Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
Document Details
Tags
Summary
This document discusses the history and development of the Filipino language. It examines different groups' perspectives on using Filipino as a national language, emphasizing its use in various contexts like education, mass media, and daily interactions.
Full Transcript
KONTEKWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO INTRODUKSYON: TAGALOG- 1934 Kombensyong Konstitusyonal MGA GRUPONG NAGLALAYONG WIKA NILA ANG GAWING WIKANG PAMBANSA: 1. REHIYONALISTA- universal na tunog 2. AMALGAMASYON- kolektibo (pinaghalo-halo) ( hindi dalisay) 3. ULTRA-KONSERBATIBO- nakasanayan, nakat...
KONTEKWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO INTRODUKSYON: TAGALOG- 1934 Kombensyong Konstitusyonal MGA GRUPONG NAGLALAYONG WIKA NILA ANG GAWING WIKANG PAMBANSA: 1. REHIYONALISTA- universal na tunog 2. AMALGAMASYON- kolektibo (pinaghalo-halo) ( hindi dalisay) 3. ULTRA-KONSERBATIBO- nakasanayan, nakatali sa kasanayan (kastila, Amerikano, Hapon) 4. AMEKARISTA- english >Mayroong 130 wikain sa Pilipinas, kabilang na dito Filipino Sign Language ayon sa Komisyon ng Wikang Pambansa (KWF), kabilang na rin dito ang english at chabacano 8 PANGUNAHING WIKAIN SA PILIPINAS 1. Tagalog 2. Cebuano 3. Ilokano 4. Bikolano 5. Hiligayanon 6. Kapampangan 7. Pangasinense 8. Waray * wikain at hindi dialecto FILIPINO- standardized na tagalog Artikulo XIV s. 3 ng 1935 Konstitusyon (Panahon ng Commonwealth) > Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BILANG 134 >pinagtitibay na ang tagalog ang wikang pambansa. 1940s - sinimulan sa mga paaralan bilang wikang panturo ang tagalog - umiiral na ang tagalog - nagaganap habang himagsikan 1946- Wikang Pambansa and Pilipino 1959- Pilipino Agosto 13, 1959 Kautusang Pangkagawaran blg. 7 > Pinagtibay ni Jose Romero (Kagawarang ng Edukasyon) na tagalog bilang wikang panturo at ang wikang pambansa naman ay Pilipino. KONTEKWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MGA DAHILAN BAKIT TAGALOG ANG WIKANG PAMBANSA: 1. Mas marami ang nakakaunawa at gumagamit ng tagalog. 2. Madaling matutunan 3. Ginagamit sa Maynila kung saan ito ang sentro ng kalakalan ng bansa. 4. May hisorikal na basahen ( ginamit na wika ni Andres Bonifacio sa rebolusyon) 5. May mga aklat pang gramatika at mga diksyonaryo. 6. Maunlad sa kayarian, literatura, at mekanismo. WIKA VS. DIALEKTO Wika- halimbawa ay tagalog Dialekto- may variation ( punto, bigkas, bokabolaryo) may border 3 Dahilan bakit naging Pilipino ang Pambansang Wika 1. upang mapawi ang isip relihiyonalista 2. kung ano ang tawag sa bansa yun din ang tawag sa wika. 3. wala nang pwedeng ilapat. ARALIN 1: Wika sa Kontekswalisadong Komunikasyon KONTEKSWALISADO- paraan ng mga bagay-bagay o kaalaman nang maiugnay sa makabuluhang karanasan at makabuluhang buhay. > kontekswalisado ang wika kapag ginagamit ito sa lipunan ng mga katutubong ispiker lalo na kung ang nagsasalita ay ang nagmamay-ari ng wika sa partikular na lugar. Edukasyon : mabisa itong istratehiya sa pagtuturo Wika Karanasan Buhay Kultura CMO BLG. 4 S. 1997 > pagpapanatili ng ng anim (6) hanggang siyam (9) na yunit ng Filipino at tatlo (3) hanggang amin (6) na yunit sa panitikan. CMO BLG. 59 S. 1997 > mandatory wikang panturo CMO BLG. 20 S. 2013 > pangtanggal ng Filipino (asignatura) at panitikan sa kolehiyo CMO BLG. 4 S. 2018 > binalik ang mga asignaturang filipino pero opsyonal na lamang TANGGOL WIKA- itninatag noong Hulyo 21, 2014 > samahan upang labanan ang CHED na paslangin ang mga asignaturang Filipino, panitikan, at Philippine Government and Constitution subjects. KONTEKWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO 2012- kolektibong inisyatiba > komisyon ng mga naunang forum. ABRIL 15, 2015- nagsampa ng kas laban sa CHED ABRILL 21, 2015- kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika 14 na Agumento ng Tanggol Wika ( Marcelino D.M, 2017) David San Juan 1. Walang makabuluhang argumento ang mga anti-filipino, ang wikang tangg-wika sa pagpapatangal ng Wika at Panitikan. 2. Dapat may Filipino at Panitikan sa Kolehiyo dahil ang ibang asignatura na nasa junior at senior ighschool ay may panumbas pa rin sa kolehiyo. 3. Ang Filipino ay disiplina , asignatura, bukod na larangan ng pag-aaral, hindi simpleng wikang panturo lamang. ito ay dahil: > daluyan ng kasaysayan ng Pilipinas. > salamin ng identidad ng Filipino > Susi ng kaalamang Bayan 4. Maging epektibong wikang panturo ang Filipino. > Kon. 1987 Art. XIV S.6 5. Bahagi ng college readiness at standards ang Filipino at Panitikan 6. Sa ibang bans, may espasyo ang rin sa kurikulom ang sariling wika bilang asignatura, bukod sa pagiging wikang panturo. 7. Binigyan ng CHED at DepEd ng espasyo ng mga wikang dayuhan sa kurikulum, kaya along dapat na may espasyo ra sa wikang pambansa. > SPFL DepEd Order Blg. 46, Serye ng 2012 Policy guidelines on the implementation of special curricular Programs of the Secondary Level. > CHED MEMORANDUM Blg. 23 Serye ng 2010 - elective na asignatura chinese(Mandarin), Spanish, Nippongo, Arab atbp. 8. Pinag-aaralan din sa sa iang bansa ang Filipino. May potensyal itong maging isang nangungunang wikang global kaya dapat itong lalong pag-aralan sa Pilipinas. > Filipino ay isang lingua franca ( widelyused language) > 46 na unibersidad sa ibang bansa US, AUS, Swiss, France, Russia, China, Japan, Canada, Malaysia, at Brunei > 40 PH schools overseas (PSOS) Bahrain, China, East Timor, Greece, Kuwait, Libya, Oman Qatar, KSA, UAE KONTEKWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO US Speakers/Student > Tagalog 1.7 M > Chinese 3.4 M > Spanish 40.5 M PH (International Students) > ADMU, CEU, Adventist Universithy of the Philippines, UE, UST, JRU, DLSU DLSU ( BASIFI) BAACPIL Tag. Wikipedia 68/299 na wika Tag. Internet 31/ 140 na wika 9. Malapit ang Filipino sa Bahasa Melayu, Bahasa Indonesia, at Brunei, Malay, mga wikang ginagamit sa Malaysia, Singapore, Indonesia,at Brunaei na mga bansang kasapi ng ASEAN Integration. 10. Mababa pa rin ang average score ng mga estudyante sa Filipino sa NAT. 11. Filipino ang wikang mayorya, ng midya, at ng mga kilusang panlipunan: Ang wika sa demoktatik at malayang domeyn ay mahalaga sa pagbabagong panlipunan. 12. Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa ika-21 siglo. 13. Hindi pinaunlad, hindi napaunlad, at hindi mapapaunlad ng pagsandig sa wikang dayuhanang ekonomiya ng bansa. 14. May sapat na materyal at nilalaman na maiituro sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo. ARALIN 2: MGA BATAS PANGWIKA 1. ARTIKULO 14 SEKSYON 6. >Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pangedukasyon. 2. ARTIKULO 4, SEKSYON 7 > Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. KONTEKWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO 3. ARITKULO14, SEKSYON 8 > Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila 4. ARTIKULO 14, SEKSYON 9 > Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili. BATAS REPUBLIKA BLG. 7104 > pagpapakila at pagpapanatili ng wikang Filipino. EXECUTIVE ORDER 335 > nilagdaan ni Corazon Aquino noong Agosto 25, 1988 tungkol sa paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng mga Kagawarang, kawanian, opisina, ahensya, at instrumentality ng pamahalaan. KWF RESOLUSYON BLG. 92-1 > Ipinagbitbay noong May 13, 1992 ARALIN 3: Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Makabuluhang Diskurso/Komunikasyon Wika ang pinakamabisang sangkap para sa makabuluhang diskurso. Malaki ang tungkuling ginagampanan ng Wikang Filipino sa bansa lalo na sa mga mamamayang pinagsisilbihan nito (Orong, 2016). Ang wikang Filipino ay kasangkapan sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino. Ayon kay Zeus Salazar (1996-1940) na tiaguriang “Ama ng HIstorgrapiyang Pilipino”, ang lumikha sa sariling wika ay nafpapayaman sa sariling kultura, ang lumikha sa ibang wika ay naglalayo rito at nag-aambag lamang sa ibang kultura na sana’y tumulong ito sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino. TUNGKULIN NG WIKA 1.PANG-INSTRUMENTAL- sumasagot ito sa mga pangangailangan sa tulong ng wika. Halimbawa: pag-uutos, pakikiusap, at iba pa. 2. PANGREGULATURI- lumokontrol sa asal ng iba. Halimbawa: pagbibigay ng instruksyon at direksyon, pagpapaalala. 3. PANG-INTERAKSYUNAL- nagpapanatili at nagpapatatag ng relasyo palipunan. Halimbawa: mga verbal na pagpapahayag, pagmunglahi, paghingi, pag-uutos, pakikiusap. 4. PAMPERSONAL- ginagamit sa pagpapahayag ng sariling opinyon. Halimbawa: pagbibgay ng patakaran, mga gabay o panuntunan, pag-aapruba o pagpapatibay, pagbibigay pahintulot o pagbabawal, pagpupuri o pagbabatikos, pagsang-ayon o pagsalungat. KONTEKWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO 5. PANG-IMAHIASYON- nagpapakita ng pagkamalikhain ng tao. Halimbawa: pagpapahayag nanng malikhain, pag-awit, pagtula, pagkuwento, deklamasyon, at iba pa. 6. PANGHEURISTIKO- naghahanap ng mga impormasyon at mga bagay-bagay. Halimbawa: paggawa ng sarbey paanaliksik, pakikipanayam, at iba pa. 7. IMPORMATIB- nagbibigay ng impormasyon. Halimbawa: pag-uulat, pagbabalita, pagpapaliwanag, pagtatalumpati. ARALIN 4: SITWASYON PANGWIKA SA LARANGAN NG TELEBISYON, RADYO, DYARYO, AT PELIKULA SITWASYONG PAG-WIKA SA TELEBISYON pinakamakapangyarihang midya Ayon sa sarbey ng Kantar Media (2018), ABS-CBN ang nanguguna sa naglalakihang TV network ng bansa sa 42% na tagapagtangkilik o manood nito nasundan ng GMA na may 27% at ang TV5 na may 2% lamang. Ayon sa sarbey ng SWS (2008), 85% ang makakaunawa at makabasa sa Filipino; 79% ang makasulat at makapagsalita nang mga mamamayan sa buong Pilipinas. mas malawak ang sakop ng telibisyon may mga visual representation ABS-CBN- Alto Broadcasting System Chronicles Broadcasting Network GMA- Global Media Arts SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DYARYO RADYO Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo, sa AM man o FM. AM- Amplitude Modulation (news) FM- Frequency Modulation (entertainment) May mga estasyon ng radyo sa mga probinsya na gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kapag may kinakapanayam sila ay karaniwan ay sa Wikang Filipino sila nakikipag-usap. 1. RP1- DZRB- Radyo Pilipinas Uno (pinakamatanda at unang publiko) >PTV 1- Peole’s Television ( Ingles o Tagalog) 2. DZRH - KZRH (Hulyo 15, 1939)- Tagalog at Ingles > Gulong na Palad 3. DZMN- (1953) ABS-CBN - Ingles/ Pilipino 4. BASTA RADYO, BOMBO (1966) Rehiyonal -Iloilo 5. DZMM (Oct. 15, 1953) AM Pinashutdown noong panahon ng Martial Law, ngunit ibinalik noong 1986 para magcover ng snap election KONTEKWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO DYARYO Sa Dyaryo naman ay Wikang Ingles ang ginagamit sa Broadsheet at Wikang Filipino naman sa tabloid maliban sa iilan. Tabliod ang mas binibili ng masa Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay kadalasang hindi pormal na wikang ginagamit sa mga Broadsheet. Nagtataglay ang tabloid ng malalaki at nagsususmigaw na headline na naglalayong maakit kaagad ang mga mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwang kagilagilalas na lumalabas ang impormalidad ng mga ito. 1. The Manila Times (1898) 2. Manila Bulletin (1900) 3. Philippine Daily Inquirer (1985) 4. Philippine Star (1986) SITWASYON PANG WIKA SA PELIKULA Filipino ang lingua franca o pangunahing wika sa telibisyon, radyo, dyaryo, at PELIKULA. layunin nitong makaakit ng mas maraming manonood, tagapakinigo mambabasa na makakaunawa at malilibang sa kanilang palabras, programa, at mambabasa na makakaunawa ay mabibilang sa kanilang palabras, programa, babasahin, upang kumita nang malaki. Malawak ang impluwensya ng wikang ginagamit ng mass media at mas maraming mama ayan sa bansa ngayon ang nakakapagsalita o nakakaunawa sa Wikang Filipino. nananaig ang impormal na tono at wari hindi gaanong istrikto sa pamantayan ng propesyonalismo Code switching EDUKASYON edukasyomg bilingual KALAKALAN BPO Ingles ang gamit Maliliit na nagosyo- Filipino PAMAHALAAN Wikang Opisyal SOCIAL MEDIA Code Switching Pangunahing libangan, gumagamit ng hashtag # para mabisita ang website na trending. TEXT SMS (Short Messaging System) walang sinusunod na term USO dito ang jejemon o pinapaikli KULTURANG POPULAR tinatangkilik ng maraming tao Fliptop (Battle League) - may tugmaan, impormal, KONTEKWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MGA PANGUNAHING WIKA NG PILIPINAS KONTEKWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO ARALIN 5: PAGPROSSO SA PAGKUHA NG IMPORMASYON SA KOMUNIKASYON KOMUNIKASYON- Pagpapalitan ng impormasyon o detalye. Tagahatid o Mensahe o Pidbak Tagatanggap Enkoder o Dekoder Gantihang Mensahe ANG PAGKUHA NG IMPORMASYON SA SALIKSIK Ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipag-ugnayan. Ayon kay Tumangan (1986), “kadalasang nasusukat ang tagumpay o kabiguan ng isang tao ayon sa kahusayan niyang makipagtalastasan. 4 NA ADHIKAIN NA INIHAYAG UPANG GAWIN ANG WIKANG FILIPINO PARA SA MAS MATAAS NA ANYO NG KOMUNIKASYON: 1. Pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino. Gamitin ang Filipino sa lahat ng anyong pangkomunikasyon. 2. Pagpapaigting at pagpapalawig ng saliksik. Gamitin ang Filipino sa akademiko at sa saliksik bilang mataas na uri ng pagsulat gayundin sa pormal na talakayan. 3. Pagbuo, pagpapatupad, at pagsubaybay ng patakarang pangwika. 4. Pagpapalakas ng serbisyong institusyonal. SAKLAW NG KOMUNIKASYON ANG APAT NG MAKRONG KASANAYAN: 1. Pakikinig 2. Pagbasa 3. Pagsulat 4. Pagsasalita PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON Nabanggit ni Belvez (1990) na mahalaga ang pagbasa dahil ito ay gintong susi na nagbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan. Ang mga sumusunod ang mga batis na madaling pagkunan ng impormasyon; 1. Internet- pinakamadaling batis na mapuntahan ng mga mananaliksik sa ngayon. 2. Aklat- sagradong mapgkatiwalaan ang mga awtor nito tulad ng mga limbag na aklat sa aklatan, diksyunaryo, ensayklopedia, almanac, at atlas. (ISBN) 3. Mga Dyornal at Magasin- mga pampropesyonal at akademiko ang mga nilalaman o di kaya ay mga balido. KONTEKWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO Sa larangan ng pananaliksik, ang pagbasang kritikal ang kailangan upang magampanan ang kakayahan ng isang mananaliksik. Ang kakayahan at kasanayang bumasa nang may pang-unawa at pagpapahalaga ay susi ng tagapagbukas sa daigdig ng kaalaman at kawilihan (Villamin, 1981) PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG IMPORMASYON Pagpapakahulugan ng iba't-ibang dalubhasa sa salin ni Bernaes, t al., (2018) nitong mga sumusunod; 1. Ayon kay Good (1963), ang pananaiksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng iba't-ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kaigayan ng natutukoy na suliranin tungo sa klaripokasyon at resolusyon nito. 2. Ayon naman kay Aquino (1974), ang pananaliksik y isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil isang tiyak na paksa o suliranin. 3. Sinabi naman ni Manuel at mede(1976), ang pananaiksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular nasuiranin sa isang syentipikong pamamaraan. 4. Mula naman kay Prel (1996), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. 5. Dagdag pa nina E. Trece at J.W Trece (1973), ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. 6. At nagbigay naman si Semorlan (1999) sa kanyang pagpapakahulugan ng pananaliksik na ito ay isang gawaing mapanuri at kritikal na pag-aaral uko sa isyu, knsepto, at problema. (may naiitulong) Kung susumahin makailang beses na bnanggit ng mga awtor ang mga salitang tulad ng pangangalap, sistematiko,solusyon, uiranin, mapanuri,at imbestigasyon ang naging pinakakomon na mababasa sa kani-kanilang pagpapakahulugan ng pananaiksik. Dalawang Uri ng Pag-Basa 1. Skimming- pinaraanang pag-basaay ang pinakamabiis na pag-basa. 2. Scanning- paghahanap ng tikyak na impormasyon hindi hinahangad na makuha ang kaisipan. PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY-UGNAY NG IMPORMASYON Ang pag-uugnay ng impormasyon. Ang pag-uugnay ng impormasyon ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng sumusunod na mga paraan, (Leyson, MC. 2017); 1. Lagom- Isang buod o synopsis, uri ng pinaikling bersyon ng isang panulat. Taglay nito ang pangunahing ideya ng panulat nang may bahagyang pagdedetalye upang makapagbigay ng pangkalahatang ideya sa tinalakay na paksa. 2. Hawig (Paraphrase)- Isang uri ng dokumentasyong pananaliksik o pangangalap ng mga impormasyon na mabilisang pagbasa at may pag-unawa sa binasa upang mailipat ang ideya sa alinmang bersyon o paraan ng pagkasabi. KONTEKWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO 3. Sintesis- Ang pagsusuma ng mahahalagang paksang tinalakay sa isang akda. Madalas itong inilalagay sa bandang huli ng isang akda upang mabuo ang mga pangunahing puntong pinatunayan sa isang akda. Maaari ding matagpuan ito sa pagtatapos ng pangunahing paksang tinalakay bilang pagbibigay-diin at pagpapahalaga sa paksa bago sumulong sa susunod na paksa.(pinagsama-samang sanggunian) 4. Presi- Ang salitang presi ay mula sa wikang Pranses na ang ibig sabihin ay pruned or cut-down statement. Ito ay isang tiyak na paglalahad ng mahahalagang ideya ng isang mahabang prosa o berso, gamit ang sariling salita ng nagbabasa. Inilalahad ang mga ideya ng akda sa paraang walang komentaryo o interpretasyon at sa parehong mood o tono, at punto de vista ng orihinal na akda sa pinaikling paraan. Sa presi, binibigyang pansin lamang ang mga tampok at mahahalagang ideya para sa mas maayos na komunikasyon. Kritikal ang kailangan sa mambabasa upang makabuo ng presi. 5. Tuwirang sipi- Ito ang pinakamadaling paraan ng pangangalap ng impormasyon; kokopyahin lamang nang walang pagbabago ang mga impormasyon. Kung sa online o mula sa Internet, tinatawag na copypaste ang pagkuha ng mga impormasyon. PAGBUBUO NG SARILING PAGSUSURI NG IMPORMASYON Sa iyong pagbasa, laging isaalang-alang ang tatlong batayang kung valid o kapani- paniwala ang mga ideya o pananaw sa inilahad na teksto. Tandaan na katulad ng mga mata na may layang tumingin, magmasid, at tengang malayang makinig, hindi lahat ng makikita at maririning ay may katotohanan (Mabilin, 2011). At upang magabayan tayo sa pagkuha ng balidong impormasyon bilang pagdokumentasyon, isaisip natin ang mga ganitong katanungang: 1. Sino at ano ang katauhan ng taong nagpahayag ng ideya? 2. May karapatan at kakayahan ba siya upang ipahayag ito? 3. Saan nanggagaling ang kanyang ideya o may makatwiran ba siyang batayan para sabihin ito? Maliban sa suring tanong banggit sa itaas sa pagdodokumentasyon maaari ding sundin ang sumusunod; 1. Pagkilala ng datos/impormasyon 2. Paglalatag sa katotohanan ng ebidensya 3. Pagbibigay ng cross-reference sa loob ng papel 4. Pagpapalawig ng ideya (talang pangnilalaman at talang impormasyon) KONTEKWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK Ang mga nakalahad na bahagi ng pananaliksik ay ilan lamang sa pinakaprimarya na sundin sa pagbuo ng isang papel pananaliksik. Kung sa Ingles matawag itong IMRAD format na mayroong ding Introduction, Methodology, Results at Discussion, at panghuling pahina ang sanggunian. Sa isang pamanahong papel o tesis ng kolehiyo may mga kabanata na isinaalang-alang sa pag-aayos ng mga bahagi ng buong tesis o pananaliksik. Sa kultura ng Pilipino nagkaroon ng pormat sa limang kabanata ngunit sa ibang mga asignatura gaya ng Ingles mayroon lamang itong apat na kabanata. Sa pagkakataon ng araling gawain ay mainam na simpleng bahagi lamang ang taglay ng isang awtput na pananaliksik. At narito ang mga sumusunod; 1. Panimula- Taglay nito ang rasyunal na dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik. Dito ipinapahayag ang mga layunin at kahalagahan ng pag-aaral. Ipinapaliwanag din dito ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral, batayang konsepto o kaugnay na literatura, at kung paano isasagawa ang pag-aaral o metodolohiya. Inilalahad na rin dito ang pananaliksik na gagamitin at paano titipunin ang mga datos. 2. Katawan o Nilalaman- Dito inilalahad ang mga natuklasan sa pagsasaliksik. Maaaring gumamit ng sari-saring pantulong biswal gaya ng tsart, mapa, grap, at talahanayan sa pagpapaliwanag ng resulta na natuklasan sa pag-aaral at pananaliksik. 3. Wakas o Kongklusyon- Ginagawa ito sa paglalagom ng resulta ng pag-aaral, paglalahat o pagbibigay ng konklusyon. Nakapaloob din dito ang rekomendasyon ukol sa maaari pang gawin kaugnay ng pag- aaral, tulad ng pag-aaral para malinawaan pa ang ilang isyu na hindi lubhang nalutas sa pag-aaral. 4. Bibliograpi o Talasanggunian- Talaan ito ng mga libro, magasin, peryodiko at iba pangalang ginamit sa pag-aaral o pananaliksik. Sa bahaging ito, ipinapakita ng mananaliksik ang lahat ng mga libro at pang sangguniang ginamit at nakatulong sa ginawa ng pag-aaral at saliksik. ARAIN 6: MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO UMPUKAN Ang umpukan ay isa ring impormal na talakayan ng isang pangkat o grupo na nagtitipon-tipon habang ito ay nagpapahinga o nagpapalipas oras. Mula sa kuhang opinyon, may mga umpukan kung saan ang mga tao ay nagpapalitan ng kuru-kuro o opinyon tungkol sa isang bagay o paksa. Isang pang halimbawa ng umpukan ay ang pakikipagtalo o debate, na maaaring kaswal na usapan lamang o maaari din namang pormal na pakikipagtalo. Dito makikita na ang mga tao ay may kanya- kanyang katwiran batay sa kanilang mga opinyon. Ito ang mga halimbawa ng umpukan. TSISMISAN- sariling interpretasyon, baluktot na katotohanan, di tiyak o maaring sagit lamang KONTEKWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO TALAKAYAN Isang uri ng komunikasyong pormal o di-pormal kung saan pinag-uusapan ang isang tiyak na paksa na may tagapagsalita at maaaring ang kasapi ay magbahagi at makinig sa mga impormasyong pinag- uusapan. Halimbawa: 1. Pangklasrum na talakayan. Ang talakayang ito ay kadalasan ginagampanan ng mga mag-aaral sa isang klase na may isang guro bilang tagapamatnubay. 2. Symposium. Ang talakayang ginagamit kadalasan ng mga ahensya sa pamahalaan sa layuning may mahalagang impormasyong ipapaalam sa mga kabaranggay o isang target na komunidad. 3. Panahon ng Homily sa simbahan. Ang talakayang ito ay ginagawang panrelihiyon sa paghahatid ng banal na balita sa loob ng simbahan. 4. Sesyon ng mga Opisyal. Ito ay nagaganap kadalasan sa pagdiskusyon ng mga taong politiko sa paksang patungkol sa kanilang pamamahala at kaunlaran ng bayan o barangay. 5. Asamblea. Ang talakayang ito ay pangkalahatang gamitin sa lahat ng uri ng pangkat, ahensya, institusyon, at iba pang maramihan kasapian ng kasiwalatan ng impormasyon. 6. Pagdinig sa Senado. Ang talakayang ito ay para lamang sa mga senador sa mga paksang isyung panlipunan alinsunod sa kaniyang tungkulin. 7. Telebisyon/Panradyong talakayan at iba pa. Tumutukoy ito sa iba't ibang talakayang programa panradyo at pantelibisyon na naririnig at napapanood sa medya. Ang mga nasa ibaba ay mga halimbawang larawang pantalakayan: PULONG-BAYAN Ang pulong-bayan ay isang pormal na pakikipag-ugnayan o pakikipagkomunikasyon ng mga pangkat ng mga taong sa isang komunidad. Tinatalakay rito ang pagsang-ayon, pagbabahagi ng mga impormasyon, pakikipagkasunduan sa alinmang mga bagay para sa ikakaunlad ng pangkat at pamayanan. Isang halimbawa ng pulong-bayan ay ang State of the Nation Address o SONA. Ito ang taunang pag-uulat ng Pangulo ng Pilipinas sa sambayanan tungkol sa pangkalahatang kalagayan ng bansa sa aspektong ekonomiya, panlipunan, politika, iba pa. Sa lalawigan, munisipyo, o barangay, nagbibigay rin ng state address ang mga pinuno ng bawat antas ng pamamahala. MGA EKSPRESYONG LOKAL Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay karamihang hindi lahad at maaaring literal na kahulugan depende sa layunin nito. Ang makakaintindi lamang dito ay ang kasapi sa komunidad o pangkat. Ito rin ay nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika. Ang ekspresyon ay maaaring makita sa mukha, salita, at kilos na may ipinapahiwatig na nais ipaabot ng isang tao sa kanyang kapwa na kadalasang nakikita sa lipunan. Maaaring literal o pahiwatig lamang ang ekspresyong ito. KONTEKWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO PAGBABAHAY-BAHAY Ito ay ang paglapit-lapit o pagpunta sa mga lugar o tirahan kung saan kumukuha o nagbibigay ng mga impormasyon at serbisyo o minsan ay gawa ng tungkulin. Napapansin ang mga ganitong eksena katulad na lamang ng sumusunod na mga halimbawa: 1. Bible Sharing. Isang pagbahay-bahay na pakikipagkomunikasyong gawang panrelihiyon ng mga Pilipino gaya ng mga saksi, Iglesia ni Kristo, Katoliko, at iba pa. 2. Pag-aalok ng mga Produkto. Ang gawaing pangnegosyo kung saan kailangang maging mabisa sa kanila ang kahusayan ng pakikipagkomunikasyon upang makabenta gaya ng pautang na mga furnitures, kitchen utensils, cosmetics, at iba pa. 3. Pagtotokhang. Ang makontrobersyal na estratehiya sa pagbabahay-bahay na gawain ng kapulisan sa panahon ng pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanyang pakikidigma laban sa droga. Kailangan ang maingat na pakikipagkomunikasyon dito upang hindi magkapikunan ang bawat panig ng biktima sa droga at ang tauhan ng gobyerno. 4. Sarbey para sa Sensus. Ang pagbabahay-bahay na naisagawa ng mga taong inatasang magsarbey sa bawat pamilya para alamin ang bilang ng miyembro nito lalo na sa panahon ng eleksyon. 5. Pangkalusugang Serbisyo. Kadalasan itong ginagawa ng mga Barangay Health Workers (BHW) upang mamigay ng libreng gamot o pagbabakuna at iba pang serbisyong pangkalusugan. KOMUNIKASYONG DI-BERBAL Maraming paraan na idenisenyo para sa komunikasyong di-berbal depende sa gumagamit nito. Ilan sa mga ito ay ang simbolong kamay na paletra para sa mga may kapansanan,pagpapakita ng damdamin aktwal o Internet, trapiko o mga senyas sa daan at iba pa. 1. Para sa may kapansanan. Ang komunikasyong di berbal na ito ay gamit ang mga kamay paletrang simbolo, ekspresyon ng mukha, kilos ng katawan at galaw ng mga kamay upang mabasa, at matanggap ang mensahe. 2. Komunikasong Di-berbal gamit ang Teknolohiya. Ang komunikasyong di-berbal na ito ay nasa paraan ng paggamit ng teknolohiya gamit ang aplikasyon na tinatawag na Messenger na kung saan ito ang ginagamit na paraan sa pakikipagkomunikasyon ng mga millennials sa panahon ngayon. Kadalasan ay gumagamit sila ng Emoji. Ito yung iba't ibang ekspresyon ng mukha at iba pang animeysyon. 3. Komunikasyong Di-berbal Pantrapiko. Ang komunikasyong ito ay sa paraan ng mga pag-iiwas sa aksidente at pagiging alerto sa “Violation". Ito'y nagsisilbing gabay sa mga taong dumadaan sa pampublikong kalsada, lalo na rin sa mga drayber. Halimbawa: Traffic Sign, Signal Light 4. Komunikasyong Di-berbal sa Ekspresyon ng mukha at katawan. Ang pakikipag- komunikasyon sa isang tao ay maaaring iparating gamit ang ekspresyon ng mukha at nararamdaman. Halimbawa kung ikaw ay masaya, nakikita sa mukha mo ang pagiging masaya, ikaw ay nakangiti o tumatawa. Kapag ikaw naman ay malungkot o may pinagdadaanan, ang ekspresyon ng iyong mukha ay nagiging malungkot din o umiiyak.