Document Details

SmilingGarnet4920

Uploaded by SmilingGarnet4920

Notre Dame University

Tags

Tagalog Writing Academic Writing Writing Process Language arts

Summary

This Tagalog document discusses various aspects of writing. It examines the process, types of writing (including academic and creative writing), and standards for effective writing. It also covers techniques and strategies in creating different types of writing in Tagalog.

Full Transcript

PAGSULAT Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik PAGSULAT ◻ Ang pagsulat ay lundayan ng iniisip, nadarama, nilalayon at pinapangarap ng tao dahil nakapaloob ditto ang aspetong kognitibo, sosyolohikal, sikolohikal, linggwistikal, atb. ◻ Nililinanng ng pagsulat ang kakayahang mag-i...

PAGSULAT Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik PAGSULAT ◻ Ang pagsulat ay lundayan ng iniisip, nadarama, nilalayon at pinapangarap ng tao dahil nakapaloob ditto ang aspetong kognitibo, sosyolohikal, sikolohikal, linggwistikal, atb. ◻ Nililinanng ng pagsulat ang kakayahang mag-isip, makalutas ng problema, makapaghayag, makapagsunod-sunod ng detalye, makasuri ng datos, makapgpakahulugan sa nabasang teksto, makapagpahayag ng sariling estilo, makapagbuod ng binasang teksto, makagawa ng tsart, grap, ilurtrasyon, talahanayan, makasumite ng pananaliksik at atb. SOSYO-KOGNITIBONG PANANAW ◻ Ayon kay Royo (2001) ? Nakatutulong ang pagsulat sa paghubog ng damdamin, mithinn, pangarap, agam-agam, bungang-isip, at mga pagdaramdam. ? Dahil sa pagsulat, nakikilala rin ng tao ang kanyang sarili, kahinaan at kalakasan, tayog at lawak ng kaisipan at naaabot ng kanyang makamalayan. SOSYO-KOGNITIBONG PANANAW ◻ Iba-iba ang naging focus sa pagtuturo ng pagsulat sa mga nakaraang panahon – produkto, proseso, konteksto at kognitibo. Sa kasalukuyang pananaw, mapagsama-sama at mapag-uugnay-ugnay ang mga pananaw na ito tungo sa tinatawag na socio-cognitive theory ni Freeman (1987) o iyong tinatawag na sosoyo-kognitibong teorya sa pagsulat. SOSYO-KOGNITIBONG PANANAW ◻ Ayon kay Lalunio (1990) isinasaad ng teoryang ito na nag pagkatuto ay may batayang panlipunan at ito ay isang prosong interaktibo. Nangangahulugan ito na ang kognisyon o pag-unawa ay nakaapekto ng maraming salik gaya ng iskema ng mga mag-aaral at ng konteksto.. PAGSULAT BILANG MULTIDIMENSYONAL NA PROSESO ◻ Ang pagsulat ay hindi hiwalay kundi kaugnay ng iba`t ibang gawaing pangkomunikasyon, gaya ng pakikinig, pagsasalita, at pagbasa. ◻ Para kay G. Badayos (1999), ang multidimensional na proseso ng pagsulat ay binubuo ng mga sumusunod na proseso: ? Bago sumulat – binubuo iti ng pagpili ng paksa, pagliklha ng mga ideya, at pagbuo ng mga ideya. ? Pagsulat - pagbuo ng dafrt, pagtanggap ng fidbak, pagsangguni at pagrerebisa. ? Paglalathala - sangkot ditto ang pagdidisplay ng komposisyon/ sulatin sa “bulletin board” o kaya;y pagpapalimbag/paglalathala LAYUNIN NG PAGSULAT ◻ Para kay James Kinneavy (1971), may limang kategorya sa pagsulat na nagiging rason kung bakit nagsusulat ang tao. Ito ay ang mga sumusunod: ? Ekspresiv – personal na pagsulat para maipahayag ang sarili ? Formulari – isang mataas at istandardisadong pagsulat katulad ng mga kasulatan/kasunduan sa negosyo/bisnes at iba pang transaksyong legal, political, at pang-ekonomiya na may sinusunod na format. LAYUNIN NG PAGSULAT ◻ Imaginativ – upang mabigyang ekspresyon ang mapanlikhang imahinasyon ng manunulat sa pagsulat ng mga dula, awit, tula, iskrip at iba pampanitikan ◻ Informativ – upang mabigay ng mahahalagang informasyon, datos at ebidensya. ◻ Persweysiv – upang makapanghikayat, mapaniwala ang mambabasa dahil sa mga ebidensya o katibayang inihayag. ISTANDARD NA DAPAT TAGLAYIN NG SULATIN ◻ Kaisahan – kailanagan umiikot ang talakay sa paksang sinusulat. May isang sentral na ideya o punong kaisipan na hinuhugisan at dinedebelop katulong ng mga sumusuportang kaisipan ◻ Koherens - maasyos ang pag-ugnayan ng mga pangungusap. Napagdurugtong ang mga ideya sa pamamagitan ng detalye. Ginamit nang wasto ang mga salitang transisyonal at hindi tumatalon nang walang signal ang bawat talataan. Nakikita ang lohika ng sulatin dahil sa maayos na pagkokonek ng mga ideya. ISTANDARD NA DAPAT TAGLAYIN NG SULATIN ◻ Kalinawan – hindi maligoy ang pangungusap. Dapat ay may direksyong tinutungo ang sulatin. Kailangang walang “liiters” ang talataan. Aliin ang mga argumentong di nasusuportahan. Dapat lang na masabi sa salitang naiintindihan ang gusting sabihin. ◻ Kasapatan – may sapat na datos – (May mga detalye, halimbawa, tuwirang sabi, istatistikis, ebidensya, rason, na sumusuporta sa sinasabi hangga’t maaari), Hindi “bitin” ang talakay. ISTANDARD NA DAPAT TAGLAYIN NG SULATIN ◻ Emphasis / Diin - sino o ano ang ihahalayt? Alin ang bibigyang diin? ◻ Kagandahan - may fluwensi “eloqueence” at “grace” ang sulating nadedebelop kapag ang lenggwahe/salitang pinili/ginamit ay tama; inorganisa nang maayos ang talataan at may intelektwal “appeal’ ang kabuuan. Bukod pa sa tamang paggamit ng bantas, ispeling at gramar. MGA URI NG SULATIN ◻ Akademik ? Isang awtor ang nagsasabing ang akdemikong pagsulat ay yaong ginagamit sa mga kursong komposisyon o malikhaing pagsulat na kalimita’y sariling opinyon, ideya o karanasan ang isinulat dito, bagama’t maituturing ding akademiko abg pagsulat ng reaksyon sa sinulat ng iba gaya ng pagsulat ng takdang aralin. antropolohiya kasaysayan sosyolohiya komersyo Rebyu ng field Book report tesis report work ulat MGA URI NG SULATIN ◻ Teknikal ? Ayon kay Ponciano B.P. Pineda, dating punong komsiyoner ng KWF, ang teknikal na Filipino ay isang linggwitikong phenomen na sumibol sa puso ng baryedad ng wikang Filipino na lalong kilala sa tawag na TAGLISH. ? Ito’y binubuo ng syentifik / teknikal leksis batay sa English at ipinahahayag sa Filipino sa akapantayang subsyentifik. Halimbawa: Mga Kemikal: Iron (bakal), Table Salt (asin), Calcium (kalysum), Muriatic Acid (asido-muryatiko) atbp. MGA URI NG SULATIN ◻ Jornalistik ? Ang dyaryo o pahayagan, maging broad sheet o tabloid ay nagtatalagay ng mga sulating iba sa nilalaman at paraan ng mga sulating malikhain. ? Hindi mabubuo ang dyaryo o pahayagan kung walang balita, editoryal, lathalain, at iba pang sulating pampahayagan. MGA URI NG SULATIN ◻ Jornalistik ? Ilang bahagi ng pahayagan: Balita – Ayon kay Matienzo (2002): Anumang pangyayaring naganap, nagaganap pa lamang, o magaganap pa sa isang tiyak na hinaharap ngunit hindi pa alam ng marami, na may kaugnayan sa kapayapaan ng bansa, ng kabuhayan, edukasyo, politika, kultura, isports, kalusugan at / relihiyon ay isang balita. Editoryal – Anumang artikulong nagbibigay-pakahulugan sa balita, nagbibigay opinyon at saloobin, pumupuna, at bumabatikos ay tinatawag na editoryal MGA URI NG SULATIN ◻ Jornalistik ? Ilang bahagi ng pahayagan: Lathalain – Itinuturing na “may laman at dugo”, ang lathalain ay may ganap na katauhan. Ito’y nakapaghahatid ng kaalaman sa mga mambabasa bukod pa sa kasiyahan at kawilihang hatid nito. Ang Interbyu, libangan gaya ng resipe, palaisipan o cross-word, puzzle, horoscope ay mabibilang sa lathalain. Balitang Pang-Isports – ang mga laro, paligsahan o anumang pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng gymnasium ay mababasa sa balitang pang-isports. MGA URI NG SULATIN ◻ Malikhain ? Ayon kay Genoveva Edroza Matute, kilalang manunulat ng literaturang Filipino, ang malikhaing pagsulat ay nagsisimula sa wala, patung sa mayroon at patuloy sa pag-unlad. Masining ang paglalahad ng iniisip o nadarama. ? Kalimitang ang pinagtutuunan ng pansin sa uring ito ay ang paglalarawan o paglalahad ng manunulat gamit ang salitang maituturing na masining at malikhain, at kabilang pa rin dito ang mga sulating literari. MGA URI NG SULATIN ◻ Referensyal ? Ito ay uri ng sulatin kung saan ang nilalaman ay mga mahahalagang datos na nakalap mula sa iba’t – ibang sanggunian upang maging balido, masaklaw at efektibo ang isinusulat maging ito’y tesis o pamanahong papel. ? Isa sa pinakahaylayt ng paksang ito ay ang tamang pagkuha ng datos upang gawing “Citation at Bibliography” APA - American Psychological Association ◻ Isang malaking organisasyon kung saan sila ang bumuo, gumawa at nagpalaganap ng mga limbag na pag-aaral sa sikolohiya na may kinalaman sa pananaliksik at “databases” (easybib.com) ◻ Sa ngayon, ang 7th edisyon ng kanilang libro (Publiation Manual of the American Psychological Association) ang ginagamit sa pangangalap at pagbuo ng mga referensyal APA - American Psychological Association ◻ References vs. Citations – Ano ang pinagkaiba? ? Ang Citations ay matatagpuan sa aktual na bahagi ng isang talata (libro, jornal, pananaliksik) “Ang pagsulat ay lundayan ng iniisip, nadarama, nilalayon at pinapangarap ng tao” (Ramirez, 2007, p.5). D:\APA_Complete 6th Edition.pdf ? Samantalang ang References naman ay matatagpuan sa pinakadulong bahagi ng isang libro, jornal, pananaliksik atbp. na naglalaman mga impormasyon tungkol sa pinagkunan ng ideya o kaalaman Ramirez, C.V. (2007). Filipino I – Komunikasyon sa. akademikong Filipino. Lorimar Publishing Co., inc. Paghahanda sa Pagsulat ◻ Nililinang sa bahaging ito, bago magsulat ang kasanayang pscyomotor upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagsulat, na isang gawaing pisikal. Kailangang taglayin/angkinin ang mga sumusunod bilang paghahanda sa pagsulat: ? Hilig at interest sa pagsulat ? Makilala ang kabuluhan ng limbag na salita na iba kaysa sa mga larawan ? Sapat na kaalaman sa Wikang Filipino o anumang wikang gagamitin Paghahanda sa Pagsulat ? Format ng sulatin Pagbabaybay Pagbabantas pagtatalataan ? Kaalaman sa wika tulad ng balarila, talasalitaan at pagbuo ng pangungusap ? Kaalaman sa pag-oorganisa/pagdedevelop Pagpili ng paksa Paggwa ng draft o balangkas Pagpili ng “genreng” isusulat Pagpili ng diskors sa pagpapahayag Mga Hakbang sa Pagsulat ◻ Unang Hakbang ? Panimulang Pagsulat ? Journalizing ? Brainstorming ? Klastering Ginagawa upang madetermina ang lawak/sakop ng isusulat, upang makuha ang damdamin ng manunulat sa paksang isusulat, upang makapag jenereyt ng mga ideya, at upang makilala ang “focus” ng susulatin Mga Hakbang sa Pagsulat ◻ Ikalawang Hakbang ? Drafting ? Pagsulat ? Rebyu ng Tagabasa Upang madebelop ang “focus”, upang masimulan ang istruktura (Introduksyon, Katawan, Konklusyon) ng ideyang ihahayag, upang makapili ng pormat, at upang maipakita sa iba at makapagbigay ng input. Mga Hakbang sa Pagsulat ◻ Ikatlong Hakbang ? Pagrerebisa ? Muling Pagsulat ? Pag-ases/Pagtingin sa Sinulat ? Pagtaya sa Sinulat Upang makagawa ng panibagong “draft”, upang magawang makinis ang istruktura, upang magawa ang kaisahan (debelopment ng mga talataan), upang maging obhektibo sa pagwawasto ng sariling sulatin, at upang makilala ang kalakasan at kahinaan nang sinulat. Mga Hakbang sa Pagsulat ◻ Ikaapat na Hakbang ? Editing / Pagwawasto Upang makafokus sa varayti, kabuuan, at kahulugan ng pangungusap, matsek ang ispeling, bantas at gramar. Estado ng isang manunulat ◻ Nagsisimulang magsulat (Novice Writer) ? Walang kasanayan, di-likas, at nakadepende sa guro ◻ Transisyunal na Manunulat ? Nakakapagsimula na at nangangailangan pa rin ng suporta at gabay ◻ Willing Writer ? May pagkukusang mapagaling ang kakayahan ◻ Independent Writer ? Malayang manunulat Istratehiya sa Pagsulat ayon kay Kina Pinnell, Gay Su at Irene C. Fountas 1. Panimulang Pagsulat I Brainstorming I Focus sa patuloy at malayang pagsulat I Mapping at Webbing I Paggamit ng mga tanong na sino, ano, kailan, saan paano, bakit I Pagbasa ng iba sa sinulat I Paggamit ng larawan, texts, tuwirang sinabi/sipi upang gumana ang isipan Istratehiya sa Pagsulat ayon kay Kina Pinnell, Gay Su at Irene C. Fountas 2. Drafting I Pagkuha ng pinakamahalagang ideya mula sa panimulang pagsulat at pagpapalusog ng mga ideyang ito I Pagkilala ng mga Awdyens o babasa; layunin sa pagsulat at ang paggamit nito upang makalikha ng draft o balangkas I Pakikipagkomperensya sa mga kasamahan o kaibigan upang maging malinaw at maging makinis ang ideya I Pag-organisa ng mga ideya, pagkakasunod ng pangyayari ayon sa panahon o pagkakaganap, kahalagahan, pagkakatulad at pagkakaiba, sanhin at bunga, problema-solusyon, at pros at cons Istratehiya sa Pagsulat ayon kay Kina Pinnell, Gay Su at Irene C. Fountas 3. Rebisyon I Pagbasa sa teksto at paglilimi sa kasapatan o kakulangan ng pagkakasulat I Pagkuha ng fidbak mula sa mga kasama upang makita kung efektibong nakapagpahayag I Pagtatanong sa sarili kung nasgaot ng sulatin ang kailangang masagot tungkol sa paksa. Natugunan ba ang pangangailangan ng awdyens? I Nagawa ba ang lohikal na presentasyon – simula, gitna at wakas Istratehiya sa Pagsulat ayon kay Kina Pinnell, Gay Su at Irene C. Fountas 4. Editing I Nababsa ba ang nilalaman? Nasunod ba ang mga panuntunan sa pagsulat tulad ng: Format (talataan) Istruktura ng pangungusap (sintaks) Paggamit/pagpili ng mga salita Baybay/ispeling Bantas at gamit ng malaking titik Kabuuan (indensyon, ispeysing, sulat-kamay)

Use Quizgecko on...
Browser
Browser