Sintahang Romeo at Juliet Lecture 3 PDF
Document Details
Uploaded by IrreplaceableNashville
Nueva Ecija University of Science and Technology
Tags
Summary
This lecture notes looks at the play Romeo and Juliet, a Filipino translation, focusing particularly on the characters, themes, plot, and cultural context.
Full Transcript
*Ang pag-ibig na dapat sanang makapaghihilom sa lahat ng mga suliranin sa pagitan ng kanilang angkan ang nagdulot sa mga pangyayaring humantong sa kamatayan. Sundan mo kung paanong ang dalisay na pagmamahalan ay nauwi sa masaklap na trahedya. Basahin at unawain ang dula sa paglalarawan ng tradisyon...
*Ang pag-ibig na dapat sanang makapaghihilom sa lahat ng mga suliranin sa pagitan ng kanilang angkan ang nagdulot sa mga pangyayaring humantong sa kamatayan. Sundan mo kung paanong ang dalisay na pagmamahalan ay nauwi sa masaklap na trahedya. Basahin at unawain ang dula sa paglalarawan ng tradisyon at kultura ng isang bansa.* **Sintahang Romeo at Juliet** Mula sa Romeo and Juliet ni William Shakespear Isinalin sa Filipino ni Gregorio C. Borla (Muling isinalaysay ni A.A. Apilado) Sina Romeo at Juliet ay galing sa magkalabang angkan. Si Romeo ay galing sa angkan ng mga Montague samantalang si Juliet naman ay sa angkan ng mga Capulet. Subalit sa kabila ng hidwaan sa kanilang mga angkan ay nabihag ng pag-ibig ang puso ng binata at dalaga. Nagsimula ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet dahil sa isang pagtitipong inihanda ng mga Capulet. Dumalo rito si Romeo nang hindi inaasahan at sa sayawan niya nasilayan ang kagandahang taglay ni Juliet. Simula noong nakita ni Romeo si Juliet ay umibig na ang binata sa kaniya, ganoon din ang naging tugon ng dalaga. Nakita ni Tybalt si Romeo sa pagtitipon at siya ay nagalit dito. Gusto niyang patayin si Romeo subalit pinigil siya ng kanyang tiyuhin. Doon lamang napagtanto ni Romeo na si Juliet ay isang Capulet. Hindi lingid sa kaalaman nina Romeo at Juliet ang hidwaan sa kanilang mga pamilya kaya nakaramdam si Romeo ng pagdadalamhati sa kanyang nalaman. Nagpalitan ang dalawa ng kanilang pangungusap at hinalikan ni Romeo si Juliet. Sa kabila ng ganitong kalaking hadlang sa kanilang pagmamahalan ay hindi natinag ang dalawa sa hangaring sila'y magkasama. Nagplano ang dalawa na muling magkita at doon ay gagawin nila ang kanilang pag-iisang dibdib. Gagawin nila ang planong ito sa araw ng kasal ni Juliet kay Paris na ipinagkasundo lamang ng kaniyang mga magulang upang kaniyang mapangasawa. Humingi sila ng tulong ng Padre at ito naman ay malugod na tumugon. Ramdam ng Padre ang wagas na pagmamahalan nina Romeo at Juliet kaya pinayuhan niya si Juliet ng kaniyang gagawin. Plinano ng Padre na pumayag siyang pakasal kay Paris subalit sa araw ng kasal ay iinumin niya ang ibinigay na alak ni Padre. Epekto nito'y titigil sa pagtibok ang puso ni Juliet at animo'y patay at magiging ganoon ang kalagayan sa loob ng apatnapu't dalawang oras. Si Juliet ay nagbihis nang magarang kasuotan pagkatapos ay nahiga. Nakita siya ng nars sa anyong iyon at siya'y nagsisisigaw sa pag-aakalang si Juliet ay patay na. Sa kabilang banda, inutusan ni Padre si Juan na ibigay ang liham kay Romeo na naglalaman ng kanilang balak subalit sa kasamaang palad ay hindi ito nakarating kay Romeo at hindi nabatid ang balak ng Padre at ni Juliet. Ibinalita ni Baltazar kay Romeo ang kasawiang sinapit ni Juliet, sinabi niya rito na si Juliet ay patay na at nakahimlay sa tumba ni Capel. Agad niyang tinungo ang nasabing lugar at nakita niya si Juliet sa anyo ng kamatayan kaya naghanap siya ng lasong kikitil sa kaniyang buhay. Bumili siya ng lason sa isang butikaryo, kahit pa na ito ay ipinagbabawal, pinilit ni Romeo ang butikaryo na siya ay pagbilhan. Ininom ni Romeo ang lason at siya ay namatay sa tabi ni Juliet. Nang magising si Juliet ay labis ang kaniyang hinagpis na nadama nang makitang patay na ang kaniyang pinakamamahal na Romeo kaya kumuha siya ng punyal at sinaksak ang kaniyang sarili. Tunay at wagas ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet. Hahamakin ang lahat kahit hanggang sa kamatayan. Naunawaan mo ba ang iyong binasang buod? Kung oo, magpatuloy ka ngayon sa paglinang ng talasalitaan sa pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan sa isang salita gamit ang etimolohiya. \*\*\*Ang **etimolohiya** ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng salita at kung paano nag-iiba ang kanilang anyo at kahulugan sa paglipas ng panahon. Hango ang salitang etimolohiya sa salitang Griyego na etumologia na ang ibig sabihin ay may ibig sabihin o may kahulugan. Maaaring magbago ang anyo ng mga salita sa pamamagitan ng pagsasama ng mga salita -- hampaslupa, bahaghari; hiram na mga salita (salitang banyaga) -- computer sa wikang Ingles at kompyuter sa wikang Filipino, economia sa wikang Kastila at ekonomiya naman sa wikang Filipino; at morpolohikal na pinagmulan kung saan nagpapakita ito ng paglihis mula sa ugat ng salita. Tumutukoy din ito sa pag-aaral sa pagbabago ng anyo at istruktura ng mga salita gaya ng salitang karimlan na ang salitang-ugat ay dilim. Alam mo bang ang... **Dula** ay hango sa salitang Griyego na "drama" na nangangahulugang gawain o kilos? Ang **dula** ay isang akdang pampanitikang ang pinakalayunin ay itanghal. Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang bahagi ng buhay. Taglay nito ang katangiang umiiral sa buhay ng tao gaya ng pagkakaroon ng mga suliranin o mga pagsubok na kaniyang pinagtagumpayan o kinasawian. Ayon kay Aristotle, ito ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Ipinakikita nito ang realidad sa buhay ng tao gayundin ang kaniyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad. Ang **trahedya** ay isang dulang ang bida ay hahantong sa kabiguan o malungkot na wakas. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang wakas. Nagsimula ang ganitong uri ng drama mula sa sinaunang Gresya. Kabilang sa mga maagang mga bantog na tagapagsulat ng trahedya sa Gresya ay sina Aeschylus, Sophocles, at Euripides. **Trahedya** rin ang dula kapag ang tema nito'y mabigat o nakasasama ng loob, nakaiiyak, nakalulumos ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa kamalasan, mabibigat na suliranin, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan. Ito'y nagwawakas nang malungkot. Ang **Romeo at Juliet** ay isang dulang isinulat ni William Shakespeare tungkol sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya't naging magkaaway. Nakabatay ang balangkas ng dulang ito sa isang kuwento mula sa Italy na isinaling wika upang maging taludtod bilang The Tragical History of Romeus and Juliet (Ang Kalunos-lunos na Kasaysayan nina Romeus at Julieta) ni Arthur Brooke noong 1562 at muling isinalaysay na nasa anyong tuluyan o prosa sa Palace of Pleasure (Palasyo ng Kaluguran) ni William Painter noong 1567. Isang layunin ng may akda na ipakita ang kadalisayan ng tunay at wagas na pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Ipinakikita rin ng may akda ang magiging bunga kung ang isang tao o mga tao ay walang ganap na pag-intindi sa mga bagay-bagay. Ang kanilang kamatayan ang naging bunga ng hidwaang walang tigil sa pagitan ng dalawang pamilya. **Mga Elemento ng Dula** 1\. Iskrip -- ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula at nararapat na naaayon sa isang iskrip. 2\. Gumaganap o Aktor -- sila ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang nagbibigay ng dayalogo, nagpapakita ng iba't ibang damdamin at pinapanood na tauhan sa dula. 3\. Tanghalan -- anomang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan. Tanghalan din ang tawag sa kalsadang pinagtatanghalan ng isang dula o silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase. 4\. Tagadirehe o Direktor -- siya ang nagpapakahulugan sa iskrip. Siya ang nagpapasya sa hitsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan, hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumedepende sa interpretasyon ng director sa iskrip. 5\. Manonood -- hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtatanghal kung hindi ito mapapanood ng ibang tao. MGA GAWAIN : Gawain 1. Kilalanin Mo! Panuto: Kilalanin ang kultura ng lugar na pinagmulan ng dula batay sa sumusunod na pangyayari. 1\. Si Juliet ay ipinagkasundo ng kaniyang mga magulang na pakasal sa isang lalaking hindi niya mahal at hindi lubusang kilala. Ipinakikita ng pahayag na ito ang kultura ng mga taga-England na: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 2\. "Ito sa tinig ay marahil isang Montague. Bakit naparito ang aliping itong mukha'y di mapinta? Upang kutyain lamang ang ating pagsasaya? Sa ngalan ng lipi at dangal ng aking angkan, ang patayin siya'y hindi masasabing kasalanan." Anong katangian ang ipinakikita ni Tybalt sa pahayag na ito? \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 3\. Kahit batid ni Romeo na ang kaniyang pinakamamahal na si Juliet ay galing sa kanilang kalabang angkan, ipinagpatuloy pa rin nito ang wagas na pagibig sa dalaga. Ipinakikita ng pahayag na ito ang isang kaugalian ng isang mangingibig ang pagiging: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 4\. Batid ni Padre ang wagas na pagmamahalan nina Romeo at Juliet kaya naman tinulungan niya ang dalawa. Bumuo sila ng plano ni Juliet upang hindi matuloy ang pag-iisang dibdib niya kay Paris. Ipinakikita ng pahayag na ito ang: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 5\. Binigyan ng isang butikaryo si Romeo ng isang malakas na lason kapalit ng apatnapung ducado kahit na alam nitong ipinagbabawal ang pagtitinda ng lason. Ipinakikita ng pahayag na ito ang kaugaliang: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Gawain 2: TALAS-salitaan Panuto: Tukuyin ang pinagmulan ng mga salitang nakadiin. Isagawa ang hinihingi ng bawat bilang. 1\. ***Hahagkan*** ko iyong mga labi. Salitang-ugat: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Kahulugan: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 2\. Sa paglimot, di mo ako ***ma'aring*** turuan. Ano ang buong pagkakabaybay ng nakadiin na salita? \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 3\. Ang salitang ***iho*** sa pahayag na "Pagtitiyagaan siya. Bakit iho?" ay hiram natin sa ibang wika. Hiram sa wikang: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Kahulugan: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 4\. Ang ganitong ***panghihimasok***, mapait na lubos. Salitang-ugat: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Kahulugan: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 5\. Ang ***pagdadaop-palad*** ay parang halikang banal. Kahulugan ng pinagsamang salita: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_