MODY UL 8: Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong Kilos (Module-8-2024)

Summary

This file contains information about moral actions, outlining purpose, methods, and circumstances. It is likely part of a Filipino studies curriculum.

Full Transcript

MODY UL 8 Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong Kilos Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 1.Naipaliliwanag ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ng makataong kilos -EsP10MK-II...

MODY UL 8 Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong Kilos Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 1.Naipaliliwanag ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ng makataong kilos -EsP10MK-IIe-8.1 2.Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasiya o kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin, paraan sirkumstansiya, at kahihinatnan nito - EsP10MK-IIe-8.2 3.Napatutunayan na ang layunin, paraan at sirkumstansiya ay nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao. – EsP10MK-IIe-8.3 4.Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang sitwasyong may suliranin (dilemma) sa layunin, paraan (kilos) at sirkumstansiya nito - EsP10MK-IIe-8.4 Sa Modyul 7, natutuhan mo na bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasiya. Ito ay madalas na ginagawa sa pang-araw-araw na buhay. Tulad ng isang nagmamaneho ng sasakyan, siya ang may hawak ng manibela at siya ang nagdadala kung saang direksiyon niya nais pumunta Gayon din ang tao, ang bawat kilos at pasiya na kaniyang gagawin ay may epekto sa kaniyang sarili at kapuwa kung kaya’t kailangan na ito ay isagawa nang maingat gamit ang Pagpapalalim “Kilos ay suriin, mabuti lagi Kung ikaw ang ang tatanungin, ano ang piliin.” pakahulugan mo sa mga salitang ito?  Marami kang pinagkakaabalahan araw-araw mula sa gawaing bahay, sa pagpasok sa paaralan, sa pakikisalamuha sa iyong mga kaibigan, ay nagsasagawa ka ng maraming kilos. Nasusuri mo ba ang lahat ng ito? Napipili mo ba ang mabuti? Tumutugma ba ang paraan ng Mahalagang mapagnilayan niya ang bawat kilos na kaniyang isasagawa dahil HINDI MAGIGING GANAP ANG PAGIGING TAO NIYA KUNG HINDI SIYA Sa mga nakaraang pag- KUMIKILOS AYON SA aaral natutuhan mong KABUTIHAN. PANANAGUTAN NG TAO ANG ANUMANG KAHIHINATNAN NG KANIYANG KILOS, Pero teka muna, naaalala mo pa ba ang dalawang Uri ng Kilos ng Tao? Ibahagi ito. Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao.  Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao.  Kung ano tayo at kung ano ang kalalabasan ng ating kilos ay batay sa Nangangahulugan ating pagpapasiya. ito na hindi lahat ng ating isinasagawang kilos ay mabuti. Sa etika ni Sto. Tomas de Aquino, ang moral na kilos ay ang makataong kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag- isipan. Ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos. Ang papel naman ng kilos-loob ay tumutungo sa layunin o intensiyon ng isip. Ang panloob na kilos ay nagmumula sa isip at kilos-loob. Samantalang ang panlabas na kilos ay ang pamamaraan na ginagamit upang isakatuparan ang panloob na kilos. Hindi maaaring maging hiwalay ang dalawang ito sapagkat Kung Masama ang Panloob, Magiging Masama Rin ang Buong Kilos, Kahit Mabuti ang Halimbawa nito si Robin Hood? Siya ay kilala sa kaniyang pagiging matulungin lalo na sa mga mahihirap. Ngunit saan ba niya kinukuha ang kaniyang ibinibigay na tulong sa kanila? Hindi ba sa pagnanakaw? Masasabi mo ba na tama ang kaniyang kilos? Ikaw ba ay sumasang-ayon dito? Kung ating titingnan, mabuti ang kaniyang panloob na kilos ngunit masama naman ang kaniyang panlabas na kilos. Kailangang parehong mabuti ang panloob at panlabas na kilos dahil nababalewala ang isa kung Ayon pa rin kay Sto. Tomas de Aquino, sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob ang tumutungo sa isang layunin. Hindi makapaghahangad ng anuman ang isang tao kung wala itong pinaka huling layunin at ito ay ang makapiling ang Diyos sa Napakaganda, hindi ba? Kaya’t marahil ay nararapat lamang na mapagnilayan ng tao ang bawat layunin ng kaniyang isinasagawang kilos. Mahalaga ito upang lubos na malaman kung paano nagiging mabuti o masama ang isang kilos. Mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na mabuti o masama. Ang mga ito ang batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi. 1. Layunin 2. Paraan 3. Sirkumstansiya 4. Kahihinatnan 1. Layunin Tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob. Ito rin ay tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos (doer); hindi ito nakikita o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng 2. Paraan Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. 3. Sirkumstansiya - Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Narito ang iba’t ibang batayan ng sirkumstansiya: a.Sino- Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos. b.Ano. Ito ang tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat. c. Saan- tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ang kilos. d.Paano- Ito ay tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos. 4. Kahihinatnan Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may kaakibat na pananagutan. Anuman ang gawing kilos ay may kahihinatnan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser