Modyul 4: Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral - ESP 9
Document Details
Uploaded by QualifiedConnemara2521
Tags
Related
- Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 Past Paper PDF
- ESP Learners' Module - Family as a Foundation of Relationships - PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Unang Markahan, Modyul 1, PDF
- K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Framework PDF
- EsP 10 Q2 Modyul 2: Mapanagutan sa Sariling Kilos (PDF)
- EsP-10_Q1_Mod1-1 (2) PDF
Summary
Ang modyul na ito ay nagtatalakay sa mga batas na nakabatay sa likas na batas moral. Nakapaloob dito ang mga katanungan tungkol sa batayan at kahalagahan ng pagiging makatao. Ang modyul ay bahagi ng araling Edukasyon sa Pagpapakatao para sa ika-9 na baitang (ESP 9).
Full Transcript
## Modyul 4: Mga Batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral - Sa aralin na ito, maipamamalas mo ang pag-unawa sa mga batas na nakabatay sa likas na batas moral. At sa pagtatapos nito ay masasagot mo ang mahahalagang tanong na: - Ano ang batayan ng batas ng tao? - Bakit mahalaga ang maging m...
## Modyul 4: Mga Batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral - Sa aralin na ito, maipamamalas mo ang pag-unawa sa mga batas na nakabatay sa likas na batas moral. At sa pagtatapos nito ay masasagot mo ang mahahalagang tanong na: - Ano ang batayan ng batas ng tao? - Bakit mahalaga ang maging makatao? ### ANO ANG LIKAS NA BATAS MORAL? - Ito ay ibinigay sa tao dahil nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, may kakayahan siyang kilalanin ang mabuti sa masama. Ngunit may kakayahan din ang tao na gumawa ng mabuti o masama dahil sa kaniyang malayang kilos-loob. ### BAKIT MAY LIKAS NA BATAS MORAL? - Kaya may Likas na Batas Moral upang bigyang direksiyon ang pamumuhay ng tao. Sa kaniyang pagsunod sa batas moral, siya ay gumagawa ng mabuti at isinasabuhay ang makabuluhang pakikipagkapuwa. ### Mga Katangian ng Likas na Batas Moral: - **a. Obhektibo** - Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong katotohanan - ang Diyos. Ang katotohanan ay hindi nililikha; kaya hindi ito imbensiyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang ng tao. Pangkalahatang katotohanan ito na may makatuwirang pundasyon. Naaayon sa reyalidad ito at hindi nakabatay sa tao. - **b. Pangkalahatan (Unibersal)** - Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay dahil nakaukit ito sa kalikasan ng tao; kaya't ito ay nauunawaan ng lahat at ito ay katanggap-tanggap sa lahat ng tao. - **c. Walang Hanggan (Eternal)** - Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya't ang batas na sumasaklaw sa kanya ay permanente rin. Ito ay totoo kahit saan at kahit kailan. - **d. Di nagbabago (Immutable)** - Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man). Maging ang layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa lahat. ## ISAISIP: Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao dahil nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, may kakayahan siyang kilalanin ang mabuti sa masama. Ngunit may kakayahan din ang tao na gumawa ng mabuti o masama dahil sa kaniyang malayang kilos-loob. ## Ang Kaisa-isang Batas: Maging Makatao Iba-iba man ang pormula ng likas na batas moral, tinuturo nito ay isa lamang: hindi ko kakasangkapanin ang tao. Na ituturing ko bilang may pinakamataas na halaga ang tao. Na gagawin ko ang lahat upang ingatan at payabungin ang tao. Anumang kalagayan kasadlakan ng tao, isa ang babalikan natin: ang huwag manakit. Nagsasalubungan ang mabuti at tama sa prinsipyo ng pag-iwas sa pananakit sa tao. Na ang pinakamahalaga at pinakamabuting dapat gawin ay ingatan ang tao. ### Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Ano ang ibig sabihin nito? Na likas sa atin na maging makatao (panig sa tao): ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninuman. Ang lumabag dito ay lumalabag din sa sarili niyang kalikasan. ## Lahat ng Batas: Para sa Tao - Dito nakaangkla ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human Rights) ng mga Nagkakaisang Bansa (United Nations). Hindi ito nilikha o inimbento o pinagsang-ayunan lamang ng mga bansa dahil magandang pakinggan na kunwari may dignidad ang tao. ## Likas na Batas Moral: Batayan ng mga Batas ng Tao Hindi perpekto ang mga batas. Subalit, muli, babalik tayo sa depinisyon ng mabuti - sapat na ang laging pagtingin sa kabutihan at ang pagsisikap na matupad ito. Ang likas na batas moral ay hindi instruction manual. Hindi ito isang malinaw na utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba't ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang makita ang halaga ng tao. ## GAWAIN 2 Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan at isulat ang sagot sa 1/2 na papel. 1. Ano ang layunin ng batas? 2. Sino ang tuon ng batas? 3. Bakit kailangang sundin ang batas? 4. Ano ang epekto sa tao ng hindi pagsunod dito? 5. Anong batas ang batayan ng lahat ng batas na binuo ng tao?