Lección 35 (griego): Panahon ng mga Griego PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumento ay isang pag-aaral tungkol sa Panahon ng mga Griego. Tinatalakay nito ang pag-usbong at mga kaganapang naganap sa kulturang Griego, ang kanilang mga ambag sa kasaysayan, at ang mga impluwensya nila sa iba't ibang lugar. Nakatuon din sa kanilang pamana at mga impluwensyang kultural.
Full Transcript
# Panahon ng mga Griego ## Panimula - ANG PANAHON NG PANGINGIBABAW NG GRECIA. Ang panahong ito ay nasa pagitan ng ganap na tagumpay ni Alejandrong Dakila noong 331 B.C. at ang pagsakop ng Roma sa mga Ptolomeo noong 30 B.C. - Bagaman kung ang pag-uusapan ay ang panig ng Judea, ito'y natapos nang ib...
# Panahon ng mga Griego ## Panimula - ANG PANAHON NG PANGINGIBABAW NG GRECIA. Ang panahong ito ay nasa pagitan ng ganap na tagumpay ni Alejandrong Dakila noong 331 B.C. at ang pagsakop ng Roma sa mga Ptolomeo noong 30 B.C. - Bagaman kung ang pag-uusapan ay ang panig ng Judea, ito'y natapos nang ibagsak ni Judas Macabeo si Antiochus IV Epiphanes humigit-kumulang noong 165 B.C. ## ANG PAGBABAGONG- KALAGAYAN NG KULTURA. - Nang mangibabaw ang kapangyarihan ng Grecia ay nagkaroon ng pagbabagong-kalagayang pangkultura at mabilis na pumalit ang kabihasnang Griego sa kabihasnang oriente. ## ANG PAGKAHANDA KAY CRISTO. - Ang pagbabagong-tatag na ito ng kultura ay maituturing na isa sa mga hakbang sa paghahanda ng mundo para sa pagdating ni Cristo. - Ang wikang Griego ay mabilis na naging wika ng pangangalakal at pagsulat at sa gayon ay nahanda ang daan sa malawakang pagpapalaganap ng katotohanan ng ebanghelyo na nasulat sa wikang Griego. ## ANG KALAGAYAN NG MGA JUDIO. - Pagkamatay ni Alejandrong Dakila, ang Judea ay pinaglabanan ng mga hari ng Siria at ng Egipto, at sa lupaing ito'y naganap ang maraming malalaking sagupaan ng mga nagpapang-agaw na mga kapangyarihang ito. - Gayunınan mataas ang uri ng pagkilala ng dalawang kapangyarihang ito sa mga Judio; si Seleucus Nicator (unang haring Siria) at si Ptolemy Soter (unang haring Egipto) ay kapuwa nag-anyaya sa mga Judio na manahan sa kanilang nasasakupan at doo'y pinakitunguhan sila nang buong kabaitan at pinagkalooban ng mga karapatan sa pagkamamamayan. - Ang mga Judio na nagsamantala sa alok na ito ay nanirahan sa Siria at sa Egipto ay nakilala sa tawag na "Helenista" (na nangangahulugang sila'y napasailalim ng impluwensiya at wika ng mga Helenista). - Sa unang 80 taon ng panahon ng pangingibabaw ng Grecia, ang Judea ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga Ptolemeo ng Egipto, ngunit pagkatapos, sa pamamagitan ng pananakop na ginawa ni Antiochus na Dakila, ay napasailalim ito ng setro ng Seleucilae ng Siria. - Ang mga Judio na namalagi sa kanilang sariling bayan, bagaman naturingang sakop ng Egipto o ng Siria, ay pinamahalaan ng kanilang sariling mga batas sa pamamagitan ng kanilang dakilang saserdote at kapulungang pambansa. - Subalit ang bansang ito ay ginulo ng halos walang tigil na paglalabanan ng Egipto at ng Siria at gayundin ng mga labanang panloob ng mga nag-aagawan sa tungkuling pagkapunong-saserdote. - Ang mga kaguluhang ito ay nagkaroon ng masamang bunga sa maraming mga tao, at nauwi sa kasamaan at sa pagpapabaya sa pagsamba sa Diyos. ## Ang kasaysayan ng Grecia - Ang mga unang mamamayan ng Grecia ay ang mga_Pelasgian. - Sila'y sinundan ng mga Helenista na sumakop sa kanila at nagbigay sa tangway na ito ng pangalang Hellas. - Ang mga pangunahing angkan na bumangon sa Grecia ay ang mga Doriano, ang mga taga-Acaya, ang mga Aetoliano at ang mga Ioniano. - Ang mga unang panahon ng kasaysayan ng Grecia ay tinawag na Heroes Age-sa panahong ito, ang mga bayaning lalaki at babae ay naging paksa ng pagbubunyi ng mga inakata at eskultor. - Ang bantog na alamat tungkol sa paglusob sa Troy na isinalaysay ni Homer sa kaniyang tulang pinamagatang Iliad at Odyssey ay nasasaklaw ng panahong ito. ## ANG SPARTA AT ANG ATENAS. - Ang dalawang pinakamahalagang lunsod ng Matandang Grecia ay ang Sparta at Atenas. - Sa pasimula, ang Sparta ay dalawang kaharian, na pinamahalaan ng dalawang hari at ng isang senado na binubuo ng 30 kaanib. - Noong humigit kumulang 850 B.C., bumangon si Lycurgus, ang mabunying tagapagbigay ng batas; siya'y napabantog dahil sa kaniyang mahigpit na kodigo ng mga batas. - Sa pamamagitan ng mga batas na ito, nabawasan ang kapangyarihan ng mga hari at naragdagan naman ang kapangyarihan ng mga mamamayan. - Gayunman ang kaniyang pangunahing layunin ay ang gawing kawal ang bawat isang taga-Sparta. - Sa ganang kaniya ang bansa ay hindi umiiral para sa tao, kundi ang tao ay umiiral para sa bansa. ## Ang kasaysayan ng Atenas - Ang kasaysayan ng Atenas ay nagsimula sa Panahon ng mga Bayani (Heroes Age). - Nang pasimula, ang Atenas ay pinamahalaan ng mga hari, pagkatapos ay ng mga arkon (archons), at sa wakas, ng kapulungan o lupon na binubuo ng siyam na pinili mula sa mga maharlika. - Noong humigit-kumulang 620 B.C., nagpalabas si Draco ng kodigo ng mga batas, ngunit ang mga ito ay puno ng kalupitan at nagtatadhana ng parusang kamatayan sa bawat pagsalangsang; kaya ang Atenas ay nahulog sa laganap na kaguluhan na mula roo'y sinagip siya ni Solon (594 B.C.). - Bagaman malaki ang kainaman ng mga batas ni Solon kaysa doon sa sinundan nito, ang mga yao'y hindi pa rin naging kasiya-siya sa kaniyang mga kapanahon at nagbunga ng pag-aagawan ng kapangyarihan na doo'y si Peisistratus na kalaban ni Solon ang nagtagumpay. - Ang diktador na ito ay namahalang may kahinahunan at nagtagumpay sa pagsasalin ng kaniyang kapangyarihan sa kaniyang mga anak. - Ngunit muling hindi nasiyahan ang mga tao at ibinagsak nila ang kaniyang sambahayan (510 B.C.), at isang maharlikang nagngangalang Cleisthenes ang nalagay sa kapangyarihan.. - Sa ilalim niya, tinamasa ng mga tao ang tunay na demokrasya, at ang Atenas ay mabilis na bumangon bilang pangunahing estado sa Gitnang Grecia. ## ANG DIGMAANG PERSIANG. - Ang pag-akyat ng Imperyo Persiano sa kapangyarihan noong ikaanim na siglo bago ipanganak si Cristo, ay naging isang banta sa kalayaan ng mga Griego. - Bago natapos ang ikaanim na siglo, nagawa nitong sakupin ang mga lunsod ng mga Griegong Ioniano sa baybayin ng Asya Menor. - Nang ang mga ito ay maghimagsik noong 449 B.C., ang Atenas ay nagpadala ng tulong sa kanilang mga kababayan kaya ang Grecia mismo ay napasapanganib. - Pagkatapos masugpo ng haring Persiano na si Dario Hystapses ang himagsikan sa Asya Menor, binalingan naman niya ang Atenas.. - Sa simula, nilusob at sinakop ng mga Persiano ang mga independienteng lunsod sa mga pulo ng Dagat Aegea. - Nasakop nila ang mga Pulo ng Cyclades, gayundin ang Eretria, sa pulo ng Eubeoa. - Noong 490 B.C. isang malaking hukbo ng mga Persiano ang humusob sa Grecia. - Bagaman nasa daan na ang tulong ng mga taga-Sparta, ipinasya ng mga heneral ng Atenas na sagupain na ang mga Persiano sa kapatagan ng Marathon, may 25 milya mula sa Atenas. - Sa ilalim ng pamumuno ni Miltiades tinalo ng mga Griego ang mga Persiano sa labanang yaon. - Ang sumunod na pagsalakay ay pinaghandaang mabuti ng mga Persiano. - Subalit sa panahon ng paghahanda ay namatay si Dario (485 B.C.). - Hinalinhan siya ng kaniyang anak na si Xerxes. - Samantala, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga Griego na maghanda, na dahil sa panganib na nakaamba sa kanila ay nagkaroon ng pagkakaisa. - Noong 480 B.C., pinangunahan ni Xerxes ang isang malaking hukbo patungo sa Grecia na inaagapayanan ng kanilang hukbong-dagat na siyang nagdala ng kanilang panustos na kasangkapan at pagkain. - Sa isang makipot na landas sa Thermopylae tinangka ng isang maliit na hukbo ng mga taga-Sparta na pinangunahan ng kanilang haring si Leonidas na hadlangan ang pagsulong ng mga Persiano sa Atenas, ngunit sila'y nangalipol. - Ang bukbo ni Xerxes ay nagpatuloy hanggang makuha nila ang Thebes at ang Atenas. - Ngunit sa Salamis, ang hukbong-dagat ng mga Persiano ay nagapi ng mga Griego. - Napilitang umurong si Xerxes dahil nawalan siya ng panustos sa kaniyang hukbo. - Gayunman iniwan niya ang kalahati ng kaniyang hukbo sa Grecia sa ilalim ng pamumuno ni Mardonius na nang malaunan ay nagapi rin sa Platea, at kasamang nalupig ang nalabi sa kaniyang hukbong-dagat sa Mycale, Asya Menor. - Doon nagwakas ang pag-asa ng mga haring Persiano na sakupin ang mga Griego. ## ANG DIGMAANG PELOPONESIA. - Nang sumunod na kalahating siglo pagkatapos ng labanan sa Salamis, inabot ng Atenas ang rurok ng kaniyang kaluwalhatian at kapangyarihan. - Ito ay bunga ng mga pagsisikap ni Pericles, isa sa mga pinakadakilang pinunong Griego na nabuhay. - Bilang pananggalang, gumawa ang Atenas ng kasunduan sa mga lunsod na malapit sa Dagat Aegea, at nagkaroon sa dakong ito ng malakas na impluwensiya. - Sa kabilang dako, ang Sparta ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa mga bayang malayo sa dagat. - Ang hidwaan at inggitang bunga nito ay siyang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng tinatawag sa kasaysayan na Digmaang Peloponesia na sumiklab noong 431 B.C. - At tumagal nang 27 taon; ito'y nagwakas nang sumuko ang Atenas. - Pagkatapos nito nanghina ang kapangyarihan ng Atenas at sa isang panahon ay nangibabaw ang Sparta upang pagkatapos ay talunin lamang ng bumangong kapangyarihan ng Thebes. - Ngunit ang kapangyarihan ng Thebes ay naging panandalian din, sapagkat bumagsak ito sa harap ng pinagsamang lakas ng Sparta at Atenas. - Ang mga labanang ito ay nagpahina sa Grecia at siya'y madaling naging biktima ni Felipe ng Macedonia. ## ANG PANGINGIBABAW NG MACEDONIA. - Bagaman kung ang pag-uusapan ay ang lahi, ang mga taga-Macedonia ay may malapit na pagkakaugnay sa mga Griego, gayunman namalagi silang nasa karimlan samantalang ang kanilang mga kamag-anak na Griego ay dumarating sa pagkakilala ng mundo. - Ngunit sa kalagitnaan ng ikaapat na siglo B.C., hinawakan ni Felipe ang pamahalaan sa Macedonia at pinagsikapan niyang gawin itong pangunahing kapangyarihan sa Europa. - Sa pasimula ay buong katusuhan siyang nakilahok sa pulitika ng Grecia at siya'y nahirang na kagawad (miyembro) ng dakilang kapulungan ng relihiyon na kung tawagin ay Amphyctyonic Council. - Ngunit hindi siya nasiyahan sa ganitong patagong patakaran kaya siya'y lumantad, at noong 358 B.C. ay sinimulan niyang ipakilala ang kaniyang kapangyarihan, - Sa loob ng 20 taon ay nagawa niya ang kaniyang sarili na maging panginoon sa Grecia nang magapi niya ang pinagsamang lakas ng mga taga-Atenas at mga taga-Thebes sa Cheoronia (338 B.C.). - Pagkatapos nito ay ipinahayag niya ang kaniyang layunin na pag-isahin ang lahat ng mga Helenita laban sa Persia, ngunit bago niya naisagawa ang kaniyang balak, siya ay pinaslang noong 336 B.C. - Si Felipe ay hinalinhan ng kaniyang anak na si Alejandrong Dakila na noon ay may 20 taong gulang. ## SI ALEJANDRONG DAKILA. - Pagluklok ni Alejandro sa trono, pinasimulan niyang isakatuparan ang mga balak ng kaniyang ama na lupigin ang Persia. - Noong 334 B.C., tinawid niya ang Hellespont na kasama ang isang maliit na hukbo na binubuo ng 35,000 lalaki at tinalo ang higit na nakararaming hukbo ng Persia sa Grenicus, sa Asya Menor. - Ang sumunod. niyang paki-kipaglaban ay sa Issus, malapit sa mga hangganan ng Silicia at Siria, na doon ay nakasagupa niya at nagapi si Dario Codomanus (333 B.C.). - Nang sumunod na 20 buwan ay nilipig niya ang Tiro, Gaza at Egipto, at noong 331 B.C., lumusob siya sa gitna ng Persia, na doon ay nasagupa niya si Dario sa Arbela, sa Asiria. - Ganap na ganap ang tagumpay na ito ni Alejandro kung kaya ang tatlong punongbayan ng Imperyo Persiano-Persepolis, Susa at Babilonia-ay sumuko nang halos walang paglaban. - Pagkatapos nito'y pinangunahan niya ang kaniyang hukbo patungong India hanggang sa Ilog Hyphasis. - Ngunit hindi niya nagawang sakupin ang India sapagkat ang kaniyang mga kawal ay ayaw nang magpatuloy pa. - Kaya siya'y bumalik sa Persepolis at doon siya namatay sa gulang na tatlumpu't tatlo (323 В. С.). ## MGA KAHALILI NI ALEJANDRO. - Pagkamatay ni Alejandro ang kaniyang imperyo ay nagkabaha-bahagi at noong 301 B.C., ito'y nahati sa kaniyang apat na Heneral; gaya ng sumusunod: - kinuha ni Seleucus ang Siria at ang silangan; - kinuha ni Ptolomeo ang Egipto; - kinuha ni Lysimachus ang Tracia; at - kinuha ni Casander ang Macedonia. - Sa mga kahariang ito, ang pinakamahalaga ay yaong kay Seleucus at kay Ptolomeo, at halos walang puknat na paglalabanan ang naganap sa dalawang ito hanggang sa sila'y kapuwa napasailalim ng kapangyarihan ng Roma. - Ang mga hari na namahala sa Egipto at Siria ay ang mga sumusunod: ### Ehipto - Ptolemy Soter (320-285 B.C.) - Ptolemy II Philadelphus (285-247) - Ptolemy III Euergetes I (247-222) - Ptolemy IV, Philopator (222-205) - Ptolemy V-Epiphanes (205-181) - Ptolemy VI Philometer (181-146) - Ptolemy VII Euergetes II (170-116) - Katuwang si Pt. Philometer hanggang 1.46 В.С. - Ptolemy IX Alexandra at Cleopatra (107-80) - Ptolemy VIII Lathrus (116-107) - Ptolemy X Alexander II (napatay agad) - Ptolemy XI Auleters (80-51, natapon [exiled] sa loob ng 3 taon) - Ptolemy XII. Hilopator at Cleopatra (51-30) - Ptolemy XIII Philopator-Ptolemy Caesarion ### Siria - Seleucus Nicator (321-280 B.C.) - Antiochus Soter (280-261) - Antiochus Theos (261-246) - Seleucus Callinicus (246-226) - Seleucus Ceraunus (226-223) - Antiochus the Great (223-187) - Seleucus Philopater (187-175) - Antiochus Epiphanes (175-164) - Antiochus Eupator (164-162) - Demetrius Soter (162-150 - Alexander Balas (150-145) - Demetrius Nicator (145-138) - Antiochus Sidetes (138-128) - Demetrius Nicator (128-125, ikalawang pagluklok) - Seleucus. V (pinatay agad) - Antiochus Gryphus (125-113) - Antiochus Cyzicenus (113-95) - Antiochus Eusebius (95-92) - Tigranes (92-69) - Antiochus Asiaticus (69-65) # Ang Kultura ng Grecia ## ANG UGALI NG MGA GRIEGO. - Ang mga Griego ay mahilig sa mga bagay na magaganda at makasining. - Sila'y labis na makabayan al mapagmahal-sa-kalayaan. ## ANG PANITIKANG GRIEGO. - Bukod sa Banal na Kasulatang Hebreo, ang panitikan ng matandang Grecia ay siyang pinakamabuti sa matatandang panitikan. - Sa isipan at sa damdamin, ito'y higit na maunlad kaysa sa panitikan ng mga Egipcio, taga-Babilonia, Hindu at Persiano. - Sa panitikang Griego, nauna ang tula (poetry) kaysa sa mga tuluyang akda (prose). - Ang pinakamatandang tula ay ang Iliad at Odyssey na sinasabing sinulat ni Homer noong mga 880 B.C. - Sumunod kay Homer si Hesiod na siyang sumulat ng dalawang tanyag na akdang pinamagatang Theogony at Works and Days. - Kabilang sa mga tula ng damdamin ang mga nilikha nina Sappho, Alcaeus Anacreon at Pindar. - Nilikha ang dula sa panahon ni Pericles, at ang trahediya ay sumapit sa pinakamataas na antas ng pagsulong sa mga kamay nina Aeschylus, Sophocles at Euripides. - Ang pinakadakilang dalubhasa sa komediya ay si Aristophanes: - Ang mga kinikilalang dakilang mananalaysay ay sina Herodotus-tinaguriang "Amang Kasaysayan" - na ipinanganak noong 484 B.C., Thucydides, Xenophon, Polybius, Diodorus, at Plutarco. - Sa mga mananalumpati, ang pinakatanyag ay sina Pericles, Aeschines at Demosthenes; at sa mga pilosopo naman ay sina Thales, Pythagoras, Socrates, Plato'at Aristotle. ## ANG SINING NG GRECIA. - Ang pinakamahalagang likha ng arkitekturang Griego ay ang kanilang mga templo. - Ang mga ito'y yari sa mga kulumna na may tatlong kapita-pitagang hugis at ayos na kilala sa tawag na Doric, Ionic at Corinthian. - Ang karamihan sa mga templong ito ay natayo sa loob ng sumunod na 40 o 50 taon pagkatapos ng pagkalupig sa mga Persiano sa Salamis. - Ang pinakabantog na templo na ang arkitektura ay Ionic, ay yaong inialay kay Diana sa Efeso, na may 425 talampakan ang haba at 220 talampakan ang luwang. - Ang arkitekturang Corinthian ang sinunod sa pagtatayo ng mga templong iniukol kina Venus, Plora at sa mga nimpa. - Ang pinakabantog sa mga templong Doric ay ang Parthenon (House of the Virgins) na iniukol kày Athena, sa Atenas. ## ANG RELIHIYONG GRIEGO. - Ang mga unang Griego ay polytheists, naniniwala at sumasamba sa maraming diyos. - Gayunman, ang balangkas ng kanilang relihiyon ay higit na maunlad kaysa sa niga Egipcio at taga-Babilonia: - Ang kanilang mga pangunahing diyos at diyosa ay sina: - Zeus, puno'at ama ng mga diyos; - Poseidon, diyos ng dagat; - Apollo, diyos ng awit at musika; - Artemis, diyosa ng mga kzwzn at ng pangangaso, - Hephaistos, diyos ng apoy sa lupa; - Hermes, ang utusan ng mga diyos; - Ares, ang diyos ng digmaan; - Hera, ang asawa ni Zeus; - Athena, diyosa ng karunungan at ng digmaan; - Hestin, diyosang tahanan; - Demeter, diyosa ng pagsasaka; - Aphrodite, diyosa ng pag-ibig - Tangi sa mga ito, mayroon pa silang kinikilalang ibang mga diyos. ## ANG MGA PISTANG GRIEGO. - May apat na dakilang pambansang kapistahan: - Ang Olympic, - Pythian, - Isthmian at - Nemcan. - Ang Olympic ay isinasagawa tuwing ikaapat na taon sa kapatagan ng Olympia sa karangalan ng kanilang diyos na si Zues. - Ang Pythian ay isinasagawa sa ikatlong taon ng bawat Olimpiyada, sa malapit sa Delphi, sa karangalan ni Apollo. - Ang Isthmian ay isinasagawa sa karangalan ni Neptuno o Poseidon sa isang kapatagan sa Corinto. - At ang Nemean ay ipinagdiwang nila sa bayan ng Nemea sa Peloponesus. ## ANG AKLATAN NG ALEJANDRIA. - Nang pasimulang pamahalaan ng mga Ptolomeo ang Egipto, itinatag nila ang lunsod ng Alejandria Di naglaon, ang lunsod na ito ay naging dakila at maunlad at naging sentro ng kultura at sining. - Ang bantog na aklatan ng Alejandria ay naglamzn ng may 500,000 aklat. - Dito rin sa Alejandria isinalin ng isang puhriong ng mga dalubhasang Judiong Alejandrino sa Griego ang Matandang Tipan (Kasulatang Hebreo) sa ilalim ng pagtangkilik ni Ptolemy Philadelphus; ang saling ito, na sinimulan noong 285 B.C., ay kilala sa tawag na Septuaginta.