ESP Learners' Module - Family as a Foundation of Relationships - PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2013
Tags
Related
- RIZAL UNIT2 - FAMILY CHILDHOOD EARLY EDUCATION PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan, Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa - PDF
- Jose Rizal's Early Life and Family (Ancestry to Ateneo)
- Christian Living Education 12: Marriage and Family Handbook PDF
- Paper 2 Themes Revision Guide PDF
- BABI Past Paper PDF
Summary
This learner's module for the subject of Education for Values (Edukasyon sa Pagpapapakatao) centers on the family as the foundation for developing positive relationships with others. It explores how family life can foster empathy, cooperation, and mutual support, and delves into the importance of strong family bonds for a thriving society. It presents activities and questions for introspection on family dynamics and values.
Full Transcript
8 Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Ang mga modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro...
8 Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Ang mga modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran sinuri ng mga edukador mula sangmga Edukasyon publiko at pribadong paaralan, Republika kolehiyo, at / o unibersidad. ng Pilipinas Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. i Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, 2013 ISBN: 978-971-9990-80-2 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph. D. Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral Mga Manunulat: Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S. Lagarde, Marivic R. Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T. Paras Mga Konsultant: Fe A. Hidalgo, Ph. D. at Manuel B. Dy, Ph. D. Gumuhit ng mga Larawan: Jason O. Villena Naglayout: Lemuel C. Valles Editor at Subject Specialist: Luisita B. Peralta Management Team: Lolita M. Andrada, Ph. D, Joyce DR. Andaya, Bella O. Mariñas, at Jose D. Tuguinayo, Jr., Ph. D. Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Publishing House, Inc. Department of Education - Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) nd Office Address: 2 Floor Dorm G, Philsports Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: [email protected] ii TALAAN NG NILALAMAN Yunit I – Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa ………………………….... 1 Modyul 1: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon 1 Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya, at Paghubog ng Pananampalataya ……..... 29 Modyul 3: Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya ……………… 53 Modyul 4: Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya …………………………………... 75 Yunit II – Ang Pakikipagkapwa ………………………….. 103 Modyul 5: Ang Pakikipagkapwa ……………………….. 104 Modyul 6: Ang Pakikipagkaibigan ……………………... 137 Modyul 7: Emosyon ……………………………………. 166 Modyul 8: Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod ……………………. 195 Yunit III – Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa …………………………... 227 Modyul 9: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa ……………………………………. 227 Modyul 10: Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda, at may Awtoridad 256 Modyul 11: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa …………… 290 Modyul 12: Katapatan sa Salita at Gawa ……………… 314 Yunit IV – Mga Isyu sa Pakikipagkapwa ……………….. 335 Modyul 13: Ang Sekswalidad ng Tao ………………….. 335 Modyul 14: Karahasan sa Paaralan ……………………. 367 Modyul 15: Agwat Teknolohikal ………………………… 401 Modyul 16: Epekto ng Migrasyon sa Pamilyang Pilipino ………………………………………. 433 iii iv Yunit I Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa Modyul 1: ANG PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? Usapang pamilya naman tayo! Noong nagdaang taon ay naging malalim ang pagtalakay tungkol sa sarili at dumaan ka sa mahabang proseso ng pagkilala at pagpapaunlad ng iyong pagkatao. Inaasahan na sa pagkakataong ito ay handa ka nang lumabas sa iyong sarili at ituon naman ang iyong panahon sa mga tao sa iyong paligid – ang iyong kapwa. Sa pagkakataong ito, pag-usapan naman natin ang pinakamalapit mong kapwa… ang iyong PAMILYA. Kagiliw-giliw pag-usapan ang tungkol sa pamilya. Bilang isang Pilipino, alam kong may malaking puwang sa iyong isip at puso ang iyong pamilya. Ngunit sapat na nga kaya ang pagkakakilala at pag-unawa mo sa tunay na saysay ng pamilya sa iyong sarili at sa lipunan? Paano maiuugnay ang pamilya bilang likas na institusyon sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa? Tutulungan ka ng modyul na ito upang masagot mo ang mga tanong na ito. Pagkatapos ng iyong paglalakbay sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit itinuturing na natural na institusyon ang pamilya? Handa ka na ba? Halika na! Sabay tayong maglakbay patungo sa kaibuturan ng ating pamilya. 1 Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: a. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensya sa sarili b. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan at pagtutulungan sa isang pamilyang nakasama, namasid, o napanood c. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin d. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput sa titik d: 1. May nabuong mga hakbang, katuwang ang mga kasapi ng pamilya, sa pagsasagawa ng mga angkop na kilos na makatutulong sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya 2. May mga kalakip na patunay sa isinagawang pag-uusap sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya 3. May nagawang family log na magsisilbing talaan ng mga karanasan sa pamilya sa pagsasabuhay ng mga hakbang sa pagpapaunlad at pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya Paunang Pagtataya Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. 1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan? a. paaralan c. pamahalaan b. pamilya d. barangay 2 2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan? a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan. b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya. c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay. d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa. 3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas? a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa pamilya. c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa iskwela. d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak. 4. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito? a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan. b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan. c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan. d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan. 5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito? a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao. 3 b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba. c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa. d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata. 6. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya? a. Pinagsama ng kasal ang magulang b. Pagkakaroon ng mga anak c. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan d. mga patakaran sa pamilya 7. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan? a. Buo at matatag b. May disiplina ang bawat isa c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman 8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)? a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak. b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa. c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan. d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay. 4 9. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya? a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya. b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya. c. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya. d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa. 10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.” Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay? a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa tao. b. Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema. c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Gawain 1 May nakapagtanong na ba sa iyo kung ano ang iyong pananaw tungkol sa pamilya? Marahil sasang-ayon ka na magkakaiba ang pananaw ng mga tao tungkol dito. Sa pagkakataong ito, magandang maisalarawan ang iyong pamilya. Panuto: 1. Gamitin ang pagkamalikhain sa paglalarawan ng iyong pananaw tungkol sa pamilya. Maaaring gawin ang sumusunod: a. Gumuhit o di kaya ay gumupit ng mga larawan na maaaring magamit sa paglalarawan. b. Pumili ng isang awit na tutugma sa sariling paglalarawan. 5 c. Sumulat ng tula. d. Lumikha ng isang slideshow, atbp. 2. Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na tanong sa pagsasagawa ng gawain: a. Paano mo ilalarawan ang isang pamilya? b. Ano ang kahulugan o kabuluhan ng pamilya para sa iyo? 3. Maaaring lakipan ng maikling paliwanag ang ginawang paglalarawan. 4. Matapos ang gawain ay ibahagi ang ginawa sa isang kaibigan o kapamilya. Maaari din itong i-share sa facebook. 5. Gumawa ng ulat mula sa ginawang pagbabahagi sa sariling kuwaderno. 6. Matapos ito ay sagutin ang sumusunod na tanong sa kuwaderno: a. Anong isang salita ang maaari mong gamiting paglalarawan sa pamilya? Bakit mo napili ang salitang ito? b. Anong karanasan sa pamilya ang nagbunsod sa iyo upang magkaroon ng ganitong pananaw tungkol sa pamilya? c. Anong mahalagang mensahe ang nais mong ipaabot sa iyong sariling pamilya? Gawain 2 Bawat kasapi ng pamilya ay may bahaging ginagampanan. Madalas nga lamang ay hindi na nabibigyang-pansin sa isang pamilya ang kontribusyon ng bawat isa, maliit man ito o malaki. Sa pagkakataong ito ay maglalaan ka ng panahon upang isa-isahin ang mga naiiambag ng mga kasapi ng iyong sariling pamilya para sa iyong sarili, para sa mga kapwa kasapi ng pamilya, para sa buong pamilya, at maging para sa pamayanan. Panuto: 1. Gumuhit ng isang bahay na nagpapakita ng mahahalagang bahagi nito. 6 2. Gamitin ang istruktura ng bahay ang ilang kagamitan na naririto upang ilarawan mo ang bawat kasapi ng iyong pamilya at ang mahahalagang kontribusyon nila sa iyo, sa iba pang kasapi ng pamilya, o sa buong pamilya. Halimbawa: Ang aking AMA at INA ang haligi ng Ang aking KUYA at ATE ay aming tahanan dahil _____________ maihahalintulad ko sa PADER ng ______________________________ aming tahanan dahil ______________________________ ______________________________ ______________________________ 3. Tiyakin na mailalarawan mo ang lahat ng kasapi ng pamilya at ang iyong sarili. 4. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno. 5. Matapos ito ay humanap ng isa pang kapwa mo mag-aaral o kaibigan na pagbabahaginan mo ng iyong ginawa. 7 Maaaring makatulong sa iyo ang mga ito sa isasagawang pagbabahagi: a. Tiyaking tunay na mapagkakatiwalaan ang taong pagbabahaginan. b. Ipaliwanag sa mga taong pagbabahaginan ang mahalagang layunin ng gawain. c. Ibahagi sa kaniya o sa kanila ang nilalaman ng gawain at maging bukas sa paghimok sa kanilang isagawa ang katulad na gawain upang makapagbahaginan. d. Ipaliwanag isa-isa ang mga simbolo at at ang mga dahilan sa pagpili nito. e. Maging bukas sa pagsagot ng mga tanong at sa pagpapalawak ng pagpapaliwanag kung kinakailangan. f. Maging mulat sa paglalagay ng hangganan sa mga impormasyong ibabahagi tungkol sa pamilya. 6. Itala sa iyong kuwaderno ang mahahalagang pangyayari na naganap sa iyong ginawang pagbabahagi. 7. Matapos ito ay sagutin ang sumusunod na tanong: a. Ano ang iyong mga natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag. b. Bakit mahalagang magampanan ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang gampanin? Ipaliwanag. c. Paano mo napahahalagahan ang kontribusyon ng bawat kasapi ng iyong pamilya sa iyo at sa iyong pamilya? d. Anong mga katangian ang taglay mo ngayon ang impluwensya ng iyong pamilya? Ilarawan. C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA Gawain: Ako ay AKO dahil sa Aking Pamilya Panuto: 1. Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya na iyong nakapulutan ng aral o nagkaroon ng positibong impluwensya sa iyong sarili. 8 2. Suriin mo rin kung paano ka inihanda o inihahanda ng iyong pamilya sa mas malaking mundo ng pakikipagkapwa. Isa-isang itala sa iyong kuwaderno ang lahat ng mahahalagang reyalisasyon mo tungkol dito. 3. Mas magiging makabuluhan kung lilikha ng isang photo journal sa computer gamit ang moviemaker o powerpoint. Maaari ding gumupit ng mga larawan mula sa lumang magasin at gamitin ang mga ito upang ipahayag ang bunga ng ginawang pagsusuri. 4. Matapos ang gawain na ito ay sagutin ang sumusunod na tanong: a. Ano ang iyong naging damdamin sa pagsasagawa ng gawaing ito? b. Ano ang mahalagang reyalisasyon na iyong nakuha mula sa gawaing ito? c. Bakit mahalagang maglaan ng panahon upang suriin ang iyong ugnayan sa iyong pamilya? Ipaliwanag. d. Ano ang ibinibigay ng pamilya na tunay na nakatutulong sa isang indibidwal upang mapaunlad ang kaniyang sarili tungo sa pakikipagkapwa? Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba: (Maaaring makatulong ang mga hakbang sa paggawa nito gamit ang teknolohiya na matatagpuan sa website na ito: http://digitalwriting101.net/content/how-to-use- windows-moviemaker-to-compose-a-photo-essay/. Kung magpapasiyang gawin ito gamit ang computer, i-upload ang photo journal sa youtube o sa facebook.) May inihandang ilang halimbawa para sa iyo sa ibaba: Mula pagkabata, alam ko kung gaano kasarap sa pakiramdam ang palagiang paggabay ng aking mga magulang; kaya alam kong matutuwa rin ang ibang taong gagawaan ko ng ganito. 9 Sa bawat pagkakataon na kami ay nagkakasama sa hapag-kainan na nagdarasal bago kumain, sa silid bago matulog o sa sambahan tuwing linggo, naturuan akong maging mapagpasalamat sa kahit na maliit na biyaya mula sa Diyos at sa aking kapwa. Sa mga pagkakataon sa hapag- kainan na kami ay pinahihinto ng aming ina upang ipakita na kami’y pinagpala dahil may pagkain sa aming hapag. Natutuhan kong magpasalamat sa pamamagitan ng pagbibigay at pagtulong sa aking kapwa. Sa bawat pagkakataon na ako ay napagagalitan, napagtanto ko na mas marami dito ay dahil sa kanila ring pag-aalala para sa akin, para sa aking kabutihan upang mahubog ako bilang isang mabuting tao. 10 D. PAGPAPALALIM Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon Madalas mo siguro makita ang ganitong sticker sa likod ng mga sasakyan. Siguro noong una mo itong nakita ay nasabi mo ring, “Wow, ang cute naman.” Naisip mo rin ba na kapag nagkaroon ka ng sariling sasakyan ay lalagyan mo rin ng katulad na larawan o sticker. Ngunit kung susuriin, matutuwa kang isipin na ito ay isang simpleng patunay sa patuloy na pagpapahalaga ng Pilipino sa pamilya. Ang paksa tungkol sa pamilya marahil ang pinakanakapupukaw ng interes na pag-usapan sa mas maraming pagkakataon, masaya man ito o minsan ay malungkot. Nakalulugod pag-usapan ang masasayang alaala sa pagkakataon na nagsasama-sama ang pamilya, halimbawa sa pamamasyal sa ibang lugar o ang simpleng masayang usapan at biruan sa hapag-kainan habang kumakain ng Madalas marahil, ganito ang naririnig hapunan. Likas na yata na ang unang mong mga usapan ng mga nakatatanda o maging ng mga kapwa mo kabataan… tinatanong kapag nagkita ang dalawang magkaibigan pagkatapos ng mahabang Kumusta? Ang tagal nating di nagkita, o ano, panahon ay kung may asawa na ba siya at may asawa ka na ba? Ilan na ang kung ilan na ang kaniyang anak. Magiliw na anak mo? ibabahagi ang mga narating o nakamit ng Nakapagpatapos ka kaniyang mga anak, at marami pang iba. na naman ng isang Patunay ito na ang Pilipino ay likas na anak…. makapamilya. Kaya mahalagang maging Hay naku, late na ako Yan na ba umuwi kagabi, mas malalim ang pagkilala at pag-unawa, yung anak napagalitan tuloy ako ng mo? Ang nanay ko. lalo na ng isang kabataang katulad mo laki na ah. tungkol sa pamilya. Kasi katulad ng kahit na sino sa buong mundo, ikaw rin ay nagmula sa isang pamilya. 11 Ano nga ba ang pamilya? Ayon kay Pierangelo Alejo (2004), ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at romantikong pagmamahal - kapwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay, magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga magiging anak. Ayon pa rin sa kaniya, ang pamilya ay isang kongkretong pagpapahayag ng positibong aspekto ng pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob, at paggalang o pagsunod. Maaaring patuloy na nagkakaroon ng ebolusyon sa kahulugan ng pamilya ngunit isa ang mananatili, ang pamilya ay isang likas na institusyon. Bakit nga ba? Basahin mo at unawain sa ibaba ang pitong mahahalagang dahilan: Ang pamilya ay mayroong Ang pamilya ay pamayanan ng misyon na bantayan, ipakita, at mga tao (community of persons) ipadama ang pagmamahal. Ito ay na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay itinatag bilang isang malapit na ay nakabatay sa ugnayan. komunidad ng buhay at pagmamahal. Ang bawat partikular na gawain ng pamilya ay pagpapahayag at pagsasabuhay ng pangunahing misyon na ito. Kung walang pagmamahal, ang pamilya ay hindi matatawag na pamayanan ng mga tao. Hindi rin ito ganap na iiral, lalago, at hindi makakamit ng mga miyembro nito ang kaganapan. 12 Ang kapangyarihan ng pamilya bilang isang lipunan ay nakasalalay sa ugnayang umiiral dito. Mapangangalagaan ito ng mga batayang karapatan ng tao. Lumikha ang pamilya ng mga karapatang pantao upang suportahan ang bawat kasapi sa pagganap niya ng kaniyang mga tungkulin sa pamilya. Mahalagang mabigyang-tuon ang mabuti at malalim na ugnayan Ang pamilya ay itinatag sa pamilya upang magampanan nito ang kaniyang bilang isang malapit na komunidad ng buhay at tunay na layon, ang mapagyaman ito (pamilya) para pagmamahal. sa kapakinabangan hindi lamang ng mga kasapi nito kundi maging ng lipunan. Ang pamilya ay isang mabuting pangangailangan ng lipunan (necessary good for society); kaya’t kapag hindi ito iginalang, mapanira ang epekto nito sa lipunan sa kabuuan. Ngunit kailangan ding mabigyang-diin na ang lipunan ay umiiral para sa kapakanan ng mga pamilya at hindi ng kabaligtaran nito. Kung ang kabutihan ng pamilya ay napagyayaman, naitataguyod, at napangangalagaan ng lipunan, ang bawat kasapi nito ay nabibigyan ng pagkakataon na makamit ang kaniyang kaganapan sa isang maayos na kapaligiran na angkop para sa paghubog ng mga panlipunang birtud at pagpapahalaga. (De Torre, J., 1977) Nilikha ng Diyos ang tao bunga ng Kaniyang Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang pagmamahal at kasabay nito siya rin ay lalaki at babaeng tinawag upang magmahal; kaya’t likas ang nagpasiyang magpakasal at pagmamahal sa tao. Ang isang lalaki at magsama nang habambuhay. babae na nagpasiyang magpakasal at magsama habang buhay ay tumutugon sa tawag ng Diyos na magmahal. Ang pagpapakasal ng dalawang taong nagmamahalan ang magpapatibay sa isang pamilya – dito ipinakikita ang pagsasama ng buhay at pagmamahal, ang pagbibitiw ng mga pangako na nagpapatibay sa pagbibigay-halaga sa tao bilang tao at hindi isinasaalang-alang ang anumang mayroon ng isa. 13 Ang pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa (conjugal love) ay nakapagbibigay-buhay (dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak), kaya patungo ito sa pagmamahal ng magulang (paternal love). Nabuo ito dahil sa pagmamahal. Ito ang tanging “samahan” na di dapat piliin, ihalal, o iboto ang Mahal kita dahil mga namumuno; kinikilala rito ang pamumuno ng ama at ina. ikaw ay ikaw… Hindi rin kailangang manghikayat ng mga miyembro upang dumami ang mga kasapi nito. Likas na dumarami ang mga kasapi nito na bunga ng pagmamahalan. Ang ugnayan ng mga kasapi nito ay pinagtitibay ng pagmamahalan magkalayo man sila sa isa’t isa. Napananatili itong buo dahil sa bigkis ng pagmamahal. Ang isang kasapi ng pamilya na nalayo bunga ng pangingibang-bansa ay baon ang pagmamahal ng pamilya sa kaniyang pag-alis. Pinapawi ng mga larawan sa pitaka o sa ibabaw ng kaniyang mesa ang pangungulila. May mga pagsasakripisyong kailangang gawin na magbubunga ng pisikal na pagkakalayo ngunit hindi nito mapaglalayo ang kanilang diwa na nakatatak ang pangakong magsasama at magmamahalan habang buhay. Ang bawat isang sanggol na Ang pamilya ang una at ipinanganganak sa mundo sa bawat segundo pinakamahalagang yunit ng ay nagmumula sa isang pamilya. Dito unang lipunan. Ito ang pundasyon sumisibol ang bawat mamamayan na ng lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil sa magiging mahalagang bahagi ng lipunan, ang gampanin nitong magbigay- mga magiging kasapi ng iba’t ibang sektor ng buhay. lipunan. Ito ay dahil layunin ng pamilya ang pag-aanak at edukasyon ng mga anak. Ito ang dahilan kung bakit ang pamilya ang itinuturing na una at pinakamahalagang bahagi ng lipunan. Kaya mahalagang ito ay maayos na kilalanin at bigyan ng sapat na suporta ng lipunan. Sabi nga, walang lipunan kung walang pamilya. Kung hindi maayos ang pamilya, tiyak na hindi rin magiging maayos ang lipunan. Kung maayos ang lahat ng pamilya, tiyak na magiging matiwasay ang lipunan. Kaya nararapat lamang na magkaisa ang mga pamilya sa kanilang layunin na itaguyod ang kapakanan ng lipunan sa pamamagitan ng kolektibong 14 pagkilos tungo sa pagkamit ng mga nagkakaisang layunin. Mahalagang maging bukas ang pamilya sa kapwa pamilya at maayos na gampanan ng bawat kasapi nito ang kanilang tungkulin sa lipunan. Sa pamilya, binibigyang-halaga ang kasapi dahil sa pagiging tao niya, hindi dahil Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal. sa kaniyang kontribusyon o magagawa sa pamilya. Ang ugnayang dugo ang likas na dahilan kung bakit itinuturing ang kapamilya bilang parang sarili (another self), may dignidad at may karapatang mahalin dahil sa pagiging tao niya at hindi sa kung anong mayroon siya (halimbawa, kapangyarihan, kagandahan, o talento.) Hindi ito kumikilos batay sa prinsipyo ng paggamit lamang (principle of utility). Bilang natatanging miyembro ng pamilya, hindi siya basta pinapalitan kung hindi man niya magampanan nang maayos ang kaniyang pananagutan. Samantalang sa isang kompaniya o samahan, kung hindi tutupad sa kaniyang tungkulin ang isang kasapi maaari siyang palitan ng taong may higit na katangian at makagaganap ng nasabing pananagutan. Ito ay hindi maaaring gawin sa miyembro ng pamilya. Ang ama kung mawalan ng trabaho ay hindi puwedeng pagpasiyahan ng mag-iina na alisin na siya bilang ama. Siya pa rin ang ama at ang paggalang sa kaniya ay hindi mababawasan kung wala siyang trabaho. Ganoon din, hindi rin nababawasan ang kaniyang dignidad kung wala siyang trabaho. Kaya nga, kahit sa panahon ng materyalismo na kung saan pinahahalagahan ng ilan ang pakinabang na makukuha sa tao kaysa sa halaga niya bilang tao, dapat makintal sa isip ng bawat miyembro ng pamilya na bigyang-halaga ang kapamilya kahit hindi ito makatugon sa bawat inaasahan sa kaniya. Ito ay dahil umiiral sa pamilya ang pagmamahal na lubusan at walang hinihintay na kapalit (radical and unconditional love). Ang isang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng ina ay minamahal na ng kaniyang mga magulang kahit hindi pa nila nakikita ang kaniyang anyo – ang mensahe ng pagmamahal na ipinararating sa pamamagitan ng haplos; ang pag- aalaga sa kalusugan ng ina dahil alam na ito ay para rin sa kapakanan ng batang nasa sinapupunan; at ang pagtitiis sa matinding kirot bunga ng panganganak dahil alam na pagkatapos nito ay hindi maipaliwanag na kaligayahan dahil masisilayan na ang biyayang pinakahihintay – lahat ito ay dahil sa pagmamahal na hindi 15 nakabatay sa kaanyuan, katangian, at kakayahan. Ang bawat kasapi ng pamilya ay hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga, sila ay minamahal at tinatanggap dahil siya ay siya. Sa pamilya, ipinararanas sa tao kung paano mahalin upang ganap niyang matutuhan kung paano ang magmahal. Ito ang kauna-unahang lugar kung saan natututuhan ng tao ang tunay na kahulugan ng pagiging tao – ang isang tao na binibigyang halaga para sa kaniyang sariling kapakanan at nakakamit ang kaganapan sa pamamagitan lamang ng matapat na pag-aalay ng sarili para sa kapwa. Ang pamilya ang pinakaepektibong Ang pamilya ang una at paraan upang gawing makatao at mapagmahal hindi mapapalitang ang lipunan. May orihinal na kontribusyon ito paaralan para sa panlipunang buhay (the sa pagtatayo ng mundo, sa pamamagitan ng first and irreplaceable pangangalaga at pagtuturo ng mga school of social life). pagpapahalaga. Dito umuusbong ang mga panlipunang pagpapahalaga na nakatutulong sa pag-unlad ng lipunan. Una rito ang ugnayan (communion) at pakikibahagi na dapat umiiral sa araw-araw na buhay-pamilya. Nagagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving) ang ugnayan sa pagitan ng mga miyembro nito. Tatalikuran ng mundo ang isang tao dahil sa kaniyang pagkakasala ngunit mananatiling nakaalalay at naniniwala sa kaniya ang kaniyang pamilya – mananatili sa kaniyang tabi upang gabayan siyang baguhin ang kaniyang buhay. Halimbawa, nakahandang magsakripisyo ang mga magulang para sa pag-aaruga ng anak na may kapansanan, papasanin kung kinakailangan para maihatid siya sa paaralan. Ito ay dahil sa pagnanais ng mga magulang na matanggap ng anak ang anumang tinatamasa ng lahat ng batang katulad niya. Lahat ng ito ay malayang ibinibigay bunsod ng pagmamahal. 16 Ang paggalang at pagpapatatag ng dignidad ng bawat kasapi ng pamilya ang nagiging batayan upang ang malayang pagbibigay sa iba ay buong pusong tanggapin at magkaroon ng pagkakaisa. Iginagalang ng bawat isa ang dignidad ng kapwa miyembro, kaya’t ang malayang pagbibigay ay ipinakikita sa taos-pusong pagtanggap, paglilingkod, diyalogo, malalim na pagkakaisa, at pagtutulungan. Ang ganitong ugnayan na umiiral sa pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay, ang halimbawa at ugat ng mga ugnayan sa lipunan. Ang pakikitungo ng lalaki sa kaniyang maybahay, ang pag-aasikaso ng babae sa kaniyang asawa, at ang pagtrato ng ama o ng ina sa kaniyang mga anak ay pinag-uugatan ng iba’t ibang pagpapahalagang panlipunan. Ang pag-uunawaan na nakikita ng mga anak sa kanilang mga magulang ay magtuturo sa mga anak na maging malawak ang pag-unawa sa kaniyang kapwa. Kapag maayos ang samahan ng pamilya sa loob ng tahanan, mas magiging madali para sa isang anak na makitungo sa kaniyang kapwa, hindi siya mababalot ng takot o kawalang tiwala, bagkus laging mananaig ang pagmamahal na naitanim sa loob ng tahanan. Magandang halimbawa rito ay ”Sa aking mga magulang ay ang dating kalihim ng Kagawaran ng natutuhan ko ang pagmamalasakit sa Interyor at Pamahalaang Lokal na si kapwa, ang pagiging matipid, at ang Kalihim Jesse Robredo. Ang pamumuhay nang simple. Sa aking ama, natutuhan ko na ang panga- pagkamatay niya ang nagbukas sa ngalaga sa integridad ng aking maraming tao ng kaniyang pagiging pagkatao at ang karangalan ng halimbawa ng matapat na paglilingkod. pamilya ang pinakamahalaga sa lahat.” Winika niya sa isang panayam na mula -Dating Kalihim Jesse Robredo sa kaniyang mga magulang ay natutuhan niya ang pagmamalasakit sa kapwa, ang pagiging matipid, at ang pamumuhay nang simple. Sa kaniyang ama, natutuhan niya na ang pangangalaga sa integridad ng kaniyang pagkatao at ang karangalan ng pamilya ang pinakamahalaga sa lahat. Ang mga ito ay tungkulin ng lahat ng kasapi ng pamilya na isabuhay at ito ang naging gabay niya sa kaniyang panunungkulan. 17 Ang mga pagpapahalagang panlipunan na natutuhan sa tahanan ay gagamitin ng bata sa pakikitungo sa kaniyang kapwa. Kung gayon, magiging madali para sa kaniyang hanapin ang kaniyang kaganapan sa pamamagitan ng pakikipag- ugnayan sa iba. Makakamit ang kaganapan ng pagkatao kung kapwa maituturing ng mga tao ang isa’t isa bilang tao. Hindi nilikha ang pamilya May panlipunan at pampolitikal na para sa kapakanan ng mga gampanin ang pamilya. miyembro lamang. Mayroon itong tungkulin sa lipunan kung saan ito ay isang mahalagang bahagi. Una rito ang iba’t ibang paraan ng pagbubukas ng tahanan sa kapwa (hospitality) tulad ng pagpapakain sa nagugutom o pagbibigay ng baso ng tubig sa nauuhaw. Maaari din namang magbigay ng panahon upang alamin ang pangangailangan ng kapwa o kaya’y pagtulong sa pagtatayo ng bahay sa mga nasunugan o sa paglilipat sa mga binaha. Isang totoong kuwento na pinakamagandang halimbawa nito ang naibahagi ng isang pamilyang nakatira sa Malabon. Ayon sa kanilang ibinahaging karanasan: “Noong bagyong Ondoy, bumaha sa “Maaaring magkaroon kami ng aming lugar at umabot sa aming bahay. dahilan para malungkot sa dalawang Hanggang baywang na ang tubig sa loob nakalulunos na pangyayari, ngunit ng bahay at patuloy ang pagtaas ng tubig. mas nangingibabaw ang pagkalugod dahil sa dalawang pagkakataon Ang malakas at mabilis na agos ng tubig naramdaman namin ang ang nagtulak sa aming magpasiyang pagtanggap, pagmamalasakit, at lumipat ng bahay. Kasabay nito ay may pagmamahal ng mga pamilyang ginamit na instrumento ng Diyos lumapit na isang kakilala at inalok ang upang tugunan ang aming bahay nila upang aming tuluyan. Sa loob panalangin sa panahon ng ng tatlong araw, kinupkop nila ang aming pangangailangan.” pamilya. Nang maganap ang malakas na ulan bunga ng Habagat, naulit ang pangyayaring ito sa aming bahay. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi pa man kami nagpapasiyang umalis ng aming bahay, may dumating na isang kapitbahay at sinusundo kami upang patirahin sa kanilang tahanan. Sa loob ng apat na araw kami ay kinupkop ng isa na namang pamilya. 18 Maaaring magkaroon kami ng dahilan para malungkot sa dalawang nakalulunos na pangyayari, ngunit mas nangingibabaw ang pagkalugod dahil sa dalawang magkahiwalay na pagkakataon, naramdaman namin ang pagtanggap, pagmamalasakit, at pagmamahal ng mga pamilyang ginamit na instrumento ng Diyos upang tugunan ang aming panalangin sa panahon ng pangangailangan.” Kasama sa panlipunang tungkulin ng pamilya ang gampaning politikal tulad ng pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan – kung ang mga ito ay sumusuporta at ipinagtatanggol ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya. Kaya may pananagutan ang pamilya na baguhin ang lipunan sa pamamagitan ng pakikisangkot sa mga isyu at usapin – at hindi nakatuon sa kapakanan ng sariling pamilya lamang. Bukod sa pagkakaroon ng Mahalagang misyon ng pamilya ang anak, may pananagutan ang mga pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya, at magulang na gabayan ang anak paghubog ng pananampalataya. upang lumaki at umunlad ito sa mga pagpapahalaga at maisabuhay ang misyon ng Diyos para sa kaniya. Ang tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon ang bukod-tangi at pinakamahalagang gampanin ng mga magulang. Ito ay hindi mapapalitan (irreplaceable) at hindi mababago (inalienable) kaya’t hindi puwedeng ipaubaya o iasa ang tungkuling ito sa iba (tulad ng panganay o nakatatandang anak na nakasanayan na sa ilang pamilyang Pilipino). Kasama sa edukasyong ito ang pagsasanay ng mga anak sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga tulad ng simpleng pamumuhay, katarungan (sa pamamagitan ng paggalang sa dignidad ng kapwa), paggabay sa mabuting pagpapasiya, edukasyon sa pananampalataya, at pagpapaunlad nito. Ang mga pagpapahalagang maitatanim sa puso ng anak ang siyang magtuturo sa kaniya na maging maingat at maayos sa kaniyang mga pagpapasiya. Ngayong nahaharap sa mga negatibong impluwensya ang mga kabataan, mahalagang taglay nila ang mga pagpapahalagang kailangan para sa maingat na pagpapasiya. 19 Bukod sa pagiging modelo ng mga pagpapahalaga, ang mga magulang ay dapat na mamuno at manguna sa pananalangin kasama ang anak, magbasa at pabasahin ng mga aklat ang mga anak tungkol sa pananampalataya at mamuno sa regular na pagtuturo tungkol sa pananampalataya (hal. Qu’ran sa mga Muslim at Bibliya sa mga Kristiyano). Upang makamit ang edukasyon sa pananampalataya, kailangang makipag-ugnayan ang pamilya sa ibang institusyon tulad ng paaralan at simbahan o sambahan. Sa pamilya umuusbong ang pagkatao ng bawat kasapi ng pamilya. Ang mga mabuting halimbawa ng mga magulang ang magsisilbing gabay ng anak sa kaniyang pamumuhay sa hinaharap. Ang ihanda siya sa buhay panlipunan ay isang regalong hindi kailanman matutumbasan ng anumang halaga – hindi ito mauubos at hindi mananakaw ninuman. Pagtutulungan ng Pamilya Ang pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya. Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Palaging nakahandang tumulong ang mga miyembro sa oras ng pangangailangan ng bawat isa. Sa ating bansa, likas ang pag-aaruga sa nakatatanda. Hindi hinahayaan ang ina o amang tumatanda na maiwan sa nursing home katulad ng mga dayuhan bagkus sila ay aalagaan hanggang sa huling yugto ng kanilang buhay. Hindi man maalagaan ng lahat ng mga anak ay patuloy ang pagtulong pinansiyal ng ilan. Katulad ng ibang mga pagpapahalaga, ito rin ay itinanim ng mga magulang sa kanilang mga anak. Mula pa nang sila ay maliliit sinasanay na sa paghahati-hati ng mga gawaing bahay, binibigyan ng tungkulin ang mga mas nakatatandang kapatid sa kanilang nakababatang kapatid, at nagtutulungan ang bawat isa sa kanilang mga takdang-aralin. Maituturing na labis na kabutihan ang hindi talikuran ang isang kasapi ng pamilya sa oras ng pangangailangan. Ngunit mahalagang tandaan na ang pagtulong ay may hangganan. Kailangang matiyak na hindi ito nagdudulot ng labis na pagiging palaasa. Kailangan ding matulungan ang isang anak na tumayo sa kaniyang sariling paa sa takdang panahon. Hindi makatutulong kung laging nariyan ang magulang 20 upang tugunan ang pangangailangan ng anak. Sa takdang panahon, kailangan na niyang mamuhay nang mag-isa at malayo sa kaniyang pamilya. Sa ganitong paraan mas matutulungan ang isang anak na hanapin at matagpuan ang kaniyang pagkatao. Ang pamilya, dumaan man sa maraming mga Kung ang pamilya ay pagbabago bunga ng modernisasyon, ay mananatiling magpapaanod sa pagbabago, saan pa likas natural na institusyon ng lipunan. Mahalagang hindi na dadaloy ang mabago kasabay ng panahon ang pag-iral ng isang pagmamahal at pamilya. Kung ito ay magpapaanod sa pagbabago, pagtutulungan? Saan pa matututo ang taong saan pa likas na dadaloy ang pagmamahal at magmahal at maglingkod? pagtutulungan? Saan pa matututo ang taong Saan pa kukuha ng pag- asa ang lipunan na magmahal at maglingkod? Saan pa kukuha ng pag- umunlad? asa ang lipunan na umunlad? Kabataan, kailangan mo nang kumilos para sa pagtataguyod at pagmamahal ng sarili mong pamilya. May gampanin ka, may bahagi ka, nakahanda ka na ba? Tayahin ang Iyong Pag-unawa 1. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang indibidwal? Sa lipunan? Bakit? Ipaliwanag. 2. Anong mga pagbabago ang kinakaharap ng pamilya kasabay ng modernisasyon? 3. Ano ang pinakamahalagang misyon ng pamilya? Ipaliwanag. 4. Bakit mahalagang bumuo ng magandang ugnayan sa pamilya? Ipaliwanag. 5. Paano napatitibay ng kasal ang isang pamilya? Ipaliwanag. 6. Bakit itinuturing ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan? Ipaliwanag. 7. Paano iiral ang isang pamilya bilang orihinal na paaralan ng pagmamahal? 8. Paano magagawa ng pamilyang makatao at mapagmahal ang lipunan? 9. Paano matuturuan ng pamilya ang mga kasapi nito na taos-pusong gampanan ang panlipunan at pampolitikal na tungkulin nito? 10. Ano-ano ang mahalagang gampanin na dapat isakatuparan ng magulang bilang unang guro sa tahanan? Ipaliwanag. 21 Paghinuha ng Batayang Konsepto Panuto: Gamit ang graphic organizer buuin ang mahalagang konsepto na nahinuha mula sa mga nagdaang gawain at babasahin. Isulat ito sa kuwaderno. Batayang Konsepto: _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang Tao 1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito? 22 E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO Pagganap 1. Paano mapalalakas ang pamilyang Pilipino bilang likas na institusyon? Magsagawa ng isang Pagsusuri ng Kalakasan, Kahinaan, Oportunidad at Banta (SWOT Analysis) tungkol dito gamit ang pitong dahilan na inilahad sa babasahin. 2. Gawin ang pagsusuri sa dalawang aspekto: una, para sa pamilyang Pilipino at ikalawa, para sa iyong sariling pamilya. 3. Gamiting gabay ang sumusunod na tanong sa pagsagot sa bawat kolum: a. Kalakasan – Anong kalakasan mayroon ang pamilyang Pilipino at ang iyong pamilya batay sa pitong dahilan? Anong natatanging kakayahan o kakanyahan mayroon ang pamilyang Pilipino at ang iyong sariling pamilya? b. Kahinaan – Anong kahinaan ng pamilyang Pilipino at ng iyong sariling pamilya ang nagiging balakid sa pagkamit ng tunay nitong layunin? Anong mga suliranin ang nagiging dahilan upang hindi magtagumpay ang bawat kasapi ng pamilya na gampanan ang kanilang mga tungkulin sa pagkamit ng kaganapan? c. Oportunidad – Anong oportunidad ang naghihintay na makatutulong upang mapagtagumpayan ng pamilyang Pilipino at ng iyong sariling pamilya ang layunin nito? d. Banta – Anong banta sa pamilyang Pilipino at sa iyong sariling pamilya ang kailangang bigyan ng tuon upang hindi ganap na makaapekto sa pagganap nito ng kaniyang tunay na layunin? Anong pwersa sa loob o sa labas ng pamilya ang maaaring magsilbing balakid sa pagkamit ng pamilya ng tunay nitong layunin? 23 4. Sundin ang katulad na pormat sa ibaba at gamiting gabay ang halimbawa: Mga Kalakasan Kahinaan Oportunidad Banta Dahilan (Strength) (Weakness) (Opportunity) (Threat) Ang pamilya Likas na May mga Ang mga Ang kahirapan ay mapagmahal pagkakataon gawain sa at pamayanan sa pamilya na labis ang samahan ay modernisasyon ng mga tao ang mga pagnanais ng nakatutulong bunga ng (community Pilipino. mga kasapi ng sa pagbuklod teknolohiya ay of persons) pamilya na ng aming bumabawas sa na kung maging malapit pamilya. pagkakataon na saan ang sa isa’t isa magkaroon ng maayos na kung kaya malapit na paraan ng hindi ugnayan ang pag-iral at natuturuan ang mga kasapi ng pamumuhay mga kasapi pamilya. ay nito na tumayo nakabatay sa sarili nilang sa ugnayan. mga paa. Kahit lumipas na Dahil Nakikita ko na Nawawalan na ang parehong kapag wala ng panahon maraming nagtatrabaho ang aking ang aking mga taon at kahit ang aking mga mga magulang na dumaan ang magulang, magulang at pakinggan ang maraming mas maliit ang sila ay nasa aming mga pagbabago, panahon na trabaho, suliranin sa nananatiling nailalaan laging tahanan. buo ang namin sa isa’t gumaganap aming isa na ang aking ate pamilya. magkakasama. at kuya sa mga gampanin sa tahanan. 5. Ibahagi ito sa isang kakilala, kaibigan o kapamilya na maaari mong maging katuwang sa pagsasakilos ng mga ito. 6. Itala sa kuwaderno ang magiging karanasan sa ginawang pagbabahagi. 24 Maaaring makatulong sa iyo ang mga ito sa isasagawang pagbabahagi: a. Ipaliwanag sa mga taong pagbabahaginan ang mahalagang layunin ng gawain. b. Ipaunawa sa kanila kung ano ang maidudulot na pagbabago ng mga ito sa iyo kung ito ay iyong matagumpay na maisasakatuparan. c. Isa-isahin sa kanila ang nilalaman ng tsart at sikaping bigyan ng malalim na paliwanag ang bawat hakbang, kung paano mo ito nagawa at bakit mo ito kailangan. d. Ibahagi rin sa kanila ang iyong pangangailangan ng paggabay upang matiyak na maisasakatuparan mo nang matagumpay ang gawain na ito. Pag-usapan kung sa paanong paraan makatutulong ang iyong kakilala, kaibigan, o kapamilya. Pagninilay 1. Gamit ang mahabang bond paper, isulat ang mga mahalagang repleksyon na nakuha mula sa aralin. Simulan ito sa bilang 2 sa ibaba. 2. Ilagay sa unang pahina ang mga hindi malilimutang karanasan mula sa mga gawain. 3. Idagdag sa unang pahina ang mga tanong at pag-aalinlangan na nananatili sa iyong isipan. 4. Ilagay sa ikalawang pahina ang mahahalagang aral na napulot mula sa mga gawain at babasahin. 5. Idagdag sa ikalawang pahina ang mga payo na maaaring ibigay sa mga kakilala o kaibigan kaugnay ng pagpapaunlad ng pagmamahal at pagtutulungan sa pamilya. 6. Mas mainam kung maglalakip ng mga larawan mula sa pagsasagawa ng mga gawain. 25 Mga karanasang aking Ang gintong aral para sa babaunin… pagpapaunlad ng pagmamahal at pagtutulungan sa aking pamilya __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ ________________________ __________________________ __________________________ __________________________ ________________________ __________________________ __________________________ __________________________ ________________________ __________________________ __________________________ __________________________ ________________________ __________________________ __________________________ __________________________ ________________________ ________________________ ________________________ __________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ____________ Naghahanap pa rin ng kasagutan… Payo ko sa iyo kaibigan… _________________________ __________________________ ________________________ __________________________ _________________________ __________________________ ________________________ __________________________ _________________________ __________________________ ________________________ __________________________ _________________________ __________________________ ________________________ __________________________ _________________________ __________________________ ________________________ __________________________ _________________________ __________________________ ________________________ __________________________ _________________________ ________________________ ________________________ ________________________ _____ ____________ 7. Maaari itong gawin gamit ang sariling sulat kamay o kaya naman ay gamit ang computer (MS Word). 26 Pagsasabuhay 1. Gawing kabahagi ang mga kasapi ng pamilya sa pagpaplano kung paano maisasagawa ang gawain na ito para sa buong pamilya. 2. Magkaroon ng kasunduan kung paano maisasakatuparan at mababantayan ang pagsasakatuparan ng plano at gawain. 3. Gumawa ng pare-parehong bond bracelet (gamit ang yarn o anumang sinulid gabay ang isang video sa youtube. Sundin lamang ang mga hakbang na ipinakikita rito: http://www.youtube.com/watch?v=UIQIQ_nknKg&feature=related) para sa lahat ng kasapi ng pamilya. 4. Matapos ito ay magplano ng pagkakataon para magtipon ang lahat ng kasapi ng pamilya. Mas mabuti kung hihingi ng tulong sa iba pang kasapi ng pamilya upang ito ay tiyak na maisasakatuparan. 5. Sa pagkakataon na magtitipon ang pamilya ay ibigay sa bawat kasapi nito ang bond bracelet at ipaliwanag sa kanila ang kahulugan at kahalagahan nito para sa iyo at para sa iyong pamilya. 6. Gamitin ang pagkakataon na ito upang maibahagi sa pamilya ang mga pagkatuto sa aralin. 7. Ibahagi sa kanila ang iyong naisin na mas mapaunlad ang pagmamahalan at pagtutulungan sa inyong pamilya. At hingin ang kanilang reaksyon dito. 8. Lumikha ng isang family log upang maitala ang lahat ng mga kaganapan sa kolektibong pagkilos para sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling tahanan. Kung hindi maisakatuparan ang planong tipunin ang lahat ng kasapi ng pamilya, maaaring lumikha ng isang liham para sa kanilang lahat. Isulat ang lahat ng mensaheng nais na iparating sa kanila kaugnay ng mga plano. Ilakip na rin dito ang ginawang bond bracelet. Maaaring hindi maging mabilis ang tugon mula sa kanila. Huwag kang malungkot, mahalagang hakbang na ang iyong naisagawa. Patuloy na isagawa ang mga plano sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. 27 Kumusta na? Naisakatuparan mo ba nang maayos ang mga gawain sa modyul na ito? Kung oo, binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul. Kung hindi, balikan ang mga gawaing di natapos. Katangian ng isang mapanagutang mag-aaral ang sumangguni at humingi ng tulong o paggabay mula sa kaniyang kamag-aral o guro. Mga Kakailanganing Kagamitan (computer, mga aklat, worksheet) Mga larawan Sinulid para sa bond bracelet Papel Panulat Mga Sanggunian Abad, J. and Fenoy, E. (1988). Marriage: A path to sanctity. Manila: Sinag-tala Publishers, Inc. Alejo, P. (2004). Values guisado: Learning to love, loving to learn values. Mandaluyong City: Sibs Publishing House, Inc. De Torre, J. (1977). The roots of society. Greenhills: Sinag-tala Publishers, Inc. Santos, C. et al. (1997). Conjugal communion: A Theology course on marriage and the family for university students. Pasig City: University of Asia and the Pacific. ____. (2005). Familiaris consortio: Apostolic exhortation of Pope John Paul II on the role of the Christian family in the modern world. Pasay City: Paulines Publishing House. ____. (2007) The family in the new millennium: The place of family in human society. Volume 1. Connecticut: Praeger Publishers. Profile. Jesse Robredo, like Magsaysay, man in a hurry to serve, do good. Retrieved from http://www.interaksyon.com/article/41012/profile-- jesse-robredo- like-magsaysay-man-in-a-hurry-to-serve-do-good on September 30, 2012 http://books.google.com.ph/books?id=Xq1E4SF3jCAC&pg=PR14&lpg=PR14&dq=fa mily+as+natural+institution&source=bl&ots=z5hx9uFjVz&sig=uVdV9bM9VZTzkG vfy3CaYwcd1tU&hl=en&sa=X&ei=CYosUJT_EYWXiQe9o4GoBA&redir_esc=y#v =onepage&q=family%20as%20natural%20institution&f=false 28 Modyul 2: ANG MISYON NG PAMILYA SA PAGBIBIGAY NG EDUKASYON, PAGGABAY SA PAGPAPASIYA, AT PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? Mission: Impossible… Pamilyar ba sa iyo ang mga katagang ito? Marahil napanood mo na rin minsan ang pelikulang ito. Nais kong gamiting gabay ito sa pagpapakilala sa iyo ng susunod na aralin. Ang mga magulang ay binigyan ng napakahalagang misyon na arugain, igalang, at mahalin ang kanilang mga anak. Ito ay isang misyon na hindi madali; bagkus ay puno ng maraming hamon. Sa kasalukuyan na nahaharap sa maraming banta ang pamilyang Pilipino, mas magiging mahirap para sa isang pamilya, lalong- lalo na para sa isang magulang, ang isakatuparan ang napakahalagang misyon upang maihanda ang kanilang mga anak sa pakikipagkapwa; mga misyon na itinuturing ng iba na imposible kasabay ng maraming pagbabago sa lipunan. Ano nga ba ang pananagutan ng mga magulang sa mga anak at ano ang bukod-tangi at pinakamahalaga sa mga ito? Paano nga kaya matitiyak na posible ang misyon na ito? Sa araling ito, titingnan natin kung paano magiging Mission: Possible … ang pagganap ng pamilya sa napakahalagang misyon na ito at sasagutin natin ang mahalagang tanong na: Ano ang pinakamahalagang gampanin ng magulang sa kanilang mga anak? Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: a. Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya b. Nasusuri ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya c. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin 29 d. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput sa titik d: 1. Nakasulat ng mga 5 o mahigit pang tiyak na hakbang sa sumusunod: a. Edukasyon b. Pagpapasiya c. Pananampalataya 2. Angkop ang mga tiyak na hakbang na naitala 3. Makatotohanan ang mga tiyak na hakbang na naitala 4. May patunay ng pagsasakatuparan ng mga tiyak na hakbang sa itinakdang panahon Paunang Pagtataya Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan. a. kalusugan c. buhay b. edukasyon d. pagkain at tahanan 2. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay___________________. a. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal. b. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa. c. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang. d. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo. 30 3. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa: a. pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral b. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay matagumpay na malampasan c. pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensiya at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan d. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito 4. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak? a. Si Leonardo at Rose na nagpapaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa kanilang mga anak. b. Sina Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap c. Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan lalo na sa hinaharap. d. Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa kanilang pamilya. 5. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang? a. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay turuan. b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan. c. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman. d. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata. 31 6. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple? a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba b. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan d. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya 7. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga maliban sa: a. pagtanggap c. katarungan b. pagmamahal d. pagtitimpi 8. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa: a. pagtitiwala b. pagtataglay ng karunungan c. pagkakaroon ng ganap na kalayaan d. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga 9. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal maliban sa: a. ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya b. iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya c. maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya d. ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya 10. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya? a. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya b. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya 32 c. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan d. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito ay maisakatuparan B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Gawain 1 Bukod sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya, ano pa ang mahahalagang gampanin ng pamilya? Sasagutin natin ito sa gawaing ito. Panuto: 1. Gumawa ng sampung metastrips (mga pirasong papel o cartolina na may kulay at may sukat na 6 x 2 na pulgada). 2. Gamit ang permanent marker, isulat sa bawat piraso ng metastrip ang mahahalagang gampanin ng pamilya para sa lahat ng kasapi nito. 3. Matapos maisulat ang sampu ay bigyan ng maikling paliwanag ang bawat isa. 4. Pagkatapos, pumili lamang ng lima na sa iyong palagay ay pinakamahalaga. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong pinili. 5. Ngayon naman ay pumili lamang ng tatlo mula sa lima na sa iyong palagay ay pinakamahalaga. 6. Sumulat ng detalyadong paliwanag kung bakit ang mga ito ang iyong pinili mula sa sampung mga naitalang gampanin. 7. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong: a. Bakit mahalaga ang mga gampanin na ito para sa iyo? Ipaliwanag. b. Ano ang maaaring maidulot kung ang mga gampaning ito ay hindi matugunan ng pamilya? c. Ano naman ang maidudulot kung ang mga gampanin na ito ay matugunan ng pamilya? 33 Gawain 2 Madalas, ang tawag ng ilang kabataan sa kanilang mga magulang ay sirang plaka. Lalo na sa mga pagkakataong may mga bagay silang nagawa o hindi nagawa. Sa gawaing ito, babalikan mo ang mga salitang tulad nito. Panuto: 1. Maglista ng mga katagang paulit-ulit mong naririnig sa iyong mga magulang o kapamilya kapag may mga bagay kang nagawa o hindi nagawa o kaya naman ay mga salitang palagi nilang paalala sa iyo mula noon hanggang ngayon. 2. Matapos ito ay isulat mo kung ano ang malalim na aral na nais na maitanim nila sa iyong puso at isipan kung bakit nila nasasabi ang mga katagang ito. 3. May inihandang halimbawa para sa iyo: Nais nila na ako ay makatapos ng pag-aaral at makakuha ng sapat na kaalaman at kasanayan na “Mag-aral kang mabuti. Huwag kailangan upang pakapagtayo ako puro laro at lakwatsa.” ng negosyo o makakuha ako ng magandang trabaho sa hinaharap. Ito ang paraan na kanilang naiisip upang maiahon ko ang aking sarili sa kahirapan. 4. Matapos ito ay sagutin ang sumusunod na tanong: a. Ano ang madalas na damdamin mo kapag paulit-ulit mong naririnig ang mga katagang ito mula sa iyong mga kapamilya? Bakit? b. Ano ang iyong naging reyalisasyon matapos mong magawa ang iniatas sa iyong gawain? May nabago ba sa iyong damdamin at paniniwala? 34 C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA Gawain 1 Panuto: 1. Panoorin ang sumusunod na patalastas sa youtube: a. Patalastas ng Hating Kapatid sa http://www.youtube.com/watch?v=ZLsyvzvxmZY b. Patalastas ng Lucky Me sa http://www.youtube.com/watch?v=zAn4GDQg0eA c. Patalastas ng NBA sa http://www.youtube.com/watch?v=uJjo8WwWO7k 2. Matapos manood ay sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno. a. Ano ang mga mahahalagang mensahe na ipinararating ng bawat isang patalastas? Ipaliwanag. b. Paano mo maiuugnay ang mga sitwasyon sa patalastas sa sitwasyon na mayroon ang pamilyang Pilipino sa kasalukuyan? c. Bakit mahalagang maitaguyod ang edukasyon ng mga kasapi ng pamilya? d. Bakit mahalagang maturuan at magabayan ang mga bata sa kanilang mga pagpapasiya? e. Bakit mahalagang mahubog ang pananampalataya ng isang bata? Gawain 2 Hindi madali ang pagganap sa mga tungkulin ng pamilya para sa mga kasapi nito. Lalo na yong tatlong bagay na napag-usapan sa itaas. Ano ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa sumusunod na gampanin? a. Pagbibigay ng edukasyon b. Paggabay sa paggawa ng mabuting pasiya c. Paghubog ng pananampalataya 35 1. Sagutin ang tanong gamit ang katulad na tsart sa ibaba. Mga banta sa Ano ang magiging Paano ito malalampasan bunga nito sa pamilyang Pilipino pamilyang Pilipino a. Pagbibigay ng Edukasyon Hal. Dahil sa kahirapan Magtulong-tulong ang Magiging mulat ang ay napipilitan maghanap- lahat ng kasapi ng lahat ng kasapi na buhay ang ama at ina pamilya upang mahalagang gampanan kaya nababawasan ang matulungan ang mga nila ang kanilang mga kanilang panahon sa magulang sa kanilang tungkulin sa pamilya pagbabantay ng kanilang mga gampanin sa upang mapunan ang mga anak at sa pagtuturo sa mga anak, pagkukulang ng mga pagtuturo sa kanila ng lalo na ang mga magulang bunga ng mga mabuting asal. nakatatandang miyembro kanilang ng pamilya. pagsasakripisyo para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng pamilya. b. Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pasiya c. Paghubog ng Pananampalataya 2. Punan ang bawat kahon at pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong: a. Anong mga pagbabago sa pamilyang Pilipino ang iyong nasasaksihan? Ipaliwanag. b. Bakit mahalagang malampasan ang mga banta sa pamilyang Pilipino? c. Ano ang maibubunga ng pagsisikap na malampasan ang mga banta sa pamilyang Pilipino para sa kabataang Pilipino at para sa lipunan? Ipaliwanag. 36 D. PAGPAPALALIM Mission Impossible? Iligpit mo ang mga Mag-aral kang mabuti. gamit mo, Anak. ‘Yan lang ang Dapat nagkukusa ka maipamamana namin nang gawin yan kasi sa iyo. malaki ka na. Bata ka pa para makipagligawan ha. O, kapag nagpunta Dapat maging maingat sa tayo sa bahay ng pakikitungo lalo na sa lolo at lola ninyo, mga lalaking hindi mo pa huwag ninyong gaanong kilala. kalilimutan magmano ha. Unahin ninyo ang pagsimba sa araw ng Linggo. Bukod sa pagsimba, araw yan dapat para sa pamilya. Hay! Narinig mo na naman ba ang sirang plaka? Paulit-ulit na salitang, minsan ay masakit na sa tenga, ‘yan ang maaaring paglalarawan mo sa maraming 37 paalala sa iyo mula sa iyong pamilya. Pakiramdam mo nagkakampi-kampi sila para paulit-ulit kang sermunan. Pero minsan man lang ba inisip mo nang malalim kung bakit ganito sila sa iyo? Sa pagkakataong ito, hayaan mong buksan natin ang iyong isip at puso sa malalim na dahilan ng walang sawang paalala mula sa iyong pamilya. Handa ka na ba? Isa kang regalo para sa iyong pamilya, hindi mo maipaliliwanag ang kanilang saya nang ikaw ay lumabas mula sa sinapupunan ng iyong ina. Hindi ka pa nga nila nasisilayan, labis na ang kanilang tuwa, lalo na nang marinig nila ang una mong iyak - ang hudyat na ikaw ay dumating na at nabuksan na ang napakagandang regalo mula sa Diyos. Ngunit sa paglipas ng panahon, nagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan sa inyong pagitan, lumilitaw ang mga pagkakaiba sa pananaw at paniniwala sa pagitan mo at ng mga kasapi ng iyong pamilya. Minsan sa tindi ng sama ng loob dahil sa paulit-ulit nilang mga paalala ay naiisip mong “Ang dami namang iba, bakit sila pa!” Pero oo nga naman, ang dami namang iba pero sila ang pinili para sa iyo. Hindi ba sapat na ito upang maunawaan mo na sila ang nakatakda na gumanap ng mahalagang misyon para sa iyo? Sila ang ginamit na instrumento ng Diyos para sa pagkamit mo ng iyong kaganapan bilang tao. Nakatakda silang tumupad sa isang mahalagang misyon upang makamit ito. Sa unang aralin, pinag-aralan mo ang pitong dahilan kung bakit likas na institusyon ang pamilya. Naaalala mo pa ba? Ano ang ikapito rito? Tama, ito ay ang pagkakaroon ng misyon ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya. Isa ito sa pinakamahalagang dahilan kung bakit tinatawag na likas na institusyon ang pamilya kaya sa pagkakataong ito ay ilalaan mo ang iyong panahon sa pag-unawa sa 38 paksang ito. Sa araling ito, mas palalalimin ang pagtalakay sa mahalagang misyon na ito. Mas magiging malalim ang iyong pag-unawa sa dahilan kung bakit labis-labis ang pagnanais ng mga magulang na maitanim sa isipan ng mga kabataan ang mahahalagang aral na madalas ay nagiging dahilan ng inyong hindi pagkakaunawaan. Game ka na ba? Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak – ito ay bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal. At mula sa pagiging mag-asawa, sila ay makabubuo ng isang pamilya – isang pamilya na tungkulin nilang alagaan at arugain. Ito ay isang tungkulin na hindi maaaring talikuran o ipasa sa iba. Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito. Mahalagang may kakayahan silang harapin ang anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral. Mahalaga ring maisapuso nila ang pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensya, at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan. Kaakibat ng kagustuhan ng Diyos na igalang ng mga anak ang kanilang mga magulang ay ang kagustuhan Niya na ang katulad na paggalang at pagkilala ay ibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak. Nararapat lamang ito para sa mga anak dahil sila ay biniyayaan ng Diyos ng buhay at dahil sila ay sila bilang tao. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang sarili para sa paglilingkod, pagtanggap, at pag-aalaga sa kanilang mga anak. Ang tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak ay hindi nagtatapos sa pagbibigay sa kanila ng makakain, maiinom, maisusuot, at matitirahan o sa paghahanda sa kanila para magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap. Kasama rito ang paghahanda para sa kanila sa buhay at paggabay sa kanila upang makamit nila ang tunay na tunguhin ng tao – ang kaniyang kaligayahan at kaganapan bilang tao. 39 Pagbibigay ng Edukasyon Dahil ang magulang ang ginamit na instrumento ng Diyos upang bigyan ng buhay ang kanilang mga anak, may karapatan at tungkulin ang una upang bigyan ng edukasyon ang huli. Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan. Hindi magagampanan ng mga magulang ang kanilang tungkulin sa edukasyon ng kanilang mga anak kung hindi sila bibigyan ng karapatan para rito. Katuwang nila ang mga institusyon sa lipunan sa pagkamit nito. Kasama ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ay ang karapatan ng mga magulang na sila ay turuan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga magulang ang itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak sa tahanan. Sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan, mahalagang handa ang mga anak na harapin ang anumang hamon na inihahain nito. Magagawa lamang nila ang mga ito kung naihanda sila ng kanilang mga magulang gamit ang mga pagpapahalagang naituro sa kanila sa tahanan bilang sandata at kalasag. Ang pornograpiya, droga, maruming pulitika, peer pressure, at iba pa, ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga sitwasyong kahaharapin ng isang anak sa lipunan. Pangunahing dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastong paggamit ng kalayaan sa mga materyal na bagay. Kailangang maturuan ang mga bata na mamuhay nang simple. Sa ganitong pagmumulat, maisasapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya. Maaaring isipin na simpleng turo ito ngunit ang turong ito ay magbubunga ng iba pang mga pagpapahalaga tulad ng: a. pagtanggap – dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang tao bilang siya at hindi siya susukatin batay sa kung ano ang maaari niyang maibigay, b. pagmamahal – dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang isang tao na hindi tumitingin sa kaniyang kakayahan at katangian ay tanda ng malalim na pagmamahal at; c. katarungan – dahil nagbubunsod ito upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao. 40 Sa isang lipunan na unti-unting nayayanig at nawawasak ng pagiging makasarili ng iilan, mahalagang hubugin ang mga anak sa tunay na diwa ng katarungan. Ito ang magbubunsod upang matutuhan nilang igalang ang dignidad ng kanilang kapwa at ang diwa ng pagmamahal na hindi naghihintay ng kapalit at nagpapadaloy sa paglilingkod at pagtulong lalo na sa mga nangangailangan. Ngunit mahalagang maunawaan na wala pa ring makahihigit sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagpapakita ng magandang halimbawa. Ang halimbawa ang pundasyon ng impluwensya. Ang mga bagay na nakikita ng mga bata na ginagawa ng kanilang mga magulang, ang mga salita na kanilang naririnig sa mga ito, at ang paraan ng kanilang pag-iisip ang tunay na makaiimpluwensya sa kanilang mga iisipin, sasabihin, at isasagawa. Sabi nga, Kung ang isang bata ay namumuhay sa pamumuna o sa pamimintas, natututo siyang maging mapanghusga. Kung ang isang bata ay namumuhay sa katiwasayan, natututo siyang maniwala sa kaniyang sarili. Kung ang isang bata ay namumuhay sa poot, natututo siyang lumaban. Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagtanggap, natututo siyang magmahal. Kung ang isang bata ay namumuhay sa takot, palagi siyang mababalot ng pag- aalala. Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagkilala, natututo siyang bumuo ng layunin sa buhay. Kung ang isang bata ay namumuhay sa awa, palaging may awa sa kaniyang sarili. Kung ang isang bata ay namumuhay sa papuri, natututuhan niyang magustuhan ang kaniyang sarili. 41 Kung ang isang bata ay namumuhay sa selos, natututo siyang palaging makaramdam ng pagkakasala. Kung ang isang bata ay namumuhay sa pakikipagkaibigan, natututuhan niya na masarap mabuhay sa napakagandang mundo. Ang mga magulang ang kauna-unahang modelo ng kanilang mga anak. Hindi ito maiiwasan dahil lahat ng kanilang sinasabi at ginagawa ay nakaiimpluwensiya sa kanilang mga anak, positibo man ito o negatibo. Magsisilbing pamantayan ng kilos at asal ng mga anak ang kanilang nakikita mula sa kanila. Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya Isa sa mga pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging matagumpay, masaya, at magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sa kaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na makagawa ng mabuting pagpapasiya at pagkatapos ay bigyan siya ng laya na magpasiya para sa kaniyang sarili. Ang mga pagpapasiyang isasagawa ng mga bata hanggang sa kanilang pagtanda ang siyang magdidikta kung anong uri ng tao sila magiging sa hinaharap at kung anong landas ang kanilang pipiliing tahakin. Mahalaga sa murang Ang mga pagpapasiyang edad pa lamang ay binibigyan na ng laya ang bata na isasagawa ng bata magpasiya para sa kaniyang sarili, mga simpleng hanggang sa kaniyang pagpapasiya tulad ng damit na isusuot, ano ang pagtanda ang siyang magdidikta kung anong kaniyang gustong kainin at inumin, ang musikang uri ng tao siya magiging kaniyang pakikinggan, at iba pa. Ang mga sa hinaharap at sa kung pagpapasiyang ito ay makatutulong upang mataya anong landas ang kaniyang pipiliing ang kaniyang kakayahan sa pagpapasiya upang tatahakin. maibahagi sa kaniya ang tulong o paggabay na kaniyang kailangan. Mahalagang magabayan ang isang Sa paglipas ng panahon, mahaharap na ang kabataan sa paggawa ng tamang pagpa- isang kabataan sa mas mabibigat na suliranin. May pasiya upang hindi mga pagkakataong nakagagawa ng hindi maingat at siya masanay na gumawa ng mga makasariling pagpapasiya - hindi isinasaalang-alang maling pasiya at hindi ang mas malawak na pagtingin sa magiging epekto nito. matuto sa mga ito. 42 Ito ay dahil hindi pa sapat ang kaniyang mga karanasan at kakayahang bumuo ng sariling pananaw. May mga kabataang nagiging kasapi ng gang, may mga dalagang maagang nagbubuntis, may mga lalaking nalululong sa droga, may mga kabataang nakagagawa na ng krimen, ang lahat ng ito ay bunga ng kawalang kakayahan ng ilang mga kabataan na gumawa ng mabuting pagpapasiya. Kaya mahalagang ang isang kabataan ay magabayan sa paggawa ng tamang pagpapasiya upang hindi siya masanay na gumawa ng mga maling pasiya at hindi matuto sa mga ito. Hindi rin tama na lagi na lamang nariyan ang magulang upang tulungan siyang maisaayos ang kaniyang mga pagkakamali. Hindi siya matututo sa paraang ito. Ang pagsisisi ay bunga ng Piliin mo ang magmahal … kaysa ang maling pagpili. Ang pagkakaroon ng masuklam. Piliin mo ang tumawa … kaysa ang lumuha. kakayahan sa mabuting pagpa- Piliin mo ang lumikha … kaysa ang sumira. pasiya ay bunga ng karunungan at Piliin mo ang magtiyaga … kaysa ang manghinawa. pagpapahalagang naitanim ng mga Piliin mo ang pumuri … kaysa ang manira. Piliin mo ang magpagaling … kaysa ang magulang sa kanilang mga anak manakit. mula noong sila ay bata pa lamang. Piliin mo ang magbigay … kaysa ang magnakaw. Ito ay bunga ng pagtitiwala at Piliin mo ang umunlad … kaysa ang mabulok. Piliin mo ang manalangin … kaysa ang pagbibigay sa mga bata ng manisi. kalayaan na gumawa ng pagpa- Piliin mo ang mabuhay … kaysa ang mamatay at pasiya na ginagabayan ng maingat Piliin mo ang tamang pagpapasiya … upang ikaw ay lumaya at tunay na na paghusga. lumigaya. Paghubog ng Pananampalataya Kailan ka huling nagsimba o sumamba kasama ang iyong pamilya? Kailan ang huling pagkakataon na sama-sama kayong kumain at nagbigay ng pasasalamat dahil sa mga biyayang inyong tinanggap bilang pamilya? Siguro, madalas walang pagkakataon, busy lahat. Maging ikaw busy rin. Pero napansin mo ba na kapag hindi sama-sama, parang may kulang? Sabi ni Stephen Covey sa kaniyang aklat na 7 Habits of Highly Effective Families, may mga pag-aaral na nagpapatunay na ang pakikibahagi ng isang tao sa mga gawaing pangrelihiyon ay mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipan at 43 pandamdaming kalusugan at katatagan lalo na kung ito ay ginagawa ng tao nang may pagkukusa o bukas puso. Ito rin ay nakapagpapatibay ng pagsasamahan ng pamilya. Aniya, kung ang isang pamilya ay maglalaan ng 10-15 minuto sa tuwing umaga sa pagbabasa ng mga babasahin na mag-uugnay sa inyo at sa Diyos (tulad ng Bibliya para sa mga Kristiyano o Qu’ran para sa mga Muslim), makatitiyak na ang mga pagpapasiyang isasagawa ay mabuti, mas magiging makabuluhan sa pag-iisip, mas magiging mahusay ang pakikitungo sa kapwa, mas magiging maayos ang mga binubuong pananaw, magkakaroon ng sapat na kakayahan na mag-isip muna bago gumawa ng kilos o tumugon sa isang sitwasyon, mas magiging malapit ang ugnayan sa mga bagay o tao na tunay na mahalaga sa iyo, at higit sa lahat mas magiging matibay ang ugnayan ng buong pamilya. Ngunit paano natin masasanay ang ating sarili kasama ang ating pamilya sa pagsasagawa ng mga ganitong gawain? Narito ang ilan sa mga pamamaraan na maaaring makatulong sa iyo at sa iyong pamilya. 1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya. Sa paglipas ng panahon, ang mga kasapi ng pamilya, lalo na ang mga magulang, ay labis ang pagiging abala sa pagtatrabaho para sa pagtataguyod ng pangangailangan ng pamilya. Ang hirap ng buhay ang nagdidikta sa mga magulang na magsikap para gawing sapat ang kinikita para sa pangangailangan ng pamilya. Ngunit may mga pagkakataon na wari ay ito na ang nailalagay sa gitna ng buhay-pampamilya, ang pangangailangang kumita ng pera para sa katiwasayan ng pamilya. Mahalagang tanggapin at yakapin ng lahat ng kasapi ng pamilya na ang Diyos at ang tunay na pananampalataya sa Kaniya ang makapagbibigay ng katiwasayan sa pamilya at sa ugnayan ng mga kasapi nito. Mas magiging madali para sa isang pamilya ang harapin ang anumang pagsubok kung nananatiling matingkad ang presensya ng Diyos sa gitna nito. 2. Ituon ang pansin sa pag-unawa. Ang pakikinig sa panalangin o sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya (hal. Qu’ran sa mga Muslim at Bibliya sa mga Kristiyano) ay hindi sapat kahit pa ang pagmemorya sa nilalaman nito. Ang mahalaga ay tunay na ipaunawa sa anak ang halaga ng pagkakaroon ng kaalaman at pag-unawa sa nilalaman nito para sa kaniyang buhay at kung paano ito mailalapat sa kaniyang araw-araw na pamumuhay. Marahil kaya walang 44 interes ang mas maraming kabataan sa pagbabasa ng mga ganitong aklat ay dahil hindi nila lubos na nauunawaan kung saan nila ito magagamit. Ito ang madalas na maririnig sa mga mag-aaral kung bakit ayaw nila ng Mathematics, dahil sa abot ng kanilang pag-unawa ay hindi naman nila alam kung paano ito magagamit sa buhay, tulad ng mag-aaral na gustong kumuha ng kursong Mass Communications o Social Work sa kolehiyo. Marahil tulad ng pagkukulang ng isang mahusay na guro sa Mathematics, ay gayon din ang pagkukulang ng ilang magulang na hindi nabibigyang-tuon ang pagpapaunawa ng praktikal na paglalapat ng pagbabasa ng nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya sa kanilang pang-araw-araw na buhay. 3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe. Hindi natin malilimutan ang mga karanasan na nagkaroon ng malalim na epekto sa ating pagkatao. Mas magiging malalim ang mensaheng maibibigay ng aral ng pananampalataya kung ito ay mararanasan sa pang-araw-araw na buhay. Halimbawa, kung ang nais ipaunawa sa mga kasapi ng pamilya ay tungkol sa pasasalamat na turo ng Diyos, mahalagang isama ang buong pamilya sa pagbibigay na hindi naghihintay ng anumang kapalit tulad ng pagbibigay sa mga nangangailangan. Maaari din namang ituro sa mga kasapi ng pamilya ang kabutihan sa pamamagitan ng pagsasanay sa bawat isa na magsulat ng mensahe ng kabutihan sa bawat araw at ilagay ito sa lugar na madalas puntahan ng mga kasapi ng pamilya (hal. refrigerator, sa hapag kainan, o sa facebook page). 4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na makinig at matuto. Ang paghubog sa tao sa pananampalataya ay hindi dapat ipinipilit. Kapag ginawa ito, lalong lalayo ang loob ng kasapi ng pamilya. Mahalagang laging gamitin ang mga pagkakataon na dumarating upang mailapat ang mga mensahe mula sa mga aklat tungkol sa pananampalataya. Halimbawa, sa isang maliit na bata ay maituturo ang pagdarasal at presensya ng Diyos sa panahon na sila ay natatakot (hal. kapag kumukulog o kumikidlat). Ang pagtuturo ng pasasalamat ay maituturo sa pagkakataon na nakatanggap ng biyayang hindi inaasahan lalo na sa panahon ng kagipitan. 45 4. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga itinuturo tungkol sa pananampalataya. Mabilis makalimot ang tao. Kaya sa pagtuturo tungkol sa mahahalagang aral tungkol sa pananampalataya, mahalagang maisagawa ito nang paulit-ulit upang ito ay tumanim nang malalim sa kanilang puso at isipan. Ayon sa isang artikulo sa internet, kung ang impormasyon ay ibibigay sa isang tao ng isang beses lamang, mababa sa 10% bahagdan lamang nito ang matatandaan paglipas ng 30 araw. Ngunit kung maibibigay ang impormasyon sa 6 na pagkakataon, 90% ng impormasyon ay mananatili sa isipan sa loob ng 30 araw. Kung ang nais ay maipaunawa ang Diyos at ang pananampalataya sa mga kasapi ng pamilya, ulitin nang mas madalas ang mabuting mensahe ng Diyos sa kanila. Halimbawa, ang pagtuturo ng pag-asa ay maaaring gawin sa panahon ng pagbisita sa isang kakilalang maysakit ngunit patuloy na lumalaban o sa isang lugar na sinalanta ng bagyo ngunit patuloy na bumabangon ang mga tao. Hindi rin matatawaran ang aral tungkol sa pag-asa sa tuwing makakakita ng isang taong may kapansanan ngunit patuloy na namumuhay nang normal. 5. Iwasan ang pag-aalok ng “suhol.” “Sige, kapag sumama ka sa akin magsimba kakain tayo sa labas.” Pamilyar ba sa iyo ang motibasyon na ito? Ito rin ba ang mekanismo na nagpapatakbo sa iyo para sa pagsama sa pamilya sa pagsimba? Hindi naman siguro ito masama ngunit mahalagang maiwasan na hindi dapat malito ang tao sa tunay na layunin ng pagsasagawa ng mga gawain para sa pananampalataya. Mas mahalaga pa rin na matulungan ang mga kasapi ng pamilya na gawin ito nang kusang-loob at buong-puso. Sa ganitong pagkakataon lamang ito magkakaroon ng lalim para sa kanila. 6. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan. Mas masaya, mas hindi malilimutan. Ito ang mahalagang tandaan kung magtuturo tungkol sa pananampalataya. Tiyakin na lilikha ng mga pagkakataon na magiging masaya ang kasapi ng pamilya na matuto. Halimbawa, ang pagsasagawa ng egg hunt (may nilalaman na mensahe ng Diyos) kahit sa isang pangkaraniwang araw na kumpleto ang pamilya. Maaari din namang magkuwento ng mga nakatutuwang anekdota at ito ay iugnay sa turo ng Diyos. 46 Mission: Impossible? Katulad ng misyon ng bida sa pelikula, maaaring isipin na imposibleng maisagawa ang lahat ng ito nang buong husay. Ngunit ito ay maaaring maging Mission: Possible kung ang lahat ay isasagawa nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya. Huwag nating hayaan na masira ang pamilyang binuo dahil sa pagmamahal. Kailangang kumilos ang lahat para ito ay ingatan at ipaglaban. Kasama ka ba sa laban? Tayahin ang Iyong Pag-unawa 1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang mabigyan ka ng mabuting edukasyon ng iyong pamilya? Paano ka nila mabibigyan ng edukasyon? May isa ka bang mungkahing paraan? Isa-isahin ang mga ito. 2. Ano kaya ang mga pangunahing dapat matutuhan ng isang anak na tulad mo sa kaniyang mga magulang? 3. Bakit mahalagang maturuan ng pamilya ang mga anak sa mabuting pagpapasiya? Ipaliwanag. 4. Sa paanong paraan matuturuan ng pamilya ang mga anak sa paggawa ng mabuting pagpapasiya? 5. Bakit mahalagang mahubog ng pamilya ang pananampalataya ng mga kasapi nito? 6. Paano mahuhubog ng pamilya ang pananampalataya ng mga kasapi nito? 7. Paano matitiyak ang tagumpay ng pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya sa kanilang mga anak? 47 Paghinuha ng Batayang Konsepto Panuto: Gamit ang graphic organizer, buuin ang mahalagang konsepto na nahinuha mula sa nagdaang gawain at babasahin na binasa. Batayang Konsepto: ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang Tao 1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito? 48 E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO Pagganap Panuto: 1. Gumawa ng sariling infomercial na nagpapakita ng kahalagahan ng pagtataguyod ng sumusunod na gampanin ng pamilya: a. Pagbibigay ng edukasyon b. Paggabay sa paggawa ng mabuting pasiya c. Paghubog ng pananampalataya 2. Ang patalastas ay kailangang magtagal ng 1 hanggang 2 minuto lamang. 3. Mahalagang mabigyang-diin dito ang panghihikayat sa maraming pamilyang Pilipino na gawin ang lahat ng kanilang magagawa upang maisakatuparan ang kanilang mahahalagang misyon para sa: a. pagbibigay ng edukasyon sa kanilang mga anak, b. paggabay sa mga ito sa paggawa ng mabuting pagpasiya at; c. paghubog ng kanilang pananampalataya 4. Matapos magawa ang patalastas ipakita sa guro at i-upload ito sa youtube o sa facebook upang makita ng maraming tao. Pagninilay 1. Humanap ng anumang larawan sa internet o sa mga lumang magasin na maaaring magsimbolo sa edukasyon, pagpapasiya at pananampalataya. 2. Pagkatapos ay hati-hatiin ito upang maging puzzle pieces. 3. Ang magdidikta sa bilang ng piraso ng puzzle ay ang dami ng mga pagkatuto na nakuha sa aralin. Ibig sabihin, bawat piraso ng puzzle ay maglalaman ng iyong mahalagang pagkatuto na may kaugnayan sa halaga na maisakatuparan ang misyon para sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya ng pamilya at paghubog ng pananampalataya. 4. Isulat sa likod ng bawat piraso ng puzzle ang mga pagkatuto. 49 5. May inihandang halimbawa sa ibaba: Ang magulang ang unang guro sa tahanan. 6. Idikit ang mga puzzle pieces sa plastic cover upang mabasa maging ang mga nakasulat sa likod nito. Pagsasabuhay Magkakaroon lamang ng kabuluhan ang lahat ng mga pagkatuto sa bawat aralin sa EsP kung unti-unting mailalapat sa buhay ang mga ito hanggang maging bahagi na ng pang-araw-araw na pagkilos ang mga ito. Gawin ang sumusunod. 1. Sumulat ng mga tiyak na hakbang kung paano mo: a. Mapauunlad ang pansariling-gawi sa pag-aaral b. Matitiyak na makagagawa ng mga mabuting pagpapasiya c. Mahuhubog o mapauunlad ang pananampalataya 2. Pagkatapos, ilagay ito sa isang tsart upang mabantayan ang pagsasakatuparan ng mga hakbang na ito. 3. Bantayan ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang sa loob ng dalawang linggo. 4. May inihandang halimbawa para sa iyo. 50 Unang Linggo Ikalawang Linggo Miyerkules Miyerkules Hakbang Huwebes Huwebes Biyernes Biyernes Sabado Sabado Martes Martes Linggo Linggo Lunes Lunes Pagbibigay ng Edukasyon 1. Nakagawa ng gawaing √ √ √ √ √ √ √ √ √ iniatas ng guro sa klase 2. Nakagawa ng takdang aralin sa takdang √ √ √ √ √ √ √ √ √ √ panahon 3. 4. 5. Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya 1. Isinangguni ang isang suliranin sa magulang o √ √ √