Mga Karunungang-Bayan: Mga Bugtong at Salawikain (Unang Marka) PDF
Document Details
Tags
Summary
Ang dokumento ay nagpapakilala ng mga Karunungang-Bayan, partikular sa mga bugtong at salawikain. Pinag-aaralan ang mga halimbawa at ang kanilang kahulugan. Ang layunin ay maunawaan at pahalagahan ang mga salawikain bilang pamana ng ating mga ninuno.
Full Transcript
ARALIN 1: Mga Karunungang-Bayan Pamana ng Nakaraan (Mga Bugtong at Salawikain) BUGTONG Ito ay pahulaan o palaisipang may, sukat at tugma. Ayon nga kay Lope K. Santos , ang mga bugtong ay nagtataglay ng sukat, tugma, talinghaga, at kariktan kaya maituturing an g mga i...
ARALIN 1: Mga Karunungang-Bayan Pamana ng Nakaraan (Mga Bugtong at Salawikain) BUGTONG Ito ay pahulaan o palaisipang may, sukat at tugma. Ayon nga kay Lope K. Santos , ang mga bugtong ay nagtataglay ng sukat, tugma, talinghaga, at kariktan kaya maituturing an g mga i to bi l an g kau n a- u n ah an g katutubong tula. Kinakailangang maging matalas ang isipan ng mga taong kasali sa bugtungan dahil hindi hayag o nakatago ang kahulugang taglay ng bugtong. Ang karaniwang paksa ng mga bugtong ay tungkol sa mga bagay- bagay sa paligid at mga pangyayari sa pang- araw-araw na buhay ng ating mga ninuno. MAGBUGTUNGAN TAYO! Ang dami-daming mata, hindi nakakikita. PINYA MAGBUGTUNGAN TAYO! Ang katawan ay bala, ang bituka ay paminta. PAPAYA MAGBUGTUNGAN TAYO! Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao. ATIS MAGBUGTUNGAN TAYO! Baboy ko sa pulo, balahibo' y pako. LANGKA MAGBUGTUNGAN TAYO! Hayun na si Ingkong, nakaupo sa lusong. KASOY MAGBUGTUNGAN TAYO! Isang supot na uling, hayun at bibitin-bitin. DUHAT MAGBUGTUNGAN TAYO! Ang ina ay gumagapang pa, ang anak ay umuupo na KALABASA MAGBUGTUNGAN TAYO! Bahay ng anluwagi, iisa ang haligi. KABUTE MAGBUGTUNGAN TAYO! Habang aking hinihiwa, ako ay pinaluluha. SIBUYAS MAGBUGTUNGAN TAYO! Isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis. SIBUYAS MAGBUGTUNGAN TAYO! Maganda kong prinsesa, susun-suson ang saya. PUSO NG SAGING MAGBUGTUNGAN TAYO! Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo. SITAW MAGBUGTUNGAN TAYO! Kung tawagin nila'y "santo" hindi naman milagroso. SANTOL MAGBUGTUNGAN TAYO! Mga daliring magkakadikit, di naman nakakapit. SAGING MAGBUGTUNGAN TAYO! Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona. BAYABAS MAGBUGTUNGAN TAYO! Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa. BALIMBING MAGBUGTUNGAN TAYO! Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. AMPALAYA MAGBUGTUNGAN TAYO! Nang ihulog ko' y buto, Nang hanguin ko y trumpo. SINGKAMAS MAGBUGTUNGAN TAYO! Pamalo ni Mang Selo, mula paa hanggang ulo, nailuluto ito. UPO MAGBUGTUNGAN TAYO! Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan. DAHON NG GABI MAGBUGTUNGAN TAYO! Bata pa si Nene marunong nang manahi. GAGAMBA MAGBUGTUNGAN TAYO! Heto na si Bayaw dala-dala'y ilaw. ALITAPTAP MAGBUGTUNGAN TAYO! Ibon kung saan man makarating, makababalik kung saan nanggaling. KALAPATI MAGBUGTUNGAN TAYO! Kulisap na lilipad-lipad, sa ningas ng liwanag ay isang pangahas. GAMUGAMO MAGBUGTUNGAN TAYO! Kung kailan tahimik saka nambubuwisit. LAMOK MAGBUGTUNGAN TAYO! Maliit pa si Nene nakaaakyat na sa tore. LANGGAM MAGBUGTUNGAN TAYO! Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. ASO MAGBUGTUNGAN TAYO! May ulơ y walang buhok, may tiyan walang pusod. PALAKA MAGBUGTUNGAN TAYO! Sa araw nahihimbing, sa gabi ay gising. PANIKI MAGBUGTUNGAN TAYO! Tungkod ni Kapitan, hindi mahawakan. AHAS MAGBUGTUNGAN TAYO! Dahon ng pinda-pinda magsinlapad ang dalawa. TENGA MAGBUGTUNGAN TAYO! Dalawang batong itim, malayo ang narrating. MATA MAGBUGTUNGAN TAYO! Dalawang magkaibigan unahan nang unahan. DALAWANG PAA MAGBUGTUNGAN TAYO! Dalawang magkaibigan, nasa likod ang mga tiyan. BINTI MAGBUGTUNGAN TAYO! Isang balong malalim puno ng patalim. BIBIG MAGBUGTUNGAN TAYO! Isang bakud-bakuran sari- sari ang nagdaan. NGIPIN MAGBUGTUNGAN TAYO! Isang bayabas, pito ang butas. MUKHA MAGBUGTUNGAN TAYO! Isang bundok hindi makita ang tuktok. NOO MAGBUGTUNGAN TAYO! Limang magkakapatid laging kabit-kabit MGA DALIRI MAGBUGTUNGAN TAYO! Nakatago na, nababasa pa. DILA MAGBUGTUNGAN TAYO! Bahay ng salita, imbakan ng diwa. AKLAT MAGBUGTUNGAN TAYO! Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin. SOMBRERO MAGBUGTUNGAN TAYO! Dala mo, dala ka, dala ka pa ng iyong dala. SAPATOS o TSINELAS MAGBUGTUNGAN TAYO! Hawakan mo ang buntot ko at sisisid ako. TABO MAGBUGTUNGAN TAYO! Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay. ILAW MAGBUGTUNGAN TAYO! Isa ang pinasukan, tatlo ang labasan. KAMISETA MAGBUGTUNGAN TAYO! Kabiyak na suman, magdamag kong binabantayan. UNAN MAGBUGTUNGAN TAYO! May puno walang bunga, may dahon walang sanga. SANDOK MAGBUGTUNGAN TAYO! Takbo roon, takbo rito, hindi makaalis sa tayo nito. DUYAN MAGBUGTUNGAN TAYO! Wala sa langit, wala sa lupa, kung lumakad ay patihaya. BANGKA PAHIWATIG Ito ay ang di-tuwirang o di-direktang m e n s ah e k u n g s aan n as as ab i an g gusting sabihin sa paraang hindi hayag o lantad. A n g d a a n k a h i t l u b a k - l u b a k , i y a' y n a s a naglalakad, Kung ang hakbang mo'y banayad, pakiramdam mo ri'y patag. a. pagiging maingat sa paglalakad b. pagiging mapagbigay sa mga nakasasabay sa paglalakbay c. pagkakaroon ng positibong pananaw sa anumang sitwasyon SUKAT Ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula. Heto na si Bayaw, 6 Dala-dala'y ilaw 6 TUGMA Ang tawag sa magkakatulad na tunog sa dulumpantig ng mga salita sa bawat talutod. Heto na si Bayaw, Dala-dala'y ilaw. TONO I to ay tu mu tu koy s a damdamin o emosyong taglay ng tula. TALINGHAGA Ito ay an g paggamit n g di-tu wiran g pahayag na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa mensahe ng tula. SALAWIKAI N Ito ay pahayag na naglalaman ng payo, aral, at paalalang magagamit sa pang- araw-araw na buhay. Tulad ng mga bugtong, ang mga salawikain ay lumaganap din sa pamamagitan ng pagpapasalin-salin sa bibig ng taumbayan. Nagamit ito ng mga magulang at mga nakatatanda para makapagturo ng kagandahang-asal sa mga kabataan. Tag l ay n g m g a s al aw i k ai n an g pagpapahalaga sa mabubuting kaugaliang tu l ad n g p ag i g i n g m ati p i d , m as i p ag , matiyaga, masikap, matapang, at iba pa. Nagtataglay rin ito ng sukat at tugma. Nakatago sa mga talinghaga ang kahulugang kailangang pag-isipan at unawain. “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” Mahalaga ang pagkilala at pagpapahalaga sa ating mga pinagmulan at mga taong tumulong sa atin upang makarating sa ating mga tagumpay. Kung hindi natin ito gagawin, maaaring magkulang tayo sa kababaang-loob at magkamali sa hinaharap. "Pag may tiyaga, may nilaga." Ang tagumpay ay nakukuha sa pamamagitan ng sipag at tiyaga. Kung tayo ay magpupursigi at magsusumikap, makakamit natin ang ating mga pangarap. "Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim." Ang buhay ay puno ng pagbabago. May mga pagkakataong tayo ay nasa rurok ng tagumpay, ngunit may mga panahon din ng pagsubok. Mahalaga ang pagiging handa sa mga pagbabago sa buhay. "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa." Habang umaasa tayo sa tulong ng Diyos, kailangan din nating magsikap at gumawa ng paraan upang makamit ang ating mga layunin. Ang tamang kombinasyon ng pananampalataya at pagsisikap ang magdadala sa atin ng tagumpay. "Kung ano ang puno, siya ang bunga." Ang pagkatao ng isang tao ay naipapasa sa kanyang mga anak o sa mga sumusunod sa kanya. Kung mabuti ang ating ipinapakita at itinuturo, magbubunga ito ng kabutihan sa susunod na henerasyon. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang ating mga ninuno ay mayroon. nang sariling katutubong kultura, tradisyon, panitikan, mga ritwal, at paraan ng pamumuhay. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO Mayroon silang mataas na pagpapahalaga sa kapwa at sa komunidad kaya bahagi ng katutubong kultura ang pagsasagawa ng mga tradisyon at ritwal kasama ang kanilang mga kapamilya at mga kapitbahay. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO Sa mga pagkakataong ito nagamit nila ang mga sinaunang panitikang kinabibilangan ng mga sarunungang-bayan tulad ng mga bugtong, tanaga, sawikain, salawikain, kasabihan, at mga awting- bayan gayundin ng mga epiko, alamat, mitolohiya, at mga kuwentong-bayan ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO Masasalamin sa mga ito ang angking talino at pagkamalikhain ng mga sinaunang Pilipino. Ang naging paksa ng panitikan sa panahong ito ay mga tradisyon at pang-araw-araw na karanasan sa buhay. Ayon kina Lumbera at Lumbera, ang literatura ng mgá prekolonyal na Pilipino ay may tatak ng komunidad. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO Ang karaniwang paksa ay ang kanilang mga karanasan tulad ng pagkuhang pagkain; mga nilalang at mga bagay sa kalikasan; mga gawain sa bahay, sa sakahan, sa kagubatan, sa dagat, sa pag-aalaga sa mga bata; at iba pa. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO Sa mga akdang tuluyan naman ang karaniwang paksa ay mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga bayaning may taglay na kapangyarihan at iba pang mahika at kababalaghan. Napaunlad din ang ating panitikan dahil sa impluwensiya ng mga unang nandayuhan at nakipag-ugnayan sa ating m g a n i n u n o t u l a d n g m g a I n d o n e s , A ra b e , Persiyano, Malayo, at Bumbay. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO Ang naging pangunahing gamit ng panitikan sa panahong iyon ay bilang libangan sa mga okasyong nagkakasama-sama ang magkakapamilya at magkakapitbahay. Ang mga katutubong panitikan ay pasulat at pasalita. Para sa pasulat, ginamit nilang sulatan ang mga palapa o malalapad na dahon tulad ng saging,balat ng kahoy, at iba pa. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO Matutulis na bato at kahoy naman ang ginawang pansulat o pang-ukit gamit ang sinauhang sistema ng alpabetong tinatawag na Baybayin. Gayumpama y hindi nagtagal ang mga uring nasusulat dahil nasira ang mga ito sa pagdaan ng panahon. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO Ang mga naiwan ay sinunog ng mga Kastila. Subalit nawala man ang mga nakasulat ay napanatili pa rin ang mga katutubong panitikan dahil sa pasaling-dila o lipat-dilang pagpapahayag. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO Dahil lumaganap ang panitikan sa pamamagitan ng pagsasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan, hindi maiiwasang nagkaroon ng iba't ibang bersiyon ang katutubong panitikan. Minsa'y nagbabago, nadadagdagan, o nababawasan depende sa lugar at sa pangkat ng taong nagsasali nito. Ito ay isang uri ng teksto na naglalaman ng mga impormasyon, datos, at kaalaman tungkol sa isang partikular na paksa. Layunin nitong magbigay ng malinaw at kompletong impormasyon sa mambabasa upang mapalawak ang kanilang kaalaman ukol sa paksa. TEKSTONG IMPORMASYONAL Karaniwang makikita ang mga tekstong impormasyonal sa iba't ibang babasahin tulad ng sa mga aklat, sa mga artikulo sa diyaryo, magasin, o sa Internet, sa mga sanaysay, at iba pang babasahing naglalayong magbahagi ng kaalaman o kapaki-pakinabang na impormasyon sa mga mambabasa. TEKSTONG IMPORMASYONAL ARALIN 2: Mga Karunungang-Bayan Pamana ng Nakaraan (Mga Sawikain, Kasabihan, at Tanaga) SAWIKAIN Ito ay salita o pariralang may taglay na talinghaga at nakatagong kahulugan. Kailangang maging mapanuri ang makaririnig sa mga sawikain dahil iba ang kahulugan nito sa literal na kahulugan ng salita o mga salitang ginamit. Sa ating panahon ay tinatawag din itong idyoma. Nagamit ng ating mga ninuno ang mga sawikain sa pagpapayo at pagtuturo sa mga kabataan. butas ang bulsa walang pera Ilaw ng tahanan ina/nanay balat-sibuyas taong maramdamin ilista sa tubig utang na kalimutan balitang-kutsero balitang hindi totoo bahag ang buntot natatakot/ naduduwag basang sisiw nakakaawa bilugin ang ulo Lokohin/gawan ng kalokohan biro ng tadhana masamang kapalaran bukas ang palad matulungin buwaya sakim/makasarili guhit ng palad kapalaran haligi ng tahanan ama/tatay hulog ng langit suwerte/magandang kapalaran ibaon sa hukay kalimutan itaga sa bato tandaan kapilas ng buhay asawa kaibigang putik di tunay na kaibigan/ traydor na kaibigan itanim sa isip pakatandaan di-mahulugang karayom napakaraming tao magdilang-anghel magkatotoo ang sinabi KAWIKAAN Ito ay nahahawig ito sa mga salawikain. Ang pagkakaiba, ang kahulugan ng salawikain ay nakatag o sa tal i ng hag a sam antal ang sa kawi kaan ay hindi gaanong gumamit ng talinghaga kaya mas hayag ang kahulugan nito at m as m ad al i ng m aunaw aan. Tul ad ng salawikain, ito ay may sukat at tugma rin. Ang kaibigan kung tapat, Karamay kahit na sa hirap. Ang kapalaran di man hanapin Dudulog, lalapit kung talagang atin. Ang karangalan ay pinagpapaguran, Hindi binibili para lang makamtan. Ang katotohanan kahit pa ibaon, Lilitaw pagdating ng tamang panahon. Ang mabigat gumagaan Kapag napagtutulungan. Ang mga taong tamad, Sa kagutuman napapadpad. Ang mahinahong pangungusap, Sa puso' y nakalulunas. Ang masama sa iyo, Huwag mong gawin sa kapwa mo. TANAGA Ito ay isang tradisyonal na anyo ng maikling tulang umiral sa panahon ng àting mga ninuno. Ayon nam an ki na Juan de Noceda at Pedro Sanlucar sa Vocabuario del la Lengua Tagala, ang tanaga ay: 1. isang uri ng tulang napakataas sa wikang Tagalog; 2. binubuo ng pitong (7) pantig ang bawat taludtod; 3. may apat (4) na taludtod sa bawat saknong, at 4. ito'y hitik sa talinghaga. Palay siyang matino, 7 Nang humangi y yumuko; 7 Nguni't muling tumayo 7 Nagkabunga ng ginto. 7 KASABIHA N Ito ay pahayag na nagbibibigay ng payo o nagsasaad ng katotohanan kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling maintindihan. KASABIHA N Nakagawian na ng mga Pilipino na maghayag ng kanilang mga pilosopiya sa buhay, mga k a ra n a s a n , a t m g a b u n g a n g k a n i l a n g pagmamasid-masid. Huwag kang magtiwala sa 'di mo kakilala. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan. Walang mahirap na gawa 'pag dinaan sa tiyaga. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganahan. Ang ‘di magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda. MGA ELEMENTO NG TULA Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nasusulat sa masining na pamamaraan. Taglay nito ang mga salitang may angking kariktan na nagpapahatid ng iba't ibang emosyon o damdamin, karanasan, at ideya. Ito ay nagtataglay ng mahahalagang elemento o sangkap upang higit na maging masining ang paglalahad. Mababasa sa ibaba ang iba't ibang elemento ng tula. MGA ELEMENTO NG TULA PERSONA Ito ang taong nagsasalita sa tula. Ang persona ay tumutukoy sa panauhang naglalahad sa tula na maaaring isang taong buhay o bagay na walang buhay. MGA ELEMENTO NG TULA PERSONA A. Unang Panauhan- ang paglalahad ay mula mismo sa nakikita ng mga mata o sariling karanasan ng manunulat. Kara-niwang ginagamit dito ang mga panghalip ako, ko, at kami. MGA ELEMENTO NG TULA PERSONA B. Ikalawang Panauhan — dito'y tila kinakausap ng m anunulat ang paksa ng kanyang tula. Gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw. MGA ELEMENTO NG TULA PERSONA C. Ikatlong Panauhan—dito'y inilalahad ang mga pangyayari o karanasan ng isang taong walang relasyon sa manunulat. Ginagamit ang mga panghalip na siya o sila. MGA ELEMENTO NG TULA TUGMA Ito ang pare-pareho o halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat taludtod ng tula. Ang mga dulumpantig na ito ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig. MGA ELEMENTO NG TULA SUKAT Ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong. MGA ELEMENTO NG TULA TALINGHAGA Ito ang paggamit ng di-tuwirang pahayag na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa mensahe ng tula. Ito ay maaaring mga simbolismo, imahen, o tayutay na nagbibigay kariktan sa tula. MGA ELEMENTO NG TULA TALINGHAGA "Sa aking paglalakbay, ika'y sagwan sa buhay" ay talinghagang nagpapakita sa m ahalagang tungkulin ng isang kaibigan. Ipinakikita ritong ang kaibigan ay isang mahalagang gabay. MGA ELEMENTO NG TULA TONO Tumutukoy sa damdamin o emosyong taglay ng tula. Maaaring ito ay positibo tulad ng ligaya, pag- ibig, pangarap, pag-asa. Maaari din namang m ag i ng ne g at i b o t ul ad ng g al i t , l ung k o t , pangungulila, pangamba, panghihinayang, at takot. MGA ELEMENTO NG TULA DETALYE Dito makikita ang paksa o tema , nilalaman , at kaisipang taglay ng tula. ARALIN 3: Manang Biday (Mga Sinaunang Awiting-Bayan) AWITING-BAYAN Ito ay isa sa matandang uri ng Panitikang Pilipino na lumaganap bago pa dumating ang mga Espanyol. PASALING-DILA AWITING-BAYAN Ito ay tinatawag ding KANTAHING- BAYAN. AWITING-BAYAN Nagpapakilala at nagpapahayag ito ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang bayan. MANANG BIDAY Ito ay awiting-bayan ng mga Ilokano. Ito ay tungkol sa paghaharana ng binata sa minamahal na dalaga. Nagpapakita ito ng kaugalian ng panliligaw o pagsuyo sa minamahal. MGA AWITING BAYAN ANG OYAYI O HELE Awit sa pagpapatulog ng bata. DIONA Awit sa kasal ng mga Tagalog. SOLIRANIN Awit ng mga manggagawa. TALINDAW Awit sa pamamangka. KUMINTANG Awit na pandigma. DALIT O IMNO Awit sa diyos-diyosan. BALITAW Mga awit ng pag-ibig na ginagamit sa panghaharana ng mga Bisaya. DUNG-AW Awit para sa patay ng mga Ilokano. KUTANG-KUTANG Mga awiting karaniwang inaawit sa mga lansangan. MALUWAY Awit sa sama-samang paggawa. PANGANGALUWA Awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog. TEKSTONG EKSPOSITORI Ito ay pamamaraan ng paglalahad ng mga ideya, kaisipan, at impormasyong may layuning makapagbigay ng isang malinaw, sapat at maayos na pagpapaliwanag tungkol sa isang bagay o paksa. TEKSTONG EKSPOSITORI Mahalaga ito upang magkaroon ng bago at karagdagang kaalaman ang kabataang tulad mo patungkol sa ibat ibang bagay na makapagpapalawak pang lalo ng iyong pag- unawa. TEKSTONG EKSPOSITORI May iba’t ibang uri ng eksposisyon o paglalahad. Ilan sa mga ito ay sanaysay, paglalahad ng proseso, editoryal, balita, ulat, suring-basa. DALAWANG URI NG TEKSTONG EKSPOSITORI DESKRISIYON O PAGBIBIGAY- DEPINISYON I to ay karaniwang nagsisimula sa pagbibigay ng kahulugang maaaring makita sa diksiyonaryo, teksbuk, o ensayklopedia. Taglay ng depinisyon ang tatlong bahagi: ang (1.) termino o salitang nais bigyan-kahulugan, ang (2.) kinabibilangang uri, at ang (3.) natatanging katangian. DALAWANG URI NG TEKSTONG EKSPOSITORI DESKRISIYON O PAGBIBIGAY- DEPINISYON Ang oyayi (termino) ay isang uring awiting-bayang (uri) ginagamit sa pagpapatulog ng bata. (kaibahan sa ibang uri; natatanging katangian). DALAWANG URI NG TEKSTONG EKSPOSITORI PAGTUTULAD AT PAGKAKAIBA I to ri n ay t i nat aw ag na p a g h a h a m b i n g a t pagkontras. Sa paggamit ng parang ito laging tandaang may dalawa o higit pang bagay na pinagkakatulad o pinagkakaiba. DALAWANG URI NG TEKSTONG EKSPOSITORI PAGTUTULAD AT PAGKAKAIBA Kumintang Kundiman (Pagkakaiba) (Pagkakatulad) (Pagkakaiba) Paksa: tungkol sa Awiting-bayan Paksa: tungkol sa pag pakikidigma o Patula -ibig tagumpay sa Inaawit digmaan ARALIN 4: INDARAPATRA at SULAYMAN “Ang pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa ay kabayanihang matatawag sa ating kultura.” EPIKO Ito ay isang mahabang tula o kuwento tungkol sa kabayanihan ng natatangi at makapangyarihang tao sa makabuluhang pangyayari sa kasaysayan ng isang lugar o kultura. Nagpapakita ito ng kultura at pagkakakilanlan ng ating lahi. INDARAPATRA at SULAYMAN Ito kilalang epiko ng Maranaw. Kabilang ito sa Darangan ng mga Muslim naglalaman ng mga kuwentong patulang nagsasalaysay ng kasaysayan ng kanilang mga ninuno. Isa to sa matatandang epiko ng Pilipinas. MINDANAO Ito ay tinaguriang Lupang Pangako ng Pilipinas. Sinasabing ito ay Lupang pangako dahil sa mayaman at matabang lupang mayroon dito gayundin ay dahil sa magagandang yamang likas na makikita rito. KURITA Ang ibig sabihin nito ay pugita. Kaya ang halimaw na si Kurita ay isang pugita na maraming paa. BUNDOK MATUTUM Ito ay isang di-aktibong bulkan. Matatagpuan ito sa hilaga ng General Santos, Timog Cotabato. Ayon sa World Heritage UNESCO ay maaaring makakita ng 110 na uri ng halaman at 57 na uri ng hayop kabilang na ang Philippine Eagle. MGA KILALANG EPIKO SA PILIPINAS EPIKO NG MGA ILOKO: LAM-ANG MGA KILALANG EPIKO SA PILIPINAS EPIKO NG MGA BIKOL: HANDIONG (Ibalon at Aslon) MGA KILALANG EPIKO SA PILIPINAS EPIKO NG MGA IFUGAO: HUDHUD MGA KILALANG EPIKO SA PILIPINAS EPIKO NG MGA MARANAW: BANTUGAN MGA KILALANG EPIKO SA PILIPINAS EPIKO NG MGA MAGINDANAW: INDARAPATRA AT SULAYMAN MGA KILALANG EPIKO SA PILIPINAS EPIKO NG MGA MALAY: BIDASARI MGA KILALANG EPIKO SA PILIPINAS EPIKO NG MGA MANOBO: TULALANG MGA KILALANG EPIKO SA PILIPINAS EPIKO NG MGA KALINGA: ULALIM MGA KILALANG EPIKO SA PILIPINAS EPIKO NG MGA TAGBANUA: DAGOY AT SUDSUD MGA KILALANG EPIKO SA PILIPINAS EPIKO NG MGA IBALOI: KABUNIAN AT BENDIA TRANSITIONAL DEVICES Mga salita o parirala na nag-uugnay sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari, pagtatala ng mga ideya at iba pang paglalahad. TRANSITIONAL DEVICES I to ay n a k a t u t u l o n g n a m a i u g n ay a n g kaisipan mula sa isang ideya tungo sa iba pa o mula sa isang pangungusap o talata patungo sa isa pang pangungusap. TRANSITIONAL DEVICES Sa Filipino, ang mga ito ay kadalasag kinakatawan ng mga pangatnig. 1. PAGKAKASUNOD-SUNOD Ito ay mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, ideya, o hakbang. Ginagamit ito upang magbigay ng malinaw na pag-uugnay sa mga bahagi ng teksto ayon sa tamang pagkakasunod-sunod. 1. PAGKAKASUNOD-SUNOD una, sa simula, sumunod, saka, pagkatapos, sa huli, sa wakas, at iba pa 2. PAMUKOD Mga salitang ginagamit upang ipakita ang pagpili o paghiwalay ng mga bagay o ideya. Karaniwang ginagamit ito upang tukuyin ang mga pagpipilian o magbigay-diin sa isang partikular na ideya. 2. PAMUKOD at, saka, pati, kaya, maging, man, ni, o, o kaya, at iba pa 3. PANULAD Ito ay mga salitang ginagamit upang ipakita ang pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, o pangyayari. 3. PANULAD gayundin, kung alin, iyon din, kung sino, siya rin, kung saan, doon din 4. PAGSALUNGAT Mga salitang ginagamit upang ipakita ang pagkontra o pagsalungat ng mga ideya o pangyayari. Ginagamit ito kapag nais ipakita ang pagkakaiba o pag-iba ng opinyon. 4. PAGSALUNGAT ngunit, datapwat (however), subalit, bagkus (on the contrary), at iba pa 5. PAG-AALINLANGAN O PANUBALI Mga salitang ginagamit upang ipakita ang kawalan ng katiyakan o pag-aalinlangan sa isang bagay o ideya. Karaniwan itong ginagamit kapag hindi tiyak o sigurado ang nagsasalita o sumulat. 5. PAG-AALINLANGAN O PANUBALI kundi, kung di, kapag, kasali, sana, kung gayon, kaya 6. PANANHI Mga salitang nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng isang pangyayari o ideya. Karaniwang ginagamit ito upang ipakita kung bakit nangyari ang isang bagay 6. PANANHI sapagkat, pagkat, kasi, kung kaya, dahil sa, sanhi ng, at iba pa PANLINAW Mga salitang ginagamit upang magbigay ng dagdag na paliwanag o paglilinaw sa isang ideya o pahayag. Ginagamit ito upang mas maliwanag na maipaliwanag ang isang punto o ideya. PANLINAW anupa, kaya, samakatuwid, sa madaling salita, kung gayon, sa halip INDIVIDUAL ORAL RECITATION ARALIN 5: BANTUGAN “Ang inggit ay huwag pansinin sa halip pagmamahal ang pairalin.” LORO Ibong may makulay na balahibo at may kakayahang maturuang magsalita at manggaya ng pagsasalita. MISKOYAW INAALAGAAN INIIROG MINAMAHAL SINISINTA MAGBUNYI MAGDIWANG MAGSAYA MAGLARO NAGULUHAN NAIBA NALITO NAWINDANG NAGULAT NANGAMBA NASINDAK NATAKOT KILABOT SA TAPANG KINATATAKUTAN BUKAMBIBIG USAP-USAPAN MALAMIG NA BANGKAY PATAY NA NAUPOS NA KANDILA NANGHINA BUNGANG-TULOG PANAGINIP DUGTUNGANG PAGKUKUWENTO BAYOGRAPIKAL NA SANAYSAY BASAHIN SA BOOK SANAYSAY (ayon kay Alejandro Abadilla) “Nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” TALAMBUHAY Salaysay tungkol sa buhay ng isang tao. pamilya edukasyon trabaho Mahahalagang pangyayari mga ginagawa paniniwala BAYOGRAPIKAL NA SANAYSAY Ito ay mas maikli kaysa sa talambuhay at mas nakatuon sa isang partikular na aspekto o pangyayari sa buhay ng isang tao. BAYOGRAPIKAL NA SANAYSAY Maaaring ito ay tumalakay sa isang tiyak na yugto o natatanging karanasan ng isang indibidwal na nagbibigay-daan para sa pagkamit niya ng pagkilala, karangalan, o tagumpay.