Kontemporaryong Isyu PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses current issues in the Philippines focusing on health, education, environment, economy, politics, and social issues, with relevant questions and activities.
Full Transcript
ANO NGA BA ANG KONTEMPORARYONG ISYU? Ang salitang KONTEMPORARYO ay nangangahulugang kasalukuyan o napapanahon o current sa wikang Ingles. Ang ISYU naman ay tumutukoy ang paksa, tema o suliranin na napag-uusapan o naging batayan ng debate na nagtataglay ng positibo o negatibong epekto sa buha...
ANO NGA BA ANG KONTEMPORARYONG ISYU? Ang salitang KONTEMPORARYO ay nangangahulugang kasalukuyan o napapanahon o current sa wikang Ingles. Ang ISYU naman ay tumutukoy ang paksa, tema o suliranin na napag-uusapan o naging batayan ng debate na nagtataglay ng positibo o negatibong epekto sa buhay ng mga tao sa lipunan. ANO NGA BA ANG KONTEMPORARYONG ISYU? Ito rin ay tumutukoy sa mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating lipunan, bansa o mundo sa kasalukuyang panahon. Ang anumang paksa o kaganapan kahit na ito ay nakalipas na ngunit nakapupukaw pa rin sa interes ng mga tao at pinag-uusapan pa sa kasalukuyan ay itinuturing bilang isang KONTEMPORARYONG ISYU. GAWAIN 1: HALINA’T SAGUTIN NATIN MAGBIGAY NG TIGTATATLONG (3) HALIMBAWA SA MGA SAKLAW NG KONTEMPORARYONG ISYU SA IBABA. A. ISYUNG PANGKALUSUGAN B. ISYUNG PANG-EDUKASYON C. ISYUNG PANGKAPALIGIRAN D. ISYUNG PANG-EKONOMIYA MGA URI NG KONTEMPORARYONG ISYU 1. ISYUNG PANGKAPALIGIRAN Tumutukoy sa mga suliranin o usaping may kinalaman sa gawain ng mga tao na may hindi mabuting epekto sa ating kapaligiran at kalikasan. MGA URI NG KONTEMPORARYONG ISYU 2. ISYUNG PANG-EKONOMIYA Mga suliranin o usaping pangkabuhayan tulad ng sa trabaho, negosyo, produksyon, pagkonsumo, at kalakalan. MGA URI NG KONTEMPORARYONG ISYU 3. ISYUNG POLITIKAL AT PANGKAPAYAPAAN May kinalaman sa sistema, pamamaraan, pamamahala at aktibidad ng pamahalaan at ang pagpapanatili nito sa kapayapaan. MGA URI NG KONTEMPORARYONG ISYU 4. ISYUNG PANGKALUSUGAN Mga usaping may kinalaman sa kalusugan ng tao, nakabubuti man o hindi. Hal. COVID-19, HIV/AIDS, MALNUTRISYON, DRUG ADDICTION, OBESITY , CANCER MGA URI NG KONTEMPORARYONG ISYU 5. ISYUNG PANGKASARIAN AT SEKSWALIDAD Mga isyung may kinalaman sa gampanin, pananaw, katangiang bayolohikal at oryentasyong sekswal ng isang indibidwal. MGA URI NG KONTEMPORARYONG ISYU HALIMBAWA: DISKRIMINASYON AT KARAHASAN SA MGA KABABAIHAN AT LGBT (LESBIAN, GAY, BISEXUAL & TRANSGENDER), SAME- SEX MARRIAGE, REPRODUCTIVE HEALTH MGA URI NG KONTEMPORARYONG ISYU 6. ISYUNG PANG-EDUKASYON Mga problema o isyu tungkol sa pamamalakad, kalidad, programa at sistema ng edukasyon. HALINA’T PAG-ISIPAN MO! GAMIT ANG BUBBLE MAP IBIGAY ANG MGA SAKLAW NG KONTEMPORARYONG ISYU. KONTEMPORARYONG ISYU BA KAMO! PANUTO: SURIIN ANG MGA NAKALISTA SA IBABA. SABIHIN KUNG ANG MGA ITO BA AY KONTEMPORARYONG ISYU O HINDI. IPALIWANAG ANG IYONG SAGOT. 1. MGA KABATAANG GUMAGAMIT NG DROGA 2. PAGTATAPON NG BASURA KAHIT SAAN 3. PROBLEMA SA TRAPIKO 4. PAGDAMI NG MGA POULTRY AT PIGGERY SA KOMUNIDAD 5. DUMADAMI ANG NAWAWALAN NG TRABAHO PANUTO: PAGPIPILI – PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT. 1. ALIN SA MGA SUMUSUNOD NA PAHAYAG ANG NAGLALARAWAN SA KONTEMPORARYONG ISYU? A. SUMASAKLAW ITO SA LAHAT NG INTERES NG TAO NA NAPAG- UUSAPAN. B. ITO AY MGA PANGYAYARI O IDEYA NA MAY KAUGNAYAN SA KASALUKUYANG PANAHON. C. KABILANG DIN SA KONTEMPORARYONG ISYU ANG MGA NAPAG- UUSAPAN NOON NA BUHAY PA RIN HANGGANG NGAYON. D. LAHAT NG NABANGGIT. 2. ANG PAG-AARAL SA MGA KONTEMPORARYONG ISYU AY NAKATUTULONG LALO NA SA MGA MAG-AARAL. ALIN SA MGA ITO ANG HINDI NAGPAPAHIWATIG NITO? A. NAHAHASA ANG KANILANG IBA’T IBANG KASANAYAN AT PAGPAPAHALAGA. B. NATUTO SILANG MAKIKIPAGTSISMISAN TUNGKOL SA MGA NANGYAYARI SA KANILANG PALIGID. C. NALILINANG ANG KANILANG KRITIKAL NA PAG-IISIP AT NAKAGAGAWA NG MGA AKSYON UKOL DITO. D. NAKAPAGPAPAHAYAG NG KANILANG MGA OPINYON AT SUHESYON SA MGA MAHAHALAGANG ISYU SA LIPUNAN. 3. ITO AY MGA SULIRANING MAY KINALAMAN SA KALIKASAN AT PANGKALAHATANG KALIGTASAN NG MAMAMAYAN. A. ISYUNG PANGKALUSUGAN B. ISYUNG PANLIPUNAN C. ISYUNG PANGKALAKALAN D. ISYUNG PANGKAPALIGIRAN 4. ALIN SA MGA ITO ANG HALIMBAWA NG ISYUNG PANGKASARIAN? A. TERORISMO C. REPRODUCTIVE HEALTH B. INTERNET ADDICTION D. PROBLEMA SA SOLID WASTE 5. ALIN SA SUMUSUNOD ANG KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU? I. NAGIGING MULAT SA KATOTOHANAN II. NAHAHASA ANG KRITIKAL NA PAG-IISIP III. NAPALALAWAK ANG KAALAMAN IV. NAPAPAUNLAD ANG KAKAYAHAN SA PAGBASA AT PAG-UNAWA A. I B. I, II C. I, II, III D. I, II, III, IV Ang bawat kontemporaryong isyu ay itinuturing na suliranin na nangangailangan ng pansin upang mabawasan kungdi man mawala ang maaaring negatibong epekto nito sa tao. THINK PAIR SHARE MGA KASANAYANG KAILANGAN SA PAG- AARAL NG KOTEMPORARYONG ISYU Sanggunian / references Katotohanan Pag-aanalisa Konklusyon Tandaan, mahalaga na mayroon tayong lehitimong sanggunian ng ating mga impormasyon para mas lalo nating mauunawaan ang mga isyung ito na siyang gagabay sa ating pagdedesisyon at pakikilahok sa mga pagkilos, programa at proyekto sa ating komunidad. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU Magiging mulat ka sa mga nangyayari sa iyong komunidad, bansa at sa mundo sa pangkalahatan. Ang kaalaman mo sa mga sanhi at bunga ng mga kontemporaryong isyu ang maging daan sa iyong pakikibahagi sa mga pagkilos at pagtugon sa mga ito. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU Makagagawa ka ng matalinong pagpapasiya. Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa isang isyu ay makatutulong upang makagawa ka ng isang matalino at responsableng desisyon. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU Makapagbibigay ng mga suhestiyon sa mga krusyal na isyu na kailangang mahanapan ng agarang solusyon at makatulong sa kalutasan ng mga nasabing suliranin. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU Mas lalong malilinang ang iyong mga kakayahan sa pag-iisip ng mga hakbangin, pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang makalulutas sa mga suliranin. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU Makatutulong sa pagkakaroon ng matalas na kaisipan sa paghahanap ng mga lehitimong impormasyon ukol sa mga isyu para makaiwas sa kapahamakan. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU Malilinang ang iyong kakayahan sa pagbabasa at pag- unawa at mahahasa pa lalo ang kakayahang pangwika at panggramatika.