Aralin 1 - Retorika PDF

Summary

This document provides a basic overview of rhetoric in Tagalog, covering its definitions, historical context, and different perspectives.

Full Transcript

Ang retorika ay mula sa salitang Griyegong rhetor na ang ibig sabihin ay Isang tagapagsalita sa publiko (Badayos,et al,2006). Sa makatuwid, sino mang tagapagsalita sa harap ng mga pangkat ng tao upang makamit ang isa o ilang layunin ay gumagamit ng retorika. Sa webste na http://www....

Ang retorika ay mula sa salitang Griyegong rhetor na ang ibig sabihin ay Isang tagapagsalita sa publiko (Badayos,et al,2006). Sa makatuwid, sino mang tagapagsalita sa harap ng mga pangkat ng tao upang makamit ang isa o ilang layunin ay gumagamit ng retorika. Sa webste na http://www.gsu.edu, matutunghayan ang mga iskolarling depinisyon ng retorika. Dinepayn at inilarawan ang disiplinang ito ng mga pangunahing awtoridad sa larangang ito sa iba't ibang lokasyon at panahon. Pansinin natin ang ilan sa mga ito: a.) Retorika ang pakulti ng pagtuklas ng lahat ng abeylabol na paraan ng panghikayat sa ano mang partikular na kaso (Aristotle). b.) Retorika ang art of winning soul sa pamamagitan ng diskurso (Plato). c.) Ang retorika ay pagpapahayag na dinisenyo upang makapanghikayat (Cicero). d.) Ang retonka ay sining ng mahusay na pagsasalita (Quintillian) e.) Ang retorika ay disiplinang nakatuon sa pag-aaral ng lahat ng mga paraang ginagamit ng mga tao upang makaimpluwensiya ng pag-iisip at guwi ng iba sa pamamagitan ng estratedyik na paggamit ng mga simbolo (Douglas Ehninger). f) Ang retorika ay isang instrumental na panggamit ng wika. Ang isang tao ay nakikisalamuha sa ibang tao sa pamamagitan ng palitan ng mga simbolo tungo sa isa o mga layunin. Hindi ito komunikasyon para sa kapakanan ng komunikasyon lamang. Ang retorika ay komunikasyon na nagtatangkang ikoordineyt ang mga panlipunang pagkilos. Dahil dito, ang retorikal na komunikasyon ay lantarang pragmatik. Ang layunin nito ay impluwensiyahan ang pagpapasya ng mga tao hinggil sa mga ispesipikong bagay na nangangailangan ng agarang atensyon (Gerard A.Hauser). g) Ang retorika ay proseso ng paggamit ng wika upang mag-organisa ng karanasan at maikomunika iyon sa iba. Ito ay isa ringpag-aaral ng paraan ng paggamit ng wika ng tao sa pag-oorganisa at pagkokomunika ng mga karanasan.(C.H.Knoblauch). h) Ang retorika ay isang pag-aaral kung paano ginagamit ng tao ang wika at iba pang simbolo upang isa katotohanan ang mga layuning pantao. Ito ay isang praktikal na pag-aaral na nagbibigay sa tao ng matinding kontrol sa kanilang mga simbolikong gawain (Charles Bazerman). i) Ang retorika ay isang estratedyik na paggamit ng komunikasyon, pasalita o pasulat, upang makamit ang mga tiyak na layunin (The Art of Rhetorical Criticism). Bilang paglalagom, ang retorika kung gayon,ay isang teorya at praktika na pagpapahayag o elokwens,pasalita man o pasulat. Ang pasalitang retorika ay tinatawag na oratoryo. Binibigyangkahulugan ng retorika ang mga tuntunin sa pagsulat ng komposisyon at pagde-deliver ng oratoryo na dinisenyo upang makaimpluwensiya sa pagpapasya o damdamin ng ibang tao (http:encarta.msm. com).] PAHAPYAW NA KASAYSAYAN Klasikal na Retorika Ang elokwens na ipinamalas nina Nestor at Odysseus sa Iliad ay naging dahilan upang kilalanin si Homer ng maraming Griyego bilang ama ng oratoryo. Ang pagkakatatag ng mga demokratikong institusyon sa Athens noong 510 BC ay nag takdasa lahat ng mga mamamayan ng pangangailanganng serbisyong publiko. Mula noon, naging esensyal na pangangailangan na rin ang oratoryo, kaya isang pangkat ng mga guro ang nakilala. Tinawag silang mga Sophist - Sila'y nagsikap upang gawing higit na mabubuting tagapagsalitaang mga tao sa pamamagitan ng tuntuning pansining. Si Protagoras, ang kauna-unahang Sophist, ay nagsagawa ng isang pag-aaral sa wika at nagturo sa kanyang mga mag-aaral kung paanong ang mga mahihinang argumento ay magagawang malakas sa isang pahayag o talakayan. Sinasabing si Corax - ng Syracuse, ang aktuwal na tagapagtatag ng retorika bilang isang agham na noong ikalimang siglo ay nagsabing ang retorika ay artificer o persuasion at umakda ng unang handbuk hinggil sa siningng retorika. Ang iba pang maestro ng retorika sa panahong ito ay sina Tisiasng Syracuse, isang mag-aaral ni Corax; Gorgias ng Leontini na nagpunta sa Athens noong 427 BC; at Thrasymachus ng Chalcedon na nagturo rin sa Athens. Si Antiphon naman, una sa itinuturing na Ten Attic Orators, ang kauna-unahang nagsanib ng teorya at praktika ng retorika. Ngunit si Isocrates, ang dakilang guro ng oratoryo noong ikaapat na siglo BC, ang nagpalawak sa sining ng retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura atisang pilosopiya na may layuning praktikal. Tinutulan naman ni Plato, isang pilosopong Griyego, ang teknikal na pagdulog sa retorika. Binigyang din ni Plato ang panghikayat kaysa sa katotohanan sa akda niyang Gorgias at tinalakay niya ang mga simulaing bumubuo sa esensya ng retorikal na sining sa Phaedrus. Samantala, sa akdang Rhctoric, inilarawan ni Aristotle, isa pang pilosopong Griyego, ang tungkulin ng retorika hindi bilang isang panghihikayat. Samakatuwid, binigyang-diin niya ang pagtatagumpay ng argumento sa pamamagitan ng katotohanan at hindi ng panghihikayat sa pamamagitan ng apila sa emosyon. Itinuring niya ang retorika bilang counterpart o sister art ng lohika. Samantala, sa Roma sy nakilala sina Cicero at Quintilian, bagama't ang mga ang una guro ng pomal na retorika noon doon ay nga Griyego. Sila ang tinaguriang dakilang maestro ng retorikal at praktikal na retorika, kahit pa sila mga modelong Griyego. Si Cicero ang umakda ng On the Orator Institution Oratoria at The Traiming of an Orator na hanggang sa kasalukuyan ay ipinapalagay na masusing pagdulog sa mga simuilan ng retarika at sa kalikasan ng elokwens. Hanggang sa unang apat na siglo ng Imperyong Romano, ang retorika ay itinuro ng mga tinatawag na Sophist na sa panahong iyon ay naging isang titulong akademiko. Retorika sa Gitnang Panahon/Midyibal at Renasimyento Sa gitnang panahon, ang retorika ay isang sabdyek ng trivnum o tatlong sabdyek na preliminary ng pitong liberal na sining sa mga unibersidad, kasama ang gramar at lohika. Ang mga pangunahing midyibal na awtoridad sa retorika ay tatlong iskolar sa ikalima, ikaanim at ikapitong siglo: sina Martianus Capella, awtor ng isang ensayklopidya ng pitong liberal na sining (aritmitika, astronomiya,geometry,musika, gramatika, lohika at retorika). Flavius Magnus Aurelius Cassiodorus, isang historyan at tagapagtatag ng mga monasteryo na umakda ng Institutiones Divinarum et Humanarum Lec-tionum; San Isidore ng Seville, isang Kastilang arsobispona nagkompayl ng isang akdang ensayklopedik tungkol sa ancient world. Sa panahong ito, ang retorika ay nakasumpong ng praktikal na aplikasyon sa tinawag na tatlong "artes'': paggawa ng sulat, pagsesermon at paglikha ng tula. Sa panahon ng Renasimyento (ika-14 hanggang ika-17 siglo), ang pag·aaral Ng retorika ay,muling ibinatay sa mga akda ng mga klasikal na manunulat tulad nina Aristotle, Cicero at Quintillian. Ilang mga kontemporaryong disertasyon ang nilikha sa panahong ito kabilang ang The Art or Crafte of Thethoryke ng Inglaterong punong guro at manunulat na si Thomas Wilson. Noong ika-16 na siglo,nakilala sina Pierre de Courcelles at Andre de Tonquelin, mga retorisyanong Pranses.Sa buong panahon ng Renasimyento, ang retorika ay itinakdang sabdyek sa mga kolehiyo at unibersidad na may kalakip na pagsasanay sa publiko at mga kompetisyon nanakatulong upang panatilihing buhay ang praktika ng retorika. Modernong Retorika Sa simula ng ika-18 siglo ay nabawasan ng importansya ng retorika, bagama't sa teoretikal na aspeto lamang at hindi sa praktikal, sapagkat nagpatuloy ang paglaganap ng mga oportunidad para sa epektibong oratoryosa politikal na arena. Sa ikalawang hating siglo, patuloy na nabawasan ang mga eksponent ng retorika. Mangilan-ngilan lamang Ang mga kaugnay na akdang naging popular sa panahong ito kabilang ang Lectures on Rhetoric (1783) ng paring Scottish na si Hugh Blair, Philosophy of Rhetoric (1776) ni George Campbell, isang teologong Scottish at ang Rhetoric (1828) ni Richard Whately, isang Britong eksperto sa lohika. Sa unang hati ng ika-20 siglo, nagkaroon ng muling pagsilang ng pag-aaral ng pormal na retorika bunga ng pagganyak ng mga eksponent ng semantiks, isang agham ng lingguwistika. Ito ay naganap sa kabuuan ng lahat ng mga bansang gumagamit ng wikang Ingles sa daigdig. Ang mga modernong edukador at pilosopong nakagawa ng mga mahahalagang kontribusyon sa pagaaral na ito ay sina I. A. Richards, isang Britong kritiko ng literatura at Kenneth Duva Burkeat John Crowe Ramsom, mga Amerikanong kritiko rin ng literatura. Mga Kanon ng Retorika Ang retorika bilang isang sining ay nahahati sa limang pangunahingkategorya o kanon: a. Imbensyon b. Pagsasaayos/Arrangement c. Istayl/Estilo d.Memori/Memorya e. Deliberi/Paghahatid Ang mga kanon na ito ay may silbing analytic at generative. Nagpo-provide ang mga ito ng templeyt para sa kritisismo ng diskurso at nagbibigay ng patern para sa edukasyong retorikal. Ang mga literatura sa retorika sa mga nakalipas nasiglo ay tumatalakay sa limang kanon na ito, bagama't konsistentang mga iyon sa pagbibigay ng kaunting atensyon sa memon at deliberi. Samantalang ang lamang kanon na ito ay naglalarawan sa mga larangan ng atensyon sa retorikal na pedagodyi, dapat tandaang hindi lamangito ang edukasyonal na templeyt para sa displina ng retorika. Mayanman ang literatura ng retorika sa mga pagtalakay hunggil sa miga ugat o hanguan ng retorikal na abilidad at mga ispesipikong uri ng mga retorikal na pagsasanay para sa paglinang ng lingguwistik pasiliti. Ang imbensyon ay mula sa salitang Latin na invenire na ang kahulugan ay to find. Samakatuwid, ang kanon na ito ay nakatuon sa karaniwang kategorya ng pag-iisip na naging kumbensyonaI na hanguan ng mga retorikal na materyales. Tinatawag itong topics of invention o topoi sa Griyego.Mga halimbawa nito ay sanhi at epekto, komparison at iba pang ugnayan. Ang imbensyon ay nakatuon sa ano ang sasabihin ng isang awtor at hindi sa kung paano iyon sasabihin. Inilalarawan din ito bilang ubod ng panghihikayat. Sa katunayan, inilarawan ni Aristotle ang retorika bilang pagtuklas sa pinakamabuting abeylabol na paraan ng panghihikayat at ang importanteng hakbang ng proseso ng pagtuklas na ito ay tinatawag na stasis. Ang pagsasaayos ay nakatuon sa kung paano pagsusunud-sunurin ang isang pahayag o akda. Sa matandang retorika (ancient rhetoric), ang pagsasaayos ay tumutukoy pagkakasunodsunod na dapat iobserb sa isang oratoryo, ngunit ang kanon na ito ay nag-iinklud na rin ng lahat ng konsiderasyon sa pagsasaayos ng ano mang uri ng diskurso. Ganito ang karaniwang pagsasaayos ng isang klasikong oratoryo: A. Introduksyon (exordium) B. Paglalahad ng mga katotohanan (narratio) C.Dibisyon (partitio) D. Patunay (conformatio) E. Reputasyon (refutatio) F. Kongklusyon (peroratio) Ganito ang paglalarawan ni Cicero sa gayong ayos: Sa introduksyon, kailangang maestablish ng isang orador ang kanyang awtoridad. Samakatuwid, kailangan niyang gumamit ng mga etikal na panghikayat o apila. Sa apat na mga kasunod na bahagi (paglalahad ng katotohanan, dibisyon, patunay at reputasyon), siya ay kailangang gumamit ng mga lohikal na argumento. Sa kongklusyan naman, tinatapos niya ang kanyang oratoryo sa pamamagitan ng mga emosyonal na panghikayat o apila. Ang estilo ay nauukol sa masining na ekspresyon ng mga ideya. Kung ang imbensyon ay nauukol sa ano ang sasabihin, ang estilo ay nauukol sa paano iyon sasabihin. Sa pananaw retorikal, ang estilo ay hindi insidental, superpisyal o suplementari sapagkat tinutukoy nito kung paano ipinapaloob sa wika ang mga ideya at kung paano ito nakukostomays sa mga kontekstong komunikatibo. Ang estilo ay hindi na isang opsyonal na aspeto ng diskurso. Ang estilo ay esensyal sa retorika sapagkat ang kaanyuan o ang lingguwistukong kaparaanan ng paglalahad ng isang bagay ay bahagi ng mensahe, katulad ng nilalaman o kontent. Wika nga ni MacLuhan - “ the medum is the message” Sa una, maaaring isipin na ang memori ay may kaugnayan sa mnemonics o memory aids na tumutulong sa isang orador na sauluhin ang isang talumpati. Ngunit ang kanon na ito ay higit pa sa pagmememorya ng isang inihandang talumpati para sa representasyon. Nakapaloob din sa kanong ito ang pag-iimbak ng iba pang materyales sa isipan ng mga paksa ng imbensyon upang magamit sa isang partikular na okasyon. Samakatuwid, ang memori ay nauugnay hindi lamang sa pagmememoryang isang talumpati para sa deliberi, kundi maging sa mga pangangailangang improbisasyonal ng isang ispiker. Kaugnay nito, kung gayon, ang kairos o ang sensitibiti sa konteksto ng isang sitwasyong pangkomunikasyon. Bagama't ang deliberi (kasama ang memori) ay madalas na hindi natatalakay sa mga tekstong retorikal, ang kanong ito ay napakahalaga sa retorikal na pedagohiya. Ang kahalagahan nito ay binibigyang-diin sa mga pagtalakay ng exercitatio (practice exercises) at naipapakita sa deklamasyon ng mga retorikal na edukasyon. Ang deliberi ay unang tinawag na pasalitang retorika na ginagamit sa nga pampublikong konteksto, ngunit ito ay maaari ring ituring bilang isang aspeto ng retorika na nakatuon sa pampublikong presentisyon ng diskurso, pasalita man o pasulat. Retorika Bilang Isang Sining Katulad ng pagpipinta, pagsayaw at pag-awit, ang retorika ay isang sining. Sa pamamagitan ng mga simbolo na maaaring pasalita opasulat, lumilikha ito ng isang likhang-sining na maytaglay na sariling halagang estetiko na naiiwàn o nagkakabisa sa ating kaisipan, damdamin at kaasalan. Isang sining ito na may mga sumusunod na katangian: a. Isang Kooperatibong Sining. Hindi ito maaaring gawin nang nag-iisa. Ito ay ginagawa para sa iba sapagkat sa reaksyon ng iba nagkakaroon ito ng kaganapan. Sa pamamagitan nito, kung gayon, napagbubuklod ang tagapagsalita at tagapakinig o ang manunulat at mambabasa. Halimbawa: —Ang nagwewelga sa lansangan. b. Isang Pantaong sining. Wika ang midyum ng retorika, pasalita man o pasulat. Dahil ang wika ay Isang eksklusibong pag-aari ng tao, ang retorika ay nagiging isang eksklusibong ring singing ng tao at para sa tao. c. Isang Temporal na Sining. Ang retorika ay nakabatay sa panahon. Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lengguwahe ng ngayon, Hindi ng bukas o kahapon. Ang iba pang sangkap ng retorika tulad ng paksa at paraan ay lagging naimpluwensiyahan ng kasalukuyang panahon. Baguhin mo ang panahon at magbabago rin ang retorika. Halimbawa: - Pansinin ang mga misa ng Paring Katoliko, gumagamit sila ngayon ng mga salitang napapanahon upang makuha ang atensyon ng mga tagapakinig ng misa. d. Isang Limitadong Sining. Marami itong kanyang gawin. Maaari nitong paganahin ang ating imaginasyon at gawing possible Ang mga bagay na imposible sa ating isipan. Ngunit sa realidad, Hindi lahat ng bagay ay magagawa nito. Ang retorika ay hindi Diyos na nakakapagpagalaw Ng bundok, nakakapagparami Ng pagkain o nakapag-hahati ng dagat. Sa makatuwid kung sa imahinasyon ay walang limitasyon ang retorika, sa realidad ay limitado ang kanyang gawin nito. e. Isang May-Kabiguang Sining. Hindi lahat Ng tao ay magaling sa paghawak Ng Wika. Marami sa ating Ang limitado lamang Ang kaalaman at kasanayan sa Wika. Idagdag pa rito na Ang Wika ay likas na komplikado. May mga tuntunin itong masalimuot at sadyang nakakalito. Bunga nito, Hindi lahat Ng tao ay nagtatagumpay sa layunin sa lahat Ng pagkakataon. Sa ilang mga tao sa ilang mga okasyon, ang retorika ay nagiging Isang frustrating na karanasan. f. Isang Nagsusupling na Sining. Ang retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman. Halimbawa, ang isang manunulat ay nagsisimula sa isang ideya sa isipan at nagsusupling ng isang akda. Ang mambabasa naman ay nagsisimula sa pagbabasa at nagbibinhu ng kaalaman sa kanyang isipan. Walang hangganan ang pagsusupling at pagpapasa ng kaalaman sa pamamagitan ng retorika hanggat may nagsasalita at nakikinig, may nagsusulat at nagbabasa. Halimbawa: Ang mga seminar, Isang Leksyon sa klase, Isang misa ng pari sa simbahan. Retorika bilang Pansibikong Sining Sa napakatagal na panahon, iniugnay ang retorika sa pangungumbinsi sa publiko at mga politikal na seting tulad ng asembliya at korte. Dahil sa asosasyon sa mga demokratikong institusyon, sinasabing ang retorika ay yumabong sa mga lipunang demokratikong may karapatan sa malayang pamamahayag, malayang pagtitipon at malayang pag-anib-politikal ng ilang bahagi ng populasyon. Ang mga nagtuturing naman sa retorika bilang isang pansibikong sining ay naniniwala na ang retorika ay may kapangyarihang humubog ng mga komunidad, humubog ng karakter ng mga mamamayan, magbıgay hugis sa opinyon ng madla at makagawa ng impak sa pansibikong buhay. Ang retorika ay isang pundamental na bahagi ng pansibikong buhay at kailangan ito ng pundasyon ng lahat ng aspekto ng lipunan. Kahit pa hindi maituturo ang retorika sa kahit na sino na lamang, may kakayahan itong humubog sa karakter ng tao. Ngunit samantalang ang retorika ay maaaring magamit upang mapabuti ang pansibikong buhay, maaari rin itong gamitin upang manlinlang o magmanipula nang may negatibong epekto sa lipunan. Ang masa ay kadalasang walang kakayahang magsuri at magpasya sa kanyang sarili at kung gayon, malamang na umayon na lamang sa mga pinakamahuhusay na talumpati. Samakatuwid, ang pansibikong buhay ay maaaring kontrolin ng kung sino mang makabibigkas ng pinakamahusay na talumpati. Magkagayon man, sa modernong panahon, nananatiling mahalaga ang retorika bilang isang pansibikong sining. Sa mga talumpati, kahit sa mga anyong di-berbal, nananatili ang retorika bilang isang instrumento sa pag-impluwensiya ng mga komunidad sa lokal at nasyonal na antas. Ang Saklaw ng Retorika Ang mga iskolar ay hindi nangagkakaisa hinggil sa saklaw ng retorika noon pa mang sinaunang panahon. lan sa mga nasabing iskolar ay nagpalagay na limitado ang saklaw ng retorika sa mga politikal na diskurso. Dahil sa mataas na pagpapahalaga ng mga sinaunang Griyego sa Pag partisipasyong politikal ng publiko, umusbong ang retorika bilang isang mahalagang kasangkapan upang maimpluwensiyahan ang politika. Naiugnay tuloy ang retorika sa pinagmulang politikal nito. Halos lahat naman ng mga modernong iskolar ay nagsabing saklaw ng retorika ang lahat ng aspekto ng kultura. Sa katunayan, pinag-aralan ng mga retorisyano ang mga diskurso ng napakarami at iba't ibang domeyn tulad ng likas at panlipunang agham, fne art, relihiyon, pamamahayag, digital media, piksyon, kasaysayan, kartograpiya, arkitektura, kaalinsabay ng mga tradisyonal na domeyn ng politika at batas. Maraming kontemporaryong lapit ang nagtuturing sa retorika bilang komunikasyong pantao na kinapapalooban ng manipulasyon ng simbolo na may katangiang purposeful at strategic. Ilan nga sa mga modernong propesyong ang-eempleyo ng mga retorikal na praktisyoner ay ang public relations, lobbying, law, marketing, professional and technical writing, at advertizing (Wikipedia.org). Ayon kay James Boyd White (sa Wikipedia.org), Ang kultura ay muling malilikha sa pamamagitan ng wika. Naiimpluwensiyahan ng wika ang tao kung paanong maimpluwensiyahan din ng tao ang wika. Ang wika ay nalilikha ng lipunan at nakabatay ito sa kahulugang nilalapat ng mga tao sa wika. Dahil ang wika ay dinamiko at nagbabago dependi sa sitwasyon, ang pangunahing gamit ng wika ay retorikal. Upang higit na maunawaan kong ano ang retorika, ipinakikita Ng kasunod na ilustrasyon. Ang saklaw nito. WIKA - Ang retorika ay gumagamit ng wika maging pasalita o pasulat. Ginagamit ang wika upang bigyang-buhay ang isang ideya. Ito ang nagpapaantig ng ating damdamin pinalulungkot, pinapasaya o pinagagalit tayo bunga ng paggamit ng mapanlikhang pananalita. SINING - Mula sa ating imahinasyon ay napagagana natin ang ating isipan at dahil dito ay nakalilikha tayo ng isang sining. PILOSOPIYA -Ang isang tao ay maaaring maging pilosopikal, ngunitkailangan din niyang maipakitana ang kanyang katwiran ay katanggap-tanggap sa ibang tao. LIPUNAN - Lahat tayo ay kabilang sa bawat lipunang kinabibilangan, kung kaya kailangang isaalangalang din natin ang kapakanan ng ibang tao sapagkat iisa lamang ang mundong ating ginagalawan. Ito ang tungkuling ginagampanan ng retorika sa atin. PANAHON AT SITWASYON -Anumang larangan ang ating kinabibilangan, responsable tayo sa tamang pagpapahayag na hindi makasasakit sa damdamin ng ibang tao. Sa madaling salita, kailangan gumamit tayo ng mga angkop na pananalita nanakabatay sa panahon at sitwasyon ng ating kausap. Ang gumagamit ng retorika, pasalita mn o pasulat ay isang artistikong mapanlikha. Gumagamit siya ng mga simbolo upang bigyang-buhay ang isang ideya. Mula sa imahinasyon ay nagpapagana siya ng imahinasyon. Ito ay nagagawa niya sa pamamagitan ng kanyang likhang sining. Ngunit ang retorika upang maging mabisa ay kailangang sumunod sa mga tuntuning pambalarila. Wika ang midyum ng retorika, kaya hindi maibihiwalay ang gramatika ng wika sa retorika. Sa pagpapahayag ng ideya ng isang tao, maaari siyang maging pilosopikal ngunit kailangan niyang maging risonable o makatuwiran upang maipakita na ang kanyang mga argumento ay may padron ng sensibilidad upang matanggap ng iba. Dahil siya'y isang mamamayan, kailangan niyang maging konsern din sa lipunang kanyang ginagalawan. Kallangang maisaalang- alang niya ang realidad ng kanyang panahon. Isa ito sa tungkulin ng sino mang gumaganit ng retorika. Ngunit ang retorika ay hindi lamang eksklusibo sa larangan ng Wika, Sining Pilosopiya at Lipunan. Sino mang tao, saan mang larangan ay may pagnanaang maging mabisa sa pagpapalhayag. Sa ano mang larangan, hindi maaaring hindi magsasalita omagrusulat ang mga taong kasangkot doon. Samakatuwid, magingsa ibang larangan, ang retorika ay may malaking kinalaman. Mga Gampanin ng Retorika Napakahalaga ng retorika sa buhay ng tao, Malaki at marami ang gampaning papel nito sa atin. llan sa mga ito ay ang mga sumusunod: a. Nagbibigay-daan sa Komunikasyon. Ano man ang ating insip o nadarama ay maaari nating ipahayag sa pasalita o pasulat na paraan upang maunawaan ng ibang tao. Samakatuwid, dahil sa retorika, ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon ng komunikasyon. b. Nagdidistrak. Dahil sa pakikinig natin sa iba o sa pagbabasa natin ng mga akda, maaaring nadidistrak ang ating isipan sa mga masasakit na realidad sa ating lipunan. Halimbawa, sa palkikinig ng dula sa radyo o pagbabasa ng mga nobela, pansamantala nating naitutuon ang ating atensyon at konsentrasyon sa dulang pinakikinggan o nobelang binabasa, malayo sa mga suliranin o agam-agam na bumabagabag sa atin. c. Nagpapalawak ng Pananaw. Sa tuwing tayo'y nakikinig o nagbabasa, Tanda: maaaring may natututunan tayong bagong kaalaman na mahalaga. d. Hindi nga bat sinasabing ang retorika ay isang sining na nagsusupling at nagpapasa ng mga kalaman? Bunga nito, nagiging kapaki-pakinabang ang retorika sa isang tao dahil sa pamamagitan nito, lumalawak ang pananaw niya sa buhay. e. Nagbibigay-ngalan. Ang mga bagay-bagay sa ating paligid ay dumating o ipinanganak nang walang label. Dahil sa retorika, halimbawa, ang isang kamera ay naging Kodak, ang isang toothpaste ay naging Colgate, ang isang gasolinahan ay naging Caltex, ang isang kotse ay naging Toyota at ang isang kalye ay naging E.D.S.A. f. Nagbibigay-kapangyarihan. Dahil sa retorika, napakaraming tao ang naging prominente at makapangyarihan. Ang mga politiko, halimbawa, ay nahahalal dahil sa kanilang husay sa pananalumpati. Si Ninoy Aquino ay unang napatanyag dahil sa husay niya sa pagsusulat bilang isang peryodista noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang mga matatalinong ideya, malalalim na paniniwala at idyolohiya na naipahayag sa pamamagitan ng retorika ay pinagmumulan din ng mga kapangvanihan at kalakasan. Kabilang na rito ang mga paniniwala, konsepto at teorya ng mga sinaunang pilosopo at paham.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser