KOMUNIKASYON PDF
Document Details
Uploaded by FlashyRetinalite2937
Tags
Summary
This document provides information on Tagalog communication and linguistics. It covers topics like definition, elements, and characteristics. It is not a past paper but general information on communication.
Full Transcript
Komunikasyon - Ang proseso ng pagbibigay at pagtatanggap. Nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon. Nagbubunga ang ganitong pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng lipunan *--- Cruz, 1988* - Pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang par...
Komunikasyon - Ang proseso ng pagbibigay at pagtatanggap. Nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon. Nagbubunga ang ganitong pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng lipunan *--- Cruz, 1988* - Pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan. Isa itong pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan. *--- Webster* - Limang Elemento: 1. Tagapagpadala 2. Mensahe 3. Daluyan 4. Tumatanggap 5. Tugon Pananaliksik - **Sistematiko**, **Matalino**, at **Etikal** na pagkalap ng impormasyon upang masagot ang isang tanong o malutas ang isang suliranin - Sistematiko - Pagsunod sa isang planadong proseso - Hindi agaran o biglaan dahil ito ay mayroong proseso/sistema - Matalino - Iskolar ng mananaliksik at alam ang kabuluhan o kahalagahan ng kaniyang sinasaliksik - Alam niya kung bakit siya nananaliksik - Etikal - Kailangang panatilihim ang katapatan ng pananaliksik sa kabuoang proseso - Kilalanin kung saan nagmula ang inyong sources (use APA, don't plagiarize) Bakit ka Mananaliksik? - Bumuo ng bagong kaalaman - Magkaroon ng balidasyon o pagpapatibay ng iba pang pag-aaral - Pagbuwag ng lumang kaalaman at paniniwala Wika - Sistema ng komunikasyong binubuo ng mga tunog at nakasulat na simbolong ginagamit ng mga tao sa pagsasalita at pagsusulat *--- Collins Dictionary* - Ang wika ay isang sistematikong kaparaanan ng pagpapahatid ng idea or damadamin sa pamamagitan ng mga senyas, tunog, kilos, at simbolong may kolektibong pagkakaunawa sa kahulugan ng mga iniuugnay rito *--- Webster* - Ang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan nito ay maaring matamo (kunin, makamit) ng tao ang kanyang instrumental at sentimental na pangangailangan. *--- Constantino, 1996* - Ang ekspresiyon, ang imabakan-hanguan at agusan (kunin) ng kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas na katangian *--- Salazar, 1996* - Isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura *--- Gleason, 1961* - Ang wika ay: 1. Sistematiko - Lingguwistika - Ang pag-aaral sa wika - Lingguwista - Ang nag-aaral ng wika - Tunog - Ang ugat ng salita - Salita - Ang mga tunog na pinagsasama-sama - Pangungusap - Ang mga salitang pinagsasama-sama - Diskurso - Ang mga pangungusap na pinagsasama-sama 2. Arbitaryo - Magkakawing ang wika at kultura dahil nabubuo ito batay sa kultura ng mga taong gumagamit nito 3. Dinamiko - Ang wikang hindi nagbabago ay: a. Hindi umuunlad b. Namamatay **KATANGIAN NG WIKA** 1. Masistema - May tiyak na ayos na sinusunod upang makabuo ng kahulugan at maunawaan 2. Sinasalita - Paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o saloobin (methods for expressing your thoughts and attitudes) - Paraan ng pagsasalin ng impormasyon 3. Tunog - Naririnig na tunog - Narerehistro sa isip (**LAD: Language Acquisition Device**) - Nagagaya o nabibigkas - Ang naririnig mo ay nakakaapekto sa inyong pagkommunicate (language, pronunciation, etc.) 4. Arbitaryo - Hindi magkatulad ang tuntuning sinusunod depende sa kalikasan ng wika ***Same word = Different meaning depending on location*** - Urong in Tagalog is to move, Urong in Nueva Ecija is to wash the dishes 5. Nabibilang sa isang kultura - Makikilala sa uri ng wikang ginagamit ng tao ang kanyang kultura (kasarian, natas sa lipunan, pinag-aralan, propesyon, at iba pa) - It is said that the way someone speaks, can tell you their origin - Formal = May taas na pinag-aralan o tungkulin - Hindi Formal = Galing sa squatters 6. Nagbabago - Dinamiko dahil sa panahon at kasaysayan ***Humihiram ng mga salita, upang mabuhay*** - Language is dynamic. To survive, it takes from other languages to keep it relevant. 7. May kapangyarihang lumikha - Sa pagbuo ng ideya, kailangan ang konsepto sa pagbuo ng salita; malikhain din ang wika 8. May kapangyarihang makaapekto sa kaisipan at pakilos - Nagpapakilala ng awtoridad at ginagamit sa pagtutol o paglaban - Gamit ang wika upang gumawa ng batas, gumawa ng aksyon, upang ipahayag ang protesting, at iba pa. - Language is used as a tool of authority and to express resistance ***Language = Power*** **KAHALAGAHAN NG WIKA** 1. Nagagamit sa pakikipagtalastasan - Kakayahang bumuo ng mga salita, pangungusap, at diskurso 2. Nagagamit sa paglalahad ng saloobin - Makapangyarihan ang wika 3. Salamin ng pagkakakilanlan ng bansa - Makabuhol ang wika at kultura - Paglinang ng wika = Pagpapayaman ng bansa **WIKA SA LIPUNAN** 1. Unang Wika - Kinamulatan/kinagisnang wika - Language Acquisition - Nagaganap din sa pagtuturo ng magulang ng pag-uugali sa isang bata 2. Ikalawang Wika - Inaral ito ng isang tao matapos niyang magap o maunawaang mabuti ang kaniyang wika 3. Multilingguwalismo - Multilingguwal - Nakapagsasalita ng mahigit sa dalawang wika 4. Katutubong Wika - Unang wikang natutunan natin sa buhay. Ito ay karaniwang itinuturo ng ating mga taong nagpalakas sa atin sa buhay. Ito ay magiging wikang pinakamaraming ginagamit natin sa pagsasalita at pag-iisip, habang tayo ay lumaki at nasanay na 5. Bilingguwalismo - Bilingguwal - Isang taong may kakayahang magsalita ng higit sa isang wika, mula sa *bi-* na ang ibig sabihin ay dalawa 6. Wikang Pambansa - Ang wikang gamit sa pang-araw-araw na pakikisalamuha ng tao 7. Wikang Pangturo - Ito ay tumutukoy sa midyum ng instruksiyong gagamitin sa lahat ng antas ng mga institusyong pampagkatuto, pribado o pampubliko man 8. Bernakular - Isang uri ng pang-araw-araw karaniwang pananalita na ginagamit sa isang tiyak o partikular na lugar, wikang sinasalita ng mga tao. Ang mga ito ay maaaring gamitin sa anumang paraan kapag binibigkas ito para sa balbal o pormal - Wikang katutubo sa isang pook 9. Wikang Opisyal - Ang wikang ginagamit sa pamahalaan at sa mga opisyal na transaksiyon nito **MGA KONSEPTONG PANGWIKA** 1. Homogenous na Wika - Pareho ang pagbaybay ng salita pero magkaiba ang pagbigkas kaya, magkaiba rin ang kahulugan. - Iba-iba ang wika ngunit nagkakaintindihan sa isang wikang ginagamit - Pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng wika *--- Paz, et al, 2003* 2. Heterogenous na Wika - Ito ay may pagkakaiba sa paggamit, depende sa tao. Sa kalikasan ng wikang ito, mayroong ibat ibang baryasyon, uri, katangian, at paggamit, na humahati sa dalawang pangkat: - Baryating permanente - Mga diyalekto at idyolek - Baryating pansamantala - Ginagamit sa komunikasyon - May barayati ang pagkakaiba iba ang bawat wika - Pagkakaiba-iba ng wika sanhi ng iba't ibang salik panlipunan *--- Dayag, et al, 2019* 3. Bernakular - Ang wikang katutubo sa isang pook - Isang uri ng pang-araw-araw karaniwang pananalita na ginagamit sa isang tiyak o partikular na lugar, wikang sinasalita ng mga tao. Ang mga ito ay maaaring gamitin sa anumang paraan kapag binibigkas ito para sa balbal o pormal. 4. Lingua Franca - Tawag sa wikang ginagamit ng mas nakarami sa isang lipunan - Ang wikang ginagamit ng mga taong may magkakaibang wika upang magkaunawaan *--- Gleason, 1961* Michael Halliday - "Ang wika ay nilikha dahil ito ay may tungkuling dapat gampanan sa tao" - Ipinanganak sa Leeds, England noong Abril 13, 1925 - Nag-aral sa London University ng wika at panitikang Tsino - Nagtapos ng doktorado sa Cambridge University - Nagturo sa mga unibersidad sa Estados Unidos - Propesor sa Linguistics University sa Australya **TATLONG ANTAS NG PAG-UNLAD NG WIKA** 1. Protowika - Mga kilos na may ibig sabihin a. Instrumental *(Gusto ko)* - Ipinahahayag ang kailangan/gusto ng isang bata na dapat matugunan - Pagpapahayag ng damdamin - Pasasalamat, Pag-ibig, Galit, Kalungkutan, Pagpapatawad, at iba pa - Umiiyak na bata = gutom na sila b. Regulatori *(Gagawin mo ang sinasabi ko\...)* - Pagpapahayag ng mensahe na animo kumokontrol sa kilos ng iba - Nagtatakda ng pag-uutos, nagbibigay direksiyon - Pag umaalis ang magulang, sumasama ang bata at hinahawakan ang kanilang magulang, gusto nila silang kontrollin na wag sila umalis c. Interaksiyonal *(Ako at ikaw)* - Paglikha ng ugnayan sa ibang tao upang patibayin o palakasin ang relasyong mayroon sila - Pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha - Pormularyong Panlipunan = pasalita, pasulat - Pakikipaglaro - Bonding sa mga kaibigan, pamilya, atbp. - Anak na comportable sa dibdib ng ina d. Personal *(Narito na ako)* - Ginagamit ang antas ng wika na ito upang ipakilala kung sino siya - Let your presence be known - Selfie → pagkuha ng larawan ng iyong sarili upang i-upload sa social media "Ang unang apat na gamit ng wika ay kinakasangkapan ng isang lumalaking sanggol upang matugunan ang kanyang mga pangangailangang pisikal, emosyonal, at sosyal" *--- Jackson at Stockwell, 1996* 2. Transisyonal - Tagapamagitan sa una 't ikatlong yugto - Leksikogramatiko - Hind na lamang kilos, mayroong salita na unti-unting bumubuo Matatapos ang yugtong transisyonal kung alam na alam na ng bata kung paano magpahayag nang tuloy-tuloy at makipag-usap sa kanyang kapwa *--- Halliday, 2003* a. Heuristiko *(Sabihin mo sa akin kung bakit)* - Paggamit ng bata sa wika upang pag-aralan ang kapaligiran na ginagalawan niya at maintindihan ang realidad - Proseso ng pagtuklas: - Tanong-sagot - Pag-iimbestiga - Pag-eekspiremento - Pagkuha o paghahanap ng kaalaman - Research, pag-interbyu, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog, at mga aklat b. Imahinatibo *(Kunwari\...)* - Paggamit ng wika upang gumawa ng isang mundong kathang-isip - Batang Ina (bata na nagpapanggap na siya ay isang ina) - Kapag ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing pamaraan - Blog, Wattpad c. Representasyonal/Impormatibo *(May sasabihin ako sayo\...)* - Nailalahad ang mga impormasyon ng isang bata at ipinapakita ang kakayahang manindigan a. Representasyonal - Pagpapaliwanag sa mga datos, impormasyon, at kaalamang natutunan o natuklasan - Paggamit ng modelo, estadistika, teknolohiya, mapa o larawan b. Impormatibo - Pagbibigay ng impormasyon o paghanap sa paraang pasulat at pasalita - Pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong papel, tesis, panayam, pagtuturo 3. Maunlad na Wika - Direktang nakapagsasalita ang isang tao gamit ang unang wika - Unang wika - Kinamulatan o kinagisnang wika "Matapos ang yugtong transisyonal kung alam na alam na ng bata kung paano mapahayag nang tuloy-tuloy at makipag-usap sa kanyang kapwa" *--- Halliday, 2023* **ANIM NA GAMIT NG WIKA AYON KAY JAKOBSON 2003** 1. Pagpapahayag ng damdamin 2. Panghihikayat 3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan 4. Paggamit bilang sanggunian 5. Paggamit ng kuro-kuro 6. Patalinghaga **KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA** Wikang Pambansa - Wikang sama-samang itinaguyod ng mamamayan sa isang bansa para magsilbing simbolo ng kanilang pagkakakilanlan - Wikang gamit sa pang-araw-araw na pakikisalamuha ng tao 1. Panahon Bago Dumating ang mga Kastila a. Sistema ng pangangalakal - Patunay na may sibilasyon na ang mga katutubong Pilipino bago pa dumating ang mga manananakop - Balangay - Sasakyang pangdagat na ginagamit sa pangangalakal b. Sistema ng pagsusulat - Baybayin - Sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino - **3** patinig (a, e/i, o/u) - **14** katinig (b, k, d/r, g, h, l, m, n, ng, p, s, t, w, y) - **17** kabuoan kudlit (.) above for e/i kudlit (.) below for o/u ekis (x) below for consonant 2. Pagdalamat sa Kasaysayan: Panahon ng Espanyol - Ginamit ng mga Espanyol ang Krus at Espada upang sakupin ang ating lupain. - Krus - Pananampalataya - Espada - Dahas - Biyolensya - Doctrina Christiana - Unang aklat sa Pilipinas na nakasulat sa Tagalog - Ito ay hindi para sa mga katutubo, kundi para sa mga misyonaryong magpapalaganap ng pananampalataya - Layunin ng mga Espanyol sa Pilipinas 1. Mapalaganap ang Kristyanismo 2. Maituro ang Espanyol 3. Maghanda ng mga magiging guro ng Espanyol - Mga Problema 1. Pagkakaiba-iba ng wika - Hindi magkakaintindihan 2. Hindi organisado ang sistema - Pag-uulit 3. Kakulangan ng materyales sa pagtuturo at mga guro - Mga Solusyon 1. Pinag-aralan ng mga misyoneryong Espanyol ang wika ng mga katutubo 2. Mga aklat sa gramatika at bokabularyo - Arte y Vocabulario Tagalo - Ni Padre Juan de Plasencia - Isang Pransiskano - Arte y Reglas de la Lengua Tagala - Ni Padre Francisco de San Jose - Komprehensibong kodipikasyon ng sistematikong pagsasaayos ng wikang Tagalog - Vocabulario de Lengua Tagala - Ni Padre Pedro de San Buenaventura 3. Mga Kautusang Pangwika - Haring Carlos I - Pagtuturo ng pananampalatayang Katoliko sa wikang Espanyol - Haring Felipe IV - Pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng mga katutubo - Haring Carlos II - Antas-pangwika - May parusa sa mga hindi nagsasalita ng Espanyol 4. Nagpatayo ng mga Paaralan - Dekreto ng Edukasyon ng 1863 - Pagtatag ng primaryang paaralan sa bawat puweblo sa Maynila upang mabigyan ng edukasyon sa Espanyol ang bawat anak ng mga katutubo 5. Magkakaroon ng posisyon sa trabaho ang mga marunong magsalita ng Kastila 6. Pag-oorganisa ng mga reporma o pag-aaklas (Pilipino) - Positibo 1. Romanisasyon ng silabaryo ng mga wikang ginagamit sa Pilipinas 2. Mayaman ang bokabularyong nakapasok sa talasalitaan ng mga katutubong wika - Negatibo 1. Nabigo ang mga programang pangwika 2. Nanatiling mababa ang kalagayan ng edukasyon ng Pilipinas - Wikang Opisyal - Wikang itinalaga ng tiyak na institusyon para maging wika ng opisyal na pakikipagtalastasan o pakikipagtransaksyon. - Mga Batas tungkol sa Wikang Opisyal - Artikulo VII ng Konstitusyon ng Biak na Bato - Nina Felix Ferrer at Isabelo Artacho - Nobyembre 1, 1897 - **Tagalog** at **Ingles** - Wikang opisyal - Konstitusyon ng Malolos Artikulo 93 - Nina Felipe Calderon at Felipe Buencamino - Enero 21, 1899 - **Espanyol** - Wikang opisyal - Saligang Batas ng 1935 - Hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, ang **Ingles** at **Espanyol** ay patuloy na mga opisyal na wika - Saligang Batas ng 1973 - Hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, ang **Ingles** at **Pilipino** ay magpapatuloy na mga opisyal na wika - Saligang Batas ng 1987 - Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga opisyal na wika ng Pilipinas ay **Filipino**, at hangga't walang itinatadhana ang batas, Ingles 3. Ang Paghuhubog ng Estados Unidos sa Kamalayang Pilipino - Naging kolonya ng Estados Unidos ang Pilipinas sa loob ng **48 taon** - Ang **edukasyon at pakikipagkaibigan** ang porma ng kapangyarihang ginamit ng Estados Unidos upang makuha ang loob ng mga Pilipino - Marami pa rin ang tumitigil sa pag-aaral dahil sa **kahirapan** - Wikang Panturo - Opisyal na wikang gamit sa klase. Ito rin ang midyum ng instruksiyong gagamitin sa lahat ng antas ng mga institusyong pampagkatuto a. Kasunduan ng Paris - Noong Disyembre 10, 1898 - Estados unidos na ang mamamahala "kaibigan" b. Unang komisyon ni Dr. Jacob Schurman - Enero 20 1899 - Resulta: - Ingles and piniling wikang panturo - Rekomendasyon: - Agarang pagtuturo ng ingles sa paaralang primarya c. Ikalawang komisyon ni William Howard Taft - Marso 16, 1900 - Sa bawat baryo, walang batang hindi maaaring matutong bumasa at sumulat - Resulta: - Ingles ang wikang panturo at wikang opisyal rekomendasyon - Rekomendasyon: - Magkaroon ng isang wikang gagamiting midyum ng komunikasyon sa Pilipinas d. Pag-aaral ni Propesor Jones Ford - Resulta: - Walang malinaw na resulta ang puspusang pagtuturo ng ingles sa mga pilipiino - Rekomendasyon: - Ang paggamit ng wikang katutubo sa mga paaralan Hindi mapapalitan ng banyagang wika ang unang wika ng mga katutubo. Samakatwid, hindi mabubura ang pagkakakilanlan o etnisdad ng isang tao anumang impluwensiyaa ng mga dayuhan *--- Reyes, 2019* - Corregidor - Dito itinatag ng Estados Unidos ang kauna-unahan nitong paaralan - Thomasites - Unang mga gurong Amerikanong dumating sa Pilipinas noong 1901 - Pensionado - Mga iskolar na pinili at pinili at pinag-aral sa Estados Unidos - Tatlong lebel - Lebel ng pag-aaral ang ipinatupad sa Pilipinas sang-ayon sa estruktura sa Estados Unidos **MAHAHALAGANG TALA:** 1. Mayroon nang [itinatag] na paaralan bago mag-1900 2. [Edukasyon] bilang kapangyarihan (thomasites) 3. [Wika ng dayuhan] ang ginamit sa paaralan 4. [Sistemang edukasyong] nakalapat sa mananakop 5. [Datos] ng pagkatuto 6. [Iskolar ng dayuhan] -- pensionado (iskolar na pinili) 7. [Ingles] bilang wika ng elite 8. Paghubog ng [aspirasyon] 9. [Kahirapan] bilang realidad 10. [Kaisipang kolonyal] 4. Tungo sa Pagsasarili: Panahon ng Hapon hanggang sa Kasalukuyan - Ang reporma sa edukasyon ng hapon ay **nakatuon din sa wika** - Naging sentro ng kurikulum ang paggamit ng **wikang tagalog** - Gintong panahon ng panitikang tagalog - Ordinansa Militar blg 13-hulyo 24, 1942 - Philippine Executive Commission - "Ang tagalog at nihonggo ang magiging opisyal na wika sa Pilipinas" *--- Jose B. Vargas* Panahon ng Komonwelt - Paggamit ng **Ingles** bilang wikang panturo - Manuel Quezon - Pangulo ng Komonwelt - Sergio Osmeña - Pangalawang Pangulo ng Komonwelt a. Batas Tydings-Mcduffie - Philippine Independence Act b. Saligang Batas 1935, Artikulo XIV S.3 - "\...ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo" c. Surian sa Wikang Pambansa (SWP) 1935/1936 - Ito ang ahensiya ng pamahalaang binuo sa bisa ng batas komonwelt blg 184 na may mandatong pumili ng wikang magiging batayan ng wikang pambansa Panahon ng Ikatlong republika hanggang sa Kasalukuyang Panahon - Hulyo 4, 1946 - Araw ng kasarinlan **MGA BATAS SA WIKANG PAMBANSA** a. Proklamasyon Blg 12, s. 1954 - Pagdiriwang ng **linggo** ng wikang pambansa tuwing **Marso 29-Abril 4** b. Proklamasyon Blg 186, s. 1955 - Paglilipat ng pagdiriwang ng **Linggo ng Wika** sa **Agosto 13-19** c. Kautusang Pangkagawaran Blg. 22, s. 1987 ng DECS - Pagtatakda ng paggamit ng salitang "**Filipino**" kailanman ay tutukuyin ang wikang pambansa ng Pilipinas d. Proklamasyon Blg. 10, s. 1997 - Taunang pagdiriwang ng **buwan ng wika** tuwing agosto e. Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 s. 1987 ng DECS - Alpabeto at patnubay sa ispeling ng wikang filipino - Ang alpabetong filipino ay binubo ng **28 titik** kasama ang **8 hiram na titik** f. Batas Republika Blg. 7104 - Paglikha ng **Komisyon ng Wikang Filipino** (KWF) upang yumabong, palaganapin at pangalagaan ang fiipino at iba pang mga wika sa pilipinas g. Republic Act 10523 - Enhanced Basic Education Act of 2013 - Pagpapatupad ng paggamit ng **Mother Tongue-Based Multilingual Education** (MTB-MLE) h. House Bill 5091 - An act to strengthen and enhance the use of **English** as the medium of instruction in the educational system i. MATATAG kurikulum - Ipinakilala noong Agosto 10, 2023 - 24-25 implementasyon **WIKANG PAMBANSA** a. Kautusang Tagapagpaganap 134 (Seksiyon 137) S. 1939 - Ipinahahayag na ang **Tagalog** ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. b. Artikulo XV, Seksyon 3 ng Saligang Batas 1973 - Ang pambansang Asamblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng panlahat na wikang pambansa na tatawaging **Pilipino** c. Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas 1987 - Ang wikang pambansa ay **Filipino**. **COHESIVE DEVICE** 1. Pagpapahayag ng Pagdaragdag - Ganoon din, gayundin, saka, bilang karagdagan, etc. 2. Pagpapahayag ng Kabawasan sa Kabuoan - Maliban sa, bukod sa 3. Dahilan o Resulta ng Kaganapan o Pangyayari - Kaya naman, dahil sa, sapagkat, dahil dito, bunga dito 4. Kondisyon, Bunga, o Kinalabasan - Sana, kung, kapag, sa sandaling, basta't 5. Taliwas o Salungat - Pero, ngunit sa halip, kahit, kahit na