Summary

This document provides lecture notes on translation, touching upon its definition, elements, and significance. It highlights the importance of consideration for target audience and context when translating. The document also discusses different translation types and the history of translation practices.

Full Transcript

[TRANS] ARALIN 1 KAHULUGAN, LAYUNIN, AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PAGSASALIN ● I. II. III. IV. V. OUTLINE KAHULUGAN NG PAGSASALIN A. Prayoridad o Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsasalin B. Elemento ng Pagsasalin C. Daloy ng Pagsasalin LAYUNIN O KAHALAGAHAN NG PAGSASALIN MAIKLING KASAYSAYAN MGA U...

[TRANS] ARALIN 1 KAHULUGAN, LAYUNIN, AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PAGSASALIN ● I. II. III. IV. V. OUTLINE KAHULUGAN NG PAGSASALIN A. Prayoridad o Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsasalin B. Elemento ng Pagsasalin C. Daloy ng Pagsasalin LAYUNIN O KAHALAGAHAN NG PAGSASALIN MAIKLING KASAYSAYAN MGA URI NG SALIN SINO BA ANG TAGASALIN A. Mga katangian ng mahusay na salin B. Mga katangiang dapat taglayin ng tagasalin C. Pahayag hinggil sa mga Karapatan at tungkulin ng mga tagasalin KAHULUGAN NG PAGSASALIN ● ● ● ● PRIYORIDAD O MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSASALIN ● Kahulugan (mensahe) ● Estruktura (mapanatili ang estilo) ● Estilo ● Pinaglalaanang tao ○ Kailangang alamin o mapag-aralan ang tatanggap ng salin upang maiayon ang tuntuning gramatikal at leksikal na naaayon sa kanilang panuntunan. ● ● ● ● Pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likas na katumbas ng mensahe; una sa kahulugan, at ikalawa sa estilo (Eugene A. Nida, 1964). ○ Kailangang isaalang-alang ang estilo ng pagsulat ng may-akda. Maaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas ng ideyang nasa likod ng pananalita (Theodore H. Savory, 1968). Muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng kahalintulad na mensahe sa simulaang wika, subalit gumagamit ng mga piling tuntuning gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika (Mildred L. Larson, 1984). Isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe ng ibang wika (Peter Newmark, 1988) Literal translation Mula sa salitang Latin na ”translatio” - pagsalin Hindi na kailangang tawaging “pagsasaling-wika” dahil redundant na Mula sa saliksik ni Almario sa Vocabulario de lengua Tagala (1754), ang “salin” ay “transladar” (paglalapat ng salita para sa salitang nasa ibang wika) Isang matandang kawikaang Italiano ang “traduttore, traditore” – “tagasalin, taksil”; “translator, traitor”; “translating is betrayal” ● ● ELEMENTO NG PAGSASALIN Source Language o Simulaang lengguwahe (SL) Target Language o Tunguhang lengguwahe (TL) DALOY NG PAGSASALIN SL → TL LAYUNIN O KAHALAGAHAN NG PAGSASALIN 1. Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa ibang wika. 2. Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa. DELA CRUZ | ILAGAN | SIMAN | VALEZA 1 3. Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura sa daigdig mula sa pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga salin. ○ ● BAKIT DAPAT MAGSALIN? ● Selection ● Codification ● Implementation ● Elaboration ● ● FORM (policy planning) SELECTION SOCIETY (decision procedures) (status a. problem planning) identification b. allocation of norms CODIFICATION (standardisation LANGUAGE procedures) (corpus a. graphisation planning) b. grammatication c. lexication ● ● MAIKLING KASAYSAYAN Sinasabing kasintanda na ng panitikang nakasulat ang pagsasalin. Ilan sa mga bahagi ng epiko ni Gilgamesh ng Sumeria ay kinatagpuan ng salin sa iba’t ibang wikang Asiatiko. Epiler Gilganesh pinagsalin vikang Asiatiko Isa sa mga unang tekstong naisalin ay ang BIBLIYA. Iginiit ni San Agustin na sadyang wasto ang SEPTUAGINT, ang bersiyong Griyego ng Ebanghelyo ng mga Ebreo dahil ayon sa alamat, 70 Griyegong Hudyo ang nagsalin nito ngunit nagkaisa sila sa salin bagama’t magkakahiwalay silang nagsalin. Sa kaniyang Letter to Pammachius (395 AD), pinaboran ni San Geronimo ang salita-sa-salitang salin ng Bibliya dahil ang mismong paghahanay ng salita ay isang misteryo. Si San Geronimo ang patron ng pagsasalin. Pinagtalunan din kung ang pagsasalin ay isang sining o agham. ○ Ang pagsasalin daw ay agham dahil sa pinagdaraanan nitong proseso. ni ● ● ● ● ● FUNCTION (language cultivation) IMPLEMENTATION (educational spread) a. correction procedures b. evaluation ELABORATION (functional development) a. terminological modernisation b. Stylistic development c. internationalisation sa ● ● ● Ang pagsasalin naman daw ay sining dahil sa ginagawa ditong muling paglikha. Kasintanda din ng nakalimbag na panitikan ang pagsasalin sa Pilipinas. Ang unang aklat na nailimbag, ang Doctrina Cristiana (1593), ay salin ng mga pangunahing dasal at tuntunin ng Simbahang Katolika. Nasundan pa ito ng pagsasalin ng mga tekstong moral o relihiyoso noong Panahon ng mga Espanol mula wikang Espanol tungong mga katutubong wika (hal., Tagalog, Cebuano, Kapampangan, etc.) sa layuning indoktrinahan ang mga Pilipino. Ang Barlaan at Josaphat ay ang unang nobelang Tagalog na salin ni Fray Antonio de Borja. Dahil sa mabilis na takbo ng pandaigdigang ekonomiya, asahan ang mas marami pang lokalisasyon ng mga produkto at serbisyo upang lalong umayon sa kalikasan nga mga target nitong mamamayan. Isa ito sa magtutulak sa lalo pang pagsasalin. Ang pagsasalin ay isang gawaing walang-kupas at lalong nagiging mahalaga sa daigdig. MGA URI NG SALIN 1. Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal ● Lahat ng pagsasalin tungkol sa purong agham, at aplayd na agham at teknolohiya. ● Mas abstrakto at mas mahirap isalin ang mga tekstong siyentipiko (purong agham) ngunit may estandardisado na itong mga termino na makakatulong sa pagsasalin. ● Ang mga tekstong teknikal (aplayd na agham at teknolohiya) ay mas kongkreto, mas kolokyal at mas madaling unawain. ● Layunin ng pagsasaling teknikal na mailahad ang mahahalagang impormasyon sa paraang madali, maayos at epektibo. ● Hindi mahalaga ang estilo, basta ang nilalamang impormasyon ay maisalin nang hindi nababago mula SL → TL. 2. Pagsasaling Pampanitikan ● Sinasalamin ang imahinatibo, intelektuwal at intuwitibong panulat ng may-akda DELA CRUZ | ILAGAN | SIMAN | VALEZA 2 ● Natatangi ang tekstong pampanitikan dahil sa estetika o ganda nito ● Ginagamitan ng estilo ● Gumagamit ng piling-piling mga salita na may apela sa damdamin ● Katangian ng tekstong pampanitikan (Belhaag, 1997): ○ Nagpapahayag ng damdamin (ekspresibo) ○ Bukas sa iba’t ibang interpretasyon (konotatibo, denotatibo) ○ Nakatuon sa anyo at nilalaman ○ Hindi kumukupas at para sa kahit sinong mambabasa ○ May tendensiyang tumaliwas sa mga tuntuning pangwika. ● ● ● ● SINO BA ANG TAGASALIN? Isang manunulat na lumilikha ng kaniyang idea para sa mambabasa. Ang tanging kaibahan lamang niya sa orihinal na may akda ay ang ideang kaniyang ipinahahayag ay mula sa huli (Enani, 1997). Ang pagsasalin ay lampas sa lingguwistikong gawain. Ang tagasalin ay isang tunay na mananaliksik, manunuri, at malikhaing manunulat (Coroza, 2012). Sa pagsasalin ng mga rehiyonal na wika tungong Filipino, may tatlong pangunahing tungkulin ang tagasalin (Lucero,1996): 1. Tagasalin 2. Tagabuo ng kasaysayang pampanitikan 3. Tagapag-ambag sa pagbubuo ng kanon ng panitikang Filipino MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA SALIN Ayon sa Summer of Institute of Linguistics, may tatlong katangiang dapat taglayin ang isang mahusay na salin: ○ C (clear) – malinaw ○ A (accurate) – wasto ○ N (natural) – natural ang daloy MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG TAGASALIN 1. Kasanayan sa Pagbasa at Panunuri ● Paulit-ulit na pagbasa sa akda hanggang lubos na maunawaan ang nilalaman nito ● Pagpapasya kung paano tutumbasan ang bawat salita lalo na iyong mga salitang siyentipiko, teknikal, kultura at may higit sa isang kahulugan ● Pag-unawa sa antas ng wikang ginamit, estilo ng may-akda, kulturang nakapaloob sa teksto, at iba pang katangian lampas sa estruktura 2. Kasanayan sa Pananaliksik Kasama rito ang: ● Paghahanap sa kahulugan ng di-pamilyar na mga salita sa mga sanggunian (diksiyonaryo, ensiklopidya, at iba pa) ● Pananaliksik tungkol sa bakgrawnd ng may akda, kulturang nakapaloob sa akda, atbp. ● Pagkilala sa target na mga mambabasa 3. Kasanayan sa Pagsulat ● Ito ang masalimuot ng proseso ng paglikha ng salin at patuloy na rebisyon nito upang ganap na maging natural sa TL at sa mambabasa. ○ Pagsunod sa mga tuntuning panggramatika (hal. Ortograpiyang Pambansa) ○ Kaalaman sa dalawang wikang sangkot sa pagsasalin at sa estruktura ng mga ito ○ Pag-aayon ng kaayusan ng salita at pangungusap sa estruktura ng TL PAHAYAG HINGGIL SA MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA TAGASALIN Artikulo 1. ● Ang tagasalin ang pangunahing tagapag-ugnay ng orihinal na akda at ng mga mambabasa nito sa ibang wika. Artikulo 2. ● Ang pagkilala sa pagsasalin bilang isang gawaing pampanitikan ay kailangang maging saligan sa anumang kasunduan ng tagasalin at tagapaglathala. Artikulo 3. ● Dapat ituring na awtor ang isang tagasalin, at dapat tumanggap ng karampatang mga karapatang pangkontrata, kasama na ang karapatang ari, bilang isang awtor. DELA CRUZ | ILAGAN | SIMAN | VALEZA 3 Artikulo 4. ● Kailangang nakalimbag sa angkop na laki ang mga pangalan ng tagasalin sa mga dyaket, pabalat, at pahinang pampamagat ng mga aklat, gayundin sa materyales pampublisidad at mga listahang pang-aklatan. Artikulo 5. ● Kailangang igalang ang patuloy na Karapatan sa royalty ng tagasalin at ibigay ang kaukulang bayad, may kontrata man o wala. Artikulo 6. ● Ang salin ng mga trabahong may karapatang-ari ay hindi dapat ilathala nang walang pahintulot mula sa mga orihinal na awtor o mga kinatawan nila, maliban kung hindi sila mahingan ng pahintulot dahil sa mga pangyayaring labas sa kapangyarihan ng mga tagapaglathala. Artikulo 7. ● Kailangang igalang ng mga tagasalin ang orihinal at iwasan ang mga pagputol o pagbabago maliban kung ang mga naturang pagpapalit ay may pahintulot ng mga sumulat o ng kanilang awtorisadong mga kinatawan. Dapat igalang ng tagasalin ang mga teksto. Maliban sa maipaliliwanag ng mga pagkakataon, kailangang may pahintulot o pagsang-ayon ng tagasalin ang anumang pagbabagong editoryal. DELA CRUZ | ILAGAN | SIMAN | VALEZA 4

Use Quizgecko on...
Browser
Browser