G11 1st Periodical Exam Reviewer PDF
Document Details
Tags
Summary
This document appears to be a reviewer for a Filipino language exam. It covers concepts related to language, including its characteristics, functions, and theories of origin. The reviewer outlines different aspects of Filipino language and its development.
Full Transcript
1ST PERIODICAL EXAM KPWKP REVIEWER KONSEPTONG PANGWIKA - Tumutukoy sa kakayahan ng taong mag-angkin at gumamit ng mga komplikadong sistemang pangkomunikasyon. WIKA - Ang sandatang tangan-tangan ng tao sa bawat minutong siya ay nabubuhay sa mundo. HENRY GLEASON - ang wika ay masis...
1ST PERIODICAL EXAM KPWKP REVIEWER KONSEPTONG PANGWIKA - Tumutukoy sa kakayahan ng taong mag-angkin at gumamit ng mga komplikadong sistemang pangkomunikasyon. WIKA - Ang sandatang tangan-tangan ng tao sa bawat minutong siya ay nabubuhay sa mundo. HENRY GLEASON - ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. 3 KATANGIAN NG WIKA 1. ARBITRARYO - Nangangahulugan na ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin ng mga gumagamit. 2. DINAMIKO - Dahil sa iba’t ibang impluwensya sa wika, nagkaroon na ng napakaraming baryasyon ang wika. 3. KULTURA - koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. WIKANG PAMBANSA - Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. WIKANG PANTURO - ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. WIKANG OPISYAL - ang itinadhana ng batas upang maging wikang opisyal sa talastasan ng pamahalaan. MONOlingguwalismo - ang konseptong unang ipinasok sa ating isipan, ito ay ang kaalaman at paggamit ng iisang wika BIlingguwalismo - kapag natutuhan ng tao at lipunan ang paggamit at pag-unawa ng dalawang wika MULTIlingguwalismo - Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng tatlo at higit pang wika. Leonard Bloomfield - ang bilingguwalismo ay pagkakaroon ng magkasintulad na gamit at kontrol sa dalawang magkaibang wika na ginagamit ng isang indibidwal. REGISTER NG WIKA - ang pag- angkop ng tao sa uri ng wikang gagamitin batay sa sitwasyon at kung sino ang kanyang kausap. Pormal na Wika - kapag ang kausap ay nakatatanda, may katungkulan, sangay ng pamahalaan, paaralan at iba pa. Di-pormal na Wika - kapag ang kausap ay kabarkada/kaibigan, kaklase, malapit na pamilya, kaklase o kaedad. Pidgin - kapag ang dalawang taong nag-uusap ay hindi nagbabahagi ng parehong wika, gumagawa ng paraan upang magka-unawaan. Tinatawag din itong “no one’s native language” Creole - produkto ng wikang pidgin na nabuo na ang pormal na estruktura ng sa wika sa punto na ito. TEORYA NG WIKA TEORYANG BOW-WOW - Isang teoryang ginagaya ang mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok, atbp. TEORYANG DINGDONG - Tinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran tulad ng tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan. TEORYANG POOH-POOH - Tinutukoy nito ang mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na galing sa dala ng emosyon tulad ng saya, lungkot, galit, atbp. TEORYANG TA-RA-RA- BOOM DE AY - Ang wika ng tao ay nag –ugat sa mga tunog na kanilang nilikha sa mga ritwal na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. TEORYANG SING-SONG - minungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas- emosyunal. TORE NG BABEL - Teoryang nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. TEORYANG YOO HE YO - Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nabuo mula sa mga tunog na nalilikha ng tao habang nagkakaisa sa paggawa ng mga pisikal na gawain.