Document Details

ViewableAstrophysics

Uploaded by ViewableAstrophysics

NU Clark Senior High School

null

Tags

Tagalog language Filipino language Language functions Communication

Summary

This presentation details the various functions of language, focusing on how Filipino language is used in different contexts. The presenter explores different aspects of language use, examining how it's used for personal expression, social interaction, and information sharing.

Full Transcript

GAMIT NG WIKA Ano ang gamit ng wika sa lipunan? Dr. Ponciano B.P. Pineda (KWF 1971-1999) Tinaguriang “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” dahil sa pagsulong niya na maitatag ang komisyon batay sa Seksyon 9 ng ating Saligang Batas. 1. Pagkakakilanlan ng bansa...

GAMIT NG WIKA Ano ang gamit ng wika sa lipunan? Dr. Ponciano B.P. Pineda (KWF 1971-1999) Tinaguriang “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” dahil sa pagsulong niya na maitatag ang komisyon batay sa Seksyon 9 ng ating Saligang Batas. 1. Pagkakakilanlan ng bansa 2. Pagbubuklod ng bayan GAMIT NG WIKA Pare-pareho ang ating kaanyuang panlabas ngunit mamumukod-tangi ang wikang sinasalita bilang ating pagkakakilanlan. Ang pambansang wika ang tagapagbuklod ng kanyang mamamayan, kahit anong dami pa ng wikang sinasalita sa loob ng kanyang bansa. Wika ang matibay na pundasyon para magkaisa ang mamamayan. Tungkulin ng Wika ayon kay Michael A.K. Halliday Michael A.K. Halliday Michael Alexander Kirkwood Halliday (1925-2018) ⮚ Leeds, Yorkshire England ⮚ British Linguist ⮚ Binago ang pamamaraan ng pagtuturo ng wika. ⮚ Explorations in the Functions of Language (Explorations in Language Study,1973) Tungkulin ng Wika ayon kay Michael A.K. Halliday Tunay na bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao ang wika. Sa pamamagitan ng wika, naipahahayag ng isang tao ang mensaheng nais nitong iparating sa ibang tao. Bagamat ang pangunahing layunin sa paggamit ng wika ay ang maghatid ng mensahe; sinasabing ang mga mensaheng ipinahahatid ng bawat tao sa isang lipunan gamit ang wika ay may tiyak na tungkulin o gamit sa pagpapahayag. Tungkulin ng Wika ayon kay Michael A.K. Halliday Naglahad si Michael A. K. Halliday (1975) na nabanggit kay (Ampil et al., 2010), ng pitong (7) gamit ng wika kung saan ipinakikita kung paano napakikilos at napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo. Tungkulin ng Wika ayon kay Michael A.K. Halliday Para sa kapakinabangang pansarili: ⮚Instrumental, Interaksyonal, Personal, Imahinatibo ⮚Ang wika ay tumutulong sa tao upang matugunan ang kanyang pisikal, emosyonal at pangangailangang sosyal. Tungkulin ng Wika ayon kay Michael A.K. Halliday Para sa kapakinabangang panlipunan: ⮚Regulatori, Heuristiko, Impormatibo ⮚Nilagyan naman ito nina Badayos et al. (2007) ng mga kowd o susing salita tungo sa malalim na pag-unawa ng mga konsepto. Instrumental Nagagawa ng wika na magsilbing instrumento sa mga tao upang maisagawa o maisakatuparan ang anomang naisin o pangangailangan. Kabilang dito ang pagbibigay mungkahi, panghihikayat, pagbibigay-utos at pagpapangalan. ⮚“Nais o Gusto ko” ⮚Halimbawa: “Gusto ko ng makakain.” Instrumental Gamit ng wika upang mayroong mangyari o mayroong maganap na bagay-bagay dahil sa pangangailangan. ⮚Liham pangangalakal, pag-uutos, pakiusap, patalastas ⮚“Paki-like naman ang post na ito.” ⮚“Burahin ang nakasulat sa pisara.” Regulatori Nangyayari naman ito kapag nagagawa ng wika na kontrolin ang mga pangyayari sa kanyang paligid. Ginagamit ang wika upang sabihin sa iba kung ano ang dapat gawin. ⮚Tungkulin ng wika na pumipigil o kumokontrol sa mga pangyayari kaugnay ng dapat asalin o ikilos. ⮚“Gawin mo kung ano ang sinasabi ko” ⮚Pagbibigay ng panuto, direksyon, paalala, recipe, mga batas Regulatori ⮚Pag-ayon o pagtututol, pagtatakda ng mga tuntunin o panuto, pagpapalaganap ng kagandahang asal ⮚“Magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay.” ⮚“Bawal tumawid dito. Gamitin ang pedestrian overpass.” ⮚“Hindi maaaring kumain sa silid-aklatan.” ⮚“Isulat ang letra ng wastong sagot sa patlang bago ang bilang.” Interaksyonal Ipinaliliwanag dito na nagagawa ng wika na mapanatili at mapatatag ang relasyon ng tao sa kanyang kapwa. ⮚Ginagamit ang wika sa pakikisalamuha sa kapwa upang mabuo ang panlipunang ugnayan sa pagitan ng bawat tao. ⮚“Ikaw at Ako” ⮚Magagalang na salita, pangungumusta, pagbati, telepono, liham, atbp Interaksyonal Pagbati, pagpapaalam, pag-anyaya, pagtanggap, pagkukwento, pakikipagbiruan, pagpuri ⮚“Magandang buhay!”; “Maligayang pagbati!” ; “Maligayang kaarawan!” ⮚“Kumusta ka na?” ⮚“Expect kita sa birthday ko ah. Punta ka no.” ⮚“Sobrang ganda mo!” Personal Nagagamit ang wika upang maipahayag ang personalidad ng indibidwal ayon sa sarili niyang kaparaanan. Kadalasan itong ginagawa tuwing natutuwa, nagagalit, gayundin sa paghingi ng paumanhin. Dagdag pa rito, ginagamit ito upang ipahayag ang nararamdaman, opinyon at ang indibidwal na pagkakakilanlan. “Ito ako eh.” Personal Gamit ng wika sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. ⮚Pagtatapat ng damdamin, paghingi ng tawad, editorial, pagmumungkahi, pagkainis, paghanga, preferences ⮚“Crush kita. No need to reciprocate the feelings pero kilalanin mo binabangga mo.” ⮚“Kung mahilig ka sa alternative rock, pakinggan mo ‘yung One Ok Rock.” Heuristik Ang wika ay tumutulong din upang makapagtamo ang tao ng iba’t ibang kaalaman. Ginagamit ang wika upang makapagtamo ng karunungan sa kapaligiran. Ilan sa mga ito ay ang pagsagot sa mga tanong, pagtanaw sa mga argumentasyon at konklusyon bilang kongkretong kaalaman at pagtuklas sa mga bagay- bagay sa paligid. Heuristik Pagtatanong, paggawa ng haypotesis, pag- eeksperimento, pagtuklas, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, pagbabasa ng aklat o pahayagan, pakikipanayam, sarbey (talatanungan) ⮚“Sabihin mo sa akin kung bakit.” ⮚“Bakit nagkakaroon ng bagong variant ang virus?” ⮚“Paano kinukuha ang langis sa ilalim ng lupa?” Heuristik Karaniwang ginagamit sa pagtatanong upang makahikayat na matuto ayon sa kanyang karanasan o karanasan ng iba at matuklasan ang kasagutan sa tanong. ⮚“Bukod sa mukha mo, ano pa ang problema mo?” ⮚“Ano ang susundin mo, sigaw ng puso mo o sigaw ng nanay mo?” Imahinatibo Isa sa mga kagandahang dulot ng wika ay nagagawa nitong hayaan ang isang tao na mapalawak ang kanyang imahinasyon na tumutulong sa kanya upang siya ay maging artistic o malikhain. Ginagamit ang wika upang magkwento at bumuo ng haraya. “Sige, kunwari ganito…” Imahinatibo Ginagamit ang wika sa pagpapalawak at pagpapahayag ng kanyang imahinasyon. Malikhaing guni-guni ng isang tao sa paraang pasulat man o pasalita. ⮚Tayutay at simbolismo, akdang pampanitikan, obra maestra, spoken poetry, paglalagay sa sarili sa hindi totoong sitwasyon https://www.azlyrics.com/lyrics/juancaoile/ marikit.html Imahinatibo “Ikaw ang binibini na ninanais ko Binibining marikit na dalangin ko Ikaw ang nagbigay ng kulay sa ‘king mundo Sana ay panghabang buhay na ito.” - “Marikit” (Juan Caoile, Kyleswish) https:// lyrics.lyricfind.com/ Imahinatibo “Oh diwatang kay ganda, mahiwagang mahika, sa 'kin hulog ng langit Oh diwatang kay ganda, mahiwagang mahika, sa 'kin nagpapaibig Kahit sa’n pa dalhin araw man o gabi, diwata oh, kay gandang diwata oh.” - “Diwata” (Sam Concepcion) https:// lyrics.lyricfind.com/ Imahinatibo Puno ang langit ng bituin At kay lamig pa ng hangin Sa 'yong tingin ako'y nababaliw, giliw At sa awitin kong ito Sana'y maibigan mo Ibubuhos ko ang buong puso ko Sa isang munting harana Para sa’yo - “Harana” (Parokya ni Edgar) Impormatibo Representasyonal Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari, at paglalahad. Ang wika ay ginagamit upang makapagbahagi ng mga pangyayari, makapagpahayag ng detalye at makapagpadala ng mensahe sa iba. https://www.rd.com/list/mind- blowing-facts/ Impormatibo Pagbabalita, pagpapaliwanag, pagbibigay impormasyon, paglalahad ng kongklusyon, pag- aanalisa, pagbbibigay-kahulugan, interpretasyon ng datos, trivia “May sasabihin ako sa iyo.” “Ang pinakamahabang payak na salitang Filipino ay kapangyarihan, wala itong anomang panlapi at binubuo ng labintatlong (13) titik.”

Use Quizgecko on...
Browser
Browser