Araling Panlipunan 10 Supplemental Notes (First Term 2024-2025 PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
These supplemental notes cover various topics for Araling Panlipunan 10 students, including concepts of contemporary issues, environmental issues, employment, and more. The notes introduce key concepts and ideas in a structured fashion suitable for teaching.
Full Transcript
Unang Termino Araling Panlipunan 10 Supplemental Notes Pointers to Review: 1. Konseptong sa Kontemporaryong Isyu 2. Mga Isyung Pangkapaligiran sa Konteksto ng Pilipinas 3. Ang Daigdig at ang Isyu ng Kapa...
Unang Termino Araling Panlipunan 10 Supplemental Notes Pointers to Review: 1. Konseptong sa Kontemporaryong Isyu 2. Mga Isyung Pangkapaligiran sa Konteksto ng Pilipinas 3. Ang Daigdig at ang Isyu ng Kapaligiran a. Mga karaniwang kalamidad sa Pilipinas b. Ang pagbabago ng Klima at Climate Change 3. Ang Empleo sa Pilipinas a. Mga Ahensya na nangangalaga sa mga Manggagawang Pilipino b. Kontraktwalisasyon c. Ang 21st Skills at ang Empleo (Soft Skills) I. Konsepto ng Kontemporaryong Isyu ❖ Kontemporaryong Isyu - tumutukoy ito sa kapanahon at napapanahong usaping panlipunan na kinakaharap ng mga mamamayan sa kasalukuyang panahon o henerasyon. ❖ ito ay paksang pinag-uusapan na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan ❖ Ang kontemporaryo ay nagmula sa salitang Latin na “contemporarius” na ang ibig sabihin ay “kasabay ng panahon”. ❖ Isyu - ito ay tumutukoy sa mahalagang paksa o problema na pinagtatalunan at pinagtatalakayan, pinag-uusapan at pinag-iisipan ng mga tao. ❖ Ang isang pangyayari ay isang isyu kung napag-uuspaan at dahilan ng debate (5) Limang Pag-uuring Estruktural ng Kontemporaryong Isyu 1. Isyung Panlipunan - lipunan: mamamayan, simbahan, pamahalaan at paaralan 2. Isyung Pang Kapaligiran - kapaligiran 3. Isyung Pangkabuhayan - ekonomia 4. Isyung Pangkalinangan - kultura 5. Isyung Pangkapangyarihan - pamahalaan at pulitika II. Mga Kasanayang Kailangan sa Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu 1. Pagkilala sa Primarya at Sekundaryang Sanggunian ❖ Primaryang Batis o Sanggunian - ito ay mga orihinal na tala ng mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas sa mga ito. Halimbawa: sariling talaarawan, dokumento, ulat ng saksi, larawan, accounts, titulo ng lupa, official receipt at ulat ng gobyerno o pahayagan ❖ Sekondaryang Batis o Sanggunian - Ito ay mga impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang pinagkunan o ibang sekundaryang sanggunian na inihanda o isinulat ng mga taong walang kinalaman sa mga pangyayaring itinala. Halimbawa: aklat, biography, articles, encyclopedias, political cartoons, komentaryo, mapa at kuwento ng hindi nakasaksi sa pangyayari 2. Pagtukoy sa Katotohanan at Opinyon ❖ Katotohanan - Totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos. ❖ Opinyon - Nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa inilahad na katotohanan. 3. Pagtukoy sa Pagkiling (Bias) ❖ Ang mga paglalahad ay dapat balanse. Kailangang ilahad ang kabutihan at ang hindi kabutihan ng isang bagay. 4. Pagbuo ng Paghihinuha (Inferences), Paglalahat (Generalization) at Konklusyon ❖ Hinuha -Isang pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay. ❖ Paglalahat - Isang hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi magkakaugnay na impormasyon bago makagawa ng konklusyon. ❖ Konklusyon - Ang desisyon, kaalaman, o ideyang nabuo pagkatapos ng pag-aaral, obserbasyon, at pagsusuri ng pagkakaugnay ng mahahalagang ebidensya o kaalaman. Maaari kang makabuo ng konklusyon sa pamamagitan ng pag-aaral at obserbasyon at pagsusuri. III. Ang Kapaligiran at ang Kalagayan ng mga Likas na Yaman ng Pilipinas (Problema, Epekto at Solusyon) 1. YAMANG TUBIG 2. YAMANG MINERAL 3. YAMANG GUBAT 4. YAMANG LUPA IV. Ang Daigdig at ang Isyu ng Kapaligiran ❖ Kalamidad - ito ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapan na bunga ng natural na proseso ng kalikasan, subalit may kinalaman din ang mga tao sa madalas at sa hindi maipaliwanag na pagtama nito Halimbawa: 1. Baha - ito ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng malakas at walang tigil na pag-ulan sa komunidad 2. Lindol - ang lindol ay isang biglaan at mabilis na pagyanig o pag-uga ng lupa na dulot ng pagkabiyak at pagbabago ng mga bato na nasa ilalim ng lupa kapag pinakawalan nito ang puwersang naipon sa mahabang panahon. 3. Pagputok ng bulkan -Ang pagputok ng bulkan ay nagaganap kapag ang magma (nagbabagang tunaw na mga bato at iba pang materyales) na nagmumula sa ilalim ng lupa ay umaangat patungo sa bunganga ng bulkan dahil na rin sa pag kapal nito at sa pressure sa ilalim ng lupa 4. Bagyo - Kadalasang nabubuo ang bagyo sa gitna ng karagatan kung saan nagtatagpo ang mainit at malamig na hangin Mga uri ng bagyong Tropical: Tropical Depression - 61 kph ang bilis ng hangin Tropical Storm - 62-88 kph ang bilis ng hangin Severe Tropical Storm - 89-117 kph Typhoon - 118-220 kph Super Typhoon - Lagpas sa 220 kph ang bilis ng hangin 5. Daluyong o Storm Surge - ito ay tumutukoy sa hindi pangkaraniwang pagtaas ng lebel ng tubig mula sa dagat papunta sa baybayin o lupa dulot ng pagbagyo. 6. El Niño -tumutukoy ito sa abnormal na pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat na nagdudulot ng kakaunting pag- ulan sa rehiyon 7. La Niña -tumutukoy ito sa abnormal na paglamig ng temperatura sa ibabaw ng dagat na nagdudulot ng maraming pag-ulan sa rehiyon. 8. Tsunami - ito ay serye ng malalaking alon na nililikha ng pangyayari sa ilalim ng dagat tulad ng paglindol, pagguho ng lupa, pagsabog ng bulkan, o pagbagsak ng maliit na bulalakaw. - ito ay maaaring kumilos ng daan-daang milya kada oras sa malawak na karagatan at humampas sa lupa dala ang mga alon na umaabot ng 100 talampakan o higit pa 1. Bagyo BAGO Dumating ang bagyo HABANG May Bagyo PAGKATAPOS ng Bagyo Alamin ang mga payong Makinig sa radyo o Makinig sa radyo pangkaligtasan. manood ng o manood ng Makinig sa radyo o telebisyon o telebisyon o manood sa telebisyon internet upang internet upang o internet para sa malaman ang malaman ang ulat panahon mula sa pinakabagong balita pinakabagong PAGASA at iba pang tungkol sa bagyo. balita kung katuwang na ahensya Siguraduhin handa nakaalis na sa ng pamahalaan upang na ang emergency bansa ang bagyo. malaman ang kit at ibalot ito Huwag lalabas ng pinakabagong balita o ng plastik upang bahay hangga’t babala tungkol sa hindi hindi mabasa. hindi opisyal na kalagayan ng Maging handa sa ipinahahayag na paparating na bagyo. paglikas sa ligtas nakaalis na sa Ihanda ang na lugar. bansa ang bagyo. de-bateryang radyo, Mag-ipon ng tubig Mag-ingat sa mga flashlight at para sa ibang naputol na kawad ekstrang baterya, pangangailangan. ng kuryente na kandila at posporo o Ipinid o isara nang nakakalat sa lighter. husto ang mga pinto daan. Huwag Maghanda ng emergency at bintana. Iligpit pumasok sa mga kit na naglalaman ng ang mga gamit na gusali na mga kagamitang madaling matangay napinsala ng kakailanganin para sa ng hangin. bagyo. tatlong araw tulad ng Mag-ingat sa bagyo. tubig, gamot at May panahon na pagkaing hindi agad walang gaanong nasisira o nabubulok hangin, ulan at (de-latang isda o kalmado ang karne at biskwit) at paligid. Ito ay iba pang gamit tulad maaaring panahon ng ng damit, jacket at pagdaan ng mata ng payong o kapote. bagyo. Pagkaraan ng Ibalot sa plastik ang ilang oras ay mahahalagang papeles babalik muli ang at gamit. ihip ng hangin at Magplano ng gagawin ito ay mas malas at kapag may parating na malakas na ulan. kalamidad. Mag-ensayo kung paano at saan ang gagawing paglikas kapag may baha. Pag-aralan ang mga daan mula sa tahanan, opisina o paaralan papuntang mataas na lugar kapag may baha. 2. Baha BAGO Dumating ang Baha HABANG May Baha PAGKATAPOS ng Baha Alamin ang balita o Maging maingat sa Mag-ingat kapag babala na mga lugar na lubog babalik at ipinalaganap sa sa tubig. Iwasan papasukin ang inyong lugar. ang mga ito kung binahang bahay. Ihanda ang inyong hindi sigurado sa Huwag kainin ang emergency kit. lalim nito. ang mga pagkaing Alamin ang Huwag lumusong o nababad sa pinakaligtas na daan tumawid sa baha, tubig-baha. papunta sa evacuation ilog o sapa kapag Tiyaking malinis center o mataas at mabilis ang daloy at hindi ligtas na lugar. ng tubig. Iwasan narumihan ng Magplano kung saan din ang dumadaloy tubig-baha sa maaaring ilipat ang na tubig mula sa mga alagang hayop bundok. Maaari bago ang pagbaha. kayong matangay ng Sundin ang payo ng malakas na agos ng inyong Barangay tubig. Disaster Coordinating Ipagbawal ang Council (BDCC) upang paglalaro ng mga hindi mapahamak kung bata sa baha dahil kinakailangan ng marumi ang tubig, lumikas bago tumaas lalong lalo na kung ang tubig sa inyong mula sa kanal. lugar. Siguraduhin na Ipaalam sa ibang malinis ang inuming kamag-anak kung saan tubig, upang kay lilikas upang makakasiguro, hindi sila mag-alala. pakuluan ito bago Patayin ang main inumin. switch ng kuryente at tiyaking nakasara ang tangke ng gas bago lumikas. 3. Lindol 4. Pagputok ng Bulkan V. Pagbabago sa Klima o Climate Change - ito ang kabuoan at malawakang pagbabago sa klima ng mga rehiyon batay sa pag-aaral ng mga bato, mga labi (fossils), mga bilog sa mga puno (tree rings), lupa sa ilalim ng mga lawa, at mga ulat ng kasaysayan ng tao. Mga Epekto ng Climate Change: 1. Pagbabago sa init at ulan sa mundo. 2. Pagbabago sa ecosystem at biodiversity. 3. Pagkatunaw ng mga yelo sa dagat (glaciers) at pagtaas ng tubig sa mga karagatan. 4. Mas mapinsalang mga bagyo. VI. Empleo ng Pilipinas ❖ 21st Century Skills na hinahanap ng mga Kompanya 1. bukal sa kaloobang matuto 2. etika sa pagtatrabaho 3. kakayahang mamuno 4. mahusay na pamamahala ng mga gawain 5. malikhaing paglutas ng problema 6. marunong sa komunikasyon 7. may inisyatiba 8. may kakayahang kayanin ang stress 9. pagkakaroon ng mga makabagong ideya 10. pakikipagtulungan 11. pakikitungo sa pakikipagkapwa 12. wastong paggawa ng desisyon 13. socioemotional na kasanayan ❖ Ang mga sumusunod ay batay sa mga kahulugang ibinigay ng International Labor Organization (ILO) at ng National Statistics Coordination Board (NSCB): 1. Employed - mga taong iniulat na may trabaho, nagtatrabaho o kaya naman may negosyo bagamat hindi nagtatrabaho. 2. At work - mga taong nagtatrabaho kahit isang oras lamang. 3. With a job or business but not at work - mga taong may trabaho o negosyo ngunit hindi nagtatrabaho sa tukoy na panahon dahil sa mga pangyayaring panandalian kagaya ng pagkakasakit o pagkakasangkot sa aksidente, bakasyon, nakaliban sa trabaho, masamang panahon, strike at iba pa. 4. Industriya - uri ng negosyo o lugar kung saan nagtatrabaho ang isang tao. 5. Labor force -ang populasyon ng tao na may 15 taong gulang o higit pa na kasama sa paggawa o pag serbisyo sa bansa. 6. Underemployed - mga taong nagtatrabaho na nais magkaroon ng karagdagang oras ng trabaho maliban sa kanilang kasalukuyang gawain o karagdagang gawain. 7. Underemployed Invisibly - mga taong nagtatrabaho ng full time ngunit gusto pa ng dagdag na trabaho 8. Underemployed Visibly - mga taong nagtatrabaho ng mababa sa 40 na oras sa linggo ng kinuha ang impormasyon at gusto pa ng dagdag na oras ng trabaho. 9. Unemployed - Kataga sa mga taong walang trabaho, handang magtrabaho at naghahanap ng trabaho. ❖ Dahilan ng Unemployment 1. Hindi tugma ng edukasyon sa kailangan ng labor market (educational mismatch) 2. Frictional Unemployment > isa sa mga kadahilanan ng frictional unemployment ay ang mababang sweldo, hindi maayos na benepisyo at kondisyon ng trabaho. 3. Bilang ng nakatapos ng kurso 4. Kakulangan sa talento at kasanayan ❖ Solusyon para sa Unemployment 1. Pantay na oportunidad sa pamayanang rural at urban 2. Ugnayan ng edukasyon at empleo 3. Suporta ng pamahalaan sa negosyo 4. Gawing makabuluhan sa lipunan ang edukasyon 5. Sistema sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa labor market ❖ Mga Ahensya na may kinalaman sa empleyo at ekonomiya ng ating bansa: 1. Department of Foreign Affairs (DFA) - Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ay isang kagawaran tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na may tungkuling mamahala sa pagpapabuti ng ugnayan ng Pilipinas sa iba't ibang bansa. 2. Department of Labor and Employment (DOLE) - ang ahensiya ng pambansang pamahalaan ay nag-atas na bumalangkas ng mga patakaran, magpatupad ng mga programa, at magsilbi bilang sangay ng tagapag-ugnay ng patakaran ng Sangay na Tagapagpaganap sa larangan ng paggawa at trabaho. 3. Philippine Overseas Employment Administration (POEA) - Sila ang namamahala tungkol sa mga lehitimong recruitment agency ating bansa ng sa gayon ay magkaroon ng maayos na trabaho ang ating mga Pilipinong manggagawa. 4.Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) - Pinoprotektahan at itinataguyod nito ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga dependent. Ito ay dating kilala bilang Welfare and Training Fund for Overseas Workers at inorganisa noong 1977. 5.Department of Migrant Workers (DMW) - ay inaatasan na pangasiwaan ang pagtatrabaho sa ibang bansa at muling pagsasama-sama ng mga manggagawang Pilipino, habang isinasaalang-alang ang mga pambansang programa sa pagpapaunlad ng National Economic and Development Authority. ❖ Kontraktwalisasyon Kahulugan: ang tawag sa trabaho na pansamantala na matatapos bago ang anim na buwan. Mabuting epekto: pinapayagan nito ang madaliang tugon sa mga pagbabago sa pamilihan kagaya ng pagtaas o pagbba ng suplay ng mga paninda mas maluwag ang pagkuha ng mga manggagawa batay sa sitwasyon ng kompanyang para sa kabutihan ng kompanya at para din sa mga manggagawang nangangailangan ng pansamantalang trabaho mas pabor sa kompanya dahil walang binabayarang benepisyo sa pagkuha ng mga empleyadong mula sa mga ahensya hindi kailangan magbigay ng benepisyo ang kompanya, kaya mas kaunti ang gastos ang striktong polisiya sa pagkuha ng mga regular na manggagawa at ang madaling pagkuha ng pansamantalang empleyado ay magbubunga ng pagbibigay ng trabaho sa maraming manggagawa Hindi Mabuting epekto: ang mga kompanya ay may oportunidad na magbigay ng mababang sahod sa mga manggagawa nawawalan ng pagkakataon ang mga manggagawang ipaglaban ang kanilang karapatan, sa halip bumuo ng samahan upang ipaglaban ito, sila ay natatakot na matanggal at mawalan ng trabaho ang mga manggagawa ay hindi nakikisali sa mga pagmamasid sa mga pansamantalang mangagagawa kailangan ng masusing pagsasanay at pagmamasid sa mga pansamantalang manggagawa upang mapabuti ang trabaho ayon sa kailangan ng ekonmiya ang paghahambing ng sahod at benepisyo ng mga pansamantala at regular na empleyado ay maaaring magbunga ng hindi pagkakaunawaan sa lugar at trabaho