Paggamit ng Cellphone sa Klase at Eksperimento sa Hayop (Tagalog)

Summary

This Tagalog document discusses the pros and cons of cell phone use in classrooms and animal experimentation. It examines current policies, arguments about distractions, and ethical considerations related to using animals in research and product development. It includes perspectives from students and education officials (Implied).

Full Transcript

paggamit ng cellphone sa klase Sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, lalo na ang paglaganap ng mga smartphone, hindi maikakaila ang malaking impluwensya nito sa ating pang-araw-araw na buhay. Ngunit habang nagdudulot ng kaginhawaan at koneksyon ang mga gadget na ito, mayroon din itong mga...

paggamit ng cellphone sa klase Sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, lalo na ang paglaganap ng mga smartphone, hindi maikakaila ang malaking impluwensya nito sa ating pang-araw-araw na buhay. Ngunit habang nagdudulot ng kaginhawaan at koneksyon ang mga gadget na ito, mayroon din itong mga hamon, lalo na sa mga institusyong pang-edukasyon. Isa sa mga pinakamainit na isyu ngayon ay ang paggamit ng cellphone sa loob ng klase. KAKATWA ang balak ng Department of Education (DepEd) para matigil ang nagiging talamak na pagsusugal ng mga estudyante. Plano nilang I-ban ang paggamit ng cell phone sa mga eskuwelahan. Dati nang ipinagbabawal ang paggamit ng cell phone sa mga public at private schools pero ito ay habang may klase lamang sapagkat ginagamit ng mga estudyante para mag-cheat. Bukod sa ginagamit pang-cheat, nakakaistorbo rin ito sa klase. Tuwing class hours lamang bawal ang paggamit ng cell phone. Mula pa noong June 29, 1999 ipinagbawal ang paggamit ng cell phones sa loob ng klase. Si dating Education Sec. Andrew Gonzales ang nag-utos sa pagbabawal nito. Muling sinundan ang order noong April 2000. Pero masyado naman yata ang paghihigpit sa pagkakataong ito sa paggamit ng cellphone. Paano naman ang ibang estudyante na hindi naman nagsusugal, pati ba sila ay apektado ng ban na ito? Paano kung magkaroon ng emergency na tawag? Mahalaga ang cell phone. Tama lang na i-ban ang paggamit nito sa panahon ng class hours at baka gamitin sa pandaraya pero ang ipagbawal dahil lamang sa lumalaganap na campus gambling ay hindi naman nararapat. Pag-isipang mabuti ito ng DepEd. Ang paggamit ng cellphone sa klase ay nagdudulot ng malaking distraksyon sa mga mag-aaral at sa mismong proseso ng pagtuturo. Madalas na nakikita ang mga estudyanteng abala sa pag-scroll sa kanilang mga social media accounts, paglalaro ng games, o pagmemensahe sa kanilang mga kaibigan sa gitna ng isang leksyon. Ang ganitong mga gawain ay nakakaapekto sa kanilang konsentrasyon at pag-unawa sa mga tinatalakay na aralin. Bukod dito, ang paggamit ng cellphone ay maaaring magdulot ng paglabag sa mga patakaran ng paaralan at maaaring maging sanhi ng mga di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mag-aaral at guro. Bilang mag-aaral, mahalagang maunawaan ang kahalagahan ng disiplina sa sarili. Ang paggamit ng cellphone sa tamang oras at lugar ay isang pagpapakita ng respeto sa ating mga guro at sa ating kapwa mag-aaral. Dapat nating matutunan na i-prioritize ang ating pag-aaral at iwasan ang mga bagay na maaaring mag-abala sa ating pag-aaral. Ang mga paaralan at mga guro ay may mahalagang papel na ginampanan sa pagtuturo sa mga estudyante ng tamang paggamit ng teknolohiya. Maaari silang magpatupad ng mga patakaran na mahigpit na nagbabawal sa paggamit ng cellphone sa loob ng klase at magbigay ng mga alternatibong paraan ng paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral. Dapat ang paggamit ng cellphone sa klase ay isang isyung dapat bigyan ng sapat na atensyon. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga mag-aaral, guro, at mga magulang, maaari nating mahanap ang tamang balanse sa pagitan ng paggamit ng teknolohiya at ng pag-aaral. filipino sa piling larangan IPINASA NI : JANELLE KHRIS MONTA, B. BEVERLY MABANTO, F. 12 STEM FE DEL MUNDO Eksperimento sa mga hayop, makatarungan nga ba? Marami sa mga ginagamit natin ngayong mga produkto ang ginagamitan ng pag e-eksperimento sa mga hayop. Kabilang na riyan ang mga beauty product at mga medisina na atin namang kinukunsumo ngayon. Marami ang tutol sa paggamit ng mga hayop sa pag e-eksperimento at marami din namang sumasang-ayon dahil sa marami namang magandang naidudulot ang paggamit ng mga ginagawa sa mga hayop bilang eksperimentasyon. Ngunit makatarungan nga ba ang paggamit ng mga eksperto sa mga hayop na ito? Ang RA 8485, na mas kilala bilang Animal Welfare Act, ang unang batas na komprehensibong nagtadhana sa tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas. Sa Sec. 6 ng batas, ipinagbabawal ang pagmaltrato at pag- torture sa mga hayop. Kabilang na dito ang aso, pusa, mga kuneho, at iba pa. May kaakibat na kaparusahan ang sino mang mahuhulihang lumabag sa batas na ito. 17 milyong hayop—mga aso, pusa, unggoy, dagang-puti, at mga kuneho— ang ginagamit taun-taon sa Estados Unidos lamang. Mga daga ang bumubuo ng 85 porsiyento ng bilang na ito. Ginagamit ang mga hayop na ito sa parte ng: Pananaliksik sa agri-pagkain, gamot at beterinaryo, bioteknolohiya, kapaligiran, genomics, parmasya, at oncology. Ang unang tao na nag-eksperimento sa mga hayop ay si Acmaeon ng Crotona, ito ay noong taong 450 BC. Binalak nilang dalawa na makahanap ng lunas para sa sakit na pagkabulag. Kaya naman naisipan nilang pagkumparahin ang hayop sa tao at napag-alaman nilang mga mga katangian ang mga hayop na meron ang mga tao. Marami sa mga eksperimentong ito ang nagdudulot ng pagkamatay ng mga hayop. Bagamat alam ng mga sangkot sa medical na nakakasama ito sa mga hayop. Gayunpaman, marami parin ang patuloy na paggamit ng mga hayop para sa pagbuo ng mga bagong produkto. Tunay ngang mali ang pag e-eksperimento sa mga hayop. Mali din na sila ay pahirapam, mas lalo na ang mga walang muwang na mga hayop tulad ng mga unggoy at mga kuneho na ginagamit sa pagsasagawa ng mga eksperimento. Mali rin na gawin silang tester sa mga ginagamit natin na produkto dahil kahit papaano ay may mga pakiramdam sila. “Kung ang pag-eeksperimento sa hayop ay makapagliligtas sa iyo o sa isang mahal sa buhay mula sa isang napakasakit na karamdaman o kamatayan, tatanggihan mo ba ito?” Ayon kay John Kaplan, propesor sa batas sa Stanford University, California. Nais iparating ng propesor na si John Kaplan na ang paggamit o ang pag e-eksperimento sa mga hayop ay may mabuti din namang maidudulot at ayon din sakanaya na natutulungan din daw nila ang mga kapwa nila hayop sa mga sakit na kanila ring nararanasan. Tama ang tuwiran ng bawat isa. Bawal pumatay o gawing tester ang mga hayop at mayroong mabuting naidudulot ang paggamit sa mga hayop bilang eksperimento. Ikaw, sa tingin mo tama kayang gawin nila sa mga hayop iyon? Kahit na ginagamit mo naman ang mga produkto at mga medisina na dahilan ng kanilang pagkaka bilanggo sa mga laboratory ng mga eksperto?

Use Quizgecko on...
Browser
Browser