Komunikasyon sa Wika at Pananaliksik PDF
Document Details
Uploaded by HighSpiritedSerpentine4873
University of the Philippines Los Baños
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga tala sa Komunikasyon sa Wika at Pananaliksik, partikular ang Aralin 1 na tumatalakay sa Kakayahang Gramatika, Kakayahang Sosyolingguwistiko, at iba pang nauugnay na konsepto. Kasama rin ang mga ideya, konsepto at terminolohiya para sa gramatika, sintak, at morpolohiya.
Full Transcript
**KOMUNIKASYON SA WIKA AT PANANALIKSIK** **ARALIN 1: Kakayahang Gramatika** - **Dell Hathaway Hymes** - Maimpluwensiyang lingguwista at anthropologist na maituturing na maituturing na "Higante" sa dalawang nabanggit na larangan. - *Paano ba nakikipagtalastasan ang isang tao?"* - Kon...
**KOMUNIKASYON SA WIKA AT PANANALIKSIK** **ARALIN 1: Kakayahang Gramatika** - **Dell Hathaway Hymes** - Maimpluwensiyang lingguwista at anthropologist na maituturing na maituturing na "Higante" sa dalawang nabanggit na larangan. - *Paano ba nakikipagtalastasan ang isang tao?"* - Konsepto ng kakayahang pangkumunikatibo o communicative competence na nakakaapekto ng malaki sa mundo ng linggwistika. - **Dr.** **Fe Otanes** - Ayon sa kaniyang paniniwala, ang paglinang ng wika ay nakapokus sa kapakinabangang maidudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang sila ay makapaghanapbuhay at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan. - **Kakayahang Komunikatibo** - Ito ay tumutukoy sa kakayahang *gamitin* ang *gramatika, kakayahang sosyolingguwistik, pragmatik at istratedyik maging ang kakayahang diskorsal.* - *Sa pag-aaral ng mga dalubwika, kung kakayahang komunikatibo ang pag-uusapan, **isang bahagi** lang nito, ang kakayahang lingguwistiko o kakayahang gramatikal.* - *Ayon kina **Canale at Swain** may **tatlong component** silang iminungkahi. Ang mga ito ay ang kaalaman at kakayahang **gramatikal, sosyolingguwistiko, at istratedyik.*** - *Nagsalin naman si Canale ng ilang element mula sa kakayahang sosyolingguwistiko para mabuo ang ikaapat na component- **kakayahang** **diskorsal**.* - **Kakayahang Gramatika** - Ito ay tumutukoy sa pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa **ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang tuntuning pang-ortograpiyang Pilipino.** - Ang component ang magbibigay sa taong nagsasalita upang magamit ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at pagpapahyag sa literal na kahulugan ng salita. - **Sintaks** - ***ang pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan*** - Estruktura ng pangungusap - Tamang pagkakasunod-sunod ng salita - Uri ng pangungusap ayon sa gamit - Uri ng pangungusap ayon sa kayarian - **Morpolohiya** - ***Pag-aaral ng mahalagang bahagi ng salita tulad ng iba't ibang bahagi ng pananalita*** - Prosesong derivational at inflectiona - Pagbubuo ng salita - **Ponoholohiya** - ***Pag-aaral ng mahahalagang tunog*** - Segmental (Katinig, patinig, tunog) - Suprasegmental (diin, intonasyon, hinto - **Leksihon** - ***Pag-aaral sa kahulugan o bokabularyo ng mga salita*** - **Ortograpiya** - ***Pag-aaral sa pagbabay ng mga titik ng salita*** **Aralin 3: Kakayahang Sosyolingguwistiko** - **Kakayahang Sosyolingguwistiko** - ***Ito ay tumutukoy sa pagsasaalang-alang sa mga salik-panlipunan upang magamit ang wika sa iba't ibang sitwasyong sosyal*.** - **Competence** - ***Ito ay tumutukoy sa kagalingan, kaalaman o kasanayan ng tao sa wika.*** - **Performance** - **Ito ay tumutukoy sa kakayahang pagganap sa paggamit ng wika** - **SPEAKING** - **S-SETTING-** - Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang pakikipagtalastasan. - **P-PARTICIPANT** - Tumutukoy sa mga taong nakikipagtalastasan - **E-ENDS** - *Ito ay tumutukoy sa layunin o pakay ng pakikipagtalastasan.* - **A- ACT SEQUENCE** - *Ito ay tumutukoy sa flow o takbo ng usapan.* - **K-KEYS** - *Ito ay tumutukoy sa tono (pormal o di pormal) ng pakikipagtalastasan.* - **I-INSTRUMENTALITIES** - *Ito ay tumutukoy sa tsanel o midyum na ginagamit sa pakikipagtalastasan.* - **N-NORMS** - *Tumutukoy sa paksang pinag-uusapan* - **G-GENRE** - *Ito ay tumutukoy sa diskursong ginagamit kung nakikipagsalaysay, nangangatwiran o nakikipagtalo* **Aralin 4: Kakayahang Pragmatik at Istratedyik** - **Pragmatik** - *Ito ay tumutukoy sa pag-unawa at paggamit sa kasanayang ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang tuntuning pang ortograpiya.* - **Istratedyik** - *Ito ay tumutukoy sa pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan.* - **Verbal na Komunikasyon** - Ito ang tawag sa komunikasyong ginagamitan ng wika, titik at simbolong nabibigkas. - **Di-Verbal na Komunikasyon** - *Ito ang tawag sa komunikasyong ginagamitan ng kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe.* - **Kinesika --** *Ito ang pag-aaral sa kilos at galaw ng katawan.* - **Pictics** *- Ito ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha* upang maunawaan - **Oculesics --** *Ito ay pag-aaral sa galaw ng mata*. Nakikita sa sa galaw ng ating mga mata ang nararamdaman natin. - **Vocalics-** *Ito ay pag-aaral ng mga di-lingguwistikang tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.* Kasama rito ang pagsutsut, buntong hininga, at iba pang di lingguwistikong paraan. - **Haptics-** Ito ay pag-aaral sa mga *paghawak o pandama* na naghahatid ng mensahe. - **Proxemics --** Ito ay komunikatibong gamit ng espasyo at distansiya sa pakikipagtalastasan. - **Chronemics --** Ito ay pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay nakakaapekto sa komunikasyon. **ARALIN 5: KAKAYAHANG DISKORSAL** - **Kakakayahang Diskorsa -** *Ito ay tumutukoy sa pag-uugnay ng mga salita at pangungusap upang makabuo ng isang makabuluhang teksto.* - **Coherence -** Ito ay tumutukoy sa *pagkakaisa ng ideya* sa pangungusap. - **Cohesion -** Ito ay tumutukoy sa *pagkakaugnay ng ideya* sa pangungusap - **Pakikibagay/ Adaptability*-*** *Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.* - **Paglahok sa Pag-uusap / Conversational Involvement-** - **Kakayahang tumugon** - **Kakayahang makaramdam kung ang ang tingi sa kanya ng ibang tao.** - **Kakayahang making at magpokus sa kausap.** - **Pamamahala sap ag-uusap / Conversational Management-** - *Tumutukoy ito sa isa sa daawang mahahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang komunikatibo.* - **Empathy** - *Ito ay pagpapakita ng kakayahang mailalagay ang damdaming sa katauhan ng ibang tao at pag-iisp ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tauhan o Samahan* - **Effectiveness-** - *Tumutukoy ito sa isa sa dalawang mahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang pangkumunikatibo -- ang pagtiyak kung epektibo ang pakikipag-usap.* - **Kaangkupan-** - *isa pang mahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang pangkomunikatibo ay ang kaangkupan ng paggamit ng wika. Kung ang isang wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.*