Gabay sa Pag-aaral ng Noli Me Tangere (PDF)
Document Details
Uploaded by SpellbindingEuphonium3776
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang gabay sa pag-aaral ng nobelang 'Noli Me Tangere' ni Jose Rizal. Tinatalakay nito ang buhay at mga akda ni Rizal, pati na ang mga isyu at suliranin ng lipunang Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Mahalaga ang nobelang ito sa pag-unawa sa kasaysayan ng Pilipinas.
Full Transcript
Itinuturo sa mga paaralan ang buhay at mga akda (works) ni Rizal dahil sa Batas Rizal 1425. Ang pamagat ng nobela ay nasa wikang Latin, ngunit ang nilalaman ay Espanyol. Ang salin sa Filipino ng pamagat ay hango sa Bibliya, magiging huwag mo akong salangin. Ang nais iparating ng salin na...
Itinuturo sa mga paaralan ang buhay at mga akda (works) ni Rizal dahil sa Batas Rizal 1425. Ang pamagat ng nobela ay nasa wikang Latin, ngunit ang nilalaman ay Espanyol. Ang salin sa Filipino ng pamagat ay hango sa Bibliya, magiging huwag mo akong salangin. Ang nais iparating ng salin na ito sa Filipino ay makikita sa nobela ang mga isyu na hindi pa napag- uusapan o issues that no one dares to touch dahil masyadong maselan (sensitive). Inialay ni Rizal ang Noli Me Tangere sa inang-bayan (motherland). Si Jose Rizal mismo ang nagdisenyo ng pabalat o cover ng Noli Me Tangere. Naghirap si Rizal sa Europa habang isinusulat niya ang nobela. May ilang kabanata (chapter) ang tinanggal para mapagkasya ang kanyang badyet para sa pagpapalimbag (publishing) nito. Muntik nang hindi maipalimbag ang Noli. Buti na lang pinahiram siya ng kaniyang kaibigang si Maximo Viola ng 300 piso kaya naipalimbag ang 2,000 kopya ng nobela. Ang isa pa niyang kaibigan na si Ferdinand Blumentritt ay naging dahilan kung bakit mas marami at mas malayong mga lugar ang narating ng Noli. Lumaking privileged si Rizal. Naging conducive ang kaniyang kapaligiran kaya lumaki siyang maraming alam at maraming kayang gawin. Nakaangat-angat naman sa buhay ang kanilang pamilya, kaya nagkaroon siya ng tsansang makapag-aral sa ilang mga prestihiyosong paaralan. Ang kaniyang buhay pag-ibig ay patunay lamang na hindi perpektong tao si Rizal. Gaya natin, isa din siyang normal na tao bago pa man siya maging tanyag o sikat. Sa kabila ng pagiging mayaman, hindi nakaligtas si Rizal sa mga diskriminasyon. Naranasan niya ito mismo sa kaniyang dating paaralan, sa kamay pa ng kaniyang mga guro. Kahit mayaman ang kanilang pamilya, hindi rin sila nakaligtas sa mga pinaggagawang masama ng mga Espanyol. Naranasan nina Rizal ang diskriminasyon at kawalan ng katarungan dahil PILIPINO SILA. Ang baba ng pagtingin ng lipunan (society) sa mga Pilipino na kung tawagin nila ay INDIO/ INDIYO. Sa kaniyang mga paglalakbay sa ibayo (abroad), napansin ni Rizal na napag-iiwanan na sa napakaraming aspekto sa buhay ang Pilipinas kumpara sa Europa. Hindi maganda ang epekto ng kolonisasyon sa ating bansa. Ginusto ni Rizal na magkaroon ng mga pagbabago (reforms) kasama ang iba pang mga katulad niyang nakapag-aral at may-kaya sa buhay. Hindi sila nagtagumpay. Napagtanto (realized) ni Rizal na dapat kasali sa laban at sa pagbabago ang mga ordinaryong Pilipino. Hindi natakot umuwi galing Europa si Rizal kahit alam niyang puwede siyang mamatay. Lahat ng nangyari kay Rizal ay hindi makatarungan. Gaya na lamang ng pagpapatapon sa kaniya sa Dapitan. Naging makabuluhan (meaningful) naman ang kaniyang pananatili roon. Ang pangarap niya para sa Pilipinas ay ginawa niya sa nasabing lungsod. Kabilang sana siya sa medical team sa Cuba, pero inaresto siya sa Espanya. Dinala siya sa Maynila at ikinulong sa Fort Santiago. Hindi na niya nasaksihan (witnessed) ang katuparan ng mga pangarap niya para sa bansa. Nang dinala siya sa Maynila, doon na rin nagwakas ang kaniyang buhay. Binaril siya sa Bagumbayan na ngayo’y Luneta o Rizal Park.