Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Unang Markahan, Modyul 1, PDF

Summary

This module is designed for Grade 9 Filipino students studying Education in the Philippines. It covers the concept of the social sector and public good. It includes questions to develop learning.

Full Transcript

9 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1: Layunin ng Sektor ng Lipunan: Kabutihang Panlahat AIRs - LM LU_Q1_EsP9_Module1 Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Unang Markahan –Modyul 1: Layunin ng Sektor ng Lipunan: Kabutihang Pa...

9 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1: Layunin ng Sektor ng Lipunan: Kabutihang Panlahat AIRs - LM LU_Q1_EsP9_Module1 Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Unang Markahan –Modyul 1: Layunin ng Sektor ng Lipunan: Kabutihang Panlahat Ikalawang Edisyon, 2021 Karapatang sipi © 2021 La Union Schools Division Region I Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o pag kuha ng bahagi ng walang pahintuot ay hindi pinapayagan Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Teresita D. Haduca Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team Content Reviewer: Janice Mae Domingo Language Reviewer: Ma. Clarideth Nuesca Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr. Tagalapat: Jerik Christoffer O. Gaspar Tagapamahala: Atty. Donato D. Balderas, Jr. Schools Division Superintendent Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD Assistant Schools Division Superintendent German E. Flora, PhD, CID Chief Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao Michael Jason D. Morales, PDO II Claire P. Toluyen, Librarian II Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________ Department of Education – SDO La Union Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union Telefax: 072 – 205 – 0046 Email Address: [email protected] 9 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1 Layunin ng Sektor ng Lipunan: Kabutihang Panlahat Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag- aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. LU_Q1_Esp9_Modyul1 Sapulin Bilang isang indibidwal, ano nga ba ang hangarin o layunin mo bilang kasapi sa lipunan? Hindi ba’t ang tanging hinahangad ng bawat isa sa atin ay ang kabutihan? KABUTIHANG PANLAHAT ang pangunahing layunin ng lipunang ating ginagalawan. Bawat isa sa atin ay kabilang sa lipunan. Ika nga ni Dr. Manuel Dy Jr., isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University, ang buhay ng tao ay panlipunan. Tayo ay nabubuhay kasama ang ting kapuwa-tao. Sa pagiging kasamang-kapuwa ay makakamit lamang kung makikilahok at makikipamuhay tayo sa lipunan. Inaasahan din na masasagot mo ang mahahalagang tanong na: Paano makakamit at mapananatili ang kabutihang panlahat? Bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili? Ang modyul na ito ay gagabayan ka na maunawaan ang mga kaalamang saklaw ng Kasanayang Pampagkatutong: 1. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat (EsP9PL-Ia 1.1). Karagdagan nito, mapalalawak din ang iyong kaalaman, kakayahan at pag- unawa upang matugunan ang sumusunod na kasanayan: a.) matutukoy ang kahulugan ng bawat elemento ng kabutihang panlahat; b.) makapagbibigay ng opinyon ukol sa iba’t ibang elemento ng kabutihang panlahat; at c.) makasusulat ng isang tula na may kinalaman sa pag-atake ng pandemyang COVID-19 sa ating bansa. 2. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan (EsP9PL-Ia 1.2). Inaasahan din na maipamamalas mo ang iyong kaalaman, kakayahan at pagunawa upang matugunan ang sumusunod na kasanayan: a.) natutukoy ang kaibahan ng lipunan at komunidad; b.) nakikilala ang iba’t ibang sektor o institusyong panlipunan at ang mga layunin nito sa lipunan tungo sa pagtamo ng kabutihang panlahat; 1 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 c.)nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan; at d.) nakagagawa ng proyektong makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultura, at pangkapayapaan. 2 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 Simulan Gawain 1-A: Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap sa sumusunod na bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng mga tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang mga tao. Ito ay nangangahulugang ___________. A. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao B. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao. C. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito. D. Tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang pagkatao. 2. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay __________. A. tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay B. tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapuwa C. mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan D. mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag- isa 3. Ano ang tunay na layunin ng lipunan? A. kapayapaan B. kasaganaan C. katiwasayan D. kabutihang panlahat 4. Ano ang kabutihang panlahat? A. Kabutihan ng lahat ng tao B. Kabutihan ng bawat indibidwal na nasa lipunan C. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan 3 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito 5. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga elemento ng kabutihang Panlahat? A. Kapayapaan B. Kasaganaan C. Paggalang sa indibidwal na tao D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat 6. Ito ay ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay tulad ng isip, kalooban, pamilya, lipunang ginagalawan at iba pa. Anong elemento ng kabutihang panlahat ang tinutukoy dito? A. kapayapaan B. kasaganaan C. paggalang sa indibiduwal na tao D. katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat 7. Ang sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat MALIBAN sa __________. A. Pagtulong sa kapwa na nangangailangan B. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad C. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba D. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito 8. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin ay isa sa mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Ang isang halimbawa nito ay ang pagiging ______________. A. makabayan B. makasarili C. makatao D. makatarungan 9. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang pahayag na ito ay winika ni ___________. A. Aristotle B. Bill Clinton C. John F. Kennedy D. St. Thomas Aquinas 10.) “Binubuo ng tao ang lipunan; binubuo ng lipunan ang tao.” Ang pahayag na ito ay binigyang-diin ni __________. 4 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 A. Bill Clinton B. John F. Kennedy C. Dr. Manuel Dy Jr. D. St. Thomas Aquinas Gawain 1-B: Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap sa sumusunod na bilang. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. _____1. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad? A. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan. B. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod- tangi ng mga kabilang nito. C. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samatalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito. D. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin. _____2. Ito ay sektor ng lipunan na lumilinang sa angking talento at kakayahan ng mga mag-aaral. Ano ito? A. Media B. Paaralan C. Pamilya D. Simbahan _____3. Ito ay may kakayahang magpaunlad ng isang lipunan, gumagawa at nagpapatupad ng mga batas. Nangangalaga sa kaayusan ng lipunan upang maisakatuparan ang mga programa nang matugunan ang anomang pangangailangan ng mamamayan. Anong sektor ng lipunan ang tinutukoy dito? A. Paaralan B. Pamahalaan C. Pamilya D. Simbahan _____4. Ito ay sektor ng lipunan na tumutulong sa bawat kasapi ng lipunan na magkaroon ng kamalayan sa nararapat na moral at espirituwal na pamumuhay. Ano ito? A. Paaralan B. Pamahalaan C. Pamilya D. Simbahan _____5. Alin sa mga halimbawa ng kabutihang panlahat ang tumutukoy sa pagtulong at pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad? A. Pakikipagbayanihan B. Pagrespeto at pagtulong sa kapwa C. Pagpapairal o pagsuporta sa libreng edukasyon para sa lahat D. Pagsali sa organisasyong makatutulong sa pag-unlad ng bayan 5 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 _____6. Ang karapatan ang nangangalaga sa dignidad ng tao at nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay. Alin sa mga kondisyon sa pagkamit ng kabutihang panlahat ang tinutukoy nito? A. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya na ginagabayan ng diyalogo, pagmamahal, at katarungan. B. Ang bawat indibiduwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan. C. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan. D. Ang bawat tao ay malaya sa pagsasalita. _____7. Madalas na ang sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao ay ang kakulangan ng pag-uusap. Anong kondisyon sa pagkamit ng kabutihang panlahat ang dapat na isaalang-alang? A. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya na ginagabayan ng diyalogo, ng pagmamahal, at katarungan. B. Ang bawat indibiduwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan. C. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan. D. Hangad ng tao ang katarungan. _____8. Sa panahon na may hamon o pasubok ang pamilya, paano magiging madali na harapin ang mga ito? A. Ituon ang pansin sa pang-unawa. B. Hayaang maranasan ang mensahe C. Manatiling matingkad ang presensiya ng Diyos. D. Hayaan ang magulang na magsolusyon sa problema. _____9. Hangga’t nananaig ang diskriminasyon sa lipunan, nagpapahiwatig itong hindi pa ganap ang pagsasaalang-alang ng mga tao sa kabutihang panlahat. Anong kondisyon sa pagkamit ng kabutihang panlahat ang dapat na bigyang-pansin? A. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan. B. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin ay dapat na pahalagahan. C. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba. D. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay ang diyalogo, pagmamahal at katarungan. 6 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 ____10. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pagtulong sa kapuwa MALIBAN sa: A. Pagbabahagi ng baon sa kaklaseng nagugutom B. Pagbibigay ng damit sa mga nasalanta ng kalamidad C. Pagtuturo sa kamag-aral na hindi nakakaintindi ng aralin D. Paggawa ng mga gawaing bahay kapalit ng panonood ng sine Aralin Kabutihang Panlahat, 1 Pairalin! Lakbayin Ang modyul na ito ay gagabayan ka upang mapalalim at mapahusay ang iyong kaalaman at kakayahan sa Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat kaugnay ng mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao, baitang 9. Maaari mong sagutin ang mga katanungang: 1.) Ano ang kahulugan ng Kabutihang Panlahat? 1.) Ano ang pangunahing layunin ng lipunan at paano makakamit ito? at 3.) Ano-ano ang iba’t ibang Elemento ng Kabutihang Panlahat? “Marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa mundo” Ang linyang ito ay halaw sa awiting pinasikat ng Apo Hiking Society na pinamagatang “BATANG- BATA KA PA.” Ibig sabihin may mga bagay dito sa mundo na hindi mo maaring pakialaman dahil bata ka pa. Sa patuloy na paglaki mo mababago ang iyong pananaw sa buhay. Magkakaroon ka na ng pakialam sa lipunang kinabibilangan mo. “Walang sinomang tao ang maaaring mabuhay para sa kaniyang sarili lamang.” Kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay sa lipunan, isa ito sa itinalagang likas na katangian ng mga nilikha ayon sa Likas na Batas. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University, ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang ating mga gawain ay panlipunan dahil natutuhan natin 7 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 ang mga ito kasama ang ating kapuwa kasama-ng-kapuwa ay makakamit lamang kung makikilahok at makikipamuhay ka sa lipunan. Binubuo ng tao ang lipunan. Binubuo ng lipunan ang tao. (Dy, M., 1994) Sa lipunan, nagkakaroon ang tao ng pagkakataong maipakita ang pagmamalasakit, ang tumulong at matulungan sa panahon ng pangangailangan. Naipakikita ang pagmamalasakit na ito sa pagdamay at bukas-palad na pagtulong sa kapuwa na walang hinihintay na kapalit. Dahil dito, unuusbong ang pagtitiwala sa kapuwa na siyang dahilan ng sama- samang pagkilos tungo sa isang mithiin. Nagingibabaw sa pagkakataong ganito na hindi lamang ang personal na kabutihan ng indibiduwal ang nilalayon ng lipunan kundi ang kabutihang panlahat. Tandaan, kung mangingibabaw ang kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat dahil mangingibabaw ang pagnanais na gawin ng tao ang kaniyang naisin. Kung mangingibabaw naman ang pagkakapantaypantay, maaaring masakripisyo ang kabutihan ng indibidwal (De Torre, 1987). KABUTIHANG PANLAHAT Ano nga ba ang kahulugan ng kabutihang panlahat? Kabutihang Panlahat - ito ay kabutihan para sa bawat indibiduwal na nasa lipunan. Ito ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi sa isang lipunan. Ito ay tumutukoy sa kabutihang naaayon sa moralidad ng tao, sa Likas na Batas Moral. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na nararapa Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat Narito ang tatlong mahahalagang elemento ng kabutihang panlahat: 1.) Ang paggalang sa indibiduwal na tao – Dahil ang kabutihang panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral kung hindi kikilalanin at pahahalagahan ang kaniyang dignidad. Sa dignidad nakakabit ang iba’t ibang karapatang kailangang igalang at dapat matamasa ng lahat ng tao sa lipunan. Upang maging makatarungan ang isang lipunan, kailangang nasisiguro ng namumuno dito na ang karapatan ng bawat indibiduwal ay kinikilala, iginagalang, pinoprotektahan at pinahahalagahan. 8 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 2.) Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan- Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao. Karaniwang sinusukat ito halimbawa sa mga pampublikong Sistema ng pangangalaga sa kalusugan; epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad; kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo; makatarungang sistemang legal at pampolitika; malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang pang-ekonomiya. 3.) Ang Kapayapaan- Ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay tulad ng isip, kalooban, pamilya, lipunang ginagalawan at iba pa, subalit ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalan ng kaguluhan. Ang kapayapaan ay indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang katatagan at seguridad ng makatarungang kaayusan. Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat Kinakaingang isaalang-alang natin at bigyan ng halaga ang mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Ito ay ang sumusunod: 1.) Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito. Nakikinabang lamang siya subalit walang ambag o tulong na nanggagaling sa kaniya. 2.) Ang indibiduwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin. Nais ng taong maging malaya sa pagkamit ng sariling tunguhin nang walang ibang nanghihimasok o nakikialam sa kaniya. Ayaw ng taong ganito na magambala ang kaniyang personal na buhay – nagnanais na “mapag-isa.” 3.) Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba. Upang mapanatili ang kabutihang panlahat, hinihingi sa ilan ang mas malaki at mabigat na pananagutan kaysa sa iba. 9 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 Galugarin Gawain 2- Panuto: Tukuyin at piliin sa kahon kung anong elemento ng kabutihang panlahat ang sinasabi sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot. A. Kapayapaan B. Katiwasayan C. Paggalang sa indibidwal na tao D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat ________1. Pangangalaga sa dignidad ng tao ________2. Katahimikan ng isipan ________3. Pangangalaga sa karapatan ng tao ________4. Kapanatagan ng kalooban ________5. Pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan ________6. Pangangalaga sa sistemang legal at pampolitika ________7. Resulta ng kawalan ng kaguluhan ________8. Pagpapahalaga sa kalikasan ng tao ________9. Pagkakaroon ng malinis na kapaligiran _______ 10. Pag-unlad ng sistemang pang-ekomiya Gawain 3 - Panuto: Isulat ang (/) kung ang sitwasyon sa bawat bilang ay tumutukoy sa mga elemento ng kabutihang Panlahat at (x) naman kung hindi. 1. Karapatan ng bawat isa na mabuhay sa mundo 2. Walang kinikimkim na sakit sa kalooban 3. Hinahangad ang katahimikan ng isipan. 4. Araw-araw na lang ay may patayang nagaganap sa lipunan. 5. Pagsasagawa ng “Clean at Green Campaign” sa lipunan 6. Nabibigyan ng pagkakataong magpakonsulta sa doktor ang mga matatanda nang walang bayad. 7. Pinahihinto ang mga bata sa pag-aaral dahil sa kahirapan. 8. Pagbaba ng estadong pang-ekonomiya ng bansa dahil sa COVID 19 9. Pinapahiya ang tao sa harap ng maraming tao. 10. Ligtas ang mga mamamayan sa anumang kapahamakan. 10 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 Palalimin Gawain 4 Basahin at unawain ang awit na pinamagatang “Pananagutan”, at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong ukol dito. Pananagutan Ni: Jaime Rivera Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang; Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa; Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N’ya. Sa ating pagmamahalan at panglilingkod sa kanino man; Tayo ay magdadala ng balita na kaligtasan. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa; Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N’ya. Sabay sabay mag aawitan ang mga bansa; Tayo tinuring ng panginoon bilang mga anak. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa; Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N’ya. Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N’ya. Mga Tanong: Sagutin ang mga tanong nang hindi hihigit sa tatlong pangungusap. 1.) Ayon sa pag-unawa mo sa awit na iyong binasa, ano-ano ang mga pananagutan mo sa iyong kapwa? (5 puntos) 2.) Ano-ano ang mga naimbag o naibahagi mong tulong sa iyong kapwa lalo na ngayon na nararanasan natin ang pandemiyang COVID 19? (5 puntos 11 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 3.) Nakikita at nararamdaman pa rin ba natin ang kabuluhan ng Kabutihang Panlahat sa kasalukuyan na kinakaharap natin ang pandaigdigang pandemya? (5 puntos) Mga Pamantayan sa Pagpupuntos: *Nilalaman/Kontent-3; Gramatika-1; Kalinisan-1 Gawain 5 “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang pahayag na ito ay nagmula kay John F. Kennedy, dating pangulo ng Amerika. Gawin ang: 1. Gumuhit ng isang poster na may kinalaman sa pahayag ni John F. Kennedy. (10 puntos) 2. Ipaliwanag ang iginuhit na poster upang lalong maunawaan. (10 puntos) Mga Pamantayan sa Pagpupuntos: (Poster) 1.) *Mensahe-5; Kombinasyon ng Kulay -3; Kalinisan-2 Mga Pamantayan sa Pagpupuntos: (Paliwanag) 2.) *Kontent-5; Bantas/Gramatika -3; Kalinisan-2 Gawain 6 Bumuo ng sariling tula na may kinalaman sa pag-atake ng pandemyang COVID-19 sa ating bansa. (10 puntos) Mga Pamantayan sa Pagpupuntos: Nilalaman - Kaugnay sa Paksa-5; Bantas/Gramatika-3; Kalinisan-2 * 12 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 Aralin Kabutihang Panlahat sa 2 Pamilya, Paaralan, Pamayanan o Lipunan Lakbayin Sariwa pa ba sa iyong isipan ang mga napag-aralan mo sa Araling Panlipunan? Tiyak na napag-aralan mo na ang mga bagay tungkol sa lipunan, ang kahulugan nito, layunin at marami pang iba. Sa modyul na ito ay madaragdagan pa ang iyong kaalaman ukol sa lipunan tulad ng pagkakaiba ng lipunan at komunidad, ang limang sektor o institusyong panlipunan at ang layunin ng mga ito sa lipunan tungo sa pagtamo ng kabutihang panlahat. PAGKAKAIBA ng LIPUNAN at KOMUNIDAD Ang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na ‘lipon’ na nangangahulugang pangkat. Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na may iisang tunguhin o layunin. Sa kabilang dako, ang komunidad ay nagmula sa salitang Latin na communis na nangangahulugang common o nagkakapareho. Binubuo ito ng mga indibiduwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali, o pagpapahalaga na bahagi ng isang partikular na lugar. Dito ay nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi. IBA’T IBANG SEKTOR NG LIPUNAN Narito ang limang sektor o institusyong panlipunan kaakibat ng mga layunin nito sa lipunan. 1.) PAMILYA – Ito ay sinasabing isang maliit na antas ng lipunan. Sa pamilya natin mararamdaman ang tunay na pagmamahalan, pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isa. Dito rin nagmumula ang pakiramdam ng pagiging ligtas at payapa. Ito rin ang nagbubuklod sa bawat isa, sama-samang lumalaban sa kahit na anong pagsubok at hamon ang dumating sa bawat isa. 2.) PAARALAN - Katulong ng pamilya ang paaralan sa paghubog ang mga pag- uugali at mga pagpapahalaga at dito nalilinang ang mga 13 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 angking talento at kakayahan ng isang kabataan.Ang edukasyon ay pinakamahalagang bagay na dapat makamtan ng isang tao sa kaniyang buhay; ang magsisilbing susi sa tagumpay; at ang humuhubog sa mga isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapuwa.Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sapat na edukasyon maaaring magkaroon ng isang mas mahusay at maayos na kinabukasan at maging handa sa hinaharap. Ito rin ang nagsisilbing sandata na magagamit na para mabago ang lipunang kaniyang ginagalawan. 3.) SIMBAHAN – Ito ang institusyong tumutulong sa bawat kasapi ng lipunan na magkaroon ng kamalayan sa nararapat na moral at espirituwal na pamumuhay. Ito ang naglalapit sa atin sa Panginoon na Siyang lumikha sa buong sangkatauhan. 4.) NEGOSYO – ay isang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo. Ito ang mga gawaing nakakalikha at nagbebenta ng mga kalakal o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan ng tao para kumita panustos sa pang-araw-araw na pamumuhay. Isang kalakalan na kung saan ang lahat ng produktong ibinigay ay may kapalit na pera o salapi. Layunin din nitong magbigay ng trabaho sa mga mangagagawa at makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. 5.) PAMAHALAAN – Ito ang nagmamalasakit sa mga mamamayan at mga taong kaniyang nasasakupan. Ito ang may kakayahang magpaunlad ng isang lipunan at gumagawa at nagpapatupad ng mga batas. Nangangalaga sa kaayusan ng lipunan at upang magsakatuparan sa mga programa upang matugunan ang anomang pangangailangan ng mamamayan. Nakatutulong nang malaki ang mga sektor na ito sa katiwasayan at pagunlad ng lipunan gayundin sa pagtamo ng kabutihang panlahat. Naranasan mo na ba ang tumulong sa iyong kapuwa - tulad ng pagbabahagi ng iyong baon para sa isang matanda o pulubing nagugutom? Pagbibigay ng mga relief goods sa mga nasalanta ng kalamidad, at pagtulong sa mga nakaranas na madapuan ng sakit na COVID 19? Kung oo ang kasagutan mo, nakaramdam ka ba ng galak dahil sa iyong mga ginawa? Samakatuwid anong magandang maidudulot ng iyong mga ginawa sa lipunan? Tandaan, ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibiduwal na kasapi nito. 14 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 Kinakailangan na malaman mo rin ang mga kondisyon sa pagkamit ng kabutihang panlahat upang mapanatili ang pangunahing layunin ang ng lipunan. Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat Narito ang mga kondisyong kailangan upang makamit ang kabutihang panlahat ayon kay Joseph de Torre (1987): 1.) Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya na ginagabayan ng diyalogo, pagmamahal, at katarungan. Mahalagang palaging nasa isip ng lahat ang tunay na kahulugan ng kalayaan dahil may panganib na isipin ng ilan na walang hanggan ang kaniyang kalayaan. Mahalaga ang diyalogo upang maibahagi sa bawat isa ang kanilang saloobin, damdamin, at pananaw. Madalas na ang sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao ay ang kakulangan ng pag-uusap. Kinakailangang manaig ang pagmamahal at katarungan sa puso natin. 2.) Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan. Hindi magiging ganap ang isang lipunan at ang mga taong kasapi nito kung hindi naigagalang ang pangunahing karapatan ng tao. Ang karapatan ang nangangalaga sa dignidad ng tao at nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay. Hanggat nananaig ang diskriminasyon sa lipunan, nagpapahiwatig itong hindi pa ganap ang pagsasaalang-alang ng mga tao sa kabutihang panlahat. 3.) Ang bawat indibiduwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan. Ang lipunan ang dapat na maging isang instrumento upang makamit ng tao ang kaniyang kaganapan bilang tao. May malaking ambag ang lipunan sa pag-unlad ng tao. Hindi namimili ng edad o antas sa buhay ang pagtiyak na mananaig ang kabutihang panlahat. Ito ay nakabatay sa iyong puso at pagmamalasakit sa iyong kapuwa. Nararapat na magmalasakit ang lahat upang lumikha o sumuporta sa mga institusyong panlipunan at paunlarin ang kalagayan ng buhay ng bawat indibiduwal na sumasalamin sa lipunan 15 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 Galugarin Gawain 1 Panuto: Iguhit sa patlang ang kapag FACT o tama ang isinasaad ng mga pahayag sa bawat bilang at naman kung BLUFF o mali ang mga ito. _____1. Sama-samang pagtutulungan sa mga gawaing-bahay _____2. Ang pagiging kasama-ng-kapuwa ay makakamit sa pamamagitan ng pakikilahok at pakikipamuhay sa lipunan. _____3. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad _____4. Kailangan ng tao ang edukasyon na naibibigay sa tulong ng mga guro. _____5. Pagdamay sa kapuwa sa gitna ng pandemya. _____6. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba _____7. Pagkakait ng tulong para sa kapuwa na nangangailangan _____8. Pagbabahagi ng baon sa kaklaseng nagugutom _____9. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito ____10. Pagbibigay ng mga damit at pagkain sa mga nasalanta ng kalamidad Gawain 2 1.) Pagnilayan ang limang sektor ng lipunan batay sa mga layunin o tunguhin at kontibusyon nito sa lipunan. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong ukol dito. Magbigay ng tig-2 espisiko/tiyak na halimbawa na naitulong ng bawat sektor sa ating bansa. Gamitin ang tsart sa ibaba sa pagsagot sa tanong na ito. (10 puntos) Sektor ng Mga Tiyak na Halimbawa na Naitulong ng Lipunan Bawat Sektor 1. Pamilya a. b. 2. Paaralan a. b. 3. Simabahan a. b 4. Negosyo a. b. 16 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 5. Pamahalaan a. b. 1.) Ano ang maaaring maganap kung hindi matutupad ng mga sektor na ito ang kanilang mga tungkulin sa lipunan? (5 puntos) ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 2.) Kung magkakaroon ng iisang layunin ang lahat ng sektor na nabanggit, ano kaya ang layuning ito? Bakit ito ang naging sagot mo? (5 puntos) ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 3.) Sa kalagayan ngayon ng ating bansa na nahaharap sa pandemya, ano ang maitutulong ng mga sektor ng lipunan? (5 puntos) ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 4.) Paano makatutulong ang mga sektor na ito ng lipunan sa pagkamit sa kaganapan ng iyong pagkatao? (5 puntos) ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ Pamantayan sa Pagpupuntos: (sa bilang 2-5) *Nilalaman- 3 Gramatika/Bantas- 1 Kalinisan- 1 17 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 Palalimin Gawain 3: Panuto: (Para sa Essay Tayp) Suriin ang sumusunod na sitwasyon at isaalang-alang ang kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan. Sagutin nang maikli lamang. (Tig-5 puntos sa bawat bilang) 1.) Bilang isang anak, karapatan mong mabigyan ng edukasyon ng iyong mga magulang ngunit may balakid para matupad ito. Dahil sa kahirapan, walang trabaho ang mga magulang mo kaya hindi ka makapagtatapos ng pag-aaral. Ano ang gagawin mo? Sagot:________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 2.) Sa isang kompanya, bilang mga trabahador lahat ay kailangang magtrabaho nang walong oras sa isang araw. Ngunit ikaw ay napakasipag, nagagawa mong magtrabaho nang labindalawang oras sa isang araw. Magrereklamo ka ba ukol dito? Sagot:________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 3.) Bilang isang Pangulo ng bansa ninanais mo na hindi mananaig ang korapsiyon sa pamahalaan. Hindi maisasakatuparan ito kung hindi yayakapin ng lahat ng namumuno sa ilalim ng iyong pamumuno. Napag-alaman mong may mga nagsasagawa ng korapsiyon sa ilang mga opisyales ng gobyerno. Ano ang gagawin mo? Sagot:________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ RUBRIKS sa PAGPUPUNTOS 5 Puntos 4 na Puntos 3 Puntos 2 Puntos 1 Puntos *Napakahusay, *Napakahusay, *Mahusay, *Angkop ang *Kulang at buo at angkop buo at angkop hindi buo kasagutan hindi ankop na angkop ang na angkop ang ngunit angkop ngunit ang kasagutan. kasagutan. ang kulang ito. kasagutan. *Tama ang *May 1 o 2 mali kasagutan. *May *May gramatika. sa gramatika. *May maraming maraming maraming mali sa mali sa mali sa gramatika. gramatika. gramatika. 18 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 Gawain 2 Panuto: Bilang proyekto mo sa modyul na ito, gumawa ng isang produkto mula sa mga recycled materials na maaari mong pagkakitaan at makatutulong din sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultura, at pangkapayapaan. Matapos ang iyong proyekto, ilahad ang pagkakagawa nito. Gamitin ang pormat na: Pangalan ng Proyekto A. Mga Kagamitan: ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ B. Mga Hakbang sa Paggawa ng Proyekto: ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 19 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 Sukatin A. Piliin sa kahon ang sektor ng lipunan na umaayon sa sumusunod na layunin o kontribusyon nito sa lipunan. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. A. Pamilya B. Paaralan C. Pamahalaan D. Simbahan E. Negosyo _____1. Sa sektor na ito, malakas ang pagbubuklod ng bawat isa at dito unang nahuhubog ang tamang asal at pag-uugali ng mga anak. _____2. Ang institusyong panlipunang ito ay nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. _____3. Layunin nito na hubugin at iukit ang moralidad sa ating lipunan. _____4. Nais nitong maturuan, mabigyan at mapalawak ang nalalaman ng bawat tao. _____5. Aling sektor ng lipunan ang nagpapatupad ng mga batas at alituntunin at nagpapairal ng hustisya na nararapat sa isang indibiduwal? B. Basahin at unawaing mabuti ang sinasabi sa sumusunod na bilang at pagkatapos ay piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. _____6. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad? A. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan. B. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang nito. C. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samatalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito. D. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin. ______7. Bakit kailangan nating magpatulong sa iba? A. Magkakaiba tayo ng kakayahan B. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba C. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba nating gawain D. Mga pangangailangan natin ay hindi lahat matatamo nang mag-isa. 20 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 _____8. Kinakailangang gabayan ng magulang ang anak sa paggawa ng tamang pasya upang __________. A. hindi mahirapan sa pagpapasiya B. hindi masanay na gumawa ng sariling pasiya C. masanay siyang umasa sa kaniyang magulang D. hindi siya masanay na gumawa ng mga maling pasya _____9. Kung nagkakaroon tayo ng hidwaan at hindi pagkakaunawaan, napawawalang-bahala ang isa sa mga kondisyon sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Anong kondisyon ang tinutukoy dito? A. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya na ginagabayan ng diyalogo, pagmamahal, at katarungan. B. Ang bawat indibiduwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan. C. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan. D. Ang bawat tao ay malaya sa pagsasalita kahit makapanakit sa iba. ____10. Pahirap na nang pahirap ang buhay natin sa kasalukuyan nang dahil sa pandemyang COVID 19. Ano ang gagawin mo para malampasan ang kahirapan sa buhay na mananaig pa rin ang kabutihan sa puso mo? A. Huwag kumilos at hayaan na lang na magutom. B. Kumapit sa patalim upang mabuhay. C. Umasa na lamang sa tulong ng iba. D. Magtrabaho at magsikap. 21 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 22 Galugarin Sukatin Gawain 1 A. B 1. A 6. B 1. 6. 2. E 7. D 2. 7. 3. D 8. D 3. 8. 4. B 9. A 5. C 10. D 4. 9. 5. 10. ARALIN 2 Galugarin Simulan Gawain 2 Gawain 3 Gawain 1-A Gawain 1-B 1. C 1. √ 1. B 1. B 2. A 2. √ 2. A 2.B 3. C 3. √ 3. D 3. B 4. A 4. X 4. B 4. D 5. D 5. √ 5. B 5. A 6. D 6. √ 6. A 6. C 7. A 7. X 7. A 7. A 8. C 8. X 8. B 8. C 9. D 9. X 9. C 9. A 10.D 10.√ 10.C 10. D ARALIN 1 Susi sa Pagwawasto Sangggunian: Gayola, Sheryll, Goeffrey Guevara, Maria Tita Bontia, Suzanne Rivera, Elsie Celeste, Marivic Leano, Benedick Daniel Yumul, Aprilyn Miranda, at Nestor Alagbate. Edukasyon sa Pagpapakatao 9-Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, Lungsod Pasig: FEP Printing Co., 2015, p. 1-14. Gayola, Sheryll, Goeffrey Guevara, Maria Tita Bontia, Suzanne Rivera, Elsie Celeste, Marivic Leano, Benedick Daniel Yumul, Aprilyn Miranda, at Nestor Alagbate. Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Gabay sa Pagtuturo, Unang Edisyon, Lungsod Pasig: FEP Printing Co., 2015 Online Sources: brainly.ph/question/122701 brainly.ph/question/133771 brainly.ph/question/1730644 brainly.ph/question/624450 https://brainly.ph/question/1516283 https://brainly.ph/question/31119 https://brainly.ph/question/608119 https://brainly.ph/question/77952 https://brainly.ph/question/649993 https://www.youtube.com/watch?v=6V7VAAZpyr4 https://www.google.com/search?q=mga+larawan+ng+kabutihang+panlahat&oq=mga +larawan+ng+kabutihang+panlahat& 23 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – SDO La Union Curriculum Implementation Division Learning Resource Management Section Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500 Telephone: (072) 607 - 8127 Telefax: (072) 205 - 0046 Email Address: [email protected] [email protected] 24 LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao9_Modyul1

Use Quizgecko on...
Browser
Browser