pamahalaan o isang kompanya o isang organisasyon. Halimbawa, kung Ingles ang opisyal na wika ng isang gobyerno, kapag nagpulong ang gabinete nito, Ingles ang dapat gamitin. Mas tiyak ang opisyal na wika, sa makatuwid. Sa panahon ng mga Amerikano, Ingles ang naging opisyal na wika bilang iyon ang wika ng mga dayuhang nagpapatakbo ng pamahalaan. Gayunpaman, nang ipagkaloob na nila ang pamamahala sa mga Pilipino, maigting na pinag-usapan kung ano nga ba ang dapat maging opisyal na wika dahil noong panahong iyo’y tatlo ang nangingibabaw na wika bunga ng mga pananakop: Espanyol na pamana ng mga Espanyol, Ingles na dala ng mga Amerikano, at Tagalog na wika sa Maynila na siyang sentro ng politika at komersiyo. Mismong ang Kombensiyong SLIDESMANIA.COM Konstitusyonal na naatasang buuin ang Saligang Batas ng 1935 ay hindi nagkasundo kung alin sa tatlong nabanggit ang dapat hiranging opisyal na wika. Ngunit dahil wala pa ngang pambansang wika, itinalaga muna ang mga wikang pamana ng mga pananakop bilang mga opisyal na wika. Wikang Opisyal -prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa SLIDESMANIA.COM pamahalaan, sa politika, sa komersyo at industriya. Modyul 6: Konseptong Pangwika: Wikang Panturo SLIDESMANIA.COM Ang wikang panturo ang opisyal na wikang gamit sa klase. Ito ang wika ng talakayang guro-estudyante. Malaki ang kinalaman ng wikang panturo sa mabisang pagkatuto dahil ditona kalulan ang kaalamang matututuhan sa klase. Kapag may depekto ang wikang panturo, magkakaroon din ng problema sa pagtatamo ng kaalaman. Nagsimula ang pagtuturo ng Filipino (kilala pa lamang noon na pambansang wikang nakabatay sa Tagalog) at paggamit dito bilang wikang panturo noong ika-12 ng Abril 1940 sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 na SLIDESMANIA.COM nagtakda ng pagtuturo ng pambansang wika sa lahat ng publiko at pribadong paaralan sa bansa. Unang itinuro ang pambansang wika sa ikaapat na taon ng mataas na paaralan, publiko man o pribado, at ginawang bahagi ng kurikulum ng mga kumukuha ng edukasyon sa kanilang ikalawang taon. Lalong nabigyang-diin ang pagtuturo ng pambansang wika sa Panahon ng Hapones dahil sa pagtatakwil ng mga mananakop sa impluwensiyang Kanluranin at pagtitindig sa Silangang Asya, partikular na ang mga bansang nasakop ng Hapon, bilang nakapagsasariling rehiyon. Tinawag ng mga Hapones ang ideolohiyang ito na Greater East Asia Co-prosperity Sphere. Sa Panahon ng Hapones, idineklara ang Tagalog bilang opisyal na wika at wikang panturo. Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10, s. 1943, iniutos ng SLIDESMANIA.COM gobyernong papet ni Pangulong Jose P. Laurel ang pagtuturo ng pambansang wika sa lahat ng pribado at pampublikong mababang paaralan, at kalaunan ay naging bahagi ng kurikulum sa lahat ng baitang sa elementarya at antas sa sekondarya. Sa Panahon ng Republika, naging mas masigasig ang mga ahensiyang pampamahalaan sa pag-aaral ng kaugnayan ng wikang panturo sa mabisang pagkatuto at sa pagtukoy ng marapat na maging wikang panturo. Noong 1948, sinimulan ng Bureau of Public Schools ang pagsubok sa potensiyal ng mga katutubong wika sa pagkatuto. Isa sa mga pag-aaral na ito ang “Iloilo Experiment in Education Through the Vernacular” na isinagawa mula 1948 hanggang 1954. Sa pag-aaral na ito, ginamit ang Hiligaynon na wikang panturo ng wika, pagbasa, aritmetika, at araling panlipunan. Ayon sa resulta, mas natuto ang mga estudyanteng tinuruan sa Hiligaynon kaysa mga tinuruan sa lngles. Sa pagtuntong din ng mga bata sa mas mataas na baitang, mas madali nilang nalinang ang kasanayan sa paggamit ng Ingles, kahit nahuli na itong ipakilala sa kanila, dahil sa mayamang pondo ng kaalamang natutuhan nila sa mas mabababang baitang. Naging pangunahing batayan ang eksperimento ng Revised Education Program of 1957 na nagtakda ng m ga sumusunod na patakarang SLIDESMANIA.COM pang-edukasyon: Ang mga katutubong wika (unang wika ng mga estudyante) ang gagamiting wikang panturo ng iba’t ibang asignatura sa Baitang 1 at 2. Ituturo ang Ingles bilang hiwalay na asignatura simula Baitang 1. Magiging wikang panturo na ang Ingles ng mga asignatura simula Baitang 3. Gagamiting pantulong na wikang panturo ang mga katutubong wika sa Baitang 3 at 4. Gagamiting pantulong na wikang panturo ang wikang pambansa (kilala na noon bilang Filipino) sa Baitang 5 at 6. Samantala, makaraang mapagtibay ang Saligang Batas ng 1973 na nagtatakda sa Pilipino at Ingles bilang mga wikang opisyal, ipinatupad ng pamahalaan ang Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974. Ayon sa kautusan, gagamiting wikang panturo ang Pilipino at Ingles sa mga tiyak na asignatura simula baitang 1. Mananatili rin ang magkahiwalay na pagtuturo ng Pilipino at Ingles bilang mga asignatura. Nang mapagtibay naman ang Saligang Batas ng 1987 na nagtatakda sa Filipino SLIDESMANIA.COM bilanh pambansang wika, ipinalabas din ang bagong patakaran sa edukasyong bilinggwal na humalili sa patakaran ng 1974.Itinuro pa rin ang Filipino at Ingles bilang mga bukod na asignaturang pangwika sa lahat ng baitang at antas. Bilang karagdagan, itinakda ang paggamit ng mga wikang panrehiyon bilang mga pantulong na wikang panturo at bilang panimulang wika para sa literasi. Sa panahon ni Pangulong Benigno S. Aquino III, ipinatupad ang programang K to 12 simula 2012 na nagtatakda ng isang taon ng edukasyong kindergarten at nagdadagdag ng dalawang taon sa mataas na paaralan upang tulungan ang mga estudyanteng maplano nang husto ang kanilang karera at mabigyan sila ng higit na kahandaan para rito. Kaugnay nito, ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Big. 31, s. 2012 na nagsasaad ng paggamit ng unang wika (mother tongue) bilang wikang panturo sa lahat ng asignatura (matematika, araling panlipunan, MAPEH, edukasyon sa pagpapakatao) sa baitang 1-3, maliban sa mga asignaturang Filipino at Ingles. Gagamitin naman ang Filipino o Ingles na wikang panturo sa baitang 4-6. Ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 16,5. 2012 na pinamagatang "Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE) under the K to 12 Basic Education Program,” ang mga katutubong wikang gagamiting wikang panturo sa baitang 1 -3 ay ang Tagalog, SLIDESMANIA.COM Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Méranaw, at Chavacano. Ito ang 12 pangunahing wika sa Pilipinas. Sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 28,5. 2013, dinagdagan ang 12 wikang ito ng 7 pang wika na kinabibilangan ng Ybanag para sa Lungsod ng Tuguegarao, Cagayan, Isabela; Ivatan para sa mga isla ng Batanes; Samba] para sa Zambales; Akianon at Kinaray-a para sa Aklan at Capiz; Yakan para sa lalawigan ng Basilan; at Surigaonon para sa lalawigan at mga lungsod ng Surigao. Wikang Panturo -wikang ginagamit sa SLIDESMANIA.COM pormal na edukasyon. Wikang Rehiyunal - nakabatay sa SLIDESMANIA.COM lingua franca ng mga mamamayan sa isang rehiyon. Lalawiganin -taguri sa SLIDESMANIA.COM wika ng probinsya. Wikang Pampanitikan -kadalasang SLIDESMANIA.COM gumagamit ng mga tayutay upang maging iba sa karaniwan. Pabalbal o Kolokyal -karaniwan o SLIDESMANIA.COM impormal na wika kadalasang sa kalye lamang naririnig. Teknikal na Wika -kadalasang ginagamit sa larangan ng SLIDESMANIA.COM agham at matematika, teknolohiya at Thank you! SLIDESMANIA.COM Editable Icons SLIDESMANIA.COM