Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga gabay at impormasyon ukol sa pagsulat ng lakbay-sanaysay. Sinasaklaw nito ang mga dapat tandaan, mga dahilan sa pagsulat, at karaniwang punto de-bista.

Full Transcript

LAKBAY-SANAYSAY PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY Tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga nagiging karanasan sa paglalakbay. PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag niyang sanaylakb...

LAKBAY-SANAYSAY PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY Tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga nagiging karanasan sa paglalakbay. PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag niyang sanaylakbay kung saan ang terminolohiyang ito ay binubuo ng tatlong konsepto: Sanaysay, Sanay, at Lakbay. Naniniwala siyang ang sanaysay ang pinakaepiktibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa paglalakbay. PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY Aniya, nanghihinayang siya sa mga nakalipas niyang paglalakbay sa iba’t ibang lugar sa Europa at marami pang bansa dahil nakaligtaan niya o sadyang nabaliwala ang pagtatala. Maaaring naikwento niya ang kanyang mga karanasan ngunit kalaunan ito ay nakakalimutan. PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY Kaya naman, sa kanyang panayam sa naganap na UP Writers Workshop (Abril 2014) ay kanyang winika sa kanyang mga tagapakinig na sisikapin niyang isulat ang mga nangyari at kanyang naranasan sa kanyang mga paglalakbay sa pamamagitan ng paglalad gamit ang sanaysay. Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al. sa Malikhaing Sanaysay (2013) MAYROONG APAT NA PANGUNAHING DAHILAN NG PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY 1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita ng pagsulat. 2. Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan. 3. Upang makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay. 4. Upang maitala ang pansariling kasanayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom o kaya’y pagtuklas sa sarili. UPANG MAITAGUYOD ANG ISANG LUGAR AT KUMITA SA PAGSUSULAT Mga Travel Blog na itinuturing na libangan at gayundin ay maaaring pagkakitaan. Ang mga blog na ito ay naglalaman ng mga pagsasalaysay ng may-akda ng kanyang paglalakbay. UPANG MAIDOKUMENTO ANG KASAYSAYAN, KULTURA AT HEOGRAPIYA NG LUGAR SA MALIKHAING PARAAN Magandang halimbawa nito ay ang ginawa ni Antonio Pigafetta na tumungo sa Pilipinas kasama ni Magellan. Siya ang nagtala ng mahahalagang datos na kanilang nakita sa Pilipinas. Mga datos patungkol sa hayop, klima, heograpiya at kultura ng sinaunang Pilipino. UPANG MAIDOKUMENTO ANG KASAYSAYAN, KULTURA AT HEOGRAPIYA NG LUGAR SA MALIKHAING PARAAN Gayundin ang pagtatalang ginawa ni Marco Polo sa kanyang librong “The Travels of Marco” Ito ay bunga ng kanyang pagtungo sa Asya at resulta na rin ng kanyang paninirahan sa Tsina sa loob ng 15 taon. UPANG MAKALIKHA NG PATNUBAY PARA SA MGA POSIBLENG MANLALAKBAY Sabi nga ni Rizal sa kanyang nobelang Noli Me Tangere, kung nais mong higit na makilala ang katangian ng kultura ng bansang iyong pupuntahan, mahalagang alamin mo muna ang taglay nitong kasaysayan. UPANG MAITALA ANG PANSARILING KASAYSAYAN SA PAGLALAKBAY TULAD NG ESPIRITWALIDAD, PAGPAPAHILOM O KAYA’Y PAGTUKLAS SA SARILI Daily Journal o Diary. Ginagawa ito upang maitala ang bahaging bagay na kanyang nakita, narinig, naranasan at iba pa sa kanyang paglalakbay. Itinatala sa journal ang kanyang mga realisasyon at natutunan sa proseso ng paglalakbay. Anuman ang dahilan sa paglalakbay, ang lakbay-sanaysay ay kadalasang naglalaman ng mga tala ng karanasan ng awtor. Ang pagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat na maibahagi ang karanasan at kasiyahan sa paglalakbay. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay MAGKAROON NG KAISIPANG MANLALAKBAY SA HALIP NA ISANG TURISTA Upang makagawa ng isang masining at makabuluhang lakbay-sanaysay, dapat na isaisip ng taong naglalakbay na siya ay tutungo sa isang lugar hindi bilang isang turista kundi isang manlalakbay. Mahalagang malinaw sa kanyang isip ang kanyang pakay at layunin. MAGKAROON NG KAISIPANG MANLALAKBAY SA HALIP NA ISANG TURISTA Ang isang turista ay karaniwang nagtatakda ng itinerary o talaan ng magagandang pupuntahan. Ngunit, para sa manlalakbay ay pangalawa nalamang ito. Sinisikap niyang maunawaan ang kultura, kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain at maging uri ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. SUMULAT SA UNANG PANAUHANG PUNTO DE-BISTA Ang karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita, narinig, naunawaan at naranasan ng manunulat. Kadalasang napakapersonal ng tinig ng lakbay-sanaysay. Ayon kay Antonio (2013), ang susi sa mainam na pagsulat ay ang o ang pagtataglay ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa paglalakbay. SUMULAT SA UNANG PANAUHANG PUNTO DE-BISTA Bukod sa matamang obserbasyon, mahalagang maranasan din ng manlalakbay ang mga bagay- bagay upang lubos na maunawaan at mabigyang kahulugan ang pangyayari. Sikaping maisali ang sarili sa bawat bahagi ito ng imersiyon sa paligid. Subukin ang iba’t ibang karanasan at hamon na maaaring gawin sa lugar. TUKUYIN ANG POKUS NG SUSULATING LAKBAY-SANAYSAY Mahalagang matukoy ang pokus ng sulatin batay sa human interest. Tandaang iba-iba ang kinahihiligang paksang maaaring itampok sa paglalakbay at maging pagsulat ng lakbay-sanaysay. TUKUYIN ANG POKUS NG SUSULATING LAKBAY-SANAYSAY Ito ay maaaring ibatay sa layunin o dahilan ng paglalakbay. Ito ay maaaring tungkol sa espiritwal na paglalakabay. Maaari ring gawing paksa ang tungkol sa hayop, halaman, kakatwa, libangan, kultura, pagkain atbp. MAGTALA NG MAHAHALAGANG DETALYE AT KUMUHA NG MGA LARAWAN Ang pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay-sanaysay ay ang panulat, kwaderno o dyornal at kamera. Mahalagang maitala ang pangalan ng mahahalagang lugar, kalye, restoran, gusali at iba pa. Ang wastong detalye ay nagbibigay ng kredibilidad sa sanaysay. MAGTALA NG MAHAHALAGANG DETALYE AT KUMUHA NG MGA LARAWAN Makakatulong din maglagay ng litrato o larawan. Mahalaga ito para sa wastong dokumentasyon ng sanaysay. Para sa mga larawan, mahalagang maglagay ng mga impormasyon para sa mambabasa. (Eksaktong lokasyon, maikling deskripsyon o kaya naman maikling kasaysayan). ILAHAD ANG MGA REALISASYON O MGA NATUTUNAN SA GINAWANG PAGLALAKBAY Mahalaga ring maisama ang mga bagay na natutuhan habang isinasagawa ang paglalakbay. Ito ang magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung saan dito ibabahagi ang gintong aral mula sa paglalakbay. ILAHAD ANG MGA REALISASYON O MGA NATUTUNAN SA GINAWANG PAGLALAKBAY Maaaring talakayin kung paano nagbago ang buhay o pananaw, paano umunlad ang kanyang pagkatao mula sa karanasan at ano ang mga karagdagang kaalaman na nakuha. GAMITIN ANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng wika. Sikaping ang susulating sanaysay ay malinaw, organisado, lohikal at malaman. Maaari ring gumamit ng mga tayutay, idyoma o matatalinhagang salita upang mas maging masining ang pagkakasulat nito. GAMITIN ANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY Sa pangkalahatan, maging obhetibo sa paglalatag ng mga impormasyon. Sikaping mailahad ang katotohanan sa pamamagitan ng paglalahad ng posetibo at negatibong karanasan at maging ang kondisyon ng lugar na pinuntahan. Sikaping hindi nakatuon sa sarili ang mga larawan, kung hindi sa mahahalagang larawang kailangan upang mapagtibay ang sanaysay. GAMITIN ANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY Sa pagsulat, laging baunin sa isipan ang depenisyong ibinigay ni Nonon Carandang na ang lakbay-sanaysay ay laging kinapapalooban ng tatlong mahalagang konsepto: SANAYSAY, SANAY, at LAKBAY

Use Quizgecko on...
Browser
Browser