Batas Rizal (Republic Act No. 1425) - Lecture Notes PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document provides a lecture on the Republic Act No. 1425, also known as the Rizal Law. It discusses the history and importance of the law in the Philippines. The document also includes discussions on the different arguments and controversies surrounding this law.
Full Transcript
ANG BATAS RIZAL (REPUBLIC ACT NO. 1425) KASAYSAYAN, KAHALAGAHAN, AT EPEKTO NITO WHAT EXACTLY IS RIZAL LAW? Ang Batas Rizal (Republic Act No. 1425) ay naisabatas noong 1956. Si Pangulo Ramon Magsaysay ang lumagda at nagpatibay ng Batas Rizal noong Hunyo 12, 1956. Ang Rizal Law o RA 1425...
ANG BATAS RIZAL (REPUBLIC ACT NO. 1425) KASAYSAYAN, KAHALAGAHAN, AT EPEKTO NITO WHAT EXACTLY IS RIZAL LAW? Ang Batas Rizal (Republic Act No. 1425) ay naisabatas noong 1956. Si Pangulo Ramon Magsaysay ang lumagda at nagpatibay ng Batas Rizal noong Hunyo 12, 1956. Ang Rizal Law o RA 1425 ay isang batas sa Pilipinas na nangangailangan na ang lahat ng paaralan sa Pilipinas, maging pampubliko o pribado, ay mag-aalok ng mga kurso ukol sa buhay, gawain, at mga isinulat ni Dr. Jose Rizal. ANG PAGSULAT NI SENADOR CLARO M. RECTO NG BATAS RIZAL NOONG 1956 AY HANGO SA KANYANG HANGARING ITAGUYOD ANG PAGMAMAHAL SA BAYAN, PAGKAKAISA NG BANSA, AT PAGGAMIT NG WIKANG PAMBANSA SA MGA PILIPINO, LALO NA SA KABATAAN. KASAYSAYAN NG BATAS RIZAL May-akda: Senador Claro M. Recto Noong ika-3 ng Abril, 1956, isinulong ni Senador Claro M. Recto ang Senate Bill No. 438 at isinumite ito sa Komite ng Senado sa Edukasyon. Ang Senate Bill No. 438, “isang batas na gawing obligado ang pagbabasa ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa lahat ng pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad at para sa iba pang layunin." Ito ay mas kilala bilang "Noli-Fili Bill.“ Layunin: Itaguyod ang nasyonalismo at kamalayang pansibiko sa mga Pilipino, lalo na sa kabataan. HOUSE BILL NO. 5561 Noong ika-19 ng Abril, 1956, isinumite ni Congressman Jacobo Z. Gonzales ang isang katulad na panukalang batas na tinawag na House Bill No. 5561 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa kasamaang palad, tulad ng Noli-Fili Bill, tinututulan din ang House Bill 5561 sa pagsasabi na labag ito sa konstitusyon at relihiyon. ANG MGA PAGTUTOL NOONG NIRARATIPIKA ANG BATAS RIZAL Mga Alalahaning Pang-relihiyon: Ang mga tumututol, partikular mula sa Simbahang Katolika, ay nagsabing ang pag-aatas na isama ang mga nobela ni Rizal sa kurikulum ay maaaring makasira sa pananampalataya ng mga mag-aaral dahil sa kritikal na paglalarawan ng mga pari at ng Simbahan sa mga aklat. Natatakot silang magdudulot ito ng anti-Katolikong sentimyento. Sa isang pastoral letter na isinumite ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), sinabi ng organisasyon na nilabag ni Rizal ang Canon Law 1399 - na nagbabawal at pumipigil sa mga aklat na umaatake at kumukutya sa doktrina at kasanayan ng Simbahang Katoliko. ANG DEPENSA PARA KAY RIZAL UKOL SA PAGLABAG UMANO SA CANON LAW 1399, NA NAGBABAWAL SA MGA AKLAT NA UMAATAKE AT KUMUKUTYA SA DOKTRINA NG SIMBAHANG KATOLIKO, AY MAAARING BATAY SA KONTEKSTO NG KANYANG MGA SINULAT AT LAYUNIN. NARITO ANG ILANG PUNTO NG DEPENSA: Paghihiwalay ng Relihiyon at Pamahalaan: Ang layunin ng kanyang mga nobela ay hindi upang atakihin ang doktrina ng Simbahan, kundi upang itaguyod ang makataong katarungan at kalayaan. Itinuligsa niya ang mga tiwaling gawain ng ilang pari at opisyal ng simbahan, na sa kanyang tingin ay lumilihis mula sa tunay na mga aral ng Kristiyanismo. Pagtatanggol sa Mga Karapatan ng Mamamayan: Si Rizal ay isang tagapagtaguyod ng kalayaan at katarungan. Ang kanyang mga akda ay naglalayon na pukawin ang kamalayan ng mga Pilipino sa mga sosyal na isyu at pang-aabuso ng kapangyarihan. Ang kanyang kritisismo ay nakatuon sa mga indibidwal na nag-abuso ng kanilang posisyon, hindi laban sa Simbahang Katoliko mismo bilang relihiyon. KOMPROMISO SA PAGITAN NG SIMBAHANG KATOLIKA AT NG MGA TAGAPAGTAGUYOD NG BATAS RIZAL Dahil sa lumalalang tensyon, inamyendahan ang bill. Si Senador Jose P. Laurel, na noon ay Chairman ng Committee on Education ay nagmungkahi ng isang kapalit na batas. Ayon kay Sen. Laurel, bukod sa Noli at Fili, isasama rin sa pagtuturo ang iba pang akda ni Rizal. Ang "unexpurgated" (hindi nalinis/nirebisa) na bersyon ng Noli at Fili ay hindi na sapilitang ituturo sa elementarya at hayskul. Ang mga estudyanteng sa tingin nila ay makakaapekto sa kanilang pananampalataya ang pagbabasa ng Noli at Fili ay maaaring humingi ng 'exemption' mula sa Department of Education, Culture and Sports na huwag basahin ang dalawang nobela, ngunit hindi ito nangangahulugan na maaari silang makaligtas mula sa asignaturang Rizal. IMINUNGKAHI NI SENADOR JOSE P. LAUREL ANG ISANG PANUKALANG BATAS NA MAY ILANG PAGBABAGO UPANG MAPAGAAN ANG PAGTUTOL. SA HALIP NA ANG NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO LAMANG, ISINAMA SA BAGONG PANUKALANG BATAS ANG MAS MALAWAK NA HANAY NG MGA AKDA AT SULATIN NI JOSE RIZAL. PAGPAPATIBAY NG BATAS RIZAL Noong ika-12 ng Mayo, 1956 at ika-14 ng Mayo, 1956, parehong unanimous na inaprubahan sa pangalawang pagbasa ang Senate Bill No. 438 at House Bill No. 5561 sa Kongreso. Noong ika-12 ng Hunyo, 1956, nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang nasabing batas, at ito ay naging Republic Act No. 1425 o Rizal Law. MEMORANDUM ORDER NO. 247, S. 1994 Noong Disyembre 26, 1994, nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Memorandum 247. Iniuutos nito sa Kalihim ng Edukasyon at Tagapangulo ng CHED na ipatupad ang Republic Act No. 1425. Layunin nitong tiyakin ang buong pagsunod sa liham, layunin, at espiritu ng Batas Rizal. Nagtakda rin ng parusa sa mga pinuno ng mga paaralan na hindi sumusunod sa batas. Bilang tugon, naglabas ang CHED ng Memorandum No. 3 para ipatupad ang utos ni Pangulong Ramos. MGA KONTROBERSYAL NA PANUKALANG BATAS SA PILIPINAS NA NAKARANAS NG PAGTUTOL Anti-Terrorism Act (Republic Act No. 11479): Kinondena ng mga grupong pangkarapatang pantao, mambabatas, at mga aktibista dahil sa posibleng pang-aabuso at pagsikil sa kalayaan ng pagpapahayag. Natatakot sila na maaaring gamitin ito laban sa mga kritiko ng gobyerno. Reproductive Health Law (Republic Act No. 10354): Pagtutol: Tinuligsa ng Simbahang Katoliko at iba pang mga pro-life group dahil sa isyung moral tungkol sa paggamit ng kontraseptibo, pagpaplano ng pamilya, at sekswal na edukasyon. SOGIE Bill (Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality Bill): Pagtutol: Hinarang ng ilang grupo dahil sa alalahanin na maaaring labagin nito ang mga relihiyosong paniniwala at kalayaan. May takot din na ang ilang probisyon ay magsusulong ng mas mataas na karapatan para sa LGBTQ+ kumpara sa iba. Divorce Bill: Pagtutol: Tinuligsa ng Simbahang Katoliko at mga konserbatibong grupo dahil labag ito sa mga tradisyunal na pagpapahalaga at moralidad ng pamilya. MAKATARUNGANG DEPENSA PARA SA MGA KONTROBERSYAL NA PANUKALANG BATAS Anti-Terrorism Act Pinalalakas ang pambansang seguridad laban sa terorismo, na may mga proteksyon para sa karapatang pantao. Reproductive Health Law Nagbibigay ng access sa serbisyong pangkalusugan at pagpaplano ng pamilya, binabawasan ang kahirapan at maternal deaths. SOGIE Bill Pinoprotektahan ang mga indibidwal laban sa diskriminasyon batay sa kasarian o sekswal na oryentasyon, isinusulong ang pagkakapantay-pantay. Divorce Bill Nagbibigay ng legal na proteksyon para sa mga nasa abusadong relasyon, pinapahintulutan ang bagong simula. JOSE RIZAL BILANG PAMBANSANG BAYANI Ayon sa NCCA, walang batas, executive order, o proklamasyon na nagpapahayag ng sinumang Filipino bilang opisyal na pambansang bayani. Kahit si Jose Rizal, na itinuturing na pinakadakilang bayani, ay hindi opisyal na idineklara bilang pambansang bayani. Ang pagkilala kay Rizal ay batay sa pagmamahal at pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kanyang kontribusyon sa pagbabago ng lipunan sa Pilipinas. BAGAMAT WALANG OPISYAL NA DEKLARASYON, TATLONG UTOS ANG NAGBIBIGAY-PUGAY KAY JOSE RIZAL BILANG BAYANI - Noong Hunyo 11, 1901, ang Taft Commission ay pinarangalan si Rizal bilang "pinakadakilang bayani at martir" sa pamamagitan ng pagpapalit ng pangalan ng distrito ng Morong sa Lalawigan ng Rizal (Act No. 137). - Noong Setyembre 1901, itinayo ang bantayog ni Rizal sa Luneta (ngayon ay Rizal Park) sa pamamagitan ng Act No. 243, na nagsisilbing himlayan ng kanyang mga labi. - Noong 1902, ang Philippine Commission ay naglabas ng Act No. 345, na ginawang opisyal ang Disyembre 30 bilang Rizal Day, isang pambansang piyesta opisyal. PAMBANSANG KOMITE NG MGA BAYANI Ang dating Pangulo Fidel Ramos ay naglabas ng isang executive order upang lumikha ng National Heroes Committee, na may mandato na suriin, pag aralan at magrekomenda ng mga bayaning Pilipino bilang pagkilala sa kanilang kahusayan at makabuluhang mga tagumpay para sa bansa. Inirekomenda ng komite ang siyam na makasaysayang mga tao na maging pambansang bayani: Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo del Pilar, Sultan Dipatuan Kudarat, Juan Luna, Melchor Aquino, at Gabriela Silang. MGA OPISYAL NA PAMBANSANG SIMBOLO NG PILIPINAS Ang simbolo ay maaring tumukoy sa: Sagisag, isang bagay na nagrerepresenta, tumatayo o kaya naman ay nagpapahiwatig ng isang ideya, larawan, paniniwala, aksyon o kaya naman ng isang bagay. Ayon sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ang mga opisyal na pambansang simbolo ng Pilipinas ay nagpapakita ng mga tradisyon at mga mithiin ng bansa at naglalahad ng mga prinsipyong may kinalaman sa kalayaan ng Pilipinas at pambansang pagkakaisa. OFFICIAL NATIONAL SYMBOLS OF THE PHILIPPINES Narito ang ilang halimbawa ng Pambansang Simbolo: Pambansang Bandila: Ayon sa Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines, itinakda ang mga regulasyon para sa disenyo at pagpapakita ng pambansang watawat, pati na rin ang mga kautusan para dito. Pambansang Awit: Ang "Lupang Hinirang" ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Pambansang Moto: Ayon sa Republic Act No. 8491, ang pambansang motto ng Pilipinas ay: "Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan at Makabansa." Pambansang Isport (Arnis): Ayon sa Republic Act No. 9850, na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong ika-11 ng Disyembre, 2009, ginawang pambansang martial art at isport ang arnis sa Pilipinas. Narito ang ilan pa sa mga opisyal na pambansang simbolo ng Pilipinas: Pambansang Puno (Narra): Noong 1934, inihayag ni Amerikanong Governor General Frank Murphy ang narra bilang pambansang puno sa pamamagitan ng Proclamation No. 652. Pambansang Bulaklak (Sampaguita): Si Murphy rin ang nagdeklara ng sampaguita bilang pambansang bulaklak sa parehong proklamasyon, ang Proclamation No. 652. Pambansang Ibon (Agila ng Pilipinas): Noong una kilala bilang "monkey-eating eagle," tinawag na itong Philippine eagle sa bisa ng Proclamation No. 1732 ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong 1978. Pambansang Hiyas (South Sea Pearl): Nagdagdag si Pangulong Fidel V. Ramos sa listahan ng mga pambansang simbolo sa pamamagitan ng pagdeklara ng South Sea Pearl, o kilala rin bilang Philippine pearl, bilang pambansang bato noong 1996 sa tulong ng Proclamation No. 905. Pagsusulit #1: Ano ang mga halimbawa sa kasaysayan o sa kasalukuyang panahon ng mga pagkilos o pahayag ng mga taong may entitlement mentality na maaaring maging kabaligtaran ng mga prinsipyong itinaguyod ni Jose Rizal? Thank you MGA SANGGUNIAN: Almario,V. S. (2011). Rizal: Makata. Mandaluyong: Anvil Publishing, Inc. Coates, A. (1992). Rizal- Filipino Nationalist and Patriot. Manila: Solidaridad Publishing House. Coates, A. (1999). Rizal: First Filipino Nationalist and Martyr, Quezon City, UP Press. Constantino, R. (2001). Veneration Without Understanding. Quezon City, UP Press Inc. Dela Cruz, W. & Zulueta, M. (2002). Rizal: Buhay at Kaisipan. Manila, NBS Publications. Francia L. (2014). A HISTORY OF THE PHILIPPINES: From Indios Bravos to Filipinos. The Overlook Press, Mayers Publishers, Inc. Ocampo, A. R. & A. Gonzalez, (2002) (Eds.). Rizal the Scientist: Proceedings of a Seminar in Commemoration of the Rizal Death Centennial (1896) June 20, 1997. Manila: De La Salle University. Odullo-de Guzman, M. (1998). Noli Me Tangere and El Filibusterismo. Manila: NBS Publications. Palma, R. (2000). Rizal: The Pride of the Malay Race. Manila, Saint Anthony Company. Pasigui, Ronnie E. and Danilo H. Cabalu (2006).The man and the hero (An Anthology of Legacies and Controversies). C & E Publishing, Inc. Romero, M.C. & Sta Roman, J. (2001). Rizal & the Development of Filipino Consciousness (3rd Ed.). Manila, JMC Press Inc. Romero, Ma. C. S., J. R. Sta. Maria, & L.Y. Santos. (2006). Rizal and the Development of National Consciousness. (2nd Ed.) Quezon City: Katha Publishing. Zaide, G. F. & S. M. Zaide (1997). Jose Rizal: Life, Works, and Writings of a Genius, Writer, Scientist and National Hero.All Nations Publishing Co. Inc. Mga Online News Articles: Cupin, B. “The Compassionate Scientist in Jose Rizal.” GMA News Online, July 8, 2011, accessed April 6, 2016. http://www.gmanetwork.com/news/story/225705/lifestyle/the- compassionatescientist-in-jose-rizal. De Lumen, Ben O. “Rizal, the Scientist.” The Philippine Star, July 20, 2006, accessed April 6, 2016. http://www.philstar.com/science-andtechnology/348367/rizal-scientist. Taule, Alan C. "Rizal: A Patriot Who Peered His World and Time Through Science." October – December 2004. Accessed March 8, 2016. http://sntpost.stii.dost.gov.ph/frames/OctToDec04/pg56_DrJoseRizal.htm. https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/569896/rizal-law-60- anyare/story/ https://filipinopride.wordpress.com/tag/rizal-law/ https://drjoserizal.tumblr.com/post/1008735901/ang-batas-rizal-at-angimportansya-nito https://www.coursehero.com/file/18084656/SI-RIZAL-BILANGPAMBANSANG-BAYANI// https://verafiles.org/articles/vera-files-fact-check-mga-textbook-nahumihirang-kay-jose- https://angtagapagmulat.wordpress.com/2013/06/19/ang-batas-rizal-ra-1425/