Summary

Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng mga konsepto tungkol sa wika. Tinatalakay ang kahalagahan ng wika bilang isang instrumento ng komunikasyon at ang mga impluwensya sa pag-unlad nito. Ang dokument ay naglalayon din na ipakita ang pag-unlad ng wikang pambansa ng Pilipinas.

Full Transcript

MGA KONSEPTONG PANGWIKA “Ang wika’y mahalagang instrumento ng komunikasyon. Makatutulong ito sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.” Ang Wika ay mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan A...

MGA KONSEPTONG PANGWIKA “Ang wika’y mahalagang instrumento ng komunikasyon. Makatutulong ito sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.” Ang Wika ay mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”. Ito ang pinagmulan ng salitang Prances na langue na nangangahulugan ding dila at wika. Ang wika ay may tradisyonal at popular na pagpapakahulugang, sistema ng arbitraryong vocal- symbol o mga sinasalitang tunog na ginagamit ng mga miyembro ng isang pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag- ugnayan sa isa’t isa. ang wika ay arbitraryo nangangahulugan na ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para sa mga gumagamit. Isinaayos ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit. Ayon kay Paz, Hernandez, at Peneyra (2003:1), ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo (instrumento) ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit. Henry Allan Gleason Jr. , (isang lingguwista at propesor emeritus sa University of Toronto) Ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na napili at isinasaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Ang Wikang Pambansa ay iisang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga Pilipino, wikang magbubuklod sa mga mamamayan ng bansang Mula sa Cambridge Dictionary, ang wika ay isang Sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain. Ayon naman kay Charles Darwin, ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake,o ng pagsusulat. Hindi na daw ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag- aralan bago matutunan. Ang Wikang Pambansa ay iisang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga Pilipino, wikang magbubuklod sa mga mamamayan ng bansang Pilipinas. ( Kung babalikan ang ating kasaysayan, makikitang hindi naging madali ang pagpili sa wikang pagbabatayan ng wikang Pambansa. Mahaba at masalimuot ang prosesong pinagdaanan nito. Narito ang ilang pangyayari) 1934 dapat pumili ng iisang wika. Marami sa mga delegado ang nagsabi na dapat ISA sa umiiral na wika ang dapat na maging wikang pambansa. Iminungkahi ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa ISA sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na noo'y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas 1935 Ang Pagsusug na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 Isinulat din ni Norberto Romualdes ng Leyte, ang Batas Komonwelt blg. 184 na nagtatatag sa Surian ng Wikang Pambansa. 1937 Disyembre 30, Iprinoklama ni Pangulong Quezon ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng wikang pambansa sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa ng Kautusang Tagapagpaganap blg. 134, at ang bisa nito ay aabot ng 2 taon. 1940 Matapos ang 2 taon sinimulang ituro ang wikang pambansa batay sa TAGALOG sa mga paaralang pampubliko at pribado. 1946 1 11 Ang wikang opisyal ng bansa ay TAGALOG at INGLES sa bisa ng Batas Komonwelt bilang 570 1959 Agosto 13, pinalitan ang wikang pambansa mula Tagalog naging PILIPINO sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran bilang 7 ni Jose E. Romero (Kalihim/sekretarya). 1972 Nagkaroon ng pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal, ang mga probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, seksyon 3 blg. 2 Unang nagamit ang FILIPINO bilang bagong katawagan sa Wikang Pambansa. 1987 Pinagtibay ang implementasyon sa paggamit ng wikang pambansa mula sa binuo ni dating Pangulong Corazon Aquino, ang Artikulo XIV, seksyon 6. Atas Tagapagpaganap bilang 335, serye ng 1988 ARTIKULO 14, SEKSYON 6 “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nalilinang ,ito ay dapat payabungin salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” SALIGANG BATAS NG 1973, ARTIKULO XV SEKSYON 3 BILANG 2 ang batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na mapagtitibay sa isang panlahat na Wikang Pambansa na kikilalaning FILIPINO. WIKANG OPISYAL Ang Wikang Opisyal ayon kay Virgilio Almario (2014:12), ito ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ang Wikang Opisyal ay wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensya ng gobyerno. Ang Wikang Panturo ayon pa rin kay Virgilio Almario (2014:12), ito ang opisyal na wikang gagamitin sa pormal na edukasyon. Ang Wikang Panturo ay wikang gagamitin sa pagtuturo at pag- aaral sa mga eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan. MOTHER TONGUE , ito ay ang unang wika ng bata. MTB-MLE (Mother Tongue-Based Multilingual Education), ang opisyal na wikang panturo mula kindergarten hanggang grade 3 pribado man o pampublikong paaralan. Sa Unang taon ng K to 12 tinadhana ng Dep-Ed ang 12 lokal o panrehiyong wika at diyalekto para sa MTB-MLE. Noong 2013, nadagdagan ito ng 7 kaya’t mayroon ng 19 at ito ay ang mga sumusunod:  tagalog Chavacano  Kapampangan Ybanag  Pangasinense Ivatan  Iloko Sambal  Bikol Kinaray-a  Cebuano Surigaonon  Hiligaynon Maguindanaoan  Aklanon  Yakan  Waray · Para sa paglalahat, hahayaan ng gurong ibuod ng mga mag-aaral ang paksang tinalakay sa pamamagitan ng tanong- sagot na teknik. WIKA

Use Quizgecko on...
Browser
Browser