Filipino 7 Past Paper 2024-2025 PDF

Summary

This document outlines the Filipino 7 curriculum for the 2024-2025 school year. It includes lesson plans, exercises, and practice questions. It covers topics such as proverbs, songs, and language.

Full Transcript

Inihanda ni G. Renso B. Salazar TAONG PANURUAN 2024-2025 Aralin 2 Himig ng Kulturang Pilipino Paksa/Iba pang Paksa 1.1 Iloilo ang Bayan Ko (Awiting-Bayan) – Tinipon, inayos, at isinalin sa Filipino ni R. DJ Pangan 1.2 Awiting Bayan 1.3 Ang Tulang Tagalog LPO2: Malakas ang loob, Mapanuri...

Inihanda ni G. Renso B. Salazar TAONG PANURUAN 2024-2025 Aralin 2 Himig ng Kulturang Pilipino Paksa/Iba pang Paksa 1.1 Iloilo ang Bayan Ko (Awiting-Bayan) – Tinipon, inayos, at isinalin sa Filipino ni R. DJ Pangan 1.2 Awiting Bayan 1.3 Ang Tulang Tagalog LPO2: Malakas ang loob, Mapanuri, Positibong hinaharap ang mga suliranin Ako ay malakas ang loob, mapagsiyasat, positibong hinaharap ang mga suliranin, at nagpapamalas ng pagkamalikhain at karisma. LPO4: Malinis ang kalooban, Mahusay, at Magaling sa iba’t ibang larangan Ako ay malinis ang kalooban, mahusay, at magaling sa iba’t ibang larangan at may kakayahang ipagpatuloy ang misyon ko sa buhay. EPO6: Paglinang ng dalubhasang kaalaman at kasanayan sa kahit isang sangay ng kanilang buhay nang sa gayon ito ay kanilang magamit sa iba’t- ibang sitwasyon ng may kapasidad at kadalian. (LPO4) EPO8: Nagpaplano at nagdidisenyo ng mga gawaing may taglay na kariktan gamit ang mga ideya at kagamitan sa kakaibang pamamaraan. (LPO2) Ang bawat Paulinian ay inaasahang: ILO1: Naibibigay ang katumbas na kahulugan ng piling salita at nagagamit ang mga ito sa sariling pangungusap; Ang bawat Paulinian ay inaasahang: ILO2: Naipamamalas ang kahusayan sa pag-unawa sa binasa sa pagtukoy sa persona at larawang-diwa; Ang bawat Paulinian ay inaasahang: ILO3: Nasasaliksik ang makabagong awiting-bayan na popular ngayon at naipaliliwanag ang kaugaliang masisinag na ipinahihiwatig ng awiting-bayan; ILO4: Nasusuri ang napanood na music video; Ang bawat Paulinian ay inaasahang: ILO5: Nakasusulat ng sariling bersiyon ng awiting-bayan sa sariling lugar; at ILO6: Nakapagtatanghal ng sariling konsiyerto gamit ang nabuong awiting- bayan. A. Panuto: Isaayos ang gulo-gulong salita sa bawat bilang upang matukoy ang tumpak na kasagutan. 1. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. NIGAB SAGOT: BANIG A. Panuto: Isaayos ang gulo-gulong salita sa bawat bilang upang matukoy ang tumpak na kasagutan. 2. Munting hayop na pangahas, aaligid-alig sa ningas. MOGAAGUM SAGOT: GAMUGAMO A. Panuto: Isaayos ang gulo-gulong salita sa bawat bilang upang matukoy ang tumpak na kasagutan. 3. Isdang inasnan, nalusaw sa taguan, pinakinabangan, ginawang sawsawan. STIPA SAGOT: PATIS A. Panuto: Isaayos ang gulo-gulong salita sa bawat bilang upang matukoy ang tumpak na kasagutan. 4. Kabayo kong payat, pitong bundok, pitong lubak ay nilulundag. DLAKIT SAGOT: KIDLAT A. Panuto: Isaayos ang gulo-gulong salita sa bawat bilang upang matukoy ang tumpak na kasagutan. 5. Walang bibig, walang pakpak, kahit hari’y kinakausap LAKAT SAGOT: AKLAT B. Panuto: Tukuyin kung kasabihan, salawikain, o sawikain ang mga ibinigay na karunungang-bayan. 1. Tulak ng bibig kabig ng dibdib. KASABIHAN 2. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. SALAWIKAIN 3. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. SALAWIKAIN 4. Utos na sa pusa, utos pa sa daga. KASABIHAN 5. Magdilang anghel ka. SAWIKAIN – Iloilo ang Bayan Ko Tinipon, inayos, at isinalin sa Filipino ni R. DJ Pangan [pang-uri] naglalarawan ng katangiang humihikayat o nakakabighani dahil sa Iloilo ang bayan ko, pinangalanang taglay na ganda, kaaya-aya kaakit-akit na ngalang kinamulatan Kinalakihan, Kinagisnan sa paningin at damdamin o kahanga-hanga. Hindi ko ikaw iiwan bayan kong minahal Sa iyo nanggaling ang kaligayahan. Kagalakan, ligaya, kasayahan, saya, katuwaan [pandiwa] gumalaw nang Ilonggo ako na tunay may ritmo at biyaya, masining na pagpapahayag Na nanahanan sa tabi ng baybay sa pamamagitan ng galaw Magandang umindak-indak ng katawan kasabay ng tugtog o sumayaw-sayaw. At ang aking puso’y tigib ng ligaya. [pang-uri] puno o siksik sa dami o laman, at nag-uumapaw dahil sa labis na karga. Awit mula sa sariling bayan, iyan ang awiting- bayan. Mga awiting batay sa pamumuhay, tradisyon, at nakasulat sa wika ng isang partikular na lugar sa Pilipinas. lumaganap ito sa pasalin-dilang paraan gaya ng mga sinaunang panitikan kung kaya hindi naitala ang ilan sa mga ito. Ilan sa mga uri ng awiting-bayan ang sumusunod: 1. Uyayi o Hele – awit ito sa pagpapatulog ng bata. Ang “Uyayi” ay tumutukoy sa liriko ng awit at ang “Hele” ay ang paraan ng pag-ugoy sa duyan. 2. Soliranin/Talindaw – awit sa paggaod o pamamangka. 3. Kalusan – awit ito sa sama-samang paggawa. Maaari itong awitin bago o pagkatapos ng paggawa. Maaari ding habang gumagawa. 4. Diona – awit ito sa kasal na inaawit habang isinasagawa ang seremonya. 5. Kundiman – awit ito ng pag-ibig o pagmamahal. Maaaring ang tema nito ay malungkot kung nabigo ang binatang umawit at masaya naman kapag may pag-asa ang nanliligaw. Inaawit ang kundiman hindi lang sa nililigawan, bagkus ay maaari din itong ialay sa magulang, kapatid, anak, at kaibigan. 6. Kumintang – awit ito ng pakikidigma na inaawit bago o pagkatapos ng pakikidigma. 7. Sambotani – awit ito ng pagtatagumpay. 8. Dalit – awit ito sa mga anito na nagpapakita ng pagsamba at paggalang, o imno sa mga diyos-diyosan ng mga Bisaya. 9. Umbay – awit ito ng nangungulila dahil sa kawalan ng nagmamahal na magulang. 10. Ditso – awit ito mula sa mga batang naglalaro sa lansangan. Ayon kay B.S Medina Jr., ang mga unang makatang Tagalog ay nagtataglay ng wikang matalinghaga at maindayog para sa kanilang pangangailangan sa pagpapahayag. Bunga nito, ang mga unang Tagalog ay inawit at isinayaw. Dahil din sa pagiging maindayog ng unang tula, naipahayag ang mga kaisipan at damdamin sa pag-awit sa lahat ng pagkakataon mula sa pagsilang hanggang kamatayan. Ang pinagmulan ng mga awiting-bayan ay mga unang tulang Tagalog. Bilang isang Paulinian na mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan ikaw ay magpahayag ng iyong realisasyon, integrasyon, emosyon at aksiyon mula sa paksang tinalakay. Realisasyon ay tungkol sa bagong natutunan. Integrasyon ay ang pag-uugnay ng natutunan sa iyong buhay. Emosyon ay ang damdamin mula sa binasa. Aksiyon ay ang angkop na tugon o kilos mula sa natutunan. Bilang Isang Paulinian, Ako ay malakas ang loob, mapanuri, positibong hinaharap ang mga suliranin at malinis ang kalooban, mahusay, at magaling sa iba’t ibang larangan. Inihanda ni G. Renso B. Salazar TAONG PANURUAN 2024-2025 Gawaing Pagganap 1.2: ILO3: Nasasaliksik ang makabagong awiting- bayan na popular ngayon at naipaliliwanag ang kaugaliang masisinag na ipinahihiwatig ng awiting-bayan; ILO5: Nakasusulat ng sariling bersiyon ng awiting-bayan sa sariling lugar. Panuto: Magpapangkat ng limang grupo sa klase at pagkatapos ay pag-uusapan ang pagsulat ng sariling bersiyon ng isang awiting- bayan sa sariling lugar gamit ang wikang Filipino. Pangkatang Gawain: 1. Magsaliksik at pag-usapan ang lugar na napili na kailangang obserbahan ang kilos, galaw, pag-uugali, at maging ang pamumuhay ng mga tao at pagkatapos ay itala ang mga naobserbahan sa lugar na napili. 2. Pagsama-samahin ang mga naitalang obserbasyon, at magmula rito, bumuo ng tula na binubuo ng dalawang saknong (Apat na taludtod kada saknong) na may sukat at tugma na naglalarawan sa mga kilos, galaw, pag-uugali at pamumuhay ng mga tao sa napiling lugar. 3. Lapatan ng himig ang nabuong awiting-bayan (malaya ang mga mag-aaral na pumili ng himig ng awitin na gagamitin.) Bilang isang Paulinian na mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan ikaw ay magpahayag ng iyong realisasyon, integrasyon, emosyon at aksiyon mula sa paksang tinalakay. Realisasyon ay tungkol sa bagong natutunan. Integrasyon ay ang pag-uugnay ng natutunan sa iyong buhay. Emosyon ay ang damdamin mula sa binasa. Aksiyon ay ang angkop na tugon o kilos mula sa natutunan. Bilang Isang Paulinian, Ako ay malakas ang loob, mapanuri, positibong hinaharap ang mga suliranin at malinis ang kalooban, mahusay, at magaling sa iba’t ibang larangan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser