GE 14: Retorika/Masining na Pagpapahayag (PDF)

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga tala sa asignaturang GE 14: Retorika/Masining na Pagpapahayag, na may mga paksa hinggil sa retorika, mga teorista, simulain, katangian at mga sangkap nito. Kasama rin ang iba't ibang mga detalye at konsepto tungkol sa pakikipagtalastasan.

Full Transcript

Samuel Christian College of general trias, inc. Navarro, General Trias City, Cavite GE 14: Retorika/Masining na Pagpapahayag Inihanda ni: Bb. Rachel Ann G. Malsi Nabibigyang kahuluganang retorika; Nakikilala ang mga teorista at siyentista na nagbibigay kahulugan s...

Samuel Christian College of general trias, inc. Navarro, General Trias City, Cavite GE 14: Retorika/Masining na Pagpapahayag Inihanda ni: Bb. Rachel Ann G. Malsi Nabibigyang kahuluganang retorika; Nakikilala ang mga teorista at siyentista na nagbibigay kahulugan sa retorika; Naipaliliwanag ang kalikasan at simulain ng retorika; Natutukoy ang mga katangian ng retorika; Ito ay sining ng mabisang pagpapahayag. Masining ang pagpapahayg kung ang daloy ng mga pangungusap ay mabisa, malinaw, kaakit-akit, tiyak at epektibo. “Ang retorika ay sining ng pagwawagi ng kaluluwa sa pamamagitan ng diskurso.” - Plato “Ang retorika ayisang mataas na sining na binubuo ng: imbensyon; argumento; istilo; memorya; at pagbigkas.” - Cicero “Ang retorika ay sining ng pagpapahayag nang mahusay.” - Quintillan “Ang retorika ay isang pampublikong komunikasyon kung saan ang gumagamit at nakaiintindi nito ay nakakamit ang resulta.” - Whately (1800) “Ang retorika ay aplikasyon ng rason sa imahinasyon at pagpapatuloy ng will.” - Francis Bacon “Ang retorika ay mabisang pagpapahayag ng damdamin at kaisipan na taglay ang kariktan sa wastong paggamit ng wika, pasalita man o pasulat. Angkin ng retorika ang ideyang nagbibigay ng kahulugan, lalim, kabuluhan at kariktan.” - Austero, Bandril, De Castro (1999) “Ang wika ay salamin ng kaisipan at saloobin ng tao. Sapagpapahayg ng tao, pasulat man o pasalita, ang dapat at yaong malapit sa kalooban ng manunulat. Nararapat ang piniling mga salita upang matamo ang indayog at ganda sa pagpapahayag dahil hango ito sa karanasan ng manunulat” - Pagkalinawan (2004) “Rethor” salitang griyego na nangangahulugang mananalumpati. Retorika bilang isang Sistema ng pakikipagtalo. Syracuse isang bayan sa bansang Gresya. Corax (Guro) at Tisias (estudyante) Retorika Vs Sophistri KAHALAGAHAN NG RETORIKA Sa Pasalitang Pagpapahayag Sa Pasulat na Pagpapahayag KATANGIAN NG RETORIKA 1. Nagbibigay ngalan/katawagan 2. Nagbibigay Lakas/Kapangyarihan 3. Nakapagpapalawak ng mundo 4. Kumukuha ng atensyon ng tagapakinig 5. Nagpapaluwag ng daan para sa komunikasyon Ayon kay Aristotle, ang retorika ay isang pantaong sining (human art) o iskil (techne). a. Ethos – kung paano ang “karakter’ o “kredibilidad” ng tagapagsalita ay nakiimpluwensya sa tagapakinig/awdyens para ikunsidera na kapani-paniwala ang kanyang sinasabi. b.Pathos- paggamit ng emosyon ng tagapagsalita upang mahikayat ang tagapakinig/awdyens na mabago ang kanilang disisyon. c.Logos- paggamit ng katwiran/rason upang bumuo ng mga argumeto. Dalawang pamamaraan sa Pangangatwiran 1. Induktibo- nagsisimula sa maliit na impormasyon hanggang sa marating ang kongklusyon. 2. Deduktibo- nagsisimula sa panlahat na pahayag at mula rito ay kumukuha ng ispesipikong Mga Elemento ng Retorika 1. Paksa 2. Kaayusan at Debelopment ng mga bahagi 3. Estilo 4. Tono 5. Malinis na paglilipat ng mensahe 6. Interaksyong “Shared Knowledge”

Use Quizgecko on...
Browser
Browser