Lecture 2.3: Ang Pagbabago sa Moralidad ng mga Estudyanteng Koreano (PRESENTATION)

Summary

This presentation discusses the changes in the morality of Korean students, influenced by trends like modernization and globalization.  It explores the impact of Confucianism on family values and societal structures, highlighting both traditional and evolving perspectives.

Full Transcript

Base sa mga larawan na inyong nakikita saang bansa ninyo matatagpuan ang mga ito? Ang tradisyon at paniniwala ng ating lahing kinabibilangan ang ilan sa humuhubog sa ating pagkatao. Na kung minsan ay ang siyang nagbibigay gabay sa atin sa pangaraw- araw na buhay. Ito ay nagsisilbi...

Base sa mga larawan na inyong nakikita saang bansa ninyo matatagpuan ang mga ito? Ang tradisyon at paniniwala ng ating lahing kinabibilangan ang ilan sa humuhubog sa ating pagkatao. Na kung minsan ay ang siyang nagbibigay gabay sa atin sa pangaraw- araw na buhay. Ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan o ang kaibahan ng isang lahi mula sa iba. 2 Ngunit, dulot nang modernisasyon at globalisasyon ay marami ang nagbago sa ating lipunan. Masasabi natin na dahil dito ay naimpluwensyahan ang ating kultura. At ang una sa mga yumakap ng mga ganitong pagbabago ay ang mga kabataan. Ganito rin ang mga kabataang Koreano. 3 Ito ang isa sa suliranin na kinakaharap ng kanilang lipunan. Marami sa kabataang Koreano ang unti-unting nakakalimot at lumalayo sa mga nakagisnan nilang tradisyon at kultura. Ano-ano ang mga pagbabago na ito? 4 Ang Pagbabago sa Moralidad ng mga Estudyanteng Koreano ni Kim T’ae-gil Ang Pagbabago sa Moralidad ng mga Estudyanteng Koreano Malaki ang impluwensya ng Confucianismo sa kinagisnang pag- uugali ng Korea ukol sa pamilya. Pero para sa mga estudyante ay dapat lang na magkaroon ng pagbabago dahil hindi na ito angkop at napaglipasan na ng panahon. 6 Pero ito ay kabalintunaan ng lumabas sa survey na kanilang isinagawa. Lumalabas na niniwala pa rin sila sa pagiging konserbatibo at patuloy na naniniwala sa Confucianismo. Hindi naman nila tinututulan ang mga tungkulin nila sa kaniang pamilya at kailanman ay hindi tatalikuran ang kanilang obligasyon sa pamilya. 7 May paniniwala at kaugalian na patuloy na susuportahan ng anak ang kaniyang mga magulang hanggang sa pagtanda niya. At kahit pa ang anak mismo ay may sarili ng pamilya. Higit daw na pinangangalagaan ng mga anak ang magulang kaysa sa sariling asawa at anak. Sa ngayon, inaakala ng mga kabataang Koreano na nagagampanan pa nila ang obligasyon nila ngunit ipinapakita na hindi na. 8 Sumasang-ayon pa rin ang mga estudyanteng Koreano sa mga pag-uugali o tradisyon na ganito. Ngunit dapat lamang daw na alisin na ang mga di-praktikal na paniniwala. Gaya na lamang ng pagkakaroon ng anak na lalaki. Tutol ang mga estudyanteng Koreano dito dahil hindi naman daw ito pagtalikod o pagsalungat sa obligasyon sa pamilya. 9 Ang desisyon na ito ay marapat daw na ibigay na sa mag-asawa. Sa Korea, kapag ang isang anak na lalaki ay nagkaroon na ng sariling pamilya kailangan na siya ay magkaroon din ng anak na lalaki. Kung hindi, ito ay taliwas na sa kaniyang tungkuling pampamilya. 10 Naniniwala din ang Confucianismo sa hirarkiya. Isa dito ang paniniwalang mas mababa ang mga babae kaysa sa mga lalaki. Na mas mataas ang kalagayan ng ama at anak na lalaki kumpara sa ina at anak na babae. Pero sa kasalukuyang panahon ay may pantay na pagtingin na sa mga babae at lalaki. 11 Ang seremonya naman sa paglilibing ay gusto nang itigil ng mga estudyanteng Koreano. O gusto nilang paikliin ang tradisyonal na “tatlong-taong pagluluksa”. Dahil para sa kanila ang kamatayan ng mga magulang ay resulta ng pagkakasala ng mga anak. Dahil dito ay ipinapakita na ang mga estudyante ay nagiging lohikal na sa pagiisip. 12 Isa pa sa impluwensiya ng Confucianismo at Budismo ay ang higit na pagkilala at pagpapahalaga sa espiritwal kaysa mga materyal o pisikal na paniniwala. Mas mabuti na magkaroon ng magandang karakter, kaalaman at kagandahang-asal kaysa maging bihasa lamang sa iisang larangan. Naniniwala din sila na kahit pa makaranas sila ng gutom ay pahahalagahan nila ang mga espiritwal na bagay, magiging matapat at makatarungan. 13 Ang kanilang konsepto ng isang matagumpay na tao ay ang pagiging mayaman sa kaalaman at may integridad kaysa sa mga taong nagpapakasasa sa kayamanan at kapangyarihan pero salat naman sa karakter at kaalaman. Noon ay bawal makipagkaibigan ang mga lalaking estudynte sa mga babae. 14 Dahil dito ay masasabi na nais ng mga estudyanteng Koreano na makalaya na sa ganitong mga tradisyon pero kalayaan na hindi tuluyang pagtalikod sa kinagisnan nilang tradisyon. Dahil sa ideolohiyang political ng confucianismo, pinahihintulutan na ang diktaturyang may mabuting intensiyon. Ngunit duda dito ang mga estudyanteng Koreano dahil naghahatid lamang daw ito ng pagdurusa. 15 Mas aktibo ang mga estudyanteng Koreano pagdating sa katarungan. Dahil sa kagustuhan nilang matamo ang tunay na demokrasya. Dahil dito naging aktibo sila sa pagpuna sa pamahalaan at ang partisipasyon nila sa lipunan. Bunga ng paniniwala na mas mahalaga ang espiritwal kaysa ang materyal na mga bagay. Mas naging rasyonal na sa pagkonsumo. 16 Ano ang natutunan niyo sa sanaysay na ating binasa? 17 Hindi masama ang sumabay sa makabagong panahon. Pero huwag pa rin kalilimutan ang iyong pagkakakilanlan. 18 Pagpapakahulugang Kontekstuwal Pagpapakahulugang Kontekstuwal K AHULUGAN paraan para Kontekstuwal matukoy ang ang tawag sa kahulugan ng mga paraan na ito. salitang ‘di lantad Nakabatay ang o ‘di hayagan ang kahulugan sa kahulugan pagkakagamit sa pangungusap. 20 Pagpapakahulugang Kontekstuwal H A L I M B AWA : Si Ken ay isang bugtong na anak ng kaniyag mga magulang kaya labis ang pag- aalaga nila sa kaniya. bugtong na anak - nag-iisang anak 21 GAWAIN sa AKLAT 4: Gawin ang pagpapakahulugang kontekstuwal sa pahina 204 letrang A 1-5 ng inyong aklat. 22 Ang Panitikan ng Korea ni Kim T’ae-gil Ang Panitikan ng Korea Ito ay sumasaklaw sa mga obra na isinulat ng mga Koreana na sa simula ay nasa klasikong Tsino. Sa una ay paggamit ng karakter na Tsino ang gamit ng Korea hanggang sa maging Hangul ang pambansang alpabeto ng Korea. Ang mga Koreano na nabibilang sa pinakamayayamang uri ay nakakapagsalita ng wika ng Korea at nakakapagsulat naman sa Tsino. 24 Ang Panitikan ng Korea Ang idu ang sistema na nagbigay ng pagkakataon sa mga Koreano na magsagawa ng pagsalin o pagsasatitik ng mga tekstong Tsino sa kanilang wika. Ang panitikang Koreano ay ahahati sa tatlong kategorya: mga akdang nasusulat sa sinaunang Sistema ng transkripsiyon, mga nassusulat sa Hangul, at mga nasususlat sa Tsino. 25 Sanaysay: Uri, Sangkap, at Bahagi Sanaysay: Uri, Sangkap, at Bahagi Para kay Alejandro G. Abadilla (AGA) ang sanaysay ay isang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. An salitang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita “sanay” at “pasalaysay”. Ito ay paglalahad ng kuro-kuro, damdmain, kaisipan, saloobin, reaksiyon, at iba pa ng mismong manunulat tungkol sa isang mahalaga, makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa isyu. 27 Sanaysay: Uri, Sangkap, at Bahagi Ang sanaysay ay may tatlong bahagi: panimula, katawan at wakas. Panimula ang pinakamahalagang bahagi sapagkat ito ang pumupukaw sa atensiyon ng mambabasa. Katawan ang tumatalakay sa mga ideya patungkol sa paksa. Wakas dito nagaganap ang kongklusyon sa paksang tinatalakay at nagsasara sa talakayang 28 Sanaysay: Uri, Sangkap, at Bahagi May dalawang uri ang sanaysay: maanyo o pormal at ang personal o di-pormal na sanaysay. Maanyo o pormal – tumatalakay sa isang hindi karaniwang paksa na nangangailangan ng matiyagang pag-aaral o pananaliksik. Personal o di-pormal – sanaysay na karaniwan ang paksa at hindi nangangailangan ng lubusang pag-aaral o pananaliksik, kadalasan ay tungkol sa karanasan ng manunulat. 29 Sanaysay: Uri, Sangkap, at Bahagi Mga sangkap ng sanaysay: tema o nilalaman, anyo at estruktura, wika at estilo. Tema o nilalaman – ito ang paksa batay sa layunin ng pagkakasulat o ang kaisipang ibinabahagi. Anyo at estruktura – ito ang nakakaapekto sa pagkaunawa ng mamabasa batay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. 30 Sanaysay: Uri, Sangkap, at Bahagi Wika at estilo – tumutukoy sa antas ng wikang ginagamit at estilo ng manunulat sa pagsulat. Mabuting gamitan ng simple, natural, at matapat na mga pahayag sa pagsasalaysay upang madaling naunawaan ng mambabasa ang akda. 31 TALUMPATI 32 Talumpati Ang pagtatalumpati ay ang masining na pagpapahayag ng kaisipan tungkol sa napapanahong isyu opaksa. Naglalayon na manghikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon, at maglahad ng isang paniniwala. 33 Pagbibigay ng Opinyon at Paninindigan 34 Pagbibigay ng Opinyon at Paninindigan Sa pagbibigay ng opinion may tinatawag na negatibo at positibong opinion. Positibong Opinyon – ito ay ginagamit sa pagsang-ayon sa isang usapin. 35 Pagbibigay ng Opinyon at Paninindigan Tama ang sinabi mo………… Sa palagay ko, totoong………. Iyan nga ang nararapat…………… Pareho tayo ng iniisip……………. Ganyan din ang palagay ko………… Sang-ayon ako………….. 36 Pagbibigay ng Opinyon at Paninindigan Halimbawa: 1. Sa palagay ko, totoong mahirap manirahan sa ibang bansa. 2. Oo nga, sadyang kay hirap manirahan sa ibang bansa. 37 Pagbibigay ng Opinyon at Paninindigan Negatibong Opinyon – ito ay ginagamit sa pagsalungat sa isang usapin. Mabuti naman, ngunit……….. Ikinalulungkot ko sapagkat……. Hindi ako sang-ayon dahil…….. Nauunawaan kita, subalit…….. 38 Pagbibigay ng Opinyon at Paninindigan Halimbawa: 1. Nauunawaan kita, subalit kailangan maghanapbuhay sa iabng bansa upang maitaguyod ang aking pamilya. 2. Hindi totoong masarap manirahan sa ibang bansa. 39 Ang Korea at Pilipinas Ang Korea at Pilipinas Hindi maitatanggi na sa kasalukuyan ay sadyang nahuhumaling ang mga Pilipino sa mga palabas, musika, pagkain, at iba pang mga produkto mula sa Korea. Masasabi natin na talaga namang napukaw ng mga Koreano ang damdamin, isipan, at atensiyon ng mga Pilipino. 41 Ang Korea at Pilipinas Isa na nga sa malaking impluwensya ng mga Koreano ay ang K-drama na ipinalalabas sa telebisyon ng naka-dub na sa Filipino. Ang laman ng usapan ay mga bagong k- drama, mga Koreanong artista at mga KPOP groups. 42 Ang Korea at Pilipinas Bakit nga ba labis na nahilig ang mga Pilipino sa mga Koreanong palabas? Ito ay dahil hindi naman daw nagkakalayo ang panitkan ng Pilipinas at Korea. May malaking pagkakatulad ito sa tema. 43 Ang Korea at Pilipinas Ang kadalasang tema sa mga kdrama at telenovela sa Pilipinas ay mga kaugalian na tumatalakay sa pagmamahal sa pamilya, kapuwa at tungkol sa pag-ibig. Makikita din sa mga K-drama ang paggalang sa nakatatanda, pagmamalasakit, at paggawa ng kabutihan sa kapuwa ar pagmamahal sa pamilya. 44 Ang Korea at Pilipinas Nakagiliwan din ng mga Pilipino na tangkilikin ang mga pagkain mula sa mga Koreano. Kahit pa sabihin na may kaanghangan ang mga pagkain nila, pumatok naman ito sa panlasa nating mga Pinoy. Isang mayaman na bansa ang Korea. At masasabi natin na mahal ng mga Koreano ang Pilipinas dahil sa taglay nitong likas na kagandahan. 45 Ang Korea at Pilipinas Hanga din ang mga Koreano sa kahusayan ng mga Pilipino sa pagiingles. 46 Maraming Salamat! 47

Use Quizgecko on...
Browser
Browser