Mga Paksang Tinalakay sa Ikalawang Markahan ng Grade 12 PDF
Document Details
Uploaded by ImprovedAmericium
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga paksang tinalakay sa ikalawang markahan. Tinalakay dito ang Lakbay-Sanaysay, travelogue, at ang mga detalye ng pagsulat nito. May mga bahagi rin na tumatalakay sa mga katitikan ng pulong at pagsulat ng mga panukalang proyekto.
Full Transcript
Mga Paksang tinalakay sa ikalawang markahan. Ang Lakbay-Sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ay isang uri ng sulatin kung saan isinasalaysay ng manunulat ang kanyang mga karanasan, obserbasyon, at damdamin habang naglalakbay sa isang lugar. Ayon kay Nonon Carandang, ang lakbay-...
Mga Paksang tinalakay sa ikalawang markahan. Ang Lakbay-Sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ay isang uri ng sulatin kung saan isinasalaysay ng manunulat ang kanyang mga karanasan, obserbasyon, at damdamin habang naglalakbay sa isang lugar. Ayon kay Nonon Carandang, ang lakbay-sanaysay ay isang kultural na sanaysay na hindi lamang tumatalakay sa mga karanasan ng manlalakbay kundi naglalayong magbahagi ng mga natutunan mula sa paglalakbay. Itinuturing ito ni Carandang bilang isang reflektibong sanaysay, kung saan ang manlalakbay ay nagmumuni-muni sa kanyang mga naranasan at ginagamit ang kanyang personal na pananaw upang ipaliwanag ang mga natutunan. Mga dahilan sa pagsulat ng lakbay sanaysay Ayon kay Dr. Lilia Antonio. Sa kanyang aklat na malikhaing sanaysay (2013) may apat na dahilan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay. 1. 1. Itaguyod ang isang lugar at kumita ( Travel blog) 2. 2. Lumikha ng patnubay sa posibleng manlalakbay 3. 3. Pansariling kasaysayan (espiritwalidad,pagpapahilop o pagtuklas) 4. 4. Maidokumento ang kasaysayan. Mga dapat tandan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay 1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista 1. Ang Turista ay nagpupunta sa isang lugar upang maglibang, magliwaliw at makita ang Magandang tanawain. 2. Ang isang Manlalakbay sinisikap niyang maunawaan ang kultura, kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain at pamumuhay ng mga tao. 2. Sumulat sa unang panauhang punto de-dista Ang karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita, narinig, naunawaan, at naranasan ng manunulat (napakapersonal ng tinig ng lakbay sanaysay). 3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay 1. Mahalaga ring matukoy ang ano ang magiging pokus ng susulating lakbay-sanaysay batay sa (human interest). 4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay. Ang mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay sanaysay ay ang panulat, kuwaderno o dyornal, at kamera. ( para sa dokumentasyon) 5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay 1. Ito ang magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga mambabasa ang mga gintong aral na nakuha sa ginawang paglalakbay. 6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay. Sikaping ang susulating sanaysay ay maging malinawa, organisado, lohikal at malaman. Gumamit ng akamng salita batay sa himih ng lakbay sanaysay na iyong bubuoin ( Maaaring gumamit ng mga tayutay, idyoma, at matatalinghagang salita) Pagsulat ng Adyenda,Memo,at Katitikan Ang pulong ay isang pormal na pagtitipon ng isang grupo ng mga tao upang talakayin at magdesisyon ukol sa mga partikular na paksa o isyu. Karaniwang nagaganap ito sa mga organisasyon, paaralan, kompanya, o pamahalaan kung saan ang mga miyembro ay nagtutulungan upang malutas ang mga problema, magbigay ng suhestiyon, o gumawa ng mga plano para sa hinaharap. May tatlong mahahalagang elementong kailangan upang maging maayos,organisado, at epektibo ang pagpupulong. Ito ang sumusunod. Memo o memorandum Adyenda Katitikan ng Pulong Memo o memorandum Ayon kay Prof. Ma. Rovilla Sudprasert (2014) sa kanyang aklat na English for workplace Ang memo o memorandum ay isang pormal na sulat na ginagamit sa loob ng isang organisasyon upang magbigay ng impormasyon, paalala, o anunsyo sa mga kasamahan. Karaniwan itong maikli at tuwiran. Ginagamit ito upang ipaalam ang mahahalagang bagay tulad ng mga bagong patakaran, mga pagbabago sa iskedyul, o iba pang impormasyon na dapat malaman ng mga miyembro ng organisasyon. Memo o memorandum Ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin nito. A. Memorandum para sa kahilingan B. Memorandum para sa kabatiran C. Memorandum para sa pagtugon D. Memo o memorandum E. Narito ang mga bahagi ng memo: F. Petsa G. Pangalan ng tatanggap H. Mula sa (pangalan ng nagpadala) I. Paksa Mensahe J. Lagda (optional) Adyenda o Agenda Ayon Sudprasert (2014) Ang adyenda ay isang listahan ng mga paksang tatalakayin sa isang pulong. Ito ay inihahanda bago ang pulong at nagsisilbing gabay upang manatiling nakatuon ang mga kalahok sa mga mahahalagang paksa. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi ng matagumpay na pulong. Narito ang mga bahagi ng Adyenda: Petsa ng pulong Mga dumalo Layunin ng pulong Mga paksang tatalakayin Oras ng bawat paksa Oras ng pagtatapos Katitikan ng Pulong Ang pulong ay mababalewala kung hindi naitala ang mga napag-usapan at napagkasunduan. Ang katitikan (minutes of the meeting) ng pulong ay isang opisyal na tala ng mga napag-usapan at napagkasunduan sa isang pulong. Ito ay mahalaga upang magkaroon ng permanenteng rekord ng mga desisyon at aksyong ginawa ng grupo. Higit na napagtitibay ang mga napag-usapn kung ito ay naitala o nairekord. Katitikan ng Pulong Narito ang mahahalagang bahagi ng katitikan. Heading Pamagat ng pulong Petsa, oras, at lugar ng pulong Mga dumalo at hindi dumalo Adyenda o mga paksang tinalakay Mga napagkasunduang aksyon o desisyon Iba pang mahahalagang detalye Lagda ng tagatala Katitikan ng Pulong Paano Isinusulat ang Katitikan ng Pulong? 1.Pagkuha ng mga tala – Habang nagaganap ang pulong, ang tagatala ay dapat kumuha ng mga tala ng mahahalagang puntos tulad ng mga desisyon, aksyon, at mga suhestiyon ng mga miyembro. 2.Organisadong Pagsusulat – Pagkatapos ng pulong, ilatag ang mga tala sa isang malinaw na paraan na sumusunod sa adyenda. Gumamit ng mga heading at bullet points upang maging mas madali itong basahin. 3.Pag-verify – Ipaalam sa mga opisyal o pinuno ng pulong upang matiyak na tama ang lahat ng nilalaman bago ipamahagi sa mga kalahok.. Pagsulat ng Panukalang Proyekto ( Project Proposal) Ang panukalang proyekto o project proposal ay isang dokumento na naglalayong ipaliwanag at ipakita ang plano ng isang proyekto upang humingi ng pahintulot o suporta, madalas mula sa isang pinuno, organisasyon, o grupo. Layunin nitong ipakita ang mga detalye ng proyekto, mga hakbang na gagawin, mga kinakailangang resources, at kung paano ito magdudulot ng benepisyo sa isang komunidad o organisasyon. A Ayon kina Jeremy at Lynn Miner (2008), may ilang mahahalagang hakbang at dapat isaalang-alang sa pagsulat ng panukalang proyekto. Narito ang mga dapat gawin: 1. Tukuyin ang Pangunahing Layunin ng Proyekto Dapat malinaw at tiyak kung ano ang nais makamit ng proyekto. Ang layunin ay dapat nakatutok sa kung paano nito matutugunan ang isang tiyak na pangangailangan ng komunidad o organisasyon. Ang layunin ay dapat maging SIMPLE Ang layunin ay dapat maging SIMPLE Specific: Bagay na nais makamit o mangyari Immediate: Tiyak na petsa kung kailan matatapos Measurable: Patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto Practical: Nagsasaad ng solusyon sa binangggit na suliranin Logical: Nagsasaad paano makamit ang proyekto Evaluable: Masusukat paano masusukat ang proyekto MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO 2.Pagsaliksik ng Mga Detalye at Background ng Proyekto Kailangang suriin at tukuyin ang mga isyung nais tugunan ng proyekto, pati na rin ang mga oportunidad o posibleng epekto nito. Ang mga datos o impormasyong may kinalaman sa problema o pangangailangan ay mahalaga upang ipakita kung bakit dapat ipatupad ang proyekto. 3. Paglalarawan ng Target na Benepisyaryo o Apektadong Sektor Dapat tukuyin kung sino-sino ang mga makikinabang o maaapektuhan ng proyekto. Dapat malinaw na maipakita kung paano magiging kapaki-pakinabang ang proyekto sa mga taong tinutukoy. 2.Pagsaliksik ng Mga Detalye at Background ng Proyekto Kailangang suriin at tukuyin ang mga isyung nais tugunan ng proyekto, pati na rin ang mga oportunidad o posibleng epekto nito. Ang mga datos o impormasyong may kinalaman sa problema o pangangailangan ay mahalaga upang ipakita kung bakit dapat ipatupad ang proyekto. 3. Paglalarawan ng Target na Benepisyaryo o Apektadong Sektor Dapat tukuyin kung sino-sino ang mga makikinabang o maaapektuhan ng proyekto. Dapat malinaw na maipakita kung paano magiging kapaki-pakinabang ang proyekto sa mga taong tinutukoy. 4.Pagbuo ng mga Layunin ng Proyekto (Objectives) Ang mga layunin ay dapat SMART: Specific (tiyak), Measurable (nasusukat), Achievable (abot-kaya), Relevant (may kaugnayan), at Time-bound (may takdang oras). 5.Pagbabalangkas ng Plano ng Aksyon (Action Plan) Dapat tukuyin ang mga hakbang na gagawin upang maisakatuparan ang proyekto. Kailangan ding ipaliwanag ang mga estratehiya, mga hakbang, at timeline o iskedyul ng aktibidad 6. Pagbuo ng Realistikong Badyet Kailangang detalyado at makatotohanan ang badyet ng proyekto, kasama ang mga posibleng gastusin mula sa pagbili ng mga kagamitan hanggang sa mga bayarin para sa mga tao at iba pang resources. 7.Paglalahad ng Posibleng Resulta at Benepisyo Mahalaga ang paglalarawan kung ano ang magiging resulta ng proyekto at paano ito makikinabang sa mga benepisyaryo. 8.Pagtukoy ng Mga Paraan ng Pagsusuri (Evaluation Methods) Mahalagang mayroong mga pamamaraan para masukat kung naging matagumpay o hindi ang proyekto. Ang evaluation ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng data collection, survey, o anumang paraan ng pagsusuri ng resulta Pagsulat ng Posisyong Papel Posisyong Papel Isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu. Gamit ng Posisyong Papel 1. Pagkakataon ito na bumuo ng isang malinaw na paninindigan tungkol sa isang paksa o usapin. 2. Sa pamamagitan din ng posisyong papel, naipakikilala ang kredibilidad sa komunidad ng mga may kinalaman sa nasabing usapin. 3. Ang posisyong papel ay tumutulong para maging malay ang mga tao sa magkakaibang pananaw tungkol sa isang usaping panlipunan. Katuwiran vs. Paninindigan Katuwiran -galing sa salitang “tuwid” na nagpapahiwatig ng pagiging tama, maayos, may direksiyon o layon. Paninindigan - galing sa “tindig” na nagpapahiwatig naman ng pagtayo, pagtatanggol, paglaban, at maaari ding pagiging tama. Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel 1. Pagpili ng paksa. Una, puwedeng reaksiyon ito sa isang mainit na usaping kasalukuyang pinagtatalunan. Pangalawa, puwedeng tugon lamang ito sa isang suliraning panlipunan. 2. Gumawa ng panimulang saliksik. Magbasa-basa ng diyaryo o magtatanong-tanong ng opinyon sa mga taong may awtoridad sa paksa para mapalalim ang pagkaunawa sa usapin. 3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga katuwiran Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang matimbang ang dalawang posisyon. Mas makabubuting isulat sa papel ang mga katuwiran sa dalawang hanayan para magkaroon ng biswal na representasyon ng mga ito. 4. Gumawa ng mas malalim na saliksik maaaring pagtuunan na ang mga katuwiran para sa panig na napiling panindigan Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong journal. 5. Bumuo ng balangkas Matapos matipon ang mga datos, gumawa ng balangkas para matiyak ang direksiyon ng pagsulat ng posisyong papel.