FPL-REBYU PDF: Filipino sa Piling Larangan: Akademik/TVL

Summary

This document presents lessons on Filipino, focusing on writing, theories, and concepts of academic writing. It covers different types of writing, including technical writing and academic writing. Includes information on Filipino language.

Full Transcript

FILIPINO SA PILING LARANGAN: AKADEMIK/TVL REBYUNG PAPEL ARALIN 1: Ang Pagsulat, Teorya, at Konsepto ❖ Ang Pagsulat ✓ Ang pagsulat ay ang pagsalin sa papel o sa anomang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, larawan ng...

FILIPINO SA PILING LARANGAN: AKADEMIK/TVL REBYUNG PAPEL ARALIN 1: Ang Pagsulat, Teorya, at Konsepto ❖ Ang Pagsulat ✓ Ang pagsulat ay ang pagsalin sa papel o sa anomang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, larawan ng tao, o grupo ng mga tao sa layuning maipahiwatig ang kanyang kaisipan. -(Mendoza & Romero, 2013) ❖ Ang katangian ng Pagsulat ✓ Ayon kay Cruz, et al. (2010), ang wastong pagsulat ay kinakapalooban ng mga katangian. Ang mga ito ay: Malinaw,Maayos,Wasto, at Astetiko. ❖ Teorya ✓ Ang Teorya ay grupo ng mga konsepto na binuo upang maipaliwanag ang mga pangyayari na hindi pa hustong napag-aaralan. Kinakailangang ito ay may ebidensiya at sapat na katibayan upang mapagnilay-nilayan. -(Engler, 2014) Lev Vygotsky ✓ Isang sikolohistang Ruso na nag pasimula ng Sociocultural Theory. ✓ Sociocultural Theory- Ang pakikipaghalubilo sa kapwa ay may malaking kontribusyon sa paglago ng isang bata patungo sa kanyang pagtanda. ✓ Naniniwala din siya na ang lengguwahe at mga salita ay susi upang maging ganap ang pagkatao ng isang indibidwal. 1 ARALIN 2: Mga Uri ng Pagsulat ❖ Ang Teknikal na Pagsulat ✓ Ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin. ✓ Lumilikha ang manunulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya, medisina, batas, resipi sa pagluluto, siyensiya o agham, at bokasyunal. -(Cruz, et al. 2010) Mga Uri ng Teknikal na Pagsusulat Mga batas na nailathala Mga dyornal pangmedikal Resipi ng pagkain Itiketa ng gamot Instruksyon ng mga gamit ❖ Ang Referensyal na Pagsusulat ✓ Ang Referensyal na pagsusulat ay may kaugnayan sa malinaw at wastong paglalahad ng isang paksa. Ito ay nagpapaliwanag, nagbibigay datos at impormasyon sa mambabasa. ✓ Layunin ng uri ng pagsusulat na ito ay ang mailahad ang katotohanan, wastong paggamit ng isang kasangkapan, o para makabuo ng isang maganda at obhetibong konklusyon. -(Deguinon, 2011). Mga Uri ng Referensyal na Pagsusulat Teksbuk Ulat panlaboratoryo Manwal Feasibility Study 2 ❖ Ang Dyornalistik na Pagsusulat ✓ Ito ay ang pagsulat na pampalimbagan. ✓ Maaaring balita, lathalain, editorial, balitang pampalakasan, anunsyo, o mga advertisements sa isang pahayagan. ✓ Kailangan magsaad ng pawang katotohanan, may pagkaobhetibo at walang pinapanigan. ✓ Kadalasan ay naglalaman ito ng mga artikulong pumupukaw sa ating human interest. Mga Uri ng Dyornalistik na Pagsusulat Pahayagan Anunsyo Tabloid ❖ Ang Akademik na Pagsusulat ✓ Ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag- aaral, kaya ito ay maaari din tawagin na intelektwal na pagsulat. -(Mendoza & Romero, 2012) (3) konsepto ng Akademikong pagsusulat Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong komunidad. Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng importanteng argumento. 3 ❖ Mga Uri ng Akademik na Pagsusulat Akedemikong sanaysay Pamanahong Papel Tesis Disertasyon Bibliograpiya Book report Position paper Panunuring pampanitikan Policy study ARALIN 3: Ang Pagsusulat Ng Teknikal-Bokasyunal Na Lathalain ❖ Ang Teknikal- Bokasyunal na Lathalain ✓ Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay may kinalaman sa larangan ng agham, teknolohiya, kalusugan, inhenyera, at iba pa. ✓ Karaniwan ang sulating teknikal ay may katiyakan sa nilalaman, at ang mga sulating kagaya nito ay kinapapalooban ng mataimtimang pagsisisyasat at pagsasaliksik ✓ Ang sulating teknikal-bokasyunal ay naglalayong magbigay impormasyon sa mambabasa. ❖ Layunin ✓ Makapagbigay-kaalaman ✓ Makapag-analisa at makapagisip ng mga pangyayari at ang maaring implikasyon nito ✓ Makaimpluwensiya 4 ❖ Gamit ✓ Bilang batayan sa desisyon ng mga ehekutibo at mga may-ari ng mga pribadong kumpanya. ✓ Bilang batayan sa desisyon ng mga ehekutibong pulitiko at mambabatas sa gobyerno. ✓ Pagbibigay ng tagubilin at proseso. ✓ Ipagbigay alam ang makabagong produkto. ✓ Ipagbigay alam ang mga serbisyo ng isang indibidwal, kumpanya, o gobyerno. ✓ Makalikha ng proposal. ✓ Magpaliwanag ng pamamaraan ng paggamit. ✓ Bilang anunsyo. ARALIN 4: Ang Mga Sulating Teknikalbokasyunal: Katangian At Kahalagahan ❖ Katangian Higit na naglalaman ng impormasyon Walang bahid ng emosyon May sinusunod na proseso Gumagamit ng deskripsyon ng mekanismo Gumagamit ng sanhi’t bunga May katangiang maghambing at pumuna ng pagkakaiba May kakayahang magbigay ng interpretasyon 5 ❖ Kahalagahan ✓ Importante ang teknikal-bokasyunal na pagsusulat sa napakaraming disiplina simula sa larangan ng agham at pati na din ng sining. ✓ Ang teknikal-bokasyunal na pagsusulat ay nagsisilbing introduksyon sa pagsusulat ng mga iba pang sulatin gaya ng nobela, tula, at iba pang malalalim at makasining na lathalain. Ang mga prinsipyo ng pagsusulat ng teknikabokasyunal sa sulatin at halos pareho lamang sa mga makasining na lathalain. Ngunit ano nga ba ang pagkakaiba? Walang bahid ng emosyon Purong impormasyon lamang ang binibigay Hindi nagbibigay-aliw ang sulating teknikalbokasyunal mga makasining na lathalain. ❖ Mahusay Na Sulating Teknikal-Bokasyunal Madaling unawain ng mambabasa Madaling makita ng mambabasa ang layunin ng artikulo Naibabahagi ng maayos at may pagkakasunod-sunod ukol sa paksang isinulat May klarong obhetibo Gumagamit ng etikang pamantayan at hindi naninira ng katayuan ng ibang tao, ideya, produkto, o kompanya 6 ARALIN 5: Hakbang Sa Pagsulat Ng Sulating Akademik At Teknikal-Bokasyunal ❖ Uri At Kinapapalooban ✓ Ang teknikal na lathalain ay dapat lamang na tiyak, may tuon, sigurado, at hitik sa impormasyon. ✓ Ang isang manunulat ng teknikal na lathalain ay may kakayahang gumamit ng mga salitang maiintindihan ng karamihan. May abilidad siyang gawing kaayaaya ang mga salitang makaagham o teknikal sa mga mambabasa. PAHINA -Ang pahina ay isa sa mga importanteng elemento ng isang sulating teknikal-bokasyunal. DISENYO - Ang disenyo ay dapat angkop sa paksa. WASTO - Wasto dapat ang pagpili ng bullet points, disenyo ng font, laki ng font, mga larawan, dayagram, charts, at iba pa. ✓ Ang teknikal na pagsusulat ay sumasaklaw sa maraming uri at anyo depende sa target na mambabasa. 1. Instruksyon ng pagsasagawa- Ito ay nagbibigay ng mga proseso kung paano gamitin ang isang kagamitan. Kadalasan ito ay may mga litrato. Importante ang tamang pagbibigay ng impormasyon dahil kung magkakamali ay maaring maging sanhi ito ng pagkasira ng kagamitan. 2. Proposal- Ito ay isang sulatin na naglalaman ng metodo, layunin, gawain, at obhetibo ng isang proyekto. 3. E -mails at Memorandum- Ito ay mga sulatin na karaniwang ginagamit sa iba’t ibang kalakaran. 7 4. Press releases- Ito ay isinasagawa para sa anumang anunsiyo na pampubliko. Inilalathala ito ng isang kumpanya upang ipagbigay at ipakilala ang kanilang produkto o serbisyo. 5. Specifications- Ito ay isang uri ng sulatin na nagbibigay ng sukat, itsura ng estraktura, kulay at iba pa. 6. Resume- Ito ay isang sulatin na nagpapakilala ng isang aplikante na naghahanap ng trabaho sa isang kumpanya. 7. Ulat-Teknikal- Ito ay nagbibigay analisis sa isang sitwasyon, kaso, paksa, at iba pa. ❖ Mga Hakbang sa Teknikal na Pagsulat Pagpaplano – Importanteng malaman kung sino ang target na babasa ng iyong sulatin at ano ang layunin ng lathalain. Nilalaman – Alamin ang dapat na nilalaman ng lathalaing isusulat. Importante na malaman mo din kung saan hahanap ng mga impormasyon. Marapat lamang na magsaliksik ng maigi at kumpletuhin ang datos at salain itong mabuti bago gamitin. Pagsulat – Isulat ang bawat burador o draft at irebyu ng husto. Lokalisasyon – Alamin kung may mga terminong kailangan isalin sa Filipino. Unawain na may mga salitang Ingles na walang salin sa Filipino. Rebyu- Sikaping malaman ang kahinaan at kalakasan ng iyong naisulat. Ayusin ang balarila, baybayin at iba pang detalye. Inihanda ni: Bb. Maychiel Pagador Guro 8

Use Quizgecko on...
Browser
Browser