Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas PDF
Document Details
Uploaded by CoolZebra
Tags
Related
- Epekto ng Pananakop sa Imperyong Aztec at Inca (PDF)
- Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol PDF
- Mga Motibo ng Pananakop ng Hapon sa Pilipinas PDF
- Mga Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones PDF
- Kasaysayan ng Pananakop ng Hapon sa Pilipinas (PDF)
- Pagtamo ng Kasarinlan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya (PDF)
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga detalye tungkol sa pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Tinalakay dito ang mga dahilan ng pananakop, mga pangyayari, at ang epekto nito sa bansa. Makikita rin ang mga mahahalagang pangyayari sa panahon ng pananakop.
Full Transcript
Sagot Linangin Lakbayin Lakbayin Tuklasin Aralin Aralin Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas 1. natutukoy ang mahahalagang detalye tungkol sa pananakop ng mga Hapones; 2. nailalahad ang sariling damdamin at kuro-kuro Lakbay...
Sagot Linangin Lakbayin Lakbayin Tuklasin Aralin Aralin Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas 1. natutukoy ang mahahalagang detalye tungkol sa pananakop ng mga Hapones; 2. nailalahad ang sariling damdamin at kuro-kuro Lakbayin Layunin Linangin Tuklasin Aralin Sagot kung paano maiiwasan ang digmaan; 3. nakasusulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa kabayanihang ginawa ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Hapones sa bansa. Para sa inyo ano ang maaring dahilan ng mga digmaan? Lakbayin Layunin Linangin Tuklasin Aralin 9 Sagot Mga Paksang Tatalakayin: Motibo ng 01 Pananakop ng mga 04 Pagbagsak ng Bataan Hapones Ang Pagsalakay ng 05 Lakbayin Layunin Linangin Tuklasin 02 Aralin 9 Pagbagsak ng Hapon sa Pilipinas Sagot Bataan at Corregidor Mahahalagang 03 Pangyayari sa 06 Martsa ng Kamatayan Panahon ng Death Hapones March 01 Motibo ng Pananakop ng mga Hapones 1941- sumiklab ang digmaang Pandaigdig sa Europa at Lakbayin Asya. Digmaan sa Europa ay bunga ng pananakop ng Layunin Linangin Tuklasin Aralin 9 Sagot Alemanya sa kanyang mga karatig bansa. Sa paniniwalang sila ang superior na lahi ay ninais ng mga Aleman na mapasakamay nila ang mga makapangyarihang posisyon sa kanluran. Sa kontinente ng Asya ang Hapon ay nagkaroon ng patakarang pambansang sakupin ang Asya. 01 Motibo ng Pananakop ng mga Hapones Dahilan ng Pananakop ng Hapones ayon sa kanilang pambansang patakaran: Lakbayin Layunin Linangin Tuklasin Aralin 9 Sagot 1. Mapalawak ang kanilang teritoryo 2. Upang mapagkunan ng hilaw na sangkap na gagamitin sa kanilang industriya at mapagbentahan ng kanilang mga produkto 3. Upang maipagpatuloy ang kanilang adhikain sa pagbuo ng pagpapalawak Greater East Asia Co-Prosperity Sphere 01 Ang Pagsalakay ng Hapon sa Pilipinas Disyembre 7, 1941 (Disyembre 8, sa Pilipinas) – biglang sinalakay ng mga Lakbayin Layunin Linangin Tuklasin Aralin 9 Sagot Hapon ang Pearl Harbor ( hukbong himpilan ng hukbong-dagat ng mga Amerikano sa Hawaii. Ang pataksil na pagsalakay sa Pearl Harbor ay tinawag na “Araw ng Kataksilan”. Naging hudyat ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 01 Ang Pagsalakay ng Hapon sa Pilipinas Kinabukasan matapos ang pagbomba sa Pearl Harbor hiniling ni Pangulong Franklin Lakbayin Layunin Linangin Tuklasin Aralin 9 Roosevelt ang pakikidigma sa bansang Hapon. Sagot Sumagot ang Hapon at nagpahayag din ng pakikidigma sa Estados Unidos at Inglatera. Ang Alemanya at Italya ay pumanig sa Hapon at nagpahayag ng pakikidigma noong Disyembre 11, 1941. 01 Ang Pagsalakay ng Hapon sa Pilipinas Ilan oras matapos ang pagsalakay sa Pearl Harbor ang mga eroplanong pandigma ng Hapon ay sumalakay na sa Lakbayin Layunin Linangin Tuklasin Aralin 9 Pilipinas. Winasak ang mga hukbong panghimpapawid sa Sagot Clark Field, Pampanga. Pagkatapos ng 2 oras na, tumungo ang mga Hapones sa Hilagang Luzon. 01 Ang Pagsalakay ng Hapon sa Pilipinas Si pangulong Manuel Quezon at Heneral Douglas MacArthur ay magiting na lumaban. Ang mga kalalakihan Lakbayin Layunin Linangin Tuklasin Aralin 9 ay nagpamalas ng kanilang pagmamahal sa bayan. Sila Sagot ay sumapi sa United States Armed Forces in the Far East ( USAFFE) Sa pangnguna ni Douglas MacArthur ay nagsanib ang lakas ng pwersa ng mga Pilipino at Amerikano upang magapi ang pwersa ng mga Hapones. Hindi naging sapat ang pwersa ng mga Pilipino at Amerikano kaya naman unti-unting napasakamay ng mga Hapon ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. 01 Ang Pagsalakay ng Hapon sa Pilipinas Nang malapit ng makarating ang mga Hapones sa Maynila ay idineklara na ni Lakbayin Layunin Linangin Tuklasin Aralin 9 Heneral Douglas MacArthur ang Maynila Sagot bilang “ Bukas na na Siyudad o Open City upang ito ay iligtas sa trahedya ng Digmaan. Sa batas ng mga bansa hindi dapat digmain o bombahin ang isang Ngunit kahit bukas na siyudad ang Maynila ay lugar kung ito ay bukas na siyudad hindi pinansin ng mga Hapones bagkus ay o open city. Ipinaalis din ni ipinagpatuloy ang pagsalakay. Binomba ang MacArthur ang mga kagamitang nila ang Intramuros- layuning palubugin ang pandigma sa Maynila. mga bapor na nakdaong sa ilog Pasig 01 Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas Dahil sa walang humpay na pananakop ng mga Lakbayin Layunin Linangin Tuklasin Aralin 9 Sagot Hapones sa buong kapuluan ng Pilipinas ay napagtanto ni Hen. MacArthur na hindi nila kakayaning makipagsabayan sa mga Hapones dahil na rin sa wala silang sapat ng kagamitang pandigma at dahil na din sa lumalalang karamdaman ni Pangulong Quezon. Siya ay nagtungo sa Bataan. Hinimok din niya si Quezon na magtungo sa Corregidor kasama sina Sergio Osmeńa, Manuel Roxas at Jorge B Vargas. 01 Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas Pebrero 20, 1942- lihim na pinapunta ni MacArthur Lakbayin Layunin Linangin Tuklasin sina Pang. Quezon mula Corregidor patungong Australia Aralin 9 Sagot upang dito kumuha ng bapor na magdadala sa kanila sa Estados Unidos. Mahahalagang Pangyayari sa 02 Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas March 12, 1942 – tumungo si MacArthur kasama ang kanyang pamilya sa Australia upang pamunuan ang mga pwersang Amerikano sa Lakbayin Timog Kanlurang Pasipiko. Humalili sa kanya sa pamumuo ng USSAFFE si Layunin Linangin Tuklasin Aralin 9 Heneral Jonathan Wainwright. Tumagal ng 3 buwan ang labanan ng mga Sagot sundalo ng USSAFFE AT mga Hapones. Bago umalis si Hen. Mac Arthur ay ipinahayag niya sa sambayanang Pilipino na siya ay magbabalik. Agosto 1, 1944- pumanaw si Pangulong Manuel Quezon sa Saranac Lake, New York Estados Unidos dahil sa sakit na Tubercolosis. Iniuwi ang kanyang mga labi sa Pilipinas sa Hulyo, 1946. 03 Pagbagsak ng Bataan at Corregidor April 9, 1942- sumalakay ang hukbo ni Hen. Masaharu Homma- kumander ng hukbo ng mga Hapones sa pangkat ng mga Lakbayin Layunin Linangin Tuklasin Aralin 9 USSAFFE. Sagot Heneral Edward P. King- kumander ng USSAFFE sa Bataan na sumuko sa mga Hapones nang walang pahintulot ni Wainwright. Mayo 6, 1942- sumuko si Heneral Jonathan Wainwright. Ipinautos niya na sumuko na din ang mga USSAFFE sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas dahil sa ipinagutos ito ni Hen. Masahru Homma. May ilang mga sundalong di sumuko sa halip ay namundok sila at tinawag silang mga “ Gerilya” Marcha ng Kamatayan o Death 03 March Ang hindi malilimutang pangyayari sa pagpapahirap ng mga Lakbayin Hapones sa mga sundalong Amerikano at Pilipino. Libo-libong mga Linangin timeline history about Sagot sundalo ang nagmartsa sa loob ng humigit kumulang na isang linggo nang walang pagkain at inumin man lamang mula Mariveles, Bataan patungong San Fernando Pampanga. Mula rito ay isinakay ang mga bihag na sundalo sa tren papuntang Capas, Tarlac. Sagutin kung sino ang tinuukoy sa bawat katanungan. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno 1. Sino ang kumander ng USAFFE sa Bataan na sumuko sa mga Hapones? 2. Sino ang pangulo ng Estados Unidos ng sakupin ng mga Hapones ang Lakbayin Layunin Linangin Aralin Sagot Pilipinas? 3. Sino ang unang kumander ng USAFFE? 4. Sino ang pangulo ng Pilipinas ng salakayin ng mga Hapones? 5. Sino ang pinuno ng USAFFE na pinagbilinan ni MacArthur na mamuno noong siya ay nagtungo sa Australia? 1. Heneral Edward P. King 2. Pangulong Franklin Roosevelt services timeline history teams about Sagot 3. Heneral Douglas MacArthur 4. Manuel L. Quezon 5. Heneral Jonathan Wainwright Kopyahin ang tanong at sagutin ito nang hindi bababa sa tatlong pangungusap. Reflection No. 1 timeline history Paano mo pahahalagahan ang ipinakita ng teams about mga Pilipinong sundalo na nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating bansa? Ang Pamumuhay ng mga Pilipino sa Ilalim ng mga Hapones at ang Pagwawakas ng Digmaan services timeline history Aralin teams about Pumili ng 2 at Ibigay ang kahulugan ng mga ito: KALIBAPI Kempeitai Puppet republic/Government Comfort Women Mickey Mouse Money MAKAPILI Buy and Sell kamikaze HUKBALAHAP Benigno Aquino Sr. Piliin ang iyong sagot sa mga sumusunod na pamimilian: Kempeitai Puppet republic/Government Comfort Women Mickey Mouse Money MAKAPILI Buy and Sell Ang Pamamahala ng mga Hapones sa Pilipinas Ang pagsuko ng Corregidor ay hudyat ng pagwawakas ng organisadong pakikipaglaban ng mga Amerikano at Pilipino sa mga Hapones. Ito rin ang hudyat ng pormal na pamamahala ng mga Hapones sa Pilipinas. Noong ika-3 ng Enero 1942, isinailalim nila sa batas militar ang buong Pilipinas. Sa panahong ito, sapilitang pinasusunod ang lahat ng mga Pilipino sa kautusan ng mga sundalo at opisyal na Hapones at tulungan ang mga ito kung kinakailangan Ang Pamamahala ng mga Hapones sa Pilipinas Ipinahayag din ng mga Hapones na ang kanilang layunin ay palayain ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Amerikano. Binigyang-diin nila na ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino. Dagdag pa’y makakamit lamang ng bansa ang kaunlaran sa pag-anib nito sa Greater East Asia Co-Prosperity Sphere, isang organisasyon ng mga bansa na pinamumunuan ng mga Hapones. Ang Pamamahala ng mga Hapones sa Pilipinas Kasunod ng pagpapatupad ng batas militar, nagpahayag din ang mga Hapones na hahatulan ng parusang kamatayan ang sinumang lalabag sa itatakda nilang batas. Ang ilan sa mga gawaing papatawan ng parusang kamatayan ay pagsira sa mga kagamitan ng mga Hapones at pagpatay sa kanilang mga sundalo. Maliwanag na ang layunin nito ay maghasik ng takot sa mga Pilipino para lumaban. Mga Pang-aabusong ginawa ng mga Hapones: 1. Maraming Pilipino ang nakaranas ng tortyur sa kamay ng mga Hapones: (pambubugbog, water cure, at pagbunot ng mga kuko sa kamay at paa) 2. Paghahasik ng karahasan sa mga Pilipino ang Kempeitai. KEMPEITAI- ito ay sikretong kapulisan ng mga Hapones sa mga sakop na teritoryo. Mga Pang-aabusong ginawa ng mga Hapones: 3. Maraming kababaihan ang naging biktima ng panggagahasa ng mga Hapones. COMFORT WOMEN- mga babae na sapilitang kinuha ng mga sundalong Hapones na kalimitan ay mga kabataan na Isa si Maria Rosa Henson o babae at dinadala sa mga tinatawag na “Lola Rosa” sa mga naging biktima ng panggagahasa ng comfort station para paulit-ulit na gahasain. mga Hapones noong kaniyang kabataan. Mga Patakarang Ipinatupad ng mga Hapones: Ipinasara ng mga Hapones ang mga pangunahing pinagkukunan ng impormasyon ng mamamayan tulad ng mga pahayagan at mga estasyon ng radyo. Pinayagan naman ng mga Hapones ang papapatuloy ng mga aliwan sa bansa. Ginamit nila ang mga pelikula upang ipakita sa mga Pilipino ang pagtatagumpay ng mga Hapones sa labanan at ang kabutihang dulot ng kanilang pananakop. Mga Patakarang Ipinatupad ng mga Hapones: Ang mga palabas na ito ay maituturing na ‘escapist’ o pang-aliw sa mga Pilipino sa kabila ng mga paghihirap na kanilang nararamdaman. Ang mga tema ng mga palabas sa teatro ay tungkol sa mga kuwento ng pag-ibig at komedya. Mga Patakarang Ipinatupad ng mga Hapones: pagtataguyod ng isang sistemang pang-edukasyon. ✓ Ipinagbawal ng mga Hapones ang pagtuturo ng wikang Ingles at pinagtuunan ng pansin ang pagtuturo gamit ang wikang Tagalog. ✓ itinuro na rin ang wikang Niponggo sa mga paaralan. ✓ inalis rin sa mga aklat ang anumang pagtukoy sa mga Amerikano at sa pamahalaang Komonwelt Mga Patakarang Ipinatupad ng mga Hapones: Nagtatag din ang mga Hapones ng mga samahan sa mga komunidad para sa mas mabilis na pamamahala. Ito ay binubuo ng lima hanggang sampung pamilya sa isang komunidad. Layunin nilang panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang komunidad. Tungkulin din nilang mag-ulat sa mga awtoridad kung may kahina-hinalang mga taong naglalagi sa kanilang lugar. Mga Patakarang Ipinatupad ng mga Hapones: December 30, 1942- ay itinatag ng mga Hapones ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI) ✓ Naging behikulo ng mga Hapones ang KALIBAPI para maipatupad ang mga pagbabagong pampolitika sa bansa. Makabayang Katipunan ng mga Pilipino (MAKAPILI): Layunin nitong suportahan ang mga sundalong Hapones sa pakikipaglaban. ginamit ang salitang makapili para tukuyin ang mga Pilipinong ipinagkanulo sa mga Hapones ang mga miyembro o pinaghihinalaang miyembro ng kilusang gerilya. Mickey Mouse Money Ito ang panunuyang itinawag sa panibagong serye ng salaping papel na ipinalit ng mga Hapones sa pananalapi ng Pilipinas. Pagsapit ng 1943 ay tuluyang bumulusok pababa ang halaga ng salaping ito bunsod ng implasyon o ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa kakulangan ng suplay. Dahil dito ay naging karaniwang tanawin na noon ang pagdadala ng mga bayong na may lamang salapi para ipambayad sa mga pinamili sa palengke. Ang mga kadahilanang ito ang nagbunsod para tawagin ng mga Pilipino ang salaping ito bilang Mickey Mouse Money na ang nais ipahiwatig ay isang laruang pera na walang tunay na halaga. ‘buy-and-sell ito ay uri ng pagnenegosyo na ang isang tao ay bumibili ng mga napaglumaan o ninakaw na gamit para ibenta sa mas mataas na halaga ng panahon ng mga Hapones Ang Pamahalaang Pilipino noong Panahon ng mga Hapones Hunyo 23, 1943, inatasan silang pumili ng 20 miyembro ng Preparatory Commission na babalangkas ng bagong saligang batas. Natapos ang bagong saligang batas noong ika-4 ng Setyembre 1943 at pagkaraan ng ilang araw ay niratipika o pinagtibay agad ito ng mga miyembro ng KALIBAPI. Itinatakda nito ang malawak na kapangyarihan ng pangulo at nakabatay sa mga probisyon ng Saligang Batas ng 1935. Jose P. Laurel ang naging pangulo ng bagong republika ng Pilipinas. Itinatag na ang National Assembly na magiging sangay lehislatura ng republika. Ito ay mayroong 108 miyembro na ang kalahati ay inihalal samantalang ang isa pang kalahati ay binubuo ng gobernador at alkalde ng bansa. Benigno Aquino Sr. ang nahalal bilang bagong ispiker ng asamblea. Pormal na pinasinayaan ang bagong Republika noong ika-14 ng Oktubre 1943. Dito rin ay inanunsyo ng mga Hapones ng Japan ang pagtatapos ng batas militar sa bansa Ang Pamumuno ni Jose P. Laurel Ang isa sa mga mithiin ni Pangulong Laurel ay pag-isahin ang mga Pilipino. Naniniwala siyang kapag nagkakaisa ang mga Pilipino sa ilalim ng kaniyang pamumuno, mas kaya nilang labanan ang impluwensiya ng mga Hapones at mas magiging tunay na malaya ang bansa. Ang kaniyang programa at patakaran ay nakatuon sa pagtugon sa mga suliranin ng mga Pilipino na dulot ng digmaan Programa ni Pangulong Laurel ✓ Bigasang Bayan (BIBA) at ✓ National Distribution Corporation (NADISCO) Layunin ng mga programang ito na itaas ang produksiyon ng bigas at gulay upang matugunan ang kakapusan ng suplay ✓ Nagtayo rin ng community kitchens sa iba’ t ibang panig ng Maynila para sa mga nagugutom. ✓ Nagkaroon ng programang amnestiya para sa mga dating gerilya. “puppet republic” o isang huwad na pamahalaan dahil ang mga Hapones pa rin ang nasusunod sa bansa. Ang Pagpapatuloy ng Pakikipaglaban: Ang ibang pangkat naman ay lumaban sa mga Hapones gamit ang taktikang gerilya. Isa sa mga kilalang pangkat na nagsagawa nito ay ang Hunters ROTC Group. Grupo ito ng kalalakihan na nagkaroon ng pagsasanay militar sa pamamagitan ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) noong bago pa dumating ang mga Hapones. Pinamunuan ito nina Miguel Ver, Col. Hugh Straughn, at Eleuterio Adevoso na kilala sa alyas na Terry Magtanggol Dalubwi Hukbong Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP: (Marso 29, 1942) isa pa sa pinakamahahalagang organisasyon ng mga gerilya nakabase sa Gitnang Luzon. nagmula sa mga miyembro ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) na tinayo ni Crisanto Evangelista at ng Socialist Party ni Pedro Abad Santos na binuo noong panahon ng Komonwelt. Ang ilan sa mga prominenteng miyembro nito ay sina Luis Taruc, Casto Alejandrino, Felipa Culala, at Bernardo Poblete. Ang Pagwawakas ng Digmaan Noong 1944 o halos dalawang taon mula nang lisanin ni Heneral Douglas MacArthur ang Pilipinas, inumpisahan na niya ang kaniyang planong palayain ang mga Pilipino mula sa mga Hapones People of the Philippines, I have returned!” - Heneral Douglas MacArthur Ang plano ni Heneral MacArthur ay dumaong sa Leyte ang mga puwersang Amerikano at doon simulan ang pakikipaglaban sa mga puwersang Hapones. Mahalaga ang Leyte dahil maaari nila itong gamitin bilang baseng panghimpapawid bukod pa sa pagiging at estratehiko ng lokasyon nito para madaling malusob ang mga Hapones na nasa iba’t ibang panig ng bansa. People of the Philippines, I have returned!” - Heneral Douglas MacArthur Oktubre 20, 1944- dumating na ang puwersang militar na mga Amerikano sa pangunguna nina Heneral MacArthur at bagong Pangulong Sergio Osmeña ng Komonwelt na humalili kay Manuel Quezon.- Bilang tugon ay nagpadala ng puwersang militar ang mga Hapones sa Leyte upang pigilan ang pag-abante ng mga Amerikano sa iba pang bahagi ng bansa. Dito naganap ang pinakamalaking labanang pandagat ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Battle of Leyte Gulf. Nagresulta ito ng matinding pagkatalo ng mga Hapones. Dahil sa pagkatalo ng kanilang hukbong dagat, naisip ng mga Hapones na magsagawa ng mga pag-atakeng kamikaze para pabagsakin ang mga barko ng mga Amerikano. Ang kamikaze ay isang paraan ng pag- atake na sadyang pababagsakin ng mga pilotong Hapones ang kanilang mga eroplano sa mga barkong Amerikano. Maraming barkong Amerikano ang nawasak sa estratehiyang ito ngunit hindi pa rin ito sumapat para maipanalo ng mga Hapones ang digmaan. Ang dalawa pang lugar na estratehiko para sa mga puwersang Amerikano ay ang Mindoro at Lingayen. Ang Mindoro ay mahalaga para makontrol ang karagatan ng Kabisayaan at ito rin ay magsisilbing baseng panghimpapawid ng mga Amerikano. Sa kabilang banda, mahalagang makarating ang mga puwersang Amerikano sa Lingayen, Pangasinan upang maging lunsaran ng mga pag-atakeng gagawin ng mga puwersang Amerikano sa mga Hapones sa Luzon. Noong ika-15 ng Disyembre 1944 ay nakadaong sa Mindoro ang mga Amerikano at noong ika-9 ng Enero 1945 sa Lingayen. Batid ni Heneral Tomoyuki Yamashita, pinuno ng hukbong Hapones sa Pilipinas, na wala silang sapat na kakayahan para protektahan ang buong Luzon laban sa mga Amerikano. Kaya pinaatras niya ang kaniyang hukbo sa mga kabundukan ng Luzon para pahabain ang mga labanan. Noong Disyembre 1944 pa lamang ay inalis na niya si Pangulong Laurel at ang mga gabinete nito sa Maynila. Natagalan si Heneral MacArthur sa pagdating ng puwersang Amerikano na magpapalaya sa Maynila kaya naman nagdesisyon siyang magpadala rito ng panibagong puwersang militar mula sa Nasugbu, Batangas na lulusob. Mahalagang tandaan na katuwang ng mga sundalong Amerikano ang mga Pilipinong gerilya sa pakikipaglaban sa mga Hapones. Dalubwi May mga pagkakataong kasama ang mga Pilipino ng mga Amerikano sa mga operasyon ngunit may mga pagkakataon din na may sarili silang opensibang militar. Nauna na rito ay idineklara na ni Pangulong Sergio Osmeña ang mga gerilya bilang bahagi ng hukbong sandatahan ng Komonwelt. Dalubwi Pebrero 3, 1945- pinasok ng pinagsanib na puwersa ng mga Amerikano at gerilya ang Maynila at nag-umpisa ang isang mahabang labanan. Kumbinsido ang mga Hapones na kailangan nilang ipagtanggol ang Maynila hanggang kamatayan. Hulyo 1, 1945- dineklara ni Heneral MacArthur ang pagtatapos ng mga operasyong militar sa katimugang Pilipinas Hulyo 4, 1945- ay itinigil na rin ang mga operasyong militar sa Luzon. Nanatili pa rin ang puwersa ni Heneral Yamashita sa hilagang Luzon ngunit hindi na ito itinuturing na malaking banta ng mga Amerikano. Itinuon na ng mga Amerikano sa bansa ang kanilang atensiyon para sa gagawing paglusob sa Japan na nakatakda sa Nobyembre 1945. Agosto 6, 1945-pinasabugan ng mga puwersang Amerikano ang Lungsod Hiroshima ng kauna-unahang bomba atomika Nagdulot ito ng malaking pinsalang hindi pa nasaksihan ng mundo. Pagkaraan ng tatlong araw ay ang Lungsod Nagasaki naman ang pinasabugan ng bomba atomika. Sinakop na rin ng mga Ruso ang Manchuria, Tsina na sinakop ng mga Hapones. Ang mga pangyayaring ito ang nagdulot ng pagsuko ng Japan noong ika-15 ng Agosto 1945. Pormal na nilagdaan ang kasunduan ng pagsuko ng mga Hapones sa barkong Missouri sa baybayin ng Tokyo noong ika-2 ng Setyembre 1945. Kinabukasan ay sumuko na rin si Heneral Yamashita at ang buong puwersang Hapones sa Pilipinas. Ito na ang hudyat ng pagtatapos ng pananakop ng mga Hapones. Thank you THANK YOU Thank you Sagot Linangin Lakbayin Tuklasin Layuinin Aralin 9