Pag-aaral ng Wika PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang artikulong ito ay naglalahad ng kahulugan at mga katangian ng wika, kasama ang mga konsepto ng ponolohiya, morpolohiya, at sintaksis. Binibigyang-diin din nito ang interaksyonal, instrumental, regulatori, personal, imahinatibo, at hyuristikong tungkulin ng wika.
Full Transcript
**Kahulugan ng Wika** - Ayon kay **Webster (1974)**, *ang wika ay sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat at pasalitang simbulo.* - Ayon kay **Archibald A. Hill** sa kanyang papel na *What is Language?* *ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt...
**Kahulugan ng Wika** - Ayon kay **Webster (1974)**, *ang wika ay sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat at pasalitang simbulo.* - Ayon kay **Archibald A. Hill** sa kanyang papel na *What is Language?* *ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao.* - Ayon kay **Henry Gleason**, *ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.* **Katangian ng Wika** - **Ang wika ay msistemang balangkas.** Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog. *Ponema* ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika samantalang *Ponolohiya* naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga ito. Kapag ang mga ponemang ito ay pinagsama, maaaring makabuo ng maliit nay unit ng salita na tinatawag na *morpema.* Ang morpemang mabubuo ay maaaring isang *salitang-ugat, panlapi o morpemang ponema. Morpolohiya* naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral na morpema. Samantala, kapag ang mga salita ay ating pinag-ugnay, maaari naman tayong makabuo ng mga *pangungusap*. *Sintaksis* naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap. Kapag nagkaroon nan g makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao ay magkakaroon nan g tinatawag na *diskurso.* - **Ang wika ay sinasalitang tunog.** Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang tunog na sinasalita ang pinakamakahulugang tunog na nililikha natin. Samakatwid, ito ang mga tunog na nalilikha ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga o ang pinaggagalingang *lakas o enerhiya*, nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog o *artikulador* at minomodify ng *resonador*. - **Ang wika ay pinipili at isinasaayos**. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitinupang tayo'y maunawaan ng ating kausap. Hindi maaaring ipagpilitan nating gamitin ang wikang hindi nauunawaan n gating kausap. Kailangan nating pumili ng komong wika kung saan tayo magkakaunawaan. Samantala, upang maging epektibo ang komunikasyon, kailangan nating isaayos ang paggamit ng wika at isaalang-alang ang ilang konsiderasyon. - **Ang wika ay arbitraryo**. Kung ipinapalagay na ang wika ay arbitraryo, ibig sabihin ito ay napagkasunduan. Bago pa man dumating sa punto na ang wikang pambansa ay maging Filipino, sumailalim pa ito sa iba't ibang proseso. Unang nagging Tagalog, sumunod ang Pilipino hanggang sa napagkasunduang ito ay maging Filipino. Napagkasunduan na maging Filipino ang pambansang wika nang sa gayon ay magkaroon ng komong wika ang bansa. - **Ang wika ay ginagamit**. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangan patuloy itng ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi na ginagamit ay nawawalan ng saysay at unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay. - **Ang wika ay nakabatay sa kutura**. Nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat. Ang isang wika ay nalilikha depende sa kung anong kultura mayroon ang isang bansa o pangkat. Halimbawa nito ay ang kulturang agrikultural ng ating bansa, ang mga salitang palay, bigas at kanin ay *rice* lamang ang katumbas nito sa Ingles. Limitado lamang ang kanilang bokabularyo rito dahil hindi naman nila ito kultura. - **Ang wika ay nagbabago**. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaari sila ay makalikha ng mga bagong salita. Halimbawa nito ay ang mga salitang balbal at pangkabataan. - **Ang wika ay makapangyarihan**. Mapatutunayan natin ang wika ay totoong makapangyarihan dahil sa pagkontrol nito sa ating isip. - **Ang wika ay may pulitika**. Kapangyarihan ang nag-uugnay sa wika at pulitika. Kung sa politika'y kapagyarihan ang bunga ng mabisang paggamit ng wika, sa wika nama'y kapangyarihan ang dahilan ng impluwensya ng wika sa ibang tao. - **Intrumento ng Komunikasyon**. Ang wika, pasalita man o pasulat, ay pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. - **Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman**. Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang saling-lahi at napakikinabangan ng ibang lahi dahil sa wika. Dahil may wika, hindi kasamang naililibing ang mga mahahalagang kaalaman sa pagyao ng lumikha o tumuklas ng mga kaalamang iyon. - **Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip.** Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o nobela o di kaya'y kapag tayo'y nanonood ng pelikula, parang nagiging totoo sa ating harapan ang mga tagpo niyon. Pinagagana nito ang ating imahinasyon at kung gayo'y nalilinang an gating malikhaing pag-iisip. Dahil dito, kayraming nabubuo, nalilikha o naiimbentong pinakikinabangan ng sangkatauhan. - **Interaksyunal** ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyng sosyal sa kapwa tao. Pinakamahusay na halimbawa nito ang mga pangungumusta, pakikipagkaibigan at pagbibiruan. - **Instrumental** ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos. - **Regulatori** ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin. Halimbawa nito ay ang pagbibigay ng direksyon, paalala o babala. - **Personal** naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion. - **Imahinatibo** naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag at simbolismo. - **Hyuristik** ang tungkulin na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon. Kabaligtaran nito ang tungkuling Impormatibong ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Samakatuwid, ang pagtatanong ay hyuristik at ang pagsagot sa tanong ay impormatibo. - **Pormal.** Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. - **Pambansa.** Ito ang mga salitang karaiwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang kadalasang wikang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan. - **Pampanitikan/Panretorika**. Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang akdang pampanitikan. Karaniwang matatayog, malalalim makulay at masining. - **Impormal.** Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas gamitin sa pakikipagusap sa mga kakilala at kaibigan. - **Lalawiganin.** Ito ang mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ang mga ito sa mga particular na pook o lalawigan lamang. - **Kolokyal.** Ito'y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon ay mauuri rin sa antas na ito. Halimbawa: nasa'n, pa'no, sa'kin, sa'yo, kelan at meron. - **Balbal.** Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. - **Bulgar.** Pinakamababang antas ng wika. Halimbawa nito ay ang mga mura at mga salitang may kabastusan. **Barayti ng Wika** - **Diyalekto.** Ito ang barayti ng wika na nalilikha sa dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa iba pang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang particular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. - **Sosyolek.** Tawag sa barayti ng wika na nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. - **Jargon.** Tanging bokabularyo sa isang partikular na pangkat ng gawain. Kung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa karaniwan o sa ibang larangan. - **Idyolek.** Pagkakakilanlan ng isang tao sa paraan ng paggamit ng wika. - **Pidgin**. Tinatawag ito sa Ingles na *nobody's native language*. Nagkakaroon nito kapag ang wikang ginagamit ng tagapagsalita ay hindi kanya ngunit pinipilit itong gamitin sa paraang alam niya. Halimbawa nito ang mga dayuhan sa ating bansa. Ang salitang gamit nila ay Tagalog ngunit ang estruktura ng kanilang pangungusap ay hango sa kanilang unang wika. Ganito ang madalas na maririnig sa kanila: *Suki, ikaw bili tinda mura.* - **Creole.** Isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika. Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin ditto bilang kanilang unang wika. Halimbawa nito ang wikang Chavacano sa Zamboanga. **Kasaysayan ng Wikang Pambansa** - **Panahon ng katutubo** -- pagsusulat sa dahoon at balat ng puno -- Baybayin ang lumang paraan ng pagsulat. - **Panahon ng Espanyol-** Sa loob ng mahabang **pananakop ng mga Espanyol,** Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo. - **Panahon ng Amerikano-** Nang dumating ang mga **Amerikano**, sa simula ay dalawa ang wikang umiral sa bansa, Ingles at Espanyol ngunit nang lumaon ay nagging Ingles na lamang dahil dumami ang natutong magbasa at magsulat nito dahil ito ang tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. - Panahon ng gintong nobelang tagalog - **Panahon ng Hapon** **--** Gintong panahon ng maikling katha at dulang tagalog "25 Pinakamabubuting kathang Pilipino 1943" / Haiku ay isang tula na binubuo ng 17 pantig na nahahati sa tatlong taludtod (5-7-5) / Tanka- maikling tula na may 31 pantig nahahati sa limang taludtod (5-7-5-7-7) - Noong 1935, halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na. - Noong March 24, 1934, pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings --McDuffie na nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt. - Noong Pebrero 8, 1935, pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935. Ang probisyong panwika ay nasa Seksyon 3, Artikulo XIII: ***"Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang pangkalahatang pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting mga wikang opisyal."*** - Ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa ay si Wenceslao Q. Vinzons, kinatawan mula sa Camarines Norte. Ayon sa orihinal na resolusyon**, *"Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika."*** - Ngunit nang dumaan ang dokumento sa Style Committee, nagkaroon ng pagbabago ang resolusyon. Ang Style Committee ang nagbibigay ng huling pasiya sa borador ng Konstitusyon. Binago ng nasabing komite ang resolusyon at nagging probisyon ito sa Seksyon 3, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1935. ***"Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika*."** - Sa panahon ni Pangulong Manuel L. Quezon, noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Konreso ang Batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag sa unang Surian ng WIkang Pambansa. Alinsunod sa naturang batas, ang mga kapangyarihan at tungkulin ng Surian ay *(1) gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas, (2) magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika at (3) bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikang tinatanggap.* - Noong Nobyembre 7, 1937, inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang gawing batayan ng pambansang wika. - Noong Disyembre 30, 1937, lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas. - Noong dumating ang mga Hapon sa Pilipinas noong 1942, nabuo ang grupo ng mga "purista". Sila ang nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi batayan lamang. Inutos ng Pangasiwaang Hapon na gawing Tagalog ang Pambansang Wika sa layuning burahin sa isipan ng mga Pilipino ang kasisipang pang-Amerikano. - Sa Artikulo IX, Seksyion 2 ng Konstitusyon ng 1943, nakasaad na, ***"ang Pamahalaan ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang pambansang wika."*** - Noong Hunyo 4, 1946, nang matapos na ang digmaan, ganap nang ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatakda, bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas. - Ngunit noong 1959, inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Pagtuturo ang Kautusang Pangkagawaran Blg.7 na nagtatakdang ***"kailanma't tutukuyin ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino."*** - Ngunit lumalabas na ang Pilipino ay Tagalog din sa estruktura at nilalaman. Samakatuwid, ang Pilipino ay isang *mono-based national language*. - Noong **Pebrero 2, 1987**, pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 6, ***"Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, Samantalang nililinang, ito ay dapat pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.*** - ***Proklamasyon blg. 186** na ang Linggo ng Wika ay ipagdiriwang **mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto taon-taon*** - ***Proklamasyon blg. 12** inilabas ni Pang. Ramon Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linngo ng Wika mula **Marso 29-Abril 4.*** - ***Proklamasyon blg. 1041** ni Pang. Fidel Ramos, ang "Linggo ng Wika" ay naging isang "**Buwan ng Wika"***