Pananaw ng mga Lingguwista sa Wika PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga pananaw ng mga linggwista sa wika, kabilang ang kahulugan, kalikasan, at paggamit ng wika. Tinatalakay din ang iba't ibang barayti, modelo, at antas ng pormalidad sa komunikasyon.
Full Transcript
Pananaw ng mga Lingguwista sa Wika Henry Gleason: Wika ay masisternang balangkas ng arbitraryong tunog para sa pakikipagtalastasan sa isang kultura. Finocchiaro: Wika ay sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita para sa komunikasyon. Sturtevant: Wika ay set ng mga simbolong arbitraryo...
Pananaw ng mga Lingguwista sa Wika Henry Gleason: Wika ay masisternang balangkas ng arbitraryong tunog para sa pakikipagtalastasan sa isang kultura. Finocchiaro: Wika ay sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita para sa komunikasyon. Sturtevant: Wika ay set ng mga simbolong arbitraryo ng tunog para sa komunikasyong pantao. Hill: Wika ay simbolikong anyo na binubuo ng tunog mula sa aparato sa pagsasalita. Brown: Wika ay sistematiko at set ng simbolikong arbitraryo sa isang kultura. Bouman: Wika ay paraan ng komunikasyon gamit ang berbal at biswal na signal. Webster: Wika ay kalipunan ng salitang ginagamit at naiintindihan ng isang komunidad. Pangkalahatang Kahulugan ng Wika Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng tunog at simbolo, na nagpapadali ng pag- unawa at ugnayan ng tao. Kahalagahan ng Wika Instrumento sa Komunikasyon: Nagpapanatili at nagpapalaganap ng kultura.- Malaya at Soberanya: Tagapag-ingat ng karunungan at kaalaman. Lingua Franca: Tulay para sa pag-uusap ng iba't ibang grupo. Mga Kalikasan ng Wika Masistemang Balangkas: Binubuo ng makabuluhang tunog na bumubuo ng mga salita, parirala, at pangungusap. Arbitraryo: Napili at ginagamit ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Buhay at Dinamiko: Nagbabago at tumatanggap ng mga bagong elemento. Konseptong Pangwika Bilingguwalismo: Kakayahang makapagsalita ng dalawang wika nang pantay na kahusayan. Unang Wika: "Inang wika" na natutunan ng bata mula sa ina. Pangalawang Wika: Ibang wikang natutunan pagkaraang matutunan ang unang wika. Multilinggwalismo: Kakayahang makapagsalita ng dalawa o higit pang wika. Wikang Panturo at Pambansa Wikang Panturo: Filipino ang gagamitin ayon sa 1987 Konstitusyon. Wikang Pambansa: Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas, dapat itong payabungin at pagyamanin. Opisyal na Wika Dalawang opisyal na wika ng Pilipinas: Filipino at Ingles. Ang Filipino ay ginagamit sa dokumento at talakayan sa loob ng bansa, habang Ingles naman sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Homogeneous na Wika Ang homogeneous na wika ay nagmula sa salitang Griyego na "homo" (pareho) at "genos" (uri). Ito ay may pagkakatulad ng mga salita, kahit nag-iiba ang kahulugan batay sa pagbigkas at intonasyon. Katangian: Nagtataglay ito ng pagkakatulad at may mga homogeneous sa kalikasan. Arbitraryo: Ang wika ay pinagkasunduan ng mga gumagamit, at ang kahulugan ng salita ay hindi nakabatay sa itsura o tunog nito. Dinamiko: Tumatanggap ito ng mga salitang hiniram mula sa ibang wika at nagbibigay ng sariling kahulugan. Heterogeneous na Wika Ang heterogeneous na wika ay may iba't ibang gamit, layunin, at gumagamit dahil sa heograpikal na lokasyon, pandarayuhan, at iba pang salik. Katangian: May pagkakaiba-iba batay sa edad, kasarian, tirahan, at gawain. Binubuo ito ng mga pangkat upang tumugon sa partikular na pangangailangan. Uri ng Barayti: Barayting Permanente: Dayalekto: Batay sa lugar at katayuan sa buhay. Idyolek: Kaugnay ng personal na kakanyahan ng indibidwal. Barayting Pansamantala: Register. Batay sa sitwasyon at disiplina. Estilo: Batay sa bilang at katangian ng kinakausap. Midyum: Batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon (pasalita o pasulat). Kahulugan ng Komunikasyon Ayon kay Josepina Mangahis, ang komunikasyon ay proseso ng pagpapahayag ng mensahe upang maunawaan ng isa o higit pang kalahok gamit ang makrong kasanayan tulad ng pakikinig, pagbasa, pagsasalita, at panonood. Ayon din kay E. L. Pena, ito ay pundasyon ng personal na relasyon at isang paraan ng paglikha at pagbabahagi ng impormasyon. Mga Simulain ng Komunikasyon Nagsisimula ito sa sarili. Nangangailangan ng ibang tao. Binubuo ng dimensyong pangnilalaman at relasyonal. Komplikado at gumagamit ng simbolo. Kailangan ng kahulugan at ito ay isang proseso. Mga Modelo ng Komunikasyon 1. Aksyon: Sender naghahatid ng mensahe sa receiver. 2. Interaksyon: Pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng dalawa. 3. Transaksyon: Pagbabayin ng kahulugan at unawaan. Antas ng Pormalidad sa Komunikasyon 1. Oratorical: Para sa malaking manonood. 2. Deliberative: Ginagamit sa klasrum o forum. 3. Consultative: Pormal na pakikipagtalastasan sa opisina. 4. Casual: Karaniwang usapan sa pamilya o kaibigan. 5. Intimate: Sa malalapit na tao. Uri ng Komunikasyon Ayon sa Konteksto Intrapersonal: Mensahe sa sariling isip. Interpersonal: Kahulugan sa pagitan ng dalawang tao. Pampubliko: Mensahe mula sa isang pinagmulan tungo sa maraming tagatanggap. Pangmasa: Mensahe sa malaking bilang ng tagatanggap, tulad ng telebisyon. Computer Mediated: Komunikasyong ibinabahagi sa pamamagitan ng networks. Barayti ng Wika Idyolek - Personal na istilo ng pananalita ng isang indibidwal, na nagsisilbing simbolo ng kanilang pagkatao. Dayalek - Barayti ng wika batay sa heograpiya, salitang ginagamit ayon sa partikular na rehiyon. Sosyolek - Wika ng isang partikular na grupo, nakabatay sa katayuang sosyo- ekonomiko at kasarian. Ekolek - Wika na ginagamit sa loob ng tahanan, karaniwang sinasalita ng mga bata at matatanda. Pidgin - Wika na walang pormal na estruktura, ginagamit ng dalawang tao na may magkaibang wika. Etnolek- Barayti ng wika mula sa mga etnikong grupo, nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat. Register - Espesyal na wika ng isang partikular na domain. Creole - Wika na nabuo mula sa pinaghalong salita ng magkaibang grupo. Gamit ng Wika sa Lipunan 1. Interaksyunal - Nag-uugnay sa kapwa tao. 2. Instrumental - Tumutulong sa pagtugon sa pangangailangan. 3. Regulatori - Nagbibigay ng kontrol o gabay. 4. Personal - Nagpapahayag ng damdamin o opinyon. 5. Heuristiko - Naghahanap ng impormasyon. 6. Imformatibo - Nagbibigay ng kaalaman. 7. Imahinasyon - Pagsasagawa ng malikhaing pagpapahayag.