Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Lecture 1 PDF
Document Details
Uploaded by FasterCadmium
Guiguinto National Vocational High School
Tags
Related
- Filipino Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (Reviewer) - PDF
- Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (KPWKP) Midterms PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura (Tagalog) PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Lecture 1 PDF
Summary
This document details lecture notes about communication and research in Filipino language and culture. It covers topics such as mass media, arbitrary communication, news, interviews, types of interviews, and the role of the interviewer and interviewee.
Full Transcript
# Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino ## Ikalawang Markahan ### Modyul 1: Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon **Image description:** The image is associated with the title, showing 5 small images representing different media formats. * The top left image cont...
# Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino ## Ikalawang Markahan ### Modyul 1: Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon **Image description:** The image is associated with the title, showing 5 small images representing different media formats. * The top left image contains text from a news article written in Filipino. * The image is framed in the top right corner of the page. The image shows a person looking at a newspaper with several others on a table. It appears to be inside a small store. * The image at the bottom right is framed with a caption "TV". It shows a person sitting in front of a TV screen, likely filming a commercial. * There are two more images of TV screens in the top middle and bottom middle. The image in the top middle displays a black screen. The image at the bottom middle shows a TV screen with the text "Zatrol". ## Mass Media - nangangahulugang teknolohiyang may intensyong abutin ang maraming tagapakinig o manonood. - Ito ang pangunahing pinanggalingan ng komunikasyon na ginagamit upang maabot ang malaking bilang ng kabuuang publiko. - Ang pangkaraniwan o kilalang mga platform ng mga mass media ay ang mga pahayagan, magasin, radio, telebisyon at ang internet. ## Arbitraryo - Ay nangangahulugang walang tiyak na batayan. Ibig sabihin ang pagbuo ng mga simbolo at tunog na kumakatawan sa kahulugan ng bagay, ideya at kaisipan ay walang tiyak nabatayan o tuntuning sinusunod. - Ito'y pinagkasunduan ng mga tao sa tiyak na pook o pamayanang gumagamit ng wika. ## Balita Ang balita, o sa Ingles ay News broadcasting, ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakakatulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahimpapawid, Internet, o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa maramihang mambabasa at nakikinig. ## Ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang balita? * Isinusulat agad ang mga nakuhang tala kaugnay ng pangyayari. * Binibigyang-halaga ang mahahalagang punto sa balita. * Kailangang tama ang mga pangalan ng mga taong ibinabalita, maging ang mga pangyayari at petsa nito. * Ang balita ay hindi naglalaman ng mga kuro-kuro. * Inilalahad ito ng parehas, walang pinapanigan, at malinaw. ## Panayam - ang pag-uusap ng dalawang tao o higit pa para sa isang tiyak na usapin. **Note:** Two images of the word "Panayam" were displayed on the page, but with different descriptions. The first is simply the word "Panayam" and the second is "Panayam - Tinatawag din itong primary source at madalas itong isagawa kung nais na matukoy ang mas malalim na impormasyon tungkol sa partikular na bagay, pangayayari, atbp." ## (4) Uri ng Panayam ### Pamimiling Panayam - ginagamit para sa pagpili, pag-upa at pagbibigay-trabaho sa mga aplikante, kawani at mga kasapi ng isang organisasyon - **Halimbawa:** pautang ng bangko, paghiling ng visa ### Panayam Upang Mangalap ng Impormasyon - Naghahangad ito na makakuha ng pangyayari, opinyon, damdamin, gawi at kadahilanan para sa mga piling pagkilos. - Ito ay kadalasang ginagamit ng mga mamamahayag sa pagtatanong sa mga opisyal ng pamahalaan upang magsalita ukol sa isang partikular na isyu. - **Halimbawa:** pananaliksik (survey), pagboto (kung eleksyon), eksit interbyu (kung ang tao ay aalis na sa kasalukuyan niyang trabaho), pananaliksik na panayam (ng mga mag-aaral), pampulisyang panayam ### Ang panlutas – suliraning pakikipanayam - Ay isinasagawa upang malutas ang isang problemang kinasasangkutan ng dalawa o higit pang tao. Ito ay maaari ring gamitin upang magtipon ng mungkahi para sa kalutasan ng problema. - Isang halimbawa nito ay ang pakikipagpulong ng kapitan ng barangay sa mga kasapi ng kanyang komunidad upang bigyang kalutasan ang kanilang problema sa basura. ### Paghihikayat na Panayam - isinasagawa kung mayroon kang nais baguhin sa pag-iisip, damdamin o kilos ng isang tao. - **Halimbawa:** pakikipanayam para sa pangangalap ng pondo, pananaliksik para sa isang kandidato sa eleksiyon, pangangalap ng tauhan ng isang organisasyon ## Tagapanayam - Ang nagtatanong sa isang panayam. - Siya ang nagsasagawa ng pakikipanayam. - Ang mga tagapanayam ang naghahanda ng mga katanunganng maaaring itanong batay sa kanilang layunin. - Sila rin ang nagtatakda kung kalian gaganapin ang pakikipanayam at kung anong paksa ang pag-uusapan. ## Ang Kinakapanayam - ang sumasagot sa mga katanungan. - Siya ay tinatawag na kalahok sa pakikipanayam.