G10 1st Quarter Handouts PDF
Document Details
Uploaded by IdolizedChrysoprase1478
Tags
Summary
This handout covers contemporary issues, categorizing them into social, health, environmental, and economic categories. It also includes sections on disaster preparedness, critical thinking, and secondary source analysis skills. The information presented in the handout is geared towards a 10th-grade Filipino educational curriculum.
Full Transcript
Kontemporaryong Isyu - ay naglalarawan sa mga pangyayari, ganap opinyon, ediya, o paksa tungkol sa kasalukuyang panahon. Masasabing ito a Kontemporaryong isyu kung ang mga pangyayari ay naapektuhan ang mga tao. *Kontemporaryong Daigdig- naglalarawan sa panahon mula ika 20-daantaon hanggang sa kasal...
Kontemporaryong Isyu - ay naglalarawan sa mga pangyayari, ganap opinyon, ediya, o paksa tungkol sa kasalukuyang panahon. Masasabing ito a Kontemporaryong isyu kung ang mga pangyayari ay naapektuhan ang mga tao. *Kontemporaryong Daigdig- naglalarawan sa panahon mula ika 20-daantaon hanggang sa kasalukuyan. *Konteporaryung Kasaysayan- tumutukuy sa panahon sa pagitan ng ika 20 daantaon hanggang sa kasalukuyan. *Kontemporaryung panahaon ay ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas na dekada nakakaapikto sa kasalukuyang henerasyon. Isyu ay nangagahulugan ng mga paksa, tema, o suliraning nakakaapekto sa lipunan dahil ito ay napag-uusapan, nagiging batayan ng debate ng mga tao sa lipunan, at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. Hindi lahat ng mga isyu ay negatibo at nagiging suliranin, may mga isyu rin na may positibong epekto at nagkakaroon ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao. Nauuri sa apat na usapin ang kontemporaryong isyu: 1. Panlipunan 3. Pangkapaligiran Polusyon Halalan Lindol Terorismo Bagyo Rasismo Global Warming 2. Pangkalusugan 4. Pangkalakalan HIV Stock Market COVID19 Online Shopping Drugs Import/export of Goods Teenage Pregnancy Business news Pagsusuri sa Kontemporaryong Isyu Kahalagahan Pagkakaugnay Epekto Iba’t ibang pananaw Personal na damdamin Pinagmulan Maaring gawin Kontemporaryong isyu Mga Kasanayang Kailangan sa Pag-aaral ng Kontemporaryung Isyu 1. Pagkilala sa Primarya at Sekondaryang Sanggunian Ang Primaryang sanggunian o pinagkukunan ng imporamasyon ay mga orihinal na tala ng mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas sa mg ito. Halimbawa ay journal, legal na dokumento, guhit, at larawan. Ang mga Sekondaryang sanggunian ay mga impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang pinagkunan o ibang sekondaryang sanggunian at inihanda o isinulat ng mga taong walang kinalaman sa mga pangyayaring itinala. 2. Pagtukuy sa Katotohanan o Opinyon Ang Katotohanan ay mga totoong pahayag o kaganapan na pinatutunayan sa tulong ng mga aktuwal na datos. Ang opinyon (kuro-kuro, palagay, impresyon, o haka-haka ) ay nagpapahiwatig ng saloobin ng tao tungkul sa inilahad na katotohanan. 3. Pagtukoy sa Pagkiling (Bias) Sa pagsusuri ng mga impormasyon na may kaugnayan sa agham panlipunan, kailangang malaman kung ito ay walang kinikilingan. Ang paglalahad ay dapat balanse. Kailangang ilahad ang kabutihan at hindi kabutihan ng isanng bagay. 5. Pagbuo ng Paghihinuha (Infrences), Paglalahat (Generalization), at Kongklusyon Ang Hinuha ay isang pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay. Ang pagbuo ng hinuha ay kahalintulad ng pagbuo ng hypothesis. Ang Paglalahat (generalization) ay hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga magkakaugnay na impormasyon bago makagawa ng kongklusyon. Ang Kongklusyon ay ang desisyon o opinyong nabuo pagkatapus ng pag-aaral, obserbasyon, at pagsusuri ng mga mahahalagang ebidenssiya o kaalaman. Kalamidad- ay tinuturing na mga pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala sa kapaligiran, ari-arian, kalusugan, at buhay ng mga tao sa lipunan. El Nino-kakaibang panahon bunga ng pag-init ng katubigan ng karagatang Pasispiko. La Nina- ito ay matinding pag-ulan na nagiging sanhi ng baha. 19-30 bagyong dumaranas sa ating bansa taon-taon. Mga Uri ng kalamidad na nararanasan sa ating bansa 1. ) LINDOL/ EARTHQUAKE - Ang pagayanig ng lupa sanhi ng paglilipat ng bato sa ilalim ng lupa. Plate tectonic - Tawag sa paggalaw ng mga bato sa ilalim ng lupa. PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology.) - Nagbababala at nagtatala sa lagay sa paggalaw at pagputok ng bulkan. 2. BAHA/ FLOOD - Labis na pag-apaw ng tubig o isang paglawak ng tubig na natatakpan ang lupa *Lokasyon: Baha sa ilog, sa dalampasigan, at sa mataong lugar. *Tagal: Flash flood at Sheet Flood. PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) - Nagbabantay at nag-uulat sa lagay ng panahon Standard Flood Warning ng PAG ASA Code Duration Description Response YELLOW Malakas na pag-ulan sa loob ng 1 Caution: Monitor the weather WARNING oras at sa susunod pang 2 oras Flooding is possible. condition through the news and radio. ORANGE Matinding pag-ulan sa loob 1 Flood is threathening and low Be alert and get ready WARNING oras at sa susunod pang dalawang lying areas are expected to for possible evacuation oras. suffer flooding. RED Walang humpay ang pag-ulan sa Serious Flooding expected in WARNING loob ng 1 oras at sa susunod pang low-lying areas. EVACUATE dalawang oras. 3. TSUNAMI - Isang mataas na daluyong na karaniwang epekto ng paggalawa ng lupa sa ialalim ng dagat Agosto 17, 1976 - Nangyari ang Moro Gulf Tsunami NDCC (National Disaster Coordinating Council) - Binuo ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. NDCC (National Disaster Risk Reduction Management Council) 4. BAGYONG TROPICAL - Isang kondisyon kung saan sobrang mababa ang pressure at may hanging umaabot sa 35 kilo metro bawat oras Klasipikasyon ng mga bagyong Tropikal: A. ) Tropikal Depression - Umaabot s 61Kph ang bilis ng hangin. B. ) Tropikal Storm - Umaabot sa 61-88 Kph ang bilis ng hangin C. ) Severe Tropical Storm - Umaabot sa 89-117 Kph ang bilis ng hangin. D. ) Typhoon - Umaabot sa 118-220 kph ang bilis ng hangin E..) Super Typhoon - Lagpas sa 220 Kph ang bilis ng hangin 5. PAGSABOG NG BULKAN - Dahil sa lokasyon ng Pilipinas na may mga tectonic plate at trench, madalas ang pag sabog dito ng mga bulkan Klasipikasyon ng Bulkan: A. ) Aktibong Bulkan - Ang isang bulkan ay sumabog na sa huling 600 taon batay sa mga tala ng kasaysayan. Itinuturing ding aktibo ang bulkan kung sumabog ito sa huling 10,000 taon batay sa pagsusuri ng mga datos B. ) MAARING MAGING AKTIBONG BULKAN - Wala pang tala ng pagsabog ngunit itinuturing na maaring sumabog. Hindi pa gaanong matagal ang bulkang ito. C. HINDI AKTIBONG BULKAN -Ang mga ito ay hindi kailanman sumabog at anf anyo nito ay nabago na ng hangin at ulan. Ahensiya ng Pamahalaan NDRRMC (National Disaster and Risk Reduction and Management Council) Namumuno sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad DSWD (Department of Social Welfare and Development) Namamahala sa mga programa para sa paglilingkod sa lipunan lalo nasa mahihirap. DILG (Department of Interior and Local Government). Namamahala sa mga yunit na lokal na pamahalaan. MMDA ( Metropolitan Manila Development Authority) Mabigyan ng tuwirang serbisyo ang mga mamamayanan sa NCR. DepEd (Department of Education) Pinamamahalaan ang edukasyon ng ating bansa, Pampubliko at pribado sa Elementarya at Highschool. DOH (Department of Health) Nangangalaga sa kalusugan DPWH ( Department of Public Works and Highways) Nagsasaayus ng mga lansanagan, tulay, daan, dike , at iba pang estruktura na nasira kapag maybaha o lindol. DND (Department of National Defense) Pinangangalgaan nito ang kapayapaan at kaligtasan ng ating bansa. DENR (Department of Environment and Natural Resources) Pinangangalagaan ang kapaligiran at likas na yaman ng ating bansa. PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) Pinararating ang lagay ng panahon at nagbibigay ng babala sa paparating na bagyo. Pamamahala sa kalamidad *Carter 1992 - Ayon sa kanya, ang pamamahala sa Kalamidad ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpapaplano, pag-oorganisa, patukoy ng mga kasapi, pamumuno at pag kontrol. *Ondiz at Rodito - Ang disaster management ay tumutukoy sa sa iba’t ibang gawain na binuo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard. *Redcross Disaster Management Manual Isang administratibong desisyon at gawain tungkol sa bawat yugto ng isang sakuna Top down approach - Ang pag responde sa sakuna ay nagmumula sa Pamahalaan pababa sa lokal na pamahalaan Bottom up approach - Ang pag responde sa sakuna ay nagmumula sa mababang lebel tulad ng kuminidad pataas sa pamahalaang national TERMINO KAHULUGAN HAZARD Panganib dulot ng kalikasan o tao. *Anthropogenic Hazard/ Human Induced Hazard - Mga hazard bunga ng gawaing tao. Ex. Pagtapon ng Basura, Pabrika *Natural Hazard - Hazard dulot ng ng kalikasan Ex. Lindol, Tsunami, Landslide, storm surge. DISASTER Mga sakuna na nagdudulot ng pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. *Ito ay maaring resulta ng Hazard, Vulnerability o kahinaan, at kawalan ng kakayahan ng isang pamayanan na harapin ang mga hazard. VULNERABILITY Tumutukoy sa kahinaan ng tao, Lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ex. Naninirahan sa paanan ng bundok. RISK Mga pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng isang kalamidad. -Human Risk -Structural Risk RESILIENCE Kakayahan ng pamayanan ng harapin ang mga epekto ng kalamidad -Pagbangon Mga babala sa bagyo o Public Storm Warning Signal (PSWS) BABALA DURATION DESCRITION RESPONSE PSWS # 1 Sa loob g 36 na oras, Malakas na ulan at hangin Kailangang maging handa sa Inaasahan ang pagdating ng mga pangyayari. hanging may lakas na 30-60 Km PSWS #2 Sa loob 24 oras, inaasahang Maaring mabali ang mgaAng mga klase sa mga mababa darating ang hanging may sanga ng mga puno at at mataas na paaralan ay lakas na 100 kph masira ang mahihinang suspendido. Kailangang estrukturang nakatayo sigurihing matibay ang bahay na tinitirhan. PSWS #3 Sa loob ng 12-18 oras, Kailangang manatili ng mga Ang mga klase sa lahat ng antas inaasahang darating ang tao sa loob ng kanilang mga ng pamahalaan ay suspendido hanging may lakas na 121- bahay o lumikas sa mas 170 Kph matibay na gusali. PSWS # 4 Sa loob mg 12 oras o di Ang bagyo ay lubhang Kailangang lumikas sa mas kaya’y mas maaga pa, mapanganib ligtas na lugar kung may darating ang bagyung may nakaambang panganib tulas ng lakas 171-220 Kph landslide, pag-apawa ng tubig sa ilog o stormsurge sa lugar. PSWS #5 Sa loob ng 12 oras o di kaya Ang bagyo ay lubhang Maaring umabot sa mahigit 3 ay mas maaga pa, darating mapanganib metro ang taas ng daluyong na ang bagyung may lakas na magdadala ng maraming tubig 220 kPH O hIGIT PA at malawakang sisira ng mga ari-arian at kapaligiran at sa mga baybaying dagat. Mga gawain na nagdudulot o Nagpapalala sa Kalamidad 1. Pagtapon ng Basura 5. Pagkasira ng Ozone Layer 2. Pagkalbo ng Kagubatan 6. Pagmimina o Quarrying 3. Paninirahan sa paanan ng bulkan 7. Pagtangging lumikas ng mga tao 4. Paninirahan sa Estero, Baybay ng ilog o dagat Pagbabago ng Klima Ang pagbabago ng klima o climate change kung tawagin ay tumutukoy sa biglaang pagbabago ng kondisyon ng hangin o atmospera sa isang lugar o rehiyon. Ibig sabihin, ang pabago-bagong kalagayan ng ating kapaligiran ay dulot o bunga ng pagbabago ng klima. Mahalagang pag-aralan natin ang isyu na napapaloob sa pagbabago ng klima sapagkat kabilang tayo sa labis na naapektuhan sa pangyayaring ito, partikular na sa ating kalusugan, sa ating kapaligiran, at sa ating ekonomiya. Weather - Kondisyon ng atmospera sa isang natatanging pook sa loob ng isang araw. Climate Kalagayan ng atmospera sa isang lupain sa loob ng mahabang panahon Ayon sa pag-aaral ng Climatologists, o mga taong dedikado sa pag-aaral ng klima, dalawa ang sanhi ng climate change. *Natural na pagbabago ng klima dala ng epekto ng init ng araw *Init mula sa ilalim ng lupa o epekto ng mga gawain ng mga tao. Tinataya ng mga climatologist na nakadaragdag ang mga gawain ng mga tao sa pag-init ng daigdig na nagiging sanhi ng climate change. Ito ay dahil sa maraming gawain ng mga tao na nakapagpapataas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases. Greenhouse gases ang tawag sa mga gas na nakapagpapainit sa daigdig tulad ng carbon dioxide, methane, nitrous oxide, hydrofluorocarbons, at iba pa. Ang greenhouse gases ay mga hanging-singaw na ibinubuga ng mga makinarya at mga pagawaan na napupunta sa ating kapaligiran at atmospera. Nagkakaroon ang mga ito ng greenhouse effect sa daigdig. Tinatayang nagsimula ang pagtindi ng global warming noong pagtatapos ng ika-18 na siglo. Dahilan ng pagkakaroon ng Global Warming: 1.) Industrial Revolution 1712 nag-umpisa ang paggamit ng coal at steam engine. Ang mga ito ay gumagamit ng marami at iba’t ibang greenhouse gases. 2.) Over Population paglaki ng populasyon ng tao sa buong mundo at ang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Dahil dito, lumalala ang polusyon at patuloy na tumataas ang konsentrasyon ng mga natural at sintetikong gas sa ating atmospera. Sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao at pag-unlad ng agham at teknolohiya, nagiging matindi ang pagsunog nga mga fossil fuel tulad ng coal, langis, at natural gas. Ito ang mga dahilan ng pagtaas ng konsentrasyon ng greenhouse gases sa ating kapaligiran at atmospera. Ang Mga Greenhouse Gasses Greenhouse Gasses ay ang mga gas na naiipon sa atmospera na siyang pumipigil sa paglabas pabalik ng init sa kalawakan at nagsisilbing makapal na balot na nagpapainit sa daigdig na sanhi ng climate change. 1. WATER VAPOR - Ito ang may pinakamarami sa atmospera dahilan ng pagkakaroon ng ulap, presipitasyon na nagdadala ng ulan, at nagkokontrol sa lubhang pag-init ng atmospera. Sa pagtaas ng init sa atmospera mas maraming tubig ang mageevaporate at dahil mainit ang hangin mas malaking tubig ang kaya nitong hawakan. 2. CARBON MONOXIDE OR CARBON DIOXIDE Ikalawa, Carbon Monoxide or Carbon oxide. Isa rin ito sa natural na proseso tulad ng paghinga ng tao, hayop at pagsabog ng bulkan. Nabubuo rin ito sa pag sunog ng mga fossil fuel, caol at natural gas para umandar ang sasakyan, at mga planta ng kuryente. 3. Chloroflurocarbon. Ito ay isang gas at kemikal na may chlorine, floutine at carbon na ginagamit palagi sa mga industriya dahil hindi nakakalason, hindi nakakasunog at madaling magevaporate. Ginagamit ang chlorofluorocarbon bilang isang refrigerants o pampalamig at aerosol propellants at paggawa rin ng mga plastic foams. 4. Methane. Ito ay mula sa natural na proseso sa kapaligiran tulad nalang ng pagkabulok ng mga bagay gaya ng basura, dumi ng hayop at dayami ng palay. Ex. Kaingin Sytem 5. Nitrous Oxide. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng komersyal at organikong pampataba, pagsunog ng biomass at fossil fuel at paggawa ng nitric acid. Epekto Ng Climate Change Sa Tao A. Pagkakasakit ng mga tao - Masama ang epekto ng pagbabago ng klima sa mga tao. Ang epkto ng climate change ay nagdudulot ng matinding init, tagtuyot at bagyo, nagdudulot ito ng pagkakasakit ng mga tao. Mga epekto sa Agrikultura at kapaligiran Alam nating nakaapekto ang pagbabago ng panahon sa Agrikultura at kapaligiran. Ang agrikultura ay ito ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman at halamang-singaw para gawing pagkain, hibla, gamot, at iba pang produkto para sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao. Ang pagkatuyo, pagbabaha, at pagkakasira ng mga coral reef, pagkakasakit, at kamatayan ng mga hayop at halaman ay sanhi ng climate change. Mga epekto sa Ekonomiya May epekto rin ang pagbabago ng klima sa ating hanapbuhay pang-araw-araw na gawain ng mga tao at sa ekonomiya ng ating mundo. Dahil sa pagbabago ng panahon, dumadalas ang pagtuyot kaya ang ekonomiya ng mundo ay nakakaranas ng paghina ng produkto dahil sa kawalan ng tubig. Programa, Polisya, At Patakaran Ng Ating Pamahalaan Hinggil Sa Pagbabago Ng Klima Malawakan na ang kampanya sa buong mundo-tungkol sa climate change at mga masamang epikto nito. May mga datos na nagpapakita ng mga epekto ng pagbabago ng klima sa ating kalusugan, pagkain, at hanapbuhay. Halimbawa, ayon sa bagong tala ng National Statistics Coordination Board, maraming mahihirap na Pilipino at lalo pang tumataas ang bilang nito dahil sa mga kalamidad na sumantala sa kanilang mga kabuhayan at kabuhayan. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maraming tao ang nawalan ng tirahan at umabot sa halos na 90 bilyong piso ang halaga ng mga ari-arian, produkto, at impraestruktura ang nasira ng Bagyong Yolanda.. Legal na Mandato ng Climate Change Commission (CCC) Bilang tugon sa nahaharap na isyu sa pagbabago ng klima, Ipinasa ng Kongreso ng pilipinas ang Republic Act 9729 na kilala rin bilang Climate Change Act of 2009. Mga Pandaigdigang Polisiya Hinggil sa Climate Change UN - (United Nations) Ang United Nations ay kakaibang organisasyon ng mga malayang bansa na nagsanib upang makamtan ang kapayapaang pandaigdig at kaunlarang panlipunan. 193 countries. World Meteorological Organization (WMO) 1988 at United Nations Environment Programme (UNEP) dalawang organisasyong gumawa ng grupong IPCC Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC). Ito ay isang ekspertong grupo ng mga tao na magtatasa ng mga pag-aaral tungkol sa climate change. UNFCC (United Nations Framework Conventions of Climate Change) 1992 ay isang intergovernmental na kasunduan na nabuo upang ipahayag ang mga problema ukol sa climate change. Kyoto Protocol, Ang layunin ng Kyoto Protocol ay bumaba ang greenhouse gas emission sa 5% sa taong 2008 -2012. Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Sariling Pamayanan Polusyon sa Hangin Polusyon sa Tubig Polusyon sa Lupa Pagkalbo ng Kagubatan Paglaki ng Populasyon Mga Hakbang Na Makatutulong Sa Paglutas Sa Suliranin Ng Climate Change May pitong hakbang na makatutulong sa paglutas sa suliranin ng climate change 1. Pagtatanim ng mga Puno at Halaman a. Ang mga puno ay nakababawas ng carbon dioxide sa ating kapaligiran. b. Magtanim ng mga puno at halaman upang magkaroon ng natural na lilim na nakapagpapalamig sa lugar. 2. Pagbawas ng Paggamit ng Enerhiya a. Patayin ang anumang kasangkapan at electronic gadgets kung hindi kailangan. b. Gumamit ng energy-efficient na ilawan tulad ng compact fluorescent light (CFL) dahil mas kaunti ang enerhiyang kailangan ng mga ito kaysa sa ilaw na incandescent. c. Magtipid ng tubig. d. Gumamit ng Insulation. e. Maglakad o magbisikleta kung malapit lamang ang pupuntahan. 3. Paggamit ng Alternatibong Enerhiya a. Ito ay enerhiya mula sa init ng araw. Photovoltaic cells- ang sinag ng araw ang ginagawang kuryente tulad ng solar calculator o solar na relo. Solar thermal power- Pagkolekta ng init ng araw sa mga solar panel o solar thermal power plant; Ang init mula sa araw ay nagiging steam na ginagamit naman para magkaroon ng koryente. Solar Heating- ginagamit ang init ng araw sa pagtuyo ng damit, paggawa ng asin, pagdadaing at iba pa. b. Enerhiya mula sa lupa o Geothermal- mula ito sa init ng mga bukal o ilalim ng mundo at ginagawa itong kuryente ng geothermal power plant. c. Enerhiya mula sa tubig- ito naman ay galing sa tubig dahil ang tubig ay hindi nauubos o renewable. Hydroelectric dam- mula sa ilog Wave power- mula sa mga alon Tidal power- mula sa mga alon sa pamamagitan ng turbina habang lumalapit at lumalayo ang mga alon sa mga baybay-dagat. d. Enerhiya mula sa hangin - ang mga enerhiya namang nagmumula sa hangin ay ang malalaking turbino na itinatayo upang makapagbigay ng kuryente sa mga tao at telecommunication dish 4. Ang pag-iwas o pagbawas ng pagsusunog ng basura, lalo na ng mga plastik at polyesterpolystyrene. 5. Ang pagpapanatiling malinis ng kapaligiran upang mabawasan ang polusyon upang makabawas sa green house gas effect. 6. Ang pagresiklo ng mga patapon na bagay. 7. Pagiwas sa paggamit ng plastik at nakalalasong kemikal, sapagkat ito ay hindi madaling natutunaw at nakababara ito ng mga daluyan ng tubig. Maaari din itong makain ng mga hayop na nagiging sanhi ng kanilang pagkamatay. Unemployment - Mga taong nasa wastong gulang at may mabuting pangangatawan ngunit walang oportunidad o pagkakataong makahanap ng trabaho. TERMINO KAHULUGAN EMPLOYED Mga taong may trabaho, nagtatrabaho o kaya ay may negosyo INSDUSTRIYA Uri ng negosyo o trabaho, o ang lugar kung saan nagtatrabaho ang isang tao. LABOR FORCE Nasa 15 taong gulang o higit pa na kasama sa produksyon ng mga bagay o serbisyo sa bansa UNDEREMPLOYED Mga taong nagtatrabaho na nais magkaroon ng karagdagang oras nf trabaho, maliban sa kasalukuyang gawain o karagdagang gawain o di kaya ay magkaroon ng trabahong may mas mahabang oras. UNEMPLOYED a. Walang trabaho b. Naghihintay ng aplikasyon c. May sakit o kapansanan d. Naghihintay ng tawag sa dating pinagtatrabahuan Kategorya ng unemployment: FRICTIONAL Produkto ng maigsiang paggalaw sa pagitan ng isang trabaho patungo UNEMPLOYMENT sa bagong trabaho dahil sa paglipat ng manggagawa o dahil sa pagkatanggal sa trabaho SEASONAL Prudukto ng regular, o paulit-ulit, at predictable na pagbabago sa UNEMPLOYMENT pangangailangan ng manggagawa ng industriya kada taon. STRUCTURAL Produkto ng pagbabago ng teknolohiya at iba pang istruktura ng UNEMPLOYMENT ekonomiya. CYCLICAL Produkto ng “Business cycle Fluctuation” na mula recession o UNEMPLOYMENT economical downturns. Ang Recession ay ang pag bagsak ng GDP Poverty/ Kahirapan High Crime Rate Effect of Unemployment Weak Economy Mental health of the people gets affected Brain Drain/ Brawn drain 1. Oversupply of labor force on popular careers *there are certain years where nurse course became popular because it is in demand. And it resulted to many workers but there is no available job. * choose wisely for your chosen course. 2. Lack of quality of Graduates - * Main concerns is the education or the quality of the education in our Country. *Graduates of known universities tend to get the job that those graduated in unknown schools CAUSES OF UNEMPLOYMENT 3. Inability to take an available jobs or seize opportunities * there is a lot of available job but there is a COURSE MISMATCH. 4. Clueless Job Applicants * Applicants do not know the qualifications of the works they are applying to. (As long as it pays well) 5. Discrimination and unreasonable job requirements *Qualification in applying a job such as it should be graduate of known universities with latin honor. 6. Overpopulation *This shouldn’t be an issue as long the government can provide works SOLUTION OF UNEMPLOYMENT 1. Creating a more direct link between education and employment *Training and preparation is something tht we shoul be focusing. Dapat yung curriculum natin ay nakaallign a kung anong denidemad ng or hinahnap ng mga employers. SKILLS, PERSONALITY, ATTITUDE VALUES. 2. Modernization of agriculture *There are lot of People who didn't prioritize it. Ex. Studying bread of Kalabaw to make them more productive. 3. Full development of small- scale, labor intensive industries *This applies to those people who works at (Factories) by using their skills and helping the to enhance it through training such as TESDA. 4. Reduce Rural Migration * People in rural area tends to migrate in cities or URBAN that resulted overpopulation In that certain area. 5. Developing skills of workers and have an employment strategies package *Recruiting people and give them work, in exchange t that there are cetain Benefits the employee like health sevices! It atract people to grab the job Encourage people to put their own business. (entrepreneurship) *Encouraging people to put up their own business. / if you don’t feel to get diploma then at least start your entrepreneurship. Globalisasyon - Proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Pagkahati ng daigdig sa dalawang Ang Globalisasyon ay may anim (6) epoch: pwersang ideolohikal Last part of 18th 4 -5th Century th First part of 19th Post world war II GLOBALISASYON NG KOMUSMO AT WAR BETWEEN RELIHIYON KAPITALISMO EAUROPEAN COUNTRIES Last part of 15th Middle part of 18th Post Cold- war The spread of Century Territories Last part of 1918 PANANAIG NG Christianity and KAPITALISMO Pananakop ng Islam Cold war IMPERYALISMO NG BILANG Europa SISTEMANG PANG French Rev. KANLURANIN EKONOMIYA Mabilis na pagdaloy ng Two Iberian Super powers: Ma maraming lupain ang produkto, serbisyo, Ideya, at Spain and Portugal nasakop Teknolohiya EKONOMIKO TEKNOLOHIKAL Mabilisang paraan ng pagpapalitan ng Mabilis na paggamit ng makabagong produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa teknolohiya na nag reresulta ng sa daigdig. malaking impluwensya sa pamumuhay MULTINATIONAL COMPANIES (MNC) ng tao TRANSNATIONAL COMPANIES (TNC) Epekto ng Pagdami ng MNC AT TNC Epekto ng Teknolohiya Positibo: Pagdami ng prdukto at *Ecommerce serbisyo na mapagpipilihan ng mga *Netwroking Sites mamimili na nagiging dahilan upang APAT NA ANYO *Virus Spam bumaba ang presyo nito. NG *Inttelectual Dishonesty GLOBALISASYON Negatibo: Pagkalugi ng lokal na *Cyber Terrorism namumuhunan dahil sa hindi patas na kompetisyon SOSYO KULTURAL POLITIKAL Epekto ito ng pagkakapare-pareho ng Mabilisang uganayan sa pagitan ng mga tinatangkilik ng bawat bansa hindi lamang sa bansa, samahang rehiyonal at maging produkto at serbisyo kundi maging pelikula, pandaigdigang organisasyon na kinakatawan artista, awitin, at drama na nagreresulta ng ng kani-kanilang pamahalaan. pagtangkilik sa mga ideyang nagmula sa ibang bansa. Epekto ng paglawag ng politikal Epekto ng Sosyo Kultural Positibo: Nagkakaroon ng Positibo: Nagkakaroon ng pagkakaisa pagtutulugan ang mga bansa dahil sa ang mga bansa pagtatag ng samahan Negatibo: Unti-Unting nawawala ang Negatibo: Mas lalong napapairal ag pagkakakilanlan at Kultura ng isang kapangyarihan ng maunlad na bansa sa bansa. mahirap na bansa