Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol PDF
Document Details
Uploaded by WellRunTroll
Tags
Related
- Kasaysayan ng Asuwang in Capiz (PDF)
- Pag-aaral ng Panitikan sa Pananakop ng Amerika, PDF
- Epekto ng Pananakop sa Imperyong Aztec at Inca (PDF)
- Mga Motibo ng Pananakop ng Hapon sa Pilipinas PDF
- Mga Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones PDF
- AP7-Q2-Lesson-3-Pananakop-sa-Timog-Silangang-Asya PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalahad ng mga dahilan at layunin ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Isang mahalagang aspeto ang pagnanais ng kayamanan at paglaganap ng Kristiyanismo. Tinalakay din ang konseptong merkantilismo at ang papel ni Ferdinand Magellan sa mga ekspedisyon.
Full Transcript
**DAHILAN AT LAYUNIN NG PANANAKOP NG MGA ESPANYOL** Isang batayan ng kapangyarihan ng isang mananakop ay ang dami ng kayamanan na kanilang nasasamsam o nakukuha sa mga nasakop na bansa. Ito ang namayaning kaisipan noong **Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas** na naganap mula **ika-15 hanggang ika-17...
**DAHILAN AT LAYUNIN NG PANANAKOP NG MGA ESPANYOL** Isang batayan ng kapangyarihan ng isang mananakop ay ang dami ng kayamanan na kanilang nasasamsam o nakukuha sa mga nasakop na bansa. Ito ang namayaning kaisipan noong **Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas** na naganap mula **ika-15 hanggang ika-17 siglo**. Ninais ng mga bansa sa **Europa** na **madagdagan ang kanilang kayaman at kabuhayan** dahil ito ang isang batayan ng pagiging mayaman o makapangyarihang bansa noon. Ang paniniwalang ito ang tinatawag na **merkantilismo**. Lumaganap ang konseptong merkantilismo sa paniniwalang ang mga bansa ay mas lalakas at mas magiging makapangyarihan kung magkakaroon ito ng maraming **nalikom na kayaman** sa anyo ng mamahaling metal tulad ng **ginto at pilak**. Isa si **Ferdinand Magellan** sa mga nagsagawa ng **ekspedisyon**. Nakatuklasan niya ang rutang patungong Silangan sa pamamagitan ng paglalayag pakanluran. Ang pagkakatuklas niya ang naghantong upang matunton ang maliliit na pulo sa ating bansa. **Setyembre 20, 1519 --** Inilunsad ang ekspedisyon ni Magellan patungong silangan sa ilalim ng **bandila ng Espanya**. **Ferdinand Magellan** -- isang tanyag na manlalayag na **Portuges** na nakarating sa Pilipinas noong **1521** na unang nagpatunay na **bilog ang daigdig**. Dahil sa estratehikong lokasyon ng Pilipinas na malapit sa Isla na tinatawag na **Spice Islands o Moluccas** na hinahanap ng mga Europeo para kumuha ng mga **rekado o pampalasa**, ito ay nagbigay-daan sa pagkadiskubre at pagdating ng mga Espanyol sa bansa. Ang mga rekado o mga sangkap na nagpapasarap sa pagluluto tulad ng paminta, luya, sili, bawang , oregano, cinnamon, at nutmeg ay mahalaga sa mga taga Europa. Isa sa mga layunin o misyon ng mga Espanyol sa kanilang pananakop ay ang **pagpalaganap ng Kristiyanismo**. Nagsimula ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pagdating ng ekspedisyon na pinamunuan ni Ferdinand Magellan noong **1521**. Sa layuning panrelihiyon nagtagumpay ang bansang Espanya. Naging **Kristiyano** ang nakararaming Pilipino. Ang naging bunga ng Kristiyanismo sa buhay ng mga Pilipino ay mahalaga at panghabambuhay. **Padre Pedro Valderrama --** ang nagsagawa ng **unang misa** sa **Limasawa** at bininyagan niya ang mga katutubo noong **March 31, 1521**. Pagkatapos ng misang naganap, **nagtayo ng krus** si Magellan at sinundan ito ng **pagbibinyag** sa mga katutubo na pinamunuan ni **Raha Humabon** at ng **kanyang asawa.** **Carlos** -- ang ipinangalan kay Raha Humabon **Juana --** ang ipinangalan sa asawa ni Raha Humabon at siya ay binigyan ng imahen ng **Sto. Niño**. Nang tumuloy sila sa Mactan ay sinalubong sila ng mga kawal ni **Lapu-lapu**, ang **pinuno ng Mactan** at naganap ang labanan na ikinasawi ni Magellan at mga kawal nito. **ANG PAGPAPARAMI NG KAYAMANAN AT PAGLAGANAP NG KRISTIYANISMO.** Ipinakilala ng mga Espanyol ang **pananampalatayang Kristiyanismo** na naniniwala sa iisang Diyos na may likha ng tao at ng lahat ng bagay sa mundo. Si **Jesus** ay ang **Diyos Anak** at tagapagligtas ng sanlibutan. Ang pagkakaiba ng Kristiyanismo sa Paganismo ay nasa paniniwala, aral, katawagan, at seremonya o ritwal. Maraming sekta ang Relihiyong Kristiyano. Ang **Romano Katoliko** ang dala ng mga Espanyol sa Pilipinas. ![](media/image2.png)Ang pinakamataas na pinuno ng Katoliko ay nasa **Roma** at siya ay tinatawag na **Pope o Papa**. Ang mga batas sa pamahalaan ay umayon sa mga alituntunin ng Relihiyong Romano Katoliko tulad ng mga sumusunod: Bilang nangungunang bansa sa paggalugad ng mga bagong lupain, ninais ng mga Espanyol na makamit ang karangalan at kapangyarihan nito para simulan ang pagpapalawak ng kanilang teritoryo. Ang lahat ng mga bansa o lupaing nasakop nila ay tuwirang kinontrol, pinamahalaan, at nilinang. Ang pamamahalang ito ay tinatawag na **kolonyalismo**. **Kolonyalismo** -- ay tumutukoy sa isang patakaran ng **tuwirang pagkontrol** ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa. Isinasagawa ang kolonyalismo sa pamamagitan ng pagkontrol sa kalagayang pampulitika ng isang bansa, sa paninirahan sa lugar, at sa pagkontrol sa paglinang ng likas na yaman nito. Tinatawag na **kolonya** ang lugar o bansang tuwirang kinontrol at sinakop nito. **Abril 21, 1565**- muling nagpadala ang Espanya ng ibang ekspedisyon upang balikan ang Pilipinas na pinamunuan ni **Miguel Lopez de Legazpi.** **Miguel Lopez de Legazpi** -hinirang na **Gobernador Heneral** ni **Haring Felipe II** upang pamunuan ang kolonya. **Ruy Lopez de Villalobos** -- nagbigay ng pangalan ng Pilipinas na "**Las Islas Filipinas**" bilang parangal kay **Haring Felipe II ng Espanya**. **Cebu -** itinakda ni Legazpi bilang **kauna-unahang pamayanang Espanyol** sa Pilipinas at pinangalanan niya itong **La Villa Del Santisimo Nombre de Jesus**. **Kalye Colon** -- ang **pinakamatandang kalye** sa Pilipinas na matatagpuan sa Cebu. **1569 --** pagtatatag ng mga pamayang Espanyol sa Panay, Masbate, Ticao, Burias, Mindoro, Mamburao at Albay. **Hunyo 24, 1571** -- naitatag ang pamayanang Espanyol na kinilala bilang **Maynila**, ang bagong lungsod ng Espanyol. Dahil sa tagumpay na pananakop ng mga Espanyol, dito natupad ang hangaring pampolitika ng bansang Espanya. Isa sa nakikitang dahilan kung bakit madaling nasakop ng mga Espanyol ang halos buong bansa ay dahil sa **kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino** noon. Ngunit may mga lugar sa Pilipinas tulad ng ilang lugar sa Mindanao ang hindi napasailalim sa pamamahala ng mga Espanyol bagkus nagpatuloy ang kanilang sistema ng pamahalaan na tinatawag na **Sultanato**. **Ang mga dahilan ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas:** 1\. Misyong manakop ng mga lupain 2\. Makatuklas ng bagong ruta patungong Silangan 3\. Bahagi na rin ng pagkakatuklas ng mga lupain noong ika-15 hanggang ika-16 na siglo. **May tatlong layunin ang Espanya sa pananakop sa Pilipinas:** 1\. **(God) Kristiyanismo** --- bahagi ng kanilang misyon sa pananakop ng mga lupain ang pagpapalaganap ng katolisismo. 2**. (Gold) Kayamanan** --- itinuturing na kayamanan ang mga lupaing nasakop sapagkat napakikinabangan nila ang yamang tao at kalikasan nito. 3\. **(Glory) Karangalan** ---itinuturing na karangalan ng mga mananakop na bansa ang pagkakaroon ng kolonya o mga sakop na lupain.