LIT 105 - Final Reviewer - Filipino Literature
Document Details
Uploaded by BoomingJupiter7508
Nicole D.J
Tags
Summary
This document provides an overview of Filipino literature, encompassing its history, genres, and different periods. It details the evolution of Filipino literature, including pre-colonial examples and the influence of other cultures. The document also references key figures and examples within the text.
Full Transcript
**ANG PANITIKAN NG PILIPINAS: Kaligiran at Kasaysayan** **Etimolohiya** - Ang salitang Tagalog na "panitikan" ay nagmula sa unlaping PANG (na nagiging pan kapag ang kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula sa d,l,r,s,t) sa ugat na TITIK (letra) na nawawalan ng simulang T sa pagkakasun...
**ANG PANITIKAN NG PILIPINAS: Kaligiran at Kasaysayan** **Etimolohiya** - Ang salitang Tagalog na "panitikan" ay nagmula sa unlaping PANG (na nagiging pan kapag ang kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula sa d,l,r,s,t) sa ugat na TITIK (letra) na nawawalan ng simulang T sa pagkakasunod sa PAN-; at hulaping AN samakatuwid: pangtitik-an. Ang salitang ito ay panumbas ng Tagalog sa "literature" o literatura na kapwa batay sa ugat na Lating litera na ang kahuluga'y letra o titik. **Ano ang PANITIKAN?** - Ang panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika at pananampalatayang niyakap at inari ng mga Pilipino. **Iba't ibang pakahulugan sa PANITIKAN** - "Ito ay ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao; nagsasabog ng pag-ibig at kaligayahan na nagpapayaman sa kaisipan at karanasaan, nagpapalalim ng pagkaunawa at lumilinang sa kamalayang pansarili, panlipunan at pambansa, at nagpapahalaga sa mga karanasang magiging timbulan sa oras ng pangangailangan. - "Ito ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan sapagkat dito masasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, panaginip, pag-asa, hinaing at guniguni ng mga tao na nasusulat o binabanggit sa maganda, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag." ***(Maria Ramos)*** - "Ito ay walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kanilang pangaraw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanilang kapaligiran, gayundin sa kanilang pagsusumikap na makita ang Maykapal." ***(Atienza et. al)*** **ANG PANITIKAN BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA** - BAYBAYIN - Karaniwan sa mga paksa ng ating panitikan noon ay tungkol sa mga gawain sa bukid, tahanan, dagat, kaligayahan, kasaganaan at iba pa. **ANG MATANDANG PANITIKANG FILIPINO** - Mga kwentong bayan - Mga karunungang bayan - Mga awiting bayan **MGA KARUNUNGANG BAYAN** - **SALAWIKAIN** - Mga bukambibig na hinango sa karanasan sa buhay na nagsisilbing mga patnubay sa mga dapat ugaliin. Ito ay may taglay na aral, talinghaga, sukat at tugma. ***Halimbawa:*** 2\. Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo. - **SAWIKAIN** - Maiksi at mga pananalitang matalinghaga na may nakatagong kahulugan, ito ay binubuo ng taludtod, maaaring may sukat at tugma o wala. ***Halimbawa:*** 1\. 'Pag may isinuksok, may madudukot. 2\. Pili nang pili natapatan ay bungi. - **KASABIHAN** - Kahawig ito ng salawikain ngunit mababaw lamang ang kahulugan at walang talinghaga. Karaniwang ginagamit sa pagpuna o panunukso sa kilos ng isang tao. ***Halimbawa:*** 1. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan. 2. Ang kapalaran ko'y di ko man hanapin, dudulog, lalapit kung talagang akin. **MGA AWITING BAYAN** - ay nasusulat ng patula na may sukat, himig at indayog. Karaniwang inilalarawan nito ang mga pang-araw-araw na gawain ng ating mga ninuno. **URI NG AWITING BAYAN** 1. **Soliranin** (rowing song) 2. **Talindaw** (boat song) 3. **Diona** (nuptial or courtship song) 4. **Oyayi** (lullaby) 5. **Dalit** (hymns) 6. **Kumintang** (war or battle song) 7. **Kalusan** (song after work/harvesting) 8. **Sambotani** (victory song) 9. **Kundiman** (love song) **MGA PANAHON NG PANITIKANG PILIPINO** 1. **PANAHON NG KATUTUBO** (mula simula - 1521) 2. **PANAHON NG KASTILA** (1565-1898) 3. **PANAHON NG AMERIKANO** (1900-1941) 4. **PANAHON NG HAPON** (1942-1945) 5. **KASALUKUYANG PANAHON** **ANYO NG PANITIKAN** **TULUYAN (PROSE)** 1. MAIKLING KWENTO 7. PARABULA 2. SANAYSAY 8. TALUMPATI 3. NOBELA 9. PABULA 4. ALAMAT 10. BALITA 5. ANEKDOTA 11. DULA 6. TALAMBUHAY **PATULA (POETRY)** **\* TULANG PASALAYSAY** **\*TULANG LIRIKO/DAMDAMIN** 1\. AWIT 1. ELEHIYA 2\. KORIDO 2. SONETO 3\. EPIKO 3. AWIT 4\. BALAD 4. DALIT 5\. BALITAO 5. ODA **\* TULANG PANDULAAN \*TULANG PATNIGAN** 1\. MELODRAMA 2\. KOMEDYA 1. KARAGATAN 3\. PARSA 2. DUPLO 4\. TRAHEDYA 3. BALAGTASAN 5\. SAYNETE 6\. PARODYA **PANTANGHALAN** 1\. DULA 6. PANTOMIMA 2\. PANULUYAN 7. MORO-MORO 3\. TIBAG 8. SARSUWELA 4\. SENAKULO 9. SALUBONG 5\. KARILYO **Halimbawa ng HAIKU** Ang guro'y tanglaw -- 5 Isip ay pinapanday -- 7 Puso'y binuhay -- 5 **Halimbawa ng Tanaga** May pito itong pantig -- 7 Sa bawat taludturan, -- 7 Apat naman ang linya -- 7 Tawag diya'y tanaga. -- 7 **Halimbawa ng SINGKIAN** Bulaklak (ilalarawan-pangngalan) Maganda, mabango (2 pang-uri) Pinipitas, hinahalikan, pinandedekorasyon (3 pandiwa) Ang pinapantasya, ang hinahangaan (2 parirala) Si Eva (Pangalan) **MGA AKDANG NAKAIMPLUWENSIYA SA PANITIKAN** 1. **BANAL NA KASULATAN** -- Palestina at Gresya, batayan ng Kakristayanuhan. 2. **KORAN** -- Arabia, pinakabibliya ng mga Muslim 3. **ILLIAD AT ODYSSEY** -- Akda ni Homer, mitolohiya at paalamatan ng Gresya. 4. **MAHABHARATA** -- India, pinakamahabang epiko sa buong daigdig, kasaysayan at pananampalataya ng mga Indio. 5. **DIVINA COMMEDIA** -- Italya, isinulat ni Dante, pananampalataya, moralidad at pag-uugali. 6. **EL CID COMPEADOR** -- Espanya, kasaysaysang panlahi, paalamatan at kasaysayan ng mga Kastila EL -- Spanish Article **"EL"** means **"THE"** **CID** -- dialectical Arab "Sidi" (sayyid/English) means **"LORD"** **COMPEADOR** -- master of military arts **Writer** -- Rodrigo "Ruy" Diaz de Vivar 7. **ANG AWIT NI ROLANDO** -- Pransia, kinapapalooban ng Roncesvalles at Doce Pares, gintong panahon ng kakritiyanuhan at kasaysayan ng mga Pranses. 8. **AKLAT NG MGA ARAL** -- Tsina, isinulat ni Confucious, pananampalataya, kalinangan at karunungan 9. **AKLAT NG MGA PATAY** -- Ehipto, kinapapaloobanng kulto ni Osiris ng mitolohiya at teolohiyang Ehipto. 10. **SANLIBO'T ISANG GABI** -- Arabia at Persia, kaugaliang pampamahalaan, panlipunan, pangkabuhayan at panrelihiyon ng mga Silanganin. 11. **CANTERBURY TALES** -- Inglatera, isinulat ni Chaucer, pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon. 12. **UNCLE TOM'S CABIN** -- Estados Unidos, isinulat ni Harriet Beecher Stowe, kalagayan ng mga alipin at simulain ng kaisipang demokrasya. **Ang Panitikan sa Panahon ng Kastila** (1565-1872) **Paksa:** panrelihiyon/ pangkagandahang-asal/ pangwika - **Barlaan at Josaphat** - kauna-unahang nobelang nailimbag sa Pilipinas - **Mga Buhok na Nangungusap** - tagapanguna ng maikling kwento. - **Urbana at Feliza** (Padre Modesto de Castro) - sanaysay tungkol sa sulatan ng dalawang magkapatid. - **Arte y Reglas de la Lengua Tagala** - Francisco Blances de San Agustin - **Campendio del Arte de la Lengua Tagala** - Francisco Pedro de San Agustin **Ang Panitikan sa Panahon ng Propaganda at Himagsikan** (1872 -- 1898) **Paksa:** pagiging makabayan panunuligsa/panghihimagsik kalagayang sosyal at pangkabuhayan ng mg Pilipino ***Mga halimbawa ng mga akda:*** - **Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog at Pag-ibig sa Tinubuang Lupa** ni Andres Bonifacio - **Mga Aral ng Katipunan at Anak ng Bayan** ni Emilio Jacinto - **Dasalan at Tocsohan** ni Marcelo del Pilar - **Fray Botod** ni Graciano Lopez Jaena - **Noli Me Tangere at El Filibusterismo** ni Jose Rizal - **Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya** ni Hermogenes Flores **Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano** (1900-1941) - Wikang Ingles ang naging wikang panturo. - Ipinilit ang pagbasa at pag-aaral sa talumbuhay ni Lincoln, Washington, Roosevelt at mga pinunong Amerikano. - Ang Bahay Kubo at Leron-leron sinta ay napalitan ng Jack and Jill at iba pang awiting Ingles. ***Mga halimbawa ng mga akda:*** - **El Renacimiento at Muling Pagsilang** ni Lope K. Santos - **Tanikalang Ginto** ni Juan Abad - **Kahapon, Ngayon at Bukas** ni Aurelio Tolentino - DIWANG **ROMANTISISMO** **Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapones** (1941 -- 1945) **1922 - 1934** - panahon ng ilaw at panitik - Unang lumabas ang **LIWAYWAY** na dating Photo News - Naitatag din ang samahang tinatawag na **PANITIKAN** **Paksa:** damdaming makabayan uri ng pamumuhay \- Gintong Panahon ng maikling katha at dulang Tagalog. - Tatlong mahuhusay ng Maikling Kwento - Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes - Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo - Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales **Panulaan:** Haiku at Tanaga **Paksa:** Mga karaniwang nagaganap sa araw-araw na buhay - Naging masigla ang mga dula/stage shows - **Dramatic Philippines** na itinatag nina Narciso Pimentel at Francisco Rodrigo - **Tatlong Maria** ni Jose Esperanza Cruztanging nobela na nailathala. **Paksa:** kalupitan ng mga Hapones kabayanihan ng mga Gerliya \- Nabuksang muli ang mga palimbagan: **\*Liwayway \*Bulaklak** **\*Ilang-ilang \*Sinagtala** Sumigla rin ang mga pahayagang Ingles tulad ng Philippine Free Press, Morning Sun, Daily News, Philippine Herald, Chronicle at Bulletin **Ang Panitikan sa Panahon ng Republika** (1946-1972) - Palanca Memorial Awards for Literature (1950) ni Ginoong Carlos Palanca Sr. Ang kauna-unahang mga nagwagi sa unang taon (1950-1951) ***Maikling kwento:*** 1\. Kwento ni Mabuti - Genoveva Edroza Matute 2\. Mabangis na Kamay... Maamong Kamay - Pedro S. Dandan 3\. Planeta, Buwan, at Mga Bituin - Elpidio P. Kapulong **Dula** (1953-1954) 1\. Hulyo 4, 1954 - Dionisio S. Salazar **Tula** (1963-1964) 1\. Ang Alamat ng Pasig -- Fernando B. Monleon **Ang Panitikan sa Panahon ng Aktibismo** (1970 -- 1972) **Paksa:** paghigimagsik kabulukan ng lipunan at pulitika - **Mga Kabataang bumandila sa panitikang Rebolusyunaryo** 1\. Rolando Tinio 3. Rogelio Mangahas 2\. Efren Abueg 4. Virgilio Almario 3\. Clemente Bautista **Dula, Maikling Kwento at Nobela** **Paksa:** mapangahas ang mga manunulat payak ngunit makatotohanan ang mga salitaan **Pelikula at Komiks** - Nagsimulang lumabas ang mga pelikulang malalaswa/pelikulang bomba **Ang Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan** (1972-1981) **Ang Panulaang Tagalog** **Paksa:** pagkakaisa, tiyaga, ugali, kagandahan, kapaligiran pagpapahalaga sa pambansang kultura **Ang Awiting Filipino** - Tayo'y magtanim, TL Ako Sa'yo - Anak, Ako'y Pinoy **Ang Dula** - Nanguna si Unang Gng. Imelda R. Marcos sa pagbuhay sa Sarswelang Tagalog, Senakulo at Embayoka ng mga Muslim na itinanghal sa Metropolitan Theater, Folk Arts Theater at Cultural Center of the Philippines. **Mga Samahang Pandulaan** \- PETA - Repertory Philippines \- UP Repertory - Teatro Filipino **Ang Radyo at Telebisyon** Dugtungang Tula - Si Matar, Dahlia, Ito ang Palad Ko at Mr. Lonely **Dula sa Telebisyon** \- Gulong ng Palad -- Flor de Luna at Anna Luna \- Superman at Tarzan **Ang Pelikulang Pilipino** - **Mga Palikulang Walang Romansa** (1979) 1\. Maynila.. Sa mga Kuko ng Liwanag (Bembol Roco) 1\. Minsa'y Isang Gamugamo (Nora Aunor) 2\. Ganito Kami Noon... Paano Kaya Ngayon (Christopher de Leon at Gloria Diaz) 3\. Insiang (Hilda Coronel) 4\. Aguila (FPJ, Jay Ilagan at C. de Leon) **Paksa:** balitang pangkaunlaran, pangekonomiko, disiplina, pangkultura, turismo atbp. **Mga Pahayagan** 1\. Bulletin Today 5. Pilipino Express 2\. Times Journal 6. Phil. Daily Express 3\. People's Journal 7. Evening Express 4\. Balita 8. Evening Post **Magasin: Komiks:** 1\. Kislap 1. Pilipino 2\. Bulaklak 2. Extra 3\. Extra Hot 3. Love Life 4\. Jingle Sensation 4. Hiwaga 5\. Klasik 6\. Espesyal **Ang Panitikan sa Panahon ng Ikatlong Republika** (1981-1986) **Panulaang Tagalog** **Paksa:** may pagkaromantiko at rebolusyunaryo, lantarang pagtuligsa sa pamahalaan 1\. Uod -- Rodolfo Salandanan 2\. Pilipinas, Sawi Kong Bayan -- Francisco Rodrigo - **Awiting Filipino** 1\. Laban Na -- Coritha at Eric 2\. Bayan Ko at Pilipino -- Freddie Aguilar - **Pagpapatuloy ng mga pelikula at pahayagan** **Ang Timpalac-Palanca** **TULA:** 1981 -- Taga sa Bato ni Romulo A. Sandoval 1982 -- Odyssey ng Siglo ni Cresenciano Marquez Jr. 1983 -- Sa Panahon ng Ligalig ni Jose F. Lacaba 1984 -- Bakasyunista ni Tomas F. Agulto 1985 -- Punta Blangko ni Mike L. Bigorni **MAIKLING KWENTO** 1981 -- Di Mo Masilip ang Langit ni Benjamin Pascual 1982 -- Tatlong Kwento Ng Buhay ni Julian Candelabra ni Lualhati Bautista 1983 -- Pinagdugtong-dugtong Na Hininga Mula sa Iskinitang Pinagpiyestahan ng mga Bangaw ni Agapito Lugay 1984 -- Sa Kaduwagan ng Pilikmata ni Fidel Rillo Jr. 1985 -- Unang Binyagni Ernie Yang **SANAYSAY:** 1981 -- Sa SarilingPanunuring Pampanitikan; mga Hamon at Pananagutan ni Pedro Ricarte 1982 -- Isang Liham sa Baul ng Manunulat ni Fanny Garcia 1983 -- Ang Kontemporaryong Nobelang Tagalog ni Rosario Torres Yu 1984 -- Mga Tinik sa Dambuhalang Bato ni Lilia Santiago **DULA:** 1983 -- Huling Gabi sa Maragondon ni Renato O. Villanueva **Ang Panitikan sa Kasalukuyan** (1986-kasalukuyan) **Ang Panulaang Pilipino** **Paksa:** tunay na damdamin ng makata, pagpuri at panunuligsa 1\. Giting ng Bayan ni Francisco Rodrigo 2\. Himala ni Bathala ni FR 3\. Lumaya ang Media 4\. Bawasan ang Amortisasyon 5\. Alambreng May Tinik, Bombang Tubig at Usok na Malupit **Ang Awiting Pilipino** 1\. Magkaisa nina Tito Sotto, Homer Flores at E. dela Pena 2\. Handog ng Pilipino sa Mundo ni Jim Paredes **PROGRAMA SA RADYO** **1. DZRH** -- programang "kabayan" **Ang Timpalac Palanca (Setyemre 4, 1986)** **DULA** (Iisahing Yugto) 1\. Bayan Mo -- ni Bienvenido Noriega Jr. 2\. Ang Mga Tattoo -- ni Emmanuel Resurrection **TULA:** 1\. Panahon ng Pamumuksa atbp. Ni Teodoro Antonio **MAIKLING KWENTO** 1\. Ang Damo sa Fort Santiago ni Cyrus Borja **SANAYSAY** 1\. Si Edgardo Reyes ni Rogelio Mangahas **KASAYSAYAN NG NOBELA SA PILIPINAS** **Mga Impluwensiya sa Pagsulat ng Nobelang Pilipino** - Hudeo Errante (1844) ni Eugene Sue - Conde de Montecristo (1844-46) ni Alexanderr Dumas - La Dama de Las Camellias (1848) ni Alexander Dumas - Les Miserables (1862) ni Victor Hugo - War and Peace (1869) ni Leo Tolstoy - L'Assommoir (1877) ni Emile Zol **KASAYSAYAN NG NOBELA SA BAWAT PANAHON** - Panahon ng Kastila - Panahon ng Amerikano - Panahon ng Hapon - Panahon ng Republika (1946-1972) - Bagong Lipunan (1972-kasalukuyan) **Panahon ng Kastila** - Ang Commission Permanente dee Censura ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nailathala upang siguraduhing walang paglaban sa pamahalaang Kastila. - May paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang asal, nasyonalismo at pagbabago. **Mga Uri ng Nobela sa Panahon ng Kastila** - **NOBELANG PANRELIHIYON** na nagbibigay din sa kabutihang-asal. - **NOBELANG MAPANGHIMAGSIK** na nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago, at diwang nasyonalismo. **Mga Halimbawa ng Nobela sa Panahon ng Kastila** (1565-1872) 1. **BARLAAN AT JOSAPHAT** - San Juan Damaceno - isinulat sa wikang Griyego - Padre Antonio de Borja - isinalin sa wikang Tagalog - hinango sa kuwento sa Bibliya 2. **SI TANDANG BASIONG MACUNAT** - Padre Miguel Lucio Bustamante - Inilimbag sa Maynila (1885) - Pumapaksa sa lipunan at relihiyon na nagsasaad ng mga pangaral at pagtupad sa mga tungkulin bilang katoliko 3. **URBANA AT FELIZA** - Padre Modesto de Castro - Tumatalakay sa kagandahang-asal - Binubuo ng 34 apat na liham ng magkapatid na ang isa ay nasa lungsod at ang isa naman ay nasa lalawigan. - Urbana (Urbanidad) - kagandahang-asal - Feliza (Felicitation) - masayahin - Honesto -- katapatan **MGA HALIMBAWA NG NOBELA SA PANAHON NG PROPAGANDA O PANAHON NG PAGGISING NG DAMDAMING MAKABAYAN** (1878-1900) - Ang damdaming makabayan dahil sa pagaalipin at paniniil ng mga dayuhan, labis na paghamak sa mga Pilipino na tinatawag nilang mga Indio, suliranin sa seklurasisasyon at pagmamalabis ng mga taong umuugit sa pamahalaan. - Nagtatag ng mga bagong kilusan sa pulitika at naging mapanuligsa ang panitikan. - Naging makabayan ang dating diwang makarelihiyon na humihingi ng mga pagbabago sa pamamalakad ng mga tauhan ng pamahalaan at simbahan. 1. **NOLI ME TANGERE** - Isinulat ni Dr. Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda na tumatalakay sa mga kabulukan sa lipunan. - Nailimbag sa bansang Berlin noong Pebrero 21, 1887 - "Huwag Mo Akong Salingin" 2. **EL FILIBUSTERISMO** - Nailimbag noong Setyembre 18, 1891 na sinimulang isulat ni Rizal sa bansang Belgium. - Inialay niya ito sa tatlong paring martir, GomBurZa (Gomez, Burgos, Zamora). - "Ang Pagsusuwail" - Tumatalakay sa maling pamamalakad ng pamahalaan at simbahan, depekto ng edukasyon sa kapuluuan, paniniil ng mga mapagsamantala at pagnanasang pakinggan ng mga may kapangyarihan ang hinaing ng bayan. 3. **ANG ANAK NG PRAYLE** - "La Hija Del Fraile" - Isinulat ni Graciano Lopez Jaena. - Nang-uuyam sa mahalay na gawain ng mga prayle 4. **NINAY** - Isinulat ni Padre Paterno - Kauna-unahang nobelang panlipunan sa Kastila na isinulat ng isang Pilipino. - Pangkaugalian o pangkaasalan ang nais nitong pairaling layunin **PANAHON NG MGA AMERIKANO** (1990 -- 1941) - Sa panahong ito'y naging mas malaya ang mga Pilipino na nagdulot sa pagdami ng mga babasahin, pagkakaroon ng kalayaan sa pagsasalita, sa pahayagan, at sa paniniwala. - Ang mga manunulat sa katutubong wika lalo na sa Tagalog ay naging masigla. ***Mga Halimbawa ng Nobela sa Panahon ng mga Amerikano:*** 1. **SALAWAHANG PAG-IBIG** - Sinulat ni Lope K. Santos - Nailathala sa pahayagang ***"Ang Kaliwanagan"*** noong tapng 1900. 2. **UNANG BULAKLAK** 3. **SI ROSA AT VALERIO** 4. **NENA AT NENENG** 5. **KAPATID NG BAYAN** - Sinulat ni Valeriano Hernandez Peña 6. **PAGSINTANG NALUOY** - Sinulat ni Modesto Santiago 7. **MAG-INANG MAHIRAP** - Nailathala sa pahayagang ***"Muling Pagsilang"*** noong 1903. 8. **BANAAG AT SIKAT** - Sinulat ni Lope K. Santos - ***Kauna-unahang nobelang nagbandila ng sosyalismo sa Pilipinas*** 9. **ANINO NG KAHAPON** - Sinulat ni Francisco Lacsamana 10. **PINAGLAHUAN** - Isinulat ni Faustino Aguilar noong 1907. - Inilarawan dito ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Sagana rin ito sa paglalarawan ng kapangyarihan ng salapi at kayamanan. Dahil sa dami ng papuring tinanggap ng nobela, tinawag ni Iñigo Ed Regalado si Faustino Aguilar na ***"Alejandro Duma ng Panitikang Tagalog"*** at tinawag naman siya ni Amado V. Hernandez na ***"Bagong Propagandista."*** 11. **MGA BUSABOS NG PALAD** - Isinulat ni Faustino Aguilar noong 1909. - Ito'y tungkol sa isang babaeng naging kalapating mababa ang lipad dahil sa kagagawan ng isang lalaki. Siya'y nailigtas ng kaniyang kasintahang wagas na umiibig sa kaniya. **TATLONG PANAHON NG REHIMENG AMERIKANO** 1. **PANAHON NG AKLATANG BAYAN** (1900 - 1921) - Naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksain tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay lalawigan, at karanasan. - Inilalathala sa mga pahayagan ang mga nobela na payugto-yugto o kabanata. - Si Lope K. Santos, ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong paglalathala. 1. Ang Kapatid ng Bayan 2. Muling Pagsilang 3. Ang Kaliwanagan 1. Salawahang Pag-ibig 2. Unang Bulaklak 3. Nena at Neneng 4. Mag-inang Mahirap 5. Sampaguitang Walang Bango 2. **PANAHON NG ILAW AT PANITIK** (1922 -- 1934) - Hindi naging maunlad ang nobela at nahalina ang mga nobelista na sumulat ng tula at maikling kwento. ***Mga Halimbawa ng Nobela:*** - Mutyang Itinapon ni Rosalia Aguinaldo - Magmamani ni Teofilo Sauco 3. **PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN** (1922 -- 1934) - Bumaba ang uri ng nobela dahil sa pagkakahilig ng mga tao sa maikling kuwento at pagbabago ba rin ng panahon. **PANAHON NG HAPON** (1941 -- 1945) - Sa panahong ito, ang paksa ng mga akdang pampanitikan ay buhay lalawigan. - Naging mapalad ang panitikan dahil kay KINICHI ISHIKAWA na tumulong sa pagpapaunlad ng mga gawaing kaugnay ng panitikan at kultura. Hindi naging maunlad ang nobela dahil sa kakapusan ng papel na magagamit sa pagpapalimbag. 1. **TATLONG MARIA** \- ni Joseph Esperanza Cruz 2. **PAMELA** \- ni Adriano Laudico 3. **MAGANDANG SILANGAN** 4. **SA LUNOD NG PANGARAP** \- ni Gervacio Santiago 5. **LUMUBOG NA BITUIN** \- ni Isidro Z. Castillo 6. **LUHA NG BUWAYA** 7. **MGA IBONG MANDARAGIT** \- ni Amado V. Hernandez 8. **DALUYONG** **-** ni Lazaro Francisco **PANAHON NG REPUBLIKA** (1946 -- **Hanggang Kasalukuyan**) - Sa panahong ito ay nabuhayan ng loob ang mga manunulat. - Nagkaroon ng kasaganahan lalo na sa papel sa mga panulatan. - Sa ikalawang hati ng **dekada '40** namalasak ang tungkol sa pag-ibig. ***Mga Halimbawa ng Nobela:*** 1. **SA KUKO NG KASALANAN** \- Cirio G. Almario 2. **HANGGANG PIER** \- ni Mateo Cruz Cornelio 3. **TINIK NG PAGSISISI** \- ni Antonio Sempro 4. **MAY LANDAS ANG KALIGAYAHAN** \- ni Maximo Agustin 5. **LAHAT NG ISANG PAG-IBIG** \- ni Macario Pineda - Ang **dekada '50** ang maituturing na panahon ng pagpapakilala sa masa bilang pinakamalakas na puwersa sa politika. ***Mga Halimbawa ng Nobela:*** 6. **PAGKAMULAT NI MAGDALENA** - ni Alejandro A. Abadilla (1958) 7. **ANG TUNDO MAN MAY LANGIT DIN** - ni Andres Cristobal Cruz 8. **MGA IBONG MANDARAGIT** - Ni Amado V. Hernandez (1959) - Ang **dekada '60** ay simula ng protesta. Sa unang tatlong taon ng 1960 ay nanatili ang mga sintahang tema, ang tradisyonal na nobela, samantalang sa kalagitnaan ay nagsimula na ang pakikilahok sa pagmumulat tungkol sa mga problemang kinakabaka ng maraming mamamayan. ***Mga Halimbawa ng Nobela:*** 9. **LUHA NG BUWAYA** - ni Amando V. Hernandez (1962) 10. **SA MGA KUKO NG LIWANAG** - ni Edgardo M. Reyes (1967) 11. **DUGO SA KAYUMANGGING LUPA** - ni Efren R. Abueg (1965) - Sa **dekada '70** naging magiting ang pamumuno sa lipunan. ***Mga Halimbawa ng Nobela:*** 12. **MGA BUWAYA SA LIPUNAN** - ni Celso Al. Carunungan 13. **SATANAS SA LUPA** - ni Celso R. Carunungan (1971) - Ang **dekada '80** ang sinasabing panahon ng Bagong Republika. Ang nobela sa panahong ito ay na sa pamantayang komersyal lalo na iyong isinulat na ang pananaw ay nakatuon sa pagkakapili nito upang maisapelikula. ***Mga Halimbawa ng Nobela:*** 14. **GAPO** - ni Lualhati Bautista (1989) - Tumatalakay sa pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino sa ilalim ng batas militar upang sa ating bayan ay makatanggap sila ng pagtatratong kapantay ng mga dayuhan. 15. **HULAGPOS** - ni Manio de Verdades Posadas - Tanging palihim na nobelang nailathala sa ***panahon ng pag-iral ng batas militas.*** 16. **DEKADA '70** - ni Lualhati Bautista - Tinatalakay dito ang mga pangyayaring kaugnay ng pagdedeklara at pag-iral ng batas-militar. Tinawag itong isang uri ng ***developmental journalism.*** **KALIGIRAN AT PAG-AARAL NG NOBELANG TAGALOG: PANIMULANG -- SURI** **PANIMULA** - Nakagugulat ang pagsilang ng Nobela bilang sangay ng Panitikang Tagalog. Sukat nang nailathala nang de-serye sa pahayagang "Ang Kaliwanagan" ang nobelang "Salawahang Pag-ibig" na isinulat ni Lope K. Santos noong taong 1900. **PANIMULA** - Pagkaraan ng dalawang dekada mula noong 1900 ay agad nang ipinakilala at iwinagayway ni Inigo Ed. Regalado ang gintong panahon ng nobelang Tagalog. - Ang Nobela ay tiyakang isinilang sa unang bahagi ng ika-20 dantaon kasabay ng impluwensiya ng Estados Unidos sa Pilipinas. - Taglay nito ang mga katutubong sangkap ng panitikang-bayan mula sa panahon ng kolonyalismo. 1. **BUKAL NA KATUTUBO** - Malaki ang kaugnayan ng nobela sa matandang panitikang pasalaysay, gaya na lamang ng mga alamat at kuwentongbayan. - Ang mahaba, maligoy at waring pinagtagni-tagning pangyayari sa isang nobela ay maiuugnay sa pakikipagsapalaran ng mga maalamat na bayani sa awiting pasalaysay. - Ang paglalagom naman ng karanasan sa pamamagitan ng aral sa buhay ay nakaugat sa mga kuwentong-bayan, salawikain at iba pang karunungang-bayan. **DE KAHONG-TAGPO** - Ang ilang namumukod na katangian ng nobela na tuwirang nasuso sa panitikang kolonyal ng bansa ay may mga posibleng simula sa mga bukal na katutubo. *Halimbawa*, isang de-kahong tagpo sa nobela ang istematikong pagtatanghal ng tunggalian ng dalawang idea. - Labis na magiliw ang taumbayan sa mahahabang pagtatalo at pingkian ng katwiran. - Nasa pag-iral ng ganitong tradisyon ang sanhi ng pagbubuhos ng nobelista ng lahat ng kanyang kaalaman at pagsasaliksik sa mga tagpo ng maiigting na pingkian ng damdamin at talino. **TAUHAN BILANG ARKETIPO** - Karamihan sa mga tauhan sa nobela ay hindi nalalayo sa mga tipo sa matandang panitikan anupa't hinuhugot sila mula sa matatandang gunita ng lahi na mistulang mga sinaunang arketipo. ![](media/image2.png)**MATANDANG KARANASAN** - Kailangang maimbestigahan pa ang sinaunang karanasan ng lahi upang lalong mapatingkad ang ganitong pagsuysoy sa batis na katutubo sa panitikan. - Maging ang pagsisiyasat sa mga limot na pamahiin at paniniwala sa mga ugat na panlipunan at pangkabuhayan nito ay makadaragdag sa saligang bukal na katutubo ng nobela. 2. **BUKAL NA KRISTIYANO** - Ang karanasan ng Pilipinas bilang kolonya ng Espanya ay lubhang makabuluhan sa naging pasimula ng nobelang Tagalog. - Ang yugto ng kolonyalismong Espanyol ay naging mayamang bukal ng materyales para sa iba't ibang akda hanggang ngayon. - Mahalagang sagisag o patunay sa Kristiyanong daloy ng nobela ang pagkakalimbag ng aklat na "Aral na Tunay na Totoong Pag aacay sa tauo, nang manga cabanalang gaua nang manga, maloualhating Santos na si Barlaan at Josaphat" noong 1712 bilang unang aklat na pasalaysay sa Pilipinas. **TAGAPAGPAUNA NG NOBELA** - Noong ika-19 dantaon ay dalawang mahalagang orihinal na akda ang maihahanay na tagapagpauna ng nobela. 1. "Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza" na nagtuturo ng Mabuting Kaugalian (1854) na isinulat ni Presbitero D. Modesto de Castro. ❑ Ginamit sa akda ang pagsusulatan upang mapatakbo ang salaysay o kaya'y ng liham upang mailunsad o malutas ang isang suliranin. 2. "Si Tandang Basio Macunat" (1885) ni P. Miguel Lucio Bustamante. Ang akda ay isang ilustrasyon ng isang kolonyal at feudal na paniniwalang nais itanim sa isip ng mga Indio ng mananakop na Espanyol. ❑ Ginamit sa akda ang salaysay-sa-loob-ng-isang-salaysay. ![](media/image3.png)**KAAYUSANG PANDAIGDIG** - Mula sa mga bukal na Kristiyano, ang konsepto ng kaayusang pandaigdig ay isang makapangyarihang daloy na umuugit sa nobelang Tagalog. - Magmula sa kauna-unahang nobelang isinaaklat, ang ***"Ang Kasaysayan ng Magkaibigang si Nena at si Neneng"*** (1903) na isinulat ni Valeriano Hernandez Pena, hanggang sa mga akda nina Rosalia L. Aguinaldo, Fausto Galauran, Susana C. de Guzman, Nemesio Caravana at marami pang iba, ang mga banghay at balangkas ng nobela ay naaayon sa pormularyo ng kaayusang pandaigdig. **Mutyang Itinapon ni Rosalia L. Aguinaldo:** - "Datapuwa't Elino, ang palad ng tao'y hindi siya ang nakagagawa kundi ang tadhana at katalagahan. Ako'y umaasang patatawarin mo ako, yamang batid mo nang katungkulan kong talaga ang ako'y maging kapoot-poot at kasuklam-suklam sa iyo..." - Ang naturang konsepto ay umiikot sa mga paniniwalang ang lahat ng bagay at pangyayari ay talaga ng Diyos, ang bawat tao ay may sinusunod na guhit ng palad, kaya dapat na sumunod sa kanyakanyang tadhana. - Sa ganitong **pananaw-sa-daigdig**, ang buhay ng tao ay naiwawangis sa gulong ng kapalaran: minsang mapaibabaw at minsan nama'y mapailalim ayon sa suwerte ng tao. - Noong taong 1912, ang aklat na "**Hindi Talaga ng Diyos**" ni Lope K. Santos ay maituturing na isang manipesto laban sa konsepto ng kaayusang pandaigdig. Binatikos niya ang sinaunang paniniwalang ayon sa karanasang kolonyal ng sambayanan. ***Wika niya:** Nahanap ko ang salaysaying ito, sapagkat sa pag-aaral sa madlang suliranin ng ating bayan, ay aking napaghulo na karamihan ng mga kasawiang-palad na ating dinanas na, dinaranas at marahil daranasin pa, ay tunay na bunga ng maling paniniwalang "lahat-lahat na'y dapat iukol sa Diyos." Yaong lalong matataos umibig at mataimtim magsigalang sa kapangyarihan ng sinasamba nilang Diyos, walang kamalay-malay ay siyang lalong nakakalapastangan sa pag-aakalang "walang nangyayaring hindi kaloob ng Diyos."* **NAKIKIALAM NA TAGAPAGSALAYSAY** - Ang **maalam-sa-lahat** na tagapagsalaysay ay isang kasangkapan upang matularan ng may-akda ang kapangyarihang panlahat ng Maykapal. Sa pamamagitan ng naturang taktika ay nagkakaroon siya ng ganap na kontrol sa mga pangyayari sa loob ng nobela. **BIRO NG TADHANA** - Kaugnay ng "pakikialam" ng tagapagsalaysay ay ang pagkakaroon ng mga aksidente sa takbo ng istorya: mga pangyayaring pilit o kaya'y pasiya ng tauhan. Maraming nagaganap sa istorya na mahirap paniwalaan at kulang sa kapanipaniwalang paliwanag ng nobelista. - Sa pananaw ng mga naunang nobelista, kung parang pinagtiyaptiyap man ang mga insidente, kung maging kataka-taka ang kilos ng mga tauhan, kung parang "palusot" lamang ang kalutasan ng problema, ay talagang ganoon ang "biro ng tadhana." Ang hiwaga at lihim ng Diyos na dakila ay talagang mahirap matarok. ***Puna ni Dionisio San Agustin sa katha ni Rosalia L. Aguinaldo:*** - *May kahirapan din yatang mangyari na ang isang matandang Ikang na kilala sa katigasan ng puso at hindi sinagian ng kaunting habag sa puso ng kanilang anak na nagdurusa, hindi man pinagtapatan ng sanhi ng pagkakasakit ni Elino, ay matalos pagkatapos na ito'y sa kanyang pagkakamali at kasalanan at humingi ng kapatawaran sa anak?* ![](media/image3.png)**MATIMYAS NA LARAWAN** - Ang bawat bagay ay "sinadyang magkagayon ng Maykapal" at ang tungkulin ng manunulat ay "pahalagahan ang kagandahan ng sangkalupaan." - Ang daigdig ay tinitingnan sa wikang Ingles na "kulay rosas na salamin." Kung mabahiran man ng lungkot at lagim, nakatitiyak na ito'y magwawakas sa isang magandang tagpo. - Sa kasaysayan ng nobelang Tagalog, ang paghahari ng ganitong kaisipan ay nakasagabal sa pag-unlad ng nasabing larangan. Umikot lamang nang umikot sa iisang paksain at modelo ng pagsasalaysay **KONSEPTO NG PAG-IBIG** - Namutiktik ang nobela sa mga istorya ng pag-ibig, lalo na ang mga de seryeng nobelang popular. - Buhay pa hanggang ngayon ang mga halaw sa mga romance hinggil sa mga kabalyero nina Haring Arthur at Emperador Carlomagno o kaya'y ang pag-iibigang ala-Romeo at Juliet. - Mahalaga sa uring ito ng literatura ang pagtanaw sa pag-ibig bilang makapangyarihang lakas na nakapagpapakilos sa bawat nilikha. - Nasa dami ng luhang umagos sa mata ng pangunahing tauhan ang "tindi" ng madudulang tagpo sa akda, maging iyon ay sarsuwela, korido, tula o nobela. ***Halimbawa:*** sa isinulat ni Pascual Poblete na ***"Patnubay ng Pagsinta"*** noong 1992, ay matatagpuan ang ***"Sampong Palatuntunan nang Binata't Dalaga"*** at ganito ang ipinangangaral: - Ang pagsang-ayon sa sariling palad ang siyang pumapatnubay sa pagkakamit ng ligaya. - Ang kasakima'y "verdugo" ng mga damdaming mahal. - Magaling ang kaligayahan pagka nasasang-ayon sa mahusay at magandang kaasalan. - Ang kaparangalan ay galak lamang ng napakaliit na mga puso. - Lalo pang mabuti ang tumungo sa ikarurukha ng pamumuhay ng katawan, kaysa ikapangguiguipuspos ng kaluluwa. - Ang mga luha'y lunas na umaaliw at lumilihis sa lahat ng mga sugat, nagpapahupa ng pighati at dumasalisay ng mga damdamin. - Mithi ng salaping siya ang maghari sa daigdig, datapuwat sa mga taong marunong magdamdam, ang kaniyang kapangyariha'y hindi lumalampas sa taning na guhit ng matuwid. Nakapagbibigay lugod sa mga mata ang salapi, datapuwat sa may wagas na puso'y hindi nakapagpapalihis sa paglakad sa landas ng mahal na asal. ![](media/image3.png)**KABABALAGHAN AT KATOTOHANAN** - Ang salitang "romansa" ay nagkaroon ng pakahulugang Filipino batay sa mga kathang nagpayabong nito. Una'y kasingkahulugan ito ng salaysay ng pagmamahalan. - Malimit ding tinatawag na "bawal na pag-ibig." Kung ang bawal na pag-ibig ay may kahirapang lutasin, nakatitiyak na makikialam sa kapalaran ng mga tauhan ang maykatha. - Sa ibang mga salita, ang "romansa" ay may kaugnayan sa matamis, matimyas at lipos luwalhating pagtatanghal ng buhay. Sa ganitong idealistikong presentasyon ng daigdig, ganito ang sasapiting kapalaran ng mga tauhan: ang mabait at matiisin ay magkakamit ng gantimpala at ang masama at suwail ay tatanggap ng parusa. - Nagiging mahalaga sa maykatha ang layuning "umaliw" sa mambabasa kaya iniiwasan nila ang mga detalyeng masakit sa mata o makasugat damdamin ng lahat. - Sagana ang kulturang Pambansa sa mga materyales ng kathang kababalaghan, mula sa mga anting-anting, diwata, aswang, kapre, tiyanak, tikbalang, multo, nuno sa punso at samot-saring pamahiin. - Nadagdagan pa ito ng mga engkantada, duwende, bruha, nimpa, Cinderella, Sleeping beauty, magic carpet, dragon, mahiwagang lampara at iba pang bungang-isip mula sa ibang bansa. - Ang patuloy na paggamit ng kababalaghan ngayon, hindi lamang sa nobela kundi sa komiks, pelikula at iba pang makabagong media, ay nangangailangan ng panibagong pagsusuring pangkultura at pangkabuhayan. - Ang mga unang nobelang kababalaghan sa Tagalog ay mga hango at halaw sa alamat at babasahin noong Panahon ng Espanyol. - Pagkaraan, nailathala ang ilang nobelang ang tagpuan ay sa kasalukuyan, tulad ng mala-Jekyll-at-Hyde na nobelang "Dr. Satan" (1945) ni Mateo Cruz Cornelio. - Marami rin sa mga nobela ng kababalaghan ang naglalaman ng mga mensaheng pampananampalataya. Walang tumatalakay sa mga pangyayaring panghinaharap -- liban na lamang sa akdang **"Pagkamulat ni Magdalena"** noong 1958 na isinulat nina Alejandro G. Abadilla at Elpidio Kapulong. - Isa si ***Macario G. Pineda*** sa mga manunulat na inaasahang magpayabong ng mga katha ukol sa kababalaghan. 3. **BUKAL NA REALISTA** - Sa bahaging ito'y mahalagang talakayin ang mga nobelang higit na nakakawili sa makabuluhang karanasan ng mga Filipino. **NOBELANG MAPAGPALAYA** - Nitong mga unang dekada ng ika-20 dantaon, sa ilalim ng pananakop ng Estados Unidos, inilahok ng maraming manunulat ang kanilang panulat tungo sa isang panitikang mapagpalaya. - Ang nobela ay hindi gaanong nalinang tungo sa adhikahing mapagpalaya sanhi ng mga sumusunod na dahilan: 1. Ang nobela ay isang bagong larangan at nangangailangan pa ng malawak na karanasan upang lubusang mahubog ng manunulat tungo sa makalipunang layunin. 2. Magastos ang paglilimbag ng isang akda at nangangailangan ng malaking puhunan upang makapagkalat ng maraming sipi para sa maraming tao. 3. Ang larangan pabigkas, sa dula at tula. ![](media/image3.png)**IMPLUWENSIYANG BANYAGA** - Kapag sinuysoy ang bukal na pampanitikan ng makalipunang pagsusulat, walang gaanong mababanggit na akdang Filipino sa mga nakaraang dantaon. - Maaring ituring na mohon ang espiritung makalipunan ng Florante at Laura, tulad ng inspirasyong nakuha rito ng mga propagandista. - Sa pagsisimula ng nobelang Tagalog, hindi mapasusubalian ang naging impluwensya ng mga akda at kaisipang Europeo na nabasa ng mga manunulat ng bansa sa wikang Espanyol. - Hindi rin malayo na ang pilosopikong batayan ng realismo sa nobelang Europeo ay nabasa at humubog sa pananaw sa daigdig ng mga nobelistang tagalog. **PAKSAING MAKABANSA** - Sa bagay na ito, isang nangungunang paksa sa nobela ang pagbabalikwas ng mga Filipino laban sa dayuhang mananakop. Kayakap nito ang kaisipang makabansa, pagmamahal sa minanang kultura at pagnanais sa ganap at walang pasubaling pagsasarili. - Maaaring turulin na ang paggamit ng mga karanasan sa panahon ng Espanyol upang magpahayag ng kaisipang mapagpalaya at makabansa ay bunga ng dalawang bagay: ***Una**, sariwa pa ang naturang karanasan sa alaala ng mga nobelista, at ito'y lipos na halimbawa ng kagitingan ng ating mga bayani na nararapat papurihan.* ***Pangalawa**, ito'y isang paraan din ng pag-iwas sa sensura at pagbabawal ng mga bagong panginoon, na tahasang nangangampanya laban sa mga ideang kontra-Amerikano.* ![](media/image3.png)**PAKSAING AGRARYO AT PANG-OBRERO** - Ang labis na pagpapatubo sa utang, pangangamkam ng lupa ng mga mangmang na magsasaka at iba pang malalaking suliraning agraryo na nangangailangan ng reporma ay natatalakay sa lahat halos ng mga nobelang makalipunan na ang tagpuan ay kanayunan. - Sa ganitong karawal na sitwasyon, ang mga nobela ay hindi nawawalan ng inihaharap na solusyon. - Ang mga naturang nobela ay hindi nagkakasiya sa pagtalakay sa isang pangunahing problemang panlipunan lamang. **PAKSAING SOSYAL** - May mga nobela ring pumapansin lamang sa kabulukan ng panlipunan at sa indibidwal na pakikibaka ng mga tao upang makaahon sa kahirapn. - Noong ngang unang dekada ng ika-20 siglo ay naging tampulan ng puna ang pagsipot ng maraming Kabaret, kaalinsabay ng pagbabagong-bihis ng lungsod. - Pagkaraan naman ng ikalawang pandaigdig, ang naganap na pinsalang pangkabuhayan at kaguluang panlipunan ay tinalakay din ng mga nobelista. - Nitong ikalima at ikanim na dekada ay sumulpot pa ang nobelang naglalantad sa kaharasan at kadiliman ng buhay sa Tundo. - Ang Tundo ay isang bahagi lamang ng "gubat ng lungsod" na pinamamayanihan ng kaisipang "kaniya-kaniyang" sikwat at matira ang matibay. ![](media/image4.png)**IMAHEN NG PAGBABAGO** - Sa ganitong pagsusuri ng lipunan, ang nobelista ay madalas na lumikha ng mga pangitain o imahen ng inaasahan na pagbabago. - May mga nobela namang idinadaanan lamang sa pahiwatig ang inaasam ng pagbabago. Mapapansin pa na ang pinakapaboritong imahen ng pagbabago ay liwanag at tubig. - Ang mga tagapagdala naman ng pagbabago ay may imahen ng pagdurusa bilang biktima ng mga tagapagtanggol ng status quo o umiiral na kalagayan. - Mapapansin din na ang mga bayani ng katubusan ay may bahid ng pagiging intelektuwal, maaring isang guro, manunulat, propagandista, estudyante at propesyonal. **NAIIBANG BAYANI** - Sa bandang katapusan ng unang unang hati ng ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan ay nagkakaroon ng bagong uri ng tauhang-bayani. - Naiiba na ang mga bayaning ito sa padakilang paglalarawan ng mga bayani sa simula ng nobela. ![](media/image5.png)**TATSULOK NG PAG-IBIG** - Ang tatsulok ng pag-ibig, tulad sa karaniwang tatsulok sa mga popular na katha, ay maaaring buuin ng isang babae at dalawang lalaki na ang isa ay mahirap at ang pangalawa ay mayaman gaya sa pinaglalahuan. - Samantalang ang popular na nobela ng pag-ibig ay interesado sa pagsubaybay sa salimuot at komplikayson ng pagbabanggaan ng tatlong panig ng tatsulok. - Ang mga nobelang makalipunan ay higit na tumuturol sa mga batayan at implikasyong panlipunan ng bawat insidenteng maganap sa tatsulok. **DAGDAG NA ADYENDA SA PAGSUSURI** - Kailangan pang siyasatin ang kaugnayan ng nobela sa mga higit na nakatatandang anyong pampanitikan, lalo na sa dula at tulang pasalaysay. - Kailangan pang kilatisin ang pagbabagong naganap sa loob ng nakaraang siglo sa nobela. - Bukas din ang larangan sa pagsusuri ng buhay ng kanilang pananaw na panlipunan. - Ang paggamit ng kritika ay isa pang mayamang bahagi ng nobela. - Kailangang malitis mabuti ng pagsusuri ang ginagawa ngayong pagbubukod ng "nobelang pampanitikan" sa "nobelang popular."